Pagsasalin
Pagsasalin
Pagsasalin
Sundan pa rin natin si Savory sa kanyang aklat. Sinipi niya si Virginia Woolf sa
pagsasabing: isang pag-aaksaya lamang ng panahon ang pagbabasa ng mga salin
ng panitikang Griyego. Ang alinmang salin ay tiyak na hindi makapapantay sa
orihinal.
Ayon kay Woolf, ang wikang Griyego ay isang wikang may pang-akit na waring
napakamakapangyarihan. Ito, aniya, ay maugnayin, mabisa, tiyak, at waring may
aliw-iw na nakaiigayang pakinggan. Ginagamit ng tao ang isang wika hindi
lamang upang ipahayag ang kanyang iniisip at sa gayon ay maging tulay ng pag-
uunawaan kundi upang magparinig din naman ng nakaiigayang himig sa
kanyang kausap sa pamamagitan ng paasasama-sama ng iba’t ibang uri ng mga
tunog at intonasyon. Hindi kataka-taka, sabi pa niya. kung ang wikang Griyego ay
kilalaning isa sa dakilang wika, kundi man pinakadakila, sa buong daigdig.
Salungat na salungat naman dito, ayon kay Savory, anq paniniwala ni Arnold na
isa ring tagapagsalin ni Homer. Siya'y naniniwala na ang sinasabing katapatan sa
pagsasalin ay hindi nangangahulugan ng pagpapaalipin sa orihinal na wikang
kinasusulatan ng isasalin. Sa ibang salita, kung isasalin ang mga sinulat ni Homer
ay totoong kailangang mapalipat din sa wikang pinagsasalinan ang lahat ng
katangian ng manunulat, tulad halimbawa ng pagiging tahas sa kanyang mga
salita, katayugan ng kaisipan, at kabilisan ng pagpapahayag. Ngunit kung ang
animang pantig (bawat taludtod) ni Homer sa kanyang mga tula sa Griyego ay
magandang pakinggan sa wikang iyon, hindi nangangahulugang kung isasalin ito
sa ibang wika ay sa animan din dapat paraanin sapagkat baka hindi maging
mabisa at maluwag o madulas na tulad ng sa wikang Griyego ang magiging salin.
Anupat nang lumaon, ayon pa rin kay Savory, nalipat na sa Roma pati ang mga
aklatan sa Atenia upang magamit ng mga palaaral na nagsisipanaliksik doon. At
mangyari pa, tinanggap ng mga mag-aaral ang wikang Griyego nang walang
pasubali sapagkat nadudukal nila sa wikang ito ang di-kakaunting karunungan
na hindi nila mababasa sa kanilang wika. Kaya nga‘t nang ipatayo ni Haring
Augusto ang isang malaking aklatan sa Roma ay hinati niya ito sa dalawang
prinsipal na departamento: isa para sa wikang Latin at isa para sa wikang
Griyego. .
Ang Aeneid ay ang pagsasalin sa Ingles ng kung paano ito sinabi ni Virgil sa
Latin. Kung ang nasabing epiko ni Virgil ay isasalin naman sa paraang tuluyan,
naniniwala raw si Day Lewis na ang gayon ay hindi magiging makatarungan para
kay Virgil. Sinabi pa rin ni Day-Lewis diumano na upang ‘mahuli' ng tagapagsalin
ang ‘himig at damdamin' sa orihinal na teksto, kinakailangang magkaroon ng
ispiritwal na pagkakaugnayan ang awtor at ang tagapagsalin. Kung paanong
magkakaugnayan ang dalawa ay hindi diumano ipinaliwanag ni Day-Lewis.
Ngunit ang isang pinakakaraniwang paraan ng mga tagapagsalin ay ganito: Pag-
aralan ang katauhan ng awtor -ang kanyang sinilangang pook, ang kanyang
kabataan, natapos na kurso, mga karanasan, pag-ibig, at kung anu-ano pang mga
bagay-bagay tungkol sa kanya sapagkat isang katotohanang sadyain man at hindi
ng awtor ay nasasalamin sa kanyang mga sinulat ang kanyang katauhan. At kung
buhay pa ang awtor, ang isang pinakapraktikal na paraan ay sikapin ng
tagapagsalin na mapalapit sa kanya, maging kaibigan, halimbawa, upang makita
niya nang malapitan ang tunay na katauhan ng kanyang awtor, Ialo na't kung ang
kanyang isinasalin ay isang nobela, tula, o kuwento.
