Mga Pangunahing Relihiyon Sa Asya - Final
Mga Pangunahing Relihiyon Sa Asya - Final
Mga Pangunahing Relihiyon Sa Asya - Final
Relihiyon sa Asya
Mga Pangunahing
Relihiyon sa Asya
Karapatang-Ari 2008
Bureau of Alternative Learning System
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Ang modyul na ito ay pag-aari ng Bureau of Alternative Learning System, Kagawaran
ng Edukasyon. Ang alinmang bahagi nito ay hindi maaaring ilathala o kopyahin sa
anumang paraan o anumang anyo nang walang nakasulat na pahintulot ang organisasyon
o ahensiya ng pamahalaang naglathala.
Inilathala sa Pilipinas ng:
Bureau of Alternative Learning Center
Kagawaran ng Edukasyon
3/F Mabini Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines
Tel No.: (02) 635-5188 Fax No.: (02) 635-5189
1
Tungkol Saan ang Modyul na Ito?
Naniniwala ka ba sa Diyos? Anong pangalan ang iyong ginagamit sa
pagtawag sa Kanya? Ano ang iyong relihiyon? Anu-ano ang mga itinuturo
sa inyong simbahan?
Alam mo ba na ang Pilipinas ay ang nag-iisang Kristiyanong bansa sa
Asya? Sa bawat sampung Pilipino, siyam ang Kristiyano dito. Limang
porsyento naman ang binubuo ng mga Muslim sa ating populasyon. At
hindi naman hihigit sa isang porsyento ng mga Pilipino ang nabibilang sa
ibang relihiyon tulad ng Buddhism at Hinduism.
May mga kilala ka bang ibang tao na miyembro ng relihiyong kaiba sa
iyo? Kumusta ang iyong relasyon sa kanila?
Sa modyul na ito, matututuhan mo ang mga pangunahing relihiyon sa
Pilipinas, pati na rin ang mga itinuturo ng mga simbahang nabibilang rito.
Matututuhan mo rin kung paano ang tamang pagbibigay ng respeto sa mga
paniniwala ng ibang tao. Sa modyul na ito, matututuhan mo kung paano
makamtan ang kapayapaan at pagkakaunawaan sa kabila ng mga pagkakaiba
ng paniniwala sa relihiyon.
Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong bahagi. Ito ay ang:
Aralin 1 Kristiyanismo
Aralin 2 Islam
Aralin 3 Pagsasaayos sa mga Hidwaan sa Relihiyon
Anu-ano ang mga Matututuhan Mo
sa Modyul na Ito?
Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, maaari mo nang:
ipaliwanag ang mga paniniwala ng mga pangunahing relihiyon sa
Pilipinas;
ipaliwanag ang mga itinuturo ng mga pangunahing relihiyong ito; at
maipakita ang respeto sa mga taong nabibilang sa ibang relihiyon.
2
Anu-ano na ang mga Alam Mo?
Punuan ang mga sumusunod na blanko. Piliin ang iyong mga sagot
mula sa mga salitang nakapaloob sa kahon.
Kapayapaan Holy Trinity Imam binyag Pagsasalungat sa relihiyon
Islam Hesukristo Allah respetuhin Muhammad
1. Sa pamamagitan ng _______________ nahuhugasan ang ating
orihinal na kasalanan at napapakilala sa atin ang muling pagkasilang
na ispirituwal.
2. _______________ ay ang tawag sa paniniwala sa relihiyon ng
mga Muslim. Ang ibig sabihin nito ay pagbigay ng sarili sa
kagustuhan ng Diyos.
3. Ang isang Kristiyano ay nagdedeklara ng kanyang paniniwala kay
_______________ at sumusunod sa pangaral ng Diyos.
4. _______________ ang tawag sa isang Muslim na lider ng kanilang
relihiyon.
5. Dapat mong ___________________ ang paniniwala ng ibang tao
kahit na itoy naiiba sa mga paniniwala mo.
6. Karamihan ng kristiyano ay naniniwala sa konsepto ng
_______________. Ang ibig sabihin nito ay ang Diyos ay may
tatlong pagkatao: ang Diyos Ama, ang Diyos na Anak, at ang Diyos
na Espiritu Santo.
7. Sa Islam, ang kanilang Diyos ay nagngangalang
_______________.
8. Ang isang makabuluhang pag-uusap ay patungo sa
pagkakaunawaan at _______________.
9. _______________ maaaring mangyari kung hindi binibigyan ng
pagkakataon ang mga taong magpahayag at maisagawa ang
kanilang mga paniniwala.
10. Si _______________ ang panguhaning propeta ng Islam.
3
Kumusta ang pagsusulit? Sa tingin mo bay nasagutan mo nang tama
ang lahat ng katanungan? Ihambing ang iyong mga sagot sa mga kasagutang
matatagpuan sa Batayan ng Pagwawasto sa pahina 32.
Kung nasagutan mo nang tama ang lahat, magaling! Nangangahulugan
lamang na marami ka nang nalalaman tungkol sa mga paksa na nakapaloob
sa modyul na ito. Maaari mo pa ring ipagpatuloy ang iyong pag-aaral ng
modyul upang mabalikan ang mga paksang alam mo na. Malay mo, may
mga ibang bagay ka pa ring matutuhan dito.
