Coroza Fil 222.1 - 121.1 Silabus Unang Semestre
Coroza Fil 222.1 - 121.1 Silabus Unang Semestre
Coroza Fil 222.1 - 121.1 Silabus Unang Semestre
:
:
:
:
:
Fil 222.1/121.1
Pagsasalin: Teorya at Praktis
Unang Semestre, 2015-16
Michael M. Coroza, PhD
Biyernes, 6:00 - 9:00, Silid AILAP
A. PAGLALARAWAN NG KURSO
Nakatuon ang pag-aaral sa mga teorya at kritikal na pagsusuri ng ibat ibang tekstong
pampanitikan, pangkultura, atbp, na naisalin sa Filipino tungo sa pagpapahalaga sa
pagsasalin hindi lamang bilang isang gawaing lingguwistiko kundi isang dinamikong
aktibidad na pangkultura. Inaasahang sa masusing pagtunghay sa mga huwarang praktis
sa pagsasalin, aktibong makasasangkot ang mga mag-aaral sa aktuwal na pagsasalin sa
Filipino ng ibat ibang tekstong pampanitikan, pangkultura, atbp.
B. MGA INAASAHANG BUNGA NG PAGKATUTO
1. Naipaliliwanag at nagagamit ang mga pangunahing teorya sa pagsasalin mulang
Kanluran at Filipinas sa kritikal na pagsusuri ng mga aktuwal na naisaling ibat ibang
teksto sa Filipino.
2. Nakakikilala at nakapagpapahalaga sa birtud ng ibat ibang proyektong salin batay sa
kontekstong nagbunsod sa pagsasalin, mga estratehiyang ginamit sa pagsasalin, at sa
naging bis ng salin sa wika at kulturang pinagsalinan.
3. Nakapagsasalin sa Filipino ng mga tiyak na pampanitikang anyotula, kuwento,
dulamulang Ingles (o iba pang wikang alam ng estudyante) nang may kritikal na
pagkamalay at pagsusuri sa prosesong pinagdaanan sa pagsasalin.
C. BALANGKAS NG KURSO
1. Kung Anong Hayop ba ang Pagsasalin:
Mga Pangunahing Teorya at Praktika Mulang Kanluran at Filipinas
1.1 Hinggil sa Pagsasalin ni John Dryden (Hango ni Virgilio S. Almario)
1.2 Hinggil sa Wika at mga Salita ni Artur Schopenhauer (Salin ni Fidel
Rillo)
1.3 Hinggil sa Ibat Ibang Pamamaraan ng Pagsasalin ni Friedrich
Schleiermacher (Salin ni Roberto T. Aonuevo)
1.4 Mga Pagsasalin ni Johann Wolfgang Von Goethe (Salin ni Rebecca T.
Aonuevo)
:
:
:
:
:
:
A4
Itim
Times New Roman 12
1 pulgada sa lahat ng panig
dalawahan
Ibab, dulong kanan
Ang mga impormasyong ito lamang ang dapat makita sa itaas pinakakaliwang
bahagi ng papel: Pangalan (Una ang apelyido), Seksiyon ng klaseng
Fil 222.1/121.1 Silabus Dr. M. Coroza 4