Pormalistikong Pagsusuri Sa Tulang

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

Pormalistikong Pagsusuri sa Tulang Paaralan ni Axel Pinpin

16/08/2011 Leave a comment

Marahil ay pamilyar lamang ang pangalang Axel Pinpin bilang isa sa mga
bilanggong-pulitikal na kabilang sa Tagaytay 5. Ngunit si Antoy, bukod sa pagiging
isang masigasig at magaling na lider-aktibista at organizer, ay isa ring mahusay na
manunulat. Ang tula nyang Paaralan ay una kong namalas sa isang forum noong
2009 sa UP Manila nang ito ay kanayng itanghal. Bagaman napahanga ako ng
naturang tula (at sa kanya mismong pagtula), ay hindi ko pa noon kilala si Antoy
bilang isang makata. Saka pa lamang ako magiging interisado sa kanyang mga tula
nang makakuha ako ng kopya ng koleksyon ng kanyang mga akda, ang Tugmaang
Matatabil: Mga Akdang Isinulat sa Libingan ng mga Buhay. At dahil sa pulitikal na
aspeto pinakamahusay at pinakamay-saysay ang kanyang mga sulatin, nais ko na
magsilbing halimbawa ang pagsusuring ito na maski sa porma ay abante ang
kanyang mga katha.

Sa simula, sa pagbasa sa pamagat ng tula, ay tila wala ritong bago at kakaiba.


Simple at karaniwan lamang ang iisang salitang pamagat nito: Paaralan. Sa isang
banda ay bumabagay ito sa simple at pangkaraniwan ding wika ng tula
kumbersasyonal pa nga. Subalit, kabaligtaran naman nito ang taglay nitong lalim.
Kakaiba ang tula sa kadahilanang itinuturing na subersibo ang lamanin nito at bago
naman sapagkat magaan at halos kaswal ang paghawak nito sa kanyang karaniway
seryosong tema.

Walang sukat na sinunod ang tula, subalit mayaman naman ang tula sa internal na
tugmaan. Nagkalat ang mga salitang magkakatugma sa bawat saknong. Makikita
ito sa pagpansin na ultimo mga scientific name ay nagawan ng paraan na
ipagtugma sa ibang mga salita:

ang ugnayan ng palay (na ang scientific name ay Oryza sativa)

na pinagtatamasaan ng mga panginoong maylupa

sa Pyudalismo,

ang ugnayan ng lansones (na ang scientific name ay Lansium domesticum)

na isinugal nang patalo ng gobyerno sa malayangkomersyo,

sa Burukrata-Kapitalismo,

Bukod sa epektibong paggamit sa malayang taludturan ay epektibo rin ang


paggrupo sa mga linya sa tatlong mahahabang saknong na ipinangalan sa tatlong
magkakaibang klase (Horti 31, LRP, at Practical Arts). Ang epekto nito, na kung
itatambal sa Paaralan nitong pamagat, ay tila mga klasrum na nagri-representa
naman sa bawat yugto ng kamulatan ng persona. Ito ay isa pa sa mga mapapansin
sa bawat pag-usad ng bawat saknong: ang tila-pagkakaroon-ng-gulang ng persona
pag-mature. Pinakamaliwanag ito sa paggamit ng imahe ng alak at inuman; sa
unang saknong ay makikita pa ang pagkalulong sa alak, sa kabila ng pagpasok sa
klase, ng persona: pumasok akong pagiray-giray / dahil lango pa ako sa Tanduay.
Sa ikalawa naman ay makikita ang lebel ng kontrol ng persona sa pag-inom, at
paggamit dito bilang isa lamang prente: pumasok akong bitbit ang Tanduay at
pulutan / para magsilbing prente at gawing disimulado ang pag-aaral. At sa huli
namang saknong: pumasok akong nagmamartsa; / hulas sa kalasingan ng
burgesya at handa sa agham ng pakikibaka. ay mamamalas ang tiyak na kontrol
dito. Hindi naman sa sinasabi kong pang-isip-bata lamang ang pag-inom, subalit
may ganitong epekto ito sa tula.

