MODYUL 3.1 Tula - FINAL

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

MODYUL 3.

1
MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG AFRICA AT PERSIA

INIHANDA NI: T. LYNETTE | BAITANG 10 1


ARALIN 3.1: Tula at Wastong Gamit ng Simbolismo at Matatalinghagang Pananalita
Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay:

Nasusuri ang mga elemento ng tula


Nagagamit ang matatalinghagang pananalita sa pagsulat ng tula

I. Panimula:

Sa lumipas na dantaon, ang kababaihan ng Africa ay lumikha ng mga tula na kanilang


inaawit. Hitik ito sa matatamis at magigiliw na pananalita at oyaying inuulit-ulit upang
ipahayag ang pagmamahal ng ina na nagsisilbi ring pang-aliw at pampaamo sa anak. Itoy
isa sa nakaugalian ng tribong Lango o Didinga ng Uganda na naniniwalang ang kanilang
mga supling ay tila imortalidad ng kanilang magulang. Kaya naman ipakikita sa tulang
tatalakayin ang maingat na pagpili ng ina sa pangalan ng anak, mga pangarap ng ina para
sa kaniyang anak, panghuhula ng ina sa magandang kinabukasan ng anak at ang
positibong pagbabagong hatid nila sa kanilang magulang.

Sa Aralin 3.1, inaasahang maipamamalas mo ang pag-unawa at pagpapahalaga sa


tulang Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay na isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora mula
sa salin sa Ingles ni Jack H. Driberg na A Song of a Mother to Her Firstborn. Matututuhan mo rin
ang kahalagahan ng paggamit ng simbolismo at matatalinghagang pananalita sa pagiging
masining sa pagbuo ng tula. Sa pagtatapos, ay kakatha ka ng sariling tula na lalapatan mo
ng himig.
II. Yugto ng Pagkatuto: Pagbulayan Mo!
Suriin at paghambingin ang dalawang tula sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong sa
loob ng dalawa o higit pang pangungusap.

Ako ang Daigdig Gabi


ni Alejandro Abadilla ni Ildefonso Santos
I
ako
Habang nagduruyan ang buwang ninikat
ang daigdig
sa lundo ng kanyang sutlang liwanag,
ako
isakay mo ako. Gabing mapamihag, sa
ang tula
ako mga pakpak mong humahalimuyak!
ang daigdig
ng tula
ang tula
ng daigdig Ilipad mo ako sa masalimsim

ako na puntod ng iyong mga panganorin;


ang walang maliw na ako doon ang luha ko ay padadaluyin
ang walang kamatayang ako
ang tula ng daigdig saka iwiwisik sa simoy ng hangin!

INIHANDA NI: T. LYNETTE | BAITANG 10 2


II Iakyat mo ako sa pinagtipunan
ako
ng mga bituit mga bulalakaw,
ang daigdig ng tula
ako at sa sarong pilak na nag-uumapaw,
ang tula ng daigdig
palagusan mo ako ng kaluwalhatian!
ako ang malayang ako
matapat sa sarili
sa aking daigdig
ng tula Sa gayon, ang aking pusong nagsatalay
makatatanglaw din sa pisngi ng lupa;
ako
ang tula samantala namang ang hamog kong luha
ng daigdig
sa sangkalikasay magpapasariwa!
ako
ang daigdig
ng tula ako

III At ano kung bukas ang ating silahis ay


ako
papamusyawin ng araw ang langit?
ang damdaming
malaya Hindi bat bukas din tayo ay sisisid
Sa dagat ng iyong mga panaginip?
ako
ang larawang
buhay

ako Kaya ilipad mo, Gabing walang maliw,


ang buhay
ang ilaw at hamog ng aking paggiliw;
na walang hanggan
ilipad mo habang gising ang damdamin
ako
sa banal na tugtog ng bawat bituin!
ang damdamin
ang larawan
ang buhay

damdamin
larawan
buhay
tula
ako

IV
ako
ang daigdig
sa tula

INIHANDA NI: T. LYNETTE | BAITANG 10 3


ako
ang tula
sa daigdig

ako
ang daigdig

ako
ang tula

daigdig
tula
ako....

TANONG:

1. Ano ang sukat at tugma ng mga tula?


Sukat Tugma

Ako ang Daigdig

Gabi

2. Nasalamin ba sa dalawang tula ang kultura ng bansang pinagmulan nito? Patunayan.

INIHANDA NI: T. LYNETTE | BAITANG 10 4


III. Kahulugan ng Tula
Alam mo ba na...

ang tula ay anyo ng panitikan na binubuo ng saknong o taludtod?


