Paunang Pagtataya Modyul 14 15 16

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

MODYUL 14: Ang Kahalagahan ng Mabuting Pagpapasya sa Uri ng Buhay

Paunang Pagtataya
Panuto: Isulat sa kuwaderno ang iyong mga sagot sa sumusunod na bilang. Copy and Answer
1. Piliin mo ang larawan na itinuturing mong may mataas na kabutihan mula sa kasunod na mga
halimbawa. Magsulat ng maikling paliwanag sa ginawang pagpili sa ibaba.

A. B.

Ang aking napili: _________________________________________________________________________________


Paliwanag: _______________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________.
2. Piliin mo ang larawan na itinuturing mong may mataas na kabutihan mula sa kasunod na mga
halimbawa. Magsulat ng maikling paliwanag sa ginawang pagpili sa ibaba.
A. B.

Ang aking napili: _________________________________________________________________________________


Paliwanag: _______________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________.
3. Balikan o alalahanin ang isang sitwasyon kung kalian ka gumawa ng isang mahalagang pagpapasya
sa iyong buhay.
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
_________________________________.
4. Ano ang pakahulugan sa moral dilemma ayon kay Kohlberg, Ito ay mga sitwasyong nagpapahayag
ng dalawang magkasalungat na posisyon na kinapapalooban ng dalawang magkaiba o
nagtutunggaliang pagpapahalaga. Ibig sabihin nito na:
A. Mahirap ang magpasya dahil ito ay nagiging sanhi ng pagtatalo ng isip tungkol sa mga ibat
ibang mga posisyon.
B. Ang pagpapasiya ay nababatay sa ating mga pagpapahalaga.
C. Ang pagpapasya ay pagpili sa maraming pamimilian.
D. Madali lang magpasya kung alam natin ang sarili nating mga pagpapahalaga.
5. Ang lahat ng kilos ng tao ay bunga ng proseso ng pagpapasiya. Ibig sabihin nito na:
A. Ang lahat ng kilos natin ay dumadaan sa isang mahabang proseso.
B. Ang lahat ng kilos natin ay ginagamitan ng proseso ng mabuting pagpapasiya.
C. Ang lahat n gating kilos ay nababatay sa ating isip at kilos-loob.
D. Kailangang pinag-iisipang mabuti ang lahat ng ating kilos o ginagawa.
6. Paano maikukumpara sa chess ang proseso ng pagpapasya?
A. Mahirap laruin ang chess dahil ginagamitan din ito ng pag-iisip.
B. Kinakailangan nito ng panahon upang laruin.
C. Pinag-aaralan munang mabuti ang bawat galaw upang maging batayan ng gagawing tira.
D. Kailangang isaalang-alang ditto ang iyong mga pagpapahalaga.
7. Karaniwan na ang mga linyang Bigyan mo pa ako ng panahong makapag-isip, sa mga
mahahalagang pagpapasiyang ginagawa. Ibig sabihin nito:
A. Mahalagang bahagi ng proseso ng pagpapasiya ang panahon
B. Kinakailangan ng mahabang panahon ang pagpapasiya.
C. Mahirap talaga ang gumawa ng pasya.
D. Ang balangkas ng proseso ng pagpapasiya ay nakabatay sa panahon.
8. Kahit na binigyan ng magandang pwesto sa kumpanya si Chit ng kanyang ama sa kumpanyang
pag-aari ng kanilang pamilya, pinili pa rin nito ang magtayo ng sariling negosyo. Ito ang tunay na
nagpapasaya sa kanya.
A. Nakakahiya namang mabansagang COO o Child of Owner sa isang kumpanya bagamat ikaw ay
mahusay na CEO.
B. Kinakailangan ding isaalang-alang ang damdamin sa paggawa ng pasya.
C. Mas mahalaga na masaya ang tao sapagkat maikli lamang ang buhay.
D. Mahalaga kay Chit ang kanyang pansariling kaligayahan.
9. Kung nananatili sa iyo ang agam-agam dahil mayroon ka ring pakiramdam na maaari kang magsisi
sa iyong pasiya, kailangan mong.
A. Pag-aralan muli ang iyong pasiya na may kalakip na panalangin at mas ibayong pagsusuri.
B. Huwag mag-agam-agam dahil hindi ka makakakilos hanggang hindi ka nakapipili.
C. Gawin na lamang kung ano ang magpapasiya sa iyo.
D. Gawin na lamang ang magpapasiya sa mas nakararami.
10. Ang higher good ay tumutukoy sa:
A. Kagandahang loob sa bawat isa
B. Kabutihang panlahat
C. Ikabubuti ng mas nakararami
D. Ikabubuti ng mga mahal sa buhay

MODYUL 15: Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Kursong Akademiko o


