Kabanta 1 Fili

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

KABANATA 1

Rasyunale ng pag-aaral

Sa panahong ginagalawan natin madami nang nangsisilabasang Relihiyon at sa pagdaan

ng panahon nagsisilabasan narin ang kultura at paniniwala ng ibang lahi at Relihiyon.

Balikan natin kung saan nga ba nagsimula ang ating Relihiyon at kultura, nagsimula ito

taong 1521 ng dumaong ang sinasakyang barko nila Ferdinand Magellan sa isang isla

na tinawag nilang “spice island” dahil sa mayamang agrikultura, mga yamang lupa at

tubig, at pati narin mga mineral na kasama rito at sa pagdaan ng panahon ang islang

ito ay tinawag na Pilipinas na kung saan tayo nakatira. Nagsimula ang kristyanismo ng

ibigay ni Ferdinand Magellan ang isang Santo Niño na sya ring imahe ng batang Jesus

kay Juana.

Ang ating bansa ay kilala bilang isang kristyanong bansa na kung saan mahigit sa 72

Porsyento ng ating bansa ang nabinyanag kristyano. Ngunit ano nga ba ibig sabihin ng

Kristiyanismo?

Ang Kristiyanismo ay isang Relihiyong monoteista na nakabatay sa buhay at

pinaniniwalaang mga katuruan ni Hesus na pinaniwalaan ngmga Kristiyano na

isang tagapagligtas at mesiyas ng Hudaismo. Ito ay ang pinakamalaking relihiyon sa

kasalukuyan sa buong daidig na may higit kumulang sa 2.1 bilyong taong kasapi nito.

Ang Kristiyanismo sa simulang kasaysayan nito noong mga maagang siglo nito ay hindi

isang nagkakaisang kilusan ngunit binubuo ng mga pangkat na may mga

magkakatunggaling pananaw na gumagamit ng mga iba't ibang kasulatan. Ang kanon ng

Bagong Tipan (na tinatanggap ng marami ngunit hindi lahat ng Kristiyano sa ngayon)

na nabuo lamang noong ika-4 siglo CE ang kanon na pinagpasyahan ng isang pangkat

1
ng Kristiyano. Sa karagdagan, ang mga kasunduan sa teolohiya ay nabuo lamang sa

mga Unang Pitong Konsilyo na nagsimula lamang noong ika-4 siglo CE kung saan ang

pangkat na nanalo sa mga halalang ito ang naging ortodoksiya. Ang mga konsehong ito

ay sinimulan ni Emperador Constantino upang maabot ang isang pagkakaisa ng mga

magkakatunggaling sektang Kristiyano sa kanyang Imperyong Romano. Sa mga

konsehong ito na kinondena ng nanalong ortodoksiya ang kanilang mga katunggaling

sektang Kristiyano na natalo sa mga halalang ito bilang mga eretiko.

Ang ortodoksiya ang ginawang opisyal na relihiyon ng Imperyo Romano ni

Emperador Theodosius I at kanyang sinupil ang ibang mga sektang Kristiyano gayundin

ang mga relihiyong paganona katunggali ng ortodoksiyang ito. Kalaunan, ang ortodoksiya

ay nagkabaha-bahagi sa iba't ibang mga pangkat dahil sa mga hindi mapagkasunduang

doktrina.

Ang mga pagkakabaha-bahaging ito ay nagpapatuloy pa rin hanggang sa kasalukuyang

panahon dahil sa mga iba't ibang magkakatunggaling interpretasyon tungkol sa tunay na

kalikasan at mga katuruan ni Hesus. Ang mga karamihan sa mga sektang ito ay na

aangkin na sila ang isang totoong simbahang Kristiyano at ang ibang mga sektang

Kristiyano ay hindi totoo.

2
Suliranin ng pag-aaral

Sa kabila ng pagiging kristiyano ng mga pilipino ang bawat isa’y nakararanas ng

suliranin sa pagiging kristiyano. Ang mga problemang ito ay ang sinumang nagsasabi na

nagiging madali ang buhay pagkatapos itong isuko kay Kristo ay tiyak na hindi

nagsasabi ng katotohanan. Ito’y may kasapatan at may kagalakan, ngunit hindi madali.