Bawat saknong naman ay binubuo ng mga taludtod o linya at ang
bawat taludtod ay nahahati sa mga pantig. Ang mga pantig ng
taludtod o mga salita o paraan ng pagbuo ng pahayag ay piling-pili,
may mga tayutay o mayaman sa matatalinghagang pananalita, at
simbolismo, at masining bukod sa pagiging madamdamin, at maindayog kung
bigkasin kayat maaari itong lapatan ng himig.

Sa pagsulat ng tula kailangang masusing isaalang-alang ang mga elemento


nito. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Sukat- bilang ng pantig sa bawat taludtod


Hal.: Mula sa tanaga ni Ildefonso Santos
A/li/pa/tong/lu/ma/pag
Sa/ lu/pa/ -- nag/ka/bi/tak
Sukat-Pipituhing Pantig

2. Tugma- tunog ng mga huling pantig sa bawat taludtod


Hal.: Mula sa tulang Kundiman ni Jose Rizal
Tunay ngayong umid yaring dilat puso
Sintay umiilag, tuway lumalayo.
Tugmang Ganap

3. Kariktan- ang pagpili at pagsasaayos ng mga salitang ilalapat sa tula at ang


kabuuan nito
Hal.: Mula sa tulang Tinig na Darating ni Teo S. Baylen
Ito ba ang mundong hinila kung saan
Ng gulong ng inyong/Hidwang Kaunlaran?
Kariktan- lalabindalawahing Pantig, Tugmang Ganap at Tayutay

4. Talinghaga- ito ang pinakapuso ng tula sapagkat ito ang kahulugan ng tula o ang
ipinahihiwatig ng may-akda.
Hal.: Mula sa tulang Tinapay ni Amado V. Hernandez

Putol na tinapay
at santabong sabaw
sa nabiksang pintoy iniwan ng bantay
halos ay sinaklot ng maruming kamay
Talinghaga-Nararanasang gutom ng isang mahirap.

INIHANDA NI: T. LYNETTE | BAITANG 10 5


IV. Linangin
Unibersal na kaalaman na ang bawat magulang ay naghahangad ng magandang
kinabukasan sa kaniyang anak. Ito ang pinapaksa ng tula ng isang inang taga-Uganda
para sa kaniyang sanggol sa akdang, Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay. Basahin at
unawain mo ang akda upang iyong matuklasan ang katangian ng tulang malaya at makita
ang kaibhan nito sa tulang tradisyunal, maging ang kultura ng bansang pinagmulan nito.
Mapatutunayan mo rin na ang mga simbolismo at matatalinghagang pananalita ay
nakatutulong sa pagiging masining ng pagbuo ng taludturan ng isang tula.

Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay


A Song of a Mother to Her Firstborn salin sa Ingles ni Jack H. Driberg
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora

Mangusap ka, aking sanggol na sinisinta.


Mangusap ka sa iyong namimilog at nagniningning na mga mata,
Wangis ng mata ng bisirong-toro ni Lupeyo.

Mangusap ka, aking musmos na supling.


Ang iyong mga kamay na humahaplos sa akin.
Na puno ng tibay at tatag bagaman yariy munsik.
Magiging kamay ito ng mandirigma, aking anak.
Kamay na magpapasaya sa iyong ama.
Tingnan mot nananabik na akoy sapulin:
Nagbabalak nang humawak ng panulag na matalim.
Aking giliw, ngalan ng mandirigma sayo ilalaan, at mamumuno sa kalalakihan.
At ikay hahalikan sa yapak ng mga kaapoapohan,
Kahit pa malaon nang naparam sa sanlibutan.
Ngunit lagi kong maaalala ang pagkapit mo sa akin,
Maging ang paghimlay mo sa aking dibdib,
At ang pagsulyap-sulyap sa akin.
Kapag ikay itinanghal na gererong marangal,
Akoy malulunod sa luha ng paggunita.

Munting mandirigma, paano ka namin pangangalanan?


