El Fili 10
El Fili 10
El Fili 10
Nadatnan ni Padre Florentino na nagtatawanan ang mga taong nasa kubyerta. Habang ang mga prayle
naman ay dumaraing dahil sa pagkamulat ng mga Pilipino at pag-uusig ng mga ito sa mga bayarin sa
simbahan. Pagkarating naman ni Simoun ay sinabi ni Don Custodio na sayang at hindi nito nakita ang
magagandang tanawin. Ayon naman kay Simoun ay walang halaga sa kaniya ang isang pook kung ito ay
walang alamat.
Kaya naman isinalaysay ng Kapitan ang "Alamat ng Malapad na Bato." Ang bato raw na iyon ay
itinuturing na banal ng mga katutubo at pinamamahayan ng mga espiritu. Nang gawing tirahan ng mga
tulisan ang naturang bato ay nawala ang takot ng mga tao sa espiritu subalit napalitan ng takot sa mga
tulisan.
Ayon sa Kapitan kung ang pag-uusapan ay mga alamat, ang "Alamat ni Doña Geronima" ang
pinakamaganda. "Hayaan nating magkuwento si Padre Florentino."
Nagsimula nang magsalaysay ang pari, "Si Doña Geronima ay may kasintahan na nangakong sila ay
magpapakasal kapag nakapagtapos na ng pag-aaral. Ngunit hindi na bumalik muli ang nobyo at nang
puntahan niya ito sa Maynila ay isa na pala itong arsobispo doon. Kinausap niya ang dating kasintahan at
sinabing kailangan niyang tuparin ang pangako. Iba naman ang naisip ng arsobispo. Itinira niya si Doña
Geronima sa isang kuweba na malapit sa ilog. Ang entrada ng kuweba ay napapalamutian ng mga
baging."
Si Ben Zayb ay humanga sa istorya ukol sa alamat ni Doña Geronima habang si Doña Victorina naman ay
naiingit dahil nais din nitong manirahan sa isang kuweba.
Nagtanong naman si Simoun kay Padre Salvi, "Hindi ba't mas mainam kung sa isang beateryo gaya ng
Sta. Clara itinira ng arsobispo si Doña Geronima? Sapagkat ang ipain si Doña Geronima sa panganib sa
loob ng kuweba ay hindi masasabing isang mabuting gawain ng isang matinong tao."
Ngunit ayon kay Padre Salvi ay wala siya sa lugar upang bigyang hatol ang naging desisyon ng arsobispo
sa alamat.
Upang maiba ang usapan ay ipinagpatuloy naman ni Padre Salvi ang pagkukuwento ng isang alamat.
"Ang Alamat ni San Nicholas" ay ukol sa ginawang pagliligtas sa isang Intsik na muntik nang kainin ng
buwayang nasa ilog. Isang araw ay namamangka patawid ng ilog ang naturang Intsik na hindi
nabinyagan. Nang biglang lumabas ang isang demonyong nag-anyong buwaya at pinalubog ang bangka
ng Intsik. Naging bato ang naturang buwaya matapos magdasal ang Intsik kay San Nicholas. Ang
pagkilala at pananampalataya ng Intsik kay San Nicholas ay isa nang kalamangan ng Katolisismo.
Nang papasok na ng lawa ang bapor ay nanggilalas ang lahat sa kaaya-ayang tanawing nakita. "Maalala
ko pala, Kapitan," sambit ni Ben Zayb, "Alam ba ninyo kung saang dako ng lawa napatay ang isang
nagngangalang Guevarra, Navarra, o Ibarra?"
"Siya nga pala!" Pakla ni Doña Victorina. "Saan nga ba, Kapitan? May naiwan kayang bakas sa tubig?"
Itinuro ng Kapitan kung saan tinugis si Ibarra ng mga sundalong humabol sa kaniya at sinabing nang
malapit na itong mahabol saka naman ito tumalon at sumisid. Hinanap naman ni Doña Victorina ang
mga bakas ng pagkamatay ni Ibarra gayong maglalabing-tatlong taon nang nangyari iyon.
Muling nagtanong si Ben Zayb, "Kung gayon, ang bangkay ay..." Napahinto si Ben Zayb sa kaniyang
sasabihin.
Kaagad namang ipinagpatuloy ni Padre Sibyla, "Nakasama sa bangkay ng kaniyang amang isa ring
pilibustero!"
Namutla si Simoun sa narinig at nagsawalang-kibo na lang. Kaya naman ipinagpalagay ni Ben Zayb na
maaaring nahihilo si Simoun sa paglalakbay. Nagtaka ang mamamahayag dahil isang kilalang
manlalakbay si Simoun gayong ang ilog na kanilang dinaraanan ay halos patak lamang ng tubig ang
laman kung ihahambing sa mga lugar na kaniyang napuntahan.
Talasalitaan:
ipain-ipahamak
kalamangan-kalabasan
tinugis-hinabol
Kabanata 4: Kabesang Tales
Ang matandang si Tata Selo ang umampon kay Basilio. Ang ama ni Huli at Tano at anak ni Tata Selo ay
nagngangalang Tales na isang Kabesa de Barangay. Guminhawa ang buhay ng mag-anak dahil sa tiyaga.
Sa simula ay nakikisaka lamang sila sa isang mayamang may-ari ng lupa at nang makaipon nang sapat na
salapi ay nagpasiya na silang magsarili. Nagsimula silang magkaingin sa isang lupa sa bandang dulo ng
bayan na inakala nilang walang nagmamay-ari. Nagtanim sila ng mga tubo sa lupaing iyon.
Nang mamatay ang asawa ni Tales at ang anak ay inakala nitong sila ay pinarurusahan. Kinalamay niya
ang loob sa pag-aakalang tumigil na sa pagpaparusa ang diyos ng gubat.
Naging maunlad ang ani ni Tales sa kaniyang lupain at nang malaman ito ng mga prayle ay inangkin nila
ang lupa at pinilit siyang magbigay ng buwis. Pataas nang pataas ang buwis na ipinapataw ng mga
prayle. Ayon sa ama ay isipin na lamang niya na ang perang iyon ay nahuhulog sa balon at kinakain ng
buwaya. Hanggang sa bandang huli ay hindi na nakapagpasensiya pa si Kabesang Tales.
Nagpasiya siya na hindi na siya magbabayad pa ng buwis ngunit binantaan siya ng tagapangasiwa, "Kung
hindi ka magbabayad ng buwis, ikaw ay paaalisin sa iyong lupang sinasaka at hahanap na lamang ang
mga prayle na magsasaka ng lupa."
"Magbabayad lamang ako kung may ipakikita ang mga prayle na kasulatan na magpapatunay na sila ang
tunay na nagmamay-ari ng lupaing aming sinasaka," sagot ni Kabesang Tales sa tagapangasiwa.
Nagmatigas si Kabesang Tales sa tagapangasiwa, "Walang sinuman ang maaaring kumuha ng aking
pinaghirapang sakahan. Dugo at pawis ang iginugol ko sa lupaing ito. Namatay ang aking asawa at anak
sa pagtulong sa sakahang ito. Naglingkod ako sa hari sa pamamagitan ng sariling salapi at paggawa kaya
marapat lamang din na ako'y gawaran ng katarungan."
Nililibot pa rin ni Kabesang Tales ang kaniyang lupain kahit na iba na ang nakatira roon. Dala-dala niya
ang kaniyang baril upang proteksiyonan ang sarili habang ang katiwala ay takot na takot sa tuwing
makikita si Kabesang Tales na may dalang armas. Hindi lingid sa kaalaman ng hukom pamayapa ang
pangyayaring ito. Sa katunayan ay alam nilang ayon sa mga tuntunin, ang mga pari ay hindi maaaring
magkaroon ng mga lupain. Walang may gustong magbigay ng hatol sapagkat karamihan sa kanila ay
takot na matanggal sa kanilang katungkulan.
Ang anak naman ni Kabesang Tales na si Tano ay naging isang kawal. Marami sa kanilang kababayan ang
hindi makapaniwala dahil isa itong mabait na anak. Naisip ni Tales na ipaglaban ang anak sa
pamamagitan ng asunto at kapag siya ay nanalo, alam na niya ang gagawin at kung siya ay matalo, hindi
na niya kakailanganin pa ang anak.
Ipinalalagay ng iba na nais patayin ni Kabesang Tales ang uldog. Kaya naman nagpababa ng kautusan ang
Kapitan Heneral na nagbabawal sa pagdadala ng baril. Kinumpiska ng mga guwardiya sibil ang kaniyang
baril ngunit pinalitan naman niya ito ng gulok. Ngunit muli itong kinumpiska at muli itong napalitan ng
palakol na dating gamit ng kaniyang ama. Dumating na nga ang kinatatakutan nilang lahat.
Napasakamay ng mga tulisan ang kaniyang ama at nanghihingi sila ng limang daang piso kapalit ng
buhay ng ama.
Naisip ni Huli na isanla ang lahat ng kaniyang mga alahas ngunit hindi pa rin ito sapat para matubos ang
ama. Pinayuhan siya ng isang Hermana Bali, isang pusakal na pangginggera, na isanla ang kanilang bahay
ngunit wala namang may gusto. Sa wakas ay nakatagpo sila ng isang may magandang kalooban na
magpapahiram sa kanila ng salapi sa kasunduang si Huli ay maninilbihan hanggang sa mabayaran niya
ang kaniyang inutang.
Mabigat man sa kalooban ni Huli ay tinanggap niya ang alok ng ginang. Bisperas ng Pasko noon at
kinabukasan, araw ng Pasko ay magsisimula na siya. Walang magawa si Tata Selo kundi ang umiyak na
lamang.
Napakalungkot ng gabing iyon para kay Huli. Naisip niya si Basilio na malapit nang maging isang ganap
na doktor. Alam niyang hindi na sila nababagay sa isa't-isa. Nakita niya ang laket na bigay sa kaniya ng
kasintahan at sinabing mas nanaisin pa niyang siya na lamang ang maisanla kaysa ang laket na iyon.
Talasalitaan:
binantaan-binalaan
kasulatan-papeles
gawaran-bigyan
pusakal-talamak
Kabanata 5: Ang Noche Buena ng Isang Kutsero
Mag-uumpisa na ang prusisyon para sa Noche Buena nang dumating si Basilio sa bayan ng San Diego
sakay ng isang karitela. Naabala pa sila nang harangin ng mga guwardiya sibil ang kutsero dahil
nakalimutan nito nang kaniyang sedula at dahil dito, siya ay pinarusahan.
Nauna sa pila ng prusisyon ang imahen ni Matusalem. Kasunod nito ay ang tatlong haring mago.
Nangunguna sa pila ay ang maitim na si Haring Melchor na parang nais sumagasa sa mga kasama niya.
Ayon sa kutsero ay maaaring wala pang mga guwardiya noong unang panahon dahil kung mayroon na,
marahil ay mamamatay silang lahat dahil sa pangungulata.
Itinanong ng kutsero kay Basilio kung nalagot na ba ang tanikala ng kanang paa ni Bernardo Carpio. Ayon
sa alamat, ang kaniyang tanikala ay nalalagot tuwing lumilipas ang isang daang taon. Kasunod sa
prusisyon ay ang mga batang malungkot sa pag-iilaw, sumunod si San Jose at sa likod nito ay ang mga
babaeng may taklob na puting tela sa ulo. Sa bandang gitna ay ang mga batang may hila-hilang mga
parol. Natuwa ang kutsero nang siya at ang kaniyang kabayo ay nawisikan ng bendita.
Nasa huli ng prusisyon ang Mahal na Birhen na binihisang tila nagdadalang-tao. Batid sa mukha niya ang
kalungkutan at pagiging kimi. Nasa harapan ang mga mang-aawit at sa likod naman ang mga musikero at
guwardiya sibil.
Natapos na rin ang prusisyon ngunit hindi napansin ng kutsero na wala na palang sindi ang ilaw ng isa
niyang parol. Maging si Basilio ay hindi na napansin iyon dahil sa pagmamasid nito sa mga parol. Iba-iba
ang kulay ng mga parol at tuwing mahahapyawan ng hangin ay umuugong ang mga palawit nito. Hindi
na nito napansin ang paglamlam ng mga bituin sa langit. Kaya pinarusahan na naman ang kutserong si
Sinong. Bumaba na ng karitela si Basilio at nagpasiyang maglakad na lamang.
Tanging ang bahay lamang ni Kapitan Basilio ang tila masaya. Napansin din ni Basilio na marami silang
handa. Namangha siya nang makita si Kapitan Basilio na nakikipag-usap sa kura, alperes, at Simoun. Nais
ni Kapitan Basilio na mapalapit siya sa mga may kapangyarihan sa kanilang bayan para sa kaniyang
negosyo.
Nasabi na lamang ni Basilio sa sarili na talagang kakaiba si Simoun dahil kahit saan magtungo ay
nakakapangalakal ito. Dito sa Pilipinas, maaaring magnegosyo ang kahit sino maliban sa mga Pilipino.
Sumunod na nagtungo si Basilio sa tahanan ni Kapitan Tiago kung saan siya ay binati ng katiwalang
nakatira roon. Ibinalita naman ng katiwala ang mga nangyari sa San Diego tulad ng mga namatay na
baka, mga katulong na nakulong pati na rin ang tungkol sa mga matatandang tanod na namatay. Hindi
rin niya nakalimutang ibalita ang tungkol sa pagkakadakip ng mga tulisan kay Kabesang Tales.
Napanganga si Basilio at napaisip.
Talasalitaan:
sumagasa-lagpasan
pangungulata-pamamalo
tanikala-kadena
nawisikan-natalsikan
kimi-mahiyain
mahahapyawan-madadapuan
paglamlam-paglabo
Kabanata 6: Si Basilio
Nang tumungo ang batingaw para sa Noche Buena ay palihim namang nagtungo si Basilio sa gubat. Sa
tulong ng liwanag ng buwan, naaaninag ni Basilio ang daan patungo sa puntod ng kaniyang ina. Hindi
niya nalilimutang dalawin ang puntod ng ina taon-taon.
Nakayuko si Basiliong naglalakad habang sinisilip ang mga bituin mula sa siwang ng mga punong-kahoy.
Nagpatuloy siyang naglakad sa loob ng kagubatan hanggang makarating siya sa isang matanda at sira-
sirang moog.
Huminto siya sa isang bunton ng bato, nagtanggal ng sombrero at nagdasal. Umupo siya sa isang bato at
nag-isip. Nanumbalik sa kaniya ang mga panahong hindi niya malilimutan.
Labing-tatlong taon na ang nakararaan simula nang mamatay ang kaniyang ina at malinaw pa rin sa
kaniyang alaala ang lahat ng mga nangyari. Sa gubat na ito nalagutan ng hininga ang kaniyang ina. May
isang lalaking sugatan ang lumapit sa kaniya na nag-utos na manguha ng kahoy na pansiga. Pagbalik niya
ay isa nang bangkay ang lalaking iyon na katabi ng kaniyang ina na patay na rin. Isang lalaki pa ang
dumating at siya ay tumulong kay Basilio sa pagsisiga sa bangkay ng lalaki at paglibing sa kaniyang ina.
Pagkatapos nito, inabutan siya ng pera at iniutos na umalis na siya sa lugar na iyon. Ang lalaking ito ay
noon lamang niya nakita, mataas, mapupula ang mga labi, at may katangusan ang ilong.
Pinag-aral siya ni Kapitan Tiago sa San Juan de Letran. Pumasok si Basilio na walang maayos na damit.
Madalas siyang pagtawanan ng kaniyang mga kamag-aral dahil sa sira-sira niyang damit. Naging masipag
si Basilio na magsaulo ng mga leksiyon. Naisaulo niya nang buong-buo ang mga aralin. Kaya sa tuwing
siya ay tatanungin ng guro, nakasasagot siya nang buong-buo. Nakapasa siya sa kaniyang unang taon
habang ang iba sa kaniyang mga kamag-aral ay kinakailangang umulit.
Sa ikalawang taon ni Basilio ay nanalo sa sabong si Kapitan Tiago kaya naman binigyan siya nito ng
balato. Ibinili niya ito nang maayos na damit, piyeltrong sombrero, at sapatos.
Noong ikatlong-taon niya ay nagkaroon siya ng gurong mahilig gawing katawa-tawa ang kaniyang mga
mag-aaral. Palibhasa ay tahimik lamang si Basilio kaya naisip ng propesor na tawagin si Basilio. Inakala
ng propesor na hindi handa si Basilio sa aralin kaya nagulat ang guro nang sumagot ito nang kumpleto at
walang hinto. Dahil dito, binansagan siyang loro ng guro.
Ang ikaapat na taon ni Basilio ay puno ng pagbabago. Ang isa sa dalawa niyang propesor ay tanyag,
kinagigiliwan ng lahat, marunong, makata, at may malayang pagkukuro. Isang araw, may nakagalit ang
propesor na ito na ilang kadete na naging sanhi ng pag-aaway at paghahamon. Kaya nangalap at
nangakong bibigyan niya ng mataas na marka ang sinumang sasama sa labanan gamit ang sable o
espada. Ipinakita ni Basilio ang galing sa espada. Tuwang-tuwa ang kanilang propesor habang sila ay
pinapanood. Dahil sa kasipagan ni Basilio sa pag-aaral, siya ay nakakuha ng mataas na marka nang taong
iyon at nabigyan pa ng medalya.
Sa nakitang pagsisikap ni Basilio sa pag-aaral, hinimok ni Kapitan Tiago na noon ay galit sa mga prayle
dahil sa pagmomongha ni Maria Clara, na lumipat ang binata sa Ateneo na noon ay sikat na sikat.
Maraming natutuhan dito si Basilio. Kaya naman siya ang nahirang na magsalita sa araw ng kanilang
pagtatapos.
Nais ni Basilio na kumuha ng medisina samantalang abogasya naman ang gusto ni Kapitan Tiago. Ngunit
sa bandang huli, napapayag ni Basilio ang amo. Inakala ni Kapitan Tiago na kung magdo-doktor si Basilio
ay maaari nitong makakuha ng lason na magagamit at mailalagay sa tari ng kaniyang mga manok. Ang
lason na ito ay nakukuha sa pagtitistis ng bangkay ng isang Intsik na namatay sa sipilis.
Lalong nagsumikap si Basilio sa pag-aaral sa napili nitong kurso. Pagkatapos ng ikatlong taon ay kumikita
na siya. Hinangad niyang bumalik sa bayan at pakasalan si Huli.
Sa araw ng kanilang pagtatapos, lahat ay nagnanais na siya ay mapakinggan at ito na ang simula ng
pagbabago ng kaniyang kinabukasan.
Talasalitaan:
batingaw-kampana
bunton-tambak
gula-gulanit- sira-sira
piyeltrong-gamusa
pagtitistis-pag-opera
Nang magising si Huli ay madilim pa ang paligid ngunit tumilaok na ang mga manok. Bigla niyang naisip
na baka gumawa ng himala ang Birhen, kaya siya ay bumangon at nagpunta sa batalan.
Walang pangkaraniwang naganap sa araw na iyon. Sumikat ang araw, ramdam ang dapyo ng hangin at
maririnig ang tilaok ng manok. Nang tingnan niya ang pera sa ilalim ng imahe ng Mahal na Birhen, ni
hindi ito nadagdagan. Iniisip ni Huli na hindi siya dapat malungkot dahil maaari pa rin niyang madalaw
ang kaniyang ingkong. Wala naman siyang magawa sa mga pangyayari. Ipinagtimpla ni Huli ng salabat
ang kaniyang nuno sa pag-aakalang tulog pa ito. Sumagi rin sa kaniyang isip si Basilio at ang pangako nito
sa kaniya na kapag nakapagtapos ng pag-aaralat naging ganap na doktor, sila ay magpapakasal.
"Nakatatawa at bakit ako iyak nang iyak?" nawika niya sa sarili habang nagbabalot ng damit. Nang
mahawakan ni Huli ang laket na may brilyante ay hinalikan niya ito ngunit kaagad na inilayo sapagkat
naalala niyang mula ito sa isang ketongin. Baka kapag nahawa siya ay baka hindi pa siya makapag-asawa.
