Ang Kasaysayan NG Pagsasaling Wika Sa Daigdig

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

ANG KASAYSAYAN NG PAGSASALING WIKA SA DAIGDIG

ANDRONICUS kinikilalang unang tagapagsalin sa Europa. Isinalin niya sa nang patula sa


Wikang Latin ang Odyssey ni Homer na nakasusulat sa Wikang Griyego noong 240 B.C.

NAEVIUS at ENNIUS gumawa ng mga pagsasalin sa Latin ng mga dulang Griyego


katulad ng mga nagawa/nasulat ni Eurides.

Nakatulong nang malaki sa pag-unlad ng mga bansa sa Europa ang pagsasaling


wika, sa pamamagitan ng pagsasalin ng ibat ibang sangay ng panitikan. Halimbawa, ang
mabilis na pag-angat ng bansang Arabia mula sa kamangmangan noong ikalawa hanggang
ikasiyam na siglo ay dulot ng pagsasaling wika na isinagawa mula sa wikang Griyego na
noon ay principal na daluyan ng ibat ibang karunungan.

May pangkat ng mga Eskolar sa Syria na nakaabot sa Baghdad at doon ay isinalin


nila sa Wikang Arabig ang mga sinulat ni Aristotle, Plato, Galen, Hippocrates at marami
pang ibang kilalang pantas. Kaya nakilala ang Baghdad bilang isang paaralan ng
pagsasaling wika. Ngunit, dumating ang panahon na nabaling ang atensiyon/kawilihan ng
mga eskolar sa ibang bagay na pang-intelektuwal katulad ng pagsusulat ng mga artikulong
pampilosopiya. Kaya pagkaraan ng tatlong siglo ay napalitan ng Toledo ang Baghdad bilang
sentro ng karunungan at pagsasaling wika.

ADELARD nagsalin sa Latin ng mga sinulat ni Euclid na noon ay nasusulat sa Wikang


Arabic.

RETINES isinalin sa wikang Latin ang Koran noong 1141.

1200 AD Sa panahong ito, umabot sa Toledo ang mga orihinal na teksto ng mga
literaturang nakasulat sa Wikang Griyego. Dahil dito, lumabas ang dakilang saling ng Liber
Gestorum Barlaam et Josaphat na orihinal na nakasulat sa wikang Griyego. Ayon kay
Savory, sa panahong ito umabot sa pinakataluktok ang pagsasaling wika. Noon rin
nagsimula ang pagsasalin ng Bibliya.

JACQUES AMYOT isang Obispo sa Auxerre at kinilalang prinsipe ng pagsasaling-wika sa


Europa. Isinalin niya sa wikang Aleman ang Lives of Famous Greek and Romans noong
1559. Ang salin na ito sa wikang Aleman ang pinagkunan ni SIR THOMAS NORTH
(pinakadakila sa mga tagapagsalin sa Inglatera) ng salin sa Ingles noong 1579.

JOHN BOURCHIER isang tagapagsaling nakilala sa Inglatera noong 1467-1553. Isinalin


niya ang Chronicles ni Froissart sa wikang Aleman.

ELIZABETH I at II Ayon kay Savory, ang panahon ng Unang Elizabeth ang itinuring na
unang panahon ng pagsasaling-wika sa Inglatera at ang panahon ng Ikalawang Elizabeth
ang pinakataluktok ng pagsasaling wika sa Inglatera.

Sa panahon ng Elizabeth II (1598-1616), nailathala ang mga salin ni George


Chapman sa mga isinulat ni Homer. Lumabas naman noong 1603 ang salin ni John Florio
sa Essays ni Montaigne na kasing husay ng Plutarch ni North. At noong 1612 ay isinalin
naman ni Thomas Shelton ang Don Quixote.

1792 nailathala ang aklat ni Alexander Tytler na may pamagat na Essay on the Principles
of Translation na nagbigay ng tatlong panuntunan sa pagsasalin.

1. Ang isang salin ay kailangang katulad na katulad ng orihinal sa diwa o mensahe.

MARK Y. GARCIA, MAT-FIL FILIPINO 602 PAGSASALING WIKA


2. Ang estilo at paraan ng pagkasulat ay kailangan katulad sa orihinal.
3. Ang isang salin ay dapat maging maluwag at magaang basahin tulad ng sa orihinal.

