Term Paper Final

Download as odt, pdf, or txt
Download as odt, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Unibersidad ng Ateneo de Davao

GAANO BA KAHIRAP ANG KURSONG ACCOUNTANCY?

Pamanahong-Papel sa Filipino 2

Berma B. Tagaamo
Karen Chary P. Bautista
TTH 1:00 – 2:30 F508

Isinumiti kay
Gng. Josefina Jao
Guro sa Filipino 2

Marso 15, 2010

Introduksyon

Ang larangan ng accounting ay kasing tanda na rin ng unang sibilisasyon. Ito


ay naging susi sa ilang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan at isa rin sa
pinakaimportanteng larangan sa ekonomics at pakikipagnegosyo(http://acct.tamu.edu).
Ang pormal na accounting ay naimbento ng Franciscan na si Luca Pacioli sa taong 1494
sa kanyang akda na “Suma de Arithmetica, geometria, Proportioni et Proportionalita” o
Everything About Arithmetic, Geometry, and Proportion sa wikang Ingles. Sa akda
niyang ito ay inilarawan niya ang double-entry bookkeeping na nadiskobre ng mga
mangangalakal na Florentino at kinilala ni Goethe bilang isa sa pinakamagandang
nadiskobre ng tao(Jeffrey,2001).
Malaki rin ang naging kontribusyon ng accounting sa pagunlad ng ekonomiya.
Kaya naman may kahirapan ang kursong ito dahil sa larangang ito nakasalalay ang
kaunlaran ng isang negosyo(Accounting History,2002). Ang layunin ng pamanahong-
papel na ito ay upang masukat kung gaano ba talaga kahirap ang kursong accounting.
Kung ano ang dahilan kung bakit maliit lang ang bilang ng mga estudyanteng nakakaraos
sa kursong ito. At higit sa lahat ay kung may mga paraan ba upang makapasa o tumaas
ang tiyansang makapasa sa kursong ito ang mga estudyanteng lubos na nahihirapan sa
assignaturang accounting.

Kahulugan ng mga Termino

Upang mas mapadali ang pagkakaintindi ng mga magbabasa, minabuti naming


bigyang kahulugan ang ilang mga terminong ginamit sa pamanahon-papel.

Ang accounting ay isang asignatura na may kaugnayan sa pagbabalase ng mga


bagay-bagay na nakaka-apekto sa isang negosyo.

Ang accountancy ay ang kurso na nauugnay sa asignaturang accounting.

Ang double-entry bookkeeping ay isang paraan o proseso na ginagamit ng mga


accountant sa pagbabalanse ng negosyo.

Ang CPA Board exam ay isang eksaminasyon na pinagdadaanan ng mga mag-


aaral ng kursong accounting bago sila maging isang ganap na accountant.

