LAS Q4 Linggo-1 Module-1

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

LEARNING ACTIVITY SHEET (LAS) SA FILIPINO 9

Ikaapat na Kuwarter – Linggo Blg. 1


Noli Me Tangere ni Dr. Jose P. Rizal

I. Paksa: Kaligirang Pangkasaysayan ng Nobela at Kabanata 1-7

II. Mga Kasanayan


1. Batay sa napakinggan, natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa
pamamagitan ng: pagtukoy sa layunin ng may- akda sa pagsulat nito, pag-isa-
isa sa mga kondisyon ng lipunan sa panahong isinulat ito pagpapatunay sa
pag-iral pa ng mga kondisyong ito sa kasalukuyang panahon sa lipunang
Pilipino. F9PN-IVa-b-56
2. Natutukoy ang mga kontekstuwal na pahiwatig sa pagbibigay-kahulugan.
F9PT-IVa-b-56
3. Nailalahad ang sariling pananaw, kongklusyon, at bisa ng akda sa sarili at sa
nakararami.
4. Natutukoy ang kahalagahan ng bawat tauhan sa nobela. F9PN-IVc-57

III. Pagpapakilala ng Aralin


A. Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere

Enero 2, 1884. Iminungkahi ni Dr. Jose Rizal sa kaniyang mga kababayang


natitipon sa Madrid ang pagsulat ng nobelang tatalakay sa mga pangyayaring
nagaganap sa Pilipinas.

Ang aklat na Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beecher Stowe na tumatalakay at


kinapapalooban ng mga pagmamalabis at pagmamalupit ng mga puting Amerikano
sa mga negrong Amerikano ay nagbunsod sa damdamin ni Rizal upang sumulat ng
nobelang naglalarawan sa mga kalupitang dinaranas ng Pilipinas sa kamay ng mga
Kastila.

Ito ay iminungkahi niya sa kaniyang mga kababayan na sina Maximo, Pedro,


Antonio Paterno, Graciano Lopez Jaena, Evariste Aguirre, Eduardo de Lette, Julio
Llorente at Valentin Ventura. Dapat sana ay susulat ang mga ito ng mga bahagi ng
nobela subalit ang lahat ng ideya at plano ay nauwi sa wala. Kahit na sa mga
pagkabigong iyon, hindi nawalan ng pag-asa si Dr. Jose Rizal. Siya ay nagpatuloy
upang maisagawa ang pagsulat ng nobela kahit pa wala siyang katuwang na
kababayan.

Bago natapos ang taong 1884, nasimulan na ni Rizal ang pagsulat sa Madrid
at natapos niya ang pagsulat ng unang kalahati sa nobela. Sa Paris, isinulat niya at
natapos ang ikatlong kapat na bahagi ng nobela. Ang huling ikaapat na bahagi ng
nobela ay isinulat niya at tinapos sa bansang Alemanya.

1
Disyembre 1886. Taglamig sa Berlin, patuloy na tinatapos ni Rizal ang
kaniyang nobela kahit na siya ay salat sa lahat ng pangangailangan at sa salapi upang
maipalimbag ang kaniyang nobela. Sa gitna ng karamdaman, kasalatan at
pagdarahop halos nawalan na ng pag-asa si Rizal na kaniyang maipalilimbag ang
nobela. Ang mga bagay na ito ay kaniyang isinulat sa kaibigang si Fernando Canon.

“Hindi ako naniniwala na ang Noli Me Tangere ay mapalalathala nang ako ay


nasa Berlin, duhagi ang aking puso, nanghihina at nasisiraan ng loob dahil sa gutom,
karamdaman at kahirapan. Ako’y nasa puntong nais nang itapon ang bunga ng aking
pagsisikap sa ningas na tulad ng isang isinumpang bagay sa nararapat lamang
mamatay at maglaho,” ayon kay Rizal.

Sa gitna ng gayong kalagayan isang pagpapala ang dumating sa buhay ni


Rizal. Isang kaibigang taga San Miguel, Bulacan sa katauhan ni Dr. Jose Maximo
Viola ang tumulong sa kanya upang maipalimbag ang Noli Me Tangere.

Pebrero 21,1887 nang natapos sulatin ni Rizal ang Noli Me Tangere at


naipalimbag noong Marso 27,1887 sa Imprenta Lette. May kabuuang 2,000 sipi ang
naipalimbag sa halagang 300 piso.

