Arteta-Nabangue FINAL TESIS 2023
Arteta-Nabangue FINAL TESIS 2023
Arteta-Nabangue FINAL TESIS 2023
INTRODUKSYON
Ayon kay Reyes (1977), bilang isang mambabasa, maaari kang makalikha
ng mga kahulugan. Hindi magiging buo ang mundo ng wattpad kung walang
tumatangkilik nito at bilang produkto ng kulturang popular patuloy ang
pagtanggap ng mga tao sa mga ito lalong-lalo na sa kabataan. Sa katunayan,
naging bahagi na ito ng paraan ng pagpapahayag at pananalita ng isang
wattpadder. Dahil dito, ang isang wattpadder ay masasabing may iba’t ibang
epekto na naihahatid sa mga tao. Kaakibat naman ng teoryang ito ang teorya ng
Rational Decision-Making Theory ni Neil Smelser na nagsasabing ang desisyon
ng mga tao ay nakabatay sa sariling gawi at kaugalian nila maging sa kondisyon o
lagay ng isang sitwasyon. Sa teoryang ito papasok ang dahilan at genreng
kinahihiligan ng mga nagbabasa na makikita sa wattpad app.
Gayunpaman, sa huling banda ng Cold War ang terminong ito ay hindi pare-
parehong ginamit nang maayos. Ang awtor na science fiction na si Olaf Stapledon
ay gumawa noong 1939 ng isang sistematikong pagtatangka upang ilagay ang
isang salita sa perspektibo ng panitikan at kalaunan sina J.R.R Tolkiem, C.S.
Lewis at Ursula K. Le Guin ay nagpumilit patungo sa mas banayad na
pagkakaiba ng escapism. Ang nakikitang malikhaing pantasya ng escapism sa
pagpapakahulugan ng isang mambabasa ay ginagamit lamang bilang pampalipas
oras sa realidad ay nagiging mas mataas anakronismong pananaw. Sa halip, ang
pantasyang panitikan ay lumikha ng malayang espasyo na maaaring mas
makakuha ng panibagong perspektibo. Lumabas sa pag-aaral na ginamit nina
Lewis at Tolkien ang mala-pantasyang mundo para ikonsidera ang katotohanan.
Figyur 1.
Iskema ng Paradaym ng Pananaliksik
11
Kaya hindi sa lahat ng panahon naibibigay ng isang wattpad app ang nais
ng isang makabagong kabataan dahil paiba-iba ang ninanais nito ngunit sa
pamamagitan ng madalas na paggamit ng isang wattpadder ang kanyang nababasa
sa pang-araw-araw na pamumuhay, lalong-lalo na kung ang kausap nito ay may
kahintulad nitong interes mas mapapalaganap ang panitikang Pilipino, gayundin
ang pag-intindi ng kani-kanilang henerasyon batay sa kanilang nababasa
12
Ang komunikasyon naman ayon kina ayon kina Barker at Barker, (nasa
Santos at Hufana, 2008, p.118) ang komunikasyon ay isang proseso kung saan ang
dalawa o higit pang elemento ng isang sistema ay nagkakaroon ng interaksyon
upang matamo ang nais na kalabasan o hangarin. Ibig iparating nito na ang
pagkakaunawaan ng isang tao sa lipunan ay nabubuo dahil naipapahayag nito sa
bawat isa ang kani-kanilang mga ideya, saloobin at ang komunikasyon ang
bumubuo nito.
Hindi isinilang ang isang tao sa mundong ibabaw na magmukmok lang
habambuhay, kailangan niyang makisalamuha sa kapwa. Ika nga “No man is an
island.” Ito ang dahilan kung kaya ang tao ay patuloy na nakikisalamuha sa iba
para mabuhay. Ang patuloy na pag-unlad ng tao ay dahil sa kanyang pakikipag-
kapwa na gamit ang wikang alam. Ang isang tao ay hindi mabubuhay nang mag-
isa lamang, kaya ang kaparaanan niya ay maghanap ng kasama at makakasama.
Dito umusbong ang pangangailangan niya para makipagkomunikeyt na gamit ang
wikang alam niya. Sa pangkalahatan, masasabing dahil sa tatlong aspetong
nabanggit hindi nakapagtataka na nagkakaroon ng pagpapalitan ng komunikasyon
ng mga wattpadder at sa mga sinasambit nitong mga salita mula sa nababasa nila
sa wattpad nadadala nito lalo na sa ang kulturang kinagisnan ng isang manunulat
na wattpader.
