Lokal Na Pag Aaral

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pandaigdigang Kodigo ng Etika Para sa Turismo nina Bb.

Brenda Jean Postrero,


Bb. Leonida B. Villanueva, Bb. Erlinda V. Garcia, Gng. Pinky Jane S. Tenmatay, at Rena
Navarra-Bondame, Oktubre 2004

Ayon sa pag-aaral ng mga mananaliksik na ito, kinakatawan ng turismo ang


mahalagang puwersa para sa kapayapaan at salik ng pakikipagkaibigan at unawaan sa
mga tao ng mundo. Ang unawaan at pagtataguyod ng pagpapahalagang moral na
karaniwan sa sangkatauhan, na may saloobing pagpaparaya at paggalang sa ibat
ibang mga paniniwalang panrelihiyon, pilosopikal at moral, ay kapwa batayan at bunga
ng responsableng turismo; ang mga namumuhunan sa pagpapaunlad ng turismo at
mismong mga turista ay dapat bigyang-pansin ang mga tradisyong panlipunan at
kultural at mga kinagawian ng lahat ng tao, kabilang yaong mga minorya at mga taong
katutubo at kilalanin ang kanilang kahalagahan.
Marapat lang din na gawin ang turismo bilang behikulo para sa kaganapang
pang-indibidwal at panlahat. Ang paglalakbay para sa mga layunin ng relihiyon,
kalusugan, edukasyon at kultural o mga palitang linggwistiko ay kapaki-pakinabang sa
anyo ng turismo, na nararapat pasiglahin pati na ang pagsasama sa kurikula ng
edukasyon ng kahalagahan ng palitan ng turismo, ang kanilang kapakinabangang
ekonomiko, sosyal at kultural, at gayundin ang kanilang panganib.
At para mas higit na makatulong, ang mga pamayanan na kinaroroonan ng mga
yamang turismo ay may higit na karapatan at pananagutan sa kanila dahil ang turismo,
ay isang gawaing kapaki-pakinabang sa bawat bansa.

You might also like