Strategic Intervention Material in EsP 7

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
CENTRAL VISAYAS REGION
Division of Bohol
Tubigon East District
CAWAYANAN NATIONAL HIGH SCHOOL

Panlabas na Salik na
Nakaimpluwensya sa Paghubog
ng Pagpapahalaga

A Strategic Intervention Material in EsP 7


JIMMY D. BUCAR

TEACHER 1

TABLE OF CONTENTS
1. Objectives
2. Guide Card
3. Overview of the Activities
4. Activity Card
1. Pagtukoy sa Positibo at
Negatibong Impluwensya
2. Pagpaplano sa Pagpapaunlad at
Pagbabago sa Sarili
3. Pamamaraan ng Pagtugon sa
bawat Sitwasyon
5. Assessment Card
6. Enrichment Card
7. Reference Card

Objectives
General Objectives
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral
ay inaasahang

naipamalas ang pag-unawa sa konsepto ng


panlabas na salik na nakaiimpluwensiya sa
paghubog ng pagpapahalaga.
Sub-Tasks

1. Naisa-isa ang mga panlabas na salik na


nakaimpluwensiya
sa
paghubog
ng
pagpapahalaga.
2. Nasusuri ang isang kilos o gawi batay sa
impluwensiya ng isang panlabas na salik.
3. Napatutunayan na ang pag-unawa sa
mga
panlabas
na
salik
na
nakaiimpluwensiya sa paghubog ng mga
pagpapahalaga ay nakatutulong upang
maging mapanuri at mapanindigan ang
tamang pasya at kilos sa gitan ng mga
natutunggaling impluwensiya.
4. Naisasabuhay ang pagiging mapanuri at
pagiging mapanindigan sa mga pasya at
kilos sa gitna ng mga nagtutunggaliang
impluwensiya ng mga panlabas na salik
na nakaiimpluwensya sa paghubog ng
pagpapahalaga.

GUIDE CARD
Least Mastered Skills
Ang pagiging mapanuri at mapanindigan sa mga pasya at kilos sa
gitna ng mga panlabas na salik na nakaiimpluwensya sa
paghubog ng pagpapahalaga.

Sub-Tasks
1. Pagtukoy sa mga positibo at negatibong impluwensiya ng mga
panlabas na salik sa paghubog ng pagpapahalaga.
2. Pagplano ng gawain sa pagpapaunlad at pagbabago sa sarili sa
pagharap sa negatibong impluwensiya.
3. Pagtala ng paraan ng pagtugon sa bawat sitwasyon na may
kalakip na pagninilaynilay.
MGA PANLABAS NA SALIK NA NAKAIMPLUWENSIYA SA
PAGHUBOG NG PAGPAPAHALAGA
Ang tao ay likas na panlipunang nilikha. Bahagi ng kanyang
buhay ang pakikipag-ugnayan sa kanyang kapwa. Nagiging ganap
siyang tao sa tulong ng mga tao sa kanyang buhay at paligid. Ang
lahat

ay

may

kani-kaniyang

bahaging

ginagampanan

sa

paghubog ng kanyang pagkatao at mga pagpapahalaga.


Kung may mga panloob na salik sa paghubog ng mga
pagpapahalaga mayroon ding mga panlabas na salik. Maaaring
magdulot ng magandang impluwensiya sa iyo ang mga ito; ngunit

maaari ring magdulot nang hindi magandang impluwensiya kung


hindi mababantayan o mapipigilan. Ang ilan sa mga salik na ito ay
ang: (1) pamilya at paraan ng pag-aaruga sa anak, (2) guro at
tagapagturo ng relihiyon, (3) mga kapwa kabataan, (4) pamana
ng kultura (cultural heritage) at impluwensiya ng kapaligiran o
lipunan,

(4)

Katayuang

panlipunan-pangkabuhayan

(Socio-

Economic Background), at (5) Media.