Teknikal-Bokasyonal o Negosyo
Paunang Pagtataya
A. Panuto: Isulat sa kuwaderno ang iyong mga sagot sa sumusunod na bilang. Copy and Answer
1. Ito ay preperensiya sa mga partikular na uri ng gawain. Ito ang nagganyak sa iyo na kumilos at
gumawa.
A. Hilig B. Pagpapahalaga C. Kakayahan D. Mithiin
2. Sa kabialng banda, ito ay kalakasan (power o mas akma, intellectual power) upang
makagawa ng isang pambihirang bagay tulad sa musika o sa sining. Ito ay likas na tinataglay ng
tao dahil na rin sa kaniyang intellect o kakayahang mag-isip.
A. Hilig B. Pagpapahalaga C. Kakayahan D. Mithiin
3. Siyang nagiging dahilan upang ang isang bagay o ideya ay maging kanais-nais, kaiga-igaya,
kahanga-hanga o kapaki-pakinabang. Mga motibo upang piliin ang isang hakbangin o pasya.
(Hall, 1973)
A. Hilig B. Pagpapahalaga C. Kakayahan D. Mithiin
4. Ito ay ang pinakatunguhin o pinakapakay ng iyong nais na marating o puntahan sa hinaharap.
Sa simpleng salita, ito ang nais mong mangyari sa iyong buhay sa hinaharap.
A. Hilig B. Pagpapahalaga C. Kakayahan D. Mithiin
5. Isa sa mga hakbang sa pagtatakda ng mithiin ang pagkakaroon ng tuon sa nais nating maabot,
may kasiguruhan at pinag-isipan.
A. Tiyak o Specific C. Naabot o Attainable
B. Nasusukat o Measurable D. Angkop o Relevant
B. Isulat sa kuwaderno ang salita o mga salitang tinutukoy sa mga sumusunod na sitwasyon. Pumili sa
mga salita o mga salitang nakasulat sa kahon.

A. job market B. labor market information C. job


mismatch
1. Si Lara Faye ay isang medical sales representative sa isang malaking kumpanya ng gamot. Siya ay
nagtapos ng medisina sa isang kilalang pamantasan sa Maynila.
2. Matagal nang nagtratrabaho si Auring sa pagawaan ng payong. Sa katunayan siya ngayon ay isa
nang tagapangasiwa roon. Nagsimula siya bilang isang manggagawa sa assembly line bagamat siya
nooy isa nang lisensiyadong guro.
3. Nakatira si Mang Juan sa isang kariton sa kanto ng Aurora Boulevard at St. Michael St. Naisanla
nito ang lupang sinasaka nang magkasakit ang asawa at kinailangang lumuwas ng Maynila upang
magtrabaho. Mag-iisang taon nang namumulot ng basura si Mang Juan para kumita at makaipon
upang muling makabalik ng probinsiya.
4. Maraming mga trabahong nakalathala ngayon sa peryodiko ang wala pa sa listahan ng mga trabaho
noong dekada 90.
5. Isa sa mga in-demand na trabaho ngayon ang mga may kaugnayan sa cyberservices.

MODYUL 16: Halaga ng Pag-aaral Para sa Pagnenegosyo o Paghahanapbuhay


Paunang Pagtataya
Panuto: Isulat sa kuwaderno ang iyong mga sagot sa sumusunod na bilang. Copy and Answer
1. Ang liham ni Rizal sa mga kababaihan ng Malolos ay isang pagpapahayag ng kanyang papuri at
paggalang sa katapangang ipinamalas ng mga ito sa pagsusulong ng karapatan sa edukasyon.
Nagpapahayag ito ng kanyang damdamin tungkol sa halaga:
A. ng mga kababaihan sa pagpapaunlad ng lipunan
B. ng pag-aaral maging para sa mga kababaihan
C. na ipaglaban ang karapatan sa edukasyon
D. ng mga kababaihan sa pagtataguyod ng edukasyon
2. Ang pahayag na, Mahalagang papel ang ginagampanan ng edukasyon sa pagtatagumpay nina
Rosell Ambubuyog, Cecilio K. Pedro at Diosdado Banatao ay tama dahil
A. Tama, lahat sila ay nagtapos ng kurso sa kolehiyo.
B. Tama, lahat sila ay patuloy na nag-aaral at nagsasanay.
C. Tama, lahat sila ay dating mahihirap na naiangat ang katayuan sa buhay.
D. Lahat ng nabanggit
3. Ang kahulugan ng pahayag na, paligsahan ang merkado sa paggawa o job market ay:
A. Maraming pare-parehong kasanayan ang nagpapaligsahan sa iilang trabaho.
B. Ang mga trabaho at ang katumbas na pasahod sa mga ito ay nakadepende sa antas ng
pangangailangan ng mga kumpanya para sa kasanayang ito at ang bilang ng mga
mayroong ganitong kasanayan.
C. Maraming mga bagong job titles o trabaho sa ngayon ang walang katapat na
manggagawang may kasanayan para ditto.
D. Depende sa kasanayan at kwalipikasyon ng mga manggagawa ang pasahod dito.
4. Isang halimbawa ng highly skilled worker ang inihinyero sapagkat..
A. siya ang nagbubuo ng mga bahagi ng produkto sa isang industriya
B. siya ang gumagawa ng balangkas at nag-iisip ng mga kailangang sangkap at disenyo ng
produkto
C. malaki ang pasahod sa kanya ng kumpanya
5. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na Ang taong may pormal na edukasyon ay higit na may
kakayahang magtamasa pa ng higit na kaalaman at maging isang highly skilled na manggagawa.
A. Ang taong nakatapos ng kolehiyo ay maaaring mag-aral pa ng ibang kurso o kayay
magtamo pa ng mas mataas na titulo.
B. Ang taong may pormal na pag-aaral ay mas madaling makaunawa at makagawa ng
tamang pagpapasya.
C. Ang taong hindi marunong bumasa at sumulat ay wala nang pag-asang umasenso.
D. Ang isang taong hindi marunong bumasa o sumulat ay walang kakayahan upang
matanggap ang mga kaalaman at impormasyong pinalalaganap sa buong mundo sa
pamamagitan ng edukasyon.
6. Ano ang buod ng talata:

Itinuturo sa haiskul ang kahalagahan ng kalinisan at pangangalaga sa kapaligiran.


Sina Juan at Lynn ay kapwa mag-aaral sa haiskul kung kayat sinisikap nilang
pangalagaan ang kalinisan ng kanilang kapaligiran. Karamihan ng mga kabataan sa
kanilang barangay ay tumigil na ng pag-aaral. Marami rin sa mga matatanda ditto ang
no read, no write. Marami sa kanila ang nagtatapon ng mga basura kung saan-saan
lamang. Madalas na mayroong nagkakasakit sa kanilang barangay. Isa si Juan sa mga

Mas maraming hindi nangangalaga sa kanilang kapaligiran sa barangay nila Juan.


A. Hindi lang ang mga hindi nakapag-aral ang nagdurusa sa kasalatang bunga ng kawalan ng
edukasyon.
B. Walang pagkakaisa ang mga tao sa kanilang barangay.
C. Hindi nagpapatupad ng proyektong kaugnay sa pangangalaga sa kapaligiran ang
pamahalaan ng barangay.
7. Ano ang makatwirang aksiyon ang maaaring gawin ni Juan o Lynn sa bilang 6, bilang isang
mag-aaral ano ang pangmatagalang solusyon na maaari mong gawin upang matulungan ang
iyong barangay?
A. Mamahagi ng polyetos na nagsasaad ng mga hakbang sa pangangalaga sa kapaligiran.
B. Maghahain ng petisyon sa barangay upang magkaroon ng proyektong mangangalaga sa
kapaligiran.
C. Hihimukin ang mga kapwa kabataan na bumalik sa paaralan.
D. Wala kang magagawa sapagkat iakw ay mag-aaral lang sa haiskul.
8. Sa survey ng Filipino Youth Study noong 2001, lumalabas na malayo pa rin ang mga Pilipino sa
ideya ng EDCOM ng isang Pilipinong may sapat na edukasyon. Karamihan ng mga kabataan
(65%) ang hindi sumasali o nakikilahok sa mga gawiang pansibika o pangkomunidad. Ibig
nitong ipakahulugan na:
A. Walang pagmamahal sa bayan ang mga kabataang Pilipino.
B. Katangian ng Pilipinong may sapat na edukasyon ang pakikilahok sa mga gawaing
pansibika at pampamayanan.
C. Indikasyon ng pag-aaral sa kolehiyo ang pagiging makabansa.
D. Karamihan ng mga kabataang Pilipino ay walang pinag-aralan.
9. Bakit isa sa mahahalagang indikasyon ng pagkakaroon ng sapat na edukasyon ang tamang pag-
awit ng Lupang Hinirang?\
A. Isang palatandaan ng sapat na edukasyon ang paggalang sa mga simbulo ng Pilipinas.
B. Bahagi ng pormal na edukasyon ang pagtuturo ng tamang pag-awit ng Lupang Hinirang.
C. Araw-araw inaawit sa paaralan ang pambansang awit.
D. Ang kahusayan sa pagmememorya ng kanta ay isnag palatandaan ng sapat na edukasyon.
10. Isa sa mahahalagang ugali sa pag-aaral o study habit ang pakikipag-usap sa guro sapagkat
A. Kailangan mo ring magpalapad ng papel sa guro paminsan-minsan.
B. Tulad sa ano mang pakikipag-ugnayan, ang komunikasyon ng guro at mag-aaral ay
nararapat na bukas at maayos.
C. Mahalagang paraan ang pakikipag-usap sa guro upang makatiyak na tama ang
pagkaunawa sa mga takdang-aralin at sa paghahanda sa mga pagsusulit.
D. Madalas mahirap kausapin ang guro.

Good luck and God bless

You might also like