Alinsabay ng tila pag-mature ng trato sa pag-inom, ay ang unti-unti rin


namangpaglabas sa apat na sulok ng silid-aralan ng klase. May ganitong epekto
dahil sa paggamit sa pangalan ng mga klase sa paggrupo nga sa mga saknong. Ang
unang saknong, Horti 31, ay Horticulture 31, isa itong klase sa kolehiyo ng mga
kursong may kinalaman sa agrikultura, na itinuturo sa loob ng mga unibersidad. Ang
ikalawa naman, LRP, ay Lipunan at Rebolusyong Pilipino, na isa ring kurso, yun nga
lamang ay pumapatungkol sa mga ideya at katotohanang hindi itinuturo sa loob ng
kadalasay reaksyonaryong mga eskwelahan. At ang panghuli, Practical Arts, ay
tumutukoy naman sa praktikal na buhay. Sa katunayay mas makikita
angpaglabas na ito sa literal na pagbabago-bago ng lugar na pinangyayarihan ng
bawat klase; una Sa isang klasrum sa Department of Plant Science, ikalawa, Sa
isang arkiladong UG-house / sa baryong di-maaring banggitin kung saan, at ikatlo
sa Sa maraming taniman ng maglulupa at piketlayn ng hindi Tanduay / kundiy
Nestle sa Cabuyao, halatang-halata ang pag-unlad ng bawat setting.

May isa pang interesenteng bagay tungkol sa pagkakahati-hating ito ng tula sa


panghuli kasing hati (Practical Arts), ay may dalawang linya ang nakahiwalay.
Tatapusin ko ang diskurso / at kikilalanin ang pangako at katiyakan ng Diktadurya
ng Proletaryado. Ito, ay maaring tignan bilang ang pinaka-matinding
pagpapahiwatig ng tula ng paglabas ng estudyante sa kanyang silid-aralan; na wag
siyang magpakulong sa mga sulok ng kanyang paaralan.

Pagdating naman sa biswal na istruktura, ay mapapansin ang tila gradwal ding dipagkakapantay-pantay o kaguluhan ng haba ng mga linya. Ito naman, na alinsunod
pa rin sa papalabas-nang-palabas-sa-kwarto na tema, ay maaring basahin bilang
pagkilala na ang isinusulong ng tulang pagbabago (na kapag namukadkad ay tulad
ng pumupulang tagumpay / sa Sosyalismo. at Tatapusin ko ang diskurso / at
kikilalanin ang pangako at katiyakan ng Diktadurya ng Proletaryado.) ay may

isang mahaba at masalimuot na daanan. Gayunpaman, dahil ang pagkawala ng


huling dalawang linya mula sa nai-establish nyang pagka-kahon, ay may tonong
kaparis ng pagluwag ng hininga, marahil ay ito namay nagpapahiwatig ng pagiging
sapat o worth it ng patutunguhan sa pagtahak sa naturang daan.

Sa ganang akin ay sapat na itong katibayan upang masabi na sa porma pa lamang


ay mabigat na ang naturang tula Axel.

(nasa ilalim ang tula na paksa ng pagsusuri)

Paaralan
ni Axel Pinpin

Horti 31:
Sa isang klasrum sa Department of Plant Science
pumasok akong pagiray-giray
dahil lango pa ako sa Tanduay.
Nauutal kong inusal
ang Lycopersicon esculentum,
ang Oryza sativa,
ang Lansium domesticum,
at Hibuscus rosa-sinensis
nagtapos ako ng kurso
at kinilalang pinaka-promising na mag-aaral ng departamento.

LRP:
Sa isang arkiladong UG-house
sa baryong di-maaring banggitin kung saan,

pumasok akong bitbit ang Tanduay at pulutan


para magsilbing prente at gawing disimulado ang pag-aaral.
Inusal kong parang dasal
ang Imperyalismo,
ang Pyudalismo,
ang Burukrata-Kapitalismo
at Sosyalismo
nagtapos ako ng pang-masang kurso
at kinilalang napaka-promising ang inaral na dokumento.

Practical Arts:
Sa maraming taniman ng maglulupa at piketlayn ng hindi Tanduay
kundiy Nestle sa Cabuyao,
pumasok akong nagmamartsa;
hulas sa kalasingan ng burgesya at handa sa agham ng pakikibaka.
Matatas kong binigkas sa masa
ang ugnayan ng kamatis (na ang scientific name ay Lycopersicon esculentum)
na ginagawang tomato sauce ng mga kapitalista
sa Imperyalsmo,
ang ugnayan ng palay (na ang scientific name ay Oryza sativa)
na pinagtatamasaan ng mga panginoong maylupa
sa Pyudalismo,
ang ugnayan ng lansones (na ang scientific name ay Lansium domesticum)
na isinugal nang patalo ng gobyerno sa malayang-komersyo,
sa Burukrata-Kapitalismo,
at ang ugnayan ng gumamela (na ang scientific name ay Hibiscus rosa-sinensis)
na kapag namukadkad ay tulad ng pumupulang tagumpay
sa Sosyalismo.