Gawain 1
Panuto: Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

_____ 1. Ang pagsulat ng nobelang tumatalakay sa kalagayan ng Pilipinas ay


pinangunahan ni ____________.
A. Andres Bonifacio C. Jose P. Rizal
B. Graciano Lopez Jaena D. Marcelo Del Pilar

_____ 2. Ang aklat na nagbunsod kay Dr. Jose Rizal upang sumulat ng nobelang
naglalarawan sa malupit na karanasan ng kaniyang kababayan.
A. Les Miserables C. The Wandering Jew
B. Noli Me Tangere D. Uncle Tom’s Cabin

_____ 3. Nabigo si Rizal na tulungan ng kaniyang mga kababayan sa


pagsulat ng nobela subalit siya’y hindi nawalan ng pag-asa kaya ______.
A. Itinigil ang pagsusulat ng nobela.
B. Pinag-isipan ang desisyon sa pagsulat.
C. Nagpatuloy na isagawa ang pagsusulat.
D. Humingi siya ng tulong sa ibang manunulat.

_____ 4. Natapos ni Rizal ang pagsulat ng Noli Me Tangere sa bansang _____.


A. Alemanya C. Italya
B. Europa D. Paris

_____ 5. Siya ang tumulong upang maipalimbag ang Noli Me Tangere.


A. Fernando Canon C. Maximo Viola
B. Ferdinand Blumentritt D. Valentin Ventura

2
B. Kahulugan ng Noli Me Tangere

Ang Noli Me Tangere ay mula sa salitang Latin na nangangahulugang “Huwag


mo akong salingin.” Ito ay hango sa Bibliya sa Juan 20:17, ang pagkikita nina Maria
Magdalena at Jesus nang Siya ay muling nabuhay.

Ginamit ni Rizal ang mga katagang ito upang ilarawan ang isang matinding
sakit na napakakirot tulad ng kanser. Ganito inilalarawan ng bayani ang kalagayan ng
Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila na gaya ng sakit na kanser na
unti-unting nagpapahirap, nagpapasakit, at pumapatay sa tao.

Ang kanser ng lipunan na unti-unting pumapatay sa Pilipinas gaya ng


pagmamalabis ng mga prayle, ng mga maykapangyarihan sa mga Pilipinong
tinatawag nilang Indio at hindi itinuring na Pilipino sa kanilang sariling bayan. Ito ay
ang sakit ng lipunan na nangangailangan ng mabilisang pagsugpo upang maisalba
ang nalalapit na kamatayan ng Pilipinas at ng mga taong tunay na isinilang sa bayang
ito. Kaya nga ang Noli Me Tangere ay inihahandog ni Dr. Jose Rizal sa Inang Bayan.

Gawain 2:
Panuto: Punan ng angkop na salita ang patlang upang mabuo ang kaisipan ng
pangungusap.

1. Ang nobelang isinulat ni Rizal para sa Pilipinas ay pinamagatang ________.


2. Ang pamagat ng nobela ay nangangahulugan ng ________ na hinango sa
Bibliya.
3. Ang kalagayan ng Pilipinas noong pananakop ng Kastila ay inihalintulad sa
sakit na ________.
4. Ang kanser ay tumutukoy sa sakit ng ________ na nararanasan ng Pilipino
noong panahon ng pananakop.
5. Inihandog ni Jose Rizal ang nobela para sa ________.

C. Kahalagahan ng Pag-aaral ng Noli Me Tangere

Mahalaga ang pag-aaral ng nobelang Noli Me Tangere kaya inihanda ni


Senador Jose P. Laurel Sr. ang Batas Republika Blg.1425 na tinatawag na Batas Rizal
na pinagtibay noong Hunyo 12, 1956.
Itinatadhana ng batas na ito na isama sa kurikulum ng lahat ng paaralan sa
bansa upang pag-aralan ang buhay ng pambansang bayani at ang mga akdang
isinulat ni Dr. Jose P. Rizal lalo na ang kaniyang nobelang Noli Me Tangere at El
Filibusterismo.
Layunin ng batas na ito na matutuhan ng mamamayang Pilipino ang
pagpapahalaga sa nasyonalismo na ipinakita ni Rizal hanggang sa kaniyang
kamatayan. Sa pag-aaral ng akda ni Jose P. Rizal ay nabibigyang parangal ang
pambansang bayani at iba pang mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa pagtamo
ng kalayan ng bansa. Sa pamamagitan nito naipapaalala sa mga Pilipinong mag-aaral
ang mithiin at pagpapakasakit ng kanilang kabayanihan.
Ang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay nagtuturo ng pag-
ibig sa bayan na dapat maitanim sa mga murang isipan ng kabataan. Sinasabi ng
saligang batas ng Pilipinas na ang bawat paaralan ay dapat linangin ang

3
kagandahang-asal, pagkakaroon ng disiplina sa sarili, may damdaming pangsibiko at
ituro ang tungkulin ng pagkamamamayan ng bawat Pilipino. Sa ganitong paraan ay
lalong pinagtibay ang Batas Rizal.