13
makisali ang isang pangkat ay nararapat lang na tanggapin ang iba na may sariling
moral, politikal at kultural na pamumuno. “Emergent literature is the wave of
future, the alternative literary hegemony indeed - because it is on the side of
the people. Kaya, kahit marami mang pinagdaaanan ang literatura ng Pilipinas
simula pa noong panahon ng katutubo, hindi maiakakaila na patuloy itong
yumayabong lalo na sa pagdating ng teknolohiya na mas napadali at napagaan ang
paghahanap at paggamit nito. Isa na ang wattpad app sa tumutulong na
maengganyo ang mambabasa na magbasa nga mga kuwentong Pilipino at
mahikayat na ring magsulat ng panitikang Pilipino. Halimbawa nito ay ang mga
tanyag na awtor na karamihan ay naisapelikula ring mga katha, sina Maxine Lat
Calibuso, Abigail De Tina Lata at Jonahmae Panen Pacala. Mga username nila
ito sa nasabing app na binubuo ng isang komunidad ng manunulat sa Pilipinas at
sa buong mundo.
14
Figyur 2.
Pinagkunan ng datos
TSAPTER 2
ANG WATTPAD TUNGO SA KASALUKUYANG HENERASYON
Ang Wattpad ay isang online storytelling community na ang mga user ay nagpo-
post ng mga kani-kanilang gawang akda, halimbawa nito ay kuwento na maaaring
masulat at mabasa sa website o mobile app. Ang user-generated content ay
isinusumite sa mga manunulat sa lahat ng antas ay binibigyan nang pagkakataon para
magsulat na may posibilidad na maging tanyag na katha. Maaari ring magkomento at
mag-like sa mga kuwento o sumali sa isang grupo na nakaangkla sa website. Halos
kalahati ng mga gumagamit ay nakabase sa Estados Unidos at iba naman ay
Australia, UK, Canada, Pilipinas at marami pang iba. Makikita sa ibaba ang larawan
ng tagapagtagtag.
Figyur 3.
Mga Tapagtatag ng Wattpad
Ang larawan sa itaas ay ang mga tagapagtatag ng wattpad app sina Allen Lau
at Ivan Yuen pero bago ito makilala sa taong 2006 ay dumaan muna ito sa ilang
proseso. (https://brainstation.io/magazine/a-brief-history-of-wattpad) . Nagsimula ito
noong 2002 nang nagsimula silang nagtayo ng isang mobile gaminng company na
Tira Wireless. Si Lau ay nakabuo ng isang mobile reading platform sa kanyang
bakanteng oras sa kanyang Nokia na selfonm isang aparato na ang makikitta lamang
ay limang linya sa isang teksto sa isang beses.
26
Dahil dito, nagalak lalo ang mga Pilipinong sumulat at magbasa ng mga kuwento
sa Wattpad. (https://techvibes.com/2015/10/01/a-brief-history- of-wattpad).
Bagama’t karamihan sa mababasa rito ay may genre na romansa, piksyunal,
komedya, katatakutan, may aspeto rin sa propesyonal na aklat gaya ng mga tula,
relihiyon, kasaysayan, nobela at maikling kuwento. Mga mambabasa sa nasabing
app ay kadalasaang mga milenyal at bukod sa nauuso ito, naging inspirasyon din
ito sa mga nais magkuwento o maglibang na maipahayag ang kanilang damdamin
at maibahagi ang magagandang kuwento hindi lang sa kanilang lugar kundi sa
buong bansa.
Buong bansa na iba-iba man ng kultura ng Pilipinas parehong naapektuhan
ng mga umuusbong kulturang popular. Kaakibat pa nito ay ang pag-usbong pa ng
modernisasyon sa internet at naging patok pa sa masa, lalong-lalo na sa milenyal,
mas yumabong pa ang Wattpad sa Pilipinas nang naiserye ang ilang mga
kuwento sa TV5 na istasyon sa kolaborasyon ng Wattpad sa Life is Beautiful
Publishing Company na pinalabas na Wattpad Presents. Kahit ang istasyong
ABS-CBN ay nagpalabas din ng mga serye na naisulat ni Noreen Capili gaya ng
“My App Boyfie” na bumida sina Nadine Lustre at James Reid at “Bagito” na
bumida sina Nash Aguas, Alexa Ilacad at Ella Cruz.
