2nd P.T. Filipino G8

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO II

S.Y. 2013-2014
Pangalan: _____________________
_______

Antas: ___________

Iskor:

I.
Piliin ang tamang titik ng tamang sagot.
1. Ang tinaguriang ama ng maikling kuwento.
a. Rogelio R. Sikat
c. Severino Reyes
b. Deogracias A. Rosario
d. Liwayway Arceo
2. Ang itinuturing na Ama ng Sarsuwela.
a. Rogelio R. Sikat
c. Severino Reyes
b. Deogracias A. Rosario
d. Liwayway Arceo
3. Paano lubusang lumaganap ang maikling kuwento sa Panahon ng
Komonwelt?
a. Nagkaroon ng samahan ng mga manunulat na tinawag na Panitikan.
b. Nagkaroon ng paghihimagsik sa mga dayuhang manunulat.
c. Naglunsad ng mga makabagong pag-aaral sa pagsulat.
d. Ginawang instrumento ang pahayagang La Solidaridad ng mga kuwentista.
4. Itinawag ni Alejandro G. Abadilla na pagsasalaysay ng isang sanay.
a. Salaysay
c. talumpati
b. Komposisyon
d. sanaysay
5. Bakit ang sanaysay ay may pinakakaunting bilang ng sumusulat at
bumabasa?
a. Malayo ito sa damdamin ng madla
c. Dahil nagmula ito sa ibang bansa
b. Napakahirap nitong gawin
d. Ang paraan ng paglalahad ay hindi
tinatangkilik.
6. Paano naiiba ang sanaysay sa iba pang akdang tuluyan?
a. Ito lamang ang may pangunahing tauhan na naaapi subalit lumalaban.
b. Mayroon itong isahang yugto.
c. Tumutugon ito sa interes ng buhay, sa panitikan at iba pang sining.
d. Ito ay maaaring pormal dahil nagbibigay ng impormasyon at pamilyar dahil
nang-aaliw.
7. Bahagi ng kuwento na nagbibigay ng pinakamasidhi o pinakamataas na
kapanabikan o interes sa mambabasa?
a. Kakintalan
b. kasukdulan
c. kakalasan
d. wakas
8. Ano ang tawag sa mga pahayag o ideyang hindi lantad o hayag ang
kahulugang nais iparating ng mga manunulat sa maikling kuwento?
a. Simbolo
b. pahiwatig
c. kakintalan
d. larawang-diwa
9. Isang uri ng panitikan na nasa anyong tuluyan na ipinahahayag ang sariling
kaisipan, kuro-kuro, saloobin at damdamin na kinapupulutan ng aral.
a. Sanaysay
b. Salaysay
c. Tula
d. Balagtasan
10.Ito ay isang sangay ng panitikan na masining ang pagkakalikha upang
mabisang makintal sa isip at puso ng mambabasa ang mga pangyayaring
nakapaloob dito.
a. Balagtasan
b. maikling kuwento
c. dula
d.
kuwentong bayan
11.Ito ay isang uri ng tulang patnigan na may pagtatalo.
a. Balagtasan
b. duplo
c. karagatan
d. karilyo
12.Dahilan kung bakit isinunod ang balagtasan kay Francisco Baltazar?
a. Bilang alaala sa kaniyang kadakilaan.
b. Bilang parangal sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.
c. Upang lalo siyang tangkilikin ng mga manunulat.
d. Sapagkat siya ang pinakamahusay na manunugma noong kaniyang
kapanahunan.
13.Ito ay biglaang debate ng lalake at babae ng mga taga-Cebu.
a. Balitao
b. Batutian
c. Duplero
d. Siday
14.Sila ang pinakamagaling na mambabalagtas noong kanilang kapanahunan.
a. Jose Rizal at Andres Bonifacio
c. Francisco Baltazar at Jose
dela Cruz
b. Juan Luna at Antonio Luna
d. Jose Corazon de Jesus at
Florentino Collantes
15.Dahilan kung bakit tinawag na Huseng Batute si Jose Corazon de Jesus.
a. Siya ang tagapamagitan sa mga manunugma.
b. Mahilig siyang magsulat ng balagtasang hindi pormal.

c. Pinakamahusay siyang mambabalagtas sa kaniyang kapanahunan.


d. Pagbibigay-galang ito sa kaniya.