Masdan ang pagbubuskala sa pagkakakilanlan.
Hindi hamak na ngalan sa iyoy ibibigay,
Hindi ka rin ipapangangalan sa iyong amang si Nawal sapagkat ikay panganay.
Higit kang pagpapalain ng poon at ang iyong kawan.
Ikaw bay tatawaging Hibang o Kapusugan?
Ikaw bay tatawaging waring dumi ng baka na anak ng kamalasan?
Ang pooy di marapat na pagnakawan,
Sa iyoy wala silang masamang pinapagimpan.
Ikay kanilang pinaliguan at dinamitan ng kagandahan.
Ikay biniyayaan ng mga matang naglalagablab.
INIHANDA NI: T. LYNETTE | BAITANG 10 6
At ang pambihirang pangungunot ng iyong kilay
Ay hindi ba palatandaan na ikay maingat nilang pinanday?
Yaman ni Zeus at Aphrodite sa iyoy kanilang inalay.
At ang katalinuhang nangungusap sa iyong mga mata,
Maging sa iyong halakhak.
Paano ka pangangalanan, aking inakay?
Ikaw bay lahi na iyong lahi o naiibang nilalang?

Munting mandirigma, sinong anito sa iyoy nananahan?


Kaninong mapagpalang kamay ang sa aking dibdib dumadantay?
Sinong yumuyungyong sa iyot nagpapasigla ng buhay?
Ikaw bay kanlong ng kapayapaan?
Ngunit ikay tila leopardong nasa palumpong at tumatanaw.
Hayaan, sa araw na yaoy iyong ibubuyangyang.
Aking supling, ngayon akoy nasa kaluwalhatian.
Ngayon, akoy ganap na asawa.
Hindi na isang nobya, kundi isang ina.
Maging maringal, aking supling na ninanasa.
Maging mapagmalaki kaparis ng aking pagmamalaki.
Ikay magbunyi kaparis ng aking pagbubunyi.
Ikay irugin kaparis ng pagliyag na aking nadarama.
Anak, na ibinunga ng pag-ibig ng matipunong kabiyak.
Sa wakas, akoy kahati ng kaniyang puso, ina ng kaniyang unang anak.
Ang kaniyang kaluluway ligtas sa iyong pag-iingat,
Aking supling, ako, ako na sadyang sa iyoy humulma.

Samakatuwid, akoy minahal. Samakatuwid, akoy lumigaya.


Samakatuwid, akoy kapilas ng buhay.
Samakatuwid, akoy nagtamasa ng dangal.

Iingatan mo ang kaniyang libingan kung siyay nahimlay.


Tuwinang gugunitain yaring kaniyang palayaw.
Aking supling, mananatili siya sa iyong panambitan,
Walang wakas sa kaniyay daratal mula sa pagsibol ng yong kabataan.
Ikaw ang kaniyang kalasag at sibat, pag-asat kaligtasan sa hukay.
Sa iyo, siyay muling mabubuhay tulad ng suwi sa kalupaan.
At ako ang ina ng kaniyang panganay.
Ikay mahimbing, supling ng leon, nyongezat nyumba.
Ikay mahimbing,
Akoy wala nang mahihiling.

V. Paglinang sa Talasalitaan
INIHANDA NI: T. LYNETTE | BAITANG 10 7
Isaayos mula bilang 1-5 ang mga salita batay sa sidhi ng damdaming ipinahahayag
ng bawat isa, ang lima (5) ang pinakamataas na antas.

A.
Batayang mga Salita Ayos ng mga Salita Batay sa Sidhi ng
Damdamin
kagalakan 5.
katuwaan 4.
kaluwalhatian 3.
kaligayahan 2.
kasiyahan 1.

B.
Batayang mga Salita Ayos ng mga Salita Batay sa Sidhi ng
Damdamin
lungkot 5.
lumbay 4.
dalamhati 3.
pighati 2.
pagdurusa 1.

VI. Tarukin Mo!


Sagutin ang mga gabay na tanong sa loob ng dalawa o higit pang makabuluhang
pangungusap.

1. Sino ang persona sa tula? Ano ang kaniyang pangarap?

2. Masining ba ang tulang tinalakay? Patunayan ang sagot.

3. Sa ano-anong bagay inihambing ang sanggol? Bakit ito ang mga ginamit sa
INIHANDA NI: T. LYNETTE | BAITANG 10 8
paglalarawan sa katangiang taglay niya?

4. Anong kaugalian at kultura ng mga taga-Uganda ang lumutang sa tula? Ibigay


ang iyong pananaw ukol dito?

5. Makatuwiran bang iugnay ang pagkakakilanlan at katangian ng isang anak sa


kaniyang ama at sa poon?

6. Anong bisang pangkaisipan at bisang pandamdamin ang natutuhan pagkatapos


basahin ang akda? Ipaliwanag.

