Mapanuring Mambabasa Ka Ba PDF

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 30

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Ano kaya kung sakaling walang mga diyaryo, magasin o aklat sa mundo? Araw-
araw, nagbabasa tayo ng mga materyales na nagbibigay sa atin ng ibat ibang
impormasyon. Sa pamamagitan ng pagbabasa, nalalaman natin kung ano ang nangyayari
sa ating kapaligiran at sa buong mundo. Habang tayo ay nagbabasa, nagiging maalam
tayo at nahahamon tayong mag-isip. Kapag pinag-iisipan natin ang ating binabasa at
pinipili natin kung ano ang may halaga para sa atin, umuunlad tayo. Nagiging
matalinong mambabasa tayo.
Nais mo bang matutuhan ang ilang paraan upang malaman mo ang lahat ng
makakaya mong malaman mula sa iyong pagbabasa? Matutukoy mo ang halaga at
kaugnayan ng iyong binabasa. Tinatawag natin itong mapanuring pagbabasa.
Ang modyul na ito ang tutulong sa iyo na paunlarin ang iyong batayang kakayahan
sa mapanuring pagbabasa. Makatutulong ito upang ikaw ay maging isang mapanuring
mambabasa. Ito ay binubuo ng sumusunod na aralin:
Aralin 1 Hindi Tama o Hindi Sapat na Impormasyon
Aralin 2 Mga Estratehiya sa Mapanuring Pagbabasa
Aralin 3 Ang Kaugnayan at Halaga ng mga Ideya
Tanungin mo ang iyong sarili, Ano ang makukuha ko mula sa modyul na ito?
Isipin mo ang mga dakilang tao na malaki ang iniambag upang higit na magaan ang
ating buhay kaysa noon. Ano ang kanilang lihim o sekreto? Nag-iisip sila nang malalim
habang sila ay nagbabasa o nagmamasid ng kanilang kapaligiran. Ang kanilang mga pag-
iisip ang pinagmulan ng mga bagong idea. At ang kanilang mga idea ay naging
imbensiyon na atin ngayong tinatamasa. Kaya, mag-isip, magbasa, at mag-isip muli.
Hanapin ang mga sagot sa iyong mga tanong na bakit. Paunlarin mo ang iyong mga
kakayahan sa pag-iisip at pagbabasa ngayon na. Sinong may alam, baka matuklasan na
natin ang pagiging dakila mo.

Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito?

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, may kakayahan ka nang :


tukuyin ang hindi tama o hindi sapat na impormasyon sa mga tekstong
babasahin mo;
gumamit ng ibat ibang estratehiya sa mapanuring pagbabasa sa paglutas sa
mga problema; at
tayahin ang kaugnayan at halaga ng mga ideyang mula sa mga babasahin.

1
Anu-ano na ang mga Alam mo?

Bago mo simulang pag-aralan ang modyul na ito, sagutan ang simpleng pagsusulit
upang malaman kung anu-ano na ang alam mo hinggil sa paksang tinatalakay.
Basahin ang nasa iba at sagutan ang sumusunod na paksa.