Katawan

Maraming mag-aaral ang namomroblema sa pagkuha ng mataas na grado sa


Accounting lalo na at kinakailangang makakuha sila ng gradong walumpo’t limang
bahagdan (85%) pataas sa kabuuan. Bilang isang mag-aaral, ang pangunahing layunin
natin sa pag-aaral ay ang makakuha ng kaalaman at magkaroon ng kasanayan sa napiling
kurso. Mahirap man ito o madali para sa iba, bast’t magsusumikap lang at huwag
mawalan ng pag-asa. May ilang mga estudyante ang nagbahagi at nagpayo kung ano ang
dapat gawin upang malagpasan ang kursong accounting.
Si Renda ay isa lamang sa mga mag-aaral na kumuha ng kursong accountancy.
Ayon sa kanya talagang mahirap ang accounting ngunit kung ito’y iyong pagsisikapan,
makakapasa ka daw sa accounting. Disiplina at tiwala lang sa sarila ang kailangan mo
upang makapasa. Aniya, kailangan ang maagang pagbabasa upang mas madaling
maintindihan ang paksa kung may sapat kanang kaalaman dito. Ayon sa kanyang kwento,
madali lang daw para sa kanya ang pag-aaral ng partnership and corporation at madali
rin daw siyang matuto ngunit pagdating sa mga pagsusulit at eksamenasyon, siya daw ay
nangungulilat dahil hindi daw niya naintindihan masyado ang mga tanong. Hindi daw
siya tumigil sa kakarepaso ng mga pagsusulit sa libro hanggang sa maunawaan na niya
ito ng mabuti(Renda).
Ayon naman kay Serena, sa totoo lang daw, adisyon, sabtraksyon,
multiplikasyon, at dibisyon lang ang ginagamit sa accounting. Dapat matiyaga ka lang
mag-aral at mag-isip dahil ganyan rin daw ang nangyari sa kanya dati. Kaya ngayon sa
tuwing siya ay nag-aaral ng mga leksyon, sumasama siya sa kanyang mga kaibigan o
kaklasi na mas mahusay sa accounting, upang magpaturo kung sakaling wala siyang
maintindihan(Serena Van der Woodsen).
May iba naman na nahihirapan sa accounting dahil ayaw niya sa kursong
accountancy. Ayon sa kanya, sadyang napakahirap daw ng accounting pero kailangan
niyang gawin dahil sa kagustuhan ng kanyang mga magulang. Ayaw niyang biguin ang
kanyang mga magulang kaya nagsusumikap siya(urban_chick13).
Ayon sa mga datos na aming nakalap, mahirap talaga ang kursong ito kung
wala kanga alam at kung hindi mo siniseryoso ang iyong pag-aaral. Halos lahat, ang sabi
ay, nagiging mahirap lang ito kung hindi ka matiyaga at porsigido sa pag-aaral mo. Ang
sabi naman ng iba ay, mahirap mag-aral kung wala kang kasama para ika’y magabayan.
May iba ring nagsasabi na depende daw sa propesor kung magaling o hindi ito magturo.
Mahirap ang accountancy dahil minsan kung ano yung napagaralan mo tapos
nakatitiyak ka na mataas na ang makukuha mo minsan di naman nagiging okay yung
result, kumbaga akala mo tama na, ngunit may kulang pa dahil hindi mo maalala ang mga
pormula. Basta masipag kang magbasa at magsolve ng problem at pinagtutuunan mo ng
oras madali na lang ang accounting. At kaakibat na rin nito kailangan rin na magtiwala sa
sarili at panginoon.
Sa aming pananaliksik ay natuklasan namin na maliit na porsyento lamang ng
mga kumukuha ng kursong accountancy ang nakakapasa sa CPA Board exam. Ipinapakita
ng sumusunod na graph ang mga bilang ng kumuha ng exam at ang mga nakapasa at pati
na rin ang mga bumagsak sa CPA Board exam mula 2007-2009.

Porsyento Ng Mga Kumuha At Nakapasa Sa CPA Board Examination


Mula 2007-2009

7000

6000

5000

4000
Bilang ng mga pumasa at
hindi pumasang sa exam
3000

bilang ng kumuha
ng exam 2000
bilang ng
nakapasa
bilang ng hindi 1000
nakapasa

0
2007 2008 2009
Taon
Sa taong 2007 may apat na libo anim na raan at limampu't apat(4654) na
kumuha ng exam at isang libo apat na raan at anim(1406) lang ang nakapasa sa mga ito.
Sa taong 2008 naman ay may anim na libo anim na raan at animnapu't tatlo(6663) ang
kumuha ng exam habang dalawang libo apat na raan at apatnapu't dalawa(2442) ang
nakapasa. At sa taong 2009 naman ay may apat na libo dalawang daan at animnapu't
dalawa ang kumuha ng exam at isang libo dalawang daan at tatlumpu't dalawa lang ang
nakapasa.
Upang maibsan ang paglagpak ng mga mag-aaral minarapat naming
maghanap ng mga reference na makakatulong sa suliraning ito. Sa kanyang akdang Ace
Your Accounting Classes: 12 Hints To Maximize Your Potential ay inirekomenda ni
Albrecht ang mga gabay na makakatulong sa mga mag-aaral na makakuha ng matataas na
marka. Ang mga sumusunod ay ang labing dalawang gabay sa kanyang akda:

