Narrative (ESP)

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Department of Education

Region XII
Kidapawan City Division
Kidapawan City District II
SIBUG MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL

Narrative Report sa
Edukasyon sa Pagpapakatao (ESP)

I Panimula:

Pinaniniwalaan na ang mga kagandahang-asal at Mabuting pag-uugali ay

nagsisimula sa pagkakaroon ng kamalayan at pagtuklas sa sariling kakayahan,

sa pangangalaga sa sarili na magahahtid sa pagtitiwala sa sariling kakayahan na

magsisilbing pundasyon ng mabuting pag-uugali, upang matutunang mahalin

ang kanyang bansa at maibahagi sa pandaigdigang pagkakaisa, tulad ng

pagkamasunurin, pagpapahalaga sa kaayusan, kapayapaan, pagkalinga sa

kapaligiran at pagkakaroon ng matibay na pananalig sa panginoon gayundin ang

matatag na pananampalataya.

II Mga Layunin (Objectives)

Upang maisakatuparan ang mga adhikaing ito, inimungkahi ang mga

sumusunod na patnubay sa pagtutuo sa Edukasyon sa Pagpapakatao (ESP).

1. Pagkilala sa sariling kakayahan at Pagpapahalaga nito.


2. Maging mabuting kasapi ng pamilya.
3. Pagmamahal sa bansa at Pakikibahagi sa pandaigdigang pagkakaisa.
4. Pananalig sa Panginoon.

III Mga suliraning nakaharap sa pagturo sa ESP.

Sinasabing kapag naranasan ng mga bata ang masayang pamilya, ito ay

naghahatid sa kanya ng pagtitiwala sa sarili at kahalintulad na mga karanasan sa

mga susunod pang kapaligirang kanyang gagalawan. Ang mga kaalamang ito

ang nagsisilbing gabay sa mabuting pag-uugali at magandang kaasalan ng mag-

aaral, ngunit hindi lahat na mga bata ang pinalad na magkaroon ng isang

masayang at mapagmahal na pamilya. Dahil dito, mahalagang isaalang-alang

ang pagturo ng mga guro ang kahalagahan ng Magandang Asal at Pag-uugali

upang mabuksan sa kanilang isipan sa mga buting gawain na kanilang gagamitin


sa pang-araw-araw na buhay, upang sa paglaki nila maging mabuti siyang

mamamayan at lider ng kabutihan sa isip, sa salita at sa gawa.

IV Mga Mungkahi at Suhesyon

Kayat inimumungkahi pagtuunan ang mga sumusunod na gabay sa

pagtuturo ng (ESP). Gabayan ang mag-aaral sa pagtatanong sa mga nalalaman

sa bawat paksang aralin, upang mabigyang direksyon ang mga aktibidadis na

isasagawa, at isapuso at isabuhay upang matulungang maging mga mabuting

bata at mabuting mamamayang Pilipino sa hinaharap.

Inihanda ni:

GNG. CHERELYN C. BITCHAYDA


Noted by:

GNG. ESTELA S. SINANG


Principal
Department of Education
Region XII
Kidapawan City Division
Kidapawan City District II
SIBUG MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL

Narrative Report
sa Edukasyon sa
Pagpapakatao (ESP)

Ipinasa ni:

Gng. Estela S. Sinang


School Principal

You might also like