Audio Lingual Sa Pagtuturo NG Wika

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Audio Lingual sa Pagtuturo ng Wika

Kabanata 1
PANIMULA
Kaligiran ng Pag-aaral
Paaralan ang itinuturing na pangalawang tahanan malaki ang
ginagampanang papel ng paaralan sa pag-unlad ng pananalita ng
isang tao gayundin ang paghubog sa sarili ng mga mag-aaral. Sa
araw-araw na pamumuhay ay tinatayang walang oras ang inilalagi sa
paaralan kung kayat malaki ang ginagampanang papel ng mga guro
dahil sa ang guro ay ng silbing pangalawang ina ng mga mag-aaral.
(Krashen@Tercel2000)
Ang pagtuturo ng wika sa mga bata ay hindi basta nagaganap
sa pamamagitan ng pagbibigay ng maraming karanasang pangwika sa
loob

ng

intwisyon

klasrum.
na

Kailangan

kaiba

kung

ng

mga

guro

may

ng

edad

tanging
na

mga

kasanayan
mag-aaral

at
ang

tuturuan.
Ayon kay Marckwardt ang pabagu-bagong hihip ng hangin at
palipat-lipat na pananaw ay isang hulwarang siklikal kung saan
ay may lumilitaw na bagong pamaraan tuwing ikaapat na hati ng
isang siglo.

Ang bawat bagong pamaraan ay paghuhulagpos sa luma ngunit


dala nito ang mga positibong aspekto ng dating paraan. Isang
magandang

halimbawa

ng

pagbabagong

ito

ay

makikita

sa

Audio

Lingual Method (ALM) sa kalagitnaan ng ika-20 siglo. Ang ALM ay


nanghiram ng ilang simulain sa sinundan nitong Direct Method na
kumawala naman sa paraang Grammar Translation Method.
Layunin ng pag-aaral
Layunin ng pag-aaral na ito na alamin ang epekto ng
pamaraang Audio Lingual sa Pagtuturo na Wika.
Bilang pagtitiyak, tatangkaing

sasagutin ng pag-aaral na

ito ang sumusunod na katanungan:


1. Ano ang bisa ng pamaraang Audio-lingual sa pagtuturo ng
wika?
2. May makabuluhang pagkakaiba ba ang resulta ng post test at
pre test kapag ginamit ang pamaraang audio linggual sa
pagtuturo ng wika?
Ipotesis
3. May makabuluhang pagkakaiba ba ang resulta ng post test at
pre test kapag ginamit ang pamaraang audio linggual sa
pagtuturo ng wika.

Balangkas Konseptwal

Ang banghay ng pag-aaral na ito ay ipinakikita sa larawan 1


Malayang Salik
Audio Lingual

Di Malayang Salik
Pagtuturo ng Wika

Ipinakikita ng larawan sa itaas ang pagkakaugnay ng malaya


at di-malayang salik sa paggamit ng pamaraang Audio Lingual sa
Pagtuturo ng Wika.
Banghay Teoritikal
Ipinahayag ng teoryang behaviorist na ang bata ay
ipinanganak na my kakayahan sa pagkatuto at ang kanilang kilos at
gawi ay maaaring hubugin sa pamamagitan ng pagkokontrol ng
kanilang kapaligiran. Ang kakayahang intelekwal ng mga bata ay
mapapayaman at mapaunlad sa tulong ng mga angkop na
pagpapatibay.Binibigyang-diin ni Skinner(1968),isang pangunahing
behaviorist na kailangang "alagaan" ang pag-unlad na intelekwal
sa pamamagitan ng pagganyak at pagbibigay-siglo at pagpapatibay
sa anumang mabuting kilos o gawi.
May paniniwala rin si Skinner na maaring maisagaw ng bata
ang anumang gawain kung tuturuan at bibigyyan ng tamang
direksyon. Halimbawa, posebling pagkaanak pa lamang ay maaaring
hubugin

na ng mga magulang ang kanilang anak para maging isang

doktok o isang abugado. Unti-unting ilalantad ang bata sa mga


bagay at gawaing kaugnay nito at palagi

nang may angkop na

pagpapatibay.Ang mga gurong umaayon sa paninniwalang ito


niSkinner ay palaging kinariringgan ng mga papuring "magaling"
"tama ang sagot mo" at "kahanga-hanga"
Ang teoryang behaviorist sa pagkatuto ay nagbigay sa mga
guro ng set ng mga simulain at mga pamaraang madaling isagawa sa
pagtuturo.Ang Audio Lingual Method na naging popular noong taong
1950 at 1960 ay ibinatay sa

teoryang behaviorist.

Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay lubos na magbibigay pakinabang sa
tagapangasiwa ng paaralan,mga guro sa Filipino,mga mag-aaral at
sa iba pang magsasagawa ng masusing pag-aaral tungkol sa epekto
ng paggamit ng pamaraang Audio Lingual sa Pagtuturo ng Wika.
Ang resulta ng pag-aaral na ito ay makapagbibigay ng ideya
o kaalaman sa mga tagapangasiwa ng institusyon na malaman o
mapaigting ang makabuluhang pagtuturo ng asignaturang Filipino
sa pamamagitan ng paggamit ng pamaraang Audio Lingual sa
Pagtuturo ng Wika.Maaring maaaring makapagsagawa ang
tagapangasiwa ng paaralan ng isang seminar para sa mga guro sa
Filipino na may kaugnayam sa pamaraang Audio Lingual sa pagtuturo
ng wika.

Sa mga mag-aaral, ang pag-aaral na ito ay makapgbibigay


ideya

ng

na nauukol sa mga pamaraang ginagamit ng kanilang guro sa

pagtuturo ng wika. At mapagtuunanan ng pansin ang Asignaturang


Filipino.
Ang pag-aaral na ito ay makatutulong din sa ia pang
magnanais

na magsasagawa ng masususing pag-aaral tungkol sa

epekto ng pamaraang Audio Lingual sa

pagtuturo ng wika sa

asignaturang Filipino. Ito ay maaaring magamit upang magsilbing


gabay o basehan ng kanilang pag-aaral.
Sa mga guro,ang pag aaral na ito ay makatutulong upang lalong
mapabuti ang pagtuturo gamit ang pamaraang audio lingual.
Saklaw at Limitasyon
Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa paggamit ng pamaraang
Audio Lingual sa pagtuturo ng wika sa asignaturang Filipino sa
Sekondarya.Ang tagatugon sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral
sa ikapitong baitang ng Fisheries and Marine Science High School
sa taong panuruang 2015-2016.
Ang mga datos ng pag-aaral na ito ay titiyakin mula sa
pagpapakitang turo sa Fisheries and Marine Science High School
Tiwi,Barotac Nuevo,Iloilo gamit ang pamaraang Audio Lingual sa
Pagtuturo ng wika.Sa pamamagitan ng ng pakitangturo malalaman
kung ang pamaraang Audio Lingual ay epektibo o hindi.

Upang lalong matiyak ang epekto ng pamaraang audio linggual


ang mananaliksik ay magsasagawa ng pretest at post test at
bibigyang pakahulugan ang resulta gamit ang t test .Aalamin kung
ang pamaraang audio linggual ay napakamabisa,mabisa at di mabisa.
Katuturan ng Katawagan
Para sa lalong ikauunawa ng pag-aaral na ito, ang mga
sumusunod na katawagan ay bibigyang kahulugan.
Audio Lingual- Ayon kay Badayos (2008), ang audio-lingual method
o ALM ay batay sa mga teoryang sikolohikal at linggwistik (p
135). Naging bukambibig ng maraming guro ang ALM sa loob ng
mahabang panahon, subalit naglaho rin noong 1964 sa pangunguna ni
Wilga Rivers.
Sa pag-aaral na ito ang Audio Lingual ay ang pamaraang gagamitin
sa pagtuturo ng wika.
Filipino. Ito ay ang katutubong wika pasalita at pasulat sa Metro
Manila. Ang Pambansang Punong Rehiyon, at sa iba pang sentrong
urban sa arkipelago, na gumagamit bilang wika ng komunikasyon ng
mga etnikong grupo, Pambansang wika ng Pilipinas.(ayon sa The
new-Filipino-Filipino English Dictionary)
Sa pag-aaral na ito ang Filipino ay ang asignaturang pinagaaralan.

Wika.Binanggit ni Austero et al 1999 mula kay Gleason na "Ang


wika masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa
paraang arbitaryo. Ang mga tunog ay hugisan ng mga maabuluhang
simbolo o letra na pinagsama-sama upang makabuo ng mga salita na
gamit sa pagpapahayag.
Sa pag-aaral na ito, ang wika ay ang ituturo sa mga sekondarya.

You might also like