(1) Sa pagbabasa, ang bawat estudyante ay may kaniya-kaniyang paraan na


nakatutulong sa kanila na lutasin ang kanilang suliranin sa pagbabasa. (2) Isa sa mga
teknik o paraan ay ang paghahanap sa kahulugan at halaga ng bago at mahirap na
impormasyon. (3) Kapag natuklasan nila ang kahulugan at kahalagahan ng impormasyon,
higit na natatandaan at naiiwan ang mga ideyang nabasa nila. (4) Gayundin, nakagagawa
sila ng mahalagang pasiya o desisyon batay sa impormasyong nabasa nila. (5) Kapag
pinag-iisipan nilang mabuti ang mga impormasyon nabasa nila, nagpapasiya sila. (6)
Maaaring magpasiya silang makatuwirang suriin ito, halimbawa, ang bawat pahina, o
bawat bahagi, at nagtatatag ng ugnayan ng mga ideya sa mga pahinang iyon. (7) O,
upang magkaroon ka ng global o pangkalahatang larawan o birds eyeview ng mga
pahinang nabanggit sa pamamagitan ng skimming. (8) Kapag gagamitin nilang pareho o
alinman sa mga nabanggit na paraan o teknik, nagiging mas madali ang kanilang pag-
unawa sa impormasyong nabasa. (9) Kung kaya, mahalaga na gamitin ng mga estudyante
ang dalawa o isa sa mga nabanggit na paraan upang maging makabuluhan ang kanilang
karanasan sa pagbabasa. (10) Kung hindi, magiging miserable ang mga ito dahil sa mga
suliranin nila sa pagbabasa na hindi na maaayos.

1. Aling pangungusap ang nagsasabi sa iyo kung tungkol saan ang paksa. Ibigay
ang bilang.
_________________________________________________________
_________________________________________________________

2. Anong pangungusap ang maaaring tanggalin nang hindi naaapektuhan ang


daloy ng paksa sa isang saknong?
_________________________________________________________
_________________________________________________________

3. Bakit mahalaga para sa isang estudyanteng katulad mo ang magkaroon ng


saysay o mabigyan ng kahulugan ang bago at mahirap na impormasyon?
_________________________________________________________
_________________________________________________________

4. Mahuhulaan mo kaya ang kahulugan ng salitang skimming? Anu-anong


salita sa teksto ng nakatulong sa iyo na bigyang kahulugan ang salita?
_________________________________________________________
_________________________________________________________

2
5. Anu-anong salita ang may kahulugang pareho sa global?
_________________________________________________________
_________________________________________________________

6. Anong salita sa Pangungusap 1 ang nagbibigay kahulugan sa salitang


mahalaga?
_________________________________________________________
_________________________________________________________

7. Paano mapapadali ng isang estudyanteng katulad mo ang pagbabasa?


_________________________________________________________
_________________________________________________________

8. Anong salita ang naglalaman ng walang batayang generalization o paglalahat


at kalabisan?
_________________________________________________________
_________________________________________________________

O, kumusta? Marami ka bang nasagutan nang tama? Ihambing ang iyong mga sagot
sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 29 upang malaman mo.
Kung tama lahat ng sagot mo, magaling! Ipinapakita nito na marami ka nang alam
tungkol sa mga paksa ng modyul na ito. Maaari mo pa ring pag-aralan ang modyul
upang pagbalik-aralan ang mga nalalaman mo na. Malay mo, may matutuhan kang bago.
Kung mababa ang iskor mo, huwag mabahala. Nangangahulugang para sa iyo ang
modyul na ito. Matutulungan ka nitong maintindihan ang mga mahahalagang konsepto
na magagamit mo sa pang-araw-araw na pamumuhay. Kung pag-aaralan mo nang maigi
ang modyul na ito, matututuhan mo ang mga sagot sa lahat ng tanong sa pagsusulit at
higit pa doon. Handa ka na ba?
Maaari ka nang pumunta sa susunod na pahina upang simulan ang Aralin1.

3
ARALIN 1

Hindi Tama o Hindi Sapat na


Impormasyon

May nabasa ka na bang hindi mo naiintindihan dahil hindi kompleto ang


impormasyong ibinigay? O dahil nakalilito o walang kaugnayan ang paksa? Nasubukan
mo na bang malito dahil hindi tama ang impormasyong inilahad? Nasubukan mo na
bang mawalan ng gana sa pagbabasa ng isang artikulo dahil napakarami nitong detalye?
Kung oo, malamang nakabasa ka na ng mga materyales na may impormasyon.
Sa modyul na ito, aalamin mo kung paano malalaman o matutuklasan ang ganitong
uri ng impormasyon. Matututuhan mo ring tukuyin kung ano ang mali sa ibinigay na
impormasyon.
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, may kakayahan ka nang:

larawan ang ibat ibang uri ng hindi tama o hindi sapat na impormasyon; at
tukuyin ang magkakasalungat na impormasyon sa teksto.