Ang katotohanan, sa isang banda, nagiging mahirap ang buhay pagkatapos nating

lumapit kay Kristo. Isa sa mga problema ay ang pakikibaka laban sa kasalanan. Ang

katamaran, pagmumura, galit, inggit, pagiging makasarili, pagiging maibigan sa mga

bagay na materyal, kasakiman, kalaswaan, at ang mga tukso ay walang katapusang

realidad. Isa ring problema ng mga kristiyano ay ang pagiging mahirap sa pagiging

krirtiyano sapagkat kailangan nating harapin ang buhay mula sa iba't ibang sistema ng

sanlibutan nang may bagong pananaw mula sa ating Panginoon Diyos. Nabubuhay tayo

sa ilalim na sistema ng mundo na ang pinapahalagahan lamang ay ang sariling

karunungan at noong maranasan natin ang kaligtasan, tayo ay inihiwalay na rin sa mga

bagay at kaparaanan ng mundo. Kahit na binago na ang dati nating pagkatao at mga

hilig, ang pagpapaging-banal ay isang proseso at mahirap na karanasan. Nagbago na

rin ang pagtingin sa atin maging ng ating mga kaibigan; sinisimulan na ring tanungin ng

ating mga kapamilya ang ating mga ginagawa at bagong grupong kinabibilangan.

Pakiramdam nila ay tinatanggihan natin sila, kinagagalitan at hindi ipinagsasanggalang.

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong masagot ang mga sumusunod:

1. Ano-ano ang mga epekto ng pagdating ng kristiyanismo sa ating bansa?

2. Ano ang kahalagahan ng kristiyanismo sa ating buhay?

3. Bakit may mga taong handang mamatay para sa kristiyanismo?

3
Kahalagahan ng pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay di lamang upang makipakita kung saan galing

ang ating Relihiyon o ang ating pagiging kristyano kundi ang pananliksik na ito ay

naglalayong maipahayag ang kahalagahan at ang importansya ng ating Relihiyon sa ating

ginagawalang mundo, ang pananaliksik rin na ito ay naglalayong maipamulat sa kabataan

ang kahalagahan ng ating kultura at Relihiyon kung ilang lahi na ang nakipaglaban

upang maipreserba ito at maipaglaban. Gaya na lamang ng ibang Relihiyon, ang

Kristiyanismo ay naghuhubog sa ating katauhan upang mabuhay sa mundo ng marangal

at mabuti gaya nalang noong nandito pa lamang si Hesus sa lupa. Ang kristiyansimo ay

nakakatulong upang gawing ganap na makalabuluhan ang buhay natin sa pamamagitan

ng pagsasabuhay at pagsunod sa mga aral ni Hesus.

Mahalagang saliksikin natin ang pagiging kristiyano ng mga Pilipino at kung saan ito

nagmula upang malaman natin ang pinagmulan, kasaysayan, at naka-impluwensya ng

kristiyanismo sa mga pilipino. Sinasaliksik ito upang mabigyan ng impormasyon ang mga

ibang mananaliksik na siyang nag-aaral rin ng kultura at Relihiyon ng mga Pilipino noon

at ngayun. Mahalaga rin ito upang malaman natin ang mga iba't ibang paniniwala ng

mga kristiyanong pilipino at dahil rin ito'y may iba't ibang benepisyo sa kultura ng bawat

kristiyano na pilipino. Ang kahalagahan ng pananaliksik na ito ay upang malaman at

mas madagdagan pa ang ating mga kaalaman sa pigiging kristiyano ng mga Pilipino

hindi lang sa mga magsasaliksik nito kundi narin sa mga mambabasa .

Isa rin sa kahalagahan ng pananaliksik na ito ay upang mabigyang pansin ang

kinikilalang Relihiyon at kultura ng ating bansa na minsan na nating naiwan at

pinabayaan. Sininusulong ng pananaliksik na ito ang pagprepreserba at pagpapahalaga di

lamang sa ating Relihiyon kundi narin sa mayamang kulturang iniwan sa atin ng ating

mga ninuno.

