AP9 Q4 Mod8 Wk8 MRGagto.

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE

Araling
Panlipunan 9
Ikaapat na Markahan–Modyul 8:
(Ikawalong Linggo)
Kalakalang Panlabas

MELC: Nasusuri ang pang-ekonomikong ugnayan at


patakarang panlabas na nakatutulong sa Pilipinas.

Inihanda ni:

MYLENE R. GAGTO
Master Teacher I
San Nicolas National High School
Araling Panlipunan– Ikasiyam na Baitang
Share-A-Resource-Program
Ikaapat na Markahan – Modyul 8: Kalakalang Panlabas
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na
ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Mylene R. Gagto
Editor: Benigno B. Baay
Tagasuri: Maricel T. Pascua
Tagapamahala: Joann A. Corpuz
Joye D. Madalipay
Santiago L. Baoec
Jenetrix T. Tumaneng
Milagros Sandra G. Malvar
Division Design & Layout Artist: Michael George C. Acupido

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Schools Division of Ilocos Norte


Office Address: Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax: (077) 771-0960
Telephone No.: (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address: [email protected]
9

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 8:
(Ikawalong Linggo)
Kalakalang Panlabas
Paunang Salita
Ang Contextualized Learning Module o CLM na ito ay maingat na
inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan
ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang


nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o
sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang
masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita
kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang CLM na ito


upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa


kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga
aralin at paggamit ng CLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala
sila sa paaralan.

ii
Alamin

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap

Ang mag-aaral ay…. Ang mag-aaral ay….


may pag-unawa sa mga sektor ng aktibong nakikibahagi sa maayos na
ekonomiya at mga patakarang pang- pagpapatupad at pagpapabuti ng mga
ekonomiya nito sa harap ng mga sektor ng ekonomiya at mga patakarang
hamon at pwersa tungo sa pang-ekonomiya nito tungo sa
pambansang pagsulong at pag-unlad pambansang pagsulong at pag-unlad

Mga Nilalaman (Paksa/Aralin)


1.Kahulugan ng kalakalang panlabas
2.Pang-ekonomikong ugnayan at patakarang panlabas na nakakatulong sa
Pilipinas.

Pamantayan sa Pagkatuto

Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:


1.Naibibigay ang kahulugan ng kalakalang panlabas; at
2.Naipaliliwanag ang pang-ekonomikong ugnayan at patakarang panlabas
na nakakatulong sa Pilipinas.

Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon tungkol sa aralin,


ngayon naman ay iyong lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto
at mga gawain na inihanda upang maging batayan mo ng impormasyon. Ang
pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutuhan mo bilang mag-aaral ang
mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa pang-ekonomikong ugnayan at
patakarang panlabas na nakakatulong sa Pilipinas.

Inaasahang magagabayan ka ng mga inihandang gawain at teksto upang


masagot kung paano masosolusyunan ang implasyon. Halina’t umpisahan mo sa
pamamagitan ng gawain na nasa ibaba.

1
Subukin

Panuto: Piliin ang pinaka-angkop na kasagutan sa bawat tanong. Isulat sa iyong


sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

1.Alin sa sumusunod ang pangunahing trade partner ng Pilipinas?


A. Argentina B. Japan C. France D. South Africa

2. Ang reserbang dolyar ay mahalaga sa pagiging matatag ng ekonomiya ng bansa.


Batayan ito kung magtataas o hindi ng presyo ng bilihin sa merkado. Lumaki ang
reserbang dolyar kapag hindi _____________.
A. nag-aangkat
B. na malaki ang inaangkat kaysa iniluluwas
C. nagluluwas ng produkto
D. na malaki ang iniluluwas kaysa inaangkat

3. Panoorin ang video clip na pinamagatang “Philippine Export Multiplies GDP


Growth due to Supreme quality robust fueling the Economy”
https://www.youtube.com/watch?v=E3WmUIyKWxA. Batay sa video, ano ang
kontribusyon ng kalakalang panlabas sa pag unlad ng ekonomiya ng bansa?
A. Nagdudulot ito ng matiwasay na pampolitikal na ugnayan ng mga bansa.
B. Nagbibigay ito ng pangkabuhayan at magandang pamumuhay sa mga
mamamayan.
C. Naghihikayat ito sa mga mamamayan na bumili ng mga produktong nagmula
sa ibang bansa.
D. Nagbubunga ito ng pagbuo ng isang mayaman na kultura ng mga
mamamayan.

