Alamat NG Ampalaya
Alamat NG Ampalaya
Alamat NG Ampalaya
Noong araw, sa bayan ng Sariwa naninirahan ang lahat ng uri ng gulay na may kanya-kanyang
kagandahang taglay.
Si Kalabasa na may kakaibang tamis, si Kamatis na may asim at malasutlang kutis, si Luya na may
anghang, si Labanos na sobra ang kaputian, si Talong na may lilang balat, luntiang pisngi ni Mustasa, si
Singkamas na may kakaibang lutong na taglay, si Sibuyas na ma manipis na balat, at si Patola na may
gaspang na kaakit-akit.
Subalit may isang gulay na umusbong na kakaiba ang anyo, siya si Ampalaya na may maputlang
maputlang kulay, at ang kanyang lasang taglay ay di maipaliwanag.
Araw araw, walang ginawa si Ampalaya kung hindi ikumpara ang kanyan itsura at lasa sa kapwa niya
gulay, at dahil dito ay nagbalak siya ng masama sa kapwa niyang mga gulay.
Nang sumapit ang gabi kinuha ni Ampalaya ang lahat ng magagandang katangian ng mga gulay at
kanyang isinuot.
Tuwang tuwa si Ampalaya dahil ang dating gulay na hindi pinapansin ngayon ay pinagkakaguluhan.
Ngunit walang lihim na hidi nabubunyag nagtipon tipon ang mga gulay na kanyang ninakawan.
Napagkasunduan nilang sundan ang gulay na may gandang kakaiba, at laking gulat nila ng makita nilang
hinuhubad nito isa-isa ang mga katangian na kanilang taglay, nanlaki ang kanilang mga mata ng
tumambad sa kanila si Ampalaya.
Nagalit ang mga gulay at kanilang iniharap si Ampalaya sa diwata ng lupain, isinumbong nila ang
ginawang pagnanakaw ni Ampalya. Dahil dito nagalit ang diwata at lahat ng magagandang katangian na
kinuha sa mga kapwa niya gulay.
Laking tuwa ni Ampalaya dahil inisip niya na iyon lamang pala ang kabayaran sa ginawa niyang
kasalanan. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay nag iba ang kanyang anyo.
Ang balat niya ay kumulubot dahil ang kinis at gaspang na taglay ni upo at kamatis ay nag-away sa loob
ng kanyang katawan maging ang mga ibat-ibang lasa ng gulay ay naghatid ng di magandang panlasa sa
kanya at pait ang idinulot nito, at ang kanyang kulay ay naging madilim.
A L A M AT N G AN AY
Si Ranay ay isang matakaw na batang nakatira sa mahirap na bayan ng Sto. Cristo sa may norte.
Bagamat naghihirap ay alaga siya ng ama't ina sa masasarap na pagkain. Nag-iisa kasing anak si Ranay.
Inakala nga noon ng mga magulang na hindi na magkakaanak dahil matanda na ang kanyang ina pero
isinilang parin siya.
Mahal na mahal ng ama't ina si Ranay. Halos gawin na siyang prinsesa ng mga ito. Ayaw siyang
pagawain sa bahay at sustentado siyang mabuti sa pagkain. Nakasanayan ni Ranay ang umasa dahil sa
pagpalayaw na tinatanggap.
Lumaki si Ranay na ang trabaho ay kumain at ang libangan ay kumain parin. Payat na payat na ang
ama't ina niya para matustusan ang kanyang pangangailangan. Si Ranay naman ay lalong nagkakagana
sa pagkain. Kahit ano ay masarap sa panlasa niya.
Kanin, tinapay, ulam, prutas, karne, minatamis at kung anu-ano pa. Minsan, maging ang kakainin na lang
ng mga magulang ay si Ranay pa ang kakain.
Dumating ang hindi inaasahan ni Ranay. Magkasabay na namatay sa isang aksidente ang ama at ina.
Dahil ang alam lang ay kumain, hindi alam ni Ranay kung paano ma-buhay na siya ang kikilos at magta-
trabaho. Hindi nagtagal ay namayat siya at namatay.
Matagal ng patay si Ranay nang isang araw ay mapansin ng dating kapitbahay na pabagsak ang
kanilang bahay. Nang suriin nila ito ay nakita ang isang insektong kumakain ng kahoy.
Naalala nila si Ranay. Marahil anila ay ito si Ranay. Tinawag nilang ranay ang insekto na katagalan ay
naging anay.