4
Batayang Konseptwal

Input Process Output

Ang mga Pilipino noong Nang dumating ang mga Tayo’ng mga Pilipino ay

sinaunang panahon ay wala kastila sa ating bansa nagkaroon ng isang

pang sariling relihiyon, sila tuluyan na nila tayong masasabing relihiyon na

ay sumasamba sa kung naimpluwensyahan ng syang impluwensya satin ng

sino-sinong diyos-diyosan, kanilang relihiyon na kung kastila, at sa pagdaan ng

noon din ay may sari-sarili tawagin ay “Kristiyanismo”. panahon ang tayo ang

silang pangkat na kung nagging ganap na ibang


Sa pagdating nila mas
saan sila’y hinati-hati nito. nilalang sa tulong ng
nagkaroon tayo ng
Noon ay wala pa silang bautismo, at sa pagdaan ng
pagkakataon na magkaisa
tradisyon na sinusunod na panahon ibang-iba na ang
at nagkaroon ng
kung saa’y sa inaraw-araw mga Pilipino noon sa
pagkakataon na mas lalo
na ginawa ng may likha ay ngayun natuto na tayong
pa nating linangin ang ating
may kanya-kanya silang lumaban at magkaisa,
kaalaman at mas lalong
ginagawa at natutunan din nating
malaman ang importansya
pinagkakaabalahan. pahalagahan ang mga
ng ating bansang
bagay na nasa paligid natin
Ang mga tao noo’y walang ginagawalan sa kasalukyan.
at ipaglaban ang ating
tiyak na landas na tinatahak
bayang ginagawalan.
at walang sapat na

kaalaman sa mga bagay na

nasa paligid nila at kung

gaano kayaman ang

kanilang lupang

ginagawalan.

5
Saklaw at deliminasyon ng pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa paglalahad ng mga positibo at paniniwala ng

pagiging isang kristiyano ng mga Pilipino sa mga tao na gustong magkaroon ng

kaalaman patungkol sa paniniwala at ugali ng isang Kristiyano. Naipahayag ang pag

aaral na ito sa mga taong may kagustuhang malaman ang adhikain, paniniwala at kung

anong merong pag uugali ang mga Kristiyano. Hinahangad din ng pag aaral na ito na

magkaroon ng sapat na kaalaman sa mga iba pang relihiyon at pananaw sa

pagkakaiba ng mga kaugalian ay paniniwala. Sa huli, mas binigyang pansin at linaw

nito ng mga mananaliksik ang nasabing talakayin upang mas magkaroon ng ideya ang

mga kristiyano at ang iba pang relihyon patungkol sa paniniwala ng bawat katauhan.

Limitado lamang ng mga mananaliksik na ito ang mga estudyanteng kristyano na

nagaaral sa paaralang muslim. Lubos na pinaniniwalaan ng mga mananaliksik na sa

kasalukuyang panahon ay masagot o matutuldukan na ang mga katanungan at

mabigyan na ng sapat na impormasyon lalo na ngayon na ang numero ng mga datos

ng mga estudyanteng muslim na nagaaral sa paaralang muslim ay patuloy na tumataas.

6
Pagbibigay kahulugan ng mga salita

Adhikain -Layunin

Monoteista -naniniwala sa iisang diyos lamang

Mesiyas -pinili / taga pag ligtas

Kulisan -mamamayan

Nanghuhubog -bumuo / humigis

Maipahayag -naipapakita

7
KABANATA 2

Kaugnay na Literatura

Sinasabi sa 1 Corinto 15:1-4 “At ngayo'y ipinaaalala ko sa inyo mga kapatid ang

mabuting balita na ipinangaral ko sa inyo. Iyan ang ebanghelyo na inyong tinanggap at

nagging saligan ng inyong pananampalataya. Sa pamamagitan nito'y naliligtas kayo kung

matatag kayong nananangan sa salitang ipinangaral ko sa inyo. Liban na nga lamang

kung kayo'y sumasampalataya na di iniisip ang inyong sinasampalatayanan sapagkat

ibinigay ko sa inyo itong pinakamahalagang aral na tinanggap ko rin. Si Kristo'y

namatay dahil sa ating mga kasalanan, bilang katuparan ng nasasaad sa kasulatan.

Inilibing Siya at muling nabuhay sa ikatlong araw, ayon din sa kasulatan.”