II. Mula sa Walang sugat ibuod ang pangyayari ayon sa pagkakasunud-sunod.


Isulat ang titik mula A hanggang E sa puwang.
_____16. Naisipan ni Julia na tumakas at pumunta sa kinaroroonan ni Tenyong.
_____17. Matapos ang kasal ay bumangon si Tenyong at ang lahat ay napasigaw ng
Walang Sugat
_____18. Ipinagkasundo ni Juana si Julia kay Miguel.
_____19. Ibinilin ni Tenyong na darating siya sa araw ng kasal ni Julia.
_____20. Sinulatan ni Julia si Tenyong at ibinalita ang pagkamatay ni Kapitan Putin at
pagpapakasal niya kay Miguel.
III. Basahin at unawain ang sumusunod na bahagi ng teksto upang masagot ang
kasunod na mga tanong.
Bago tayo magsimulay akin munang ninanais
Na batiin kayong ditoy naliliping matahimik.
Nanalig akong kayo ay mayroon ding pananalig
Na ang taoy nabubuhay na may layot panaginip;
Datapuwat sa ano mang hangad nilat iniibig,
Ay mayroong mag-uudyok; o kaya ay umuugit;
Kung minsay ang ating puso, at kung minsan ay ang isip,
Kaya naman ibat iba ang wakas na nasasapit.
Hango sa Alin ang Dapat Maghari sa Tao, ang Puso at
Pag-ibig o ang Isip at Katuwiran? ni Bartolome del Valle

21.Anong uri ng panitikan ang binasa?


a. Balagtasan
b. haiku
c. liriko
d.
tanaga
22.Sino kaya ang nagsasalita sa hinangong akda?
a. Persona
b. Lakandiwa
c. Tagapagtanggol d. Tagatutol
23.Anong sukat mayroon ang akda?
a. Wawaluhin
b. lalabindalawahin c. lalabing animin d. lalabingwaluhin
24.Anong paksa kaya ang pagtatalunan sa akda?
a. Kalakasan at kahinaan
c. pag-aaral o pag-ibig
b. Kayamanan at karalitaan
d. puso at isip
25.Alin ang pagpapakahulugan sa puso batay sa mga saknong na binasa?
a. Pagkain
b. kayamanan
c. pag-ibig
d.
karangalan
26.
Anong bahagi ng pananalita ang salitang matahimik?
a. Pangngalan
b. panghalip
c. pang-uri
d. pandiwa

Tony:
P. Abena:
Tony:
P. Abena:
Tony:
P. Abena:

P. Abena:
Lahat:
Tony:

: Padre, posible po bang magkaroon ng dalawang ama-amahan?


: Bakit hindi? Mabuti ngang gayon at maraming titingin sayo. Pagdating
naman ng araw ay magugustuhan din ng tatay mo ang mangyayari.
: (Mapapalakas ang tinig) Utang na loob, Padre. Sinabi ko na seyong
wala akong Tatay!
: Ikaw ang masusunod, anak. Alam kong alipin ka pa ng iyong
nasugatang damdamin. May lambong ka pa ng karimlangA, di na nga
bale. Maiba ako, malalim bang naging sugat mo, Tony?
: Sabi ng doctor e di naman daw napinsala ang aking bituka.
: Mabuti kung gayon. Buweno, huwag kang masyadong maggagalaw at
nang hindi dumugo. (Sa bahaging itoy aalingawngaw ang isang
malakas na pagpapagibik buhat sa ibang panig ng ospital. Matatahimik
ang lahat at makikinig sa narinig Tubig! Tubig! Mamamatay nako sa
Uhaw! Tubig!)
: Diyan nga muna kayo at titingnan ko lang kung sino ang napagibik na
yon (Susundan ito ng alis)
: Adyos, Padre.
: (Sa sarili) Ke bait niya. Salamat at nagkaroon ang bilibid ng paring
tulad niya. Matutupad din ang pangarap kong makapag-aral kung sakali.
-Halaw sa akdang Sinag sa Karimlan
Ni Dionisio S. Salazar