A L A M AT NG K A B AYO
Noong araw, may mag-asawang masaya at tahimik na namumuhay kahit walang anak. Sina Ayong at
Karing. Kuntento na sila sa isa't isa nang isang araw ay dumating sa kanila ang magandang sorpresa.
Buntis si Karing!
"Ipinangangako kong gagawin ko ang lahat upang mapaligaya kayo ng magiging anak natin," pangako ni
Ayong.
Ilang buwan makaraan ay isini-lang ni Karing ang isang malusog na batang lalaki.
Nag-iisang anak palibhasa, sinikap nina Ayong at Karing na maipagkaloob sa anak ang lahat ng saya at
masarap na buhay. Labis nila itong napalayaw kaya lumaking masama ang ugali. Palasagot ito at ayaw
na nasasabihan. Kapag nakagalitan ang binatilyo ay agad naglalayas.
Minsan ay hindi natiis ni Ayong ang ginawang pagsagot ng anak kay Karing kaya pinangaralan niya ang
binatilyo. Nang araw ding iyon ay naglayas ito at napadpad sa paanan ng isang bundok.
Isang matandang namumuhay sa paanan ng bundok ang nagmamagandang loob kaya nagkaroon ng
matutuluyan ang binatilyo.
"Umuwi ka at humingi ng tawad sa mga magulang mo. Hindi mainam na nagtatanim ng galit sa ama mo't
ina," ang sabi ng matanda.
Minasama iyon ng binata. Nagalit siya sa matanda at pinagsisipa ang bangkong inuupuan.
"Wala kang pakialam sa buhay ko at lalong wala kang karapatang pagalitan ako!" paasik na sabi ng
binatilyo.
Marami pang masasakit na salitang binitiwan ang binatilyo na walang tigil sa kasisipa sa lahat ng abutan
ng paa.
Lingid sa kaalaman ng binata ay engkantado pala ang matanda. Sa nakitang masama niyang asal ay
ginawa siya nitong hayop na may apat na paa na walang tigil kasisipa.
Nang mapagod sa kasisipa ay napaiyak ang binatilyo ngunit halinghing lang ang lumabas sa bibig niya.
Huli na ang kanyang pagsisisi dahil hindi na makabalik sa dating anyo. Napilitan siyang umuwi sa
magulang.
Likas na mababait, kinupkop nina Ayong at Karing ang hayop na isang umaga ay ayaw nang umalis sa
kanilang bakuran. Inalagaan nila ito na parang tao. Naging malaking tulong siya sa ama. Gumaan ang
gawain nito at bumilis ang kanilang pag-unlad.
Binigyan siya ng pangalan ng mag-asawa. Mula sa Karing at Ayong ay tinawag siyang Kayong, ang
pinagmulan sa salitang kabayo.
A L A M AT NG DURIAN
Sa isang bayan sa Mindanao ay may matandang babae na lalong kilala sa tawag na Tandang During.
Nakatira siya sa paanan ng bundok. Ang maliit niyang kubo ay nakatayo sa gitna ng malawak niyang
bakuran na naliligid ng mga puno.
Si Tandang During ay karaniwan nang ginagawang katatakutan ng mga ina sa kanilang malilikot na mga
anak. Sabi nila ay lahi ito ng mangkukulam kung kaya dapat iwasan.
Si Tandang During ay nasanay nang mamuhay na nag-iisa. Mula nang mamatay ang asawa at mga anak
ay hindi na siya umalis sa paanan ng bundok. Tahimik siyang tao at dahil matanda na ay mas ibig pa
niyang asikasuhin na lang ang mga tanim na halaman.
Masungit si Tandang During kaya iniiwasan ng mga tao. Noong kamamatay palang ng mga mahal niya sa
buhay ay marami ang nag-alok ng tulong ngunit tinanggihan niya. Sa gayon ay unti-unti na ring lumayo sa
kanya ang mga tao hanggang maging panakot na lamang siya sa makukulit na mga bata.
Ilang taon ang nagdaan. Ang dati ay makukulit na mga bata ay malalaki na ngunit si Tandang During ay
gayon parin. Nag-iisa sa kubo sa paanan ng bundok at hindi naki-salamuha sa mga tao.
Isang gabi ay itinaboy ng hanging amihan ang isang kakaibang amoy sa komunidad. Hindi nila alam kung
ano ang amoy na iyon at kung saan galing. Nanatili ang amoy nang sumunod pang mga araw at patindi
nang patindi. Nagpasya ang mga tao na hanapin ang pinanggalingan ng amoy.
