Modyul 11-Pagsulat NG Editoryal
Modyul 11-Pagsulat NG Editoryal
Modyul 11-Pagsulat NG Editoryal
2. Ang editoryal ay isang artikulong nagbibigay-kahulugan sa __________. A. balita. B. paksa. C. panahon. D. pangyayari. 3. Ang nangingibabaw na katangian ng isang editoryal ay ang napapanahong pagtalakay sa __________________. A. mahahalagang balita. B. suliranin ng bansa. C. seguridad ng editor. D. pagkakaisa ng buong staff. 4. Ang editoryal ay kailangang magtaglay ng isa lamang ________. A. kakintalan B. paninindigan. C. ideya. D. tono. 5. Nagsisimula muna ang editoryal sa mga detalyeng _____________. A. kilala patungo sa di-kilala. B. di-kilala patungo sa kilala. C. kongklusyon patungo sa panimula. D. mabisa patungo sa kaakit-akit. 6 . Iniiwasan sa editoryal ang ___________________. A. magbigay-puri. B. manuligsa. C. magpaunawa. D. magbanta. 7. Ang editoryal na naglalaman ng katotohanan ng pangyayari ay ______ A. nagpapabatid. B. nagpapakahulugan. C. nagpaparangal. D. nagbibigay ng reporma. 8. Pinaparangalan o pinupuri sa editoryal ang mga taong ___________. A. kapapanganak lamang. B. may malaking kontribusyon sa larangang kanyang napili. C. sumasang-ayon sa balita. D. sumusulat ng editoryal bilang libangan. 9. Sa editoryal, ang wakas ang ______________. A. nagpapakilala ng paksa. B. nakalilibang. C. naglalahad ng tahasang sabi. D. nagbibigay ng tagubilin o mungkahi. 10. Sa pagsulat ng editoryal, ang pagtawag-pansin, pagtatanong at pagsasalaysay ay ilan lamang sa magagamit na _______________. A. pamagat B. panimula C. katawan D. wakas
II.
Basahin ang editoryal. Kilalanin ang uri nito. Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot. Bakit Hindi Kumpiskahin? Binalaan ni Sen. Juan Ponce Enrile si Sec. Mike Defensor ng Department of Environment and Natural Resources. Pinag-iingat ng senador ang kalihim sa pagkumpiska sa mga trosong inanod mula sa kabundukan ng Aurora. Binigyan din ng babala ang kalihim sa pagpapasara sa mga logging firm kundi ay mahaharap diumano ito sa patung-patong na kaso mula sa mga may-ari ng kumpanya. Sabihin na nating lehitimo ang mga kumpanyang may-ari ng mga trosong inanod sa kasagsagan ng bagyo. Subalit bakit pinabayaan ang mga ito at hindi dinala kaagad sa mas ligtas na lugar pagkatapos putulin kaya nagdulot tuloy ng panganib sa buhay ng mga residente? Ngayon ay nakahambalang lamang ang mga troso. Hahayaan na lamang ba na mabulok ang mga ito gayong wala pang logging firm ang umaangkin at kumukuha sa mga pinutol nitong puno kung sa kanila nga ang mga ito? -Halaw sa Abante Tonite, Disyembre 12, 2004, p. 4 1. Ang editoryal sa itaas ay ________________. A. nagpapabatid. B. nagbibigay-puri. C. nagpapahalaga sa tanging araw. D. Lumilibang Spy Fund ni GMA? Bakit nga ba merong intelligence fund ang Office of the President (OP)? Saan ba gagamitin ng President ang pondong pang-espiya o paniktik? Sino naman ang titiktikan nito? Ang mga law enforcement agencies lang naman talaga dapat ang meron nito. Ang kaso, mukhang mas malaki pa ang spy fund ng OP kesa pulisya at militar. Ito ang talagang hindi na tama. Utang na loob naman, kung meron higit na dapat paglagyan ng pondo ay itong agrikultura at health. Idagdag pa ang public works ngayong labis na sinalanta ng bagyo ang Aurora, Quezon, Nueva Ecija, Bulacan, at Camarines Sur. Ang dami-daming nangangailangan at makikinabang ng P650 milyong pondong ito. Burahin ang spy fund ng OP at ilagay sa mas importanteng gastusin at programa ng gobyerno. -Halaw sa Abante Tonite, Disyembre 9, 2004, p. 4.
2. Ang editoryal sa itaas ay isang halimbawa ng editoryal na ___________. A. nagpapabatid. B. nagpapakahulugan. C. namumuna. D. lumilibang. III. Basahin ang editoryal. titik ng tamang sagot. Kilalanin ang mga bahagi nito. Isulat sa sagutang papel ang
Makibahagi Tayo sa Solusyon 1 Higit kailanman, ngayon kinakailangan ng bansa ang pagkakaisa upang malagpasan natin ang krisis sa pananalapi na bumabalot sa atin. 2 Kailangan ang solusyon para tayo makaahon. Kailangan ng mga kongkretong hakbang kung gusto nating makaalpas sa krisis na ito. At ang mga solusyon at hakbang ay mangangailangan ng partisipasyon ng lahat. Hindi lang sa gobyerno, Hindi lang ng mga negosyante. Hindi lang malalaking kumpanya. 3 Konting bawas lang sa konsumo ng kuryente at gas. Kaunting pagtitipid lang sa pang-araw-araw na gastos. Pansamantalang suspensyon lang ng mga luho sa katawan. Ang bawat kaliit-liitang higpit ng sinturon na ating gagawin ay isang malaking kontribusyon sa kalutasan ng problema. At sa totoo lang, tulong na rin natin ito sa ating sarili. 4 Iyan lamang naman ang kailangan nating solusyon, iyong pwedeng gawin. At lahat ng paraan ay gagawin natin nang sama-sama. - Halaw sa Abante Tonite, Agosto 25, 2004 p. 4 1. Ang panimula ng editoryal ay nasa bilang _____. A. 1. B. 2. C. 3. D. 4. 2. Ang katawan ng editoryal ay nasa bilang _____. A. 1 at 2. B. 1 at 3. C. 2 at 3. D. 3 at 4. 3. Ang wakas ng editoryal ay nasa bilang ____. A. 1. B. 2. C. 3. D. 4.
IV.
Basahin ang pangungusap sa bawat bilang. Piliin sa kahon ang salitang angkop isulat sa patlang sa paglalahad ng sariling opinyon. Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.