Kung may kababaan naman ang puntos na iyong nakuha, huwag
malungkot. Nangangahulugan lamang na ang modyul na ito ay para sa iyo.
Makatutulong ito sa iyong pag-unawa sa mga konsepto na maaari mong
magamit sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay. Kung pag-aaralan mo
nang mabuti ang modyul na ito, matututuhan mo ang mga sagot sa
pagsusulit at marami pang iba! Handa ka na ba?
Maaari ka nang pumunta sa susunod na pahina para sa unang aralin.
4
ARALIN 1
Kristiyanismo
Maaari mo bang hulaan kung paano nakuha ang ngalang Kristiyanismo?
Itoy dahil sa ang bawat Kristiyano, kahit saan mang sekta siya nabibilang,
ay naniniwala sa mga pangaral ni Kristo.
Sa araling ito, matututuhan mo ang mga apat na pangunahing sekta ng
Kristiyanismo sa Pilipinas. Ang mga sekta na ito ay ang Katoliko Romano,
Protestantismo, Iglesia ni Cristo, at Iglesia Filipina Independiente o mas
kilala sa pangalang Simbahan ng Aglipay.
May mga Kristiyanong sekta na tinatanggap ang isang tao bilang
Kristiyano kung ito ay naligtas (saved) na o naisilang nang muli (born
again). Sa modyul na ito, gayunpaman, gagamitin natin ang pinakahinirang
na depenisyon ng pagiging Kristiyano. Ito ay tumutukoy sa isang taong
nagdedeklara at nagpapatotoo ng kanyang paniniwala kay Hesukristo at sa
Kanyang mga pangaral.
Basahin Natin Ito
Tingnan ang litratro sa ibaba. Kilala mo ba Siya?
Dahil sa mahal ng Diyos ang sansinukob, ibinigay niya ang kanyang kaisa-
isang anak na kung sino man ang maniniwala sa Kanya ay hindi mangamamatay,
kung
hindi ay makakamtan niya ang buhay na walang hanggan.-Juan 3:16
5
Pag-isipan Natin Ito
1. Naniniwala ka ba na noong namatay si Hesus sa krus ay muli itong
nabuhay at lahat ng mga pagkakasala ng tao ay napatawad na?
____________________________________________________
2. Naniniwala ka ba na kagustuhan ng Diyos na mailigtas ng kanyang
Anak ang sangkatauhan mula sa kamatayan at walang katapusang
paghihirap?
____________________________________________________
Kung oo ang iyong sagot sa mga tanong na ito, nakikisama ka sa 1.7
bilyong tao sa mundo, ang mga Kristiyano. Ang mga Kristiyano ay
naniniwala sa kapangyarihan ng pagkamatay ni Hesus sa pagtanggal ng
kasalanan ng mundo.
Alamin Natin
Ang apat na pangunahing sekta ng Kristiyanismo sa Pilipinas ay may
pagkakahalintulad sa mga paniniwala. Gayunpaman, mayroon din itong mga
pagkakaiba.
Ang banal na Bibliya (Holy Bible) ay nagbibigay ng basehan tungkol sa
mga maka-Kristiyanong paniniwala at gawain. Ang Lumang Tipan (Old
Testament) at ang Bagong Tipan (New Testament) ang bumubuo sa Banal
na Bibliya.
6
Ang mga Aglipayan, Katoliko at karamihan sa mga Protestante ay
naniniwala sa isang Diyos na kinakatawan ng tatlong persona, o tinatawag
na Holy Trinity: Ang Diyos na Ama, Diyos na Anak, at Diyos na Espiritu
Santo.
Nilikha ng Diyos ang daigdig. Ang unang mag-asawa ay sina Adan at
Eba.
7
Sina Adan at Eba ay tinukso ni Satanas na hindi sumunod sa Diyos.
Ang gawaing ito ang nagdala ng kasalanan sa mundo. Ang kasalanang ito na
naipasa sa bawat tao ay tinatawag na orihinal na kasalanan.
Ang mga Katoliko at Aglipayan ay binibinyagan habang bata pa upang
mahugasan ang orihinal na kasalanan. Ang mga Protestante at miyembro
ng Iglesia ni Cristo ay mas nahuhuling nabibinyagan upang mas makilala na
silay dumaan sa muling pagkasilang na isprituwal (spiritual rebirth).
8
Ang mga miyembro ng apat na pangunahing sekta ng Kristiyanismo sa
Pilipinas ay naniniwalang si Maria ay ang birheng nagluwal kay Hesus.
Si Hesus ang nag-iisang Anak ng Diyos. Siya ay naging tao upang
mailigtas tayo sa ating mga pagkakasala.
9
Halos lahat ng Kristiyano ay nakiki-ayon na lahat ay maaaring mabuhay
nang walang hanggan. Pagkamatay ng isang tao, ang kanyang kaluluwa ay
maaaring pumunta sa langit at makiisa sa Diyos o masunog sa impiyerno.
Ang mga Katoliko ay naniniwala sa isang pang lugar na nagngangalang
purgatoryo kung saan ang mga kaluluwa ay hinuhugasan bago pa ito
makarating sa langit.