4. Alin sa sumusunod na pangungusap ang tama?


A. Sapat nang may trabaho upang maging maunlad ang bansa.
B. Nasa kamay ng manggagawa ang pag-unlad ng bansa.
C. Nasa gobyerno ang susi sa pag-angat ng ekonomiya.
D. Nasa paglago ng ekonomiya ang pag-unlad ng bansa.

5. Basahin ang artikulong pinamagatang, “What did Singapore do to become so


successful? I click ang url: http://www.quora.com/What-did-Singapore-do-to-
become-so-successful.
Ayon sa artikulo, bakit naging maunlad ang ekonomiya ng Singapore?
A. Isinara nito ang bansa kontra sa pandaigdigang kalakalan.
B. Masagana ang bansa sa likas na yaman.
C. Hinikayat nito ang mga dayuhan na mamuhunan sa bansa.
D. Hinigpitan nito ang mga pang-ekonomiyang polisiya upang maprotektahan
ang lokal na namumuhunan.

6. Ang mga pangulo ng bansa ay nagsikap na paunlarin ang ating ekonomiya sa


pagnanais na mapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan. Bakit kaya hirap
pa ring umunlad ang ating bansa?

2
A. walang pagkakaisa ang mga Pilipino
B. hindi nalilinang ng lubos ang ating mga yaman
C. dahil maraming corrupt na mga tao at opisyal
D. kulang sa capital ang bansa

7. Ayon sa pag aaral ng Senate Committee on Agriculture and Food noong 2013,
lumalabas na nagkakaroon ng kakulangan sa suplay ng bigas dahil sa mahigpit
na patakaran sa pag iimport ng bigas. Kung ikaw ang kalihim ng Department of
Agriculture, ano ang iyong gagawin?
A. Imungkahi ang pagkakaroon ulit ng PDAF sa national budget upang
mabigyan ng subsidy ang mga magsasaka
B. Ipagpatuloy ang paghihigpit sa importasyon.
C. Taasan ang tariff para sa mga bigas mula sa ibang bansa.
D. Mamuhunan sa pananaliksik, imprastruktura at mahalagang kagamitan sa
pagsasaka upang mapabuti ang kalidad ng ating palay.

8. Ang mga bansa ay makikinabang sa isa’t isa ayon sa konsepto ng comparative


advantage. Alin sa sumusunod na paraan sila makikinabang?
A. trade embargo at quota
B. kasunduang multilateral
C. espesyalisasyon at kalakalan
D. sabwatan at kartel

9. Hindi maiiwasan na makipag-ugnayan ang mga bansa sa ibang bansa lalo na


sa panahon ng globalisasyon. Alin sa sumusunod na pangungusap ang
pinakaakmang dahilan ng pakikipag-ugnayan ng mga bansa sa daigdig lalo na sa
larangan ng pakikipagkalakalan?
A. Madaragdagan ang pantugon sa mga panustos para sa pangangailangan ng
lokal na ekonomiya.
B. Abot-kamay na ang angkat na produkto sa lokal na pamilihan.
C. Darami ang mga produktong banyaga na maaaring gayahin.
D. Maipagmamalaki ang kanilang produkto sa pandaigdigang pamilihan.