At mangyari pa, bukod sa nabanggit na ugnayang pang-ispiritwal ng tagapagsalin
at ng awtor ay kailangan pa rin ng una ang mga sumusunod upang makagawa ng
mabuting salin: sapat na kaalaman sa wikang ginamit sa orihinal at sa wikang
gagamitin sa pagsasalin at sapat na kaalaman sa paksang tinatalakay.
Tungkol naman sa tula, may mga naniniwala na ang isang akdang patula sa isang
wika ay higit na mabuting isalin sa paraang tuluyan sa ibang wika ngunit
mayroon din namang mga naniniwala na hindi magiging makatarungan diumano
sa isang awtor kung ang kanyang akdang patula ay isalin sa paraang tuluyan. Sa
ibang salita, kung patula ang orihinal, kailangan ding maging salin ay patula.
Gamitin natin dito ang ginamit na halimbawa ni Savory sa kaniyang aklat-ang
isang bahagi sa Aeneid nang binibigyan ng babala ni Laocoon ang kanyang mga
kasamang Trohano tungkol sa kasamaang maaaring ibunga ng handog sa
kanilang malaking kabayong kahoy ng mga Griyego. Gaya ng alam natin, si
Lacoon ay dumating na humanangos mula sa kanyang kuta at nagsabi nang
ganito:
Orihinal ni Virgil.
et procul; 'o miseri, quae tanta insania, cives?
creditis avectos hostes? auto ulla putatis
dona carere dolle Danaum? sic notus Ulixes?
aut hoc inclusi ligno occultantur Achivi.
aut haec in nostros fabricata est machina muros
inspectura domos venturaque desuper urbi,
aut aliquis latet error' equo ne credite, Teucri,
quidquid id est, timeo Danaos et dona ferentes.
Halos labing-apat na taon na ngayon ang nakakaraan mula nang maging paksa
ng talakayan sa RELC-Singapore ang MTn. Ngunit sa pagkakaalam ng awtor na
ito ay wala pang bansang makapagsasabi na nakaimbento na ito ng MTr na
maaari nang pamalit sa tao; iyong MTr na nakapagsasalin ng malikhaing
panitikan, tulad ng kwento o tula.
Ano kaya ang mga dahilan at hindi makabuo ang mga sayantist ng MTr para sa
di-teknikal na paksa? Malalagom sa sumusunod ang mga dahilan:
5.1 Hindi pa maabot ng isip ng kasalukuyang mga sayantist kung papaano
mabisang maisasalin ang mga idyoma. Ang mga linggwist man ay walang
maibigay na pormula para magamit ng mga sayantist. Gaya ng alam natin,
karaniwang wala sa pinagsasamang mga salita sa isang ekspresyong idyomatiko
ang kahulugan nito. Bukod dito, bawat lahi ay may kanya-kanyang
pinaghahanguang kultura sa pagbuo ng mga idyoma. Sa ibang salita, karamihan
ng idyoma ng isang lahi ay nakabuhol sa kultura nito. "Maloloko" ang MTr ngunit
hindi nito maisasalin sa Ingles, halimbawa, ang sumusunod na idyomatikong
Filipino: "isang bakol ang mukha", "di mahapayang gatang", "parang hilong
talilong", "nagtataingang kawali", "nakapamburol" at maraming marami pang
iba. Kung sabagay, malulutas ang ganitong problema kung matitipon ang lahat
ng idyoma sa Filipino at maiprogram sa MTr. Subalit ang waring ang
imposibleng iprogram sa MTr ay ang matatalinghagang pahayag at mga tayutay o
figures of speech na makakarga sa mga tula na sa ngayon ay malikhaing pag-iisip
lamang ng tao ang maaaring lumirip sa kahulugan.