Gawain 3
Panuto: Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

_____1. Ito ang batas na nagtatalaga na isama sa kurikulum ng paaralan ang pag-
aaral ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
A. Batas Bonifacio C. Batas Jaena
B. Batas Del Pilar D. Batas Rizal

_____2. Makikita ang pagsasakatuparan ng batas sa _______.


A. kurikulum ng paaralang Asyano
B. kurikulum ng paaralan sa Pilipinas
C. kurikulum ng edukasyong pambayan
D. kurikulum ng mga kabataang Pilipino

_____3. Ano ang layunin ng Batas Rizal?


A. Maitanim sa mga kabataan ang nasyonalismo
B. Mapag-aralan ng mga kabataan ang kasaysayan
C. Mapaunlad ng mga kabataan ang pag-aaral ng nobela
D. Mapahalagahan ng mga kabataan ang ating mga bayani

_____4. Sila ang nabibigyang parangal sa tuwing pinag-aaralan ang akda ni Rizal.
A. mga bayani C. mga manunulat
B. mga mamamahayag D. mga sundalo

_____5. Ito ang pangunahing dapat maitanim ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo


sa isipan ng mag-aaral.
A. pagmamahal sa bayani C. pag-ibig sa bayan
B. pagmamalasakit sa kapwa D. pagpapahalaga sa edukasyon

D. Maikling Talambuhay ng Manunulat

Isang pagpapala sa lahing Pilipino ang magkaroon tayo ng pambansang bayani


na si Dr. Jose Protacio Rizal Mercado Y Alonzo Realonda. Ipinanganak siya sa
Calamba, Laguna noong ika-19 ng Hunyo, 1861.
Maituturing na nagmula sa pamilyang mayaman si Dr. Jose P. Rizal. Ikapito
siya sa labing-isang magkakapatid na anak nina Francisco Mercado Rizal at Teodora
Alonzo Realonda. Ang kaniyang ama na si Don Francisco ay ipinanganak sa Biñan,
Laguna na isang magsasaka ng tubo at katiwala ng malawak na lupain. Ang kaniyang
ina na si Donya Teodora ay isinilang sa Maynila ng may mataas na pinag-aralan na
bihira sa kababaihan nang mga panahong iyon.
Sa gulang na tatlong taon si Jose ay tinuruan nang bumasa at magdasal ng
kaniyang ina. Naranasan niya ang kauna-unahang pagluha nang namatay ang
kaniyang kapatid na babae. Ginising ng kaniyang ina ang hilig niya sa panulaan kaya’t
sa gulang na walo ay nakasulat siya ng tula sa Tagalog na nauukol sa kahalagahan
at pag-ibig sa wika na may pamagat na “Sa Aking Mga Kabata”.

4
May tatlong dahilan kaya napiling pambansang bayani si Jose Rizal. Una, siya
ang kuna-unahang Pilipinong umakit upang ang buong bansa magkaisang
maghimagsik sa mga kastila. Ang layunin ni Rizal ay magtamo ng reporma. Ikalawa,
si Rizal ay huwaran ng kapayapaan na nagustuhan ng mga Pilipinong likas na tahimik
at ayaw ng taong mapusok. Ikatlo, Ang mga Pilipino ay sentimental o maramdamin
kaya’t ang pagiging api ni Rizal sa kamay ng mga kastila mula sa hukumang militar,
tungo sa Bagumbayan hanggang sa paglilibing sa kanya sa sementeryo ng Paco ay
akmang–akma sa pagiging maramdamin ng mga Pilipino.
Matagal nang panahon bago barilin si Rizal sa bagong bayan noong Disyembre
30, 1896 ay marami na sa kaniyang kaibigan at kasamahan ang humanga at
nagpatibay sa kaniyang katalinuhan, matayog na hangarin at pagmamahal sa bayan.
Pinatunayan ni Bonifacio ang paghanga kay Rizal kaya isinugo ang mga kasamahan
upang akitin ang bayani na mamuno ng katipunan.