INIHANDA NI: T. LYNETTE | BAITANG 10 9


Ang akdang Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay ay isang tulang malaya na
nagsalaysay ng nadarama at pagpapahalaga ng isang ina sa kaniyang anak. Sa
pagkakataong ito, pag-aralan mo ang isa pang tula na isinulat ni Rafael Palma, Ang
Matanda at ang Batang Paruparo. Basahin at alamin kung ito bay tulang malaya o tulang
tradisyonal.

Ang Matanda at ang Batang Paruparo


Rafael Palma

Isang paruparo na may katandaan,


Sa lakad sa mundo ay sanay na sanay;
Palibhasay di nasisilaw sa ilaw
Binigyan ang anak ng ganitong aral:

Ang ilaw na iyang maganda sa mata


Na may liwanag nang kahali-halina
Dapat mong layuan, iyoy palamara,
Pinapatay bawat malapit sa kaniya.

Ako na rin itong sa pagiging sabik!


Pinangahasan kong sa kaniyay lumapit,
ang aking napalay palad ko pang tikis
nasunog ang aking pakpak na lumiit.

At kung akoy itong nahambing sa iba


na di nagkaisip na layuan siya,
disin ako ngayoy katulad na nila,
nawalan ng buhay at isang patay na.

Ang pinangaralang anak ay natakot


at pinangako ang kaniyang pagsunod;
ngunit sandali lang. Sa sariling loob
ibinulong-bulong ang ganitong kutob;

Bakit gayon na lang kahigpit


ang bilin ng ina ko upang lumayo sa ningning?
Diway ibig niyang ikait sa akin
ang sa buong mundoy ilaw na pang-aliw.

Anong pagkaganda ng kaliwanagan!


isang bagay na hindi dapat layuan,
itong matanda ay totoo nga naming
sukdulan ng lahat nitong karuwagan!

INIHANDA NI: T. LYNETTE | BAITANG 10 10


Akalay isa nang elepanteng ganid
ang alin mang langaw na lubhang maliit,
at kung ang paningin nila ang manaig
magiging higante ang unanong paslit.

Kung akoy lumapit na nananagano


ay ano ang sama ng mapapala ko?
Kahit na nga niya murahin pa ako
ay sa hindi naman hangal na totoo.

Iyang mga ibay bibigyan ng matwid


sa kanilang gawa ang aking paglapit,
sa pananakaliy di magsisigasig
sa nagniningningang ilaw na marikit.

Nang unang sandaliy walang naramdaman


kundi munting init na wariy pambuhay,
itoy siyang nagpapabuyo pang tunay
upang magtiwalat lumapit sa ilaw.

Natutuwa pa ngat habang naglalaro


ay lapit nang lapit na di nahihinto
sa isang pag-iwas ay biglang nasulo
tuloy-tuloy siyang sa ningas nalikmo.

Nang unang sandaliy walang naramdaman


kundi munting init na wariy pambuhay,
itoy siya pa ngang nagpabuyong tunay
upang magtiwalat lumapit sa ilaw.

At siyay hindi na muling makalipad


hanggang sa mamatay ang kahabag-habag,
ang ganyang parusay siyang nararapat
sa hindi marunong sumunod na anak.

- Mula sa Diwang Kayumanggi. 1970

INIHANDA NI: T. LYNETTE | BAITANG 10 11


Ipaliwanag Mo!

Isagawa ang pasaklaw na pagpapaliwanag gamit ang kasunod na grapikong representasyon.

ELEMENTO NG TULA PAGSUSURI

a. Sukat

b. Tugma

c. Kariktan

d. Talinghaga

e. Ito bay tulang tradisyonal o


malaya? Patunayan.

f. Nasalamin ba sa tula ang


kultura ng bansang
pinagmulan nito? Sa
paanong paraan?
Patunayan.

INIHANDA NI: T. LYNETTE | BAITANG 10 12


--------------------------------------------------------------------------------

Gramatika:
Matatalinghagang Pananalita at Simbolismo

Ang matatalinghagang pahayag o pananalita ay may malalim o hindi lantad na


kahulugan. Sinasalamin ng paggamit nito ang kagandahan at pagkamalikhain ng
anumang wika.