10. Ang globalisasyon ay sumasakop sa malawak na dimensiyon ng lipunan at


panig ng daigidig. Bagama’t hinihikayat nito ang pag-uugnayan ng mga bansa lalo
na sa aspekto ng kalakalan, maraming mga bansang papaunlad pa lamang ang
nakararanas ng masamang epekto nito. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang
nagpapakita ng paghina ng kalakalang lokal at panlabas ng mga bansang
naapektuhan ng globalisasyon?
A. ang patuloy na pag-unlad at paglawak ng mga korporasyong transnasyonal
B. ang pagtambak ng mga labis na produkto o surplus sa mga pamilihan
C. ang mas malayang pagdaloy ng puhunan at kalakal sa mga bansa
D. ang pagbabago sa kabuuhang pamumuhay ng mamamayan

3
Aralin Kalakalang
8 Panlabas
Magandang araw sa iyo aking mag-aaral!
Sa modyul na ito, malalaman mo ang kahalagahan ng kolaborasyon ng
mga mamamayan, sektor ng ekonomiya, at mga patakarang pang-ekonomiya na
susi para sa pambansang pagsulong at pag-unlad ng ekonomiya. Matutuklasan
mo rin kung bakit mahalaga ang kalakalang panlabas.
Halika! Simulan na natin.

Balikan

Gawain 1: COUNTRY & FLAG HUNT


Panuto: Ayusin ang mga titik na nasa loob ng kahon sa HANAY A upang mabuo
ang pangalan ng bansang tinutukoy at pagkatapos ay piliin ang titik ng katumbas
na watawat nito sa HANAY B.

4
Tuklasin

Gawain 2: HANAP-SALITA
Panuto: Hanapin ang sumusunod na salita sa word box. Ang mga ito ay maaaring
nasa anyo pababa, pahalang, pataas, o pabaliktad.

5
Suriin

ANG PRINSIPYO NG KALAKALANG PANLABAS

Isang batayang katotohanan na may mga produkto at serbisyong hindi


kayang matugunan sa loob ng isang lokal na pamilihan ng isang bansa. Kung
kayat nagaganap ang tinatawag nating kalakalang panlabas sa pagitan ng mga
bansa. Ayon sa Oxford Dictionary of Economics, ang kalakalang panlabas ay
tumutukoy sa pagpapalitan ng mga produkto at serbisyo ng mga bansa.
Pangunahing layunin nito ay matugunan ang mga pangangailangan. Nagaganap
ang ganitong ugnayan ng mga bansa dulot ng kakapusan sa likas na yaman at iba
pang mga salik upang maisagawa ang produksiyon. Halimbawa, ang ating bansa
ay sagana sa mga produktong agrikultural gaya ng bigas, mais, gulay, at mga
prutas subalit salat naman tayo sa produktong langis at petrolyo kung kaya’t tayo
ay umaasa sa produksiyon ng ibang bansa. Ang ganitong sitwasyon ang
nagbibigay ng batayan kung bakit umiiral ang kalakalang panlabas.
Ang absolute advantage at comparative advantage theory ang nagiging
basehan ng mga bansa para sumali sa pandaigdigang kalakalan. Ang export ay
tumutukoy sa pagluluwas ng mga produkto o serbisyo sa pandaigdigang
pamilihan, samantalang ang import ay tumutukoy sa pagpasok sa lokal na
pamilihan ng mga produkto o serbisyo mula sa iba’t ibang bansa.
Ang absolute advantage theory ay matugunan ang mga pangangailangan.
Nagaganap ang ganitong ugnayan ng mga bansa dulot ng kakapusan sa likas na
yaman at iba pang mga salik upang maisagawa ang produksiyon. Halimbawa, ang
ating bansa ay sagana sa mga produktong agrikultural gaya ng bigas, mais, gulay,
at mga prutas subalit salat naman tayo sa produktong langis at petrolyo kung
kaya’t tayo ay umaasa sa produksiyon ng ibang bansa. Ang ganitong sitwasyon
ang nagbibigay ng batayan kung bakit umiiral ang kalakalang panlabas.
Kaugnay nito, ang pag-iral ng sistema ng kalakalang panlabas ay hindi na
bago. Kung ating babalikan ang kasaysayan, bago pa man dumating ang mga
Espanyol, ang mga sinaunang Pilipino ay nakikipagpalitan na ng kalakal sa ilalim
ng sistemang barter sa mga Arabo, Tsino, Hapones, Indian, at iba pang dayuhan.
Sa ilalim ng sistemang barter, ang batayan ng pagpapalitan ng kalakal o produkto
ay nakabatay ayon sa kung ano ang pangangailangan at kagustuhan ng isang
bansa. Nang dumating ang mga Espanyol, Amerikano, at Hapones kasabay ng