Halos lahat ng Kristiyano ay naniniwala na ang pagsisisi sa mga
kasalanan, paniniwala sa Diyos, pagtanggap kay Hesus bilang tagapagligtas,
at pagpapakita ng kabutihan sa kapwa ay ang makapagliligtas sa kanila.
10
Ang muling pagkabuhay ni Hesus ay naganap nang siya ay nagkabuhay
muli pagkatapos mamatay. Sa wakas ng panahon siya ay pinaniniwalaang
muling babalik. Ito ang tinatawag na Pangalawang Pagbabalik ni Kristo.
Sa panahong ito, lahat ng nailigtas na Kristiyanong nangamatay noon ay
maaari ring mabuhay muli. Ang mga ito, kasama ang mga buhay pang
Kristiyano, ay makikiisa sa Diyos at mabubuhay nang walang hanggan.
Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan
Punuan ang mga nawawalang letra sa bawat pangungusap upang
makuha mo ang tamang sagot.
1. Ang mga Kristiyano ay naniniwala sa mga pangaral ni _ r _ _ _ _.
2. Ang isang Kristiyano ay b _ _ _b _ _ _ _ _ _ n upang mahugasan
ang kanyang mga orihinal na kasalanan o magpatunay na siya ay
muling nabuhay sa ispirituwal na pamamaraan.
3. Ang Banal na B _ _ _ _ _ _ ay nagbibigay ng basehan sa mga
Kristiyanong paniniwala at pangaral.
4. Si _ _ _ _ _, ang ina in Hesus, ay isang birheng nagluwal sa Kanya.
5. Ang di pagsunod nina Adan at Eba sa Diyos ay tinatawag na
_ _ _ h _ _ _l na pagkasasala.
11
6. Sa P _ _ _ _ l _ _ _ n _ Pagbabalik ni Kristo, lahat ng nailigtas na
Kristiyano na nangamatay noon ay makikiisa sa mga nabubuhay na
Kristiyano kung saan, sila ay makikiisa naman kay Hesus at
mabubuhay nang walang hanggan.
7. Si Hesus ay ang nag-iisang anak ng Diyos. Siya ay naging t _ _
upang mailigtas tayo sa ating mga pagkakasala.
8. Karamihan sa mga Kristiyano ay naniniwala sa Holy T _ _ n _ _ y
kung saan ang Diyos ay kinakatawan ng tatlong persona: Ang
Diyos na Ama, Diyos na Anak, at Diyos na Espiritu Santo.
9. Kapag namatay ang isang tao, ang kanyang kaluluwa ay pumupunta
sa _ _ n _ _ _ o sa impiyerno.
10. Ang _ r _ _ t _ _ _ n _ _ _ o ay ang pinakamalaking relihiyon sa
Pilipinas at sa buong mundo.
Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan ng Pagwawasto sa pahina
32.
Tandaan Natin
Ang Kristiyanismo ay isang relihiyon na nagtuturo ng mga
pangaral ni Hesukristo. Ito ang pinakamalaking relihiyon sa
Pilipinas at sa buong mundo.
Ang isang Kristiyano ay ang taong nagdedeklara ng kanyang
paniniwala kay Hesukristo at sumusunod sa mga pangaral nito.
Ang apat na pangunahing sekta ng Kristiyanismo sa Pilipinas ay
ang Katoliko Romano, Protestantismo, ang Simbahan ng
Aglipay, at ang Iglesia ni Cristo.
Karamihan ng mga Kristiyano ay naniniwalang:
ang Bibliya ay binubuo ng mga salita ng Diyos;
may iisang Diyos. (Karamihan sa mga Kristiyano ay
naniniwalang ang nag-iisang Diyos na ito ay tinatawag na
Trinity, na kinakatawan ng tatlong persona: Ang Diyos na
Ama, Diyos na Anak, Diyos na Espiritu Santo);
12
nilikha ng Diyos ang daigdig at ang unang mag-asawang sina
Adan at Eba;
noong hindi sinunod nina Adan at Eba ang Diyos, ang kanilang
kasalanan ay naipasa sa lahat ng tao;
sa pamamagitan ng binyag, nahuhugasan ang ating orihinal na
kasalanan. Ito rin ang nagpapakilala ng muling pagkasilang na
ispirituwal;
si Maria, ang ina ni Hesus, ay isang birheng nagluwal sa Kanya;
si Hesus ay naging tao upang mailigtas ang sangkatauhan sa
pagkakasala;
lahat tayo ay maaaring mabuhay nang walang hanggan. Kapag
ang tao ay namatay, ang kanyang kaluluwa ay maaaring
pumunta sa langit o sa impiyerno;
ang pagsisisi sa isang kasalanan, pagkakaroon ng
pananampalataya sa Diyos, pagtanggap kay Hesus bilang
Panginoon at tagapagligtas, at pagiging mabuti sa kapwa ay
mga paraang makapagliligtas sa kanila; at
sa Pangalawang Pagbabalik ni Kristo, lahat ng nailigtas na
Kristiyano na nangamatay noon ay makikiisa sa mga
nabubuhay na Kristiyano upang makiisa kay Kristo at mamuhay
nang walang hanggan.
