Ang Batang Espesyal
Ang Batang Espesyal
Ang Batang Espesyal
Lima ang naging anak ni Mang Ramon at Aling Mila. Ang bunso na isang lalaki ay
abnormal. Ang tawag dito ay mongoloid. Ang batang abnormal pinangalanan nilang
Pepe. Malambot ang mga paa at mga kamay ni Pepe. Kahit na malaki na siya ay
kailangan parin siyang alalayan ng kanyang ina sa paglalakad para hindi siya mabuwal.
Ang kanyang bibig ay nakakibit kaya kung magsalita siya ay mahirap maintindihan.
Kahit naman abnormal ay mahal na mahal ng mag-asawa si Pepe. Noong maliit pa ito
ay palitan ang mag-asawa sa pag-aalaga sa kanya. Hindi kinakitaan ng panghihinawa
ang mag-asawa sa pag-aalaga sa anak. Kahit binata na ay palagi pa ring nakasunod sa
kanya ang kanyang ina. Inaakay siya. Minsan ay sinusubuan siya. Pinapaliguan. Ano pa
at malaking panahon ng kanyang inay ay sa kanya lamang naiuukol.
Ang hindi alam ni Aling Mila ay nagseselos na ang iba pa niyang anak. Napapansin ng
mga ito na mas malaking oras ang ibinigay niya kay Pepe kaysa sa mga ito. Lingid sa
kanya ay nag-usap-usap ang apat na magkakapatid. Napagkasunduan ng mga ito na
kausapin siya para ipahayag sa kaniya ang kanilang mga hinanakit. Isang gabi matapos
niyang patulugin si Pepe ay nilapitan siya ng apat na anak. Sinabi ng mga ito ang
kanilang malaking mga hinanakit.
Gulat na gulat si Aling Mila. Hindi niya alam na nagseselos na pala ang apat niyang
anak dahil sa sobrang pag aasikaso niya kay Pepe. Pero nakahanda na ang kanyang
paliwanag sa mga ito.
“Kahit wala kami ng itay ninyo ay mabubuhay kayo ng maayos. Pero ang kapatid ninyo
ay hindi, kung kaya siya ang higit naming inaasikaso,” isa-isang tinitigan ni Aling Mila
ang kanilang mga anak.” Pero hindi naman namin kayo pinababayaan hindi ba?”
Aral:
Iwasan ang pagiging mainggitin. Bagamat may natatanging atensyon na ibinibigay lalo
na sa mga mga special child, unawain na lamang natin sila. Higit na pinagpala ka pa rin
dahil hindi mo nararanasan ang pinagdadaanan nila sa araw-araw.