ACTIVITY CARD

Gawain 1. PAGTUKOY SA POSITIBO AT


NEGATIBONG IMPLUWENSIYA
Nilalayon ng gawaing ito na tayahin ang
antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa
pagtukoy sa mga positibo at negatibong
impluwensiya ng mga panlabas na salik sa paghubog ng
pagpapahalaga.
Gawain 2. PAGPAPLANO SA PAGPAPAUNLAD AT
PAGBABAGO SA SARILI
Layunin ng gawain ang pagtataya sa kakayahan ng mga
mag-aaral sa pagplano ng mga gawain sa pagpapaunlad at
pagbabago

sa

impluwensiya.

sarili

sa

pagharap

sa

negatibong

Gawain 3. PAMAMARAAN NG PAGTUGON SA BAWAT


SITWASYON

Layunin ng gawain ang pagtataya sa kakayahan ng mga


mag-aaral sa pagtala ng mga paraan ng pagtugon sa bawat
sitwasyon na may kalakip na pagninilay-nilay.

Pagtukoy sa Positibo at Negatibong


Impluwensya

Gawain
1

Panuto: Mula sa kinilala mong mga panlabas na salik na


nakaimpluwensiya sa iyong pagpapahalaga, isa-isahin
mo ang mga impluweniyang nakuha mo mula sa kanila.
Magbigay ng hindi bababa sa tatlo sa bawat salik na
nakaimpluwensiya sa iyo. Ilagay din kung positibo o negatibo ang epekto ng
impluwensiyang ito sa iyo. Banggitin ang patunay kung bakit nasabi mong
positibo o negatibo ang impluwensiya sa iyo.
Ang sumusunod ay halimbawa na pwede mong sundan.

SALIK

Pamilya

IMPLUWENSIYA
NG NAKUHA

EPEKTO
(Positibo o
Negatibo)

Pagsagot ng
Positibo
po at opo
sa tuwing ako
ay makikipag Negatibo
usap sa kahit
na sinong
nakatatanda sa

PATUNAY

Nalilinang ang
aking pagiging
magalang.
Lahat inaasa ko
sa
iba
ang
paggawa
kaya
wala akong alam

akin.

na
gawain.
Minsan
nagugutom ako
pag ako lang
mag-isa
sa
bahay
dahil
hindi
ako
marunong
magluto.

MGA TANONG
Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.
1. Ano ang masasabi mo sa impluwensiyang nakuha mo mula sa
mga salik na iyong kinilala?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
____________________________________________________________
2. Mahalaga ba sa iyo ang mga impluwensiyang nakuha mo mula
sa kanila? Patunayan.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_____________________________________________________________
GAWAIN 2

PAGPAPLANO SA PAGPAPAUNLAD AT
PAGBABAGO SA SARILI
Panuto: Mula sa mga panlabas na salik na
natutunan, maglista ng mga negatibong
impluwensiya
na
iyong
kinakaharap,
damdamin kaugnay ng epekto nito sa sarili
at mga hakbang na gagawin upang

mapaunlad at mabago ang iyong sariling pagpapahalaga at


pananaw.
NEGATIBONG
IMPLUWENSIYA

DAMDAMIN
KAUGNAY NG
EPEKTO

HAKBANG NA GAGAWIN

Halimbawa:
Natatakot at
1. Lalayo sa mga
Natutong
nababahala sa sarili
barkadang may
magnakaw dahil sa
na baka mahuli at
negatibong
impluwensiya
ng
makulong. Inuusig
impluwensiya.
mga barkada
na rin ng konsensya. 2. Gumawa ng talaarawan
upang matuunan ng
pansin ang
importanteng mga
bagay.
3. Magdasal sa Panginoon
at gawin ang nakatala
sa talaarawan.