Gawain 4
Panuto: Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

_____ 1. Kailan isinilang si Dr. Jose P. Rizal?


A. Hunyo 19, 1861 C. Hunyo 20, 1861
B. Hulyo 19, 1861 D. Hulyo 20, 1861

_____ 2. Sino ang mga magulang ni Dr. Jose P. Rizal?


A. Francisco Mercado Realonda at Teodora Alonzo Rizal.
B. Francisco Mercado Rizal at Teodora Alonzo Realonda.
C. Francisco Mercado Rizal at Teodora Realonda Alonzo.
D. Francisco Rizal Mercado at Teodora Alonzo Realonda.

_____ 3. Saan ipinanganak si Dr. Jose P. Rizal?


A. Bagumbayan C. Calamba
B. Biñan D. Maynila

_____ 4. Saang lugar binaril si Dr. Jose Rizal?


A. Bagumbayan C. Maynila
B. Biñan D. Paco

_____ 5. Ito ang dahilan ng unang pagluha ni Rizal.


A. pagkakulong ng ina C. pagkabulag ng kaniyang ina
B. pagkamatay ng kapatid D. pangangamkam sa kanilang lupa

_____ 6. Aling katangian ni Dr. Jose Rizal ang hinahangaan ng mga Pilipino?
A. simbolo ng pagkakaisa C. labis na pagmamahal sa bayan
B. huwaran ng kapayapaan D. maagkumbaba sa lahat ng pagkakataon

_____ 7. Ang labis na pagmamahal ni Rizal sa bayan ay naging dahilan ng paghanga


ni Bonifacio upang ___________.
A. gawing huwaran C. suportahan ang katipunan
B. magtanggol sa bayan D. akitin na pamunuan ang katipunan

5
_____ 8. Ano ang ikalawang dahilan kaya napling bayani si Jose Rizal?
A. Ang mga Pilipino ay sentimental o maramdamin kaya’t ang pagiging api
ni Rizal sa kamay ng mga kastila mula sa hukumang militar,
B. Si Rizal ay huwaran ng kapayapaan na nagustuhan ng mga Pilipinong
likas na tahimik at ayaw ng taong mapusok
C. siya ang kuna-unahang Pilipinong umakit upang ang buong bansa
magkaisang maghimagsik sa mga kastila.
D. Pinagkakatiwalaan siya ng mga kaibigan niya at kapwa Pilipino.
_____ 9. Anong samahan ang itinatag ni Jose Rizal nang umuwi siya sa Pilipinas
noong Hunyo 18, 1892?
A. La Solidaridad
B. samahan ng mga katipunero
C. La Liga Filipina
D. El Filipina
____10. Saan paaralan nakapagtapos siya ng Batsilyer sa Agham?
A. Unibersidad ng Santo Tomas
B. San Juan de Letran
C. Ateneo de Manila
D. Unibersidad ng Pilipinas

E. Pagbasa sa nobelang Noli Me Tangere: Kabanata 1 – 7


Unawaing mabuti ang kabanata upang makilala nang lubos ang katangian ng
mga tauhan, maunawaan ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari at
mabigyang-kahulugan ang mga pahiwatig.

Gawain 5
Panuto: Itala ang mahahalagang pangyayari sa buhay ni Don Rafael sa tulong ng mga
susing salita sa loob ng kahon.

Artilyero at Bata Padre Damaso

Mga Karanasan
ni Don Rafael

Mga Abogado Lihim na kaaway

Gawain 6

6
Panuto: Piliin at isulat ang letra ng wastong sagot sa tapat ng bawat bilang.

1. Sa loob ng 7 taon, namasid ni Ibarra na ang lugar ay ________.


A. unti-unting nabago ang paligid
B. maraming tao ang abalang-abala
C. patuloy na umuunlad at nagbabago
D. walang pagbabago at tulad pa rin ng dati

2. Ito ang huling tagubilin ni Don Rafael sa anak na si Crisostomo.


A. Mag-aral nang mabuti at magsilbi sa bayan.
B. Huwag siyang alalahanin at magsaya lamang.
C. Magiging abala sa pag-aasikaso ng kaso niya.
D. Magiging abala na siya at naghabilin na mag-aral nang mabuti.

