4 RRL

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

RRL

Maraming pagbabago ang naihatid ng teknolohiya sa henerasyon ngayon. Ang

mgapagbabagong ito ay lubos na ding nakaapekto sa paraan ng pagtuturo ng mga

guro. Ayon kay Megwa (2022), Ang pagpapakilala ng teknolohiya sa edukasyon

partikular na sa aspeto ng pagtuturo ay nagdulot ng pagbabago sa trend mula sa

tradisyonal na mga kasanayan sa pagtuturo tungo sa isang modernong digital na

diskarte sa pagtuturo. Ang paggamit ng Internet ay lumago sa kaugnayan nito sa

edukasyon dahil narin sa dulot ng Covid-19 nagkaroon ng mga online na klase, mga

materyales sa pag-aaral, mga aklatan, mga materyal na pang-akademiko atbp.Gayun

din ang mga imbensyon at pagkakaroon ng mga aktibong portable na mobile device

tulad ng mga smartphone, tablet, laptop at iba pang makabagong kagamitan na

ginagamit upang makipagkomunikasyon at makakuha ng iba’t -ibang impormasyon sa

tulong ng internet, ito ang nagpapataas ng kanilang paggamit bilang mga mag-aaral at

maayos at madaling maa-access ng mga guro ang mga akademikong materyal sa

internet.

Dahil dito, nabibigyang gabay ang mga guro para kumuha ng iba’t-ibang

impormasyon para magbigay kaalaman sa mga estdyante. Ang pagkakaroon ng

madaling access sa mga literatura at mga imbensyon upang makatulong sa pagunlad

ng pagiisip at pag-angat sa akademiko ng mga kabataan. Dito rin mahahasa ang

kanilang mga ideya at talento gaawa ng iba’t-ibang mga paraan sa pagtuturo ng isang

guro dahil maraming mapagkukuhanang impormasyon. Ang mga mag-aaral ay

masnagkakaroon ng partisipasyon sa kanilang aralin dahil ang ginagamit ng mga guro

sa pagtuturoay naayon sa kanilang henerasyon. Ang teknolohiya rin ay nakakatulong


sa mga mag-aaral atguro upang mapadal ang kanilang pananaliksik at iba pang

gawain.

Sa pananaliksik nina Haleem et.al (2022), Isa sa mga pangunahing bahagi ng

agenda ng napapanatiling pag-unlad 2030 ng United Nations ay ang kalidad ng

edukasyon. Nilalayon nitong tiyakin ang inklusibo at pantay na kalidad ng edukasyon

para sa lahat. Ang mga digital na teknolohiya ay lumitaw bilang isang mahalagang

tool upang makamit ang layuning ito. Ang mga teknolohiyang ito ay simple upang

matukoy ang mga pinagmumulan ng emisyon, maiwasan ang karagdagang pinsala sa

pamamagitan ng pinahusay na kahusayan sa enerhiya at mas mababang carbon na

mga alternatibo sa fossil fuel, at kahit na alisin ang mga sobrang greenhouse gases

mula sa kapaligiran. Ang mga digital na teknolohiya ay nagsusumikap na bawasan o

alisin ang polusyon at basura habang pinapataas ang produksyon at kahusayan. Ang

mga teknolohiyang ito ay nagpakita ng isang malakas na epekto sa sistema ng

edukasyon.

Gawa ng modernisasyon, maraming mga aspeto ang nagbago sa ating

pamumuhay. Dahil dito maraming mga bagay ang napapadali. Sa edukasyon, ang mga

estudyante at mga guro ay ginagawang kuhanan ng makabong impormasyon ang

teknolohiya at ang internet. Kumpara sa makalumang paraan, ang mga dating guro ay

nagbabase lamang sa mga libro at modyuls na ibinibigay sa mga paaralan, kung noon

ang mga estyudenate ay pumupunta ng library para mananaliksik, nagtatyaga sa kung

anong meron ang nasa loob ng aklatan. Ngayon, ang mga guro ay nakakapagbigay at

nakakapagturo ng maayos dahil marami silang mapagkukuhanan ng impormasyon,

nagagabayan din nila ang mga estyudante kahit nasa bahay dahil pwede na silang

magtanong at makipagusap online. Ang mga mananaliksik na estyudante hindi na

magtatyagang maghanap at magbasa ng mga libro sa aklatan, ngayon, lahat ng


imporamsyon sa buong mundo, kaya na nilang iaccess. Sumakatuwid maraming mga

magagandang dulot ang makabagong teknolohiya sa pag-aaral at pagtuturo.