V. sapagkat Samakatuwid Ayon sa 1. ___________ sa sinasabi ng marami ang mga OFW ang mga bagong bayani ng bansa. 2. Dumarami ang mga adik at kriminal ___________ nagpapabaya ang kinauukulan. 3. ______________ ay hindi dapat pagsabayin ang pag-aaral at pag-aasawa. VI. Isulat sa sagutang papel ang bilang ng mga katangiang dapat taglayin ng isang editoryal. _____ 1. _____ 2. _____ 3. _____ 4. _____ 5. malinaw isang ideya lamang maligoy makatotohanan nakalilibang
Wasto kaya lahat ang mga sagot mo? Malalaman mo ang mga tamang sagot sa SUSI SA PAGWAWASTO na kukunin mo sa iyong guro. Palagay mo ba ay kailangan mo pa ang modyul na ito? Sige, simulan mo na ang pag-aaral.
Alamin Basahin ang mga pangungusap sa bawat bilang. Lagyan ng tsek ( ) ang patlang na nagpapahayag ng opinyon o kuru-kuro. Isulat ang sagot sa sagutang papel. _____ 1. Walang dapat gawin ngayon ang mga government prosecutors kundi ituluy-tuloy ang pag-iimbestiga buhat sa impormasyong ibinigay sa America. _____ 2. Ayon sa impormante, hindi raw sakahan ang 35 hektarya ng mag-asawa kundi coconut plantation sa Atimonan, Quezon. _____ 3. Ang Filipino Gifted Child ay isang mahalagang yaman na dapat pagingatan at pagyamanin. _____ 4. Umaasa ang mga lider sa Kamara na ang dalawang oras ng pagkikita nina Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at US President George W. Bush ay magdudulot ng mas maraming benepisyo para sa Pilipinas. ____ 5. Hinimok ni Senador Richard Gordon ang mga nasa oposisyon na makipag-kapit-bisig sa administrasyon sa pagresolba ng maraming problemang kinakaharap ng bansa Ito ang mga tamang sagot: 1, 3, at 4. Tama ba lahat ang mga sagot mo? Magaling! Ang bilang 2 at 5 ay hindi nagpapahayag ng opinyon o kuru-kuro dahil ang mga itoy balita. Tama, balita. Ganito ang mga nababasa mo sa dyaryo, di ba? Kung ang mga bilang 1, 3 at 4 ay nagpapahayag ng opinyon o kuru-kuro, ano naman ang tawag dito? Tama, bahagi ang mga ito ng editoryal. Ibig mo pang magkaroon ng maraming impormasyon tungkol sa editoryal? ang pagbabasa. Ipagpatuloy mo
Linangin Kapag nakabasa ka ng balita sa dyaryo, may reaksyon ka ba? Ipinahahayag mo ba ang sarili mong opiniyon o kuru-kuro tungkol dito? Kung Oo ang sagot mo, may kakayahan kang pagugnayin ang balita at ang sarili mong kuru-kuro o opinyon. Alam mo bang nasa unang hakbang ka na ng pagsulat ng editoryal? Hindi ka makapaniwala, ano? Ngunit bago ka lubusang makapagsulat ng editoryal, mabuting magkaroon ka muna ng mga impormasyon tungkol dito. Handa ka na?
Ano ang editoryal? Ayon kay Miller, ang editoryal ay isang lathalain sa pahayagan o magasin na nagsasaad ng puna ng editor. Isinusulat ng editor ang editoryal batay sa umiiral na mahahalagang balita upang magturo o magbigay ng impormasyon, magbigay-puri, manuligsa o magpaunawa. Napansin mo ba ang pariralang nakalimbag nang pahilig? Mahalaga ito dahil sa balita nagmumula ang paksang isinusulat sa editoryal. Samakatuwid, ang balitay dapat na maging bago at napapanahon. Bagamat matagal nang namayapa at nailibing ang dating senador Benigno Ninoy Aquino, itoy hindi na dapat pang maibalita, ngunit kung may bagong balita tungkol sa kanyang pagkamatay, gaya nang bagong testigong lumantad na di umanoy nakakita sa tunay na pangyayari, itoy maihahanay bilang isa sa tinatawag na umiiral na mahahalagang balita. At ito ay maaaring maging paksa ng editoryal. Maging ang masalimuot na balita ay hindi pinalalampas ng editor. Itoy patuloy na binibigyan niya ng puna o kuru-kuro gaya ng katiwalian sa gobyerno, dayaaan sa eleksyon, paglaganap ng epidemya, bagong batas na isinusulong, atb. Malinaw na ba sa iyo ang kahulugan ng editoryal? Kung OO ang sagot mo, pag-usapan naman natin ang mga katangian ng editoryal. Handa ka na ba? Sige, ipagpatuloy mo ang pagbasa. Anu-ano ang mga katangian ng editoryal? Ang sumusunod ang mga katangian ng editoryal: 1. Ang editoryal ay kailangang magtaglay ng isa lamang ideya. Ang editoryal ay hinango sa isang napapanahong balita. Samakatwid, isang balita lamang ang dapat pagtuunan ng pansin ng editor. Walang editor na sumulat ng editoryal na hango sa pinaghalu-halong balita. Nakafokus lamang siya sa isang balita upang isang ideya lamang tatakbo ang kanyang isinusulat. Halimbawa: Balita: Luha at kalungkutan ang nangibabaw sa unang araw ng burol ng hari ng pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr., partikular nang ilipat ito mula sa Arlington Chapel sa Pasig City patungong Sto Domingo Church kaninang hatinggabi. Dakong alas-11:35 kagabi nang ibiyahe ang labi ni FPJ na ineskortan ng kapulisan. Halaw sa Abante Tonite, Disyembre 15, 2004, p. 4. Editoryal: FPJ 1939 2004
Katulad ng kanyang buhay na naging alamat mula nang makilala at tingalain sa pinilakang tabing, naging mahiwaga rin para sa mga taong tumitingala sa kanya ang biglaan niyang paglisan sa mundong ito.
Ang maganda sa naging buhay ni Da King sa loob at labas ng industriyang kanyang ginagalawan ay nag-iwan siya ng magagandang alaala. Ito ang mga kabutihang humaplos sa buhay ng mga taong kanyang pinag-ukulan ng pagmamahal at pag-aaruga na walang inaasahang kapalit. Kaya naman ngayong wala na ang kanilang idolo, ipinakita rin ng mga taong nadulutan niya ng kabutihan ang kanilang pagmamahal sa kanya. Subalit hindi lang ang mga taong malalapit sa kanya at natulungan ang kundi ang masang Pilipino na sa loob ng maraming panahon ay nasubaybayan ang kanyang buhay sa loob at labas ng pinilakang tabing. Inspirasyon at pag-asa. Malinis ang kalooban. Ilan lamang ito sa kanyang katangian na hindi matatagpuan sa lahat ng mga kasalukuyang lider ng bansa. - Halaw sa Abante Tonite, Disyembre 15, 2004, p. 4.
