Sinaunang Sayaw NG Pilipinas
Sinaunang Sayaw NG Pilipinas
Sinaunang Sayaw NG Pilipinas
Ang Tinikling ay
ang sayaw na
pambansa sa
Pilipinas.
Pinangalan itong
sayaw na ito sa
ibong Tikling na
katutubo sa
Leyte. Iniilagan ng mga nagsasayaw ang haligi na kawayan kagaya ng
pagilag ng mga tikling sa magsasaka ng palay kapag hinuhuli sila. Mabilis
na mabilis ang kilos ng mga paa ng mga nagsasayaw.
Maglalatik:
Ang Maglalatik ay ang digmang sayaw na katutubo sa Binan at Laguna.
Gumagamit ng bao ng niyog ang mga nagsasayaw. Kanilang inilalagay ito
sa likod, dibdib, balakang at hita. Pumapalo sila sa mga bao ng niyog
ayon sa tugtog ng Maglalatik.
Pandanggo sa Ilaw
Ang sayaw na Pandanggo sa Ilaw ay katutubo sa Lubang at Mindoro.
May tatlong tinggoy ang nagsasayaw na babae. Maninimbang siya ng
isang tinggoy sa ibabaw ng ulo at dalawang tinggoy sa mga kamay, pero
hindi humahawak ang daliri ng mananayaw. Para sayawin ang pandanggo
sa ilaw ng mananayaw, kailangan niya ng magandang bikas at mahusay
na pinambang.
Sayaw sa Bangko:
Ang pangakit na Sayaw sa Bangko ay katutubo sa Pangapisan, Lingayen, at Pangasinan.
Sumasayaw ang mga pareha sa ibabaw ng mga bangko. Maliit na maliit ang mga bangko
at dahil doon dapat maingat na maingat ang mga nagsasayaw.
KURATSA
ito sayaw na nangaling sa Bohol. Subalit kilala din sa mga ILokano. Ito
ay katamtamang estilo ng waltz. Dito ang mananayaw ay ginagaya
ligawan ng mga kabataan.
KAMPILAN
ANG kampilan ay gaya sa sandata ng mga taga-Turkey, isang gilid lamang ang matalim
at walang tulis na pantusok sa dulo. Ang gamit ng mga Mindanao ay kaiba sa kampilan
ng mga taga-Ternate, mas malaki at mas mabigat kaya hindi sinusukbit sa baywang,
pinapasan na lamang sa balikat nang walang takip.
Mapanganib kahit na sa may hawak kung hindi marunong gumamit, sinadya ng mga
Mindanao na makapatay ang kampilan nila sa isang hampas lamang, hawak sa 2 kamay
- isa sa hawakan at isa sa gilid na walang talim. Dahil sa laki at bigat, matagal - baka
masaksak pa ng sibat ng kalaban - bago maitaas ang kampilan upang ihampas uli sa
kalaban.
BANGANG MANUNGGUL
Bangang Manunggul. Ang banga ng Manunggul ay isa ring sisidlang inilaan sa
ikalawang paglilibing. Sa takip nito ay naka-ukit ang bankang sakay ang dalawang tao
kung saan ang nasa huli ay may hawak ng sagwan. Pinaniniwalaang ang mga sakay ay
larawan ng mga kaluluwang naglalakbay patungo sa kabilang buhay. Ang naturang banga
ay natagpuan ni Dr. Robert Fox at Miguel Antonio sa Kweba ng Lipuun sa Quezon,
Palawan noong 1962, kasabay ng pagkaka-tuklas sa tao ng Tabon. Tinatayang ginawa ang
banga sa taong 890-710 B.C.
BARO'T SAYA
Ang Baro't Saya ay ang pambansang kasuotang pambabae ng Pilipinas na binubuo ng
manipis at binurdahang pang-itaas, at palda o saya na makulay at kadalasang guhitan.
Gamit ang bakya bilang sapin sa paa, ang mga kababaihang nagsusuot nito ay may hawak
ding abaniko upang gawing pantakip sa kanilang mukha o kaya'y sa kanilang dibdib. Ang
pagsusuot nito ay alinsunod sa utos ng mga Espanyol na takpan at damitan ang hubad na
katawan ng mga katutubo, lalo na ng mga kababaihan, sa kanilang pagdaong sa bansa.