6
kanilang pananakop sa Pilipinas, ay lumawak ang sistema ng ating
pakikipagkalakalan sa ibang mga bansa.
Sa kabilang dako, kaalinsabay ng pagbabago ng panahon at pag-unlad ng
disiplina ng pag-aaral ng ekonomiks ay sumibol ang iba’t ibang mga teorya o
pananaw ng mga ekonomista tungkol sa kalakalang panlabas na siyang nagdulot
ng malawakang pagbabago mula sa sistemang barter noong sinaunang panahon.
Ang absolute advantage theory, ay pinanukala ni Adam Smith. Ito ay
kaalinsabay ng pagkakalathala ng kaniyang aklat na “An Inquiry into the Nature
and Causes of the Wealth of Nations” noong 1176. Isinasaad ng teoryang ito na
ang isang bansa ay dapat na magpakadalubhasa sa paglikha ng mga produkto.

ANG KALAKALANG PANLABAS NG PILIPINAS

Upang maunawaan ang takbo ng kalakalang panlabas ng isang bansa ay


sinusuri ang tinatawag nating balance of payment (BOP), na siyang nagsisilbing
sukatan ng pandaigdigang gawaing pang-ekonomiya ng isang bansa. Ito rin ang
nagpapakita ng talaan ng transaksiyon ng isang bansa sa iba’t ibang bahagi ng
mundo. Samantala, ang balance of trade (BOT) naman ay makukuha sa
pamamagitan ng pagbabawas ng halaga ng kalakal na inaangkat (import) sa
halaga ng kalakal na iniluluwas (export).

DAHILAN NG PAKIKIPAGKALAKALAN SA LABAS NG BANSA


1.Ang isang bansa ay may produktong hindi nito kayang likhain.
2.May mga bansang hindi sapat ang produksyon upang tustusan ang
demand o pangangailangan.
3.May mga bansang labis ang produksyon sa isang produkto kapag
iniluluwas ito sa ibang bansa.
4.May mga produktong nagagawa ng isang bansa sa mas mababang halaga
kaya makabubuti para sa isang bansa na nakagagawa ng katulad na
produkto sa mas mataas na halaga na angkatin na lamang ito.

EPEKTO NG KALAKALANG PANLABAS


A.KABUTIHAN
1.Pagtaas ng produksyon
2.Pagtaas ng pagkonsumo
3.Nagsisilbing pamilihan ng mga labis na pinagkukunang yaman ng ibang
bansa
B. MGA DI-KABUTIHAN NG PAKIKIPAGKALAKALAN SA IBANG BANSA
1.Napapabayaan ang industriyalisasyon ng bansa
2.Paglipat ng maling teknolohiya
3.Paglabas ng dayuhang salapi
4.Sobrang pagkahilig ng mga tao ng mga dayuhang produkto

7
Pagyamanin

Gawain 3: Punan ng tamang impormasyon ang diagram sa ibaba.

Isaisip

 Ang kalakalan ay tumutukoy sa palitan ng produkto at serbisyo na


napapabilis sa pamamagitan ng paggamit ng salapi.
 Ang kalakalang panloob (domestic trade ) ay tumutukoy sa pagpapalitan ng
produkto at serbisyo sa loob ng bansa.
 Ang kalakalang panlabas (international trade) ay tumutukoy sa
pagpapalitan ng produkto at serbisyo sa labas ng bansa.
 Ang absolute advantage ay tumutukoy sa kakayahan ng isang bansa na
isuplay ang isang produkto sa mas mababang halaga sanhi ng saganang
pinagkukunang-yaman,wastong paggamit, at makabagong teknolohiya.
 Ang comparative advantage ay tumutukoy sa produktong may
pinakamataas na lubos na kalamangan o sa produktong may
pinakamababang lubos na di-kalamangan.
 Ang taripa ay buwis na ipinapataw sa produktong inaangkat.
 Ang Liberalisasyon ay patakarang pang-ekonomiko na natutungkol sa
pagbubukas ng ekonomiya sa malayang kalakalan sa pamamagitan ng
pagpapagaan sa pagpasok ng mga inaangkat at dayuhang pondo.