Tungkol kanino ang balita? Tungkol kanino naman ang editoryal? Kung tungkol kay FPJ ang sagot mo sa dalawang tanong, madali mong napag-ugnay ang ideyang tinatalakay sa balita at sa editoryal dahil isang tao lamang ang tinutukoy. Sige, magpatuloy ka pa sa pagbabasa. 2. Sa editoryal, ang bawat katwiran ay kailangang may patunay. Higit na kapani-paniwala ang editoryal kung may kalakip na ebidensya bilang patunay sa binibigyang-katwiran. Maaari ring samahan na lamang ng siniping kuru-kuro.ng mga awtoridad. Halimbawa: Di Ubra ang Payo ng DTI Ilang beses na ngayong taon nagkaroon ng mga sakunang dulot ng sunog na sanhi ng depektibong Christmas lights na maganda lamang ang panlabas na itsura ngunit hindi pala garantisado ang kaligtasan. Dahil sa mababang kalidad ay nalalagay sa panganib ang mga taong walang kamalay-malay na peligro pala ang kanilang nabiling pailaw. Ang payo ng Department of Trade and Industry (DTI) sa publiko ay suriing mabuti bago bumili ng lights. Hanapin daw ang mga markang PS para sa Philippine Standards at ICC o Import Commodity Clearance. Isang katunayan daw kapag may ganitong marka na dumaan sa pagsusuri ng Bureau of Product Standards at ligtas gamitin ang produkto.
Ang problema at naglipana na ngayon ang mga Christmas lights kagaya ng iba pang ipinapalamuti sa tahanan tuwing Kapaskuhan. Kahit sa mga bangketa ay makakabili nito sa murang halaga lamang. Dahil sa dami ng mga nagtitinda nito ay hindi na malaman kung alin ang pasado sa quality control ng pabrikang gumawa. Mahirap na ring malaman kung pasado nga ba sa pamantayan ng DTI ang mga ibenebentang produkto. Trabaho ng DTI na bantayan ang kapakanan ng mga consumer sa pamamagitan ng pagbantay laban sa mga peligrosong produkto. -Halaw sa Abante Tonite, Disyembre 19, 2004, p. 4. Matapos mong mabasa ang editoryal ay sagutin mo ang mga sumusunod na tanong: 1. Ano ang sanhi ng sakunang dulot ng sunog? 2. Ano ang ipinayo ng Department of Trade and Industry (DTI)? 3. Paano maiiwasan ang pagbili ng depektibong Christmas lights? Ito ang tamang sagot: 1. depektibong Christmas lights 2. Suriing mabuti bago bumili ng lights. 3. Hanapin ang mga markang PS para sa Philippine Standards at ICC o Import Commodity Clearance Anu-ano ang mga uri ng editoryal? 1. Editoryal na nagpapabatid. Ipinababatid ng editoryal na ito ang katotohanan ng isang pangyayari o ng isang bagay. Halimbawa:
Napapanahong Modernisasyon Napansin din sa wakes ng Kongreso ang malaking kakulangan sa kagamitan ng mga bumbero. Isa raw sa magiging prayoridad ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ang modernisasyon ng Bureau of Fire Protection sa kanilang pagbabaliksesyon sa susunod na taon. Kabilang ang mga bumbero na nasa frontline kapag may sunog. Sila ang unang-unang inaasahan na reresponde sa mga ganitong insidente. Maliban sa sunog ay mayroon pang ibang pakinabang sa kanila kapag may emergency.
10
Subalit dahil na rin sa kakulangan ng sapat na mga kagamitan ay hindi matupad nang husto ng mga bumbero ang kanilang mga tungkulin. Kadalsan pa na sila ang sinisisi kapag hindi agad naagapan ang isang sunog. Kung hindi man ay mayroong pang mga nasusugatan o kayay nasasawi sa kanila habang tumutupad sa tungkulin. Kaya nga malaking bagay itong napansin na rin ngayon ang kalagayan ng Bureau of Fire Protection. Sana lang ay totohanin ng mga mambabatas na isulong ang modernisasyon sa hanay na ito ng mga manggagawa ng gobyerno. - Halaw sa Abante Tonite, Disyembre 20, 2004, p. 4.
Anu-anong mga impormasyon ang ipinabatid sa iyo ng nabasa mong editoryal? Piliin ang bilang ng tamang sagot at basahin. 1. Kulang ang gamit ng mga bumbero. 2. Ang modernisasyon ng Bureau of Forestry ang magiging prayoridad ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan. 3. Ang mga pulis ang unang-unang inaasahan na respondente sa sunog. 4. Hindi natutupad ng mga bumbero ang kanilang mga tungkulin. 5. May mga nasusugatan o kayay nasasawing mga bumbero kapag may sunog. Ito ang tamang sagot. 1, 4 at 5. 2. Editoryal na nagpapakahulugan. Ang paksa at nilalaman ng editoryal na ito ay ang kahahantungang kahulugan ng isang balita, pangyayari o kalagayan. Halimbawa: Cellphone, Sagabal sa Pag-aaral Nokia. Bosch. Ericson. Siemen. Ilan lamang sa mga klase ng cellphone na in ngayon at pinagkakagastusan ng maraming Pilipino. Talagang popular na popular na ito sa ating bansa dahil ultimo nga mga kabataan o estudyante ay may sarili nang gamit na cellphone na ikinabahala naman ng mga namumuno at guro ng paaralan. Simula noong taong 2001 ay ipinagbabawal na ang paggamit ng cellphone sa loob ng silid-aralan. Talagang hindi kayang pagbawalan ang mga estudyante na magdala ng cellphone sa paaralan dahil karapatan nila iyon, subalit ang paggamit ng cellphone at pagpapadala ng mga text messages sa loob ng silid-aralan ay bawal.