Basahin Natin Ito

Maingat na basahin ang Sipi 1 sa ibaba. Tingnan kung magagawa mo ang


pinagagawa sa iyo pagkatapos.
Sipi 1

Tinatawag ang ehersisyong ito na Pagwawagayway ng mga Kamay sa may


Lawa (Waving Hands by the Lake). Mabuti ito para sa pagsasaayos ng paghinga at
pagpapanatili sa balanse ng presyur ng dugo o blood pressure. Mainam rin ito sa
pagpapalakas sa kidney o bat; pagpapakalma ng mga nerve, at paglunas sa kirot na
dulot ng rayuma o arthritis.

Pagkatapos mong basahin ang sipi, sa tingin mo, magagawa mo ba ang ehersisyo?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

Bakit hindi?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

4
Ano ang kailangan upang magawa mo ang ehersisyo nang tama?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

Isinagot mo bang kailangan ng karagdagang impormasyon? Kung oo, tama ka.


Ang sipi na ito ay naglalaman ng hindi tama o hindi sapat na impormasyon.
Kailangan mo pa ng karagdagang impormasyon upang maisagawa mo nang tama ang
ehersisyong inilalarawan.
Kailangan mo ng espisipikong instruksiyon na may mga sunud-sunod na hakbang
upang maisagawa mo ang ehersisyong Pagwawagayway ng mga Kamay sa may Lawa
(Waving Hands by the Lake). Ang impormasyon ay kailangang may kompletong data,
detalye, at halimbawa upang malinaw na maintindihan ito.
Ngayon, basahing muli ang sipi sa naunang pahina pagkatapos, basahin ang
binagong bersiyon na nasa ibaba.
Sipi 2
Narito ang paraan ng pagsasagawa ng ehersisyong Pagwawagayway ng mga
Kamay sa may Lawa (Waving Hands by the Lake).

Una, tumayo nang magkalayo ang mga paa. Nakababa ang mga kamay.
Pagkatapos, mabagal na huminga. Langhapin mo ang sariwang hangin. Isipin mo na
nilalangahap mo ng simoy ng hangin sa may tabi ng lawa. Pagkatapos, dahan-dahang
huminga palabas.
Ngayon, dahan-dahan mong itaas ang iyong mga kamay hanggang sa may dibdib.
Itiklop nang kaunti ang iyong mga tuhod upang bumaba ang balakang.
Muli, dahan-dahang huminga damhin mo ang pagpasok at paglabas ng hangin sa
iyong bga.
Pagkatapos, dahan-dahang ilagay sa iyong tabi ang iyong mga kamay at bumalik sa
orihinal na posisyon.
Habang bumabalik ka sa dati mong posisyon, dahan-dahang huminga muli.

Paano mo ihahambing ang Sipi 2 sa Sipi 1?


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

Kung isinagot mo na ang Sipi 2 ay higit na madaling basahin, maintindihan, at


gawin dahil mas marami itong impormasyon, tama ka.

5
Ngayon, tumayo ka. Rebyuhin ang mga instruksiyon na ibinigay sa nakaraang
pahina. Pagkatapos, subukang gawin ang ehersisyong inilalarawan pagkatapos basahin
ang bawat linya. Makatutulong ito sa iyo na matandaan mong mabuti ang bawat hakbang
sa ehersisyo.

Subukan Natin Ito

Mangolekta ng mga artikulo hinggil sa isang aktibidad mula sa mga magasin,


diyaryo, at aklat. Ang pangongolekta ng mga recipe mula sa mga cookbook ay isang
magandang simula. Basahin ang mga ito at tingnan kung may makikita kang hindi tama
o hindi sapat na impormasyon sa alinman sa mga ito.
Kung may mga tanong ka, lapitan ang ang iyong Instructional Manager.