Nakita ni Huli ang nuno na nakatanaw sa kaniya. Nagbilin naman ang dalaga na sabihin sa kaniyang ama
na siya ay pumasok na sa kolehiyo. Halos maiyak ang matanda sa sinambit ng apo. Agad na kinuha ni
Huli ang kaniyang tampipi at dali-daling umalis. Nang lingunin niya ang kanilang tahanan ay madilim na
ang loob nito na tila walang nakatira at nang marinig ni Hulu ang alatiit ng kanilang pintong kawayan ay
nakaramdam siya ng matinding lungkot at saka napaiyak.
Nang makaalis na si Huli ay nakaupo si Tandang Selo at nakatanaw sa mga taong dumaraan na magagara
ang suot.
Ayon sa matatanda ay para sa mga bata raw ang araw ng Pasko sa Pilipinas. Ngunit ang hindi nila alam
ay kinatatakutan nila ang araw na iyon. Sapagkat tuwing Pasko, kinakailangan nilang gumising nang
maaga, magsuot ng mamahaling damit at makinig sa Misa Mayor. Kinakailangan din na hindi sila
maglikot upang hindi makatanggap ng kurot o bulyaw.
Dinadala sila ng kanilang mga magulang sa kanilang mga kamag-anak upang magmano, dumalaw at
mamasko. Kailangan din nilang magpakita ng kanilang kakayahan sa pag-awit, pagsayaw at iba pa
sapagkat kapag sila ay sumuway, kurot at galit ang magiging kapalit nito. Ang aginaldo na kanilang
matatanggap ay agad ding kinukuha kaya hindi napapakinabangan ng mga bata. Ito ang kinagisnang
ugali ng mga batang Pilipino tuwing Pasko.
Malungkot si Tandang Selo sapagkat wala siyang maibigay ni isa mang regalo sa kaniyang mga kaibigan
pati na rin sa kaniyang apo na hindi man lang siya nabati ng "Maligayang Pasko." Nang dumalaw ang
kaniyang mga kaibigan at kamag-anak ay walang tinig na lumabas sa kaniyang bibig at walang narinig
kundi impit na tunog.
Nasindak ang kaniyang mga kamag-anak at nagkagulo. Napabulalas sila na napipi na si Tandang Selo.
Talasalitaan:
dapyo-dampi
alatiit-langitngit
Misa Mayor-huling misa
bulyaw-sigaw
aginaldo-regalo
Naging balita sa buong bayan ang nangyari kay Tata Selo. Walang makita ang mga taong maaaring masisi
kaya naman ang iba ay nagkibit-balikat na lamang.
Maging ang tenyente ng Guardia Civil ay nagsabing napag-utusan lamang daw siya kaya niya
ipinasamsam ang mga sandata, para madukot ng mga tulisan si Kabesang Tales.
Ang uldog na bagong nangangasiwa sa lupain ni Kabesang Tales ay nagsabing wala ring kasalanan sa
nangyari samantalang kung hindi niya ito isinuplong ay hindi ito madarakip. Nag-iingat din si Padre
Clemente dahil ayon sa kaniya, si Tales daw ay may tinging tila sumisipat sa parteng patatamaan sa
kaniyang katawan.
Ayon naman kay Hermana Penchang, ang may sala raw ay si Tandang Selo na hindi tinuruan ang
kaniyang anak nang wastong pagdarasal gaya ng kaniyang ginagawa niya ngayon kay Huli. Pinagbabasa
niya ito ng Tandang Basyong Makunat.
Nang mabalitaang tutubusin ni Basilio ang kasintahan ay sinabi ni Hermana Penchang na si Basilio ay
isang demonyong nagbabalat-kayong estudyante na tuluyang magbubulid sa pagkakasala ng kaniyang
alila.
Nagdiwang naman ang mga pari sapagkat sila ay nanalo sa usapin tungkol sa lupa. Dinukot ng tulisan si
Kabesang Tales kaya ibinigay ng mga pari ang kaniyang lupain sa bagong namamahala. Nang bumalik si
Kabesang Tales, iba na ang nangangasiwa sa kaniyang lupain. At nalaman niyang naging utusan si Huli
kapalit ng salaping ipinantubos sa kaniyang tirahan ayon sa utos ng hukuman na siyang ikinatuwa ng
mga pari. Napaupo na lamang si Kabesang Tales sa isang sulok at hindi nagsalita gaputok man.
Talasalitaan:
nagkibit-balikat- nagsawalang-bahala
ipinasamsam-ipinakuha
uldog-tagapamahala ng pari
nag-antanda-nagkrus
magbubulid-magdadala
gaputok-kaunti
Marami ang nagtataka kung bakit sa bahay ni Kabesang Tales nakituloy ang mag-aalahas na si Simoun.
Kahit naghihikahos, sinunod pa rin ni Kabesang Tales ang magandang kaugalian nating mga Pilipino, ang
mainit na pagtanggap lalo na sa isang dayuhan. "Wala namang dapat alalahanin," wika ni Kabesang
Tales.
"Dahil may utusan at mga pagkain kaming dala, makikituloy lamang po ako nang isang gabi at isang araw
sapagkat ito ang pinakamalaking bahay sa nayon sa pagitan ng San Diego at Tiani. Ito kasi ang mga
bayang inaasahan kong maraming mamimili."
Nagtanong si Simoun kay Kabesang Tales kung sapat na ang rebolber na dala niya upang maipagtanggol
ang sarili.
Ayon naman kay Kabesang Tales ay may mga baril na kayang pumutok sa malayo ang mga tulisan.
"Ito man ay malaks din," ayon kay Simoun at saka pinatamaan ang isang bungang kahoy na may
dalawang daang hakbang mula sa kanilang kinatatayuan. Nalaglag ang bunga nito. Hindi naman kumibo
si Kabesang Tales.
Unti-unting dumating ang mga mamimili. Naroon sina Kapitan Basilio na kasama ang kaniyang
maybahay, Sinang, at Hermana Penchang. Iniwan niya si Huli upang magsaulo ng maliit na aklat sapagkat
nagbibigay ng indulhensiya ang mga pari sa mga makababasa nito.
Nang buksan ni Simoun ang kaniyang lalagyan ng alahas, makikita roon ang iba't-ibang uri ng mga hiyas
tulad ng mga brilyante at mga antigong bato.
Nang alisin ni Simoun ang Iona na nakatakip sa sisidlan ay naroon ang mga alahas na iba-iba ang ayos at
disenyo. Sa pag-aalok ng alahas sinabi ni Simoun ang kasaysayan at pinagmulan ng mga ito. May mga
singsing, relikaryo, palawit sa kuwintas, krus at iba pang alahas na moderno ang mga disenyo.
Isang pares ng hikaw ang napili ni Hermana Penchang upang mairegalo niya sa Birhen ng Antipolo. Nang
mabuksan ni Simoun ang sumunod niyang sisidlan, puno pa rin ito ng mga hiyas at mga sari-saring
batong noon lamang nila nakita. Napatingin si Kabesang Tales sa mga alahas ni Simoun. Naisip niyang
inaalipusta lamang ng kayamanang iyon ang mga pangyayaring nagdulot sa kaniya ng kasawian.
Ayon kay Simoun ay hindi lamang mga magagandang alahas ang kaniyang dala, kundi pati na rin ang
mga gamot at lason na sa isang dakot lamang ay kayang puminsala sa lahat ng mamamayan sa Pilipinas.
Agad namang napawi ang takot ng mga mamimili nang ilabas ni Simoun ang iba pa nitong alahas mula
sa panibagong sisidlan. Ngunit tila walang nais mamili ng luma at may kasaysayang mga alahas ni
Simoun.
Ang bawat isa ay nagpasiya nang mamili. Ang iba ay kumuha ng singsing, relos, at laket. Si Kapitan Tika
ay bumili ng relikaryo, isang pares ng hikaw ang kay Sinang, habang isang kairel at isang pares ng hikaw
ang binili ni Kapitan Basilio para sa alperes at arsobispo.
Ayon kay Simoun, bumibili rin siya ng alahas. Kaya naman tinanong niya ni Kabesang Tales. "Wala ba
kayong maipagbibiling alahas?" Ang tanong ni Simoun kay Kabesang Tales.
"Ang lahat ng alahas ng aking anak ay naipagbili at wala nang halaga ang mga natira," ang tugon ni
Kabesang Tales.
Sinuri ni Simoun ang hiyas at nakilala na ito ay kay Maria Clara. "Ipagbibili mo ba ang hiyas na ito sa
limang daang piso?" Ang tanong ni Simoun.
Habang nag-iisip si Kabesang Tales, agad na sumagot si Hermana Penchang. "Kung ako ang tatanungin,
'di ko ipagbibili ang laket dahil maging si Huli ay nagnanais pang magpaalipin kaysa mawala ito. Siguro
ipaalam muna ito kay Huli bago magdesisyon."
Napag-usapan si Maria Clara at ayon sa mga ito, payat at malamang na mamatay na isang santa. Tunay
namang mataas ang pagtingin ni Padre Salvi kay Maria Clara dahil napakabuting bata raw ito.
Tumalab nga ang sinabi ni Hermana Penchang kay Kabesang Tales. Nag-alala ito sa anak na babae kaya't
hihingi siya ng pahintulot upang magpaalam muna kay Huli kung papayag na maipagbili ang laket.
Nagkasundo sila kaya't si Kabesang Tales ay umalis. Ngunit nang napadaan siya sa kaniyang bukid,
natanaw niya ang tagapangasiwa ng lupa at ang bagong magsasaka sa kaniyang bukirin. Matindin pa sa
asawang nakahuli ng kaniyang kabiyak na gumagawa ng kataksilan ang nadama niyang sakit. Nakita
niyang nagtatawanan ang uldog at ang bagong tagapangasiwa ng kaniyang lupain at inisip ni Kabesang
Tales na siya ang pinagtatawanan ng mga ito. Bumalik sa alaala niya na sinabi niyang hindi niya ibibigay
ang lupain maliban sa sinumang makapagdidilig dito ng sarili niyang dugo.
Buong gabing naghintay si Simoun kay Kabesang Tales ngunit hindi ito dumating. Nakita na lamang niya
kinabukasan na nawawala na ang kaniyang rebolber. Nag-iwan ang kabesa ng isang sulat na patawarin
siya at pinagnakawan niya ang sarili nilang bahay at ginawa niya iyon dahil kailangang-kailangan lamang.
Pinayuhan siyang umiba ng landas dahil kapag nahuli siya ay hihingan ng malaking tubos.
Ayon kay Simoun ay natagpuan na niya ang kaniyang magiging tauhan. Ang pagdating ng mga sibil ay
lalong nagpasaya kay Simoun dahil nang hindi makita si Kabesang Tales ay dinakip si Tandang Selo.
Tatlong tao ang pinatay ni Kabesang Tales noong gabing iyon, ang prayle, ang lalaking bagong
namamahala sa kaniyang bukirin. Maging ang asawa nito ay natagpuang patay noong madaling araw,
basag ang bungo at tagpas ang leeg. Sa tabi ng bangkay ay may kapirasong papel na nakasulat na Tales
gamit ang daliring isinawsaw sa dugo.
"Mga mamamayan ng Calamba, kayo ay pumayapa. Hindi kayo si Tales na nakapatay. Nagsipaglinis kayo
ng inyong bukirin, nagtipid upang makapagpatayo ng bahay, nag-ipon, pagkaraan nito ay pinaalis kayo sa
ipinatayong tahanan at sinasakahang lupa. Kayo ay inalisan ng karapatan at nilapastangan ang mga
tradisyon ng bayan gayong kayo ay naglilingkod sa kaharian ng Espanya. Humingi kayo ng tulong ngunit
hindi kayo kinaawaan, sa halip ay inusig kayo hanggang sa inyong kamatayan. Kayo ay pinagmamasdan
ng Espanya habang naghihintay na matugunan ang katarungan."
Talasalitaan:
naghihikahos-naghihirap
relikaryo-agnos/laket
tagpas-putol
Noo’y ika-31 ng Disyembre. Ang Kapitan Heneral kasama si Padre Sibilya at Padre Irene ay naglalaro ng
tresilyo sa bahay-aliwan sa Los Banos.
Nagpatalo ang dalawang kura dahil ang nais lamang nila na mangyari sa panahon na iyon ay kausapin si
Kapitan tungkol sa paaralan ng Kastilang balak ng kabataan. Ngunit maraming iniisip ang Kapitan, kagaya
ng papeles ng pamamahala, pagbibigay biyaya, pagpapatapon, at iba pa.
Ang paaralan ay hindi ganoon ka-importante sa Kapitan. Nagalit naman si Padre Camorra dahil sa
sinadyang pagkatalo ni Padre Irene, at hinayaang manalo si Kapitan.
Pinalitan naman ni Simoun si Padre Camorra. Biniro naman ni Padre Irene ang binata na ipusta ang
kanyang mga brilyante. Pumayag naman ito sapagkat wala namang maipupusta ang kura. Subalit sinabi
ni Simoun na kapag siya ang nanalo, bibigyan nila siya ng pangako.
Sa kakaibiang kondisyon ng binata ay lumapit si Don Custodio, Padre Fernandez, at Mataas na Kawani.
Tinanong nila ang binata kung para saan ang kanyang mga hiling. Sinagot naman ng binata ay para ito sa
kalinisan at kapayapaan ng bayan.
Talasalitaan:
papeles-dokumento
Malungkot si Placido Penitente na nagtungo sa Unibersidad ng Sto. Tomas dahil nais niyang tumigil sa
pag-aaral tulad na nasabi niya sa kaniyang huling dalawang sulat. Ngunit nakiusap ang kaniyang ina na
tapusin kahit Batsilyer de Artes man lang dahil siya ay nasa ikaapat na taon na.
Isang palaisipan sa kaniyang mga kababayan ang pagnanais ni Placido na huminto sa pag-aaral. Siya ang
pinakamagaling sa lahat ng mag-aaral ni Padre Valerio sa kanilang bayan. Hindi ito nagsusugal, wala
namang kasintahang nagyayayang magpakasal at liban sa babasahing nagtataglay ng mga payo ng mga
kura kaya itinuring siyang isang mapaghimagsik ng kanilang parokya.
Sa kaniyang daan patungo sa eskwela ay madalas niyang makasabay ang ibang mag-aaral ng karatig na
paaralan. Madali mong malalaman kung saan nag-aaral ang bawat estudyanteng iyong makasasabay.
Ang mga nakasuot Europeo at mabilis maglakad ay mga taga-Ateneo. Ang mga nakabihis-Pilipino ay
kakaunti ang aklat ngunit mas marami ang bilang ng mga taga-San Juan de Letran. Ang mga mag-aaral
naman ng Sto. Tomas ay magara ang mga bihis at sa halip na aklat ang dala ay mga baston. Samantala,
ang mga mag-aaral naman ng kolehiyo ay hindi madaling maloko at tila palaging nag-aalala. Sa dakong
dulo ay naroon ang mga kababaihan. Dala-dala ang kanilang mga aklat kasunod ang kanilang utusan
patungo sa Escuela de Municipal.
Nagulat pa si Placido nang tapikin siya ni Juanito nang sila ay magkasalubong sa may Magallanes. Siya si
Juanito Pelaez, mayabang at mahilig magbiro ng hindi maganda sa kapwa at paborito ng kanilang mga
guro.
"Kumusta, Penitente!" Tinanong ni Pelaez si Placido kung ito ay nagsaya sa kaniyang bakasyon.
"Lubos akong nasiyahan. Biruin mo, inimbita ako ng prayle ng patrolya ng Tiani sa kaniyang lalawigan
kasama si Padre Camorra. Wala kaming ginawa kundi mangharana at lahat ng tahanan roon ay napanhik
namin," sabay bulong si Juanito kay Placido at pagkatapos ay tumawa.
May pag-aalinlangang tumingin si Placido sa kaniya. Sadya raw na isang hibang si Basilio sa pagkakaroon
ng katipang si Huli. Siya ay masungit ngunit maganda. Isang gabi raw ay may dalawang nangharana sa
nobya ni Basilio. Hinambalos sila ni Padre Camorra. Sa hindi malamang dahilan, nabuhay ang dalawang
ito.
Tinanong ni Juanito ang kanilang mga naging leksiyon at mabilis naman siyang sinagot ni Placido.
Ang kanilang naging leksiyon ay tungkol sa mga salamin. Ngunit imbis na pumasok ay niyaya pa ni
Juanito si Placido na mag-dia pichido. Hindi naman sumang-ayon dito si Placido. Hindi niya maaaring
makalimutan ang hirap na dinaranas ng kaniyang ina para lamang matustusan ang kaniyang pag-aaral.
Mabilis na naglakad palayo sa kamag-aral si Placido.
Ngunit may naalala si Juanito at hinabol si Placido, "Mag-ambag ka naman para sa bantayog ni Padre
Baltazar na isang Dominiko. Sige na magbigay ka na kahit tatlo o apat na piso para maipakita na tayo ay
galante."
Upang mapatigil na ang pangungulit ni Juanito, siya ay nagbigay na at alam rin niyang nakatutulong ang
gayong abuloy upang pumasa ang estudyante. Tiyak ang salaping naiabuloy ni Placido ay
maipangangalandakan na ni Juanito Pelaez.
Si Tadeo naman na kanilang kamag-aral ay hilig ang magliwaliw. Naroon lamang siya para alamin kung
may pasok at kapag nalamang mayroon ay aalis at magdadahilang siya ay may sakit ngunit nakakapasa.
Nagsimula nang magsipasukan ang mga mag-aaral nang may muling humabol kay Placido. Siya ay
pinapalagda tungkol sa paaralang balak ni Macaraig na wala naman raw kabuluhan. Hindi siya lumagda
dahil wala pa siyang panahon para mabasa iyon. Naalala rin niya ang laging paalala ng kaniyang amain
tungkol sa isang lalaking nawalan ng pag-aari dahil sa paglagda na hindi muna binabasa ang kasulatan.
Pumasok pa rin si Placido at pinatunog pa ang takong ng kaniyang sapatos. Siya nga ay napuna ng
kaniyang propesor nang may halong pagbabanta na siya ay may araw din at pagbabayaran niya ang
kaniyang ginawa.
Talasalitaan:
karatig-kalapit
maipangangalandakan-maipagyayabang
magliwaliw-maglibang
kabuluhan-katuturan
Kabanata 13: Ang Klase sa Pisika
Isang hugis pahabang silid ang nagsisilbing klase ng mga mag-aaral ng Pisika. Ang plataporma ng
propesor ay nasa harapan at sa kabila nito ay may tig-dalawang baitang ng hagdanan. Ang mga
kagamitang pang-agham ay nakatago lamang at nakakandado sa kuwadrong gawa sa salamin. Paminsan-
minsan ay ipinakikita ang mga ito sa mga mag-aaral mula sa malayo na tila isang santo. Iyon ay
ipinakikita lamang kapag may mga dayuhang bumibisita sa Sto. Tomas upang masabi na hindi sila
nahuhuli sa mga makabagong paraan ng pagtuturo. Kaya naman idinadahilan nila na kaya hindi natututo
ang kanilang mga mag-aaral ay dahil mga katutubo sila, sadyang tamad at may kahinaan.
Ang propesor ni Placido ay si Padre Millon. Kilala siya sa pagtuturo ng maraming asignatura at
iginagalang sa kaniyang kahigpitan. Iyon ang unang beses niyang pagtuturo sg Pisika.
Ngumiti nang may halong pang-uuyam si Padre Millon sa ilang mga teorya sa Pisika. Hindi rin niya
nararamdaman ang kahalagahan ng siyensiya dahil wala pang Dominikano ang sumisikat dito. Mayroon
pa rin siyang pag-aalinlangan na bilog talaga ang mundo kaya naman parisukat pa rin ang pagbiyak niya
sa ostiya. Marami rin ang nakapapansin na siya ay namumuhi sa kaniyang itinuturo.