11
Ayon kay National Telecommunication Commission (NTC) Chief Joseph Santiago, nangunguna na ang Pilipinas sa pinakamaraming nagpapadala ng text messages bawat araw. Umaabot na nga ito sa 8 milyon kumpara sa Europe na 1 milyon lamang bawat araw. Marahil magiging makabuluhan lamang ang cellphone at text messaging kung gagamitin natin ito sa tama at mabuting paraan. Halaw sa Ang Mulawin, Nobyembre 2000, p. 2. Anong mahahalagang impormasyon ang natutuhan mo sa editoryal? Piliin ang mga bilang ng tamang sagot. 1. Popular na popular sa bansa ang cellphone. 2. Ipinagbabawal na ang paggamit ng cellphone sa loob ng silid-aralan simula pa noong 2001. 3. Nangunguna na ang Europa sa pinakamaraming nagpapadala ng text messages bawat araw. 4. Hindi kayang pagbawalan ang mga estudyante na magdala ng cellphone. 5. Magiging makabuluhan lamang ang cellphone kung gagamitin sa tama at mabuting paraan. Ito ang tamang sagot: 1, 2, 4 at 5. 3. Editoryal na nagpaparangal o nagbibigay-puri. Layunin ng editoryal na ito na pahalagahan ang sinumang may malaking nagawa sa pagpapaunlad ng edukasyon, agrikultura, ekonomiya, sining, wika, agham at teknolohiya. Layunin din nitong papurihan ang proyekto, programa o gawaing makatutulong sa pagpapaunlad ng paaralan, komunidad, lungsod, bayan o rehiyon. Halimbawa: MMFF 2002 Bahagi na ng Paskong Pilipino ang pagtatanghal ng Metro Manila Film Festival, kung saan pitong purong pelikulang Filipino ang ipinapalabas sa mga sinehan sa Kamaynilaan na mapagpipilian ng mga manonood sa Kapaskuhan. Mapalad ang nakasama sa sa MMFF ngayon. Mula sa pitong pelikula na entry sa MMFF, na mapapanood sa Disyembre 25 hanggang Enero 1, 2003, iraranggo ang mga ito at ang papasok sa ikaanim at ikapitong puwesto ng mga pelikulang kumita, ay huhugutin at papalitan.
12
Kaugnay nito, dapat na maging batayan marahil ng selection committee ng MMFF sa pagpili ng pelikulang ilalahok ay ang pelikulang tunay na sasalamin ng ating pagka-Pilipino. Sasalamin sa ating galing sa larangan ng pelikula bilang mga Pilipino. - Halaw sa Kabayan, Disyembre 17, 2002, p. 5. Matapos mong mabasa ang editoryal, sagutin mo ang mga sumusunod na tanong: 1. Ano ang pinupuri o pinaparangalan sa editoryal? 2. Ano ang mahalagang kaisipan ang nakapaloob sa unang talata? Ito ang tamang sagot: 1. Metro Manila Film Festival 2. Ang MMFF ay bahagi ng paskong Pilipino. 4. Editoryal na Pumupuna o Bumabatikos o Nagbibigay ng Reporma. Ang editoryal na ito ay tumutuligsa sa mga kamalia ng karaniwang mamamayan, maykapangyarihan, samahan, lipunan o ng bansa at nagmumungkahi ng mga reporma alang-alang sa kapakanan ng nakararaming mamamayan. Halimbawa: Sindikato sa Squatting Marami sa ating mga kababayan ang walang permanenteng tahanan sa sarili nitong bayan. Marami rin sa kanila ang hindi makabili ng sariling lupa na mapagtatayuan ng bahay. Kaya nga umusbong ang mga squatter sa mga lupang may nagmamay-ari nito. Sinasamantala naman ito ng ilan sa ating mga kababayan na gustong kumita sa mabilis ngunit maruming paraan. Wala silang puhunan kundi matamis na pananalita, mga pekeng dokumento at bakanteng lupain para makakumbinsi ng mga naghahangad magkaroon ng sariling lupat bahay. At kasama pa ang pangakong proteksyon, marami sa kababayan natin ang naloloko ng mga taong ito. Walang ibang kawawa rito kundi ang mga taong niloko ng sindikato. Nagoyo na sila, natangayan pa ng pera na malabo nang mabawi pa. Pero hindi rin masisisi lahat sa sindikato. Wala kasing maloloko kung walang magpapaloko. Kasalanan na rin minsan ng mga tao kung bakit sila naloloko. Samantala, dapat talagang pag-ibayuhin pa ng pamahalaan Halaw sa Abante Tonite, Agosto 16, 2004, p. 4.
13
Sagutin mo ang mga sumusunod na tanong: 1. Ano ang pinupuna ng editoryal? 2. Anu-anong mga di-magagandang pangyayari ang magpapatunay na pinupuna o binabatikos ng editoryal ang sindikato sa squatting? Ganito ba ang sagot mo sa mga tanong? 1. sindikato sa sqatting 2. Sinasamantala ng ilan sa ating mga kababayan ang squatting para pagkakitaan ang ating mga kababayan sa mabilis ngunit sa maruming paraan. Wala silang puhunan kundi matamis na pananalita, mga pekeng dokumento at bakanteng lupain para makakumbinsi ng mga naghahangad na magkaroon ng sariling lupat bahay. Kung tama ang mga sagot mo, magaling! Matapos mong mapag-aralan ang kahulugan, mga katangian at mga uri ng editoryal, bahagi ng editoryal naman ang pag-aaralan mo. Handa ka na ba? mga
Anu-ano ang mga bahagi ng editoryal? Ang editoryal ay may tatlong bahagi: 1. Panimula. Ang bahaging ito ang nagpapakilala ng paksa. Gaya nang nasabi na sa unang bahagi ng modyul na ito, ang paksang susulatin sa editoryal ay batay sa mahalagang balita. Halimbawa: Higit kailanman, ngayon kinakailangan ng bansa ang pagkakaisa upang malampasan natin ang krisis sa pananalapi na bumabalot sa atin. 2. Katawan. Itoy binubuo ng dalawa o higit pang talata na nagpapaliwanag, naglalarawan o nangangatuwiran sa tulong ng mga katibayan upang makapaglahad ng sariling kuru-kuro. Halimbawa: Ang gobyerno ay isang maliit na sektor lang ng lipunan bagamat ito ang pinamamahala natin sa pondo, sa batas, sa basic services at sa pangkalahatang kalakaran. Gayundin ang mga negosyante at kumpanya. Pero ang pinakamalaking sektor ng lipunan ay tayong masa.
14
3. Wakas. Sa bahaging ito ay mababasa ang huling mungkahi o tagubilin. Halimbawa: Iyan lang naman ang kailangan nating solusyon, iyong pwedeng gawin. At lahat ng paraan ay gagawin natin nang sama-sama. Malinaw na ba sa iyo ang mga bahagi ng editoryal? Kung OO ang sagot mo, maaari mo nang ipagpatuloy ang iyong pag-aaral.