13
ARALIN 2
Islam
Maaari mo bang hulaan kung ano ang pinakabago at pumapangalawa sa
pinakamalaking relihiyon sa buong mundo? Kung Islam ang iyong sagot,
tama ka. At ito rin ay isang relihiyong mabilis na lumalawak!
Gusto mo bang malaman pa ang mga iba pang bagay tungkol sa Islam?
Kung ganoon, ituloy ang iyong pagbabasa.
Basahin Natin Ito
Basahin ang sumusunod na tula.
Si Allah, ang Nag-iisang Diyos
Si Allah ay ang nag-iisang makatotohanang Diyos
Totoong Siyay nag-iisa lamang
Wala siyang kasama at walang asawa
At si Allah ay walang anak!
Si Allah ay ang nag-iisang makatotohanang Diyos
Naririnig Niya ang aming mga tawag
Kaya dapat tayong manalangin kay Allah
Wala nang iba pa!
Si Allah ay ang nag-iisang makatotohanang Diyos
Siya ang ating panginoon at hari
Kaya lahat ay naniniwala kay Allah!
Walang ibang sasambahin kung di Siya lamang!
14
Pag-isipan Natin Ito
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Ayon sa tula, ilan ang diyos? _____________
2. Base sa tula, ano ang pangalan ng nag-iisang makatotohanang
Diyos? ____________
Ang mga Muslim at Kristiyano ay naniniwala sa iisang Diyos subalit iba
ang kanilang pagtawag sa Kanya. Ang tawag ng mga Kristiyano sa Kanya
ay Diyos na Ama, samantalang ang tawag naman ng mga Muslim sa Kanya
ay Allah. Gayunpaman, hindi katulad ng mga Muslim, ang mga Kristiyano,
partikular na ang mga Katoliko at Aglipayan, ay naniniwala sa Trinity. Ang
Trinity ay ang pagkakaisa ng tatlong diyos sa iisang Diyos.
Alamin Natin
Nakapunta ka na ba sa Mindanao? Dito naninirahan ang karamihan sa
mga Pilipinong Muslim. Ang Islam ay ang pinakamatandang relihiyon sa
bansa. Ang mga Kastila ay nagpumilit na gawing Kristiyano ang mga
Muslim. Ngunit tunay na ipinaglaban ng mga Muslim ang kanilang relihiyon.
15
Ang Islam ay isang relihiyong nangangahulugang pagsuko ng sarili sa
kagustuhan ng Diyos. Ang sumasampalataya sa Islam ay tinatawag na
Muslim. Ang mga Muslim ay naniniwalang may nag-iisang Diyos na
nagngangalang Allah. Si Allah ay dakila at makapangyarihan. Lahat ay
Kanyang nilikha.
May mga espesyal na tagadala ng mensahe o propeta si Allah. Ito ay
sina Abraham, Moses, Hesus, at Muhammad. Si Muhammad ang
pinakahuling propeta ni Allah. Siya rin ang tinaguriang pangunahing propeta
ng Islam. Kinikilala siya ng mga Muslim bilang isang dakilang propeta
ngunit hindi nila ito sinasamba. Si Allah lamang ang kanilang sinasamba at
wala nang iba pa.
Ang Koran ay ang banal na libro ng mga Muslim. Naniniwala ang mga
Muslim na ang nilalaman ng Koran ay ang mga mensahe ni Allah na
ipinadala niya sa pamamagitan ni Muhammad. Ang bawat Muslim ay
inaasahang mahigpit na susunod sa mga batas na nakatala sa Koran.
Inaasahan ang bawat isa sa kanila na umiwas sa pag-inom at paggamit ng
mga ipinagbabawal na droga. Sila rin ay hindi makakapagsugal o
makakakain ng karne. Para sa kanila, ang karne ay marumi sa
pangangatawan, maging sa ispiritu.
16
Magbalik-aral Tayo
Punuan ng mga tamang sagot ang mga blanko.
1. Karamihan sa mga Pilipinong Muslim ay nakatira sa
____________________.
2. ________________ ang tawag sa nanampalataya sa Islam. Siya
ang taong may pagsuko sa kagustuhan ng Diyos.
3. Sa Islam, ang kanilang Diyos ay kinikilala sa pangalang
____________________.
4. Si ______________ ang pangunahing propeta ng Islam.
5. Pinaniniwalaan ng mga Muslim na ang ________________ ay
binubuo ng mga mensaheng ipinadadala ni Allah sa pamamagitan ni
Muhammad.
Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina
33.
Alamin Natin
Alam mo ba na ang pagiging isang Muslim ay nangangahulugan din ng
pagkakaroon ng mga gawain? Ang mga gawaing ito ay tinatawag na Limang
Haligi ng Islam (Five Pillars of Islam). Ito ay ang:
1. Pagsasalaysay ng shahadah bilang pangungusap ng paniniwala ng
mga Muslim. Ganito isinasalaysay ang shahadah: Walang ibang
Diyos kundi si Allah at si Muhammad naman ang tagadala ng
mensahe ni Allah.