3. Pinarunggitan ni Padre Damaso sa pulpito ang lalaking di-nangungumpisal.


Ano ang ipinahihiwatig ng pangyayaring ito?
A. Ayaw tanggapin ng kura sa simbahan ang makasalanan.
B. Hindi tuwirang tinukoy ng pari ang pangalan ni Don Rafael.
C. Ipinaparating sa lahat ang di-pangungumpisal ni Don Rafael.
D. Ipinapaalam sa nagsisimba ang tungkulin sa pangungumpisal.
4. Alin sa sumusunod ang HINDI naglalarawan kay Don Rafael?
A. Kapos sa pinag-aralan tulad ng mga Indio.
B. Higit na mabuti kaysa sa mga di-nangungumpisal.
C. Tumutulong sa mga tao upang may matirahan at makain.
D. Kinakalinga ang lahat ng Espanyol na nangangailangan.

5. Siya ang pinaratangang erehe at filibustero kaya tuluyang nabilanggo.


A. Don Crisostomo Ibarra C. Kapitan Tiago
B. Don Rafael Ibarra D. Tenyente Gueverra

6. Ang karanasan ng matandang lalaki sa gunita ni Ibarra ay _______.


A. Nakikipag-usap sa mga panauhin sa piging.
B. Binawian ng buhay nang makasama ang anak.
C. Naghihingalo habang binabanggit ang isang pangalan.
D. Nakulong dahil hindi nangungumpisal kay Padre Damaso.

7. Ang binata at matandang lalaki sa gunita ni Ibarra ay _______.


A. Siya at si Don Rafael
B. Siya at si Padro Damaso
C. Siya at si Don Santiago
D. Siya at si Tenyente Guevarra

8. Naging balisa si Crisostomo Ibarra mula nang _______.


A. Maiwan niya ang ama sa bilangguan.
B. Magkaroon ng kaso ang sariling ama.
C. Makasabay ang Tenyente sa paglalakad.
D. Malaman ang karanasan ng ama sa bilangguan.

7
9. Alin sa mga pangyayari ang nakikita ni Ibarra sa kaniyang gunita na naglalarawan
sa ama?
A. Mga kabataang nagkakasayahan sa isang pista.
B. Lalaking naghihingalo habang kasama ang binatang anak.
C. Maruming silid na may lalaking nahihirapang huminga.
D. Tinatawag ng matandang Tenyente ang pangalan ni Ibarra.

10. Maraming pinagkaabalahang pagkakakitaan o negosyo si Kapitan Tiago maliban


sa _______.
A. paupahang bahay para sa mga dayuhan
B. naghahatid ng pagkain sa mga bilanggo
C. pangangalakal ng opyo kasama ang mangangalakal na Tsino
D. kontrata sa kabayo sa iba’t ibang pangunahing bahay sa Maynila

11. Siya ang pinakamayamang negosyanteng kaibigan at nakipagkasundo kay


Kapitan Tiago sa pagpapakasal sa kani-kanilang anak.
A. Don Crisostomo Ibarra C. Kapitan Heneral
B. Don Rafael Ibarra D. Kapitan Tiago

12. Maraming ginawa sina Donya Pia at Kapitan Tiyago upang mabiyayaan sila ng
anak maliban sa _______.
A. uminom ng gamot at nagpaalaga sa manghihilot.
B. nag-abuloy, nagdasal at dumalaw sa Birhen ng Caysasay
C. sumayaw sa Obando sa kapistahan ni San Pascual Bailon
D. pagsasayaw sa prusisyon sa katanghalian sa harap ng Birhen ng Turumba

13. Sa pag-uusap nina Ibarra at Maria Clara, naalaala nila ang _______.
A. mga nakilalang kababaihan ni Ibarra
B. mga alaala ng kanilang kamusmusan
C. pamamalagi ni Ibarra sa ibang bansa
D. panunumpa ng kanilang pag-ibig sa isa’t isa

14. “Sumumpa akong iibigin kita, paliligayahin anuman ang kapalarang ibigay sa akin
ng langit.” Ano ang nais ipabatid ng nagsasalita?
A. Handang magtiis C. Paghahayag ng katotohanan
B. Katapatan ng pag-ibig D. Pagmamalabis sa pagsasalita

15. Nais ni Don Rafael na pag-aralin sa ibang bansa ang anak upang _______.
A. maging mayaman C. maipagmalaki ng mga magulang
B. makilala sa sariling bayan D. maging kapaki-pakinabang sa bansa