Tatapusin ko ang diskurso


at kikilalanin ang pangako at katiyakan ng Diktadurya ng Proletaryado.
[Hulyo 26, 2011; para naman sa klaseng Panunuring Pamapanitikan, nagkaroon ako
ng libreng P450-worth na libro dahil dito! haha :D]

II.
KAYARIAN
A.
Uri

tulang salaysay
B
.
Est
rop
a
kwarteto
C
.
R
i
tm
o/
Inday
og
1.

Sukat lalabindalawahing pantig2.


Tugma katinig at patinig
III.
ANYO
A.
T
o
n
o

paghihimagsik at pagdurusa
B
.
T
ayu
t
ay
Pagtutulad (Simili) = sintalim ng kidlat ang mata ng tanod= anakiy atungal ng
hayop sa yungibPagmamalabis (Hayperboli) = sanlibong aninong inilwa ng dilim=
sa munting dungawan tanging abot-malas= isang dipang langitPandiwantao
(Personipikasyon) = kung minsay gabiy biglangmagulangtangPagwawangis = at
ito ang tanging daigdig ko ngayon bilngguan mandiylibingan ng buhay
C
.
T
ala
s
al
i
t
aan
Balasik kalupitan o kabagsikanTiwalag nauukol sa pagiging malaya; bitiwMuog
matibay ng taguang batoAtungal malakas na iyak ng malaking hayop; ungalAsod
wang humpayPakikilamas sunud-sunod na pagdakot nat paglamutak ng isang
bagayTanang tayo na
IV.
PAGSUSURI
A.
P
ak
s
a


Buhay sa loob ng kulungan

B
.
D
iw
a

Karanasan ng mga kjnukulong

Pingadadaan ng mga bilanggo sa araw-araw

Matutong ipaglaban ang iyong karapatan


C
.
S
i
mb
o
l
i
sm
o

Puno pagkakasala

Kuta kulungan

Dungawan bintanang rehas

Tanikala kadena

Birang itim na panakip sa ulo

D
.
H
i
m
ig

Pagdurusa, dahil sa pagtukoy ng kanyang mga pinagdaanan na kanyanginilahad sa


loob ng kulungan

Paghahangad ng kalayaan
V.
KAHULUGAN

Paraphrasing
VI.
ISTILO

Ang istilo ng may-akda ay pangkaraniwan sa iba. Ngunit kung ikukumparaang


istraktura ng paraang pagkakasulat, ang una at pang-3 linya sa bawatsaknong ay
nasa karaniwang ayos, samantalang ang pang-2 at pang-4 aynagbigay ito
ng panglimang espasyo.
VII.
BALARILA

Ma
b
i
s
a
b
a an
g
p
a
r
aan n
g

p
a
g
-u
g
nay-u
g
nay a
t
p
a
g
ka
s
unuds
un
o
dn
g
m
g
a
i
deya,
s
al
i
t
a,
t
alu
t
o
da
t
s
akn
o
n
g?

Oo, dahil ang bawat salitang itinuon at makahulugan at nasa tamangkinalalagyan


bagaman ang ilang salitay inuulit, ito pa rin ay may naisipabatid.


P
o
e
t
ic
L
ic
en
c
e

Inilwa iniluwa

Batitis pagtitiis
VIII.
IMPLIKASYON
A.
Men
s
ahe
Pagiging matatag sa bawat pagsubok ng buhayIpagtanggol ang
sariling karapatanLaging magtiwala sa sariling kakayahanLaging manalig sa Diyos

Isang Dipang Langit ni Amado V.