Iyan ang pinaniniwalaan ng mga Kristiyano. Kakaiba ang Kristiyanismo sa lahat ng

relihiyon sapagkat ang mensahe ng Kristiyanismo ay mas nakatuon sa relasyon kaysa

sa mga ritwal na pang-relihiyon. Sa halip na magpa-alipin sa listahan ng mga dapat at

hindi dapat gawin, ang layunin ng isang Kristiyano ay linangin ang kanyang malapit na

kaugnayan sa Diyos Ama. Naging possible ang naturang relasyon dahil sa ginawa ni

Hesu Kristo at sa gawain ng Banal na Espiritu sa buhay ng isang Kristiyano.

Naniniwala ang mga Kristiyano na ang Bibliya ay hiningahan ng Diyos at walang

pagkakamali at ang itinuturo ng Bibliya ay pinal at sakdal. (2 Timoteo 3: 16; 2 Pedro

1:20-21) Naniniwala ang mga Kristiyano sa iisang Diyos sa tatlong persona, Ang Diyos

Ama, Diyos Anak (si Hesu Kristo) at ang Banal na Espiritu.

Naniniwala ang mga Kristiyano na nilalang ng Diyos ang tao upang magkaroon ng

aayos na relasyon sa Kanya, subalit nahiwalay ang tao sa Diyos dahil sa kasalanan.

8
(Roma 5:12; Roma 3:23) Itinuturo ng Kristiyanismo na nagkatawang tao ang ating

Panginoong Hesu Kristo dito sa mundo, at Siya'y tunay na Diyos at tunay na Tao

(Filipos 2:6-11) at namatay sa krus. Naniniwala din ang mga Kristiyano na matapos an

kanyang pagkamatay sa krus, inilibing si Hesus, nabuhay na mag-uli at ngayo'y nasa

kanan ng Diyos Ama at patuloy na namamagitan para sa mga mananampalataya.

(Hebreo 7:25) Inihahayag ng Kristiyanismo na sapat na ang kamatayan ni Hesu Kristo

sa krus upang ganap na mabayaran ang kasalanan ng sangkatauhan. Ito rin ang

nagpanumbalik sa nasirang relasyon ng tao sa Diyos (Hebreo 9: 11-14; Hebreo 10: 10;

Roma 6:23; Roma 5:8).

Upang maligtas ang isang tao, kinakailangang ilagak niya ng buong-buo ang kanyang

pananampalataya sa natapos na gawain ng pagliligtas ni Hesus sa krus. Ang sinumang

nagtitiwala na namatay si Hesus bilang kahalili niya sa krus ay maliligtas, sapagkat

binayaran ni Hesus ang kaparusahan ng kanyang mga kasalanan. Walang magagawa

ang sinuman para makamit ang kaligtasan sa kanyang sariling kakayahan. Walang

sinuman ang maituturing na mabuti. Wala rin ni isa, na ang sariling pagsisikap ang

nagging dahilan upang malugod ang Diyos sa kanya sapagkat lahat ay nagkasala

(Isaias 64: 6-7; Isaias 53: 6) Pangalawa, wala nang dapat gawin pa, sapagkat ginawa na

lahat ni Hesus ang gawain ng pagliligtas. Noong si Hesus ay nasa krus sinabi Niya

“Naganap Na” (Juan 19:30).

Dahil walang nagawa ang sinuman upang makamit ang kanyang kaligtasan, wala ring

magagawa ang sinuman para maiwala ang kanyang kaligtasan, kung taos-puso siyang

tumanggap at inilagak ang kanyang buong pagtitiwala sa ginawa ni Hesus sa krus.

Dapat nating tandaan na ang Gawain ng pagliligtas ay tinapos na ni Hesus.

9
Ang kaligtasan ay hindi nakasalalay sa taong tumanggap nito. Sinasabi sa Juan 10: 27-

29, “Nakikinig sa Akin ang aking mga tupa, nakikilala Ko sila at sumusunod sila sa

Akin. Binibigyan ko sila ng buhay na walang hanggan at kailanma'y di sila

mapapahamak. Hindi sila maagaw sa Akin ninuman, ang Aking Ama na nagbigay sa

kanila sa Akin ay lalong dakila sa lahat at hindi sila maagaw ninuman sa aking Ama.”

