Uri NG Pangungusap Ayon Sa Gamit

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Uri Ng Pangungusap Ayon sa

Gamit
1. Pasalaysay o Paturol
Ito ay nagsasalaysay ng
katotohanan o pangyayari. Lagi
tiong nagtatapos sa tuldok.
Mga Halimbawa
Si Norberto ay isang matagumpay
na arkitekto.
Ang mundo ay umiikot sa sarili
nitong axis.
Ang daigdig ay ang tanging
planetang may buhay.
2. Patanong
Ito ay nag-uusisa tungkol sa
isang katotohanan o pangyayari.
Tandang pananong(?) ang bantas
sa hulihan nito.
Mga Halimbawa
Saan-saan matatagpuan ang
magagandang tanawin ng
Pilipinas?
Kailan ang huling pagsusulit para
sa kasalukuyang semester?
Kanino makukuha ang mga klas
kards?
3. Padamdam
Ito ay nagsasabi ng matinding
damdamin gaya ng tuwa, lungkot,
pagkagulat, paghanga,
panghihinayang at iba pa.
Karaniwang nagtatapos ito sa
tandang panamdam. Maaari ring
gamitin ang tandang pananong.
Mga Halimbawa
Ay! Tama pala ang sagot ko.

Ano? Hindi mo pa natatapos ang


proyekto natin?
Yehey! Wala na namang pasok.
4. Pautos o Pakiusap
Ang pautos ay nagpapahayag ng
obligasyong dapat tuparin,
samantalang ang pakiusap ay
nagpapahayag ng pag-utos sa
magalang na pamamaraan.
Nagtatapos ito sa tuldok.
Mga Halimbawa
Pautos
Mag-aral kang mabuti.
Nararapat lamang matutong
sumunod ang mga mag-aaral ng
seminary sa patakaran ng Bible
School.
Pakiusap
Pakibigay mo naman ito sa iyong
guro.
Maari bang iabot mo ang aklat na
iyan?
May apat na uri ng pangungusap
ayon sa gamit.
1. Pasalaysay - o tinatawag ding
paturol. Ito ay pangungusap na
nagsasalaysay at nagtatapos sa
isang tuldok (.).
2. Patanong - ito ay pangungusap
na nagtatanong at nagtatapos ito
sa tandang pananong (?).
3. Pautos - ang pangungusap
kung ito ay nagtatanong at
pakiusap naman kung ito ay
nakikiusap. Parating may
kasamang mga salitang paki o
kung maaari ang nakikiusap na
pangungusap. Parehong

nagtatapos sa tuldok ang pautos


at pakiusap (.).
4. Padamdam- ito ay
pangungusap na nagsasaad ng

matinding damdamin at
nagtatapos ito sa tandang
padamdam (!).

You might also like