Bakit Nagbabasa Ang Tao
Bakit Nagbabasa Ang Tao
Bakit Nagbabasa Ang Tao
”
Ayon sa isang Ingles na manunulat na si Francis Bacon, ang pagbabasa ay
nakapagbubuo ng isang indibidwal. Ibig sabihin nito ay sa pamamagitan ng pagbabasa
matatamo ng isang indibidwal ang iba’t ibang kaalaman at abilidad na maaari niyang magamit
sa kanyang buhay. Subalit, ano nga ba ang pagbasa? Ang pagbasa ay isang sining ng
paghihinuha ng mga impormasyon. Ang gawaing ito ay maaari ring sabihing maagham dahil ito
ay kinapapalooban ng proseso tungo sa lubos na pag-unawa sa binabasa. [1] Maaari ding masabi
na ang pagbasa ay pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng damdamin at kaisipan sa mga
titik at simbulong nakalimbag sa pahina. Ito ay isa sa apat na kasanayang pangwika. [2] Ilan
lamang ito sa madaming kahulugan ng pagbasa. Subalit, tila may mga tanong pa din sa aking
isipan. Bakit nga ba nagbabasa ang isang indibidwal?