Gamitin Basahin ang isang bahagi ng editoryal. Isulat sa sagutang papel ang uri nito. 1. Kahanga-hanga ang ipinakitang galing sa pagguhit ng mga batang Angono. 2. Bilang kristiyano, ito ang tamang panahon upang kilalanin at tanungin natin ang ating sarili kung ano ang dahilan o dapat gawin para sa pinakaaabangang selebrasyon. 3. Ito ang dapat na unahin at hindi ang walang kabuluhang pag-aagawan ng kapangyarihan at pakikialam ng pulitika sa larangan ng isports. 4. Natalo tayo hindi dahil sa mahihina ang ating mga atleta, kundi ang kawalan ng sapat na pondo para makapag-ensayo nang tama at magkaroon ng sapat na pasilidad at kagamitang pang-isports na may mataas na kalidad. Subalit hindi ito ang makikita nating pagpapahalaga ng mga kinauukulan. 5. Halos 45 milyong taon nang naririto ang isang uri ng substansya at dagta ng halamang natuklasang kayang pumatay ng bacteria at virus. Ang propolis ay dagta mula sa dahon at balat ng kahoy. Ito ang mga tamang sagot: 1. 2. 3. 4. 5. nagpaparangal o nagbibigay-puri nagpapabatid pumupuna o bumabatikos pumupuna o bumabatikos nagpapakahulugan
Tama ba ang mga sagot mo? Kung gayon, madali mo nang matukoy ang ibat ibang uri ng editoryal. Ipagpatuloy mo ang pagbabasa.
15
Lagumin Natatandaan mo pa ba ang mga kaalamang natutuhan mo sa sub-araling ito? Lagumin natin. Sa araling ito ay natutuhan mong ang editoryal ay isang lathalain sa pahayagan na nagsasaad ng puna ng editor at kauri nito. Itoy isang artikulong nagbibigay-pakahulugan sa mga balita. Kabilang sa mga katangian ng isang editoryal ay ang mga sumusunod: (1) Kailangang magtaglay ng isa lamang ideya, (2) Kailangang maging malinaw, (3) Kailangang maging makatwiran, at (4) Kailangang may patunay. Ang editoryal ay may ibat ibang uri: (1) Editoryal na nagpapabatid, (2) Editoryal na nagpapakahulugan, (3) Editoryal na pumupuna o bumabatikos o nagbibigay ng reporma, at (4) Editoryal na nagpaparangal o nagbibigay-puri.
Subukin Basahin ang isang bahagi ng editoryal sa bawat bilang at isulat sa hanay A sa sagutang papel kung itoy: A. - nagpapabatid B. - nagpapakahulugan C. - pumupuna o bumabatikos o nagbibigay ng reporma D. - nagpaparangal o nagbibigay-puri Letra lang ang isulat sa sagutang papel. Kilalanin din ang bahagi ng binasang editoryal. Isulat sa hanay B sa sagutang papel ang P kung itoy panimula, K kung itoy katawan at W kung itoy wakas. A B 1. Bukas gugunitain at ipagdiriwang ng sambayanan ang araw na isinilang ang sanggol sa sabsaban. - Halaw sa Abante Tonite, Disyembre 24, 2004 p. 4. 2. Wala na sigurong lulungkot pa ang Pasko sa maraming kababayan natin sa Aurora at Quezon. Ang dalawang lalawigang ito ang pinakamatinding sinalanta magkakasunod na bagyong dumating sa bansa. - Halaw sa Abante Tonite, Disyembre 23, 2004, p. 4. 3. Ang tanong ngayon ay bakit isa lang ang jailguard na nagbabantay sa mga preso ng PDEA? Hindi ba dapat ay maximum security ang ipinapatupad dito lalo pat pawing sangkot sa mabigat na kasong may kinalaman sa droga ang
16
mga nakakulong sa kanilang detention cell? - Halaw sa Abante Tonite, Disyembre 21, 2004, p 4. 4. Libu-libo silang kumilos para makaraos ang halalan kahapon. Malaki ang dapat na ipagpasalamat sa kanila ng pamahalaan. Dahil maliban sa mga guro ay wala na tayong nakikitang iba pa na makakagawa ng ginagampanan nilang tungkulin tuwing panahon ng halalan. - Halaw sa Abante Tonite, Disyembre 12, 2004, p. 4. 5. Idineklara pang generally peaceful ang katatapos lang na eleksyon. Peaceful nga dahil tahimik na ang ilang namatay. Isolated case daw gayong may namamatay at nabibiktima ng Mga bayolenteng politiko tuwing eleksyon. - Halaw sa Abante Tonite, Mayo 14, 2004, p. 4. Ito ang mga tamang sagot. Maging matapat ka sana sa pagwawasto: A B 1. 2. 3. 4. 5. B A C D D P P K K W Kung OO ang sagot mo, maaari ka nang magpatuloy sa
Alamin Basahin ang isang bahagi ng editoryal sa bawat bilang. Piliin sa loob ng kahon ang angkop na salitang bubuo sa pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Upang Samakatuwid Ayon kay ng Kaugnay nito at
17
Ayon sa 1. Mas makapal ang dumi____ nasasagap sa mga commuters na nagbibiyahe. 2. ________ talaan ng Department of Health (DOH) at ng Philippine Cancer Society ay may 70,000 bagong kaso ng sakit na kanser ang nadidiskubre taun-taon. 3. ________ Dr. Brenda Pennix, isang gerontologist sa Wake Forest University, North Carolina, depresyon ay nakapagpapataas ng stress. 4. _______ malaman kung ang isang tao ay apektado na ng sakit na SARS, kailangang malaman kung nakapaglakbay siya sa alinman sa mga bansang apektado ng SARS gaya ng Hongkong, China, Singapore at Vietnam. 5. ________, kailangang bigyan ng kaukulang pansin ang ganitong problema. Narito ang mga tamang sagot. Wastuin mo ang iyong sagot sa sagutang papel. 1. 2. 3. 4. 5. ng Ayon sa Ayon kay Upang Samakatuwid
Tama ba lahat ang mga sagot mo? Magaling! Alam mo bang ang mga salitang iyan ay madalas magamit sa editoryal sa paglalahad ng sariling opinyon ng editor? Alam mo rin bang ang tawag sa mga salitang iyan ay panandang kohesiv?