Maaaring isipin ng isang tao na dahil siya'y ligtas na, magagawa na niya ang lahat ng

kanyang gustong gawin dahil hindi na mawawala sa kanya ang kanyang kaligtasan.

Subalit ang kaligtasan ay hindi lisensya upang gawin lahat ng bagay na gusto nating

gawin. Ang kaligtasan ay kalayaan sa dati nating makasalanang Gawain at kalayaang

ipagpatuloy ang tamang relasyon sa Diyos. Ang kaligtasan ay siya mismong panlaban

ng Kristyano sa kasalanan. Ngunit habang ang mga mananampalataya ay nabubuhay pa

dito sa mundo, patuloy ang kanilang pakikipaglaban sa kasalanan. Ang pamumuhay ng

tao sa kasalanan ay siyang sagabal sa kanyang pakikisama sa Diyos. At habang ang

isang mananampalataya ay patuloy na gumagawa ng kasalanan, hindi niya matatamasa

ang kasiyahang dulot ng pakikisama niya sa Diyos. Samantala, maaaring

mapagtagumpayan ng isang Kristiyano ang kanyang kasalanan sa pamamagitan ng

pagaaral at pagsasabuhay sa Salita ng Diyos (Ang Bibliya), sa pagpapakontrol sa Banal

na Espiritu at sa pagsunod sa Kanyang pagtuturo at paggabay sa araw-araw niyang

pamumuhay.

Habang maraming relihiyon ang nagtuturo na ang tao ay nararapat sumunod sa mga

dapat gawin at umiwas sa mga bagay na hindi dapat gawin upang maligtas, ang

Kristiyanismo naman ay nagtuturo na ang pagkakaroon ng relasyon sa Diyos ang daan

sa kaligtasan. Ang Kristiyanismo ay ang paniniwala na namatay si Hesus sa krus bilang

10
kabayaran ng mga kasalanan, at Siya’y nabuhay na mag-ulit at muling babalik isang

araw. Ang ating mga kasalanan ay binayaran na ni Hesus, dahil dito makakasama na

natin ang Diyos sa langit. Maaari kang makaahon sa iyong makasalanang kalagayan at

lumakad sa katwiran dahil sa pagsunod sa Diyos. Iyan ang totoong Kristiyanismo.

11
Kaugnay na pag-aaral

Sa gitna ng mga kaganapan sa ating pang-araw-araw na buhay sa pagdaloy ng

panahon, hindi natin maitatanggi ang mahalagang gampanin ng ispiritwalidad at relihiyon

sa ating buhay bilang isang bansa. Sa katunayan, ayon sa mga paham na sikolohista

tulad nina Jung at Maslow, kinakailangang ikonsidera ang ispiritwalidad at relihiyon

upang lubusang maunawaan ang isang tao (Hill et al. 2000). Ilang pananaliksik na rin

sa Kanluran ang nagpapakitang tuwing nahaharap sa mga problema, sinasabing may

mahalagang papel ang mga ispiritwal na salik sa pagresolba nito (Rippentrop 2005; Gall

et al. 2005; Corrigan et al. 2001), na karaniwang nakikita ring ginagawa ng mga

Pilipino. Isang pangkaraniwang Gawain na rin ngayon ang ipaloob ang ispiritwalidad sa

counseling at therapy ng mga counselor at sikolohista (Cashwell et al. 2001;

Constantine et al. 2000; Hickinson et al. 2000; Helminiak 2001; Marquis et al. 2001;

Young et al. 2000). Sa makakanluraning literatura, madalas iniuugnay ang ispiritwalidad

sa relihiyon, ngunit sa ngayon, tinitingnan na ang kaibahan ng dalawa (Zinnbauer et al.

1997). Ayon kina Hill (2000), galing ang ispiritwalidad sa salitang Latin na “spiritus” na

ang ibig sabihin ay hininga o b uhay. Madalas iniuugnay ang ispiritwalidad sa konteksto

ng relihiyon at mga ritwal sa ilalim nito na nararanasan at ipinapahayag ng marami

(Zinnbauer et al. 1997; Hill et al. 2000). Tumutukoy rin ang ispiritwalidad sa “sagrado”

bilang isang tao, bagay o isang prinsipyo o konsepto na nilalagpasan ang sarili (Hill et

al. 2000). Pinapakahulugan din ang ispiritwalidad bilang isang personal at pansariling

aspeto ng relihiyosong karanasan (Hill at Pargament 2003).