Naisapelikula rin ang iilang pang kuwento sa Wattpad gaya ng Diary ng
Panget na panulat ni Denny na pinagbinidahan nina James Reid at Nadine Lustre
na dinirehe ni Andoy Ranay. She’s Dating with a Gangster naman na panulat ni
Bianca Bernardino na naging best-selling book, sa taong iyon, na pinagbidahan
nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na idinerehe ni Cathy Garcia-Molina.
Marami pang naisapeikula sa mula taong 2014 hanggang 2015 kagaya ng mga
pelikulang Talk back and You’re dead, You’re place or Mine, Just the way You
are, Ex with Benefits at No boyfriend since birth
Figyur 4.
Ang homepage ng wattpad app
30
Figyur 5.
Ang Log-in Page ng Wattpad
31
2.1.1.1 Paggawa ng account
Makikita sa itaas ang larawan ng unang makikita sa pagpasok sa mundo ng
wattpad. Ang kinakailangan lamang ay mayroon kang account sa facebook, gmail
o sa instagram. Kung nanaisin na magamit ang email, kinakailangan ang bagong
pzssword at username. Kinakailangan na nasa edad labintatlo pataas ang
makakapasok sa naturang app.
Figyur 6.
Ang Pag-verify ng account
Figyur 7.
Ang Pag-update ng Profile
Figyur 9.
Ang paghahanap ng mababasa
33
2.1.2.1 Ang paghahanap ng mababasang akda
Pumunta sa discovery, na mayroong magnifying icon. Isulat ang pangalan
ng akda o kahit anong keywords halimbawa: romance, action atbp. Ang bahaging
ito ay nakadepende sa tags at keywords.
Figyur 10.
Ang detalye ng akda
2.1.2.2 Ang pagtingin sa detalye ng akda
Pagkatapos makita ang pamagat ng akda o book cover at nakapagbibigay-
interes ito sa isang wattpader, basahin ang maikling detalye nito at huwag agad
husgahan ang pabalat ng akda, magpokus sa nilalaman nito. Kung ito ba ay tapos
ng maisulat ng may-akda o tinatapos pa lamang at ilan ang kabanata o bahagi nito.
Figyur 11.
Ang pagpili ng pamagat
Figyur 13.
Ang pagsusulat ng akda
Figyur 14.
Ang paglikha ng akda
Figyur 15.
Ang pagdagdag ng detalye sa pamagat
Figyur 16.
Ang pagsulat ng kuwento
36
Figyur 17.
Ang pag-save ng kuwento
Figyur 18.
Ang paglathala ng kuwento
37
Figyur 19.
Batiin ang Komunidad
Figyur 20.
Suportahan ang binabasang akda
38
2.1.4.2 Suportahan ang kapwa wattpader
Para masupurtahan ang awtor o ang may-akda, kinakailangan na magbigay
ng komento pagkatapos basahin ang akda nito. Ang mga suhestsyon ay
magbibigay ng dagdag kumpiyansa sa may-akda na mapaganda lalo ang mga
ginagawa.
Figyur 21.
Mag-komento sa akda
Figyur 22.
Bumoto ng isang akda
2.3.1.1 Rights
Nasa manunulat ang lahat ng kanyang karapatan at wala sa wattpad. Ang mga
akda ng wattpad ay protektado ng copyright kapag ito ay nailathala na. Maaari
itong tanggalin at ilathala sa ibang plataporma kung nanaisin ng awtor. Maaari
ring magbahagi ng mga kuwento mula sa wattpad patungo sa mga naglalathala
at hindi ito legal na matatawag na “reprints.”
40
2.3.1.2 Monetization
2.3.1.2 Growth
Ang wattpad ay nagbibigay ng tone-toneladang libreng mapagkukunan
para makatulong na lumago ang isang awtor. Nagbibigay ito ng mga
suhestyon katulad ng character development at marketing tips. Kagaya ng
pagpapalakas ng pakikipag-ugnayan ng akda sa plataporma ng wattpad.
Figyur 23
Ebolusyon ng Wattpad
41
Figyur 22.
Wattpader
(Pinagkunan: https://www.urbandictionary.com/define.php?term=Wattpader)
Figyur 24.
Si Jonaxx bilang isang escapist
44
Figyur 25.
Wattpad bilang libangan
Figyur 27
Wattpad bilang malawak na komunidad
Makikita sa ibaba ang larawan ng mga updated genre ng wattpad. Sa mga genreng
ito maraming mga persepsyon ang namutawi sa tulong ng rational decision
theorysa loob ng wattpad community. Ilang genre rito ay binigyang-pansin ng
mga mambabasa bilang ang desisyon ng mga tao ay nakabatay sa sariling gawi at
kaugalian nila maging sa kondisyon o lagay ng isang sitwasyon. Pinagbatayan din
ng mananaliksik ang estatistika sa wattpad community standards.