Pagninilay:
1. Ano ang natutunan mo sa gawaing ito?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Paano mo maisasabuhay ang mga hakbang na iyong inilista sa
talahanayan.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

GAWAIN
3

PAMAMARAAN NG PAGTUGON SA BAWAT


SITWASYON

Panuto: Gumawa ng isang Watchlist na maglalaman ng mga


Positibo at Negatibong impluwensiya na haharapin sa loob ng
isang lingo. Itala kung ano ang ginawang pagtugon sa mga
impluwensiyang ito. Ang watchlist ay listahan ng mga bagay na
babantayan at susubaybayan mo sa iyong sarili lalo na ang
pagtugon sa mga impluwensiyang hinaharap mo araw-araw.
Gamiting gabay ang halimbawa sa ibaba.

Araw

Lunes

Martes
Miyerku
les
Huweb
es
Biyerne
s
Sabado

Panlabas
na Salik

Niyayang
uminom
ng alak
sa party
ng isang
kaibigan

Ano ang
sitwasyon/
impluwensiya?

Positibo
(+)/
Negatibo
(-)

_
Niyayang
uminom ng alak
sa party ng
isang kaibigan

Tugon

Hindi
sumama
dahil alam kong
hindi maganda
sa katawan ang
pag-inom
ng
alak
at
magagalit
ang
aking
mga
magulang

Linggo
Nais baguhin sa naging tugon:

Natuklasan at natutuhan sa gawain:

ASSESSMENT CARD
Gaano Ka Natuto?
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin
ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik sa sagutang papel.
1. Ang mga sumusunod ay mga kasanayang maaaring maging gabay ng isang
kabataan upang maiwasan ang negatibong impluwensyang dulot ng media
maliban sa:
a. Pag-aralang pairalin ang pagtitimpi sa lahat ng pagkakataon sa
pamamagitan ng pagsasabuhay ng mga birtud.
b. Suriing mabuti ang kredibilidad ng tao o kompanya at ang kanilang
mga ibinabahaging palabas, produktibo o patalastas.
c. Matutong talikuran ang tuksong dulot ng mga patalastas, mga
panooring nagpapakita ng imoralidad, pagiging malabis na bulgar at
minsan ay may kalaswaan.
d. Kailangang sanayin ang iyang kaisipan upang masuri ang kalidad ang
ano mang impormasyon na tatanggapin o produktong tatangkilikin at
ang pagsusuri sa halaga at magiging gamit nito.
2. Mahalagang maunawaan ang mga panlabas na salik na nakaiimpluwensiya sa
paghubog ng halaga dahil nakatutulong ito upang:
a. Maging ganap ang pagkatao ng tao.
b. Maging matalino sa pamimili ng salik na tanging pagkukuhaan ng
mabubuting halaga na isasabuhay.
c. Maging mapanuri at mapanindigan ang tamang pasya at kilos sa gitna
ng nagtutunggaliang impluwensiya.
d. Maging isang mabuting huwaran ng kagandahang asal ng mga bahagi
ng panalabas na salik namakaiimpluwensiya sa paghubog ng halaga.
3. Bukod sa tulungan ang mga isang bata upang mas mapalawak ang kanyang
isipan at maunawaan ang halos walang hanggan nitong kakayahan na
makakalap ng karunungan, ano ang isa sa bahaging maaaring gampanan ng
guro sa paghubog ng halaga ng isang bata?
a. Pagtuturo sa mga mag-aaral ng katotohanan