Iba naman ang pagpapakahulugan sa relihiyon kumpara sa ispiritwalidad. Ayon kina Hill

(2000), “galing ang relihiyon sa ‘religio’ na ang ibig sabihin ay pag-iisa ng sangkatauhan

sa ibang kapangyarihan na higit pa sa tao.” Karaniwan nang sinasabing ang relihiyon

12
ay may isang pormal na istruktura na may sistema ng paniniwala, gawain, at makitid

na kahalintulad ng mga relihiyosong institusyon (Zinnbauer et al. 1997; Corrigan et al.

2003; Hill at Pargament 2003). Hanggang sa kasalukuyan, wala pa ring

napagkakasunduang kahulugan ng ispiritwalidad at pagkarelihiyoso (Zinnbauer et al.

1997; Hill et al. 2000). Mapapansing halos hindi na mapag-alaman ang kaugnayan ng

dalawang konseptong ito sa isa’t isa. Dinagdag pa nina Zinnbauer (1997) na kahit na

magkaiba ng dalawang ito, hindi masasabing wala silang kinalaman sa isa’t isa. Bilang

buod, ayon kina Hill (2000), “ang ispiritwalidad ay isang sentral at mahalagang gamit ng

relihiyon.”

Sa pag-aaral ng ispiritwalidad, hindi ito maiihiwalay sa pagkataong Pilipino kung saan

Magkakaugnay ang katawan at kaluluwa, at ang loob at labas (Salazar 1977; Alejo

1990; Jose at Navarro 2004). Sa sinaunang panahon, matibay ang pagkabuklod ng

kaluluwa at katawan na siyang nagdudulot ng kaginhawaan bagama’t taliwas ito sa turo

ng Kristiyanismo kung saan makakamit lamang ang kaginhawaan sa kabilang buhay

(Salazar 1977; Jose at Navarro 2004). Nakikita sa kalinangan nating maaaring matamo

ng tao ang kaginhawaan sa buhay na hindi naihihiwalay ang kaluluwa at katawan. Sa

pagpapakatao, napakahalaga ng ispiritwalidad dahil sa ating pagpapakatao nasasalamin

ang ating pakikipag-ugnayan sa Diyos (De Mesa 2010). Para kay Covar, ang

ispiritwalidad ng mga Pilipino ang paglalakip ng mga pagkatao at paniniwala at

paghahanap ng karunungan ng Diyos ang siyang itinuturing ng mga Pilipinong

pinakamahalaga kumpara sa paghahanap ng karunungan ng tao at pilit na karunungan

(Covar 1998; Aquino 1999). Ang mga pagpapahalagang Pilipino gaya ng hiya, utang na

loob, at pakikisama ay matagal ng natuklasan at natalakay sa mga popular na

debosyon sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas (Mercado 1977). Samakatwid, hindi

maihihiwalay ang ispiritwalidad sa kalinangan, kamalayan, at sikolohiya ng mga tao, pati

13
na rin sa pagpapakatao. Sa ating konteksto sa Pilipinas, tila magkaugnay ang konsepto

ng ispiritwalidad at relihiyon. Matutunghayan ditong karaniwang makikita ang ispiritwalidad

sa konteksto ng relihiyon at sa mga ritwal na nakagisnan na ng mga Pilipino.

Binigyang-diin na nina Enriquez (1994), Covar (1998) at Obusan (1998) na bago pa

man masakop ng iba’t ibang relihiyon ang Pilipinas, mayroon nang mga paraan ang

ating mga ninuno sa pakikipag-ugnayan sa mga hindi nakikita na kasalukuyang

tinatawag nating relihiyon, na tinawag naman ng mga mananakop bilang mga pamahiin,

pagiging pagano, at iba pang natutuon sa isang Pinakamataas ng Nilalang. Ayon kay

Mercado (1992), personal ang tradisyunal na imahe ng Diyos sa mga Pilipino tulad ng

makikita sa iba’t ibang debosyon na mayroon ang mga Pilipino. Nakaugat ang mga

kasalukuyang relihiyosong ritwal sa anitismong tradisyon ng kulturang Pilipino (Mercado

1977; Covar 1998). Isang labis na personal na karanasan ang ispiritwalidad ng

Pilipinong na hindi lamang makikita sa mga relihiyosong gawain kundi sa pang-araw-

araw na buhay gaya ng mga debosyon na makikita halos sa buong taon.