PANAHON NG PAGSASALIN NG BIBLIYA

Mayroong dalawang dahilan kung bakit isinalin ang bibliya: Una, dahil ang Bibliya
ang tumatalakay sa tao kaniyang pinagmulan, sa kaniyang layunin at sa kaniyang
destinasyon; Pangalawa, dahil sa di-mapasusubaliang kataasan ng uri ng pagkakasulat
nito.

Ang orihinal na manuskrito o teksto ng Bibliya ay sinasabing wala na. Ang kauna-
unahang teksto nito ay nasusulat sa wikang Aramaic ng Ebreo at ito ang pinaniniwalang
pinagmulan ng salin ni Origen sa wikang Griyego na kilala sa tawag na Septuagint gayon
din ang salin ni Jerome sa wikang Latin.

TATLONG PINAKADAKILANG SALIN NG BIBLIYA

Saint Jerome (Latin)


Martin Luther (Aleman)
Haring James (Ingles-Inglatera).

Samantalang ang kauna-unahang salin sa Ingles ng Bibliya ay isinagawa ni John


Wycliffe. Ang unang salin ng mga Katoliko Romano ay nakilala sa tawag na Douai Bible. Si
William Tyndale ang nagsalin sa Ingles ng Bibliya buhat sa wikang Griyego na salin naman
ni Erasmus. Hindi naging katanggap-tanggap ang salin dahil sa masalimuot na mga
talababa.

Hindi natapos ni Tyndale at ipinagpatuloy ni John Rogers (Thomas Matthew) at


nailathala noong 1537. Nirebisa ito ni Richard Taverner noong 1539. Muli itong nirebisa ni
Coverdale at tinawag itong Great Bible.

Ilan sa mga kinilalang bersyon ng salin ng bibliya ay ang:

Geneva Bible (1560) Ito ay isinagawa nina William Whittingham at John Knox. Ginamit
ang Bibliya na ito sa pagpapalaganap ng Protestantismo. Tinagurian itong Breeches Bible.

Authorized Version Ito ang naging pinakamalaganap at hindi na malalampasan.Nakilala


ito dahil sa naging panuntunan na ang pagsasalin ay dapat maging matapat sa orihinal na
diwa at kahulugan ng Banal na Kasulatan. Ayon ito sa lupong binuo ni Haring James sa
pagsasalin ng Bibliya. Taong 1881 lumabas ang English Revised Version.

The New English Bible (1970) ang naging resulta ng pagrebisa ng Authorized Version.
Maituturing naman na pinakahuling salin ng Bibliya. Ito ay inilimbag ng Oxford University.

Sa dinami-dami ng mga pagsasaling isinagawa sa Bibliya, kinailangan pa rin ang


muling pagsasalin dahil sa mga sumusunod na dahilan: (1) Marami nang mga natuklasan
ang mga arkeologo na naiiba sa diwang nasasaad sa maraming bahagi ng mga unang
salin; (2) Naging marubdob ang pag-aaral sa larangan ng linggwistika na siyang naging
daan ng pagpapalinaw ng maraming malabong bahagi ng Bibliya; (3) Ang sinaunang
wikang ginamit sa klasikang English Bible ay hindi na halos maunawaan ng kasalukuyang
mambabasa bukod sa kung minsan ay iba na ang inihahatid na diwa.

NAGSASALUNGATANG PANANAW SA PAGSASALING NG MGA AKDANG KLASIKA

VIRGINIA WOOLF Ang kalakhan ng kinikilalang mga akdang klasika ay ang mga orihinal
na nasusulat sa Griyego at Latin, ngunit ayon kay Gng. Virginia Woolf, ang alin mang salin

MARK Y. GARCIA, MAT-FIL FILIPINO 602 PAGSASALING WIKA


ay hindi makakapantay sa orihinal sapagkat ang wikang Griyego ay isang wikang
maugnayin, mabisa, tiyak at waring may aliw-iw na nakaiigayang pakinggan. Dalawang
pangkat ang mga tagapagsaling-wika sa Ingles ng wikang Griyego, ito ay ang makaluma
o Hellenizers at ang makabago o Modernizers. Ang layunin ng mga makaluma ay maging
matapat sa pagsasalin sa paghahangad na mapanatili ang orihinal na diwa at katangian ng
kanilang isinasalin kaya naman pinapanatili nila ang paraan ng pagpapahayag, at
balangkas ng mga pangungusap at idyoma ng wikang isinalin sa wikang pagsasalinan.
Kasalungat naman ito ng paniniwala ng mga makabago na nagsasabing ang salin ay dapat
nahubdan na ng mga katangian at idyoma at nabihisan na ng kakanyahan ng wikang
pinagsalinan.