16. “Kailangang pag-aralan mo ang agham ng buhay na hindi maibigay sa iyo ng


bayan mo.” Ano ang ipinapahiwatig ng pahayag?
A. pagbutihin ang sarili C. paghusayan ang pamumuhay
B. paunlarin ang sariling bansa D. pahalagahan ang edukasyon

8
17. “Akala mo ba ikaw lamang ang marunong magmahal, na hindi ka mahal ng iyong
ama dahil hindi siya masasaktan kahit malayo sa iyo.” Sino ang tinutukoy sa
salitang may salungguhit?
A. Don Rafael C. Ibarra
B. Kapitan Tiyago D. Maria Clara

18. Habang kausap ni Ibarra si Maria Clara, naalala niya ang pagtungo sa bayan ng
San Diego upang _____.
A. dalawin ang puntod ng kaniyang ama
B. hanapin ang may pananagutan sa ama
C. ayusin ang kabuhayang naiwan ng ama
D. ipagpatuloy ang pagpapatayo ng paaralan

19. Ang natutuhan ni Crisostomo Ibarra sa Alemanya na ginawa niya sa pagtitipon?


A. gumalang sa mga matatanda
B. dumalo sa mga pagtitipon para maging tanyag
C. magpakilala sa mga tao kapag walang nagpapakilala
D. maging mapagkumbaba sa mga tao sa pagtitipon
20. Ang lugar kung saan pinagala ni Crisostomo Ibarra ang kaniyang paningin
A. kalye
B. paaralan
C. silid
D. kalawakan

V. Repleksiyon:
Matagal siyang namalagi sa ibang bansa ngunit nanatili pa rin ang kaniyang
pagmamahal at pagmamalasakit sa sariling kultura at sa bayan na kaniyang
sinilangan.
Ihambing si Crisostomo Ibarra sa iba pang kilalang tao sa lipunan na naging
mabuting halimbawa rin sa pagkakaroon ng damdaming nasyonalismo. Magsaliksik
ng kilalang tao sa lipunan at ilarawan ang katangian at gawaing nagpapakita ng
pagpapahalaga sa kulturang Pilipino.
Pangalan at Larawan Mga Katangian at Gawaing Nagpapakita
ng Personalidad ng Nasyonalismo

9
SENARYO
Naitanong nga ni Maria
Dinalaw na ni Ibarra ang Clara kung naalala pa Hehehehe.. mukha
kasintahan niyang si Sa wakas…. rin siya ni Ibarra namang hindi siya
Maria Clara. nagkita na rin sila gayong maraming malilimutan ng
pagkalipas ng pitong babae na siyang nakita binata dahil isa siya
taon. at nakilala sa bansang sa binalikan ni
pinuntahan niya. Ibarra.

Ipaliwanag ito:

“Ang tunay na pag-ibig ay laging tapat at wagas ang pagmamahal kahit na


mabago ang sitwasyon at ang panahon.”

Ang masasabi ko ay_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _


_______________________________________________
_______________________________________________________
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ __ _ _ __ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
_

SENARYO

Habang nasa karwahe si Ibarra… Kaya magandang tularan


natin si Ibarra na nag-
Nanggaling siya aral nang mabuti upang
Tingnan n’yo si sa Europa, tiyak makatulong sa sariling
Ibarra, nililibot Naku, tiyak marami na ubod ng ganda bayan. Iyan ang paalala
niya ang ilang siyang mapapansin sa at maunlad ang ng kaniyang guro at
bahagi ng dating mga lugar na mga bansang magulang bago tumungo
Maynila. napuntahan niya. napuntahan niya. sa ibang bansa.

Ipaliwanag ito:

“Masarap mabuhay sa sariling bayan ngunit isang kasawian ang


mamamayang hindi man lang nagmamalasakit sa Inang-bayan.”

Ang masasabi ko ay_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _


_____________________________________________
_____________________________________________
_ _ _ _ _ _ _ __ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
____________________________________________

10
VI. Mga Sanggunian:

Rivera, Crisanto C. et al. (1969). Rizal: Ang Bayani at Guro. Mandaluyong, Rizal,
Pilipinas: Rey-Carl Publishing House.

Virgilio S. Almario, salin. Noli Me Tangere ni Jose P. Rizal. (Mandaluyong City: Anvil
Publishing, 2011)

11

You might also like