Ayon kay Mercado (1992), personal ang tradisyunal na imahen ng Diyos sa mga Pilipino

tulad ng makikita sa iba’t ibang debosyong mayroon ang mga Pilipino. Nakaugat ang mga

kasalukuyang relihiyosong ritwal sa anitismong tradisyon ng kulturang Pilipino (Mercado 1977;

Covar 1998). Nabanggit na ni Salazar (1998, makikita sa Aquino 1999) ang halaga ng anito

dahil itinuturing niya itong sinaunang relihiyon na kung saan itinuturing itong purong kaluluwa,

espiritu, at diyos na may magandang ugnayan ang kaluluwa at ginhawa. Dagdag niya, isang uri

ito ng pananampalataya na nakita sa mga pamayanan kung saan magkaakibat ang wika at

kultura. Makikita natin mula sa mga nasusulat tungkol sa ispiritwalidad nating mga Pilipino na

tila personal ang ating karanasan ng ispiritwalidad na hindi lamang makikita sa mga

relihiyosong gawain kundi sa pang-araw-araw na buhay gaya ng mga debosyong makikita halos

sa buong taon dahil nasa kultura at pagkatao na natin ito mula pa ng sinaunang panahon. Sa

14
pagbabago ng panahon at dahil sa pagpapanibagong dulot ng relihiyon, inaangkop na rin dito

ang mga nakagisnang paniniwala at ritwal. Ayon kay Mercado (1977), nagiging matingkad ang

pagiging mapamili ng kultura at kung paano binibigyan ng ibayong anyo at mukha ang mga

ritwal na ibinigay ng Kristiyanismo. Bagama’t may mga naidulot na pagbabago sa pag-iisip ng

mga tao ang Kristiyanismo gaya ng kaugnay sa sekswalidad (Jose at Navarro 2004), naging

matingkad pa rin ang pagpapaibayo ng mga tao sa pagpapatuloy ng mga nakagisnang ritwal at

nakagawiang anitismo na naayon sa sariling kalinangan. Binigyan nila ng panibagong mukha

ang Kristiyanismong nakaugat sa sinaunang kalinangan. Ang pag-unawa sa Diyos ng mga

Pilipino ay nagkaugat sa kalinangan. Ika nga ni De Mesa (2010), lagi tayo dapat nagsisimula sa

karanasan ng Diyos lalung lalo na sa Pilipino dahil bahagi na ng kulturang Pilipino ang

pananalig sa Diyos. Para sa kanya, hindi nakabase ang pagkakaunawa natin sa Diyos sa

“ontos” na siyang basehan ng makakanluraning paniniwala bagkus mas angkop ang salitang

“dabar” na kung saan binibigyan ng halaga ang ugnayan sa kausap. Para kay De Mesa (2010),

“dahil nakabatay sa ating pag-unawa ng karanasan sa Diyos ang pag-intindi natin sa iba’t ibang

larangan ng pananampalataya, anumang pagbabago ang magaganap sa una ay malamang

na magbibigay-daan sa pagbabago sa ikalawa. Magkaakibat at kawing-kawing ang mga

ito.” Samakatwid, kahit sa larangan ng Teolohiya, inaangkop na nila ang pag-unawa kay

Kristo base sa paniniwala ng kalinangang bayan. Sinabi ng dating Santo Papang si

John Paul II noong ipinagdiriwang ang World Youth Day, na ang dakilang pangyayaring

ito sa mundo at simbahan ay tinatawag na mga Pilipino (De Quiros 1998). Kilala ang

mga Pilipino bilang isang bayang may kakaibang kasanayan at tradisyon sa kultura

gaya ng karamihan sa mga pagdiriwang sa simbahan tulad ng Pasko at Mahal na Araw

kaya naman hindi nakapagtataka kung bakit marami rin tayong paraan ng pagpapahayag

ng pagkarelihiyoso. Tuwing Mahal na Araw, maraming tao ang nagpepenitensya sa

pamamagitan ng pagpalo sa sarili upang ipakita ang pagsisisi sa kanilang kasalanan at

walang pahintulot ng simbahan ang gawaing ito. Sa kabilang dako, mas pinipili ng ilang