8
Isagawa

Gawain 4: Pagsusuri ng mga Larawan


Panuto: Suriin ang mga larawan at kumpletohin ang tsart sa ibaba.

9
Gawain 5: T-CHART: ABSOLUTE o COMPARATIVE
Panuto: Sa pamamagitan ng T-tsart ay paghambingin mo ang dalawang batayan o
kalakaran ng kalakalang panlabas ng isang bansa batay sa tekstong iyong
nabasa.

Tayahin

Panghuling Pagtataya
Panuto: Piliin ang pinaka-angkop na kasagutan sa bawat tanong. Isulat sa iyong
sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

1.Alin sa sumusunod ang pangunahing trade partner ng Pilipinas?


A. Argentina B. Japan C. France D. South Africa

2. Ang reserbang dolyar ay mahalaga sa pagiging matatag ng ekonomiya ng bansa.


Batayan ito kung magtataas o hindi ng presyo ng bilihin sa merkado. Lumaki ang
reserbang dolyar kapag hindi _____________.
A. nag-aangkat
B. na malaki ang inaangkat kaysa iniluluwas
C. nagluluwas ng produkto
D. na malaki ang iniluluwas kaysa inaangkat

3. Panoorin ang video clip na pinamagatang “Philippine Export Multiplies GDP


Growth due to Supreme quality robust fueling the Economy”
https://www.youtube.com/watch?v=E3WmUIyKWxA. Batay sa video, ano ang
kontribusyon ng kalakalang panlabas sa pag unlad ng ekonomiya ng bansa?

10
A. Nagdudulot ito ng matiwasay na pampolitikal na ugnayan ng mga bansa.
B. Nagbibigay ito ng pangkabuhayan at magandang pamumuhay sa mga
mamamayan.
C. Naghihikayat ito sa mga mamamayan na bumili ng mga produktong nagmula
sa ibang bansa.
D. Nagbubunga ito ng pagbuo ng isang mayaman na kultura ng mga
mamamayan.

4. Alin sa sumusunod na pangungusap ang tama?


A. Sapat nang may trabaho upang maging maunlad ang bansa.
B. Nasa kamay ng manggagawa ang pag-unlad ng bansa.
C. Nasa gobyerno ang susi sa pag-angat ng ekonomiya.
D. Nasa paglago ng ekonomiya ang pag-unlad ng bansa.

5. Basahin ang artikulong pinamagatang, “What did Singapore do to become so


successful? I click ang url: http://www.quora.com/What-did-Singapore-do-to-
become-so-successful.
Ayon sa artikulo, bakit naging maunlad ang ekonomiya ng Singapore?
A. Isinara nito ang bansa kontra sa pandaigdigang kalakalan.
B. Masagana ang bansa sa likas na yaman.
C. Hinikayat nito ang mga dayuhan na mamuhunan sa bansa.
D. Hinigpitan nito ang mga pang-ekonomiyang polisiya upang maprotektahan
ang lokal na namumuhunan.

6. Ang mga pangulo ng bansa ay nagsikap na paunlarin ang ating ekonomiya sa


pagnanais na mapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan. Bakit kaya hirap
pa ring umunlad ang ating bansa?