17
2. Pagganap ng salat limang beses sa isang araw. Kapag nagdarasal
ang isang Muslim, kinakailangan nitong humarap sa direksyon ng
Mecca. Siya ay magdarasal sa umaga, sa may kaagahan at mga
huling oras sa hapon, sa gabi, at sa oras na bago ito matulog.
3. Pagbibigay ng zakat o pangkawanggawang buwis. Ang zakat ay
katumbas ng 2.5% ng suweldo ng isang Muslim. Ito ay ibinibigay
sa mga mahihirap sa anumang oras niyang naisin.
18
4. Pagsagawa ng hajj o pagdalo sa Kaaba sa Mecca kahit sa isang
beses lamang sa kanilang buhay.
5. Pag-iwas ng pagkain sa mga buwan ng Ramadan. Ang Ramadan
ay nasa ika-siyam na buwan sa kalendaryo ng Islam. Sa buwang
ito, ang isang Muslim ay hindi dapat kumain o uminom sa araw. Ito
ay isang pamamaraan ng ispirituwal at pisikal na paglilinis.
Alam mo ba kung ano ang mosque? Ito ay isang gusali kung saan ang
mga Muslim ay nagtitipun-tipon at nananalangin. Nakakita ka na ba nito? Ito
ay kadalasang may bubong na korteng ulo at isang mataas na tore. Wala
kang makikitang litrato o rebulto sa loob ng mosque. Ito ay may huwarang
ayos at mga salita mula sa Koran.
19
Kapag ang mga Muslim ay nagtitipun-tipon sa mosque para manalangin
o pag may espesyal na okasyon, ang Imam ang tagapagpangasiwa ng
seremonya. Dalawang okasyon ang ipinagdiriwang ng mga Muslim. Sila ay
unang nagdiriwang matapos dumating ang araw ng Ramadan. Pagkatapos
ng mga espesyal na panalangin sa mosque, ang bawat pamilya ay
nagtitipun-tipon at nagdiriwang. Ang mga Muslim ay nagsusuot ng kanilang
magagandang damit at naghahanda ng maraming espesyal na pagkain.
Ang pangalawa ay ang pagdiriwang ng pagsasakrispisyo na natataon sa
araw ng Hajj o ang pagdalo sa Kaaba. Pagkatapos ng pagdarasal sa
mosque, ang mga Muslim ay nag-aalay ng tupa. Ipinamamahagi nila ang 1/3
ng karne bilang isang pag-alaala sa sakrispisyong isinagawa ni Abraham.
20
Alamin Natin ang Iyong Mga Natutuhan
Sagutan ang puzzle sa ibaba at gamitin ang mga bakas o clues sa iyong
pagsagot.
Pahalang
2. Ang tawag sa buwan ng hindi pagkain at pag-inom sa araw ng mga
Muslim.
5. Ang kinikilalang pangalan ng mga Muslim sa kanilang Diyos.
6. Ang tagapagpangasiwa ng pananalangin sa loob ng mosque.
8. Ang tawag sa banal na libro ng mga Muslim.
1
S
2
3
D
4
5
H
J
6
M
7
8
R
D
Q
21
Pababa
1. Ang relihiyon ng mga Muslim na nangangahulugang pagsuko ng
sarili sa kagustuhan ng Diyos.
3. Ang pangunahing propeta ng Islam.
4. Ang tawag sa pagdalo sa Kaaba sa Mecca. Ito ay isa sa mga
limang gawain ng isang Muslim.
7. Ang tawag sa lugar kung saan ang mga Muslim ay nagtitipun-tipon
at nananalangin.
Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina
33.
Tandaan Natin
Ang Islam ay ang relihiyon ng mga Muslim. Ang ibig sabihin ng
salitang ito ay ang pagsuko sa kagustuhan ng Diyos. Ang
sumusuko sa kagustuhan ng Diyos sa ganitong relihiyon ay
tinatawag na Muslim.
Sa Islam, ang kanilang Diyos ay kinikilala sa pangalang Allah.
Si Muhammad ang pangunahing propeta ng Islam. Siya rin ang
huling tagapaghatid ng mensahe ni Allah.
Ang batas ni Allah ay nakatala sa Koran. Ito ang banal na libro ng
mga Muslim.
Ang mga Muslim ay inaasahang mamumuhay sa mga batas ng Islam
na nakatala sa Koran. Kasama sa mga batas na ito ang Limang
Haligi ng Islam. Ito ay ang:
Pagsasalaysay ng shahadah: Walang ibang diyos maliban
kay Allah at si Muhammad ang tagapaghatid ng mensahe ni
Allah.
Pagganap ng salat (panalangin) limang beses bawat araw na
nakaharap sa direksyon ng Kaaba sa Mecca.
Pagbibigay ng zakat at pagtulong sa mga mahihirap.
22
Pagdalo sa Kaaba sa Mecca o tinatawag na hajj, kahit isang
beses lamang.
Pag-iwas sa pagkain at pag-inom sa araw tuwing sasapit ang
buwan ng Ramadan.
Ang mosque ay isang lugar kung saan ang mga Muslim ay
nagtitipun-tipon at nananalangin. Ang Imam ay tinaguriang
tagapangasiwa ng pananalangin sa mosque.