Figyur 28
Mga Genre ng Wattpad
51
a. Romance
Ito ang pumapaksa sa lahat ng aspeto ng pag-ibig. Sa wattpad, hinding-hindi ito
napapahuli dahil simula pa noon, kapag pag-ibig na ang pinag-uusapan ay tiyak na
papatok sa masa, lalo na sa kabataan sa kasalukuyan. Ayon sa artikulo Ayon sa isang
artikulo ng The Chronicalist Angelu et al (2020) na gumawa din ng kronolohikal na
aspeto sa genre, nangunguna ang romansa sapagkat naniniwala ang mga wattpader na ang
genreng ito ay pangunahing pokus ang pakikipagrelasyon at romansa sa dalawang taong
nagmamahalan.
Ayon sa pag-aaral tinatawag din itong “holy grail,” o “emotionally satisfying and
optimistic ending.” Kahit pa nagiging gasgas man ang mga linya o paikot-ikot lang ang
takbo ng kuwentong binabasa. Ayon pa sa isang respondente nagbigay ng dahilan:
“Romance stories have lots of lessons especially in love (of course) and in handling
relationships. Example: Sands of Time by Jonaxx” Isa lang ito sa mga dahilan ng
wattpader sa pagpili ng genrenng ito. Nagbibigay-saya at aral sa mga wattpader
tungkol sa iba’t ibang uri ng romance o relasyon at pinapalawak din nito ang
kanilang mga imahinasyon. Kadalasan sa mga mambabasa at manunulat na
tumatangkilik sa paksang ito ay mayroong mataas na pamantayan sa pakikipag-
relasyon o sa pagpili ng taong mamahalin nila dahil sa kanilang binabasa at
sinusulat sa wattpad app.
Katulad ng aklat ni Jane Austen na Pride and Prejudice na nailimbag
noong 1813 na nailathala na rin sa mundo ng wattpad na sa tulong ng pag-ibig
mas tumitibay ang isang indibidwal sa kabila ng pagkakaiba sa nakaraan. Ang
bida sa nobela ay dumaan ng pagbabago sa sarili, mga pagsubok na humantong sa
panibagong sarili dahil sa minamahal. Gayundin ang isinulat ni Ruth Mendoza o
a.k.a youramnesiagirl na Ex with Benefits na isinapelikula ng star cinema na
ipinapakita ng wattpader na sa kabila ng tapos na ang kanilang relasyon may
pagkakataon na nakakagawa ang isang tao ng kamalian lalo na kung mayroon
pang natitirang pagmamahal o pag-asa na magkabalikan ulit.
Sa kasalukuyan, naging popular sa telebisyon ngayon ang kalalabas na
wattpad na kuwento ng wattpader at awtor na si Gwy Saludes ng “The Rain of
España” na pinagbibidahan nina Heaven Peralejo bilang Luna at Marco Gallo
bilang Kalix. Makikita sa ibaba ang isang panayam nila sa ABS-CBN Press
52
sa aklat nito ay para palutangin at mabigyan- halaga ang tiwala sa sarili sa kabila
ng dikta ng lipunan.
Sa lipunan maraming tanong kung ang ganitong genre ba ay mahalaga na
makatanggap ng malakas na atensyon lalo na sa mga nakasanayan o sinaunang
artikulo na mababasa sa laybrari. Ngunit hindi gaanong kalinaw sa kung ano ang
papanigan na isyu: maaaring may gap o pagitan sa mga guro at labyra Ayon
naman kay Enqdahl (1975), sa kanyang artikulong Do Teenage Novels Fill the
Need? Binigyang-pagpapakahulugan nito ang teenage novel bilang “intended for
adolescent readers.”
d. Fan-fiction
Ang mga kuwentong ito ay batay sa mga totoong tao o mula sa naka-
copyright na kathang-isip na karakater ng ibang tao. Ang mga tagahanga ng isang
partikular na grupo, piksyunal na karakter o mga tauhan sa kasaysayan ay lumikha
ng piksyunal na teksto para maging batayan. Isa sa mga halimbawa ay ang Harry
Potter, BTS, One Direction o kahit ang Stars Wars Trilogy.