A. walang pagkakaisa ang mga Pilipino


B. hindi nalilinang ng lubos ang ating mga yaman
C. dahil maraming corrupt na mga tao at opisyal
D. kulang sa capital ang bansa

7. Ayon sa pag aaral ng Senate Committee on Agriculture and Food noong 2013,
lumalabas na nagkakaroon ng kakulangan sa suplay ng bigas dahil sa mahigpit
na patakaran sa pag iimport ng bigas. Kung ikaw ang kalihim ng Department of
Agriculture, ano ang iyong gagawin?
A. Imungkahi ang pagkakaroon ulit ng PDAF sa national budget upang
mabigyan ng subsidy ang mga magsasaka
B. Ipagpatuloy ang paghihigpit sa importasyon.
C. Taasan ang tariff para sa mga bigas mula sa ibang bansa.
D. Mamuhunan sa pananaliksik, imprastruktura at mahalagang kagamitan sa
pagsasaka upang mapabuti ang kalidad ng ating palay.

8. Ang mga bansa ay makikinabang sa isa’t isa ayon sa konsepto ng comparative


advantage. Alin sa sumusunod na paraan sila makikinabang?
A. trade embargo at quota
B. kasunduang multilateral
C. espesyalisasyon at kalakalan
D. sabwatan at kartel

9. Hindi maiiwasan na makipag-ugnayan ang mga bansa sa ibang bansa lalo na


sa panahon ng globalisasyon. Alin sa sumusunod na pangungusap ang

11
pinakaakmang dahilan ng pakikipag-ugnayan ng mga bansa sa daigdig lalo na sa
larangan ng pakikipagkalakalan?
A. Madaragdagan ang pantugon sa mga panustos para sa pangangailangan ng
lokal na ekonomiya.
B. Abot-kamay na ang angkat na produkto sa lokal na pamilihan.
C. Darami ang mga produktong banyaga na maaaring gayahin.
D. Maipagmamalaki ang kanilang produkto sa pandaigdigang pamilihan.

10. Ang globalisasyon ay sumasakop sa malawak na dimensiyon ng lipunan at


panig ng daigidig. Bagama’t hinihikayat nito ang pag-uugnayan ng mga bansa lalo
na sa aspekto ng kalakalan, maraming mga bansang papaunlad pa lamang ang
nakararanas ng masamang epekto nito. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang
nagpapakita ng paghina ng kalakalang lokal at panlabas ng mga bansang
naapektuhan ng globalisasyon?
A. ang patuloy na pag-unlad at paglawak ng mga korporasyong transnasyonal
B. ang pagtambak ng mga labis na produkto o surplus sa mga pamilihan
C. ang mas malayang pagdaloy ng puhunan at kalakal sa mga bansa
D. ang pagbabago sa kabuuhang pamumuhay ng mamamayan

12
Karagdagang Gawain
Gawain 5: EDITORIAL at CARTOON

Ikaw ay magsasaliksik tungkol sa kalagayan ng kalakalang


panlabas ng Pilipinas. Batay sa mga datos o impormasyon na iyong makukuha ay
bubuo ka ng mahahalagang impormasyon o detalye at gagawa ka ng sarili mong
editorial at cartoon. Kinakailangang ang mabubuo mong balita ay naglalaman ng
maayos na panimula kung saan ipinaalam mo sa mambabasa ang paksa, ang
katawan ng balita na siyang nagpapaliwanag ng paksa, at ang wakas kung saan
mababasa ang iyong mga tagubilin o mungkahi tungkol sa paksa. Ang iyong
output ay mamarkahan gamit ang sumusunod na rubrik.

13
Susi sa Pagwawasto

SUBUKIN/TAYAHIN

1. D 6. A

2. B 7. D

3. D 8. B

4. B 9. B

5. A 10. B

14
Sanggunian:
https://peac.org.ph/wp-content/uploads/2019/10/APGR9Q4-LM-Lesson-
4.pdf

Modyul sa Ekonomiks

Workteks sa Araling Panlipunan

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division of Ilocos Norte – Curriculum Implementation Division


Learning Resource Management Section (SDOIN-CID LRMS)

Office Address : Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax : (077) 771-0960
Telephone No. : (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address : [email protected]
Feedback link :https://bit.ly/sdoin-clm-feedbacksystem

15
16

You might also like