Dalawang okasyon ang pinaghahandaan at ipinagdiriwang ng mga
Muslim. Ang una ay matapos dumating ang araw ng Ramadan at
ang pangalawa ay ang pagdating ng araw ng Hajj.
23
ARALIN 3
Pagsasaayos sa mga Hidwaan sa
Relihiyon
May nalalaman ka ba sa mga pag-aalsang nagmumula sa pagkakaiba ng
paniniwala sa relihiyon? Sa Pilipinas lamang, marami na ang mga
nangamatay dulot ng mga hidwaan sa pagitan ng Muslim at Kristiyano sa
Mindanao. Libu-libong pamilya ang nawalan din ng tahanan dahil dito.
Sa araling ito, matututuhan mo kung bakit ang mga hidwaan sa pagitan
ng mga taong may ibat ibang relihiyon ay nangyayari. Matututuhan mo rin
kung paano mababawasan o maisasaayos ang mga hidwaang ito.
Basahin Natin Ito
Pagmasdan ang larawan sa ibaba.
24
Pag-isipan Natin Ito
1. May alam ka bang relihiyon na nagtuturo sa mga miyembrong
pumatay ng tao?
____________________________________________________
____________________________________________________
2. Paano ka makikitungo sa mga taong may relihiyon at paniniwalang
naiiba sa iyo?
____________________________________________________
____________________________________________________
Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina
33.
Alamin Natin
Ano ang iyong pakiramdam sa mga taong nabibilang sa mga relihiyong
naiiba sa iyo? Kung mayroon kang kapangyarihang pigilin ang kanilang mga
gawain, pipigilan mo ba sila sa pagpapahayag ng kanilang paniniwala at
pagsasagawa ng kanilang mga seremonya ayon sa kanilang relihiyon? Alam
mo ba na ang malayang pagganap at pagtatamasa ng maka-relihiyong
pananampalataya ay karapatan ng lahat?
25
Ano sa tingin mo ang maaaring gawin upang maisaayos ang mga
hidwaan bunga ng pagkakaiba sa paniniwala? Hindi mo kinakailangang
maniwala sa mga pangaral ng ibang relihiyon. Ngunit kailangan mong
respetuhin ang kanilang karapatang sumunod sa mga gawain at paniniwala
sa kanilang relihiyon, kahit na itoy mali para sa iyo. Isaisip na ang mga
nananampalataya sa ibang relihiyon ay naniniwala rito katulad na rin ng
iyong paniniwala sa iyong relihiyon. Kahit na ang paniniwala at gawain sa
mga relihiyon ay nagkakaiba-iba, pareho lamang ang kanilang mga pangaral.
Walang relihiyong nagtuturo sa taong makipag-away sa ibang tao.
Ang komunikasyon ay gumaganap rin ng mahalagang bahagi sa
pagpapatupad ng katahimikan at pagkakaisa sa mga taong may ibat ibang
relihiyon. Ang mga miyembro ng ibat ibang grupo ng relihiyon ay
nararapat lamang makisali sa isang usapan kung saan naipapahayag nila ang
kanilang mga paniniwala. Sa mga nakikiisa sa usapan, hindi sila dapat
kumilos nang may pagmamataas. Lahat ay inaasahang magbibigay ng
respeto sa isat isa. Ito naman talaga ang itinuturo ng lahat ng relihiyon-ang
maging mabait, mapagmahal, at mapag-unawa sa isat isa. Ang isang
makabuluhang usapan ay dapat makatulong sa paghahanap at pag-iisip ng
mga pagkakapareho ng bawat relihiyon. Dapat rin itong makatulong sa
pagtanaw at pagrespeto sa mga pagkakaiba sa paniniwala at gawain. Sa
huli, ang usaping ito ang siyang magbibigay-daan sa kapayapaan at
pagkakaunawaan ng isat isa.
26
Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan
Suriin ang mga sitwasyon. Pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod
na katanungan.
1. Magkapitbahay sina Ramon at Karding. Isang araw, habang nag-
uusap ang dalawa sa isang tindahang malapit sa kanilang tinitirhan,
napag-usapan nila ang relihiyon. Pareho silang Kristiyano ngunit
magkaiba ang sinasalihan nilang sekta. Ang argumento nila ay
tungkol sa mga doktrina. Ang kanilang argumento ay nauwi sa
pagsusuntukan. Kung ikaw ay naroon sa ganoong sitwasyon, ano
ang ipapayo mo sa kanila?
27
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
2. Si Rahman ay isang Muslim, habang si Danilo naman ay isang
Kristiyano. Pareho silang manlalaro ng basketbol at iisa lamang ang
kanilang sinasalihang grupo sa kanilang paaralan. Sila ay
magkaibigan. Bakit, sa tingin mo patuloy na nagkakasundo ang
dalawa kahit na iba ang kanilang mga paniniwala sa relihiyon?
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina
34.
28
Tandaan Natin
Ang ibat ibang relihiyon ay nagtuturo ng iisang katotohanan ngunit
iba ang pamamaraan.
Ang relihiyon ay hindi nagtuturo sa mga taong makipag-away.
Itinuturo nitong mahalin at unawain ang isat isa.