Linangin Sa editoryal mababasa ang sariling opinyon ng editor o ng buong staff ng pahayagan. Dahil dito, mahalagang malaman ng editor ang mga tiyak na istrukturang gramatikal na kanyang gagamitin sa paglalahad ng opinyon. Basahin ang halimbawa: Kaunti na Lang ang Nagugutom na Pinoy? Noong Agosto 2004 lumabas ang survey ng Social Weather Station (SWS) na isa sa bawat pitong pamilyang Pinoy ay walang makain at nakadarama nang grabeng pagkagutom Ang survey na ito ng SWS ang naging hudyat para kumilos ang Arroyo administration at agad ipinag-utos ang pamamahagi ng food coupons para sa mga mahihirap na pamilyang nagugutom. Ang food coupons ay ipapamahagi sa milyong mahirap na pamilya sa buong bansa. Ayon sa SWS, nagtipid sa gastusin ang bawat pamilya. Mula sa dating nagagastos na P10,000 isang buwan ng isang pamilya naging P5,000 na lamang
18
ang kanilang ginagastos. Halos kalahati ang kanilang natipid. Tatlong buwan pagkaraan ng ginawang survey, nagsagawa muli ang SWS ng panibagong survey at lumabas na bumaba na ang mga nagugutom ng pamilyang Pinoy. Mula 53 percent ay naging 48 perecent na lamang. Bumaba ng limang porsyento. Natutuwa na sana ang Malacanang sa survey ng SWS pero iyon ay napalitan ng pagkadismaya sapagkat ang dahilan pala kaya bumaba ang nagugutom ay dahil sa paghihigpit ng sinturon. Hindi dahil may nagawang paraan ang pamahalaan kundi dahil na rin sa pagtitiis o pagtitipid ng mamamayan. Kailangang maghigpit ng sinturon para makamit ang minimithing pagkain. Tiyak na ang mga bata ang magdaranas ng hirap sapagkat wala nang sustansya ang pagkaing mabibili dahil dahil sa pagtitipid o paghihigpit ng sinturon ng kanilang mga magulang. Ang pinakamabuting magagawa ng pamahalaan ay ipursige ang pagki-create ng trabaho para sa mga jobless na Pinoy. Kung mayroong trabaho ang bawat mga ama o maski ang ina, tiyak na hindi na nga makararanas ng gutom ang bawat pamilya. Hindi ang food coupons ang kasagutan sapagkat tuturuan lang na maging tamad. Trabaho ang ibigay para magkaroon ng direksyon ang natutulirong mamamayan. - Halaw sa Pilipino Star Ngayon, Disyembre, 2004, p. 2. Sa editoryal na nabasa mo ay gumamit ng ibat ibang uri ng pang-ugnay ang editor na binubuo ng (1) pangatnig - at, o, saka, ngunit, subalit, samakatuiwid, atb.; (2) pang-ukol ayon sa, ayon sa, para kay, para sa, tungkol sa, alinsunod sa, atb.; at (3) pang-angkop - -ng at na. Sa editoryal na nabasa mo ay gumamit ng mga sumusunod na pang-ugnay ang editor: pangatnig: Isa sa bawat pitong pamilyang Pinoy ay walang makain at nakadarama ng grabeng pagkagutom. 2. pang-ukol: Ayon sa SWS, nagtipid sa gastusin ang bawat pamilya. 3.. pang-angkop: Ang survey ng Social Weather Stations (SWS) na isa sa mga bawat pitong pamilyang Pinoy ay walang makain at nakadarama nang grabeng pagkagutom. Samantala, gumagamit din ang editor ng mga panandang kohesiv sa editoryal kabilang ang (1) kontrast, (2) sanhi at bunga, (3) pagkakaltas at (4) kongklusyon. Ang mga panandang kohesiv na ito ay ginamit sa editorial na binasa mo gaya ng mga sumusunod: 1. kontrast pagkagutom pagkabusog 1.
19
nalulungkot
Mula 53 percent ay naging 48 na lamang. (Nakaltas sa pangungusap ang ang mga nagugutom na pamilyang Pinoy.) 4. kongklusyon Trabaho ang ibigay para magkaroon ng direksyon ang natutulirong mamamayan.
Gamitin Basahin ang editoryal. Punan ng tamang pangatnig ang mga patlang na may bilang. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa sagutang papel. ng na o at Samakatuwid sa loob Bukod dito Dahil dito Sa bawat dahil sa
Disiplina, Lubhang Kailangan ____1____ taong nagdaraan, tila yata unti-unti nang nawawala ang disiplina ng mga kabataan lalung-lalo na sa paaralan. Ang hindi pagsusuot ng ID ng mga mag-aaral _____2_____ ng paaralan ay isa_3_ halimbawa ng kawalan ng disiplina. Hindi na siguro kailangan pang sitahin ___4___ pagsabihan ang mga estudyante __5__ kasama ito sa pinirmahang kasunduan. _____6_____, walang tigil ang pagsusulat sa mga silya, pasilyo at palikuran ang mga mag-aaral na nagdudulot ng di-kaayang tanawin. Sanay matigil na. Kahit ilang beses silang pagsabihan ng mga guro ay hindi rin ito matigil ____7___ katigasan ng kanilang mga ulo. ___8____, hinihiling ng pahayagang ito sa administrasyon ng paaralan na higpitan ang kanilang mga ipinaiiral na alituintunin sa loob ng paaralan para tuwirang madisiplina ang mga estudyante. At dahil napakahalaga ng disiplina, ______9_____ itoy dapat magsimula sa ating mga sarili __10__ mga estudyante ng paraalang ito.
20
Ito ang tamang sagot. Wastuin mo ang iyong sagot. 1. 2. 3. 4. 5. sa bawat sa loob ng o na 6. 7. 8. 9. 10. kaugnay nito dahil sa dahil dito samakatuwid bilang
Samantala, anu-anong mga panandang kohesiv ang nabasa mo sa editoryal? Balikan mong basahin ang editoryal. Ganito ba ang mga sagot mo? kontrast: nawawala nagkakaroon higpitan luwagan sanhi at bunga: sanhi: bunga: kawalan ng disiplina di pagsusuot ng I.D.
pagkakaltas: Kaugnay nito, walang tigil ang pagsusulat sa mga silya, pasilyo, at palikuran ang mga mag-aaral na nagdudulot ng di-kaaaya-ayang tanawin. Sanay matigil na ito. Napansin mo ba na pagkatapos ng pangungusap ay nakaltas ang ang pagsusulat sa mga silya, pasilyo at palikuran ang mga mag-aaral? kongklusyon: At dahil napakahalaga ng disiplina, samakatuwid, itoy dapat magsimula sa ating mga sarili bilang mga estudyante ng paaralang ito.
Lagumin Mahalaga sa editoryal ang paggamit ng mga salita sa paglalahad ng sariling opinyon. Ang isa sa mga salitang ito ay ang pang-ugnay na mauuri sa mga sumusunod: (1) pangatnig, (2) pang-ukol at (3) pang-angkop. Ang mga panandang kohesiv gaya ng kontrast, sanhi at bunga, at kongklusyon ay ginagamit din sa editoryal.
21
Subukin Basahin ang editoryal. Itala sa sagutang papel (1) ang mga pang-ugnay na ginamit. Kung naitala na ang salita ay huwag nang uliting isulat, at (2) panandang kohesiv.