Basahin Natin Ito

Nakatanggap ka ng liham mula sa iyong tiyahin na nag-aanyaya sa iyo na


magbakasyon sa kanila.

Marso 2001

Mahal na _____________,
Kumusta ka? Natutuwa ako at matatapos na ang inyong mga klase. May mga plano
ka na ba para sa iyong bakasyon?
Sa unang linggo ng Abril, ang San Roque, ang aming bayan ay magdiriwang ng
taunang piyesta. Marami na namang pagkain. Narinig ko na bumubuo ng mga variety
shows at iba pang aktibidad ang aming alkalde. Sigurado akong magiging masaya ang
pagdiriwang! Pupunta rito ang mga pinsan mo mula sa Mindanao para sa piyesta. Gusto
mo rin bang pumunta rito?
Alam ko na magbibiyahe kang mag-isa kapag magpaplano kang pumunta rito.
Pumunta ka lamang sa piyer at bumili ng tiket. Nasasabik na kong makita ka.

Nagmamahal,
Tita Miling

Ipagpalagay natin na hindi ka pa nakakarating sa bahay ng Tita Miling mo, ano ang
kulang sa kaniyang liham?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

6
Marahil, masyadong excited si Tita Miling kaya nakalimutan niyang isulat ang
kaniyang buong address at ang kompletong direksiyon kung paano pupunta doon. Ito ay
isang halimbawa ng pagbibigay ng hindi kompletong impormasyon. Higit na magiging
madali para sa iyo kung ang lahat ng impormasyong kailangan ay ibinigay, hindi ba?
Sa kasong ito, ano ang pinakamainam na gawin?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

Kung ang sagot mo ay susulat ka sa iyong Tita Miling at hingin ang kompletong
direksiyon, magaling! Naisip mo na ba kung gaano kahalaga ang pagkuha ng
kompletong impormasyon?

Basahin Natin Ito

Nag-uusap sa telepono si Ginang Wee at Ginang Tee. Basahin ang dayalog sa


ibaba.

Gng. Wee: Hello, magandang umaga. Maaari po ba akong makipag-usap kay Gng.
Tee?
Gng. Tee: Ito nga ho si Gng. Wee.
Gng Wee: Gng. Tee, ano po ang petsa ng inyong kapanganakan?
Gng. Tee: Enero 10, 1957, bakit?
Gng. Wee: Ikinalulungkot ko, Gng. Tee. Ang iyong aplikasyon para sa housing loan ay
hindi naaprobahan.
Gng. Tee: Bakit?
Gng. Wee: Dahil hindi tama ang impormasyong nakalagay sa inyong application form.
Isinulat ninyo na ang petsa ng inyong kapanganakan ay Enero 10, 2000.
Sigurado akong hindi naman kayo walong buwang gulang.
Gng. Tee: Naku po! Maling impormasyon ang nailagay ko sa form. Absent-minded
siguro ako!
Gng, Wee: Ikinalulungkot ko.
Gng. Tee: Sa susunod, babasahin kong mabuti ang application form at tamang
impormasyon ang isusulat ko dito bago ko isumite. Nakakahiya naman ang
nangyaring ito. Ikinalulungkot ko. Paalam, Gng. Wee.

7
Bakit hindi naaprobahan ang aplikasyon ni Gng. Tee para sa isang housing loan?
Hindi niya sinasadyang isulat ang maling impormasyon sa kaniyang aplikasyon.
Nagkaroon ka na ba ng katulad na karanasan? Nagagawa natin ito kung minsan,
hindi ba? Kung kaya, kailangang tiyakin natin na tsinitsek at muling tsinitsek ang
impormasyong ibinibigay o tinatanggap natin. Wala namang masama sa pagiging
metikulosa hindi ba?
Anong aral ang matutuhan natin sa pagtanggap o pagbibigay ng hindi kompleto o
hindi tamang impormasyon?
Natutuhan ko na malaki ang epekto nito. Kaya, kailangang matuto tayo sa ating
mga karanasan.