TSAPTER 3
Ito ay bilang isang mobile app, na nagpapahintulot sa mga user na may mga
smartphone at iba pang digital reading device na mag-download at magbasa ng
content na isinulat ng kanilang mga kapantay. Kaya binigyang-diin ni Nixon (2014)
ng Gemm Learning, “Reading is to the mind what exercise is to the body.” Ibig sabihin
maraming mabubuting epekto ang pagbabasa. Isa itong mabuting pag-ehersisyo sa utak.
Sinasabing mas mataas ang hinihingi nito kumpara sa panonood ng telebisyon o pakikinig
sa radyo. Sa pagbabasa, may oras na mag-isip. Kumbaga maaaring huminto para sa pag-
intindi at pagkuha sa tunay na kahulugan at implikasyon ng binasa. Ang pagbabasa ay
nakatutulong din sa pagpopokus at atensyon. Nakatutulong din ito sa pagtaas ng
bokabularyo, tiwala sa sarili at mahasa ng pagiging malikhain.
Ang pagiging malikhain ng mga Pilipino sa larangan ng panitikan ay hindi
na bago dahil noon pa man ay napakarami na ng pinagdaanan. Sa sinaunang
panahon, sumikat ang alamat, kuwentong bayan at epiko. Sa pagdating naman ng
dayuhang Kastila, nahalinan ng alpabetong romano ang alibata at naituro ang
Dokrina Kristiyana. Sa panahon naman ng Amerikano, pinatigil ang mga akdang
may temang makabayan at nailathala ang babasahing Liwayway. Sa panahon
naman ng Hapon, ipinagbabawal ang temang Ingles sumikat ang haiku at tanaga
ngunit nagkaroon ng krisis ng papel kaya hindi masyadong marami ang mga
akdang naisulat. Sa panahon naman ng Batas Militar, itinatag ang Ministri ng
Kabatitang pangmadla. At sa kasalukuyang panahon, namulat ang mamayan sa
kahalagahan ng pambansang wika, nagsusulat ng sariling vernakyular at sa tulong
ng teknolohiya at agham, malayo na ang naabot ng media at sa pagbabasa ng
pampanitikan may napapansin ng akda na may pabalbal, kolokyal at lalawiganin.
Mula sa nabanggit na pinagdaaanan ng panitikan sa nahahawakan
hanggang sa pipindutin na lang, malayo na ang naabot ng watpad dahil na rin sa
patuloy na pagtangkilik lalo na sa kabataan. Ayon kina Korobkova at Collins
(2019), “Story-sharing apps foster youth engagement with reading, writing
and graphic-design in a new and destructive ways.” Mas nagkakaroon ng
plataporma ang kabataan na mahasa ang pagbabasa habang nag-eenjoy rin.
Maraming artikulo at balita ang nagpapahayag ng mga hinanaing at pag-aaral
patungkol sa isang app na kinagigiliwan ng milyong-milyong tao sa buong mundo
at ito ang wattpad. Dahil bukod sa pagbabasa at pagsusulat maaari ring makipag-
socialize.
62
Ayon kay Santos (2015), isang ang patunay ang pagiging patok ng online
writing community na wattpad sa patuloy na paghahanap ng paraan ng mga
makabagong manunulat na makipag-ugnayan sa mga mambabasa at mailahad ang
kanilang kaalaman. Dahil sa patuloy na paglawak at paglaki ng sakop ng mga
nagsusulat at nagbabasa rito. Hindi nakapagtataka na umabot ang katanyagan ng
wattpad sa tulong ng social media mas napalaganap ng nasabing app sa iba’t ibang
bansa, isa na rito Pilipinas na nagdulot ng paglilimbag at pagsasapelikula ng mga
akda tulad ng “Diary ng Panget,” “She’s Dating the Gangster” at “Talk Back and
You’re Dead.
Gayunpaman, dahil sa pagiging patok at bahagi ng kulturang popular,
maraming mga kiritiko ng wattpad ang tumuligsa rito nakakaapekto rin sa estado
ng wattpad bilang isang umuusbong na panitikan. Matutunghayan naman sa ibaba
ang ilang pahayag ng mga lokal at internasyunal na kritiko patungkol sa
pagtangkilik ng wattpad.
