Modyul 7 Handouts

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

MODYUL 7: ANG EMOSYON

Sa pilosopiya ni Scheler (Dy, Jr. M.) ang damdamin ang pinakamahalagang larangan ng pag-iral ng tao.
Ang damdamin, ibig sabihin, kagyat na may kaugnayan ito sa mga obhetong tinatawag na mga
pagpapahalaga.

Uri ng Damdamin
1. Pandama (sensory feelings)
Ito ay tumutukoy sa limang karamdamang pisiko o mga panlabas na pandama na nakapagdudulot ng
panandaliang kasiyahan o paghihirap sa tao.
Halimbawa ng mga ito ay pagkagutom, pagkauhaw, kalasingan, halimuyak, ng panlasa, ng kiliti, kasiyahan at
sakit.
2. Kalagayan ng damdamin (feelings state)
Ito ay may kinalaman sa kasalukuyan kalagayan ng nararamdaman ng tao.
Halimbawa nito ay kasiglahan, katamlayan, maygana, walang gana.
3. Sikikong damdamin (psychical feelings)
Ang pagtugon ng tao sa mga bagay sa kanyang paligid ay naiimpluwensyahan ng kasalukuyang kalagayan ng
kanyang damdamin
4. Espiritwal na damdamin (spiritual feelings)
Ayon kay Dr. Manuel B. Dy Jr., ang mga espiritwal na damdamin ay nakatuon sa paghubog ng halaga sa kabanalan
tulad ng pag-asa at pananampalataya.
Mga Pangunahing Emosyon
Pagmamahal (love)
Pagkamuhi (hatred)
Paghahangad (desire)
Pag-iwas (aversion)
Pagkatuwa (joy)
Pagdadalamhati (sorrow)
Pag-asa (hope)
Kawalan ng pag-asa (despair)
Pagigingmatatag (courage)
Pagkatakot (fear)
Pagkagalit (anger)
*Ayon
kay Sto. Tomas de
Aquino, ang matalinong paghusga ay hindi lamang tumutukoy sa kung ano ang dapat gawin ng tao sa pagharap sa
mga krisis sa buhay, kung hindi kakayahang makagawa ng desisyon sa
napapanahong paraan.
*Ayon kay Feldman (2005, ph.346), sa pamamagitan ng emosyon ay:
a ) Nababatid ng tao ang nangyayari sa kanyang paligid at nabibigyan ito ng katuturan ng kanyang isip.
b ) Nakatutukoy nang higit na angkop na kilos kung sakaling maramdaman muli ang damdamin.
c ) Nagagamit sa pakikipagkomunikasyon at pakikipag-ugnayan sa kapwa.
*Ayon kay Seeburger, F. (1997, ph.30), ang literasiyang pandamdamin ay tumutukoy sa dalawang bagay.
Una, kakayahang alamin at unawain ang mga sariling emosyon; at Pangalawa, matukoy at maramdaman ang
damdamin na angkop o akma lamang sa sitwasyon na kinakaharap.
Nakita ng mga ilang siyentipiko tulad nina Salovey, Gardner at Goleman ang kahalagahan ng pamamahala sa
emosyon sa pagpapaunlad ng sarili at pakikipagkapwa. Kapag napagtagumpayan ng tao ang pamamahala ng
kanyang emosyon nangangahulugan na mataas ang kanyang EQ o Emotional Quotient na kilala rin sa tawag na
Emotional Intelligence.
Ang limang pangunahing elemento ng EQ
(Goleman, D., 1998)
1. Pagkilala sa sariling emosyon. Ito ay makatutulong sa pagkakaroon ng pang-unawa sa sarili.
2. Pamamahala sa sariling emosyon. Ang kakayahang mapamahalaan ang ating
emosyon ay mahalaga dahil ang mga ito ay may epekto sa kalagayan ng ating kalooban at pakikipag-ugnayan sa
kapwa.
Ang taong may ganitong kakayahan ay madaling makabangon sa mga pagsubok sa buhay at makamit ang
kanyang mga mithiin sa buhay.
3. Motibasyon. Ito ay kakayahang magtimpi o magpigil na gawin ang isang bagay na hindi dapat upang
matupadang isang higit na mahalaga para sa ikabubuti ng iba.
Ang taong may ganitong kakayahan ay may disiplina sa sarili at hindi pabigla-bigla ang pagpapasya.
4. Pagkilala at pag-unawa sa damdamin ng iba. Ito ay kakayahang makadama sa damdamin at
pangangailangan ng iba.
Ang taong may ganitong kakayahan ay marunong din bumasa at bigyan ng kahulugan ang kilos ng iba.
5. Pamamahala ng ugnayan. Ito ay nangangahulugan na napamamahalaan nang wasto ang emosyon sa
pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaalaman sa pagpapanatili ng magandang ugnayan.

a.
b.
c.
d.
e.

Paraan upang Mapamahalaan ang Emosyon


(Morat, Jr., 2007):
Tanungin ang sarili, hahayaan ko bang magawa ko ang di karapat-dapat o mas pipiliin kong gumawa ng
makabubuti?
Tanggapin na ikaw ay takot at harapin ang takot, ngunit hangarin na mayroon pang higit na magandang
mangyayari.
Isaisip na ang tagumpay ay hindi nasusukat sa yaman, kapangyarihan at pagiging tanyag kung hindi
kakayahan na mamuhay nang may pagpapahalaga at dangal.
Matutong tanggapin na may hangganan ang lahat ng bagay mayroon tayo, tao man o bagay.
Sa tuwing ikaw ay nawawalan ng pag-asa, isipin na may mga taong maaari mong pagkatiwalaan at mahingan
ng tulong.

You might also like