Noong umagang iyon ay nagsimulang magtawag si Padre Millon ng mga mag-aaral sa mga ipinasaulong
aralin tungkol sa salamin. Tinawag ng propesor ang mag-aaral na napansin niyang naghihikab. Nagsimula
itong bumigkas ng aralin tulad ng isang ponograpo ngunit agad ding pinahinto ang propesor.
"Magaling," putol ng propesor. "Tingnan natin. Ang salamin ay maaaring metal o bubog. Kung bibigyan
kita ng kapirasong kahoy halimbawa ay kamagong na pinakinis at binarnisang mabuti at sa gayon ay
masisinagan ng larawan ng mga bagay na inilagay sa harap, saang grupo ng salamin iyon sasama?"
Nagtangkang turuan ni Pelaez ang kamag-aral ngunit mali naman ang kaniyang idinikta. Sinunod naman
ng kamag-aral ang sagot kaya naman natawa ang propesor at ininsulto ang mag-aaral. Dahil dito ay labis
na napahiya ang mag-aaral. Nagtanong pang muli ang propesor tungkol sa salamin. Subalit nalito lamang
ang mga mag-aaral at tila wala nang masabi.
Nagtanong ang pari kung sumasang-ayon ang mag-aaral sa kaniyang pahayag na tila nanunudyo. Nalito
ang mag-aaral kung siya ay sasang-ayon o hindi. Lahat ay sumenyas na siya ay sumang-ayon, maging si
Pelaez. Bago pa siya makasagot ay muli na namang nagtanong ang propesor, "Kung kakayurin niya ang
tinggang puto ng isang salaming bubog at papalitah ng bibingka, salamin pa rin daw ba ang results nito?"
Bumulong si Pelaez at sinabing bibingka nga raw.
Narinig ng propesor ang bulong ni Pelaez kaya naman pinaupo ang mag-aaral at siya naman ang
ipinatayo at tinawag na nagmamarunong.
Wala ring maisagot si Pelaez kaya naman panay ang bulong niya kay Placido na siya ay turuan. Sa
katatapak ni Pelaez sa paa nito ay napasigaw nang malakas si Placido sa klase.
Si Placido ang pinatayo ng propesor matapos siyang mabansagang tagabulong. Namula siya sa kahihiyan
at tumayo nang hindi malaman kung ano ang isasagot.
"Ang sabi ng aklat, ang mga metal ay gawa sa tanso o iba pang mineral. Tama o mali?" ang tanong ng
propesor.
"Iyan ang sinasabi ng aklat? Huwag mong ipalagay na mas marunong ka pa sa aklat. Sinasabi pa rin na
ang salaming bubog din sa kaniyang pinakaibabaw ay binuli ngunit sa kabila ay may nakadikit na ipinahid
na estanyo, unawain mong mabuti, ipinahid sa estanyo. Ito ba ay totoo?"
Nagtanong ang propesor kung siya ay sumasang-ayon sa aklat na ang salamin ay maaaring metal na yari
sa tanso o iba pang metal. Umayon si Placido at ito raw ang nakasulat sa aklat. Dagdag pa ng propesor sa
kaniyang tanong kung sang-ayon siya na ang salaming bubog ay patag at pinakinis nang husto sa ibabaw
na bahagi nito at ang isang panig ay pinahiran ng estanyo. Muling umayon si Placido dahil sa nakasulat
ito sa aklat.
Muling nagtanong si Padre Millon kay Placido, "Ang tingga ba ay yari rin sa metal?"
Nalito si Placido at sumang-ayon na rin. "Kung ganyan po ang sinasabi ng aklat, Padre."
Muling sinundan ni Padre Millon ng isa pang tanong si Placido, "Kung ang merkuryo ay isa pang metal at
ang salaming bubog ay salaming metal, paano mo ito maipapaliwanag?"
Lalong nalito si Placido sa sumunod na mga tanong ng propesor. Ngunit sinubukan niyang
magpaliwanag, nagkandautal-utal sa pagbigkas ng mga salita kaya nalaman ng propesor na siya ay hindi
handa sa araw na iyon. Kaya bilang parusa, siya ay mag-uulat ng kanilang leksiyon. Sa sobrang nerbiyos,
tatlong beses na nagkamali si Placido. Hinanap ng propesor ang kaniyang pangalan sa talaan at sinabing
mayroon na siyang labinlimang liban. Isa pang pagliban ay hindi na siya makapapasok pa sa kanilang
klase.
"Labinlimang ulit na kusang hindi pumasok, Padre?" ang ulit ni Placido sa sinabi ng kaniyang propesor.
"Anupa't kulang na lamang ng isa at makapagliliwaliw ka na."
Malumanay na nagpaliwanag si Placido at sinabi sa propesor na, "Aapat na ulit pa lamang po akong
lumiban, 'pag isinama na po ang araw na ito ay magiging lima pa lamang."
Ipinaliwanag ng propesor na minsan lamang siya magbasa ng talaan kung kaya't sa tuwing makahuhuli
siya ng lumiban ay minamarkahan ito ng limang liban. Nagulat pa ito nang inamin ni Placido na
nakalilimang araw na liban na siya.
"Pasalamat ka dahil tatlong beses pa lamang kita na nahuli samantalang dapat daw ay dalawampu't
limang araw."
"Isa pa at sulong, sa labas ka na! At ngayon, isa pang guhit dahil sa hindi mo pagkaalam sa leksiyon araw-
araw."
Pinigilan ni Placido ang sarili at nagsabing, "Ngunit Padre, kung lalagyan mo ako ng pagkukulang sa
leksiyon ay dapat po naman na alisin ninyo ang pagkukulang ko sa pagpasok na inilagay ninyo sa akin."
"O, Pilosopong pangahas! Hindi mo yata nauunawaan? Ang katotohanan at walang puwedeng sumira
rito. Hindi mo ba iniisip, pilosopo na ang isang mag-aaral ay puwedeng maging liban at hindi rin alam
ang kaniyang leksiyon? Ano ang isasagot mo, pilosopastro?"
Ngunit hindi na nakapagpigil pa si Placido sa mga sinabi ng kaniyang propesor. "Tama na, Padre, Tama
na! Maaari ninyo nang lagyan ng guhit ang aking pangalan hanggang ibig ninyo, ngunit wala kayong
karapatang umalipusta sa kapwa."
Nabigla ang lahat sa ginawang pagsagot ni Placido sa propesor. Hindi nila akalain na magagawa iyon ni
Placido. Pagkatapos noon ay nagsermon nang nagsermon ang propesor tungkol sa kawalang-galang at
pagsagot-sagot ng mag-aaral.
Hanggang matapos ang klase ay hindi tumigil ang propesor. Lumabas ang dalawandaan at tatlumpung
mag-aaral sa klase nang walang nalalaman gaya nang sila ay pumasok. Ang bawat mag-aaral na lumabas
sa klase ni Padre Millon ay nawalan na naman ng isang oras sa kanilang buhay, kasama ng kanilang
dignidad sa sarili.
Talasalitaan:
plataporma-entablado
pang-uuyam-panun
nanunudyo-naiinis o nanunukso
pangahas-mapusok
dignidad-dangal
Agad namang sinamantala ni Sandoval ang pagpupulong upang maipamalas ang kaniyang galing sa
pagtatalumpati. Tinalakay niya ang tungkol sa pinag-uusapang Akademya.
Hindi pa dumarating si Macaraig nang mga oras na iyon kaya naman nagbigay ng kani-kaniyang opinyon
ang bawat isa sa maaaring maging resulta ng kanilang panukala. Ang bawat isa ay nag-iisip na baka
manaig sa usapan sina Padre Irene at Padre Sibyla. Palagay ang loob nina Isagani at Sandoval na
matutupad ang kanilang hangarin. Ngayon pa lang ay iniisip na nila ang mga papuring kanilang
matatanggap.
Habang si Pecson naman ay laging iniisip ang negatibo at baka sa halip na sila ay papurihan ay ipakulong
sila.
Nagalit si Sandoval sa tinuran ni Pecson dahil ayon sa kaniya ay may sariling desisyon ang Kapitan
Heneral at hindi magpapasulsol sa mga prayle. Nagpatuloy ang pagtatalo nina Sandoval at Pecson
tungkol sa paraan ng pagdedesisyon ng pamahalaan. Ayon kay Pecson, ang heneral ay laging
ipinauubaya sa mga prayle ang ganitong uri ng pagde-desisyon. Hindi naman sumang-ayon dito si
Sandoval at sinabing wala itong sapat na katibayan ang kaniyang mga paratang. Hindi rin niya
nagustuhan ang nangyari dahil hindi siya nakagawa ng talumpati kaya sinabi na lamang na hindi dapat
ipagwalang-bahala ang ganitong maselang mga bagay.
Itinuloy pa ni Sandoval ang talumpati at sinabing marapat lamang na magpasalamat ang lahat ng mga
Pilipino sa mga Kastila. Ipinagkaloob ng Espanya ang lahat ng pangangailangan ng bawat mamamayan.
Ayon pa sa kaniya, pantay-pantay ang lahat ng Kastila at Pilipino. Ang dahilan ng kanilang pagtitipon-
tipon ay upang maipahayag ni Macaraig ang kanilang tagumpay sa pagtatayo ng Akademya ng Wikang
Kastila. Ang lahat ay dapat na humanda sa mga papuring maaaring ibigay sa kanilang bansa. Sa sobrang
kaligayahan ni Sandoval, niyakap niya si Isagani na ginaya naman ng iba pang mag-aaral na nakikinig sa
kaniyang talumpati.
Si Pecson naman na puno ng alinlangan ay hindi sumang-ayon sa mga pahayag ni Sandoval. Palibhasa
raw, siya ay isang Kastila at hindi isang Indio. Magsisimula pa sanang sumagot si Sandoval nang siya ay
mapigil ng mga mag-aaral na nagsisigawan.
Si Macaraig ay isang mayamang mag-aaral ng abogasya. Siya ang namumuno sa panukala ng Akademya
ng Wikang Kastila . Ang mag-aaral na sina Isagani, Pecson, Pelaez at Sandoval ay ang siyang nag-anyaya
kay Macaraig upang mapag-usapan ang kanilang mga plano.
"Kaninang umaga ay nakipagkita ako kay Padre Irene. Ipinabatid sa akin ni Padre Irene ang lahat ng
nangyari sa Los Baños. Tila isang linggo raw silang nagtalo, ipinaglaban at ipinagtanggol niya ang ating
hangarin laban kina Padre Sibyla, Padre Fernandez, Padre Salvi, sa Heneral, at kay Simoun."
"Ang mag-aalahas na si Simoun," ang hadlang ng isang mag-aaral. "Pinayayaman lang natin iyan sa
pagbili ng...." kaagad siyang pinatigil ng isa pang mag-aaral. Ang kailangan lamang nilang gawin ay hingin
ng pahintulot ni Don Custodio at sigurado na ang kanilang panalo dahil ang kapitan ay walang
kinikilingan.
Pinag-isipan ng mag-aaral kung paano nila mapapayag si Don Custodio. Saglit na tumigil si Macaraig.
"Dalawang paraan ang itinuturo sa akin ni Padre Irene. Ang Intsik na si Quiroga at isang mahalagang
handog."
"A! Alam ko na!" ang bulalas ng tumatawang si Pecson. "Ang mananayaw na si Pepay."
Hindi pumayag si Isagani. "Ang pagkakagamit kay Padre Irene ay sapat na at masagwa pa kung lalapitan
si Pepay sa ganitong bagay."
"Bakit hindi natin lapitan si Ginoong Pasta, ang tanungan ni Don Custodio?" ang lapit ng isa mga mag-
aaral.
Talasalitaan:
maipamalas-maipakita
magpapasulsol-magpapaudyok
kinikilingan-pinapanigan
Isa sa mga pinakakilalang abogado sa Maynila si Ginoong Pasta. Sa kaniya humihingi ng payo ang mga
prayle kapag kinakailangan. Noong araw na iyon ay nagtungo si Isagani sa opisina ng abogado ngunit
marami itong kliyente kaya kinailangan niyang maghintay na siya ay tawagin.Nang siya ay makapasok sa
opisina ni Ginoong Pasta ay ni hindi man lamang siya nito inalok na maupo.
Huminto sa pagsulat si Ginoong Pasta at tiningnan ang binata. Nang makilala si Isagani ay lumiwanag
ang mukha at agad na kinamayan ang panauhin. Natuwa naman si Isagani sa pagtanggap sa kaniya ng
abogado at inaasahan niyang hindi siya bibiguin ni Ginoong Pasta.
Nang makita pa lamang ni Ginoong Pasta si Isagani ay alam na niya ang tunay na pakay ng binata. Ngunit
nang mabanggit ni Isagani ang tungkol sa panukalang Akademya ng Wikang Kastila ay agad na nagdilim
ang mukha ni Ginoong Pasta. Napabulalas ang abogado na ang bayang iyon ay bayan ng mga plano at
panukala.
Nakita ni Isagani ang reaksiyon ni Ginoong Pasta ngunit patuloy pa rin siya sa kaniyang ipinahahayag.
Kung sakaling hihingi ng payo si Don Custodio sa abogado tulad ng inaasahan, hindi naman masabi ni
Isagani na sila ay papanigan ni Ginoong Pasta dahil sa kawalang interes na ipinakikita nito.
Ngunit lingid sa kaalaman ni Isagani ay buo na ang pasiya ni Ginoong Pasta sapagkat alam niya ang
nangyari sa Los Baños. Kung hindi lamang dahil sa suhestiyon ni Padre Sibyla na padaanin sa lupon ng
paaralan ang panukalang iyon ay malamang na magtagumpay na ang mga mag-aaral na maitatag ang
Akademya ng Wikang Kastila. Kaya upang malihis sila sa kanilang pinag-uusapan ay naisip ni Ginoong
Pasta na guluhin ang isipan ni Isagani.
"Malaki ang aking pagmamahal sa bayan. Ngunit kinakailangan kong mag-ingat sa aking mga galaw dahil
maselan ang aking kalagayan. Marami akong ari-arian at mayroon din kong reputasyon na dapat
pangalagaan," paliwanang ni Ginoong Pasta sa binata.
Sinagot naman ni Isagani ang pahayag ni Ginoong Pasta. "Hindi namin nais na ipahamak kayo Ginoong
Pasta, bagkus nais lamang namin na makatulong sa pamahalaan na mapaunlad ang ating bayan."
Natuwa naman ang abogado sa pag-aakalang siya ay nagtagumpay na lituhin si Isagani sa kanilang pag-
uusap. Tuloy pa rin ang pagtatalo nina Isagani at Ginoong Pasta. Nagugulat lamang ang abogado at
nakukuha pa ring makipagsagutan ng binatilyo sa kabila ng mga ginagawa niyang panlilito rito.
Kaya naman pinayuhan siya ni Ginoong Pasta na ipapaubaya na lamang sa pamahalaan ang kanilang mga
plano at baka iyon pa ang magdala sa kanila sa kapahamakan. Agad namang sumalungat dito si Isagani
dahil ayon sa kaniya, ang pamahalaan ay dapat lamang na makinig sa mga pangangailangan ng kaniyang
nasasakupan. Katuwiran pa niya, mamamayan din ang bumubuo ng pamahalaan kaya maging sila ay
maaari ding magkamali.
Binanggit din ni Isagani ang tungkol sa kasabihan ng mga Kastila na, "Ang hindi umiyak ay hindi
makasususo, ang hindi humiling ay hindi pagkakalooban."
Ngunit ayon kay Ginoong Pasta, baligtad ang nangyayari sa kanilang pamahalaan.
Ang paghiling ay tanda lamang ng kakulangan. At kahit na para ito sa kabutihan ay lalo lamang sila
mapapasama. Dagdag pa niya, walang mapapala kung sila ay maghihimagsik sa mga patakarang itinakda
ng pamahalaan.
"Paumanhin," ang gila nayayamot na sabi ni Isagani. "Kung ang mamamayan ay humihingi ng mga bagay
na naaayon sa batas, ang mga mamamayan ay naniniwala na ang mabuting pamahalaan ay
nakahandang magbigay ng nakabubuti at ang paghingi ay hindi dapat ikamuhi."
Sinalungat ni Ginoong Pasta ang mga sinabi ni Isagani, umiling ito at hinaplos ang kaniyang upaw sa ulo.
Pagkatapos ay nagwika na may pagkaawa, "A, iyan nga mga mag-aaral na nagpapakilalang kayo ay mga
bata pa at kakaunti ang alam sa buhay." Naramdaman na ng abogado na humahaba na ang kanilang
usapan at nagkunwaring hinahanap ang kaniyang salamin.
Naintindihan naman ni Isagani ang nais iparating ni Ginoong Pasta na hayaan lamang ang pamahalaan
ang magbigay ng pasiya. Pinayuhan siya na huwag nang manghimasok sa mga pamamalakad ng
pamahalaan.
Nagpayo si Ginoong Pasta na kung nais nilang matuto ng Wikang Kastila, mag-aral na lamang sila at tiyak
na matututo.
Naramdaman na ni Isagani na kailangan na niyang igiit ang kaniyang katuwiran sa abogado kaya lang ay
hindi siya makasingit kay Ginoong Pasta.
Pinayuhan siya ng abogado. "Bibigyan ko kayo ng payo na hindi masasayang. Mag-aral kayo ng medisina.
Harapin ninyo ang panggagamot at mabuting paniningil. Intindihin na lamang ninyo ang inyong mga sari-
sarili hanggang pumuti ang inyong buhok."
Ngunit muling sumagot si Isagani, "Kung ako po ay magkakaroon ng puting buhok ng katulad ninyo
Ginoong Pasta na walang naitulong sa bayan, ang bawat uban sa aking buhok ay hindi ko
maipagmamalaki sa halip ay aking ikahihiya." Masama ang loob na lumisan ang binata.
Tunay na nanghihinayang si Ginoong Pasta sapagkat bihira ang katulad ni Isagani na may malasakit sa
bayan. Sana nga raw, ang lahat ng mamamayan ay tulad ni Isagani.
Talasalitaan:
nayayamot-naiinis
manghimasok-makialam
igiit-ipilit
uban-puting buhok
Ang marangyang tahanan ni Quiroga ay masaya sa gabing iyon. Isang hapunan ang kaniyang inihanda
kaya nagsidalo ang mga tanyag na mga kawani ng pamahalaan, at maging ang kaniyang mga suki sa
tindahan. Dahil dito, maririnig ang malakas na halakhakan, tunog ng mga baso ng mga nag-iinuman, at
amoy na amoy ang magkahalong usok ng apyan at tabako. Ang lahat ng ito ay dahil sa pangarap ni
Quiroga na magkaroon ng konsulado ng mga Intsik sa Pilipinas at siya ang gawing konsul.
Abalang-abala si Quiroga na nakadamit-Mandarin na bumabati nang nakangiti sa kaniyang mga
panauhin kahit alam niyang tanging ang kaniyang handa ang dahilan ng kanilng pagpunta tulad nina
Ginoong Gonzales na tinutuligsa ang mga Intsik sa mga tudling ng pahayagan at Don Timoteo na tutol
naman sa pangangalakal ng ibang dayuhan sa Pilipinas.
Dumating si Simoun nang matapos nang kumain ng mga panauhin. Hindi na napilit pa ni Quiroga ang
mag-aalahas na maghapunan. Kaagad namang nagsilapitan ang iba pang mga mangangalakal at nagsabi
ng kani-kanilang mga hinaing sa pagnenegosyo.
"Masyado na ang katiwalian sa daungan. Hindi n matapo-tapos ang pagpapayari rito kaya tuloy
tumataas ang halaga ng mga paninda. Malaki na ang aking nalulugi," ang sabi ni Don Timoteo ngunit
ngiting pakutya lamang ang nging tugon ni Simoun at lumapit kay Quiroga.
"Nagustuhan mo ba ang pulseras?" ang tanong ni Simoun. Biglang nag-anyong pormal si Quiroga at
sinabi lamang na siya ay nalulugi na sa kaniyang negosyo sapagkat marami ang may utang sa kaniya na
hindi nagbabayad. Pagkatapos ay inanyayahan ni Quiroga si Simoun sa kaniyang silid.