Hernandez
Akoy ipiniit ng linsil na langi
hangad palibhasang diwa koy pilitin,
katawang marupo, aniyay pagsuko,
damdamiy supil na;t maihiin ay supil
Ikinulong ako sa kutang malupit;
bato bakal punlo, balasik ng bantay:
lubos na tiwalag sa buong daigdig
at inaring kahit buhay man ay patay

Sa munting dungawan, tanging abot-malas


ay sandipang langit na puno ng luha ,
maramot na birang ng pusong may sugat
watawat ng aking pagkapariwara.
Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,
sa pintong may susiy walang makalapit
sigaw ng bilanggo sa katabing muog,
anakiy atungal ng hayop sa yungib.
Ang maghapoy tila isang tanikala
na kalakaladkad ng paanang madugo,
ang buong magdamag ay kulambong luksa
ng kabaong waring lungga ng bilanggo.
Kung minsay magdaan ang payak na yabag,
kawil ng kadena ang kumakalanding;
sa maputlang araw saglit ibibilad,
sanlibong aninong inilwa ng dilim.
Kung minsan, ang gabiy biglang magulantang
sa hudyat--may takas!--at asod ng punlo;
kung minsay tumangis ang limang batingaw,
sa bitayang muog, may naghihingalo
At ito ang tanging daigdig ko ngayon-bilangguang mandiy libingan ng buhay;
sampu, dalawampu, at lahat ng taon
ng buong buhay koy dito mapipigtal.
Ngunit yaring diway walang takot-hirap
at batitis pa rin itong aking puso:
piitay bahagi ng pakikilamas,
mapiit ay tanda ng hindi pagsuko.
Ang taot Bathala ay di natutulog
at di habang araw ang api ay api,
tanang paniniil ay may pagtutuos,

habang may Bastilyay may bayang gaganti.


At bukas, diyan din, aking matatanaw
sa sandipang langit na wala nang luha,
sisikat ang gintong araw ng tagumpay . . .
layang sasalubong ako sa paglaya!

1. Ang Panday Amado V. Hernandez Kaputol na bakal na galing sa bundok.


sa dila ng apoy kanyang pinalambot; sa isang pandaya'y matyagang
pinukpok at pinagkahugis sa nasa ng loob. Walang ano-ano'y naging
kagamitan, araro na pala ang bakal na iyan; Ang mga bukiri'y payapang
binungkal, nang magtaniman na'y masayang tinamnan. Nguni't isang
araw'y nagkaroon ng gulo at ang boong bayan ay bulkang sumubo, tanang
mamamaya'y nagtayo ng hukbo pagka't may laban nang nag-aalimpuyo!
Ang lumang araro'y pinagbagang muli atsaka pinanday nang nagdudumali,
naging tabak namang tila humihingi, ng paghihiganti ng lahing sinawi!
Kaputol na bakal na kislap ma'y wala, ang kahalagahan ay di matingkala,
ginawang araro: pangbuhay ng madla ginawang sandata: pananggol ng
bansa! Pagmasdan ang panday, nasa isang tabi, bakal na hindi man
makapagmalaki; subali't sa kanyang kamay na marumi ay naryan ang
buhay at pagsasarili!
2. 53. A. URI NG TULA Ang isang epiko ay ukol sa kabayanihan ng
pangunahing tauhan na kinapapalooban ng mga paniniwala, kaugalian,
huwaran at sukatan sa buhay na 'di kapanipaniwala. Sa tulang Ang
Panday, Ito ay tungkol sa pagsasalaysay sa isang tila bayani-- ang Panday.
Ang Panday ay may isang hindi pinahahalagahan ng ibang tao ngunit ang
ka yang trabaho ay kailangan dahil sa kanyang mga nagagawa. Isang
bayani ng matuturing ang isang Panday. B. SANGKAP NG TULA I.
TUGMA Walang tugmaan sa tulang Ang Panday dahil ang tunog ng mga
huling pantig ay walang Pagkakapareho. II. SUKAT Ang sukat ng tula sa
unang saknong ay 18:15:14. Ito ay wala ring pareho ng sukat sa mga
sumunod pang mga saknong. Dahil sa walang Tugma at sukat ang tula sa
mga saknong at taludtod nito, Ito ay isang halimbawa ng tulang may
malayang taludturan. III. PAKSA O KAISIPANG TAGLAY NG TULA Ang
Panday ay isang tula na naglalarawan at nagsasalaysay ng paghihirap ng