3.2.1 Mga Kritiko
Ayon kay Jun Cruz Reyes, isang tanyag na manunulat at kritiko ng
Panitikan, kinakailangang suriin ang pinagmulan ng wattpad bago ito punahin ng
iba pang kritiko. “Ang Wattpad literature ng mga bata, sino’ng bata? Mga
batang may laptop, ang sensibility niyan siyempre middle class. Ano’ng klaseng
middle class? Young adult,” aniya. Sa pamamagitan ng pagtukoy sa pinagmulan
ng mga manunulat sa wattpad, mas madaling matutukoy ang dahilan kung bakit
sinasabi ng kiritiko na mababaw ang mga kuwento rito. Binigyang-diin din ni
Reyes na normal lamang sa bata na ang gusto ay nakakakilig, mga kuwentong
pag-ibig. Ang problema ng wattpad ay problemang pang-kyutt at nasa “safe-topic”
o “comfort zone.” “Ano ang epekto ng machine sa kaniyang (mga batang
manunulat) sensibilidad gayong hindi naman tao ang kaharap niya? Iyong
sensibilidad niya, nasasala ng screen at cursor na kaharap niya. Kaya iyon lang
ang kaniyang mundo,” aniya. “Hindi pag-ibig ang problema ng sambayanan,
maraming problema ang Filipinas, hindi puro pag-ibig lang.” Ilan lamang ito sa
pinupuntong isyu ng tanyag na manunulat na matatawag nitong mababang uri ng
panitikan ang wattpad.
64
Isang bahagi lamang ito ng kanyang post sa kanyang account na nadismaya ito sa
mga fanatiko ng isang wattpader. Ito ay bunga ng mga walang pahintulot o
pasintabi ng ilang fanatiko ng nasabing sikat na wattpader sa isang institusyon
katulad ni Lualhati Bautista. Ang binigyang-diin dito na isyu ang pagkakaroon
dapat ng “boundaries” ng mga fanatiko sa mga batikang awtor ng literatura sa
Pilipinas sa umuusbong pang panitikan katulad ng wattpad. Kahit hindi naman
hawak ng wattpad ang mga hinaing at pagbibigay-komento nito sa mga batikang
awtor, nararapat pa rin na mabigyang-pansin pa rin ito nang sa ganoon ay
mabigyang-linaw.
Ayon naman sa ulat ng GMA News Online sa artikulo ni Angeles (2014),
na nagbigay ng hinaing ang isang guro sa kolehiyo ng panitikan na nagbigay ito
ng takdang-aralin na magsulat ng ‘book report’ at nakita nito 80% ay mula sa
akdang wattpad. Ayon kay Pacay, “Next sem lahat ng klase ko ganun yung final
project, pero hinahanda ko na yung sarili ko na Wattpad readers na nga yata ang
bagong henerasyon,” dahil napapansin nito na parami ng parami ang
nahuhumaling sa wattpad na akda kaysa pang-akademikong akda. Dinagdagan din
ito ni John Bengan, isang guro ng literatura sa UP Mindanao na kung mas
malawak lang na ang nagbabasa kay Marcelo Santos III, mas maikokosendira pa
itong bahagi ng Philippine Literature. Ayon naman kay Ian Rosales Casocot, ang
mga kuwentong wattpad “Maybe as an object of an academic study. But
certainly not as an object of an in-class review. Who knows, there might be
something really good amidst all that junk?” May pagkabahala man ngunit
binigyang pagkakataon niya pa rin ang wattpad na may ibubuga pa ito.
Dinagdagan din ito ng isa pang UP na propesor na si Vim Nadera na nakabasa na
rin ng wattpad na mga akda, “Kung mayroong mga kuwentong pulido o pinag-
isipan o pinag-aralang mabuti, dapat sigurong ipabasa o ipanood sa mga guro at
estudyante. Kung hindi naman pala lahat basura, hindi naman pala lahat dapat
itapon.”Ibig sabihin kahit may iilan na tinitingnan na mababa ang kalidad na
wattpad na akda, maaaring bigyan ito ng pagkakataon katulad nina Balagtas at
Shakespeare na kalaunan ay naging huwaran.
Talahanayan 1.
Mga Emotional Satisfaction
Uri Halimbawa
3.2.1.1 Relaxation/Escape
Hindi maitatanggi na mula pa noong unang panahon na iba pa ang paraan
ng pagbabasa, isa sa mga dahilan ng pagbabasa ay para makapag-relax o tumakas
sa mga problemang dinadanas.
68
Ayon kay Ayto (1999) ang mga taong nagbabasa ay maaaring taong nais
tumakas sa pagkabihag o taong nais magpakasawa sa proseso ng pampalipas oras
gaya ng nagbibigay-aliw o iba pang libangan upang umiwas sa mga hindi kanais-
nais o hindi katanggap-tanggap na realidad. Halimbawa nito ang tanyag na
wattpad na kuwento na “She’s dating the gangster,” na isinulat ni SGwannaB.
