Awiting Bayan

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

PROYEKTO

SA
MSEP
Ipinasa ni:

VENUS T. TIMOGAN

Ipinasa kay:

G. JOSUE L. CABONITA

MARSO 2016

AKO'Y KAMPUPOT
Lyrics by Maning P. Velez

Ako'y kampupot
Na bagong sikat
Ang halimuyak
Sadyang laganap
Kaligayahan sa bawa't oras
Man din ang nais
Tanging paglingap
Kaya't noong minsan
Ay napakinggan
Isang binatang
Nananambitan
Puso kong taglay
Lubhang pihikan
Ay narahuyo sa panawagan.
Refrain:
Nasaan yung pangarap
Ng paglalambingan
Tangan na ng aking hirang
Alay ay kaligayahan
Kay tamis nga naman
Mabuhay 'ta sa pagmamahal
Kung ang ligaya ay makakamtam
Sa habang buhay.

Alembong
J. Silos/Levi Celerio

Alembong, alembong
Ang ibig sabihin
Pumasok sa puso ang isang paggiliw
Alembong, alembong
Ay isang damdamin
Na kahit kanino ay dumarating
Pag-ibig ang tanging hanap ng lahat
Ligaya na 'wag na sanang magwakas
Alembong ay napapansin sa sulyap
Sa kilos man lamang nagtatapat
Alembong, alembong
Ang ibig sabihin
Halina, halina at ako ay ibigin
Alembong, alembong
Ika'y mahal sa akin
Kaya't mahal sa akin
Kaya't ang alembong
Ay naglalambing.

Ang dalagang Pilipina


by Jose Corazon de Jesus
Music by Jose G. Santos

Ang dalagang Pilipina, parang tala sa umaga


Kung tanawin ay nakaliligaya
May ningning na tangi at dakilang ganda
Maging sa ugali, maging kumilos
mayumi, mahinhin, mabini ang lahat ng
ayos
Malinis ang puso maging sa pag-irog
may tibay at tining ng loob
Bulaklak na tanging marilag, ang bango
ay humahalimuyak
Sa mundo'y dakilang panghiyas,
pang-aliw sa pusong may hirap.
Batis ng ligaya at galak, hantungan ng
madlang pangarap.
Iyan ang dalagang Pilipina, karapat-dapat
sa isang tunay na pagsinta.

Bakya Mo Neneng
Levi Celerio
Lyrics:

Bakya mo, Neneng, luma at kupas na


Ngunit may bakas pa ng luha mo, Sinta;
Sa alaala'y muling nagbalik pa
Ang dating kahapong tigib ng ligaya.
Ngunit, irog ko, bakit isang araw
Hindi mo ginamit ang bakya kong inalay?
Sa wari ko ba'y di mo kailangan
Pagkat kinupasan ng ganda at kulay.
Ang aking pag-asa'y saglit na pumanaw
Sa bakya mo, Neneng, na di pa nasilayan.
Kung inaakalang 'yan ang munting bagay,
Huwag itapon, aking hirang,
Ang aliw ko kailan man.

Ang Tapis Mo Inday


RUBEN TAGALOG

Ang tapis mo Inday


Ay kay ganda
At mapang-akit
Lunas at aliw
Sa hirap kong tinitiis
Bakit hindi mo na taglay ngayon
Ang saya't tapis mong marikit
Nalimot mo na ba
Ang dating ayos mo kung magbihis.
Tapis mong iyan,
pag nilimot Inday
Ang aking puso'y mamamanglaw
May damit kang iba,
ngunit bagong hiram
Dapat mong mahalin ang
damit na kinagisnan.
Tapis sa baywang mo mutyang sinta
Twina sa puso ko'y gumaganda
Sayang ang tapis mong nilimot na
Limot na rin ang baro at saya
Ang tapis na kundiman ay dapat ingatan
Dangal ng lahi at hiyas ng silangan
Bagay na bagay sa iyo tuwing ika'y nagpapasyal
Ligaya niyaring puso habang minamasdan
(repeat last stanza)
Tapis mo ay huwag kalimutan

Bayan Ko
Original Tagalog lyrics by Jose Corazon de Jesus
Melody by Constancio de Guzman.