Subukan Natin Ito

Basahin ang sipi sa ibaba at sagutin ang sumusunod na tanong.

Nang dumating kami sa ospital, magugulatin pa sa matandang mali-mali ang aking


ina. Nang makita niyang gising na ang aking lola, lumiwanag ang kaniyang mukha na
parang bombilya. Nang yakapin ako ni lola, parang bulkang sasabog ang aking dibdib.

Masasabi mo ba kung ano ang nangyari sa kaniyang lola? Malinaw mo bang


naintindihan ang sipi? Bakit hindi? Kung sasabihin mong hindi mo naintindihan dahil sa
paggamit ng napakaraming salitang hindi kailangan, tama ka.
Matutukoy mo ba ang mga salita o pariralang hindi naman talaga kailangan? Isulat
ang mga ito sa mga puwang sa ibaba.
1. _________________________________________________________
2. _________________________________________________________
3. _________________________________________________________

Ang sumusunod ay mga hindi kinakailangang salita o parirala:


1. magugulatin pa sa matandang mali-mali
2. na parang bombilya
3. parang bulkang sasabog

8
Subukang ipalit ang mga pariralang ito sa nakaraang saknong ng isa o dalawang
salita lamang at tingnan ang pagkakaiba. Punan ang mga puwang ng tamang salita o
parirala. Pumili mula sa listahan sa ibaba.
nanatiling kalmado mabagal na tumitibok mabilis na tumitibok
ngumiti kumalma nag-alala
masaya umiyak umiiyak
malungkot

Nang dumating kami sa ospital, ang Nanay ay ____________________.


Ngunit nang makita naming gising ang Lola, ____________________ si Nanay.
At nang yakapin ako ni Lola, ____________________ ang aking puso.

Ihambing ang iyong sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 29.


Ang mga simpleng sipi ay madaling maintindihan dahil tahasan ang punto nito.
Ang mga hindi kailangan at labis na salita ang dahilan kung bakit nagiging magulo at
mahirap maintindihan ang sipi.
Batay sa iyong natutuhan, may naiisip ka bang isang katangian ng mapanuring
mambabasa? Ang isang mapanuring mambabasa ay may kakayahang tukuyin ang mga
sipi na may kalabisan. Alam niya kung paano palitan ang mga mabulaklak at labis na
detalye ng simpleng salita upang gawing malinaw at madaling maintindihan ang
pangunahing idea ng sipi.

Basahin Natin Ito

Basahin ang sipi sa ibaba at alamin kung ano ang pangunahing idea.

Kapag may binasa ka, kailangan mong sagutan ang mga tanong sa dulo. Pagkatapos,
pumunta sa silid-aklatan at tingnan ang kahulugan ng mga salitang mahirap maintindihan.
Pagkatapos, gumawa ng iyong konklusiyon batay sa iyong nabasa. Bilang pagtatapos,
basahin ang sipi.

Ano ang pangunahing idea ng saknong? May saysay ba ang saknong?


Hindi, walang saysay ang saknong. May mali sa pagkakalahad ng mga detalye.
Hindi lohikal ang kanilang pagkakaayos.
Ang ilohikal na pagkakaayos ng mga detalye ay maaaring magbigay sa iyo ng
imperpektong impormasyon.

9
Ano ang dapat mong gawin kapag hiniling sa iyong magbasa ng isang bagay?
Kailangan mong basahin muna ang sipi bago mo sagutin ang mga tanong.
Pagkatapos, kailangang isulat mo ang mga salitang hindi mo naiintindihan at tingnan
ang mga ito sa diksiyonaryo. Sa huli, gumawa ng iyong konklusiyon pagkatapos
basahin at muling basahin ang sipi.
Ang isa pang halimbawa ng hindi tamang impormasyon ay ang magkasalungat na
impormasyon. Basahin ang halimbawa ng ganitong uri ng impormasyon sa ibaba.
Tatlong taon si Ana. Hiniling ng kaniyang ina na pumunta siya sa palengke at mamili
ng mga pagkain at groseriya para sa nalalapit na pista.