Ayon sa komunidad ng wattpad, sa panahon ng kanyang pagsusulat, popular na
ang social media tulad ng friendster, YM, at texting kung saan laganap sa
pagsusulat ang impormal na wika at ispeling. Masasabing naging malaking
impluwensya ang nasabing mga popular sa pagsusulat nito.
3.2.1.3 Pleasure
Hindi ito lumalayo sa naunang faktor bagkus ayon pa rin kay Kendra
Cherry (2022) ito mismo ay pumpokus sa pangkalahatang valyu ng isang tao.
“Self- esteem impacts your decision-making process, your relationships, your
emotional health, and your overall well-being. It also influences motivation,
as people with a healthy, positive view of themselves understand their
potential and may feel inspired to take on new challenges.” Ibig sabihin,
malaking bagay ang magkaroon ng kamalayan patungkol dito nang sa ganoon ay
70
3.2.1.4 Heartache
Kung mayroon mang kilig na nararamdamn ang isang wattpader sa
kanyang binabasa hindi maiiwasan ang sakit, heartache o heartbreak. Dahil
71
hindi lang man ito umiikot sa umaasang pag-ibig ngunit ayon sa mga wattpader
Ipinapakita ang katotohanan at mga problemang hinaharap pagdating sa pulitika,
korte, hustisya, diskriminasyon, korapsyon, maagang pagbubuntis, pamilya, at iba
pa.
pop culture itself, specifically idol culture as through writing fanfictions, they
feel to have a special relation with the idols. Meanwhile, digital platforms
here also have an important role in giving feedbacks to the author which also
give them a boost of motivation.”
Uri Halimbawa
3.2.2.1 Imagination/Creativity
Karamihan sa mga binabasa ng mga wattpader ay produkto ng fiction. At
halos nito ay mula sa imahinasyon at may iba naman mula sa totoong karanasan
katulad nga mga historical or auto-biographical events. Ngunit mas madalas ay
imahinasyon ng awtor na nagbibigay sa mga mambabasa na hanggang sa aklat ang
mga gusto nitong mangyari. Kaya, nag-uudyok ito na nais kumawala o escape sa
realidad. Malaking tulong ang paggamit ng media lalo na sa pandemic. Bilang
ayon kay Katz at Foulkes (1962) “Early workclassified escapism as fairly
dysfunctional behavior, as it is one particular experience that is reported
from alcohol consumption and gambling.” Ibig sabihin hindi lang sa pagbabasa
umuiikot ang pagiging “escapist,” ng isang tao ngunit ayon naman kina Stenseng
et al (2012), “Offering an alternative approach to escapism, suggested “escape
from the self by means of activity engagement is pleasurable.”
ang tyansa na mailagay ang mga sarili sa isang sitwasyon na hindi kaaya-aya.
Hindi man gustong mangyari ang magkaroon ng diskriminasyon sa
pakikipagkapwa tao mas maganda pa rin na mag- ingat. Hindi lang ito para sa ating
mga sarili kundi para din ito sa kapakanan ng lahat. Katulad ng ginawa ni Drake
kay Sophia na dahil sa kayabangan at akala na makukuha lahat ng gusto sa
pamamagitan ng pera ay nakasakit ito ng tao sa taong hindi niya pa inaasahang
mamahalin.
76
pagtuturo ng panitikan.
77
TSAPTER 4
BUOD, RESULTA, KONGKLUSYON,
IMPLIKASYON AT REKOMENDASYON
Mga Reperensiya
Aklat
Bronwen Thomas. (2011). What Is Fanfiction and Why Are People Saying
Such Nice Things about It?? Storyworlds: A Journal of Narrative
Studies, 3, 1–24. https://doi.org/10.5250/storyworlds.3.2011.0001
Elihu Katz, David Foulkes, On the Use of The Mass Media As “Escape”:
Clarification of A Concept, Public Opinion Quarterly, Volume 26, Issue 3,
FALL 1962, Pages 377–388, https://doi.org/10.1086/267111
Dizon, R. & Gervacio G. (2016). Ang Sining ng Pagtula. Iligan City: MSU-IIT.
p.1.
Rebora, S., & Pianzola, F. (2018). A New Research Programme for Reading
Research: Analysing Comments in the Margins on Wattpad. DigitCult
- Scientific Journal on Digital Cultures, 3(2), 19-36.
doi:10.4399/97888255181532
Stenseng, F., Rise, J., & Kraft, P. (2012). Activity engagement as escapefrom
self: The role of self-suppression and self-expansion. Leisure Sci-
ences,34(1), 19–38. https://doi.org/10.1080/01490400.2012.633849
Tasker, Yvonne (2004). Action and Adventure: Cinema. Routledge Taylor and
Francis Group. New Yok City.