5.2 Pagkakaiba sa istruktura o pagkakasunud-sunod ng mga salita ng mga wika.
Gaya ng alam natin, malaki ang kinalaman ng pagkaaunud-sunod ng mga salita
sa kahulugan ng isang parirala o pangungusap. Kung ang dalawang wikang
pinagtutuunan sa paglikha ng MTr ay ang Ingles at Filipino, halimbawa,
mangangailangan muna ng isang malawakang pahambing na pag-aaral upang
pagkatapos ay maiprogram ang resulta nito sa kompyuter. Hindi biru-biro ang
gawaing ito, lalo na kung iisiping ang mga taong gumagamit ng isang partikular
na wika ay nakagagamit ng walang limit na mga pahayag na hindi pa naririnig sa
alinmang akto ng talastaaan. At kung idaragdag pa natin dito ang mga
problemang pansemantika na kalimitan ay nakaugat sa kultura at kamalayan ng
mga taong kasangkot sa mga wikang pinagtutuunan sa pagbuo ng MTr, hindi pa
makakayang isipin sa ngayon ng mga sayantist at mga linggwist kung paano ito
mabibigyang-lunas.
5.3. Maraming kahulugan ang maaaring ikarga sa isang salita. Ang isang salita,
halimbawa, na may 20 iba't ibang kahulugan sa diksyunaryo ay malaking
problema sa MTn. Ang totoo, ito ang pinakadahilan kung bakit ang pananaliksik
sa MTn ay limitado lang muna sa mga paksang lubhang teknikal na kung saan
ang mga katawagan ay karaniwang iisa lamang ang dalang kahulugan. Hindi pa
maabot ng kasalukuyang karunungan ng tao kung paanong magagamit ang MTn
sa malikhaing panitikan na kung saan ang isang salitang maraming dalang
kahulugan (polysemous) ay nagkaroon lamang ng tiyak na kahulugan na siyang
ibig tukuyin ng awtor kapag naging bahagi ng pangungusap o konteksto.
Sapagkat ang kompyuter o ang mabubuong MTr ay "hindi nag-iisip" na tulad ng
tao, wala itong kalagayang salain kung aling kahulugan ng salita ang dapat kunin,
batay sa konteksto. Magaawa lang ito ng kompyuter o MTr kung may pormulang
ipoprogram at ‘isusubo' dito tungkol sa kung paano pipiliin ang angkop na
kahulugan sa isang konteksto. Kung malulutas ng kasalukuyang karunungan ng
tao ang mga problemang ito ay wala pang nakakatiyak.
Anupat sa bahaging ito'y malilirip natin marahil kung gaano kasalimuot ang
paglikha ng MTr. Mabubuod natin sa tatlo ag mga problema.
5.5.1 Ang isip ng tao ang pinakakumplikadong computer machine. Ang taong
gumagamit ng kanyang komputer na pag-iisip ay buhay - may puso at damdamin,
malikhain. Samantala ang kompyuter na likha o lilikhain pa ng tao ay hindi nag-
iisip, walang buhay, walang puso at damdamin, hindi malikhain. Ang kompyuter
o MTr, sa katotohanan, ay robot lamang. Nagagawa lang nito ang iba't ibang
bagay nang napakabilis ayon sa kung ano ang naiprogram dito ng tao. Kaya nga‘t
sa pagsasaling-wika na kinasasangkutan ng mga wikang kisangkapan ng mga
taong may sariling pag-iisip at damdamin, masasabing sa panahong ito ay malaki
pa ang kakulangan ng kompyuter o ng anumang makina na likha ng tao. Ang
totoo‘y matagal nang pinipilit kopyahin ng mga sayantist ang isip ng tao ngunit
hanggang ngayon ay hindi sila magtagumpay. Laging may limit. Sapagkat kapag
nagawa nilang lagyan ng buhay at damdamin ang mga piraso ng bakal na
inihugis-tao, matutulad na rin sila sa Diyos na siyang lumikha ng malikhaing
kompyuter - ang isip ng tao.
Gayunpaman, sa kabila ng lahat ng ito, hindi natin dapat tasahan ang kakayahan
ng mga sayantist. Maraming imposible noong araw na posible na ngayon. Ang
talino ng mga sayantist ay hindi lang marahil naitutuon nang husto sa MTn.