Nagkaisa silang puntahan ang kubo ni Tandang During nang ma tiyak na doon nanggagaling ang amoy.
Hinanap nila ang matanda ngunit hindi nila ito nakita. Sa halip ay nabaling ang pansin ila sa isang puno
na ang mga bunga ay may matitigas na balat at matatalim na tinik. Dahil sobrang hinoy ay nagsisimula
nang bumuka ang mga prutas. Isang lalaki ang umakyat ng puno para kumuha ng bunga. Nagtakip sila
ng ilong nang buksan ang prutas pero pare-pareho ring nasarapan sa lasa ng prutas na iyon. Nagsipitas
sila ng mga bunga at iniuwi sa kani-kanilang bahay.
Nang may makasalubong silang isang matanda na tagaibang lugar at itinanong kung ano ang dala nilang
prutas ay iisa ang sagot nila. "Bunga ng tanim ni Tandang During 'yan", sabi nila.
During yan ang pagkakaintindi sa kanila ng matanda. Kaya nang bigyan nila ito ng bunga at itanong ng
mga kakilala kung ano iyon ay sinabi nitong ang pangalan ng prutas ay during yan. Kalaunan ay nagiging
durian.
A L A M AT NG P I N YA
Si Aling Rosa ay isang balo. Siya ay may sammpung taong gulang na anak na babae, si Pinang. Mahal
na mahal ni Aling Rosa ang kanyang anak. Nais niyang lumaking bihasa sa gawaing bahay ang anak.
Tinuturuan niya si Pinang sa mga gawaing-bahay.
Dahil sa nag-iisang anak, ayaw gumawa si Pinang lagi niyang ikinakatwiran na alam na niyang gawin ang
anumang itinuturo ng kanyang ina. Pinabayaan lang siya ng kanyang ina.
Isang araw ay nagkasakit si Aling Rosa. Hindi siya makabangon at makagawa sa bahay. Napilitan si
Pinang na gumawa ng gawaing-bahay. Inutusan siya ng ina niya na magluto siya ng lugaw. Kumuha si
Pinang ng ilang dakot na bigas, inilagay sa palayok at hinaluan ng tubig. Isinalang niya ito sa ibabaw ng
apoy. Iniwan niya ang niluluto at naglaro na. Dahil sa kapabayaan, ang ilalim ng bahagi ng lugaw ay
namuo at dumikit sa palayok. Nagpasensiya na lang si Aling Rosa. Kahit papaano nga naman ay
napagsilbihan siya ni Pinang.
Nanatili sa higaan ang matandang babae gn ilang araw pa. Si Pinang ang napilitang gumawa ng mga
gawaing-bahay. Isang araw, sa paghahanda ng pagluluto, hindi makita ni Pinang ang sandok. Lumapit
siya sa ina at nagtanong. Nasuya na ang ina sa katatanong ni Pinang. "Naku, Pinang sana'y magkaroon
ka ng maraming mata upang lahat ng bagay ay makita mo at hindi ka tanong nang tanong!"
Dahil galit ang ina, hindi na umimik si Pinang. Umalis siya upang hanapin ang sandok. Kinagabihan,
nabahala si Aling Rosa nang hindi pa bumalik ang anak. Nagpilit siyang bumangong upang kumain.
Tinawag niya ang anak nguni't walang lumalapit sa kanya.
Isang umaga, nagwawalis ng bakurang si Aling Rosa nang may makita siyang isang uri ng halaman na
tumubo sa silong ng kanilang bahay. Hindi niya alam kung anong uri ng halaman iyon. Binunot niya at
itinanim sa kanyang halamanan. Lumaki ang naturang halaman at di nagtagal ay namunga ito. Nagulat si
Aling Rosa sa anyo ng bunga. Ito ay hugis ulo ng tao na napapalibutan ng mata.
Biglang naalala ni Aling Rosa ang huling sinabi niya sa nawawalang anak na magkaroon sana siya ng
maraming mata upang makita ang kanyang hinanap. Tahimik na nanangis si Aling Rosa. Noon niya
napagtanto na tumalab kay Pinang ang kanyang sinabi. Gayunpaman, inalagaang mabuti ni Aling Rosa
ang halaman at tinawag niya itong Pinang bilang pag-alaala sa kanyang anak. Nang maglaon ang bunga
ito ay tinawag na "Pinya."