b. Pagtuturo sa mga mag-aaral na magsagawa ng mga pagpapasya


gamit ang kaalaman na natutuhan sa paaralan.
c. Pagtuturo sa mga mag-aaral na maging matatag sa pagpapanatili ng
moral na prinsipyo sa gitna ng mga pagsubok at nagtutunggaliang
mga halaga.
d. Lahat ng nabanggit
4. Ang labis na kahirapan ang maaaring maging hadlang upang mapanatili o
mas mapataas ang dignidad ng isang bata at maisabuhay ang mga halaga.
Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil ang kahirapan ang dahilan upang mabawasan ang halaga
ng isang bata sa kanyang sarili.
b. Tama, dahil sa kahirapan ay nababawasan ang panahon ng mga
magulang upang batayan at paunlarin ang halaga ng kanilang mga
anak.
c. Mali, dahil maging ang labis na karangyaan ay maaari ring maging
hadlang upang maisabuhay ng isang bata ang mga halaga.
d. Mali, dahil lahat ng mahirap ay nais na maging mabuting mamamayan
ng lipunan at anak ng Diyos.
5. Ang mga sumusunod ay mga tungkulin ng pamilya sa paghubog ng mga
halaga ng kanilang anak maliban sa:
a. Ituro ang mga taong pakikisamahan at pagkakatiwalaan
b. Ituro ang magpahalaga hindi lamang sa sarili kundi mas higit para sa
kapwa.
c. Ituro ang mga prinsipyong moral sa pamamagitan ng kanilang
pansariling kaisipan, salita at ugali.
d. Gabayan ang isang bata na kilalanin, unawain, isapuso, iangat at
isabuhay ang pangkalahatang katotohanan.

Enrichment Card
Panuto: Gamit ang isang graphic organizer isulat ang
konseptong nauunawaan mo mula sa mga gawaing ibinigay.

Pagninilay:
1. Bakit mahalagang maunawaan ang mga panlabas na
salik
na
nakaimpluwensiya
sa
paghubog
ng
pagpapahalaga?
2. Ano ang kasanayan na dapat taglayin ng tao upang
matiyak na tama ang pagpapahalagang tinatanggap
mula sa mga panlabas na salik na nakaiimpluwensiya sa
paghubog ng mga pagpapahalaga.
3. Ano ang nararapat gawin sa mga negatibong
impluwensiyang maaaring idulot ng mga panlabas na
salik na ito?
4. Ano ang nararapat gawin sa mga positibong
impluwensiya hatid ng mga panlabas na salik na ito?

REFERENCE CARD
Mga Panlabas na Salik na Nakaiimpluwensiya sa Paghubog
ng Pagpapahalaga
1. Pamilya at paraan ng pag-aaruga sa anak (Family and
Method of Rearing).
Ang pamilya ay nagsisilbing pundasyon ng lipunan at
pagkatao ng isang indibidwal sapagkat ang mga
magulang ang siyang nagtayo ng istruktura ng paguugali at pagpapahalaga ng kanilang mga anak.
2. Guro at Tagapagturo ng Relihiyon (Teachers &
Religious Leaders).

3.

4.

5.

6.

Sila ang tumutulong upang mapalawak ang isip ng mga


bata at makaunawa sa kanilang kakayahang
makakalap ng karunungan upang magamit ito sa
katotohanan at kabutihan.
Mga Kapwa Kabataan (Peers).
Sa huling yugto ng pagiging bata at sa maagang yugto
ng kabataan, isa sila sa may malakas na impluwensiya.
Ang mga batang may mahinang personalidad ang
kadalasang madaling pasunurin na gawin ang anumang
bagay para lang mapabilang sa pangkat. Sa kabilang
dako, kung mataas ang iyong tiwala sa iyong sarili, mas
madali para sa iyo ang magpasya batay sa iyong moral
na paninindigan.
Pamana
ng
Kultura
(Cultural
Heritage)
at
Impluwensiya ng Kapaligiran o Lipunan.
Ito ay tumutukoy sa pangkalahatang salik gaya ng mga
nakagisnan sa isang komunidad, modernisasyon, etc na
maaring makaapekto sa sariling pagpapahalaga.
Katayuang Panlipunan Pangkabuhayan (Socio
Economic Background).
Tumutukoy sa katayuan sa buhay mayaman man o
mahirap. Ito ay lubhang nakaapekto sa pagpapahalaga
sapagkat ayon kay Esteban (1990) ang labis na
kahirapan at labis na karangyaan ay ang dalawang
kondisyon na maaaring maging hadlang sa pagtuturo
ng pagpapahalaga.
Media.
Tumutukoy sa ibat ibang paraan upang maihahatid ang
impormasyon sa isang lugar gaya ng Telebisyon,
Internet, Radyo, Newspaper, etc na isa sa mga may
pinakamalakas na impluwensiya sa isang kabataan.

You might also like