27.Utang na loob, Padre. Sinabi ko na seyong wala akong Tatay! ang pahayag
na ito ni Tony ay nagpapahiwatig ng _____________.
a. Pagngingitngit ni Tony sa ama
c. pagtatampo ni Tony ke Padre Abena
b. Pagkagalit ni Tony sa kalagayan niya d. pagkaasar ni Tony sa pangalang
binanggit
28.Ang pandiwang maysalungguhit sa pangungusap na Diyan nga muna kayo
at titingnan ko lang kung sino ang napagibik na yon. ay nasa aspektong
___________.
a. Perpektibo
c. imperpektibo
b. Kontemplatibo
d. perpektibong katatapos
29.Ano ang tawag sa anumang usapan sa pagitan ng dalawa at maraming mga
tauhan sa loob ng isang dula.
a. Usapan
b. diyalogo
c. salitaan
d. eksena
30.Sino ang kinikilalang bida sa isang akdang pampanitikan?
a. Antagonista
b. ekstra
c. kontrabida
d.
protagonist

Ilang dantaong tayo ay napasakamay ng mga dayuhan. Naghirap at nagtiis.


Ngayon, napasakamay na natin ang kalayaan at tinagurian na tayong malaya; subalit
malaya na nga ba tayo? Unang hampas ang naramdaman mo nang ikaw ay
hagupitin ng mga mananakop. Masidhing kirot ang dumapo sa iyo noon, at naganap
ang unang latay sa iyong katawan. Ilang dantaon na ikaw ay nilagyan ng tanikala,
pinagdusa sa sarili mong bayan, pinaranas ng kalupitan, at paulit-ulit na pinapatay.
Nagpasalamat ka sa mga puti nang silain nila ang iyong mananakop. Subalit nagkamali
ka dahil sila pala ang papalit, ang pangalawang hampas. Muling bumahid sa iyong
katawan ang latay, ikalawang latay na sa buong akala moy din a masusundan. Pinilit
ka pa nilang palitan din ng Ingles ang wika mo gayong iyan ang inihandog sayo ng
iyong Inang-bayan. Iyon ay di mo matanggap kaya lalong hinigpitan nila ang iyong
tanikala.
Dumating ang pangatlong latay, mas mabagsik, mas matindi kung humagupit
kaya lalong namilipit ang iyong katawan. Sa panahong iyon ka dinusta pati na ang
iyong lupang sinilangan. Iyon ang nagpabuhay ng iyong dugo kaya ikaw ay bumangon
at lumaban sa mga tampalasang yumapak sa iyong bayan. Walang takot kang humarap
sa kanila hanggang malagot mo ang tanikalang gumapos sa yo sa loob ng apat na
raang taon. Ngayon, ikaw nga ay malaya na, wala na ang panlalait, wala na ang
pandurusta, wala na ang paghihirap at wala na ang tanikala. Lumaya lamang ang iyong
katawan subalit naiwan sa likod mo ang mga latay na tumimo sa iyong isip. Malaya ka
na nga sa salitang malaya, isang tunay na Pilipino sa bayang Pilipinas. Subalit, ang kilos
mo, ang kaugalian at ang iyong kaisipan. Ahhhanggang ngayon ay mababakas pa
31.Anong uri ng panitikan ang binasang seleksiyon?
a. Tula
b. nobela
c. maikling kuwento
d. sanaysay
32.Anong kalayaan ang tinutukoy sa akda?
a. Politiko
b. mananakop
c. kahirapan d. pagpapahayag ng
saloobin
33.Wala na ang panlalait, wala na ang pandurusta, wala na ang paghihirap at
wala na ang tanikala. Ano ang sinisimbolo ng salitang may salungguhit?
a. Bilangguan
b. kalayaan
c. sakit sa katawan d. kadena
34.Sino ang mga puti na tinutukoy sa akda?
a. Amerikano
b. Hapon
c. Espanol
d. Tsino
35.Sino ang kausap ng manunulat sa akda?
a. Dayuhan
b. Pilipino
c. namumuno sa pamahalaan d. kabataan
36.Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng pagsang-ayon?
a. Lumaya lamang ang iyong katawan subalit naiwan sa likod mo ang mga
lantay na tumimo sa iyong isip.
b. Malaya ka na nga sa salitang malaya, isang tunay na Pilipino sa bayang
Pilipinas.
c. Subalit, ang kilos mo, ang kaugalian at ang iyong kaisipan.
d. Ahhhanggang ngayon ay mababakas pa ang mga latay ng iyong kahapon.