Ang mga hidwaan sa relihiyon ay nangyayari kapag hindi hinayaan
ng mga tao ang isat isa na makapagpahayag at magampanan ang
kanilang paniniwala.
Dapat mong respetuhin ang ibang tao sa kanilang pagganap sa
pinaniniwalaang relihiyon kahit na itoy naiiba sa pinaniniwalaan
mo.
Ang mga miyembro ng ibat ibang relihiyon ay dapat makisali sa
mga makabuluhang usapan upang matutuhan ang mga paniniwala at
gawain ng isat isa.
Ang isang makabuluhang usapan ay dapat humantong sa
pagkakaunawaan at kapayapaan.
Narating mo na ang huling bahagi ng modyul na ito. Binabati kita! Ang
iyong pagiging matiyaga at pagkakaroon ng interes matuto ay nakatulong sa
iyo. Marami ka bang natutuhan sa modyul na ito? Nasiyahan ka ba sa iyong
pagbabasa?
Ang mga sumusunod ay ang buod ng mga pangunahing puntos ng
modyul na ito.
29
Ibuod Natin
Inihahayag ng modyul na ito na:
Ang Kristiyanismo ay isang relihiyong base sa mga pangaral ni
Hesukristo. Ito ang pinakamalaking relihiyong kinikilala sa Pilipinas
at sa buong mundo.
Ang apat na pangunahing sekta ng Kristiyanismo sa Pilipinas ay
ang Katoliko Romano, Protestantismo, Simbahan ng Aglipay,
at ang Iglesia ni Cristo.
Karamihan ng mga Kristiyano ay naniniwalang:
ang Banal na Bibliya (Holy Bible) ay isang basehan ng mga
paniniwala at gawain ng mga Kristiyano;
may nag-iisang Diyos. (Naniniwala ang karamihan sa mga
Kristiyano na ang nag-iisang Diyos na ito ay kinikilala rin bilang
Holy Trinity, na kinakatawan ng tatlong persona: Diyos na
Ama, Diyos na Anak, at Diyos na Espiritu Santo);
ang Diyos ang lumikha ng daigdig at ng unang mag-asawang
Adan at Eba;
noong hindi sinunod nina Eba at Adan ang Diyos, ang kanilang
pagkakasala ay naipasa sa sangkatauhan;
sa pamamagitan ng binyag, ang orihinal na kasalanan ay
nahuhugasan. Ito rin ay nagpapakilala ng ispirituwal na muling
pagkasilang;
si Maria, ang ina ni Hesus, ay isang birheng nagluwal sa Kanya;
si Hesus ay naging tao upang mailigtas ang sangkatauhan mula
sa kasalanan;
lahat ay maaaring buhay nang walang hanggan. Kapag ang tao
ay namamatay, ang kanyang kaluluwa ay pumupunta sa langit o
sa impiyerno;
ang pagsisisi sa kasalanan, pananampalataya sa Diyos,
pagtanggap kay Hesus bilang Diyos at tagapagligtas, at
paggawa ng mabuti sa kapwa ay ang mga paraan upang sila ay
tuluyang mailigtas; at
30
sa Pangalawang Pagbabalik ni Kristo, lahat ng mga nailigtas na
nangamatay na Kristiyano noon at ang mga nabubuhay pang
Kristiyano ay makikiisa kay Kristo at tuluyang mamumuhay
nang walang hanggan.
Ang Islam ay relihiyon na pinaniniwalaan ng mga Muslim. Ang ibig
sabihin ng salitang Islam ay ang pagsuko ng sarili sa kagustuhan ng
Diyos. Muslim naman ang tawag sa taong isinuko ang kanyang
sarili sa kagustuhan ng Diyos.
Sa Islam, si Allah ang kinikilalang diyos.
Si Muhammad ang pangunahing propeta ng Islam at ang huling
tagapaghatid ng mensahe ni Allah.
Ang mga batas ni Allah ay nakatala sa Koran, ang banal na libro ng
mga Muslim. Kasama sa mga batas na ito ang Limang Haligi ng
Islam (Five Pillars of Islam). Ito ay ang pagsasalaysay ng
shahadah, pagganap ng salat limang beses sa isang araw,
pagbibigay ng zakat, at pag-iwas sa pagkain at pag-inom tuwing
Ramadan, at pakikiisa sa hajj kahit isang beses lamang.
Ang mosque ay isang lugar kung saan ang mga Muslim ay
nagtitipun-tipon at nagdarasal nang sabay. Ang tawag naman sa
relihiyosong tagapangasiwang Muslim ay Imam.
Dalawa ang okasyong ipinagdiriwang ng mga Muslim. Ito ay ang
araw pagkatapos ng Ramadan at ang pagsapit ng Hajj.
Ang mga hidwaan sa relihiyon ay nangyayari kung hindi
pinapayagan ng mga tao ang iba na makapagpahayag at isagawa
ang kanilang mga paniniwala.
Kinakailangan mong respetuhin ang paniniwala at relihiyon ng ibang
tao kahit na hindi ka naniniwala dito.
