Aralin23-Sektor NG Paglilingkod PDF

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

Aralin 23

Sektor ng Paglilingkod
Inihanda ni: ARNEL O. RIVERA
www.slideshare.net/sirarnelPHhistory
Ang GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos!
Panimula
Sa ekonomiya ng isang bansa, hindi lamang
mga produkto tulad ng mga damit,
kasangkapan, gamot, at pagkain ang
pinagkakagastusan at kinokonsumo ng mga
mamamayan. May mga
pangangangailangan din sila bukod sa mga
produktong agrikultural at industriyal.
Kaalinsabay ng kaunlarang pang-ekonomiya
ay ang karagdagang pangangailangan para
sa mga taong bumubuo sa sektor ng
paglilingkod.
Sektor ng Paglilingkod
Ito ang sektor na gumagabay sa buong
yugto ng produksyon, distribusyon ,
kalakalan at pagkonsumo ng mga produkto
sa loob o labas ng bansa.
Ang sektor ng paglilingkod ay nagkakaloob
ng serbisyong pampamayanan, panlipunan,
o personal.
Sa pangkalahatan, ang paglilingkod ay ang
pagbibigay ng paglilingkod sa halip na
bumuo ng produkto.
Paano nabubo ang sektor ng
paglilingkod?
Sa mga nakalipas na kasaysayan ng tao sa mundo,
ipinapakita rito ang malaking pagbabago sa paraan
ng pamumuhay ng mga lipunan Dahil sa
pagbabagong ito, lumawak ang pangangailangan at
kagustuhan ng tao para sa paglilingkod. Ang
pagkakaroon ng espesyalisasyon sa paggawa sa
ibat ibang larangan ang nagturo ng landas para sa
efficient na paraan ng pagbibigay ng paglilingkod sa
mga tao. Maraming gawain ang mga tao ang hindi
nila matugunan sa sarili lamang kayat malaking
tulong ang paghahatid ng ibat ibang paglilingkod
mula sa iba.
Sub-sektor ng Paglilingkod

Kalakalan Pananalapi

Transportasyon, Paupahang
komunikasyon, bahay at Real
at mga Imbakan Estate
Sektor ng
Paglilingkod
Sub-sektor ng Paglilingkod

Transportasyon, komunikasyon, at mga


Imbakan binubuo ito ng mga paglilingkod
na nagmumula sa pagbibigay ng publikong
sakayan, mga paglilingkod ng telepono, at
mga pinapaupahang bodega.
Kalakalan mga gawaing may kaugnayan
sa pagpapalitan ng ibat-ibang produkto at
paglilingkod.
Sub-sektor ng Paglilingkod
Pananalapi kabilang ang mga paglilingkod
na binibigay ng ibat ibang institusyong
pampinansiyal tulad ng mga bangko, bahay-
sanglaan, remittance agency, foreign
exchange dealers at iba pa.
Paupahang bahay at Real Estate mga
paupahan tulad ng mga apartment, mga
developer ng subdivision, town house, at
condominium.
Uri ng Paglilingkod
Paglilingkod na Pampribado lahat ng
mga paglilingkod na nagmumula sa
pribadong sektor.
Paglilingkod na Pampubliko lahat ng
paglilingkod na ipinagkakaloob ng
pamahalaan.
Business Process Outsourcing
(BPO)
Ang sistema ng pagkuha ng serbisyo ng
pribadong kompanya upang gampanan ang
ilang aspekto ng operasyon ng isang
kliyenteng kompanya.
Mga Ahensiyang Tumutulong sa
Sektor ng Paglilingkod
Mga Ahensiyang Tumutulong sa
Sektor ng Paglilingkod
Kahalagahan ng Sektor ng
Paglilingkod
Tinitiyak na makakarating sa mga
mamimili ang mga produkto mula sa
mga sakahan o pagawaan.
Tinitiyak ang maayos na pag-iimbak,
nagtitinda ng kalakal at iba pa.
Nagpapataas ng GDP ng bansa.
Nagpapasok ng dolyar sa bansa
Suliranin ng Sektor ng Paglilingkod
Suliranin Epekto
Kontraktuwalisasyon - Kawalan ng seguridad sa
ang isang manggagawa ay trabaho at pagkait sa mga
nakatali sa kontrata na benepisyo
mayroon siyang trabaho sa
loob ng 5 buwan lamang
Brain Drain Pagkaubos Pagbaba sa produksyon ng
ng mga manggagawa ekonomiya.
patungo sa ibang bansa.
Mababang pasahod at Pagbaba ng produksyon ng
pagkakait ng mga ekonomiya.
benepisyo sa mga
manggagawa.
Pagbubuod:
Ang sektor ng paglilingkod ay nagkakaloob ng
serbisyong pampamayanan, panlipunan, o personal.
Ang sektor ng paglilingkod ay binubuo ng
transportasyon, komunikasyon at imbakan,
kalakalan, pananalapi, paupahang bahay at real
estate.
Ang sektor ng paglilingkod ang may pinakamalaking
ambag sa kabuuang ekonomiya ng bansa.
Habang umuunlad ang lipinunan, mas nagkakaroon
ng espesyalisasyon sa paggawa sa ibat ibang
larangan para sa efficient na paraan ng pagbibigay
ng paglilingkod sa mga tao.
PAGPAPAHALAGA

Sa iyong palagay, sa papaanong


paraan mapapangalagaan ang
kalagayan ng mga manggagawang
Pilipino?
Ano ang kaugnayan ng edukasyon sa
pag-unlad ng bansa? Paano
nakaaapekto sa isang bansa ang
pagbagsak ng kalidad ng edukasyon?
Tandaan:
Ang GRADES
pinaghihirapan
HINDI inililimos!
References:
EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan Modyul para
sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015
Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at
Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA
Publishing House
De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks
Pagsulong at Pag-unlad, VPHI
Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga
Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI
Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga
Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI

You might also like