37.Ayon sa akda, bakit lalong hinigpitan ng mga puti ang tanikala sa mga
Pilipino?
a. Dahil sa pagpipilit na palitan ang wikang inihandog ng Inang Bayan na
malaon nang ginagamit
b. Upang lalong tanggapin ang mga dayuhan sa kanilang pananakop sa bansa
c. Sapagkat hindi matanggap ng mga Pilipino ang wikang Ingles na pilit na
ipinapalit sa sariling wika
d. Dahil unti-unti na tayong nakalalaya na ayaw naman nilang mangyari.
38.Bakit natutong lumaban ang Pilipino sa ikatlong mananakop?
a. Dahil mas matindi ang pagpapahirap ng ikatlong mananakop.
b. Upang ipakita na may taglay ring katapangan ang mga Pilipino.
c. Sapagkat manhid na ang mga Pilipino sa latay na dumadapo sa kanilang
katawan.
d. Dahil maging ang lupang sinilangan ang Pilipinas, ay hinahamak na rin
ng mananakop.
39.Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagiging malaya mula
sa mga dayuhan sa kasalukuyan?
a. Pagtangkilik sa sariling produkto kaysa sa mga gawang dayuhan
b. Pagpapahayag ng sariling opinyon laban sa ibang bansa
c. Pagtangkilik sa produktong dayuhan upang masabing in
d. Pag-aaral sa wika ng mga dayuhan na makatutulong sa sariling pag-unlad

Ang matandang babae ay di nakasagot. Babae palibhasa at ina ng


nagtatanong na dalaginding, ay natarok na kapagkaraka ang lagay ng
kalooban ng kaniyang anak. Si Irene ay hindi nga sasalang ginugulo noon
ng mga suliranin ng puso. Umiibig, di sasalang siyay umiibig.
Hindi, ang tiyak na sagot.
Nang makilala mo ba si Tatang, ang patuloy na tanong, ay may
naramdaman ka bang pintig sa loob ng dibdib?
Oo!
Ipinagtapat mo bas a iyong Inang?
Oo!
E ano ang sinabi sa iyo?
Nagalit, kinagalitan akong mabuti at sinabing di sasalang akoy
may iniibig na lalaki. Akoy kaniyang pinagbalaan. At pinagsabihang kapag
akoy nag-asawa ay kaniyang papatayin.
Ay, ano ang naging sagot mo?
Akoy nangako, sinabi kong ang lalaking aking nakilala ay aking
isusumpa.
Kung gayoy bakit mo naging asawa si Tatang?
Sapagkat. . . ang pag-ibig ay isang damdaming sintigas ng bato na
di nadudurog sa hampas ng alon, hindi natitinag sa kinalalagyan,
mamatay mabuhay, laging sariwa.
A, kaya pala!
Kaya palang ano?
Kaya pala lagi nang kakaba-kaba ngayon ang aking dibdib.
Ang ina ay napahagulgol ng iyak nang ganap na maunawaan ang
ibig sabihin ni Irene.
Hango mula sa Ang Dalaginding
Ni Iigo Ed. Regalado
40.Ang tinutukoy na dalaginding ay mga babaeng nasa edad _____________.
a. 10-12
b. 13-15
c. 16-18
d. 19-21
41.Ang salitang sariwa ay halimbawa ng _______.
a. Pangngalan
b. panghalip
c. pandiwa
d. pang-uri
42.Ang pag-ibig ay isang damdaming sintigas ng bato. Ang salitang may
salungguhit ay nasa anyo ng pang-uri na ________.
a. Payak
b. lantay
c. pahambing
d.
pasukdol
43.Akoy kaniyang pinagbalaan. At pinagsabihang kapag akoy nag-asawa ay
kaniyang papatayin. Alin sa sumusunod ang pinakamalapit na
interpretasyon ng binasang pahayag?