Diksyunaryo
CCP Dictionary (2019). Popular Culture and New Media. Roxas Boulevard,
Magdalena Jalandoni, Malate, Pasay City. p.110
Webster’s Universal English Dictionary. (2006). Geddes & Grosset. David Dale
House, New Lanark, ML 119DJ, Scotland
Tesis
Aniñon, M. Laranio, J., Vega, J. & Victorio. I. (2016). Pixel offensive: Ang Pinoy
meme bilang post-modernong pampanitikang protesta [Tesis]. Iligan
City; MSU-IIT.
Internet
Angelu, Maya et al (2020). The Chronicalist: Writer, Books and More Books.
Kinuha sa https://thechronicalist.wordpress.com/contact/. Kinuha noong
Disyembre 10, 2022
Cheson, Dave (2022). Wattpad Review: Is Wattpad Really Worth It. Kinuha sa
https://kindlepreneur.com/wattpad-review/. Kinuha noong Enero 15, 2023
87
Cruz, Romy Antonette P. (2015). Jonaxx The Pop Fiction Queens Level Up.
Yes Magazine. Kimuha sa
https://www.magzter.com/stories/Celebrity/YES- Magazine/Jonaxx-The-
Pop-Fiction-Queen-Levels-Up. Kinuha noong Marso 15, 2022
Denny R (2014). Isang interbyu mula sa awtor ng Diary ng Panget. Kinuha sa
https://www.rappler.com/entertainment/54191-interview-denny-author-
diary-ng-panget//. Kinuha noong Disyembre 12, 2022.
Fatema (2015). Creative in the Arts. Isang blog patungkol sa Five Reasons Why
Wattpad is Awesome. Kinuha sa
https://creativeinthearts.blogspot.com/2015/09/five-reasons-why-wattpad-
is-awesome.html. Kinuha noong Disyembre 20, 2022.
Rochester, S. (2012). Wattpad: Building the world's biggest reader and writer
community. Kinuha sa
http://theliteraryplatform.com/magazine/2012/10/wattpad-building-the-
worlds-biggest-reader-and-writer-community/. Kinuha noong Agosto 13,
2022.
89
https://www.google.com/search?q=shes+dating+the+gangster+volcano+sc
ene&rlz=1C1CHBF_enPH1027PH1027&source=lnms&tbm=isch&sa=X
&ved=2ahUKEwigpPrq4vL-
AhURplYBHW6nCoEQ_AUoAnoECAEQBA&biw=1536&bih=656&dpr
=1.25#imgrc=JuENGAn1gYWiiM. Kinuha noong Mayo 1, 2023
Lynbelol, (2013). Blog para kay Jonaxx isang interbyu ng wattpader. Kinuha
sa https://http45712.wordpress.com/2017/02/13/jonaxx/. Kinuha noong
Oktubre 10. 2022.
91
Lauder, Edward (2020). Here is the Reason Why We Love Action So Much.
Kinuha sa https://www.small-screen.co.uk/why-we-love-action-movies-
john-wick-taken-mission-impossible-die-hard/. Kinuha noong Disyembre
17, 2022
Pagulong, Charmie (2021). He’s Into Her stars speak out against bullying.
Kinuha sa
https://www.philstar.com/entertainment/2021/05/23/2100109/hes-her-
stars-speak-out-against-bullying. Kinuha noong Disyembre 22, 2023
Stephan, Matthias. “Do you believe in magic? The Potency of the Fantasy Genre”.
Coolabah, 2016, Num. 18, pp. 3-15, https://doi.org/10.1344/co2016183-15.
Kinuha noong Enero 2, 2022
Yashita Vashishth Kohli. (2021). 5 reasons why wattpad is the most visited app on
my phone. Kinuha sa https://www.idiva.com/lifestyle/hot-takes/5-reasons-
why-i-love-wattpad/18021873. Kinuha noong Pebrero 02, 2022
93
APENDIKS A
Ang Wattpad Homepage at mga Genre Nito
94
APENDIKS B
Ang Wattpad Community
95
APENDIKS C
Ang Wattpad bilang Social-Storytelling online Platform
96
APENDIKS D
Ang Wattpad bilang Umuusbong na Panitikan
TUNGKOL SA MANANALIKSIK