"Huwag kang mag-alala, kaibigan, titiyakin kong makapagbabayad sila sa iyo. Sabihin mo sa kanila na sa
akin lumapit upang mangutang. Tungkol naman sa iyong pagkakautang sa akin dahil sa kinuha mong
pulseras, babawasan ko ito ng dalawang libong piso kung papayag ka sa aking kagustuhan na itago sa
iyong bodega ang aking mga baril," wika ni Simoun na ikinatakot ng Intsik.
Nagpaliwanag si Simoun at sinabing unti-unting itatago ang mga baril sa mga bahay-bahay pagkatapos.
Kapag nagsagawa ng pagsisiyasat ang pamahalaan ay mabibilanggo ang mga may-ari ng bahay na
palalayain naman dahil sa tulong ni Simoun. Sa ganitong paraan ay kikita raw sila ni Quiroga. Bukod dito,
si Quiroga ay pahihintulutan daw na magpasok ng mga ilegal na kalakal sa daungan. Kung hindi raw ito
papayag ay mapipilitan si Simoun na lumapit sa iba at singilin ang Intsik sa kaniyang mga utang.
Nang lumabas ang dalawa sa silis, patuloy pa rin ang masayang kuwentuhan ng mga panauhin.
Sa pangkat ni Don Custodio, pinag-uusapan ang isang Komisyon ng pamahalaan na ipinadala sa India
upang pag-aralan ang ukol sa sapatos ng mga kawal. "Bakit pa?" ang tugon ng isa. "Hindi na kailangan
pang magsapatos ng mga kawal na Indio tutal ay sanay naman silang walang sapin sa paa," dugtong pa
nito.
Sa pangkat naman nina Ben Zayb at Padre Camorra ay napag-usapan ang tungkol sa mahika. Ibinalita ni
Juanito Pelaez ang pagtatanghal sa perya ni Mr. Leeds tungkol sa ulong nagsasalita.
"Sa panahon ngayon ay 'di na totoo iyan! Gawa lamang ito ng mga ilusyon na gamit ang mga salamin,"
ang salansang ni Ben Zayb.
"Bakit hindi natin puntahan at tingnan upang ating malaman kung totoo o hindi," ang anyaya ni Simoun
na matamang nakikinig pala sa kanilang usapan.
Sabay-sabay na umalis ang may labindalawang panauhin ni Quiroga upang magtungo sa perya at
manood ng palabas ni Mr. Leeds.
Talasalitaan:
konsulado-kinatawan ng pamahalaan
tinutuligsa-binabatikos
tudling-editoryal
salansang-salungat
Napakaganda ng gabing iyon ng Enero. Makulay ang perya sa Quiapo sa mga nakasabit na mga
banderitas at masayang-masaya dahil sa dami ng mga panoorin. Bawat kubol ay punong-puno ng tao.
Samantala, si Isagani ay nakaramdam ng pagkainis sa tuwing nakikita niyang may tumititig kay Paulita at
buong tamis namang nginingitian ng dalaga. Sa kaniyang pananaw, iyon ay isang pagtataksil sa kaniya.
Nakarating ang pangkat nina Ben Zayb at Padre Camorra sa tindahan ng mga tao-tauhang kahoy.
Napansin nila na halos kawangis ng mga prayle ang mga nililok na mga tao-tauhan.
Nagpatuloy sila sa pamamasyal hanggang sa makaratinh sila sa isang kubol na punong-puno naman ng
mga larawan. Napansin nila ang larawan ng isang babaeng pisak ang isang mata, gula-gulanit ang damit,
magulo ang buhok, nakalupasay at namimirinsa. Ang pamagat ng larawan ay "La Prenza Filipina."
"Hangal ang nakaisip ng larawang iyan," ang sabi ni Padre Camorra na tila naiinis.
Pinansin din at pinagtawanan ng pangkat ang isang larawan ng lalaking nakagapos at binabantayan ng
mga guwardiya sibil na may pamagat na "Ang Bayan ng Abaka." Ngunit nang makita at pansinin ni Ben
Zayb ang isang larawan na tila hawig kay Simoun, napansin nilang nawawala ang mag-aalahas.
"Marahil sa natakot at baka pagbayarin natin siya sa palabas ni Mr. Leeds," ang sabi ni Padre Camorra.
"Ang sabi ninyo ay baka natakot siya na matuklasan natin ang lihim ng kaniyang kaibigang si Mr. Leeds,"
ang tila sigurado namang sagot ni Ben Zayb.
Talasalitaan:
kawangis-kahawig
nililok-inukit
nakalupasay-nakasalampak
namimirinsa-namamalantsa
kubol-temporary shelter
Kabanata 18: Mga Kadayaan
Si Mr. Leeds na isang Amerikano ay magaling magsalita ng Kastila dahil sa tagal ng kaniyang pamamalagi
sa Timog Amerika. Malugod niyang pinaunlakan ang hiling ng kaniyang mga panauhin na siyasatin ang
tanghalan bago at pagkatapos ng kaniyang palabas ngunit nakiusap ito ng katahimikan habang
nagtatanghal.
Biglang tumigil ang mga marahang kuwento ng mga tao, para bang pakiramdam nila ay pumasok sila sa
bahay ng patay dahil sa amoy ng usok ng insenso na lalong nagpatayo sa kanilang mga balahibo.
Upang maalis ang takot ng mga manonood at hiyain si Mr. Leed, hiniling ni Ben Zayb na ipakita sa kanila
ang kadayaan ng kaniyang palabas at alam na ito ay ginamitan lamang ng mga salamin at liwanag.
Hindi naman tumutol ang Amerikano at nagpaalalang mag-ingat na huwag mabasag ang mga salamin.
Ngunit bigo siyang makita ang salamin na kaniyang hinahanap. Namutla si Ben Zayb nang hindi makita
ang hinahanap na salamin.
Pumasok si Mr. Leeds sa pintuan na dala-dala ang isang itim na kahong kahoy na may nakalilok na iba't-
ibang bagay tulad ng bulaklak at mga hayop. Isinalaysay ng Amerikano ang kaniyang naging karanasan
nang siya ay bumisita sa isang piramide sa Khufu. Natuwa siya nang akalain niyang nakatagpo siya ng
isang mummy ng anak na hari. Laking sama ng kaniyang loob nang makitang kahon lamang ang nakita
niya.
Hinayaan ni Mr. Leeds na siyasatin ng mga manonood ang naturang kahon. Ipinakita sa mga nakaupo sa
unang hanay ang kahon, si Padre Camorra naman ay sadyang iniwasan ang kahon na paramg nainis. Si
Don Custodio ay tahimik na nanonood samantalang si Ben Zayb ay walang tigil ang pagtuklas ng
pandaraya.
Ang kahong iyon ay naglalaman ng abo at mga papel. Ipinakita ni Mr. Leeda ang kahon ngunit nakiusap
na huwag huminga nang malakas sapagkat kapag nabawasan ang mga abo ay masisira ang kaniyang
espinghe. Wala nga ni isa man sa kanila ang huminga.
Nagpatuloy sa pagsasalaysay ang Amerikano. Hindi niya alam ang gagawin kaya't siniyasat niya ang
papiro at nakakita siyang dalawang salita na hindi alam ang ibig sabihin at nang bigkasin niya ito nang
malakas ay biglang gumulong ang kahon at bumagsak ito sa lupa. Ang pagkamanghang kaniyang nadama
ay napalitan ng sindak dahil nakita niya ang ulo na nakatuon ang tingin sa kaniya.sa pag-aakalang siya ay
namalikmata lamang ay itinuloy niya ang pagbasa sa pangalawang salita at ang ulo sa loob ng kahon ay
naging abo. Noon ay natuklasan niya na ang dalawang salitang iyon ay bumubuhay at muling
pumapatay.
Sinimulan na ni Mr. Leeds ang pagtatanghal sa pamamagitan ng isang pagpapaliwanag na sa isang salita
ay mabubuhay niya ang abo at maaari nilang makausap ang ulong sinasabi ng Amerikano, dahil ang
ulong ito ay nakaaalam ng nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap.
Nagbitiw ng isang banayad na sigaw ang salamangkero, mapanaghoy na umpisa, hanggang sa lumakas
ang tunog na parang tungayaw at ang tunog na paos ng pag-aalala ang nakapagpatindig ng balahibo ni
Ben Zayb.
Gumalaw ang mga telang nakabakod sa buong tanghalan. Ang mga ilawan ay tila mamamatay at ang
mesa ay lumikha ng tunog sa kaniyang paggalaw.
Nagbukas ang kahon at nagpakita ang ulo sa mga manonood na anyong bangkay na may malagong
buhok. Unti-unting nagbukas ang mga mata ng ulo at inilibot ang tingin sa mga manonood, hanggang
mapako ang tingin nila kay Padre Salvi na sa mga oras na iyon ay nanginginig na sa takot. Inutusan ni Mr.
Leeds na ipakilala ng ulo ang kaniyang sarili.
Naghari ang lubos na katahimikan sa bulwagan. Nagpakilala bilang Imuthis ang ulo. Ipinanganak daw siya
sa panahon ni Amasis at namatay noong panahon ng pananakop ng mga taga-Persia. Pagkatapos ng
kaniyang pag-aaral ay naglakbay na siya papauwi ng kanilang bayan upang dito na manirahan. Sa
kalagitnaan ng kaniyang paglalakbay sa Grecia, Persia at Asiria ipinatawag siya ni Thot upang panagutin
sa isang kahindik-hindik na kaso sa kaniyang hukuman.
Sa himig na punong-puno ng kalungkutan ay isinalaysay na siya ay umibig sa isang anak ng saserdote.
Ang batang saserdote na umibig din sa dalaga ay gumawa ng kaguluhang siya ang sinasangkalang may
kagagawan. Ginamit ng saserdote ang mga liham buhat sa kaniyang minamahal. Nangyari ang lahat nang
si Cambyses ay nagalit dahil sa kaniyang pagkatalo sa isang pakikipaglaban. Siya ay isinakdal at ikinulong
at nang makatakas ay napatay siya sa lawa ng Moeris. Mula sa kaniyang kinaroroonan sa kabilang buhay
ay kitang-kita niya na nagtatagumpay ang masasama at ang kasinungalingan ng mga saserdote sa
Abydos. Hindi sila tumigil sa pag-uusig at pagpaparanas ng pighati sa dalagang nagtatago sa pulo ng
Philae.
Sa pagsasalaysay ni Imuthis, nailahad niya ang lahat ng pandaraya at kasakiman na inililihim ng isang
magong nagngangalang Gautama. Dahil siya ang nakatataas sa bayan, iginugumon ng magon iyon ang
bayan sa mga maling pag-uugali. Kaya sa takot ng mago na mabunyag ang kaniyang lihim ay inutusan
nito ang mga saserdoteng taga-Ehipto na patayin si Imuthis na agad namang sinunod ng mga ito.
Tinapos ni Imuthis ang pananahimik at siya raw ay nagbalik upang ibunyag ang kanilang kataksilan.
Tinawag niyang mamamatay at lapastangan sa Diyos ang mga saserdoteng gumawa ng kabuhungan sa
kaniya.
Habang nakikinig ang mga manonood, ang mga prayle ay nakaramdam ng nakakahawig na pangyayari sa
kasalukuyang panahon. Kahit na ang salaysay ng ulo ay naganap noon pang sinaunang panahon at
naiibang pananampalataya ay nakaligalig pa rin ito sa kanila. Walang nakapuna sa labis ma pagkatakot ni
Padre Salvi sapagkat ang lahat ay abala sa panonood.
Habang nagsasalaysay ang ulo, si Padre Salvi ay tila mawawalan ng malay. Nagkagulo ang buong
bulwagan. Ang kababaihang nagkunwaring hinimatay ay nagsibalik-diwa na rin nang hindi sila pinansin
ng mga sumaklolo kay Padre Salvi.
Kinabukasan, agad na ipinag-utos ang pagpapatigil ng palabas ni Mr. Leeds ngunit ito ay wala na at
umuwi na ng Hongkong.
Talasalitaan:
pinaunlakan-pinagbigyan
tersiyo pelong-pelus/velvet
alpombra-karpet
papiro-papel
tungayaw-pagmumura
sinasangkalang-idinadahilan/idinidiin
iginugumon-inilulubog
kabuhungan-kasamaan
nakaligalig-nakagulo
Galit na galit na umalis sa klase si Placido Penitente. Punong-puno ng galit at hinanakit ang kaniyang
puso na lalo pang nadagdagan sa ginawang panlalait ng kaniyang guro. Halos banggain niya ang lahat ng
makasalubong.
Nang malapit na siya sa kaniyang tirahan ay iniisip na ni Placido kung paano siya makagaganti sa prayle
nang libakin at paglaruan siya nito. Naisip niyang sumulat na lamang sa kaniyang ina upang sabihin na
hindi na niya nais pang magpatuloy ng pag-aaral. Hindi naman niya inaasahan na naroon na pala ang
kaniyang ina at naghihintay na sa kaniyang tirahan upang bigyan siya ng kuwalta.
Napansin ng kaniyang ina na balisa si Placido kaya hindi na niya natiis at tinanong niya ang dahilan. Hindi
makapaniwala ang kaniyang ina sa mga sinasabing dahilan ng kaniyang anak at inakalang nagbibiro
lamang ito. "Placido, maging mahinahon ka at palampasin na lamang ang mga nangyari," payo ng ina.
"Tandaan mo ang lahat ng mga pasakit at pagtitiis na dinanas ko para makapag-aral ka lamang," paalala
niya kay Placido.
Napagtanto ng ina na totoo nga ang lahat ng sinasabi ng anak. Kaya naman siya ay naghinagpis dahil
naipangako ni Kabesang Andang sa ama ni Placido na aarugain ito at pagtatapusin ng pag-aaral.
Pinangambahan ng ina na baka ituring na isang pilibustero si Placido kaya naman pinakalma niya ito at
sinabing huminahon. Sa halip ay maging magalang at mapagkumbaba na lamang. Muli na namang
nabanggit ng ina tungkol sa isang ginoo na dahil laging mapagkumbaba at matiisin ay naging isang
promotor piskal kahit na isa lamang alila ng mga prayle.
Hindi pinakinggan ni Placido ang payo ng ina at muling umalis at iniwan ito. Nalibot na ni Placido ang
buong bayan nang mainit pa rin ang ulo. Nang makaramdam ng gutom saka lamang umuwi at hindi na
niya inaasahang naroon pa rin ang kaniyang ina.
Naisip ni Placido na magtungo sa Hongkong dahil marami ang nakapagsasabing doon dinadala ng mga
prayle ang mga pilak, ibig sabihin ay maganda ang kalakalan doon. Inabutan na ng dilim si Placido sa San
Fernando at wala pa rin siyang makasalubong ni isa mang mandaragat kaya nagpasiya na lamang na
bumalik.
Bago siya dumiretso sa kaniyang tirahan ay napadaan siya sa pera upang tumingin ng mga paninda.
Paalis na sana si Placido nang makita niya ang mag-aalahas na si Simoun na may kausap na isang
dayuhan. Sinundan niya ito at bago makasakay sa kaniyang sasakyan, kinausap niya ito. Naisip niyang
hingan ng tulong ang mag-aalahas. "Ginoong Simoun, Ginoong Simoun, nais ko po sanang mangutang ng
loob. Mayroon po lamang akong sasabihin."
Tila nagmamadali si Simoun kaya niyaya na lamang siya nitong sumakay. "Sa Kalye Iris tayo tumungo,"
sinabi ni Simoun sa kutsero. Hindi siya kinakausap ni Simoun sa loob ng sasakyan kaya naman inaliw na
lamng niya ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pagmamasid sa mga taong nagdaraan. Hindi niya
maintindihan kung bakit naghari sa kaniya ang kalungkutan nang muling sumagi sa kaniyang isipan ang
Hong Kong.
Nang makarating sila sa kanilang pupuntahan, sumenyas ito na sila ay bababa na. Nagsuot sila sa isang
paliko-liko, maputik at mabatong daan. Tila sanay na sanay si Simoun sa lugar na iyon. Narating din nila
ang silang malaking bakuran na kinatitirikan ng maliit na bahay. Ilang putol-putol na puno ng kawayan
ang nakita ni Placido kaya naghinala siya na bahay ito ng gumagawa ng paputok.
Kinatok ni Simoun ang bintana. Lumabas ang isang lalaki. "A, kayo pala,ginoo," agad namang lumabas
ang ginoo.
Inutusan ni Simoun ang ginoo na puntahan ang tenyente at ang kabo upang katagpuin ang lalaking nasa
bangka. Bibigkasin nila ang salitang "Kabesa" at sasagot naman ang lalaking nasa bangka ng "Tales."
Ipinapasabi ni Simoun na kailangan na siya kinabukasan at saka inabutan ng salaping ginto ang kausap
na lalaki.
Binabalak ni Simoun na isagawa ang lahat ng kaniyang plano sa susunod na linggo dahil siya ay nag-
aalalang baka mamatay si Maria Clara kung patatagalin pa. Nang marinig ni Placido ang usapan ng kawal
at nang maintindihan nito ang pinag-uusapan, nagulantang ito.
Muli silang bumalik sa daan at nagtungo sa arabal ng Trozo upang kausapin ang isang Kastilang may
hawak na baston. Nagtanong ito. "Sa darating na linggo, tuloy na po ba?"
Sumagat si Simoun, "Oo, ang unang putok ng kanyon ang magiging hudyat."
Pagkatapos ay umalis na sila at doon na nagsimulang magtanong si Placido sa kaniyang sarili kung totoo
ba ang lahat ng kaniyang nakikita at naririnig. Nang dumaan ang isang sasakyan, sumakay ang dalawa at
nagpahatid sa tirahan ni Simoun sa Escolta. Makaraan ang ilang oras ay umalis si Placido sa bahay ni
Simoun na gulong-gulo ang isipan.
Nasa kaniyang silid na si Simoun. Iniisip niya ang mga bagay na kaniyang gagawin na sa tulong ng
kaniyang mga tauhan, siya ay maghihimagsik at maghihiganti. Tila binabagabag ang kaniyang konsensiya
dahil sa mga hakbang na kaniyang ginagawa, mga pang-aapi at panunuhol para magtagumpay lamang sa
kaniyang layunin. Naisip niyang mas masahol pa siya sa mga taong kaniyang pinarurusahan. Siya naman
ay marumi rin.
Maaari pa niya itong iurong ngunit agad na nagbago ang kaniyang isip, dahil baka siya ay matulad sa
ibang may sakit na malala. Kung iuurong niya ang laban, kung nag-iisip man siya ng paghihiganti ay
upang gisingin ang kaniyang mga kalahi na kontento sa ginagawang kasamaan sa bansa ng mga mapaniil
na namumuno ng bansa. Samantala, huminga muna siya at nagtangkang matulog.
Si Placido ay biglang nagbago sa lahat ng kaniyang binabalak. Hindi siya tumutol sa kahit anong pasiya ng
kaniyang ina. At upang hindi ito maabala, pinauwi na niya ito sa kanilang lalawigan at nagprisintang siya
na ang lalakad at tutungo sa prokurador.
Talasalitaan:
libakin-insultuhin
Nasa mga kamay ni Don Custodio ang usapin ukol sa akademya ng salitang kastila. Siya ang
pinagkatiwalaan lumutas sa suliraning ito.
Kilalang tanyag sa bahagi ng lipunan sa Maynila at tinaguriang “Buena Tinta” si Don Custodio de Salazar
y Sanchez de Monteheredondo. Nakapag-asawa siya ng isang mayaman at nakapagnegosyo siya sa
pamamagitan ng yaman ng asawa kahit kulang sa kaalaman. Dahil siya ay masipag, siya ay pinupuri sa
mga tungkuling kanyang hinahawakan.
Walang pumansin sa kanya nang bumalik siya sa Espanya dahil sa kakulangan niya sa pinag-aralan. Dahil
dito, wala pang isang taon ay nagbalik na siya sa Pilipinas at nagmayabang sa mga Pilipino sa kanyang
kunwaring magandang karanasan sa Madrid.