a. Ang magulang ay gagawin ang lahat masakop lamang ang anak maging sa
pag-ibig.
b. Hindi nakauunawa ang magulang sa damdamin ng mga taong umiibig kahit
pa nga ito ay kaniyang anak.
c. Takot ang magulang maiwanan ng anak sa pag-aakalang hindi na sila
aalagaan sa kanilang pagtanda.
d. Ayaw ng magulang na umibig ang anak sa murang edad pa lamang.
44.Inilarawan ang pag-ibig sa akda sa pamamagitan ng ___________.
a. Pagpapaliwanag sa kahulugan nito
c. pagsasalaysay sa karanasan
ng tauhan
b. Paghahambing gamit ang tayutay
d. pagpapahayag ng sariling
karanasan
45.Kaya pala lagi nang kakaba-kaba ngayon ang aking dibdib. Ano ang
mahihinuha sa pahayag na ito ni Irene?
a. Laging may takot na nadarama si Irene kapag kausap ang ina.
b. Hindi na nakadarama ng kapayapaan si Irene dahil sa mga kagalit.
c. Si Irene ay nagsisimula ng umibig.
d. Bunga ng sakit ang kabang nadarama ni Irene.

Nagkatuwaan ang mga bata sa pagtatampisaw sa baha. Ito ang pinakahihintay


nilang araw mula ng magkasunud-sunod ang pag-ulan. Alam nilang kapag itoy
magpatuloy sa loob ng tatlong araw ang lansangang patungo sa laruan ay lulubog. At
ngayon, ay ikalimang araw nang walang tigil ang pag-ulan.
Ilang maliit na bata ang nagpapalutang ng mga bangkang papel, nariyang
tinatangay ng tubig, naroong sinasalpok at inilulubog, nariyang winawasak.
Sa tuwing ako ay makakakita ng bangkang papel ay nagbabalik sa aking gunita
ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking
bangkang papel na hindi niya napalutang sa tubig kailanman.
Sa karimlay pinalaki niya ang dalawang mata, wala siyang, makitang ano man
maliban sa isang makitid na silahis.
Dali-dali siyang nagbangon at pakapa-kapang sumisik sa pagitan ng kapatid at
ng kanyang kausap. Idinaan niya ang kanyang kamay sa pagitan ng baywang at bisig
ng ina. Naramdaman niya ang bahagyang pag-angat ng kaliwang bisig niyon. Ang
kanang kamay nooy ipinatong sa kanyang ulo at pabulong na nagsalita Siya matulog
ka na.
Ang mukha ng kanyang ina ay nakita ng batang higit na pumuti, kaysa rati.
Ngunit ang mga mata nooy hindi pumipikit, nakatingin sa wala.
Kaya nga bat sa tuwi akong makakita ng bangkang papel ay nagbabalik sa
aking gunita ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumagawa ng tatlong
malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang kailanman.
-halaw sa Bangkang Papel ni Edroza Matute
46.Ang katangian ng batang lalaki sa akda ay ________.
a. Mapagmahal
b. palaasa
c. mayabang
d.
mapangarapin
47.Sa Karimlay pinalaki niya ang dalawang mata, wala siyang makitang ano
man maliban sa isang makitid na silahis. Ang damdaming inilalarawan ay
_____________.
a. Pagkatakot
b. pagkagitla
c. pag-unlad
d.
paghahangad
48.Batay sa akda, ang bangkang papel ay sumasagisag sa _____________.
a. Pag-asa
b. pangarap
c. pag-unlad
d. paghahangad
49.Ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa kuwentong binasa at
tinatawag na __________.
a. Banghay
b. tema
c. pananaw
d.
damdamin
50.Nagsimula ang akda sa pamamagitan ng _________.
a. Kilos at galaw ng tauhan
c. tagpuan at kapaligiran
b. Tagpuan at banghay

You might also like