15
debotong Pilipinong magtungo sa mga tinatawag nilang Banal na lugar tulad ng Bundok

ng Banahaw. Ayon kay Covar (1998), mga banal na lugar sa paglipas ng maraming

henerasyon ang mga puwesto sa Banahaw. Kinikilala ng mga Pilipino bilang banal ang

pawang mga bahagi lamang ng kalikasan tulad ng mga kuweba at mga ilog. Sa buong

taon, naririyan din ang mga popular na debosyon tulad ng sa Nazareno, Sto. Entierro,

at Sto. Nino.

Sa likod ng pagkarelihiyoso ng mga Pilipino, mapapansing tila nakatatak na rito ang

ispiritwalidad. Sa Kanluran, hindi gaanong malinaw ang kaugnayan ng ispiritwalidad at

pagkarelihiyoso kahit na marami na ring pag-aaral ang nagawa ngunit tila pagdating sa

kontekstong Pilipino mukhang malinaw ang pagkakaugnay ng dalawa. Mahalaga ang

gampanin ng kultura sa pag-aaral ng ispiritwalidad dahil malaki ang kaugnayan nito sa

ispiritwalidad at kalusugang mental ng isang tao (Hill at Pargament 2003). Nilayon ng

pag-aaral na itong masuri at mailarawan ng mas malaliman ang mga paniniwala at

pagpapakahulugan sa ispiritwalidad at relihiyon ng mga Pilipino.

16
KABANATA 3

Disenyo ng pananaliksik

Ang naisagawang pananaliksik ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng

pananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ngunit napili ng mga

mananaliksik na gamitin ang Descriptive Survey Research Design, na gumagamit ng

talatanugan (survey questionnaire) para makalikom ng mga datos. Naniniwala ang mga

mananaliksik na angkop ang disenyong ito para sa paksang ito sapagkat mas

mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa maraming respondente.

Ginamit ng mga mananaliksik ang deskriptibong paraan ng pananaliksik. Sa maraming

uri ng deskriptibong pananaliksik, ang napiling gamitin ng mga mananaliksik ay ang

Descriptive Survey Research Design. Ang nasabing uri ng deskriptibong pananaliksik ay

gumagamit ng survey questionnaire o talatanugan sa pagkuha ng iba’t ibang datos.

Para sa mga mananaliksik, ang disenyong ito ang pinaka-angkop na gamitin para sa

pag-aaral ng kanilang paksa dahil mas maraming datos ang makukuha mula sa

maraming mga respondente.

17
Respondente

Ang napili naming respondete sa aming pananaliksik ay ang Grade 11 ABM-04A.

Instrumento ng pananaliksik

Ang instrumentong gagamitin ng mga mananaliksik sa pagkuha ng mga datos ay

talatanungan na ipapamahagi at pasasagutan ng mga respondante. Tinataglay nito

ang mga tanong kung gaano nga ba kahalaga sakanila ang pagiging kristiyano ng mga

Pilipino at ang ating kulura.

18
BIBLIOGRAPHY

https://tl.wikipedia.org/wiki/Kristiyanismo

https://tl.wikipedia.org/wiki/Kristiyanismo

https://brainly.ph/question/549925#readmore

https://www.gotquestions.org/Tagalog/Kristiyanismo.html

https://www.gotquestions.org/Tagalog/pagiging-kristiyano.html

https://www.google.com.ph/amp/s/www.wattpad.com/amp/394454122

http://1emidcommerce.blogspot.com/2010/03/disenyo-ng-pananaliksik_23.html

http://www.academia.edu/16536434/ISANG_PAGLILINAW_SA_MGA_PANINIWALA_AT_PAG
PAPAKAHULUGAN_SA_ISPIRITWALIDAD_AT_RELIHIYON_NG_MGA_PILIPINO

19

You might also like