Halimbawa:
1. butas ang bulsa - walang pera
2. ilaw ng tahanan ina
3. kalog na ang baba gutom
4. alimuom tsismis
5. bahag ang buntot duwag

Bakit kaya rito sa mundong ibabaw


Marami sa taoy sa salapi-silaw?
Kaya kung isa kang kapus-kapalaran
Wala kang pag-asang umakyat sa lipunan.
(Panambitan ni Myrna Prado salin ni Ma. Lilia Realubit)

Ang mga may salungguhit sa tula ay matatalinghagang pananalita sapagkat ang


unay nangangahulugang pagiging mukhang pera ng tao samantalang ang ikalaway
tumutukoy sa mahirap.

Ang simbolismo naman ay naglalahad ng mga bagay, at kaisipan sa pamamagitan


ng sagisag at mga bagay na mahiwaga at metapisikal. Ito ay ordinaryong bagay,
pangyayari, tao, o hayop na may nakakabit na natatanging kahulugan.

Halimbawa:
1. silid-aklatan- karunungan o kaalaman
2. gabi- kawalan ng pag-asa
3. pusang-itim-malas
4. tanikalang-bakal-kawalan ng kalayaan
5. bulaklak- pag-ibig

Palay siyang matino,


Nang humangiy yumuko,
Nguniy muling tumayo:
Nagkabunga ng ginto!
(Palay, Tanaga ni Ildefonso Santos)

Ang salitang palay sa tula ay sumisimbolo sa taong dumaan sa pagsubok na


kaniyang nilampasan at nagsilbing susi sa kaniyang pagtatagumpay.

INIHANDA NI: T. LYNETTE | BAITANG 10 13


Pagsasanay 1:
Basahin ang mga pahayag sa mga piling saknong o taludtod ng tula. Hanapin ang
matalinghagang pananalita at simbolismo na ginamit at isulat ang kahulugan nito sa
loob ng kahon.

1. Matay napapikit sa aking namasdan;


Apat na kandila ang nangagbabantay.
(Ang Pagbabalik ni Jose Corazon de Jesus)

2. Ang kahulugan moy isang paglilingkod


na walang paupa sa hirap at pagod;
minsan sa anyaya, minsan sa kusang-loob,
pag-ibig sa kapwa ang lagi mong diyos.
(Kabayanihan ni Lope K. Santos)

3. May tanging laruan isang bolang-apoy


Aywan ba kung sino ang ditoy napukol.
At sino rin kaya ang tagapagsindi
Ng parol na buwang pananglaw kung gabi?
(Ang Tahanang Daigdig ni Ildefonso Santos)

INIHANDA NI: T. LYNETTE | BAITANG 10 14


4. Siyay mabiyayang inilatag,
Sa tubong matamis ay matingkad,
Itong disyertoy kaniyang buhok.
Ginintuang paay namumukod,
At ang kaniyang dibdib ay bundok
Na sa ilog ng Nile nalulunod,
Kayat siyay pinong itinakda,
Na ginawarang itim tuwina.
(Salin mula sa tulang Africa ni Maya Angelou)

5. Sandaling lisanin ang nakasanayan


Unatin yaring kaluluwat katawan
Kawangis ng paghalik ng Maylalang
Sa burol, dalampasigat kaparangan.
(Salin sa tulang All The Hemispheres ni Daniel Ladinsky mula sa tula ni Hafiz)

VII. Ilipat
Sa bahaging ito masusubok ang kaalaman mo tungkol sa pagkakaiba ng
tulang tradisyonal at tulang malaya maging ang karunungan mo sa simbolismo at
matatalinghagang pananalita. Mailalapat mo na ang mahahalagang konseptong
iyong napagtibay. Kung mayroon ka pang mga alinlangan tungkol sa aralin,
makabubuting magtanong ka sa iyong guro o balikan mo ang mga naunang gawain
sa pagkatuto.

INIHANDA NI: T. LYNETTE | BAITANG 10 15


Sumulat ng isang sariling-likhang tula tungkol sa pagsasalaysay ng dakilang pag-
aaruga ng isang ilaw ng tahanan sa kaniyang mga anak upang silay alayan ng
natatanging pagpapahalaga.
Pamantayan Bahagdan
Katugmaan sa Paksa 50 puntos
Kakikitaan ng dalawa o higit pang elemento ng tula 40 puntos
Pagiging madulas sa pagbigkas ng mga salita 10 puntos
Kabuuang Marka 100 puntos

Mga Sanggunian:
Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)
Literature World Masterpieces, (Prentice Hall,1991) at Panitikan sa Pilipino 2 ( Pandalubhasaan),
(GONZALES,1982)

INIHANDA NI: T. LYNETTE | BAITANG 10 16

You might also like