Ang bayan kong Pilipinas


Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig ang sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag.
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa.
Ibon mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas!
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha ko't dalita
Aking adhika,
Makita kang sakdal laya!

HAHABUL-HABOL
ni C. Delfino/R. Vega

O ang babae pag minamahal


May kursunada'y aayaw-ayaw
Pag panay ang dalaw ay nayayamot
Wag mong dalawin, dadabog-dabog
Pag iyong iniwan, hahabul-habol
O ang lalaki pag minamahal
Kahit may pag-ibig aayaw-ayaw
Kapag iyong biniro ay nayayamot
Wag mong batiin, dadabog-dabog
Wag mong suyuin, ay nagmamaktol
Pag iyong iniwan, hahabol-habol
Mayroong babae akong nililigawan
Kapag aking pinapanhik sa bahay
Nagatatago at ayaw malapitan
Kung may pag-ibig
Ay di mo malaman
O, ang babae pag minamahal
Maloloka ka ng husto sa buhay
O ang lalaki pag minamahal
Kahit may pag-ibig aayaw-ayaw
Kapag iyon biniro ay nayayamot
Wag mong batiin, dadabog-dabog
Wag mong suyuin ay nagmamaktol
Pag iyong iniwan, hahabol-habol
Noong minsan ako ay niligawan
Isang lalakeng pogi at mayaman
Binasted ko sa isang kadahilanan
Lahat ng sinasabi ay kayabangan
O, ang lalaki pag minamahal
Maloloko ka ng husto sa buhay

DUNGAWIN MO, HIRANG


Santiago S. Suarez

Irog ko'y pakinggan


Awit na mapanglaw
Na nagbuhat sa
Isang pusong nagmamahal.
Huwag mong ipagkait,
Awa mo'y ilawit
Sa abang puso kong
Naghihirap sa pag-ibig
Chorus:
Dungawin mo, hirang
Ang nananambitan
Kahit sulyap mo man lamang
Iyong idampulay
Sapagkat ikaw lamang
Ang tanging dalanginan
Ng puso kong Dahil sa 'yo'y nabubuhay.

KATAKATAKA
by Santiago S. Suarez

Kataka-takang mahibang
ang katulad ko sa iyo
Biru-biro ang simula
ang wakas pala ay ano?
Aayaw-ayaw pa ako
ngunit 'yan ay di totoo
Dahil sa iyo puso kong ito'y binihag mo
(Repeat)
Alaala ka maging gabi't araw
Alipinin mo't walang kailangan
Marinig ko lang sa labi mo, hirang
Na ako'y iibigin lagi habang buhay.

GAANO KO IKAW KAMAHAL


Levi Celerio -- Lyricist
Ernani Cuenco -- Composer

Ikaw lamang ang aking iibigin magpakailanman


Ang pag-ibig ko sa iyo ay tunay
Nais ko sanang patunayan
Huwag ka nang mag-alinlangan
Ang pag-ibig ko'y hindi kukupas
Tulad din ng umagang may pag-asang sumisikat
Ang ating buhay maikli aking Hirang
Kung kaya kailangan ang pagsuyong wagas kailanman
Ang sumpa ko sa iyo ay asahan
Ikaw lamang ang aking iibigin magpakailanman
Ang pag-ibig ko'y hindi kukupas
Tulad din ng umagang may pag-asang sumisikat
Ang ating buhay maikli aking Hirang
Kung kaya kailangan
Ang pagsuyong wagas kailanman
Ang sumpa ko sa Iyo'y asahan
Ikaw lamang ang aking iibigin magpakailanman
Ang sumpa ko sa iyo'y asahan
Ikaw lamang ang aking iibigin magpakailanman.

MGA
AWITING
BAYAN

You might also like