Antas NG Pagbasa NG Mga Mag-Aaral Sa Kolehiyo (Pagsusuri)

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Antas ng Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo (Pagsususri)

Cabaltea, Mike Benson E.

Ang pinakamatalinong utak ay nag-uugat sa pagbasa. Isang katotohanan na


ang pagbasa ay sadyang mahalaga sa pagpapaunlad ng sarili at ng lipunan sa
kabuoan. Ito ang binuong panimula ng mananaliksik bilang pagpapakilala sa
saklaw ng kaniyang pananaliksik na may pamagat na Antas ng pagbasa ng mga
Mag-aaral sa Kolehiyo. Walang ligoy na binigyang diin sa unang bahagi ng
panimula kung ano ang pokus ng pag-aaral at kung paano naging malaking bahagi
ang pagbasa sa suliranin ng pananaliksik. Higit na binigyang diin sa bahaging ito
kung bakit ang pagbasa ang isa sa pinakamabisang paraan upang makapagtamo ng
malawak na kaalaman at karunungan ang mga mag-aaral. Ngunit sa kabila ng
pagiging mabisa ng pagbasa sa pagtamo ng kaalaman, kababakasan sa tulong ng
ibinigay na pag-aaral ng National Book Development Board o NBDB (1997) na
kulang ang habit ng mga mag-aaral pagbasa. Dahil dito, mababakas kung bakit higit
na nais bigyan ng pag-aaral ng mananaliksik ang antas ng pagbasa ng mga mag-
aaral.

Sa paglalahad ng suliranin, malinaw na nabigyang-pokus ng mananaliksik


ang suliraning nais tugonan at kung saan galing ang mga mag-aaral na tutulong
upang patunayan ang resulta ng pananaliksik. Nagbigay-linawdin ang paglahad sa
kung anong sangay ng karunungan napapailalim ang pananaliksik upang maging
tiyak ang saklaw ng pag-aaral. Nakatulong din ang mga gabay na tanong na
naksaad upang mas gawing tiyak ang hangarin ng pananaliksik. Hindi rin nawala
ang kognitibong domeyn ni Bloom na batayan ng mismong pananaliksik.

Bukod sa paglalahad ng mismong suliranin, mahalagang naipakita ng


mananaliksik ang kahalagahan ng pag-aaral. Mas naipakita ito sa pamamagitan ng
paghati sa mga manginginabang ng pag-aaral. Dahil dito, mas naging detalyado at
mas nakita kung paano magiging tulong ang isinagawang pananaliksik sa mga tao.
Bukod sa pagpapakita ng kahalagahan ng pag-aaral anng mga impormasyon hinggil
sa mga termino ay malinaw ring naipakita sa pananaliksik na naging tulong upang
mas naging malinaw ang gamit ng salita. Higit ring nakatulong sa pananaliksik ang
mga kaugnay na literatura kung kaya hindi nakapagtataka na matibay ang patunay
ng pananaliksik upang ito ay higit na maglahad ng makatotothanang impormasyon.

Sa mismong metodolohiya naman malinaw na tinalakay ng mananaliksik ang


plano at mga paraan sa pagkalap ng datos. Detalyadong inilagay ng mananaliksik
ang mga respondiyante na kinabibilangan ng mga mag-aaral sa Filipino 2. Malinaw
na inilagay ang kanilang kinabibilangang klase a kung ilan ang kabuoang bilang ng
respondiyante. Dahil dito, mas naging tiyak ang impormasyon hinggil sa mga datos
at estadistikang ginawa.

Sa ikaapat na bahagi ng pananaliksik, naging tulong ang talahanayan upang


mailarawan at masuri kung ano ang resulta ng ginawang pag-aaral. Sa pananaliksik
na ginawa, mapapansin na may kalakip na paliwanag ang mananaliksik sa resulta
ng bawat domeyn. Mas naging detalyado ito dahil sa mga mga porsiyento na
nakalagay.
Antas ng Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo (Pagsususri)
Cabaltea, Mike Benson E.

Sa huling bahagi ng pananaliksik, iipanakita kung ano ang kinalabasan,


kongklusyon at rekomendasyon. Inisa-isa ng mananaliksik ang problema at ang
kinalabsan nito. Bukod diyan, nakalagay din ang kongklusyon sa bawat problema.
Hindi rin nawala ang rekomendasyon na binuo sa tulong ng paghahati nito base sa
mga taong makikinabang.

Para sa kabuoan, masasabing detalyado at higit na makatotohanan ang


pananaliksik na ginawa. Sa tulong ng matibay na datos at metodolohiya, naipakita
nang malinaw ng mananaliksik ang hangarin nitong matukoy ang antas ng pagbasa
ng mga mag-aaral at kung anong mungkahi ang maaaring ibahagi upang mas
mapabuti pa ito. Sa huli, mahalaga rin na naipakita ng mananaliksik nang may
proseso ang pagkakabuo ng pananaliksik. Ito ang rason kung bakit naging
sistematiko ang pananaliksik.

You might also like