Kasaysayan NG El Filibusterismo
Kasaysayan NG El Filibusterismo
Kasaysayan NG El Filibusterismo
pugad kay Nellie Boustead; sinasagot niya ang kabi-kabilang tuligsang tinatamo ng Noli
Me Tangere; namatayan siya ng dalawang kaibigan at mababa ang pagkikilalang
iginagawad sa kanya ng mga kasama sa Kilusang Propaganda. Bukod ditoy dumanas
si Rizal ng suliranin sa pananalapi. Naisiwalat ni Rizal ang kanyang paghihirap sa isang
liham na naipadala kay Jose Maria Basa:
Akoy nanghihinawa na sa paniniwala sa ating mga kababayan. Parang
silay nagkakaisa upang maging mapait ang aking buhay; pinipigilan nila ang
aking pagbabalik, nangangakong bibigyan ako ng tustos, at pagkatapos na
gawin sa loob ng isang buwan ay kalilimutan nang muli ako Naisanla ko na
ang aking mga alahas, nakatira ako sa isang mumurahing silid, kumakain
ako sa mga pangkaraniwang restawran upang makatipid at mailathala ko
ang aking aklat. Hindi naglao iyon, ititigil ko kung walang darating sa aking
salapi. A, sasabihin ko sa iyong kung hindi lamang sa iyo, kung hindi lamang
ako naniniwalang may mga mabubuti pang Pilipino, nais kong dalhin ang
aking mga kababayan at ang lahat sa demonyo
Sa kabutihang palad, nang lahat ang pag-asa ni Rizal, dumating ang hindi niya
inaasahang tulong ni Valentin Ventura mula sa Paris. Ipinadala niya ang kabuuang
gugol sa pagpapalimbag ng aklat matapos mabalitaan ang pangangailangan ni Rizal sa
salapi.
Natapos limbagin ang aklat noong Setyembre 18, 1891 saGhent,Belgium. Inihandog ni
Rizal ang nobela sa alaala ng mga paring sina Gomez,BurgosatZamora.
Ang pagkahandog na ito sa tatlong paring martir ng ikalawang nobela ni Rizal ang
panunahing dahilan kung bakit ito ay itinuturing na isang nobelang political. Naglalahad
dito sa isang malatalaarawang pagsasalaysay ang mga suliranin ng sistema ng
pamahalaan at ang mga kaakibat na problema: problema sa lupa, pamamahala,
pamamalakad ng relihiyon at edukasyon, katiwalian atbp. Tuwiran at di-tuwiran,
masasalamin din ang mapapait na karanasang gumiyagis kay Rizal sa ilang mga
eksena at yugto ng nobela.
Masagisag at malarawan ang ebolusyon ni Simoun mula kay Crisostomo Ibarra,
bagaman hindi maiiwasang makilala ang mga kapaitan at kabiguan sa paraang hindi
maipagkakamali kasama na pati ang pangungulila at pag-aasam sa pag-ibig.
Sa El Filibusterismo, ipinakilala ni Rizal ang isang pagbabanyuhay niya bilang nobelista.
Karagdagang Impormasyon:
Ang nobelang El Filibusterismo (literal na Ang Pilibusterismo) o Ang
Paghahari ng Kasakiman ay ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang
bayani ng Pilipinas na si Jos Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong
paring martir na lalong kilala sa bansag na Gomburza o Gomez, Burgos, at
Zamora. Ito ang karugtong o sequel sa Noli Me Tangere at tulad sa Noli, nagdanas si
Rizal ng hirap habang sinusulat ito at, tulad din nito, nakasulat ito sa Kastila. Sinimulan
niya ang akda noong Oktubre ng 1887 habang nagpapraktis ng medisina sa Calamba.
Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at pinagbuti
niya ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang
manuskrito habang naninirahan sa Paris, Madrid, at Brussel, at nakumpleto niya ito
noong Marso 29, 1891, sa Biarritz. Inilathala ito sa taon ring iyon sa Gent. Isang
nagngangalang Valentin Ventura na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa
kanya upang maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat noong Setyembre 22,
1891.
Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at
Paulita Gomez
Paulita Gomez Katipan ni Isagani, mayaman, maganda, pamangkin ni
Donya Victorina
Basilio Isang binatang nakapag-aral ng medisina dahil sa sariling
sikap