TALIPTIP NA BATO
Nilikha ng sinaunang tao ang mga kagamitan mula sa bato na nagtapuan niya sa tabing
ilog. Ang taliptip at kobol ang mga kaunaunahang kasangkapang ginawa niya noong
Kapanahunang Palyolitik (Panahon ng Lumang Bato). Ito ay ginamit niyang kutsilyo at
pangkayod.
Ang taliptip na bato ay kasangkapan na ginamit ng sinaunang Pilipino ng Kapanahunang
Bato hanggang sa Unang bahagi ng Kapanahunang Metal. Ang kasangkapang ito ay
nililuk sa pamamagitan ng pagpukpok sa gitna ng bato ng martilyong bato o sa
pagpukpok na may buto o tabla sa pagitan ng martilyong bato at ng batong gagawing
kasangkapan. Ang taliptip ay maari ring gawin sa pamamagitan ng paggamit ng lakas o
diin. Tinatapyas ng manggagawa ang maliliit na taliptip sa kasangkapang bato sa
pamamagitan ng buto o kahoy. Sa pamamaraang ito matatantya ang hugis at sukat ng
bawat piraso. Ang mga kasangkapang taliptip ay ginagamit na kutsilyo, pangkayud at iba
pang kagamitan.
PANA AT PALASO
Pana at palaso ang sandata ng mga Negritos. Madali kasi gawin, kahit saan puwede kunin
ang mga materyales sa paligid, at madali rin matutunan at bitbitin, angkop na angkop sa
kanilang pamumuhay. at pangangaso. Nilalagyan ng lason ang mga palaso kaya lubhang
mapanganib. Kahoy ang tulis ng palaso subalit napakatigas, kaya hindi nila kailangan ang
bakal.
YUNGIB / KWEBA
Ang yungib o kuweba ay mga likas na butas na may sapat na laki at lawak na maaaring
pasukin ng tao at hayop. Lungib o alkoa ang tawag sa mga yungib na nasa ilalim ng mga
anyo ng tubig. Kabilang dito ang mga groto. Isang halimbawa nito ang Kuwebang Tabon
sa Palawan, Pilipinas. Tinatawag namang kaberna ang isang malaking kuweba.
BAHAY KUBO
Ang bahay kubo ay isang katutubong bahay na ginagamit sa Pilipinas. Ang katutubong
bahay ay gawa sa kawayan na itinatali na magkasama, na may isang binigkis na bubong
gamit ang dahon ng nipa / anahaw .
Ang bahay kubo ay ang kauna-unahang bahay ng mga katutubong Pilipino bago
dumating ang mga Espanyol. Sila ay ginagamit pa rin sa araw na ito, lalo na sa mga
mabukid na lugar. Parisukat ang hugis ng mga sinaunang bahay kubo. Ang mga ito ay
may apat na dingding at may isa o dalawang silid. Ang mga dingding nito ay yari sa
kahoy at pawid,o kawayan at pawid. Ang iba naman ay ginagamitan ito ng kogon sa halip
na pawid. Ang haligi ay yari sa malalaki at matitigas na kahoy. Ang mga ito ay nakabaon
nang may tatlong talampakan ang ilalim sa lupa at nakapatongsa malaking patag na bato.
Nilalagyan din ng bato ang paligid ng haligi upang maging matatag ito. Mga maiikling
poste na umaabot sa sahig ang inilalagay sa ilalim ng bahay bilang dagdag suporta.
BALANGAY
Ang Balangay ay ang pinakamatanda at pinakaunang sasakyang pandagat na nahukay sa
buong Timog Silangang Asya. Kilala rin bilang bangka ng Butuan , ang sinaunang
sining na ito ay isang matinding ebidensiya ng kahusayan ng sinaunang Pilipino , gayon
din ng kanilang layong makapaglakbay sa ibayong dagat.
BAHAY SA PUNO
Ang bahay sa puno- Nung unang panahon ng nagtungo ng bundok ang mga Negrito at nanirahan dito
ay natutong umakyat sa mga puno. Isa sa mga nagawa ng kanilang sibilisasyon ay paglalagay ng
kanilang bahay sa taas ng puno. Sinasabing natutunan nila ito sa mga ibon. Karamihan ay gusto ang
bahay sa puno dahil ligtas sila sa baha at panganib na dulot ng kalamidad at mababangis na hayop sa
paligid. Ang ibang bahay naman ay itinatayo sa taas ng malalaking punongkahoy. Ang hagdan ay
nahihila paitaas kung gabi at naibababa sa kinaumagahan. Ginawa nila ito marahil upang hindi
madaling masalakay ng mga kaaway.