Siya ay naniniwalang may ipinanganak upang mag-utos at ang iba’y upang sumunod kaya lumagay siya
parang amo’t tagapagtanggol. Ayon sa kanya, ang Pilipino ay ipinanganak upang maging utusan, kaya’t
kailangang pagsabihang lagi na ang mga ito ay sa gayon lamang nararapat.
Si Don Custodio ay bumuo ng pasiya sa loob ng labing limang araw, ukol sa kasulatan at handa na niya
itong ipaalam sa lahat.
Talasalitaan:
kasulatan-papeles
Nang gabing iyon ay may pagtatanghal sa teatro de Variedades, ang Les Cloches de Corneville ng bantog
na mga Pranses. Ubos kaagad ang tiket, at mahabang-mahaba ang hanay ng nagsipasok.
Isang Kastila ang tanging walang bahala sa pagpasok sa dulaan. Ito’y si Camaroncocido na anyong pulubi
o palaboy. May lumapit sa kanya na isang kayumangging lalaki na matanda. Siya’y si Tiyo Kiko. Iisa ang
kanilang hanapbuhay: pagdidikit ng mga paskil.
Anim na piso ang iniupa ng mga Pranses kay Tiyo Kiko. Ani Camaroncocido: Dapat mong malaman na
ang buong kikitain ng palabas ay mauuwi sa mga kumbento.
Ang palabas ay humati sa Maynila. Mayroong nagsitutol dito bilang masagwa at laban sa moralidad,
tulad nina Don Custodio at ng mga prayle. Mayroon namang nagtanggol dito. Mga pinuno ng hukbo at
mga marino, ang kawani, at maraming matataas na tao. Laban ang mga babaeng may asawa o may
kasintahan. Ang wala nama’y sang-ayon sa opera.
Ang palabas ay ipinagbabawal ng mga prayle na lalong binigyang-diin ni Padre Salvi. Dahil dito,
nangamba si Tiyo Kiko na hindi maitutuloy ang mga susunod na pagtatanghal dahil sa abisong ito.
Sa labas ng dulaan ay naroon si Tadeo at isang kababayang baguhan sa lungsod. Niloloko ni Tadeo ang
kababayang walang ideya sa pagsasabi ng mga kahanga-hangang kasinungalingan. Maraming mga taong
nagdaraan ang sinasabi ni Tadeo na mga kaibiga’t kakilala niyang malalaking tao kahit hindi totoo.
Dumating sina Paulita Gomez at ang tiyang si Donya Victorina. Nakilala ni Tadeo si Padre Irene na
nagbabalatkayo ngunit hindi naitago ang tunay na katauhan dahil sa mahaba niyang ilong. Dumating din
si Don Custodio.
Nang makita ni Tadeo na dumating sina Makaraig, Pecson, Sandoval at Isagani ay lumapit ito at bumati
sa apat. May labis na tiket ang mga ito dahil hindi sumama sa kanila si Basilio. Inanyayahang pumasok si
Tadeo. Hindi na naghintay ng ikalawang paanyaya si Tadeo at iniwan ang taga-lalawigan na nag-iisa.
Talasalitaan:
bantog-kilala
opera-isang palabas
moralidad-tamang-asal at pag-uugali
abiso-pahintulot
Kabanata 22:Ang Palabas
Maingay sa dulaan. Lampas na sa oras ay di pa nagsisimula ang palabas dahil wala pa ang Kapitan
Heneral. May nagsisipadyak ng baston at sumisigaw na buksan na ang tabing. Maraming pabastos na
paghanga sa mga babae na maririnig sa mga artilyero. Maraming tsismisan. Mausok. Maraming
pagtatalo. May isang matigas ang ulo sa isang luklukang di kanya at ayaw ibigay iyon sa may-aring si Don
Primitivo. Hindi ito napakiusapan ng tagapamahala. Nagsigawan ang mga artilyero. Ibibigay o hindi na oo
na hindi! Nalibang ang mga tao. Ang mga tanod ay di makapangahas magpaalis sa nasa upuan ni Don
Primitivo dahil sa ito ay isang mataas na tao sa pamahalaan.
Dumating ang Heneral. Tumugtog ng marcha real. Si Pepay ay nasa isang palko na handog ni Makaraig.
Katapat ito ng palko ng mga estudyante. Si Don Custodio ay tinipan ni Pepay sa dulaan kaya’t di man ibig
ay napilitan ang tagapagmungkahi na pasadulaan.
Masaya si Pepay. Masaya rin ang mga estudyante pati si Pecson. Si Isagani lang ang hindi dahil nakita
niya sa dulaan si Paulita na kasama ni Pelaez na kanyang karibal.
Isang Pransesa ang umawit, si Gertude. Isang awit na puno ng tsismis ng linggo ang kanyang ipinaririnig.
Tigas na kasasalin ni Tadeo sa Kastila ng mga salitang Pranses. Gayon din ang ginawa ni Juanito Pelaez
kina Paulita at Donya Victorina. Karaniwan naman ay mali si Juanito. Umawit si Serpolette. May
pumalakpak sa una. Nakilala ito ni Tadeo. Padre Irene na pinapag-espiya ni Padre Salvi sa kung sadyang
masama nga ang palabas ng mga Pranses ay namukhaan ng mananayaw. Kakilala pala siya ni Serpolette
sa Europa pa.
Isang babae ang dumating na kasama ang asawa. Ipinagmalaki ang pagdating niya nang huli sa lahat.
Nang makitang may palko pang walang laman ay inaway ng ginang ang asawa. Sinutsutan siya ng mga
tao. Wikang paismid: Ang mga ungas! Akala mo’y marurunong ng Pranses.
Si Juanito’y nagpapanggap na maalam ng Pranses na di naman nalalayo sa Español. Kapag nagtawa ang
mga tao’y nakikitawa siya. Kapag nagsiungol o nagsiubo, napapailing siya. Humanga sa kanya si Donya
Victorina at hinangad pakasalan ang binatang kuba pag namatay si De Espadaña.
Inubo nang masasal si Juanito. Sinigawan siya. Paalisin ang tisiko. Nais awayin ito ni Pelaez. Nakilalang si
Don Custodio iyon. Natakot ang binata. Kundi lamang kasama ko kayo anya kina Paulita. Lalong
humanga si Donya Victorina kay Pelaez.
Ayon kay Ben Zayb, na isa sa mga nagsiganap ay hindi artista, di marunong umawit.
Kung gayo’y mga kabesa de baranggay tayo, ani Tadeo. Hinagisan ni Pecson ng maruming medyas si
Sandoval.
At ang masakit ayon kay Makaraig ay ipinayo pa ni Padre Irene na ipagdiwang ng mga estudyante ang
tagumpay nila.
Ani Pecson: Sigi, magdiwang tayo sa isang pansiteryang paglilingkuran ng mga Intsik na hubad!
Pinagtibay ang balak. Hindi na hinintay ng mga estudyante ang ikalawang yugto ng opereta. Nagsialis sila
sa gitna ng alingasngas ng buong bulwagan.
Talasalitaan:
tabing-kurtina
sinutsutan-linait
masasal-sunod-sunod
Nang gabing iyon, ikapito, ay makalawang umalis at dumating si Simoun sa bahay na may iba’t ibang
taong kasama. Nakita siya ni Makaraig nang mag-iikawalo sa may daang Ospital, malapit sa kumbento ng
Sta. Clara. Nakita siya ni Camarroncocido sa may dulaan nang mag-iikasiyam na may kausap na tila
estudyante.
Si Basilio ay di rin nanonood. Nagrerepaso siya sa bahay. Hindi na nag-sasama sa mga kamag-aaral mula
nang tubusin si Huli sa pagkakaalila. Pinag-aralang mabuti ang pagpapagaling kay Kapitan Tiyago na
noon ay lalong naging mahirao pakiba-gayan. Kung minsan ay mahal na mahal nito si Basilio at kung
minsa’y nilalait. Pabigat
Ang pagbabawas sa paghitit ni Kapitan Tiyago ay isinasagawa ni Basilio ngunit kung nasa lalawigan o
nasa paaralan siya’y may nagbibigay ng labis na apyan sa matanda. Si Simoun at si Padre Irene lang
naman ay walang itinatagubilin kay Basilio kundi ang pagalingin ang maysakit, pagtiisan ito sa pag-
aalaga.
Sa pagrerepaso ni Basilio ay dumating si Simoun. Mula nang magkita sila sa San Diego ay noon lamang
sila nagkaharap. Kinumusta ni Simoun ang maysakit. Malubha, ani Basilio. Malala na raw ang kalat ng
lason sa katawan. Tulad daw ng Pilipinas, ani Simoun.
Hinimok ni Simoun si Basilio na makiisa sa himagsikan laban sa pamahalaang Kastila dahil ang hindi
kakampi sa kanila ay ituturing na kaaway na dapat patayin. Inatasan ni Simoun si Basilio na itakas si
Maria Clara mula sa kumbento ni Sta. Clara habang nagkakagulo ang buong lungsod.
Sinabi ni Basilio na huli na, dahil sa nagpakamatay na si Maria Clara. Naroon siya sa kumbento upang
makibalita kaya niya nabatid. Nang bumalik siya ay nakita niya ang liham na padala ni Padre Salvi kay
Padre Irene na siyang nagpabasa niyon kay Kapitan Tiyago na nagpanangis nang mabatid na patay na si
Maria Clara.
Litong-lito na patakbong nanaog ng bahay si Simoun. Nawala sa pag-aaral ang isip ni Basilio. Ang naglaro
sa isip ay ang kahabag-habag na buhay nina Ibarra at Maria Clara.
Talasalitaan:
nagrerepaso-nagsisiyasat o nagsusuri
hinimok-hinikayat
nabatid- nalaman
nagpanangis-nagpalungkot
nanaog-umalis
Kabanata 24: Mga Pangarap
sa pagbabagsak ng kanyang galit sa gabi. Panay raw ang tingin ni Isagani sa mga Pransesa. Kaya raw siya
sumama kay Juanito ay para nga magkita sila ni Isagani. Si Donya Victorina raw ang may ibig kay Pelaez.
Nagtawanan ang dalawa.
Nagkapalitan sila ng mga pagtanaw sa kinabukasan. Nais ni Isagani na sa nayon manirahan. Pinakaiibig
raw niya ang kanyang bayang iyon. Bago raw niya nakita si
Paulita, ang bayang iyon ang tangi niyang kaligayahan at magandang-maganda para sa kanya. Ngunit
nang makilala niya si Paulita ay naging parang may kulang sa kanya ang bayang iyon at natiyak niyang
ang kulang ay si Paulita.
Ngunit ayaw ni Paulita na tumungo roon. Ayaw niyang magdaan sa mga bundok na malimatik. Ang ibig
niyang paglalakbay ya sa pamamagitan ng tren.
nagkaramdam na si Simoun at ang mga sugatang kawal na galing sa digma. Sa huli’y ni walang
pumapansin. Ngunit kay Simoun ay nabahala ang marami. Iba na raw ang mayaman, ayon sa binata. Ang
bayang nasa isip niya ay di lamang Pilipinas kundi pati ang Espanya.
Dumating sina Paulita. Nginitian nito si Isagani. Nangiti na rin ang binata
at napawi ang lahat ng kanyang mga hinanakit sa dalaga. Nalubos na sana ang kanyang tuwa nang
itanong sa kanya ni Donya Victorina kung nakita ng binata ang pinaghahanap na asawang Kastila.
Ipinagkaila ng binata na alam niya dahil sa kanilang bayan sa nayon (kay Padre Florentino) nagtatago si
De Espadana. Sinabi ng donya na nais niyang mag-asawa uli. Nagtanong pa ang donya kung ano’t
pakasal siya kay Pelaez. Ang pilyong Isagani naman ay namuri pa sa kinaiinisan niyang kamag-aral.
Pinagbigyan ng donya ang pamangkin at binatang kausap. Kung matutuloy ng naman si Paulita kay
Isagani, magiging sarili niya si Juanito.
Talasalitaan:
napawi-naalis
ipinagkaila-itinanggi
hinanakit-galit
Idinaos ang piging ng mga estudyante sa Panciteris Macanista de Buen Gusto. Labing–apat sila, kasama
si Sandoval. Pinakyaw nilang lahat ang mesa. Ani ng isang paskin: “Luwalhati kay Don Custodio sa
kaitaasan at Pansit sa lupa sa mga Binatang may Magagandang Kalooban!” Matalim ang mga salita ng
mga estudyante. Naghalakhakan sila’y pilit at may tunog ng paghihinakit.
Dumating si Isagani. Si Pelaez na lang ang kulang. Ani Tadeo sana’y si Basilio na ang inanyayahan nila sa
halip ng impormal na si Juanito. At malalasing pa raw sana nila si Basilio upang mapagtapat ng mga lihim
ukol daw sa nawawalang bata at sa isang mongha.
Nagkainan. Inihandog nila ang pansit-langlang klay Don Custodio. Ang sopas ay tinaguriang sopas ng
panukala;lumpiang intsik ay inalay kay Padre Irene ; ang torta’y inukol sa prayle (torta de Frailes).
Tumutol si Isagani. May isa raw prayleng di dapat isama sa panunumpa. Tumutol din si Tadeo. Kahabag-
habag daw na inihambing ang alimasag sa mga prayle; ang pansit gisado ay inukol sa pamahalaan at sa
bayan. Ayon kay Makaraig, ang pansit ay katutubong lutuing Pilipino. May ibig mag-alay ng pansit kay
Quiroga na isa raw sa apat na kapangyarihan sa Pilipinas. Anang isa naman ay sa Eminencia Negra
(Simoun) raw dapat ialay ang pansit.
Pinapagtalumpati si Tadeo. Di ito nakahanda. Nagsimula ito kahit papaano. Sinigawan siya ng mga
kasamahan . Gaya daw ang binigkas ni Tadeo. Naghingian ng pagkain. Nahilingan ng talumpati si Pecson.
Inatake ni Pecson ang mga prayle. Mula raw sa kamusmusan hanggang sa libingan ay prayle ang kasama
natin.
May nakakita sa utusan ni Padre Sibyla, ang bise-rektor sa Unibersidad. Sumakay ito sa karuwahe ni
Simoun. Nagtiktik ito sa mga estudyante. Ani Makaraig: “Ang busabos ng bise-rektor na pinglilingkuran
ng panginoon ng Heneral!”
Talasalitaan:
matalim-may diin
kahabag-habag-kaawa-awa
busabos-isang alipin
Kinabukasan, maagang gumising si Basilio dahil marami siyang kailangang gawin sa araw na iyon. Una,
dadalawin niya ang kaniyang mga pasyente sa ospital. Pangalawa, magtutungo siya sa unibersidad
upang asikasuhin ang kaniyang pagtatapos. Pangatlo, pupuntahan niya si Macaraig upang mangutang ng
kaniyang gagastusin sa paaralan dahil nagastos niya ang kaniyang kaunting naipon sa pagtubos kay Huli
at sa pagkuha ng bahay na matitirhan nito at ng kaniyang Ingkong.
Sa daan, habang naglalakad si Basilio, iniisip niya ang kaniyang mga dapat gawin sa araw na iyon kaya
hindi niya napansin ang pangkat ng mga mag-aaral na galing ng Maynila na nagbubulungan, lihim na
naghuhudyatan at ang iba ay tila malalim ang iniisip. Nang siya ay makarating sa ospital ng San Juan de
Dios, nabigla siya nang tanungin ng mga kaibigan ukol sa himagsikan. Bigla niyang naalala si Simoun. Ang
himagsikan ay hindi natuloy dahil sa hindi maipaliwanag na nangyari sa mag-aalahas. Nagkunwaring
walang alam si Basilio. Ayon sa nasagap niyang balita, ang himagsikan ay natuklasan at marami ang
nasasangkot.
"Talaga? Sino-sino naman ang mga kasangkot?" ang kunwari niyang tanong upang makakuha ng
impormasyon.
Tinangkang banggitin ni Basilio si Simoun ngunit mabilis na tumugon ang katedratiko. Ayon sa kaniyanay
walang kinalaman si Simoun sa nangyari dahil ngayon ay may sakit ang mag-aalahas dahil nilusob ng
isang taong hindi kilala. Itinanong din ni Basilio kung may kasangkot na tulisan at sinabi ng katedratiko
na pawang mga mag-aaral ang mga nasasangkot.
"May mga paskil na nakitang nakadikit sa mga pintuan ng unibersidad na mapaghimagsik kaya ang lahat
ay inihihimatong sa mga mag-aaral," ang sabi ng katedratiko.
Samantala, isa pang katedratiko ang dumating at sinabing, "Malapit nang mamatay si Kapitan Tiago kaya
nilalapitan na siya ng mga uwak at buwitre""
Nang nagpunta si Basilio sa may gawing unibersidad upang alamin kung ano ang dapat niyang gawin,
una niyang nakasalubong si Sandoval ngunit hindi siya pinansin nang tawagin niya ito. Ikalawa ay si
Tadeo na masayang-masaya at nang tanungin nito ang binata, sinabi lamang niya na walang pasok at
ibibilanggo ang lahat ng mga mag-aaral na kasapi sa kapisanan. Ang ikatlo ay si Juanito na tila wala sa
sarili at sinabi kay Basilio na wala siyang kasalanan at mabilis na lumayo nang makita ang isang tanod na
papalapit sa kanila.
Nagtungo pa rin si Basilio sa unibersidad upang tingnan kung bukas ang opisina ng kalihim at makibalitan
pa rin ngunit sarado ito. At mula sa 'di kalayuan, natanaw niyang nagtatalumpati si Isagani sa harapan ng
mga mag-aaral na namumutla ngunit pinagpupuyusan ng kalooban. Sinabi niya sa mga nakikinig na mag-
aaral na hindi dapat matakot sapagkat karangalan ang lumaban at hindi dapat umatras sa panganib na
dulot ng mga paskil na ibinibintang sa kanila.
Lumayo si Basilio dahil hindi siya sang-ayon sa sinabi ng kaibigan. Pupuntahan niya si Macaraig upang
mangutang. Nang siya ay nakarating sa bahay ng kaibigan, hindi niya pinansin ng mga senyas ng mga
kapit-bahay nito kaya huli na nang makita niya ang dalawang bantay at hindi na siya nakaurong pa.
Tinanong siya ng mga bantay kung ano ang kaniyang kailangan at sinabi niyang hinahanap siya ni
Macaraig.
Hindi nagtagal at pumanaog si Macaraig kasama ang isang kabo at dalawang kawal. Nagtaka ang binata
nang makita si Basilio at nagwikang, "Kahanga-hanga, kaibigan! Sa kasayahan ay hindi mo kami
sinasaluhan ngunit ngayong oras ng kagipitan ay dinadamayan mo kami!"
Itinanong ng kabo kay Basilio ang kaniyang pangalan, sabay tingin sa talaan. Dinakip nila pati si Basilio.
Gusto sanang tumutol ni Basilio ngunit sinabi ni Macaraig na wala siyang dapat ipag-alala.
Talasalitaan:
katedratiko-paring propesor
inihihimatong-itinuturo
pinagpupuyusan-pinag-aalab
Ipinatawag ni Padre Fernandez, isang katedratiko, si Isagani dahil narinig niya ang sinabi ng binata mula
sa kaniyang bintana habang ito ay nagtatalumpati sa harapan ng mga mag-aaral. Nang dumating si
Isagani sa kaniyang tanggapan, kaagad niyang sinabi na labis ang kaniyang paghanga sa binata. Ayon pa
sa kaniya, malaya si Isagani na magsabi ng kaniyang mga naiisip at nararamdaman laban sa mga
Dominiko at nang paupuin niya ito, minabuti pa ng binata na siya ay tumayo.
"Sa mahigit walong taon kong pagtuturo, mahigit dalawang libo't-limang daang mag-aaral na ang aking
nakilala. Nagsikap akong magturo nang mabuti upang ang bawat isa sa aking tinuturuan ay magkaroon
ng katuwiran at karangalan. Ngunit sa kasawiang-palad, marami ang lumait sa amin. Ang nakapagtataka,
walang mag-aaral ang naglakas ng loob na kausapin kaming mga katedratiko samantalang kami ay
tinutuligsa kapag nakatalikod. Ngayon, sabihin mo sa akin kung ano ang nais ng mga mag-aaral sa
amin?" ang sabi pa ni Padre Fernandez.