isang Panday sa paggawa ng iba't ibang uri ng bakal na ginagamit sa


pang- Araw-Araw at maging sa pakikipagdigmaan na ginagamit na
sandata. Marami ang hindi nakakapagpahalaga sa Gawain niyang Ito na
siya namang tunay na mahalaga. IV. TALINGHAGA Napukaw ng may-akda
ang mga mambabasa sa kanyang talinghagang inilagay sa tulang Ang
Panday. Malaman ang bawat saknong at taludtod na nag-iwan ng
pagtataka sa kahalagahan ng isang Panday.
3. 54. V. IMAHEN O LARAWANG DIWA Bati ng tula na ipakita ang
kahalagahan ng Panday na isang tunay na mahirap na trabaho dahil
kinakailangan ng Tao ang isang Panday sa paghulma ng mga bakal upang
maging Sangkap sa pang-Araw-Araw at pakikipaglaban o pag-aalsa. VI.
ALIW-IW Ang tula ay isang halimbawa ng may malayang taludturan kaya
sa Kung ang usapin ay Aliw-iw, walang masyadong alindayog ang tula. VII.
TONO Ang tono ng tula ay puno ng pait dahil sa kulang na pagpapahalaga
sa isang Panday. VIII. PERSONA Ang persona ng Ang Panday ay isang
Panday na naglalahad ng kanyang saloon in at hinanakit sa
pagpapasawalang-bahala ng tao sa kanyang Gawain at trabaho. IX.
TEORYA/DULOG Ang teorya sa tulang Ang Panday ay pamilyar. Ito ay
pamilyar sapagkat ang pagpapasawalang-bahala at pag-babaliwala ng Tao
sa mga trabaho ng iba ay karaniwan ng nangyayari. Ito ay nangyayari sa
mga Gaya ng drayber o dyanitor. Sila ay nagtatrabaho para mag-serbisyo
sa ibang Tao at sa pera ngunit ang karamihan ay hindi nadarama ang ka
ilang kahalagahan. X. REAKSYON/KOMENTO Ang aking reaksyon sa
tulang Ang Panday ay sana pahalagahan ng Tao ang trabaho ng kapwa
nila, at bigyang-respeto nalang ang bawat isa dahil pare-pareho lang tayo
nagta-trabaho para sa ikabubuhay ng pamilya at sarili at maging ang
serbisyo sa nakakarami.

1. URI NG TULA Sa tulang Ang Pagbabalik ni Rogelio Sikat ay nasa uri ng


tulang liriko na siyang pumapaksa sa damdamin ng persona. Ito ay
sumasailalim sa Elehiya sapagkat nagpapahayag ito ng damdamin o ang
paggugunita sa taong sumakabilang-buhay na. Sa aking pagsusuri,
makikita naman na ang kaniyang kabiyak ay namatay na ng siyay nagbalik

at nang kanyang hagkan ay parang kanyang sinabiy, paalam. palaam. B.


SANGKAP NG TULA I. TUGMA Ang tulang Ang pagbabalik ay
nakapaloob sa makabagong kayarian ng tula na walang sukat at tugma. Ito
ay tinatawag na malayang taludturan o free verse. Sa panahon ng
kontemporaryo, marami ang nailathalang tula na hindi sumunod sa
tradisyunal. II. SUKAT Ang tulang ito ay walang sukat dahil na rin ito ay
nakapaloob sa malayang taludturan kung saan ay kabaligtaran ng
tradiyunal na pagsusulat ng tula. III. PAKSA O KAISIPANG TAGLAY NG
TULA Ang tulang ito ay naglalaman ng lungkot sa kadahilanang
sumakabilang buhay na ang kanyang mahal sa buhay. Itoy naglalarawan
ng damdamin ng isang lalaking namatayan ng mahal sa buhay. IV.
TALINGHAGA Sa pagbabasa ng tulang "Ang Pagbabalik" ni Rogelio Sikat,
masasabing ito'y nagtataglay ng talinghaga. Ito'y dahil napagalaw nang
husto ng may-akda ang guni-guni o isipan ng mambabasa. Isang patunay
dito, napa-isip ang mambabasa kung ano ang tinutukoy na "pagbabalik".
Sa puntong ito, masasabing napagalaw ng mambabasa ang kanyang guniguni. V. IMAHEN O LARAWANG DIWA Sa aking pagsusuri, masasabi
kong ito ay nagtataglay ng pagpapagalaw ng kaisipan ng mambasa dahil
na rin sa kakayanan nitong bumuo sa isipan ng mga
2. 46. mambabasa ang tunay na sitwasyon sa tula. Ang pangyayaring aking
sinasabi ay ang araw ng kanyang pagbalik, kung saan nakita niyang
nahihimlay sa kabaong ang kanyang iniirog. VI. ALIW-IW Sa aking
pagsusuri, masasabi kong hindi tinataglay ng tulang ito ang pagiging
maindayog marahil na rin sa kadahilanang hindi ito sumunod sa
tradisyunal na pagkakasulat. VII. TONO Ang tono ng tulang ito ay
nalulungkot. Hinagpis ang nadarama niya sapagkat sa kanyang pagbalik
ay nakita niya ang kanyang irog na siyang nakalatay sa loob ng kabaong.
Hindi niya inakala na sa kanyang pagbabalik, mawawala na ang kanyang
minamahal sa buhay. VIII. PERSONA Ang persona ng tula ay ang taong
nawalan ng minamahal sa buhay. Siya ang nagkkwento kung ano ang
huling nangyari bago siya umalis at ang pangyayaring nadatnan niya ng
siya ay dumating sa kanilang tahanan. IX. TEORYA/DULOG Teoryang
Romantisismo Maituturing na ito ay nasa ilalim ng teoryang romantisismo
dahil ito ay naglalahad ng mga pangyayaring nagaganap sa pang-araw