Manhid na sa Sakuna? Sisihan, turuan at imbestigasyon. Paulit-ulit na lamang subalit halos parepareho rin lang naman ang ating mga naririnig na katuwiran. Ganito ang laging nangyayari tuwing may mga sakunang naganap na katulad ng paglubog ng barko, gumuhong gusali at kung anu-ano pang trahedya. Subalit ang tanong ay kung mayroon bang pagbabago? Kagaya na lamang ng pinakahuling trahedya na sinapit ng isang tren sa lalawigan ng Quezon. Halimbawa pa natin ang paglubog ng barko habang naglalayag sa gitna ng karagatan. Kung iisa-isahin ay napakahaba na ng listahan ng mga sakuna rito sa ating bansa. May mga batas nga hindi naman naipatutupad ang mga ito nang maayos. Karaniwan pang katuwiran na kapos o walang pondo, kulang sa mga tauhan na magpapatupad nito at kung anu-ano pang alibi. Napag-iiwanan na nga tayo ng mga kapit-bansa natin ay nagpapabaya pa ang mga kinauukulan. Manhid na nga siguro tayo at tinatanggap na lamang kung anuman ang mangyari sa atin. Nakapanlulumong isipin na napakarami nang pagkakataon ang ibinigay sa atin subalit pinalampas lamang natin. -Halaw sa Abante Tonite, Nobyembre 17, 2004, p. 4.
Ito ba ang mga naitala mong salita? Wastuin. 1. pangatnig: at, na, subalit, ng, 2. panandang kohesiv: kontrast: pare-pareho iba-iba napakahaba napakaikli kapos sobra 3. pagkakaltas o
Halimbawa pa natin ang paglubog ng barko habang naglalayag sa gitna ng karagatan. Kung iisa-isahin ay napakahaba na ng listahan ng mga sakuna rito sa ating bansa. (Nakaltas sa huling pangungusap ang ang paglubog ng
22
barko.) 4. kongklusyon: Nakapanlulumong isipin na napakarami nang pagkakataon ang ibinigay sa atin saubalit pinalampas lamang natin. Maaari ka nang magpatuloy sa ikatlo at huling sub-
Alamin Sa Sub-aralin 1 ay natutuhan mo ang ibat ibang uri ng editoryal batay sa mga tiyak na katangian nito. Natatandaan mo pa ba ang mga ito? Basahin mo ang mga sumusunod na katangian ng editoryal sa bawat bilang. Isulat mo sa sagutang papel kung anong uri ng editoryal ang iyong nabasa. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. A. B. C. D. E. nagpapabatid nagpapakahulugan pumupuna at nagbibigay ng reforma nagpaparangal at nagbibigay-puri nagpapahalaga sa natatanging araw
1. Itoy kalimitang tumatalakay sa kaarawan ng mga dakila at bayani ng bansa. 2. Ang isang paksa nito ay mga taong may malaking nagawa sa pagpapaunlad ng ating ekonomiya. 3. Itoy tumutuligsa sa tiwaling hakbangin ng lipunan. 4. Pinipiga nito ang hahantungang kahulugan ng isang pangyayari. 5. Naipapababatid nito ang katotohanan dahil sa matalinong paghaharap ng mga ebidensya.
23
1. 2. 3. 4. 5.
Tama ba lahat ang mga sagot mo? Kung gayon, magiging madali para sa iyo ang susunod na mga araling matututuhan mo.
Linangin Upang matiyak mong marunong ka nang magsuri ng ibat ibang editoryal batay sa mga katangian nito ay basahin mo ang uri ng editoryal sa hanay A. Pagkatapos, pag-aralan mo at paghambingin ang mga orihinal na salitang ginamit sa hanay B at ang mga salitang ipinalit sa mga ito na nasa hanay C. A Uri ng Editoryal Pumupuna at Nagbibigay ng Reforma B Orihinal USAPIN SA LOGGING, NAKALIMUTAN NA BA? C Mga Ipinalit na Salita INAAKSYUNAN NA
Kailan lamang ay naging sentro ng usapusapan sa apat na sulok ng Pilipinas ang pagbuhay sa panukalang total log ban. Naging pangunahing isyu ito matapos ang kalamidad na naganap sa ilang lalawigan sa Luzon, partikular sa Aurora at Quezon. Ngunit kasunod ng paghupa ng kalamidad ay nanahimik na rin ang mga maiingay na politiko. Ang bilis yata makalimutan ang seryosong usapin kumilos hinggil sa pangangalaga sa ating mga kagubatan at kabundukan. Wala na tayong narinig sa kanila matandaan matapos ang pansamantalang pagsasara ng Christmas break ng mga mambabatas. Marami na Sayang kung hindi maaaksyunan ang usaping ito. Ngayon pa naman na magkakasunud-sunod ang hagupit ng kalikasan hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Kailangan nating kumilos. Walang mangyayari Masuwerte at
24
kung puro media mileage lamang ang habol ng naaksyunan agad mga namumuno sa gobyerno. - Halaw sa Abante Tonite, Enero 3, 2005, p. 4. Malaki ang naitulong ng media coverage para magising ang mga namumuno sa gobyerno. Matapos mong mabasa ang mga salitang ipinalit sa hanay C sa orihinal na mga salita sa hanay B ay anong pagbabago ang naganap sa editoryal? Tama. Ang dating editoryal na pumupuna at nagbibigay ng reforma ay naging editoryal na nagpaparangal at nagbibigay-puri
Gamitin Basahin ang editoryal na nagpapabatid. Gawin itong editoryal na nagpaparangal at nagbibigaypuri. Isulat ito sa sagutang papel. Patapos na Huling linggo na ngayon ng kampanya. Sa Sabado, Mayo 8, ang huling araw ng campaign period. Kinabukasan, Linggo, hanggang sa mismong araw ng eleksyon ay mahigpit ang ipinagbabawal ang pangangampanya sa lahat ng kandidato sa anumang posisyon, lokal o nasyunal. Ngunit ano ang nagaganap kapag sumasapit ang araw ng eleksyon? Maraming pinapatay hindi lamang ang mga tagasuporta ng mga kandidato kundi ang mga kandidato mismo. Mangyari, hindi mahigpit ang batas na nagbabawal sa mga taong uminom ng alak o magdala ng mga baril sa panahon ng eleksyon. Kaya huwag magtaka kung sa Linggo ay maganap na naman ang mga karumaldumal na patayan. Dahil araw ng eleksyon. Ganito ba ang isinulat mo sa sagutang papel? Kapuri-puri ang nagaganap na huling linggo ng kampanya. Sa Sabado, Mayo 8 ang huling araw ng campaign period ngunit nananatili ang katiwasayan ng paligid. Inaasahang ang ipinakikitang kaayusan at kapayapaan ay mapananatili hanggang sa mismong araw ng eleksyon at masusunod ang mahigpit na pagbabawal ng pangangampanya sa lahat ng kandidato sa anumang posisyon, lokal o nasyunal. Kapuri-puri ang ginagawang pagmamatyag ng buong kapulisan. Talagang matured na ang mga botante.