"Hindi ninyo masisisi ang mga mag-aaral,Padre. Kung maging ganoon sila sa inyo ay dahil iyan ang itinuro
sa kanila. Tinuruan silang magbalatkayo at siniil ang karapatang mag-isip nang malaya at magsalita," ang
mariing sagot ni Isagani kaya sinabi ni Padre Fernandez na hindi siya tulad ng gurong sinasabi ng binata.
Sinabi pa niyang itinatangi niya ang binata ngunit itutuwid kung kinakailangan.
Napangiti at naging malumanay sa pagsagot si Isagani at sinabing, "Salamat po. Ang totoo po nito, kayo
rin naman ay aking itinatangi, kaya nakikiusap po ako sa inyo na ibahin na ang paksa ng ating usapan."
"Sige, upang tayo ay magkaunawaan, ituring ninyo akong isang prayle at hindi ninyo guro at kayo naman
ay ituturing kong mag-aaral na Pilipino. Ngayon, gusto kong itanong muli sa inyo: Ano ang nais ninyong
mga mag-aaral sa aming mga prayle?" ang tugon ng pari.
"Simple lamang Padre, ang tumupad kayo sa inyong tungkulin," ang diretsong sagot ni Isagani na
ikinagulat ng kausap kaya sinabi nitong sila ay matagal nang tumutupad.
"Opo, Padre. Kayo ay oo, ngunit hindi ang mga kasama ninyo," ang sagot ni Isagani na tiyak na tiyak sa
sinasabi kaya nagulat na naman si Padre Fernandez. Idinagdag pa ng binata na hindi lubos ang pagkatuto
ng mga mag-aaral dahil sa mga paghamak sa kanilang karangalan ngunit walang bagong kaalamang
natutuhan. Dahil dito, mananatili silang mangmang at busabos ang bayan. Inihalintulad pa niya ang
kalagayan ng mga mag-aaral sa mga bilanggo na salat aa pagkaing inirarasyon sa kanila tulad ng salat na
salat na natututuhan ng mga mag-aaral.
Hindi matanggap ni Padre Fernandez ang sinabi ni Isagani kaya sinabi niyang lumampas sa hangganan
ang kanilang pag-uusap ngunit sinabi ng binata na iba ang tingin niya sa pari. Ito ay kaniyang iginagalang
ngunit marami sa kaniyang mga kasamahan ang nagsasabing hindi sila dapat matuto kaya hindi
nakukuntento at nasisiyahan ang mga mag-aaral
Ang sinabi ni Isagani ay tinapatan ni Padre Fernandez sa pagsasabing, "Ang karunungan ay para lamang
sa mga may malinis na kalooban at mabuting asal upang ito ay magkaroon ng kabuluhan at hindi
masayang."
Tinanong siya ni Isagani kung bakit hanggang ngayon ay may mga tao pa ring walang malinis na kalooban
at mabuting asal at sinabi ng pari na iyon ay impluwensiya ng kanilang mga magulang at maaaring
kapaligiran. Ito ay tinutulan ng binata at inihalintulad ang mga guro sa eskultor na kung sa mahabang
panahon ay walang magawang maayos ay maaaring walang alam at may katangahan.
"Hindi rin. Baka marumi ang putik na kaniyang ginamit kaya ganoon," ang mabilis na sagot ng prayle.
"Ganoon pala, eh di, mas tanga siya! Marumi pala ang putik, bakit pa gagamitin? Hindi ba't pandaraya at
pagnanakaw rin ang kaniyang ginagawa dahil tinatanggap niya ang gawain at tumatanggap ng bayad
ngunit hindi naman maganda ang serbisyong ibinibigay? Higit sa lahat, buhong pa siya dahil
hinahadlangan niya ang ibang eskultor na sumubok ng ibang gawaing maaaring pakinabangan," ang
matigas na tugon ni Isagani kaya nakaramdam ng pagkatalo ang pari at tinuligsa na lamang ang
pamahalaan. Sinabi ng pari na sumusunod lamang sila sa gusto ng pamahalaan at muli, tinanong niya
ang binata kung ano ang nais nilang ng gawin ng mga prayle.
"Huwag ninyong hadlangan ang aming kalayaang matuto kundi tulungan ninyo kaming matuto," ang
mariing tugon ni Isagani. Ngunit sinabi lamang ng pari na parang hiniling ni Isaganing sila ay
magpakamatay dahil iyon ay napakabigat na kahilingan. Dahil sa sinabi ng pari, sinabi ng binatang
pakitunguhan na lamang silang mabuti.
"Ano? Ang ibig mong sabihin ay hindi ako nakikitungo nang mabuti sa aking mga mag-aaral?" ang
nabiglang sagot ni Padre Fernandez. Kaya inulit na lamang ni Isagani na nakaranas ng paghamak ang
mga mag-aaral sa ibang mga katedratiko bukod pa sa wala silang natututuhan.
Walang maisagot si Padre Fernandez kaya sinabi niyang magsaka na lamang ang ayaw mag-aral dahil
hindi sila pinipilit na pumasok ng paaralan. Hindi ito sinang-ayunan ni Isagani. Sinabi niya sa pari na
napipilitan silang mag-aral sapagkat tungkulin nilang hanapin kung anuman ang makabubuti sa kanila
bukod pa sa nais nilang payabungin ang kaisipan.
"Ibig ninyong sabihin, Padre, kayo mismo ay nais lamang na ang bayang ito'y maging bayan ng mga
magsasaka lamang?"
"Mali ka. Ngunit nais ko lamang ipagkaloob ang karunungan sa mga karapat-dapat tulad ng sinabi ko
kanina. Kung mayroon mang ginagawang pagmamalabis ang guro ay dahil may mga mag-aaral na
pumapayag nang gayon. Kaya kung hindi ninyo ito papayagan, magbabago kami," ang tugon ng pari kaya
nangako itong kakausapin ang mga kasamahan ngunit sinabi niyang siya ay nag-aalala na baka hindi siya
paniwalaan ng mga ito na may isang mag-aaral na tulad ni Isagani.
Ayon naman kay Isagani, "Iyan din po ang inakala ko, Padre. Baka ang mga kaibigan ko ay hindi
maniwalang may prayleng tulad ninyo."
Nagpaalam na si Isagani. Pinagbuksan siya ng pinto ni Padre Fernandez. Sa labas ay may nagtanong kay
Isagani kung saan siya tutungo. "Sa Pamahalaang Sibil upang makita ang mga paskil at dadamayan ko
ang mga mag-aaral na hinuli," ang kaniyang tugon.
Narinig siya ni Padre Fernandez at nagwikang, "Naaawa ako sa kaniya ngunit naiinggit sa mga Heswitang
naghubog sa kaniya."
Ngunit mali si Padre Fernandez sa kaniyang akala sapagkat ang totoo ay galit ang mga Heswita kay
Isagani. Ayon sa isa sa mga Heswita ay nakasisira si Isagani sa kanila.
Talasalitaan:
tinutuligsa-pinupuna
magbalatkayo- magkunwari
siniil-ginipit
mangmang-walang alam
salat-kulang
buhong-masamang tao
payabungin-paunlarin
Ibinalita ni Ben Zayb sa payahagang El Grito ang mga pangyayari tungkol sa mga paskil upang patunayan
na tama siya sa pagsasabing walang magandang naidudulot sa Pilipinas ang pagpapa-aral sa mga
kabataang Pilipino. Ito ay nagbigay ng ligalig sa mga tao lalo na kapag nakikita nila ang Kapitan Heneral
na laging kasama ang kaniyang hukbo. Maging ang negosyo ni Quiroga ay naging matumal dahil walang
prayle ang nagtatanong ng kaniyang paninda. Naisip tuloy ng Intsik na isara ito at puntahan si Simoun
upang sumangguni kung dapat nang gamitin ang mga baril at bala na ipinatago ng mag-aalahas sa
kaniyang bodega. Palihim na sinabi sa kaniya ni Simoun na ilalagay ang mga baril at bala sa mga bahay-
bahay upang kapag nag-imbestiga ang pamahalaan ay marami ang mabibilanggo at marami rin ang
magmumulta kaya kikita sila ng malaking halaga. Ngunit ayaw makipagkita kaninuman ni Simoun kaya
ipinasabi na lamang niya na huwag pakialaman ang mga ito.
Dahil hindi nakausap ni Quiroga si Simoun, naisip niyang puntahan si Don Custodio. Ngunit hindi rin niya
ito nakausap sapagkat hindi rin ito tumatanggap ng panauhin at abala sa pag-aaral kung paano niya
ipagtatanggo ang sarili kung sakaling siya ay isangkot sa usapin. Walang nagawa si Quiroga kung hindi
puntahan si Ben Zayb upang makibalita. Nakita niyang may dalawang baril na nakapatong sa mga papel
sa mesa nito kaya hindi na siya nag-aksaya ng panahon. Umuwi siya kaagad at nagkulong ng bahay at
nagkunwaring may sakit.
Sa hapon, marami ang balitang kumalat na lalong nagbigay ng takot sa mga tao. Nagkita at nag-usap
daw ang mga estudyante at mga tulisan ng San Mateo; napag-usapan daw sa isang pansiterya ang plano
sa paglusob sa bayan; may bapor na pandigma raw ang mga Aleman sa look para tumulong sa mga
estudyante; may mga estudyante rin daw na kakampi ng mga Kastila na nagpunta sa Malakanyang
ngunit ibinilanggo dahil may mga dalang sandata.
Pinatotohanan ni Padre Irene ang mga balitang kumalat nang dumalaw siya nang hapong iyon kay
Kapitan Tiago. Sinabi niyang may mga nag-uudyok sa Heneral na samantalahin ang sitwasyon upang
matakot ang mga mag-aaral. Ayon pa sa kaniya ay may nagmungkahing barilin ang isa at ipatapon ang
iba upang tumigil ang gulo. Ang sabi naman daw ng isa ay magpakalat ng mga kawal sa lansangan na
may dalang mga sandata at kanyon upang hindi lumabas ng kanilang bahay ang mga tao. At ayon naman
sa isa pa, patayin ang mga mayayaman at marurunong.
Lalong lumubha ang kalagayan ni Kapitan Tiago nang halughugin ang kaniyang bahay bago hinuli si
Basilio at ngayon ay lalo pa siyang sinisindak ni Padre Irene sa mga balitang nakatatakot. Dahil dito,
nangatal ang buong katawan ng kapitan, pinagpawisan hanggang umungol at napakapit kay Padre Irene.
Namatay si Kapitan Tiago na nakadilat ang mata. Napatakbo naman si Padre Irene sa sobrang takot
kaya't nakaladkad ang bangkay ni Kapitan Tiago na nakakapit sa kaniya hanggang sa gitna ng silid.
Kinagabihan, lalong lumala ang mga balitang nakatatakot. Napagkamalang himagsikan ang pagkakagulo
ng mga bata sa pag-aagawan ng baryang isinabog sa harapan ng simbahan pagkatapos ng binyagan.
Hinabol naman ang dalawang taong naglalagay raw ng sandata sa silong ng bahay ngunit nakatakas at
nang makita ang mga baril ay napag-alamang luma na at kalawangin. Isang beterano naman daw ang
binaril sa Ermita ng isang kawani dahil napagkamalang estudyante. Sa Dulumbayan naman ay napatay
ang isang bingi nang hindi marinig ang tanong na "Sino iyan?" kaya binaril. Samantala, sa isang tindihan,
pinag-uusapan ang mg mag-aaral na hinuli at isa raw sa mga hinuli at pinatay ay si Tadeo samantalang
kusa namang nagpahuli si Isagani kaya naawa sila kay Paulita na tiyak namang makahahanap din daw ng
iba.
Sa tirahan ni Placido Penitente ay walang pinagkaiba. Ang usapan ay tungkol din sa mga pangyayari.
Ayon sa isang manggagawa, kaululan ang mga paskil dahil gawa-gawa lang ito ni Padre Salvi; ayon
naman sa isa ay si Quiroga ang tiyak na may gawa. At nang dumating si Placido Penitente kasama ang
kastilyero, tinanong sila tungkol sa mga bali-balita.
"Wala akong nakausap sa mga hinuli ngunit tatlumpu raw sila," sagot ni Placido.
"Kaya kailangan tayong maging handa," ang sabi naman ng kastilyero na sumulyap nang makahulugan
kay Placido. "Ayon sa mga bali-balita, pupugutan ng ulo ang lahat ng mga nasasangkot."
"Huwag kayong maniwala," ang salungat ng isa. "Si Simoun ay may sakit kaya walang magpapayo ng
gayon sa Kapitan Heneral."
Muling nagkatinginan si Placido at Ang kastilyero at ipinayo ng platero na magpahinga na sila at umuwi
na sa kani-kanilang bahay. Si Placido at ang kastilyero ay muling umalis.
Nang gabing iyon ay mga artilyerong Kastila ang nagbabantay sa loob ng Maynila. Kinabukasan, isang
halos hubad na bangkay ng isang dalagitang kayumanggi ang natagpuan sa Luneta. Nakita iyon ni Ben
Zayb ngunit hindi binigyang halaga kaya hindi niya ibinalita. Sa halip, ang bagyo sa Amerika ang kaniyang
binigyang-pansin.
Talasalitaan:
ligalig-gulo o takot
matumal-mahinang benta
sumangguni-magtanong
kastilyero-gumagawa ng paputok
Kinabukasan, sa bahay ng namatay, dumating ang dati niyang mga kaibigan. Marami ang naging usapan
tungkol sa namantay. Ayon sa usapan ng isang pangkat, nakita raw ng mga mongha ang kaniyang
kaluluwa na nagliliwanag dahil daw siguro sa marami niyang pamisang nagawa. Nabanggit din na
nakasuot ng prak ang kapitan na may hawak na manok at humihithit ng apyan kaya maraming
mananabong na naroroon ang nagkaroon ng pagtatalo kung hahamunin o hindi ng kapitan ng sabong si
San Pedro. Samantala, sa isang pangkat naman ay napag-usapan kung anong damit ang isusuot sa
kaniya. Ayon kay Kapitan Tinong, kailangang damit-Pransiskano na tinutulan naman ng sastre. Prak daw
ang dapat ipasuot dahil nang makita ng mga mongha ang kaluluwa ni Kapitan Tiago ay prak ang suot
nito. Hindi sumang-ayon si Padre Irene na ang sabi, "Hindi tumitingin sa kasuotan ang Diyos kaya lumang
damit na lamang ang isusuot ni Kapitan Tiago."
Sa libing ng kapitan, dahil engrande ay tatlong prayle ang magkakatulong sa seremonya. Pinapurihan
nang husto ang kapitan at nagkaroon pa ng dula-dulaan tungkol sa pagkakaroon ng silbi ng isang tao.
Maraming insenso ang sinunog at maraming ginamit na agua bendita. Umawit pa si Padre Irene kahit
parang sa humal ang boses.
Si Doña Patrocinio na kabanalan ni Kapitan Tiago ay nainggit. Dahil dito, nagnasa siyang mamatay na
kinabukasan upang mahigitan ang libing ni Kapitan Tiago.
Talasalitaan:
inasal-inugali
prak-kasuotang pormal
kabanalan-kabutihan
Kabanata 30: Si Huli
Kaagad na nabalita sa San Diego ang ukol sa pagkamatay ni Kapitan Tiago at ang pagkabilanggo ni Basilio
ngunit higit na dinamdam ng mga mamamayan ang nangyari sa binata. Samantala, napabalita naman sa
bayan ng Tiyani na ipatatapon sa malayong lalawigan ang binata at ipapapatay sa kaniyang paglalakbay.
Ngunit kung marami ang nalungkot para kay Basilio, natuwa naman si Hermana Penchang. Ayon sa
kaniya, maaaring parusa kay Basilio ang nangyari sapagkat hindi sumasawsaw sa agua bendita ang
binata kapag pumapasok ng simbahan kung marumi ito at baka raw magkasakit. Upang mapatunayan ng
hermana na mali si Basilio, ipinamalita niyang naalis ang sakit ng kaniyang tiyan nang pahiran niya ito ng
agua bendita. Ngunit ang totoo, masama ang loob ng hermana sa pagkatubos ni Basilio kay Huli. Ang
dalaga kasi ang nagdarasal at nag-aayuno para sa kaniya.
Anuman ang balita at anuman ang sabihin ni Hermana Penchang,naniniwala ang mga kalalakihan na
walang kasalanan si Basilio dahil kilala ang binata at alam nilang siya ay mabuting tao. Naniniwala sila na
ang nangyari kay Basilio ay bunga ng paghihiganti ng mga prayle dahil tinubos niya sa pagkaalila si Hili na
anak ni Kabesang Tales na kalaban ng isang malakas na korporasyon ng mga prayle.
Nang ibalita ni Hermana Bali kay Huli ang nangyari kay Basilio, hindi makapaniwala ang dalaga at
nawalan ng malay-tao. Nang matauhan, wala itong ginawa kundi umiyak nang umiyak. Naisip niyang
walang tutulong sa kasintahan dahil wala na si Kapitan Tiago at alam niyang sa Pilipinas, mahalaga ang
isang ninong. Bukod dito, may nagsasabi ring nabilanggo si Basilio dahil kay Huli kaya lalong naghinagpis
ang dalaga. Sa pagkakataong ito, siya ang dapat tumulong sa binata kaya naisip niyang lumapit kay Padre
Camorra. Si Padre Camorra ang tumulong upang makalaya si Tandang Selo. Ngunit biglang natakot si
Huli nang maisip na hindi nasisiyahan ang pari sa kaniyang pasasalamat lamang. Ang hiling ni Padre
Camorra kay Huli ay "isang pagpapasakit." Ito ang dahilan kaya umiwas na si Huli sa pari. At sa tuwing
makikita ng pari ang dalaga, lagi itong nagpapahalik sa kamay, hinihipo niya sa ilong o pisngi,
kinikindatan at kinukurot ang dalaga. Nagdulot ito ng matinding lungkot kay Huli. Hindi na siya
ngumingiti at hindi na rin gaanong nagsasalita at tila nawawala sa sarili. Katunayan, nakita siya minsan
na may dumi sa noo. Naisip na rin ni Huli na magpakamatay kaya itinanong niya kay Hermana Bali kung
sa impiyerno napupuntay ang nagpapakamatay.
Ang mga nagmamalasakit na kamag-anak ni Basilio ay nag-ambagan upang iligtas ang binata. Ngunit
dahil sa kahirapan, hindi man sila nakabuo ng mahigit tatlumpung piso. Ipinayo na lamang ni Hermana
Bali na sila ay lumapit sa tagasulat sa tribunal. Ngunit ang payo nito ay kailangan nilang lumapit sa
hukom pamayapa. Sa kasawiang palad, ang tanging naipayo ng hukom ay ang lumapit sila kay Padre
Camorra. Dahil batid ng hermana na ayaw rin ni Huli na magtungo ng kumbento, sinabi niya sa dalaga na
sasamahan niya ito upang makahingi na rin ng kalmen sa prayle. Ipinaalala rin ng hermana sa dalaga ang
aklat na "Tandang Basyong Makunat" na nagsasabing dapat magtungo sa kumbento ang mga dalaga
kahit hindi nalalaman ng kanilang mga magulang. Sinabi naman ng hukom na mabisa ang pagsamo ng
isang magandang dalaga. Umalis na si Huli at Hermana Bali.
Sa daan ay matigas ang tanggi ni Huli na pumunta sa kumbento. Naisip niyang hindi siya lumapit kay
Padre Camorra upang mailigtas ang kaniyang ama kaya bakit niya ito gagawin kay Basilio? At kung
ibibigay niya ang hinihinging "pagpapasakit" ng pari, maaaring hindi rin siya matanggap ni Basilio.