Ang mga miyembro ng ibat ibang relihiyon ay nararapat na
makisali sa mga makabuluhang usapan upang magbigay-daan sa
pagkakakilanlan ng kanya-kanyang paniniwala at gawain.
Ang isang makabuluhang usapan ay magbibigay-daan sa
pagkakaunawaan at kapayapaan.
31
Anu-ano ang mga Natutuhan Mo?
A. Isulat ang letrang K sa patlang kung ang paniniwala o gawain ay
pang-Kristiyano, at isulat naman ang letrang I kung ang paniniwala
o gawain ay pang-Islam.
_____ 1. Si Hesus ay ang nag-iisang anak ng Diyos. Siya ay
naging tao upang mailigtas niya ang sangkatauhan mula
sa kasalanan.
_____ 2. Si Allah ay ang nag-iisang tunay na Diyos. Wala siyang
kasama, asawa, at anak.
_____ 3. Noong hindi sinunod ni Adan at Eba ang Diyos, ang
kanilang kasalanan ay naipasa sa sangkatauhan.
_____ 4. pagdarasal ng limang beses sa isang araw
_____ 5. pagbigay ng pangkawanggawang buwis o charity tax
_____ 6. Sa pamamagitan ng binyag, ang orihinal na kasalanan
ay nahuhugasan.
_____ 7. Ang Diyos ay kinakatawan ng tatlong persona: Ang
Diyos na Ama, Diyos na Anak at Diyos na Espiritu
Santo.
_____ 8. Ang mga batas ng Diyos ay nakatala sa Koran.
_____ 9. pagdalo nang kahit isang beses lamang sa Kaaba
_____10. Ang Banal na Bibliya o Holy Bible ay naghahayag ng
mga Salita ng Diyos.
B. Sagutan ang sumusunod. Paano makakamtan ang kapayapaan at
pagkakaunawaan sa pagitan ng mga taong kabilang sa ibat ibang
grupo ng relihiyon?
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
Ihambing ang iyong sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 34.
32
Batayan sa Pagwawasto
A. Anu-ano na ang mga Alam Mo? (pahina 2)
1. binyag
2. Islam
3. Hesukristo
4. Imam
5. respetuhin
6. Holy Trinity
7. Allah
8. kapayapaan
9. hidwaan sa relihiyon
10. Muhammad
B. Aralin 1
Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan (pp. 1011)
1. Kristo
2. binibinyagan
3. Bibliya
4. Maria
5. orihinal
6. Pangalawang
7. tao
8. Trinity
9. langit
10. Kristiyanismo
33
C. Aralin 2
Magbalik-aral Tayo (pahina 16)
1. Mindanao
2. Muslim
3. Allah
4. Muhammad
5. Koran
Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan (pp. 2021)
D. Aralin 3
Pag-isipan Natin Ito (pahina 24)
1. Wala.
2. Sa tingin ko, kinakailangan kong respetuhin ang mga paniniwala
at mga gawain ng grupo ng ibang relihiyon katulad na rin ng
pamamaraan kung paano nila ako irerespeto.
1
I
S
L
2
R A
3
M A D A N
4
H U M
5
A L L A H
J A
J
6
I M A M
7
M M
8
K O R A N
S D
Q
U
E
34
Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan (pp. 2627)
Ang mga sumusunod na kasagutan ay pawang mga halimbawa
lamang.
1. Unang-una, itatanong ko sa kanila kung ang kanilang mga
pinaniniwalaang relihiyon ay nagtuturo sa mga taong makipag-
away. Sigurado akong walang relihiyon ang nagtuturo nito.
Pagkatapos ay patatahimikin ko sila. Sasabihin ko na
kinakailangang respetuhin nila ang kanilang magkakaibang
paniniwala at gawain. Karapatan ng bawat tao ang maging
malaya sa pagpapahayag at pagtatamasa mula sa kanilang mga
sinasampalatayang relihiyon.
2. Sa tingin ko, may respeto sina Rahman at Danilo sa mga
paniniwala at gawain ng kani-kanilang relihiyon. Siguro, mas
iniisip nila ang kanilang mga magkakahalintulad na interes kaysa
sa kung ano ang kanilang mga pagkakaiba.
E. Anu-ano ang mga Natutuhan Mo? (pahina 31)
A. 1. K
2. I
3. K
4. I
5. I
6. K
7. K
8. I
9. I
10. K
B. Ito ay isang halimbawang sagot lamang. Maaari kang magkaroon
ng sagot na naiiba rito.
Ang kapayapaan at pagkakaunawaan ay makakamtan kung ang
bawat tao ay rumirespeto sa mga paniniwala at gawain ng iba.
Ang mga miyembro ng ibat ibang grupo ng relihiyon ay nararapat
na makisali sa mga usapan upang maibahagi nila ang kanilang mga
paniniwala. Sa isang usapan, hindi nararapat na maging
mapagmataas ang sino mang sumasali rito.
35
Mga Sanggunian
Mahmood, Bint. Allah is One God. <http://216.22.181.137/islam4kids/>.
28 May 2001, date accessed.
Ontario Consultants on Religious Tolerance 2000. Religious Hatred,
intolerance and Other Not So Spiritual Topics. <http://
www.religioustolerance.org/negative.html>. 24 May 2001, date
accessed.