ROBERT BROWNING Ayon naman kay Robert Browning, ang tagasaling-wika ay


kailangang maging literal hanggat maaari maliban kung ang pagiging literal ay lalabag sa
kalikasan ng wikang pinagsasalinan.

ROBERT BRIDGES Naniniwala naman si Robert Bridges na higit na mahalaga ang istilo
ng awtor kung ang isang mambabasa ay bumabasa ng isang salin. Sa kabila ng
magkasalungat na opinyong nabanggit ay may ikatlong opinyong lumitaw, ito ay ang
paniniwalang hindi makatwirang piliting ipasok sa wikang pinagsasalinan ang mga
kakanyahan ng wikang isinasalin.

SAMUEL BUTLER AT EDWARD FITZGERALD Pareho naman ang paniniwala nina


Edward FitzGerald at Samuel Butler na alin mang salin ng mga akdang klasika ay dapat
maging natural ang daloy ng mga salita, madaling basahin at unawain.

F.W. NEWMAN Sa mga pagsasalin ni F.W. Newman sa mga akda ni Homer, pinilit niyang
mapanatili ang kakanyahan ng orihinal hanggat maaari dahil naniniwala siya na kailangang
hindi makaligtaan ng isang mambabasa na ang akdang binabasa ay isa lamang salin at
hindi orihinal. Sumasalungat naman sa paniniwalang ito si Arnold na tagapagsalin din ni
Homer. Ayon sa kanya, ang katapatan sa pagsasalin ay hindi nangangahulugan ng
pagpapaalipin sa orihinal na wikang kinasusulatan ng isasalin. Samantala, unti-unting
nahalinhan ng Roma ang Atenia bilang sentro ng karunungan nang mga panahong iyon.

C. DAY LEWIS Ayon kay C. Day Lewis sa kanyang pagsasalin ng Aeneid ni Virgil (na
siyang pinakapopular sa panulaang Latin) sa wikang Ingles, upang mahuli ng tagapagsalin
ang tono at damdamin, kinakailangang magkaroon ng ispiritwal na pagkakaugnayan ang
awtor at ang tagapagsalin.

PAUSBONG NA MAKABAGONG PARAAN NG PAGSASALIN (Machine VS. Human


Translation)

Hindi maitatangging sa umuunlad na teknolohiya, maaari na ring mapalitan ng


makabagong pamamaraan ang pagsasalin. Ang katotohanang ito ay bukas naman sa
larangan ng pagsasalin ngunit may mga salik na naging dahilan kung bakit hindi mabuo-
buo ang machine translator na sana ay maging daan upang mapabilis ang proseso ng
pagsasalin. Narito ang ilan sa mga dahilan kung bakit hindi makabuo ng machine
translator para sa di-teknikal na paksa:

Hindi pa maabot ng isip ng kasalukuyang mga sayantist kung papaano mabisang


maisasalin ang mga idyoma.
Pagkakaiba ng istraktura o pagkasusunod-sunod ng mga salita ng wika.
Maraming kahulugan ang maaring ikarga sa isang salita.
Napakaraming oras naman ang magugugol sa pre-editing at post-editing ng tekstong
isusubo rito.
Wala pang computerized bilingual dictionary.

MARK Y. GARCIA, MAT-FIL FILIPINO 602 PAGSASALING WIKA


Narito pa ang mga problema sa paglikha ng machine translator:

Ang isip ng tao ang pinakakumplikadong computer machine.


Kulang pa sa nalalamang mga teorya ang mga linggwista tungkol sa paglalarawan at
paghahambing ng mga wika upang magamit sa pagbuo ng MTr.

MARK Y. GARCIA, MAT-FIL FILIPINO 602 PAGSASALING WIKA

You might also like