Tiniis ni Huli ang pagkutya sa kaniya ng mga kamag-anak at ng ibang tao. Hindi siya gaanong nakakatulog
at binangungot pa minsan. Nakita niya Sa panaginip ang amang tinutugis ng isang hayop at si Basilio na
nag-aagaw buhay. Nang magising, umiyak siya at nagdasal at tinawag ang ina. Kinabukasan, ang pagsikat
ng araw ay nagbigay ng pag-asa sa dalaga. Ngunit kinahapunan, kumalat ang blitang may mga binaril na
sa mga estudyante. Nawalan na naman siya ng pag-asa kaya naisip na naman niyang magpakamatay.
Tanging ang bukang-liwayway ang nagbibigay sa kaniya ng pag-asa kay naghintay na lamang siya ng
himala.
Mula sa Maynila, dumating ang balitang iilan sa mga bilanggo ay nakalaya na sa tulong ng mga ninong at
si Basilio na lamang ang naiwan sa bilangguan. Lalong natakot si Huli at maging sa pagtulog ay
binabagabag siya ng matinding pag-alala.
Dumating ang isang manlalakbay buhat sa Maynila. Ibinalita niyang ipatatapon sa Carolinas si Basilio.
Ang balitang iyon ang nag-udyok kay Huli na hanapin si Hermana Bali at sabihing handa na siyang
makipagkita kay Padre Camorra. Siya ay nag-ayos at isinuot ang pinakamaayos na damit. Ngunit nang
sila ay malapit na sa bayan at malapit na sa kumbento, nakaramdam ng panghihina ng loob ang dalaga
at ayaw nang tumuloy. Pinayapa ni Hermana Bali ang kaniyang kalooban sa pagsasabing hindi
mangangahas gumawa ng masama si Padre Camorra sa kaniyang harapan at sinabi pang bayaan na lang
niyang ipatapon at barilin si Basilio at kapag patay na ay wala na siyang magagawa. Dahil dito, pikit-
matang pumasok si Huli sa kumbento.
Kinagabihan, usap-usapan ang nangyari sa kumbento. Isang dalaga raw ang tumalon mula sa bintana ng
kumbento, bumagsak sa mga bato at namatay. Halos kasabay noon ay isang matandang babae ang
lumabas na sumisigaw na tila isang baliw. Pagkatapos ng takipsilim, isang matandang lalaki ang nasa
harapan ng kumbento. Sinusuntok ang pinto na nakapinid at iniuumpog ang ulo diyo. Pinagpapalo siya
ng mga bantay at itinulak papalayo. Ang matanda ay nagtungo sa bahay ng gobernadorsilyo ngunit hindi
niya ito nadatnan dahil nasa kumbento raw ito. Nagtungo rin siya sa hukom pamayapa ngunit nasa
kumbento rin daw; sumunod niyang pinuntahan ang tenyente mayor at wala din daw at nasa kumbento
rin; pagkatapos ay sa kuwartel, ngunit ang tenyente ng mga guwardiya sibil ay ipinatawag din sa
kumbento. Umiyak na parang bata ang matanda. Ang kaniyang pag-iyak ay naririnig Sa katahimikan ng
gabi.
"Diyos ko, nilikha Ninyo kaming pantay-pantay. Huwag po Ninyong ipagkait sa amin ang katarungan,"
ang dasal ng isang babae.
"Sang-ayon ako, kung ako ang Diyos na iyong tinatawagan ay hindi gawa-gawa lamang," ang sagot ng
kaniyang asawa.
Nang mag-iikawalo na ng gabi, mahigit na pitong prayle ang nagpulong sa kumbento. Kinabukasan,
nawawala si Tandang Selo at ang kaniyang mga gamit sa pangangaso.
Talasalitaan:
nag-aayuno-ayon sa relihiyong Katoliko, ito ay hustong pagkain lamang sa loob ng maghapon sa mga
araw na itinakda ng iglesya
pagpapasakit-pagsasakripisyo
pagsamo-paghiling
nakapinid-nakasara
Sa araw na iyon, ang mga umalingawngaw na balita sa mga pahayagan sa Maynila ay ang mga nangyari
sa Europa at tagumpay ng operetang Pranses. Walang anumang binanggit ukol sa katampalasanang
nangyari sa Tiani ngunit naging laman ito ng usap-usapan at ang pag-alis ni Padre Camorra sa Tiani dahil
pinalipat sa kumbento sa Maynila upang mamalagi nang ilang panahon doon. Dahil dito kaya nahabag si
Ben Zayb sa kaniya.
Isa-isang nakalaya ang mga mag-aaral. Unang nakalaya si Macaraig dahil sa kaniyang kayamanan. Huli
namang nakalaya si Isagani dahil sa tulong naman ni Padre Florentino.
"Totoong napakamaawain ng Kapitan Heneral," ang sabi ni Ben Zayb.
Samantala, ang kulang-palad na si Basilio ay naiwan sa bilangguan dahil sa kawalan ng padrino at ayon
sa Kapitan Heneral, dapat ay may maiwan sa mga mag-aaral sa bilangguan.
"Ngunit Heneral, malapit nang magtapos ng medisina si Basilio at hinahangaan siya ng kaniyang mga
guro," ang pagtatanggol ng mataas na kawani.
Sa kasawiang palad, ang ginawang pagtatanggol ng mataas na kawani kay Basilio ay nakasama pa sa
binata. Ito ay sapagkat matagal nang hindi nagkakaunawaan ang Heneral at ang mataas na kawani.
Naramdaman ng mataas na kawani na siya ay nagkamali sa pagtatanggol kay Basilio kay pinanindigan na
lamang niya ito sa pagsasabing walang kasalanan si Basilio. Ngunit sinabi ng Kapitan Heneral na
nagtatago ng mga ipinagbabawal na aklat ang binata. Pinabulaanan naman ito ng mataas na kawani sa
pagsasabing ukol sa medisina ang mga aklat at sinulat naman ng mga Kastila ang mga polyeto bukod pa
sa hindi kasama si Basilio sa piging ng mga mag-aaral na ginanap sa pansiterya.
Tila wala na ngang makapagpapabago pa sa naging pasiya ng Kapitan Heneral dahil humalakhak lamang
ito at ayon sa kaniya, higit na mabuting maiwan sa bilangguan si Basilio upang matakot ang lahat sa
kapangyarihan ng pamahalaan. Sa sinabing iyon ng Kapitan Heneral, tinanong siya ng mataas na kawani
kung hindi siya natatakot sa maaaring bunga ng kaniyang pasiya. Payamot namang sinabi ng Heneral na
wala siyang dapat ikatakot sa isang alila lamang at maging sa bayan dahil hindi naman ito ang humirang
sa kaniya bilang pinuno kundi ang Espanya.
Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa pagitan ng Heneral at ng mataas na kawani bagi sinabi ng huli na
higit na kailangang maging mabuting pinuno ang Heneral para sa ikararangal ng Espanya bukod pa sa
may sinumpaan itong tungkulin. Ikinagalit ito ng Heneral kaya sinabi niya sa mataas na kawani na hindi
niya ito pinananagot sa kaniyang mga responsibilidad.
"Wala po akong ibig sabihin na ganyan ngunit bilang mataas na kawani, alam ko ang aking mga
responsibilidad at hindi ko tinatalikuran ang mga ito. Alam ko ring hindi kailangan ng Espanya na maging
malupit at mangamkam sa mga nasasakupan sapagkat Kastila rin ako at higit sa lahat, tao na nagtataglay
ng kagandahang-asal at naniniwala sa karunungan. Kung kayo ay nagpapahalaga sa kapangyarihan, ako
naman ay higit na nagpapahalaga sa karangalan dahil mahal ko ang Espanya. Tayo man ang nasa
katayuan ng mga Pilipino, masasabi nating sila ay may karapatang maghimagsik. Dahil tulad ninyo at
tulad ko na hindi man militar ay handang mamatay para sa Espanya. Ngunit kung ang mga Pilipino ay
maghihimagsik, sa kanila ako kakampi."
Tinitigan lamang ng Kapitan Heneral ang mataas na kawani at sinabing, " Alam ba ninyo kung kailan ang
alis ng susunod na barko?"
Tahimik na umalis ang mataas na kawani at tinungo ang sasakyang naghihintay sa kaniya. Nang
nakasakay na ito, sinabi niya sa kutserong Indio ang, " Kapag nakamit na ninyo ang kalayaan, huwag
mong kalimutang may isang Kastilang nagmamalasakit sa inyo sa Espanya," ngunit hindi nawatasan ng
kutsero ang sinabi ng mataas na kawani.
Pagkalipas ng dalawang oras, nagbitiw sa kaniyang tungkulin ang mataas na kawani upang bumalik na sa
Espanya.
Talasalitaan:
katampalasanan-kalapastanganan
kulang-palad-walang suwerte
padrino-taong tumutulong
Dahil sa mga pangyayaring kinasangkutan ng mga mag-aaral, maraming magulang ang nagpahinto sa
kanilang mga anak sa pag-aaral. Ninais pa nilang magsaka na lamang ang kanilang mga anak o kaya ay
magbulakbol kaysa mag-aral.
Sa mga mag-aaral na kumuha ng pagsusulit, marami ang lumagpak tulad nina Pecson, Tadeo, at Juanito
Pelaez. Hindi dinamdam ni Tadeo ang paglagpak at natawa pa sa pangyayari kaya sinunog niya ang lahat
ng kaniyang mga aklat at papasok na lamang daw siyang kawani sa alin mang hukuman. Si Juanito Pelaez
naman ay nalungkot sapagkat magbabantay na lamang siya sa tindahan ng ama. Samantala, si Macaraig
ay kaagad na nagpunta ng Europa pagkatapos os ng pangyayari. Tanging sina Isagani at Sandoval lamang
ang nakapasa ngunit ang una ay pumasa lamang sa asignatura ni Padre Fernandez at bumagsak sa iba. Si
Sandoval ay pumasa sa lahat ng asignatura dahil daw sa kaniyang mahusay na talumpati.
Si Basilio na nakabilanggo pa ay hindi nakakuha ng pagsusulit ngunit nabalitaan niya kay Sinong ang
pagkamatay ng kaniyang kasintahang si Huli at ang pagkawala ni Tandang Selo.
Palagi si Simoun sa tindahan ni Don Timoteo Pelaez, ama ni Juanito, na nakabili ng bahay ni Kapitan
Tiago at ayon sa mga bali-balita ay kasosyo pa ngayon sa negosyo ng mag-aalahas. Dahil dito, marami
ang naiinggit sa kaniya at nagsasabing napakapalad niya lalo na at ikakasal pa ang kaniyang anak na si
Juanito kay Paulita. Naisip kasi ni Paulita na walang kusang kinabukasang maibibigay sa kaniya si Isagani,
isang Indio at kusang isinuong pa ang sarili Sa kapahamakan nang magpabilanggo, hindi tulad ni Juanito
na may dugong Kastila at anak ng mayamang mangangalakal sa Maynila.
Dumaan ang Mahal na Araw na walang nangyaring anumang kaguluhan maliban nang gibain ang mga
bahay na pawid at walang magawa ang mga mamamayan dahil utos ito ng pamahalaan. Sa mga huling
araw ng Abrilm ang lungkot at takot na nararamdaman ng mga mamamayan ay napalitan ng pagkasabik
sa gaganaping pista sa bahay ni Don Timoteo Pelaez. Dito idaraos ang kasal ninan Juanito at Paulita at
ninong pa ang Kapitan Heneral bukod pa sa si Simoun ang nag-asikaso sa lahat. Gaganapin ang pista
dalawang araw bago umalis ang Kapitan Heneral. Kumalat din ang balitang magpapaagaw ng kaniyang
mga alahas si Simoun upang parangalan si Juanito na anak ng kaniyang kasosyong si Don Timoteo
Pelaez. Ang araw ng kasal nina Juanito at Paulita ay ang araw rin ng pamamaalam ni Simoun, isang
pamamaalam na gugulat sa sambayanang Pilipino kaya gusto ng lahat na makadalo. Upang
maanyayahan, ang iba ay nakikipagkaibigan kay Simoun samantalang ang iba ay bumibili ng bakal at siim
sa tindahan ni Don Timoteo Pelaez kahit na hindi kailangan para lamang makipagkaibigan sa ama ni
Juanito.
Talasalitaan:
lumagpak-bumagsak
lakarin-ayusin
napakapalad-napakasuwerte
isinuong-humarap sa panganib
Kabanata 33: Ang Huling Matuwid
Dumating din ang pinakahihintay ng lahat. Ito ang pista sa araw ng kasal nina Juanito at Paulita na
pinamahalaan ni Simoun. Ngunit lingid sa kaalaman ng marami, hindi lamang kasal nina Juanito at
Paulita ang pinagkakaabalahan ni Simoun kundi ang pag-aayos ng kaniyang mga armas at mga alahas
para sa pagsasakatuparan ng kaniyang balak. Sa hapon, matapos ibilin ni Simoun sa kaniyang mga
utusan ang pagdating ni Basilio, nagkulong na siya sa kaniyang silid at nag-isip. Nang dumating si Basilio
gulat na gulat si Simoun sapagkat kay laki ng ipinagbago ng binata. Humpak ang kaniyang pisngi,
nanlilisik ang dating mapupungay na mata, gusot ang buhok at walang ayos ang pananamit. Nahabag si
Simoun sa binata.
Si Basilio ay hindi napaligoy-ligoy pa. Hindi na niya binati si Simoun at kaagad sinabing naging masamang
anak at kapatid sita kaya pinarusahan ng Diyos ngunit ngayon ay handang-handa nang maghiganti.
Sinabi rin niyang nagsisisi siya sa hindi niya pagpayag sa binalak ni Simoun apat na buwan na ang
nakaraan. Ngunit nabigo man ang binalak ni Simoun ay tinulungan pa rin daw niya itong makalaya nang
mabilanggo. At bilang pasasalamat, handang-handa raw siyang sumunod sa anumang ipag-uutos ng
mag-aalahas.
Kumislap ang mga mata ni Simoun na matamang nakikinig at buong gilas na sinabing, "Pinawi mo ang
aking mga agam-agam. Alam kong nasa katuwiran ako at ipinagtatanggil ko lamang ang kapakanan ng
mga sawimpalad. Nabigo ang aking mga binalak na himagsikan noon dahil ako ay umiibig pa ngunit
ngayon ay wala na at hindi na rin ako magdadalawang isip pa sa aking balak. Kung pumayag ka sana ang
madugong mangyayari ngayon. Sabagay, hindi rin kita masisisi sapagkat walang gustong sumang-ayon sa
akin noon. Takot at mahina ang kanilang loob at namamayani sa kanila ang pagkamakasarili bukod pa sa
hangal ang mga kabataan. Ang mga taong bigo at api lamang ang sumang-ayon sa akin. Ngunit, hindi
bale! Simulan natin ngayon upang ipagpatuloy na lamang ng mga susunod sa atin."
Hindi man naunawaan nu Basilio ang sinabi ni Simoun ay sumunod pa rim ito nang isama siya ni Simoun
sa kaniyang laboratoryo. Sa ibabaw ng mesa ay naroon ang kakaibang lampara. Ang pinakalalagyan nito
ay kulay ginto na hugis granada ngunit sinlaki ng ulo ng tao at may butak na kinakikitaan ng mga butil sa
loob. Kinuha ito ni Simoun at maingat na inalis ang mitsa upang ipakita kay Basilio ang loob nito. Ang
loob nito ay yari sa bakal na ang kapal ay may dalawang sentimetro at maaaring maglaman ng higit sa
isang litrong gaas. Binuhusan ito ng likido ni Simoun at ipinakita kay Basilio ang nakasulat sa lalagyan ng
likido na ikinagulat ng binata.
"Tama ka, nitroglicerina!" ang pagpapatotoo naman ni Simoun. "Ngunit ito'y higit pa sa nitroglicerina o
finamita sapagkat mga naipong luha ito ng mga bigo at api at ito ang magsisilbing panlaban nila sa
karahasan at ngayong gabi ay katapusan na ng mga maniniil na nasa likod ng simbahan at ng
pamahalaan."
Hindi makapaniwala si Basilio dahil noon lamang siya nakakita ng dinamita kaya hindi siya makakibo.
Nang mapansin ni Simoun na nakatitig sa kaniya si Basilio na tila nangangamba, sinabi nitong,
"Mamayang gabi ay may malaking pista at ang lamparang ito ang ilalagay sa gitna ng kioskong kainan.
Ang lamparang ito ang magbibigay ng liwanag sa buong bahay. Ngunit pagkaraan ng dalawampung
minuto, lalamlam ang liwanag ng lampara at kapag itinaas ang mitsa nito, sasabog ito nang malakas at
tiyak kong walang maiiwang buhay dahil ang bubong at sahig ng kabahayan ay kinalatan ko ng pulbura."
"Kung gayon, wala na po pala akong maitutulong sa inyo dahil buong-buo na ang inyong plano," ang sabi
ni Basilio. Ngunit sinabi sa kaniya ni Simoun na mahalaga ang kaniyang tungkuling gagampanan sa
kaniyang binabalak dahil siya ang mamumuno sa mga mamamayang takot mamatay kaya tiyak na
lalaban. Sinabi rin ni Simoun na nasa panig pa rin niya si Kabesang Tales na magiging katulong niya sa
pagsakop ng lungkod at ang militar na naniwala sa kaniya napakana ng Heneral ang himagsikan upang
hindi matuloy ang kaniyang pag-alis. Ibinilin din ni Simoun kay Basilio na siya at ang mga mamamayang
sasapi sa himagsikan ang magbabantay sa mga tulay sa labas ng lungsod kaya kailangang patayin ang
lahat ng ayaw sumapi at sa ganitong paraan tiyak na dadami ang sasapi sa kanila. Bukod dito, sinabi rin
niyang sa tindahan ni Quiroga kukunin ang sandata.
Kinilabutan si Basilio sa kaniyang narinig at hindi makapaniwala. Napansin ito ni Simoun kaya sinabing,
"Kailangang magkaroon ng bagong lahi! Kailangang umusbing ang isang bagong bayang malakas kaya
kailangang mawala ang mga mahihina. Samakatuwid, lilikha tayo ng bagong bayan at hindi
magwawasak."
Wala na rin sa katuwiran si Basilio dahil tatlo at kalahating buwang pagkabilanggo at pagnanasang
makapaghiganti kaya sa halip na sabihin kay Simoun na ipaubaya na lamang ang lahat sa Diyos ay
naitanong na lamang niya kung ano ang magiging reaksiyon ng ibang lahi sa magaganap na patayan na
kanilang isasakatuparan. Sinabi naman ni Simoun na sila ay pupurihin tulad ng pagpuri ng Europa sa mga
bansang kanluran nang patayin ang mga Indio sa Amerika at Silangang Asya kaya nakatitiyak siyang
dadami pa ang kanilang kapanalig.
Napangiti si Basilio at sumang-ayon kay Simoun at sinabing walang kuwenta sa kaniya kung bigyan man
siya ng papuri o tulisain kaya sapagkat kailanman ay hindi naman siya nakaranas ng paglingap. Labis
itong ikinatuwa ni Simoun at iniabot kay Basilio ang isang rebolber. At bilang huling paalala, sinabi ni
Simoun na hintayin siya ni Basilio sa tapat ng simbahan ng San Sebastian sa ganap na ikasampu at dapat
na lumayo sa ganap na ikasiyam sa may daang Anloague. Nilagyan ng bala ni Basilio ang rebolber at
isinilid sa bulsang panloob ng suot na amerikana at nagpaalam na.