25
Lagumin Ang editoryal ay mauuri sa mga sumusunod: (1) nagpapahalaga sa mga natatanging araw, (2) nagpapabatid, (3) nagpaparangal at nagbibigay-puri, (4) pumupuna at nagbibigay ng reporma, at (5) nagpapakahulugan. Napag-iiba-iba ang uri ng editoryal batay sa katangian nito.
Subukin Basahin ang isang bahagi ng editoryal sa bawat bilang. Ibahin ang uri nito batay sa uring nakapaloob sa panaklong. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot. 1. Huwag naming maghinanakit ang mga taga-Norte, pero noong maayos pa ang tren sa Luzon, mas mahaba, mas mahaba ang linya papunta riyan sa lugar ng bulkang Mayon. Kaya ngat sumikat ang Bicol Express at ginamit na ring pangalan ng isang putaheng sagana sa sili at gata. (nagpaparangal at nagbibigay-puri) 2. Ayon sa mga eksperto, ang mga stalkers ay nagkakapare-pareho ng patterns subalit magkakaiba ng rason at maging ng paraang kanilang ginagawa. (nagpapakahulugan) Ganito ba isinulat mo sa sagutang papel? 1. Kapuri-puri ang naging reaksyon ng mga taga-Norte dahil napananatiling maayos pa ang kanilang tren, mas mahaba, at mas mahaba ang linya patungo sa bulkang Mayon. 2. Ang stalking ay kinapapalooban ng pagiging obsessed ng sinumang indibidwal sa isang tao. Karaniwan sa mga stalkers ay hindi bayolente subalit silay unpredictable o pabigla-bigla at mahirap mahulaan kung ano ang magiging aksyon.
Gaano ka na kahusay?
I. Basahin ang pangungusap sa bawat bilang. Isulat sa sagutang papel ang titik ng salita o pariralang bubuo sa pangungusap pagkatapos ng bawat talata. 1. Ang editoryal ay isang artikulong nagbibigay-kahulugan sa ___________. A. lathalain. B. balita. C. tudling o kolum. D. pangangatuwiran.
26
2. Ang pangunahing katangian ng editioryal ay ang pagtalakay sa napapanahong ___________. A. kaso. B. debate. C. balita. D. ideya. 3. Ang editoryal na naglalaman ng katotohanan ng pangyayari ay _________. A. nagpapakahulugan. B. nagpapabatid. C. nagpaparangal. D. nagbibigay ng reporma. 4. Sa pamagat ng editoryal, itoy dapat na ___________. A. masaklaw. B. makatawag-pansin. C. maligoy. D. mapagkamalang lathalain. 5. Ang wakas ng editoryal ay dapat na _______________. A. nagbabanta. B. nag-iiwan ng kakintalan. C. may tagubilin o mungkahi. D. nag-iiwan ng palaisipan. II. Basahin ang editoryal at sagutin ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa dahong sagutan. VAT Laging Mahihirap? 1 Hindi man tuwiran ay ilang kaalyado ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang nagpahiwatig kung sino talaga ang tatamaan sa isinusulong na 2% value added tax (VAT) ng gobyerno. 2 Mga middle income tax payers ang papasan sa karagdagang buwis na kokolektahin ng pamahalaan. 3 Pero ito lamang ba ang naiisip na alternatibo ng gobyerno sa problemang ito? Makapipinsala ito sa kapakanan ng mga mamamayan. 4 Isa sa maaaring tutukan ng pamahalaang Arroyo upang mapunan ang napakalaking budget deficit ng bansa ay pasiglahin ang pangongolekta sa buwis at pababain ang gastos ng gobyerno. - Halaw sa Abante Tonite, Pebrero 7, 2005, p. 4.
27
1. Ang editoryal ay _____________. A. nagpapabatid. B. nagpapakahulugan. C. nagpaparangal. D. nagbibigay ng reporma. 2. Ang simula ng editoryal ay nasa bilang ________. A. 1 B. 2 C. 3 D. 4 3. Ang katawan ng editoryal ay nasa bilang ______. A. 1 - 2 B. 2 - 3 C. 3 - 4 D. 4 4. Ang wakas ng editoryal ay nasa bilang _________. A. 1 B. 2 C. 3 4 D. 4 5. Aling salita ang maipapalit mo salitang makapipinsala para maging pumupuri ang editoryal na pumupuna at nagbibigay ng reporma? A. makatutulong B. makatutugon C. makapagbabago D. makasusukat III. Basahin ang editoryal at piliin sa loob ng kahon ang pangatnig na bubuo sa pangungusap. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel. at o marahil sa loob ng na ayon sa ayon kay
Pamumunang Nagtutulungan, Pundasyon ng Asenso at Pag-angat ng Paaralan ____1______ ng nakalipas na apat ____2____ taon ay hindi maitatanggi ang naiiba ___3___ mga kaganapan sa ating paaralan. Malinis, mapayapa, progresibo ___4___ sistematiko. _____5_____ mga alumni, saying at hindi naabutan ang ganitong kagandang pagbabago na maipagmamalaki sa minamahal nilang Alma Mater.
28
- Halaw sa Ang Bagong Pag-asa, Enero, 2005, p. 4. IV. Basahin ang editoryal. Gawin itong nagpaparangal. Isulat ang sagot sa sagutang papel. V. Itala sa sagutang papel ang mga pangatnig at panandang kohesiv. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot. Baklas-Kurakot Nakakasuka itong binulatlat na anomalya sa Department of Public Works and Highways (DPWI). Isang malinaw na pangongotong itong paglalagay raw ng quota ni Sec. Florante Soriquez sa mga district engineers at regional directors ng DPWH ng P150,000 na halaga ng bougainvillea para sa pagpapaganda ng Metro Manila. Kung wala raw mapoprodyus na bulaklak ay perahin na lang daw. Ito ang akusasyon ng 12 sa 16 na regional directors ng DPWH na pumirma sa isang petisyong humihiling ng pagbibitiw ng kalihim. Pero syempre, dalawang mukha palagi ang kuwento. Sa panig naman ni Soriquez, natural na itatanggi niya ang paratang at ipaggigitgitan na malinis ang kanyang pangalan at rekord. - Halaw sa Abante Tonite, Pebrero 8, 2005, p. 4.
29