araw. Higit na pinapahalagahan dito ang damdaming namumutawi sa


persona na siyang nararamdaman ng mga mambabasa X.
REAKSYON/KOMENTO Ang tulang Ang Pagbabalik ay isa nga namang
napakagandang tula. Napapagalaw niya ang imahinasyong ng mga
mambabasa na syang nagpapaganda at lalong nagpapaintindi pa ng
tulang kanyang naisulat. Ang mga salitang ginamit dito ay mababaw
lamang na siyang nagpanatili ng interes ng mga mambabasa.

ANG PAGBABALIK (ni: Rogelio Sikat)


Babahagya ko nang sa noo ay nahagkan,
sa mata ko'y luha ang nangag-unahan,
isang siya'y iwan ko sa tabi ng hagdan!...
Sa gayong kalungkot na paghihiwalay,
nalulumbay ako't siya'y nalulumbay!
Nang sa tarangkahan ako'y makabagtas,
pasigaw ang sabing "Umuwi ka agad,"

ang sagot ko'y "Oo, hindi magluluwat...!"


Nakangiti ako, luha'y nalalaglag!
At ako'y nagtuloy, tinunton ang landas,
na kabyak ang puso't naiwan ang kabyak...
Lubog na ang Araw, kalat na ang dilim
at ang Buwan nama'y ibig nang magningning;
makaurasyon na noong aking datnin
ang pinagsadya kong malayong lupain;
k'wagong nasa kubo't mga ibong itim
ang nagsisalubong sa aking pagdating!
Sa pinto ng nar'ong tahana'y kumatok,
ako'y pinatuloy ng magandang loob;
kumain ng konti, natulog sa lungkot,
na ang puso'y tila ayaw nang tumibok;
ang kawikaan ko, pusong naglalagot,
tumigil kung ako'y talaga nang tulog!
Nang kinabukasang magawak ang dilim,
Araw'y namintanang mata'y nagniningning,
sinimulan ko na ang dapat kong gagawin:
Ako'y nag-araro, naglinang, nagtanim,
nang magdi-Disyembre, tanim sa kaingin,
ay ginapas ko na't sa irog dadalhin!
At umuwi akong taglay ko ang lahat,
mga bungangkahoy at sansaknong bigas,
bulaklak ng damo sa gilid ng landas
ay sinisinop ko't panghandog sa liyag,
nang ako'y umalis siya'y umiiyak,
O! ngayon marahil siya'y magagalak!
At ako'y nagtulin, halos lakad-takbo!
Sa may dakong ami'y may'ron pang musiko,

ang aming tahana'y masayang totoo


at ang panauhin ay nagkakagulo!
"Salamat sa Diyos!" ang naibigkas ko,
"nalalaman nila na darating ako!"
Nguni, O! tadhana! Pinto nang mabuksan,
ako'y napapikit sa aking namasdan!
apat na kandila ang nnangagbabantay
sa paligid-ligid ng irog kong bangkay,
mukhang nakangiti at nang aking hagkan
ang parang sinabi'y..."Paalam! Paalam!"

You might also like