Talasalitaan:
humpak-impis
matamang-matiyaga
gilas-galing
agam-agam-alinlangan
maniniil-nanggigipit ng kapwa
tuligsain-batikusin
paglingap-pag-aalaga
Ikapito na ng gabi ngunit nasa daan pa rin si Basilio at hindi niya alam kung saan pupunta dahil wala
siyang pera at walang dala kundi ang rebolber na bigay ni Simoun. Kaninang paglabas niya ng bilangguan
ay naisipan niyang puntahan si Isagani upang makituloy ngunit wala itoq sa kaniyang tirahan. Bukod sq
pag-iisip kung saan siya pupunta, pilit ding gumigiit sa kaniyang isipan ang tungkol sa lamoarang
ipinakita ni Simoun dahil dalawang oras na lamang at magaganap na ang malaking pagsabog na magiging
simula ng himagsikan. Nakadama siya ng tuwa nang mabuo ang larawan sa kaniyang isipan na katayo
siya sa bunton ng mga bangkay at naging kakila-kilabot sa gabing iyon. Ngunit bigla nakalimutan pala
niyang itanong kay Simoun kung saan magsisimul ang himagsikan kaya binalikan niya sa kaniyang isipan
ang mga sinabi nito sa kaniya. Naisip niyang pinalalayo siya ni Simoun sa daang Anloague sa ganap na
ikasiyam ng gabi. Ang bahay ni Kapitan Tiago ay nasa daang Anloague. Sa araw na iyon ay idaraos ang
kasal ni Juanito at may nabanggit si Simoun ukol sa isang pista. Samakatuwid, sa paghuhulo ni Basilio sa
bahay ni Kapitan Tiago na nasa daang Anloague magsisimula ang himagsikan.
Ilang sandali pa ay dumaan sa harapan ni Basilio ang hanay ng mga sasakyan. Nagulat si Basilio nang
makita sa isang sasakyan na sakay si Juanito at Paulita. Hindi niya akalain na ang pinakasalan ni Juanito
ay si Paulita. Naalala niya si Isagani at naawa. Naisip din niya na kung hindi siya nabilanggo ay may asawa
na rin siya at tapos na ng medisina. Bigla, nakita niya sa kaniyang imahinasyon ang durog-durog na
katawan ni Huli kaya muli siyang nakaramdam ng matinding galit nang mapansin niya si Simoun na
papalabas sa bahay nito at dala ang lampara. Sumakay ang mag-aalahas. Sa isang sasakyang sumusunod
sa iba pang mga sasakyan. Namangha si Basilio nang makilala niyang si Simong ang kutsero ni Simoun.
Kaagad na nagpunta sa daang Anloague si Basilio. Siksikan sa tao ang dating bahay ni Kapitan Tiago at
napapalibutan ito ng mga guwardiya sibil. Masaya ang lahat lalo na si Don Timoteo Pelaez dahil bukod sa
ikinasal ang kaniyang anak sa heredera ng mga Gomez ay pinautang pa siya ni Simoun upang
magayakan nang marangya ang bahay ni Kapitan Tiago na nabili niya nang murang-mura. Maliban pa
rito, ninong sa kasal ng kaniyang anak ang Kapitan Heneral. Hindi man ito nakarating sa simbahan,
naging kinatawan naman niya si Don Custodio at nangakong pupunta sa pista ng kasal.
Binago ni Don Timoteo Pelaez ang pagkakaayos ng bahay ni Kapitan Tiago. Nilagyan niya ng magagarang
papel at aranya ang dingding,inilagay ang malaking salamin sa sala upang lalo itong magmukhang
maluwang, nilatagan pa ito ng alpombra na galing pa sa ibang bansa. Pulang pelus na nabuburdahan ng
ginto ng mga unang titik ng pangalan nina Juanito at Paulita ang kurtina. Sa may pintuan ay may mga
nakabiting mga artipisyal na bulaklak ng suha at sa mga sulok ay may malalaking paso na gawa sa Hapon.
Hindi na ito nangangamoy apyan. Maganda na sana ang pagkakaayos ng bahay ngunit pinalitan ng mga
kromo ang mga inukit at mga larawang santo ni Kapitan Tiago dahil iyon daw ay gawa lamang ng mga
pintor na Pilipino.
Sa gitna ng mga mesa ay nakasalansan ang mga bulaklak at prutas. Ang plato ni Juanito ay may tandang
isang kumpol na rosas samantalang ang plato naman ni Paulita ay may tandang kumpol na bulaklak ng
suha at asusena. Samantala, ang mesa ng mga diyos-diyosan ay nasa asotea. Pito ang inaasahang uupo
roon kaya pitong kubyertos ang nakalagay at ihahain doon ang pinakamasarap at pinakamamahal na
alak.
Talasalitaan:
gumigiit-sumisiksik
paghuhulo-pag-aanalisa
magayakan-maayusan
Nag-umpisa nang dumating ang mga bisita sa piging. Naroon na ang bagong kasal kasama si Donya
Victorina. Nasa loob na rin ng bulwagan si Padre Salvi pero ang heneral ay hindi pa dumarating.
Nakita na rin ni Basilio si Simoun dala ang ilawan na pampasabog. Nang mga oras na iyon, nag-iba ang
pananaw ni Basilio at nais nang maligtas ang mga tao sa loob sa nakatakdang pasabog mula sa lampara.
Ngunit hindi siya pinapasok dahil sa madungis niyang anyo.
Sa di kalayuan ay nakita niya ang kaibigang si Isagani. Dali-daling umalis ang binata mula sa usapan dahil
naisip si Paulita.
Habang nasa itaas naman, nakita nila ang isang papel na may nakasulat na “MANE THACEL PAHRES JUAN
CRISOSTOMO IBARRA.”Sabi ng ilan ay biro lamang iyon ngunit nangangamba na ang ilan na gaganti si
Ibarra. Sinabi ni Don Custodio na baka lasunin sila ni Ibarra kaya binitiwan nila ang mga kasangkapan sa
pagkain.
Nawalan naman ng ilaw ang lampara. Itataas sana ang mitsa ng ilawan nang pumasok naman si Isagani
at kinuha ang ilawan at itinapon sa ilog mula sa asotea.
Talasalitaan:
piging- pagtitipon
bulwagan-pasukan at labasan
madungis-marumi
mitsa-sinulid sa kandila
Pagkatapos ng mga pangyayari sa bahay ni Kapitan Tiago, kaagad umuwi si Ben Zayb upang maisulat ang
mga naganap sa pista. Ayaw niyang sumana ang loob ng Kapitan Heneral kaya naisipan niyang papurihan
ito bago ang kaniyang pag-alis sa pamamagitan ng pagbabalita ng kaniyang ginawang kabayanihan at ng
ibang diyos-diyosan sa naganap na pangyayari.
Matalinghaga ang ginawang panimula ni Ben Zayb bagi niya isinalaysay ang mga pangyayari at
panghuling pati sa magnanakaw. Pagkatapos ay muli at muli niya itong binasa at nirebisa. Upang gawing
bayani ang mga prayle bukod sa Kapitan Heneral, isinalaysay niya ang pagsuot ni Padre Irene sa ilalim ng
mesa upang habulin daw ang magnanakaw. Isinulat din niya na nahimatay si Padre Salvi dahil sa sobrang
dalamhati na kaniyang naramdaman sa nangyari sapagkat nawalan ng saysay ang mga pangaral niya sa
mga Indio. Samantala, inilarawan naman niya ang magnanakaw na takot at may mabalasik na tingin kaya
iminungkahi niya ang pagtatatag ng isang hukumang militar.
Bago natulog si Ben Zayb, ipinadala na niya sa pasulatan ang kaniyang isinulat ngunit ibinalik lamang ito
sa kaniya kinaumagahan. Ipinagbawak kasi ng Kapitan Heneral ang anumang balita sa pangyayari. Dahil
dito, labis na nalungkot at napaiyak si Ben Zayb at wala siyang nagawa kundi ang ibulong na lang sa sarili
na sana ay may mangyari uling krimen.
Nabalita ang paglusob ng mga tulisan sa bahay-aliwan ng mga Dominiko sa Pasig. Ayon sa balita, mahigit
dalawang libong piso ang ninakaw at sinugatan pa ang pari at ang dalawang katulong. Ang balitang ito ay
hindi nakaligtas kay Ben Zayb. Kaagad niya itong isinulat ngunit tulad ng dati, ginawa niyang makulay ang
mga pangyayari. Isinulat niyang apatnapu o limampung tulisan ang lumusob at maraming dalang mga
sandata kaya nakuha ang sampung libong piso at walang awang sinugatan ang pari. Ngunit hindi
makuntento si Ben Zayb kaya nagpunta pa siya sa Pasig at nagulat siya nang makitang si Padre Camorra
pala ang paring nasugatan. Naroon si Padre Camorra dahil saparusang ipinataw sa kaniya kaugnay ng
nangyari sa Tiani. At ang totoo, nagkaroon lamang siya ng maliit na sugat sa kamay at bukol sa ulo. Tatlo
ang tulisang lumusob na may dalang itak at limampung piso lamang ang kanilang nakuha. Dahil dito,
hindi makapaniwala si Ben Zayb at sinabi niya kay Padre Camorra na kailangang palakihin ang pangyayari
na naging dahilan ng kanilang pagtatalo.
Sa mga tulisang lumusob, may mga nadakip at sinabi ng isa na tinipan sila ni Matanglawin (Kabesang
Tales) sa Sta. Mesa upang sumama sa kaniyang pangkat at lusubin ang mga kumbento at ang mga bahay
ng mga mayayaman. Sinabi rin niya na sila ay pinamumunuan ng isang Kastila ng mataas, kayumanggi, at
maputi ang buhok na nagsabi na utos iyon ni Kapitan Heneral na matalik niyang kaibigan. Wala raw
silang dapat ikatakot dahil katulong ang mga artilyero. Ang hudyat daw ay isang putok ng kanyon. Ngunit
wala silang narinig na putok ng kanyon kaya naisip nilang sila ay nilinlang. Umatras ang iba sa kanila at
ang iba ay bumalik sa bundok. Naisipan naman ng tatlong tulisan na lusubin ang bahay-aliwan ng mga
Dominiko upang makapaghiganti sa Kastilang dalawang beses nang luminlang sa kanila. Dahil dito,
pinahirapan sila nang husto ng mga guwardiya sibil. Hindi kasi kapani-paniwala ang kanilang salaysay na
nagtuturo kay Simoun na kanilang pinuno. Ngunit nang matagpuan sa tirahan ni Simoun sa Escolta ang
mga bayong ng pulbura at maraming bala at nawawala ang mag-aalahas, ang salaysay ng tulisan ay unti-
unting napatotohanan. Kumalat ang bulung-bulungan at bawat makabatid ay namamangha.
Nang hapong iyon, dinalaw ni Ben Zayb na may dalang rebolber at mga bala si Don Custodio na
masigasig na gumagawa ng isang panukala laban kay Simoun.
Talasalitaan:
nirebisa-iniwasto
mabalasik-mabangis
tinipan-kinatagpo
panukala-mungkahi
Madaling kumalat ang balita sa nangyari sa pista ng kasal nina Juanito at Paulita. Katunayan, ito ang
usapan sa bahay ng mga Orenda, isang mayamang pamilya ng mag-aalahas sa Sta. Cruz at kaibigan ni
Isagani. Sa gabing iyon, panauhin nila ang binata ngunit hindi sila nagsisipaglaro ng braha o kaya ay
nagpapatugtog ng piyano tulad ng kanilang nakagawian. Maging ang pinakabata sa mga dalaga ng mga
Orenda na si Tinay ay nayayamot dahil walang gusting makipaglaro sa kaniya ng sungka. Ang lahat, pati
si Isagani ay abala sa pakikinig kay Chichoy, isang platero. Si Chichoy ang naghatid ng pares ng hikaw kay
Paulita kinabukasan pagkatapos ng pista ng kasal kaya nasaksihan niya ang mga supot-supot na pulbura
sa ilalim ng sahig, sa bubungan, ilalim ng mesa, at sa loob ng mga upuan nang ginigiba ang kiosko na
pinagkainan ng mga diyus-diyosan sa bahay ni Kapitan Tiago. Ito ang dahilan kaya sa gabing iyon, siya
ang naatasang magkuwento sa tahanan ng pamilya Orenda.
"Sino naman ang naglagay ng mga supot-aupot na pulbura?" ang tanong ni Kapitana Loleng habang
namumutla naman si Momoy na kasintahan ni Sensia na dumalo sa pista. Si Sensia ang panganay sa
anak nina Kapitana Loleng at Kapitan Toringgoy.
"Ayom kay G. Pasta, maaaring kaaway raw ni Don Timoteo o kaagaw sa pag-ibig ni Juanito," ang sagot ni
Chichoy ngunit ngumiti lamang si Isagani at hindi umimik. Sinabi pa ni Chichoy na maging si Don Timoteo
ay nagtataka kung sino ang may kagagawan noon dahil sila lang naman daw dalawa ni Simoun ang
namahala sa pag-aayos ng bahay para sa pista.
"Ang ibig sabihin, kung sakaling sumabog ang bahay na iyon ay wala sanang natirang buhay sa buong
Anloague," ang sabi naman ni Kapitan Toringgoy.
"Sino sa palagay ninyo ang naglagay ng pulbura sa bahay na iyon?" tanong ni Chichoy.
May sumagot na mga prayle ngunit ang sabi naman ng isa ay maaaring si Quiroga at ang sabi naman ng
isa ay baka isang estudyante at ang hula naman ng isa pa ay si Macaraig. Umiling lamang si Chichoy at
namangha ang lahat nang sabihin niyang si Simoun, ang mag-aalahas ang naglagay ng pulbura.
"Ngunit imposible yata dahil naroroon din si Simoun sa pista!" ang sabi ni Sensia na hindi makapaniwala
kaya sinabi ni Momoy na kaagad umalis ang mag-aalahas bago maghapunan.
"Ngunit kaibigan siya ng Kapitan Heneral at kasosyo pa rin ni Don Timoteo," ang sabi ng isa.
"Nalaman na ng pamahalaan ang buktot na binalak ni Simoun kaya nawawala at pinaghahanap siya
ngayon ng mga guwardiya sibil," ang ganting sagot naman ni Chichoy.
Naalala ni Biday, isa sa mga dalagang Orenda, ang bughaw na ningas na nakita niya minsan sa bahay ni
Simoun nang sila ng kaniyang ina ay bimili ng ilang bato sa mag-aalahas samantalang naalala naman ni
Momoy na isang hindi kilalang tao ang biglang pumasok at nagnakaw ng lamparang regalo ni Simoun
kaya nagkagulo nang oras na ng hapunan. Dahil dito, si Isagani na tahimik na nakikinig ay tumindig at
naglakad-lakad. At nang sabihin ni Chichoy na tumalon sa ilog ang magnanakaw at walang nakakilala sa
kaniya at ipinalalagay ng mga may kapangyarihan na ang lamparang ninakaw ang magpapasabog sa
buong bahay, sinabi naman ni Isagani, "Kahit kailan, hindi mabuting kumuha ng hindi sa kaniya. Kung
nakapag-isip lamang sana ang magnanakaw at alam niya ang layunin, sa palagay ko ay hindi niya
gagawin iyon. Anuman ang ibigay na kapalit, hindi ko gagawin ang kaniyang ginawa," ang sabi ni Isagani
bago nagpaalam upang puntahan si Padre Florentino at manirahan kasama niya.
Talasalitaan:
platero-gumagawa ng alahas
buktot-masama
Isang tanghali nang buwan ng Mayo, naglalakad sa may baybayin ng bundok ang isang hanay bg kalunus-
lunos na anim o pitong magsasaka na bihag ng sampu o labindalawang sabil na sandatahan. Sila ay abot-
sikong nakagapos at mahigpit na nakatali, walang sombrero at sapin sa paa kahit matindi ang sikat ng
araw at marurumi dahil sa pawis at alikabok. Sa kanilang mukha, mababakas ang galit at kawalan ng pag-
asa dahil tinutungayaw pa sila ng isang sibil, pinapalo sa pamamagitan ng isang sanga ng kahoy at
sinisipa kapag may nabubuwal sa kanila upang ipagpatuloy nila ang kanilang paglakad. Huminto lamang
sila kapag may sibil na nais uminom samantalang uhaw na mga bihay ay hindi alintana. Dahil sa
kalupitang ito, isang sibil ang hindi nakatiis kaya sinigawan ang kasamang si Mautang.
Lumapit si Mautang sa kaniyang kasamahan at pabulong na sinabing, "Ano ka ba, Carolino, bagito ka pa
talaga sa trabahong ito! Hindi mo ba alam, kaya ginagawa ko ito ay upang matuto silang lumaban at
tumakas nang barilin na lang natin."
Hindi kumibo si Carolino. Isang bihag ang nakiusap na magpahinga sandali ngunit pinalo lamang siya ni
Mautang at sinabing mapanganib ang lugar nang biglang umalingawngaw ang isang putok. Nabitiwan ni
Mautang ang kaniyang baril, tinutop niya ang kaniyang dibdib at nilabasan siya ng dugo sa bibig. Nabigla
ang mga sibil at pinahinto ang mga bihag. Tumingin-tingin sila sa kanilang paligid. Isang putok pa ang
narinig at isang sibil pa ang tinamaan. Itinuro ng nabaril na sibil ang mga bihay at sumigaw ng "Fuego!"
Sa kabila ng pagmamakaawa ng mga bihag, pinipi sila ng mga putok ng baril. Pagkatapos, nakipagbarilan
ang mga sibil sa mga kalaban na nagkakanlong sa mga bato sa itaas ng bundok. Ang kanilang mga
kalaban ay tinatayang may tatlong baril lamang kaya lumusob sila ngunit tinamaan ang unang nakaakyat
at gumulong pababa. Dahil dito, walang sinuman sa kanila ang nais sumulong kaya sumigaw ang isa ng
"Carolino, patunayan mo ngayon ang husay mo sa pagbaril!"
Isang lalaki ang biglang lumitaw sa ibabaw ng isang bato at iwinawasiwas nito ang dalang baril. Tatlong
sibil ang bumaril sa kaniya ngunit hindi nila ito tinamaan kaya nanatiling nakatayo ang lalaki sa itaas ng
bato at may isinisigaw ngunit hindi maintindihan.
Napahinto si Carolino. Inakala niyang kilala niya ang lalaki ngunit tinutukan siya ng baril ng isang sibil at
binantaan kung hindi niya babarilin ang lalaki. Binaril ni Carolino ang lalaki sa batuhan habang may
isinisigaw. Natulig si Carolino.
May natinig ang mga sibil na nagtakbuhan sa itaas ng bundok kaya lumusob sila ngunit isa pang lalaki
ang lumitaw sa itaas ng bato at iwinawasiwas naman ang kaniyang dalang sibat. Binaril siya ng mga sibil
at tinamaan. Dinatnan ng sibil ang matandang lalaking naghihingalo at nakahandusay sabayo. Sinaksak
ng sibil ng bayoneta ang matanda ngunit hindi man lamang nito ininda ang sakit at tunitig lamang kay
Carolino na noon ay kararating lamang. Pilit na itinuturo ng butuhang kamay ng matanda ang nasa likod
ng bato. Samantala, gulat at maputlang-maputla naman si Carolino dahil nakilala niya ang kaniyang
ingkong na si Tandang Selo. Si Carolino ay si Tano na anak ni Kabesang Tales na nagbalik na galing ng
Carolinas.
Talasalitaan:
umanib-sumapi
tinutungayaw-sinisigawan
alintaan-pansin
nagkakanlong-nagtatago
natulig-nabingi
Nagmamadaling umalis si Don Tiburcio dahil akala ay siya ang pinadadakip na Kastila. Ngunit ang
tinutukoy ay si Simoun na nasa puder ni Don Florentino.
Natagpuan niya si Simoun na sugatan at sinabi naman ng alahero na nakuha niya ang sugat sa isang
aksidente.
Naghihinala naman ang pari sa katotohanan. Nalaman niyang isang tulisan si Simoun nang mabasa ang
telegrama. Tanging si Don Tiburcio lamang ang nais ni Simoun na mag-alaga sa kaniya.
Tumigil sa pagtugtog ng kaniyang harmonya ang pari. Naisip kasi nito ang pakutyang pagngiti ni Simoun.
Nanumbalik ang lahat ng ginawa ni Simoun—ang pagpapalaya ni Simoun kay Isagani sa piitan at ang
paggawa nito ng paraan upang makasal sina Paulita at Juanito.
Agad na pinuntahan ng pari si Simoun sa silid nito. Nakita niyang tila nanghihina na ang alahero, tila may
malubhang sakit. Nalaman ng pari na nagpatiwakal ito at uminom ng lason. Dinasalan ng pari ang binata
hanggang nalagutan ng hininga.
Talasalitaan:
telegrama-ipinadalang mensahe
nagpatiwakal-nagpakamatay