➢ Alamin kung ano ang inaasahan ng guro


➢ Turuan mo ang iyong sarili
➢ Magsikap sa umpisa pa lang ng semester
➢ Laging pumasok sa klase
➢ Gumawa ng magagandang tala habang nakikinig sa guro
➢ Maging aktibo sa klase
➢ Basahin ang aklat-pampaaralan ng ilang beses
➢ Dapat maunawaan ng mag-aaral ang mga patakaran ng accounting at gumawa
ng mga kasanayan sa paggamit ng mga ito
➢ Laging gawin ang mga takdang-aralin
➢ Mag-aral kasama ang mgga kaibigan upang ikay magabayan
➢ Maging masipag sa pag-aaral lalo na sa tuwing may pagsusulit
➢ Alaga ang sarili at mamuhay ng malusog

Kung alam mo at naiintindihan mo ang proseso at gagamitin mo ang mga ito


ay malaki ang pag-asa na makakakuha ka ng magagandang marka sa accounting. Higit pa
riyan ang mga gabay na ito ay maaari mo ring magamit sa iba pang mga asinatura
(Albrecht, 2008).

Kongklusyon
Ang kursong accountancy ay masasabing isang mahirap na kurso batay sa
mga sinasabi ng mga nakakarami. Ngunit may iba ring nagsasabing madali lamang ito.
Ang accountancy ay isang kursong hindi naiiba sa ibang larangan ng edukasyon. May
mga parte nito na mahirap at meron ring madali. Batay sa mga nakalap na datos ay
humantong ang mga mananaliksik sa ilang kongklusyon. Isa na rito ay katulad ng ibang
asignatura ay magiging mahirap para sa mga mag-aaral ang pumasa sa kursong ito kung
hindi niya pag-aaralang mabuti ang kaniyang mga aralin. Ang pangalawa ay nasasabi
nating mahirap ang kursong accountancy dahil ang mga asignatura nito ay
nangangailangan ng malawak na kaisipan at masusing analysis. At panghuli ay maraming
bumabagsak sa kursong ito dahil sa simula pa lang nang nawalan na sila ng pag-asang
ipagpatuloy ang pag-aaral ukol dito dahil nadama nilang ito'y isang mahirap na
asignatura. Samakatuwid, kailangan nating intindihing mabuti ang mga pamamaraan ng
kurso, paghusayan pa ang pagsisikap at pag-ukulan ng tamang pansin ang mga
asignaturang napapaloob sa kurso para pumasa. Ika nga sa isang kasabihan, “ano mang
magagawa ng iba ay makakaya rin nating gawin”.

Rekomendasyon

Magagawa nating makapasa sa kursong accountacy kung pagtutuunan talaga


natin ito ng pansin. Kaya naman kaugnay sa mga kongklusyong nabangit ay buong galang
na nererekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:

➢ Para sa mga mag-aaral na huwang mawalan kaagad ng pag-asa sa kursong inyong


napili kung kayo man ay makakuha ng maliit na marka, sa halip ay isipin ito na
isang hamon na dapat mong malampasan.

➢ Para sa mga magulang na intindihin ang mga paghihirap na dinaranas ng mga


mag-aaral, sa halip ay maging isa sa mga taong sumusuporta sa kanila.

➢ Para sa mga propesor na dapat maging bukas sila sa mga magiging katanongan ng
mga mag-aaral.

Listahan ng mga Sanggunian

Albrecht, W.2008. Ace Your Accounting Classes: 12 Hints To


Maximize Your Potential. American Journal Of Business Education, 1-8.

http://www.prcboardexamresults.com/search/certifide+public
+accountant+passers/

http://acct.tamu.edu/giroux/history.html

[email protected]
www.blogcebuworld.com

www.mukamu.com

www.yahooanswers.com

You might also like