Ang teknolohiya sa edukasyon ay nagiging mas karaniwan sa digital na

panahon na ating ginagalawan ngayon. Ayon kay Dyhrkopp (2021), Ang mga paraan

ng paggamit ng teknolohiya sa silid-aralan ay kinabibilangan ng paglalaro, digital

storytelling, games based learning, blogs, coding, robotics at mga virtual field trip.

Ang mga guro ay maaari ding gumamit ng teknolohiya upang gumawa ng mga

makabuluhang pagbabago sa kanilang mga paraan sa pagtuturo at ang kung paano

iayos ang silid-aralan sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya. Isang malapit na

pagtingin sa mga kakulangan ng paggamit ng teknolohiya sa edukasyon ayon sa ang

mga propesyonal ang pagbabago sa loob ng silid aralan. Nararamdaman ng mga guro

na ang ilang mga hamon isama ang mga cell phone, kakulangan ng patakaran, at

kakulangan ng tulong mula sa mga departamento ng teknolohiya.

Maraming mga paaralan parin ngayon ang nakkaatamasa ng limitadong mga

kagamitan. Marahil malaki ang mabibigay na tulong ng mga makabaong teknolohiya,

ngunit kung ang mga ito ay isa sa suliranin at kakulangan ng paaralan, hindi

mabibigyan ng maayos at advance na pagtuturo ang mga bata. Ang mga guro ay

pwedeng kumalap ng mga impormasyon sa kanilang mga bahay gamit ang kani

kanilang mga gadgets, ngunit ang maayos na pagpresinta ng kanilang mga hadhikain

ay hindi maayos dahil wala silang mga compyuter sa paaralan o mga projector. Dahil

dito limitado parin ang kanilang pagtuturo.

Ang kasalukuyang panahon ay itinuturing bilang makabagong panahon. Ang

modernisasyon ay pamilyar mula sa mga aralin ng kasaysayan bilang isang paglipat

mula sa tradisyonal na lipunang pangindustriya. Gayunpaman, ang salitang ito ay may


mas malalim at may iba’t ibang kahulugan. Kasabay ng mga pagbabago sa lipunan ay

ang pagtaas ng kalidad ng bawat larangan. At isa na riyan ang larangan ng edukasyon.

Sa pag-aaral ni Gilakjani (2017), Kapansin-pansing binago ng mga

teknolohiya ang paraan ng pangangalap ng mga tao ng impormasyon, pagsasagawa ng

pananaliksik, at pakikipag-usap sa iba sa buong mundo. Inalis ng teknolohiya ang

mga hadlang sa distansya at naging posible para sa mas mataas na edukasyon na

epektibong magturo sa sinuman. Ang pagsasama-sama ng teknolohiya ay lalong

ginagamit sa pagtuturo upang mapabuti ang pagtuturo at pagkatuto. Ang mabilis na

pag-unlad ng pagsasama-sama ng teknolohiya ay nagpakita ng isang mas mahusay na

pattern upang mahanap ang mga bagong modelo ng pagtuturo. Dahil dito, ito ay may

mahalagang papel sa pag-aaral at pagtuturo ng mga kasanayan sa wika.

Ito ang magbibigay daan tungo sa mabilis na pagunlad ng kaalaman ng mga

bata. Sa paggamit ng makabong teknolohiya, maraming mga bagay ang nahahasa

sakanila. Ang mga guro ang mga nagsisilbing gabay upang matuto at maging

mahusay ang mga estyudante. At dahil sa mga kagamitan na ito, binibigyang halaga

ang pagbibigay ng mga impormasyon mula sa mga iba’t-ibang artikulo mula sa iba’t-

ibang bansa galing sa internet.


Reference:

Dyhrkopp (2021), Technology Use in Education by Students and Teachers. Retrieved


from:https://nwcommons.nwciowa.edu/cgi/viewcontent.cgi?
article=1337&context=education_masters

Gilakjani (2017), A Review of the Literature on the Integration of Technology into


the Learning and Teaching of English Language Skills. Retrieved from:
https://www.researchgate.net/publication/318740321_A_Review_of_the_Li
terature_on_the_Integration_of_Technology_into_the_Learning_and_Teac
hing_of_English_Language_Skills

Haleem et.al (2022), Understanding the role of digital technologies in education: A


review. Retrieved from:
https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S2666412722000137

Megwa (2022), The Impact of Technology On Teaching and Learning In Higher


Institutions: A Literature Review. Retrieved from:
https://www.researchgate.net/publication/357824376_The_Impact_of_Tech
nology_On_Teaching_and_Learning_In_Higher_Institutions_A_Literature
_Review

You might also like