Matutukoy mo ba ang magkasalungat na impormasyon sa sipi.


Hindi makapupunta sa palengke at bumili ng pagkain at groseriya si Anna dahil
tatlong taon pa lamang siya. Ang isang batang tatlong taong gulang pa lamang ay hindi
pa maaaring lumabas nang bahay nang nag-iisa! Ang sipi na ito ay may magkasalungay
na impormasyon, samakatuwid, ilohikal.
Kapag nakabasa ka ng isang bagay na may magkasalungat na impormasyon, ano ang
gagawin mo? Hindi mo na lang ba papansinin at ipagpapatuloy ang pagbabasa? o
susubukan mong intindihin ito?

Pag-aralan at Suriin Natin Ito

Basahin ang mga sipi sa ibaba at tukuyin ang dahilan ng pagkalito sa pamamagitan
ng pagsasalunguhit sa mga salita, parirala, o pangugusap. Pagkatapos, tukuyin kung ang
mga ito ay:
hindi kailangan o kalabisan;
naglalaman ng hindi kompletong impormasyon; o
naglalaman ng magkasalungat na impormasyon.
1. Ang pinakamainam na paraan upang makapunta sa bayan ng Maligaya
ay ang pagsakay sa isang dyipni mula sa Malibuso. Maaari ka ring
sumakay sa bangka. Ang maligaya ay isang bayang tila sasabog sa dami
ng aktibidad. Ito rin ay tila isang natutulog na higante.
Ang unang pangungusap ay kailangang salungguhitan. Hindi kompleto
ang impormasyon. Ang eksaktong lokasyon ng Malibuso ay hindi ibinigay. Sa
katunayan, hindi man lang nabanggit kung ang Malibuso ay kalapit na bayan o
hindi.
Ang pangalawang pangungusap ay kailangan ding salungguhitan.
Naglalaman ito ng magkasalungat na impormasyon. Hindi lohikal na
mararating sa pamamagitan ng dyip o bangka ang bayan ng Malibuso hanggat
walang karagdagang impormasyon.

10
Ang tila sasabog ay isang talinghaga at sa kasong ito, isang kalabisan. tila isang
natutulog na higanteay pagwawangis na sumasalungat sa isang bayang tila sasabog sa
dami ng aktibidad. Kailangan may karagdagang impormasyon upang gawing lohikal o
makatuwiran ang sipi na ito.
2. Si Mang Jose ay isang magsasaka na mahirap pa sa daga. Mayroon
siyang tatlong anak na pumapasok sa eksklusibong paaralan. Mabait at
mapagbigay si Mang Jose sa kaniyang mga kapitbahay. Pinagbibilhan
niya sila ng tubig na mula sa kaniyang bagong balon. Malaking halaga
ang ibinibigay niya sa kawanggawa. Si Mang Jose ay talagang si Robin
Hood.
Natukoy mo ba ang mga dahilan ng pagkalito sa pangalawang sipi?
Ang unang pangungusap ay may pariralang mahirap pa sa daga. Isa itong
pagwawangis. Malinaw na inilalarawan nito ang kalagayang pampinansiya ni
Mang Jose.
Ang pangalawang pangungusap ay kailangang salungguhitan. Nagtataglay
ito ng magkasalungat na impormasyon. Paano matutustusan ni Mang Jose ang
pagpasok ng kaniyang mga anak sa eksklusibong paaralan kung mahirap pa
siya sa daga?
Ang pang-apat na pangungusap ay salungat sa ikatlong pangungusap kaya
kailangang salungguhitan. Kung tunay na mapagbigay si Mang Jose, hindi ba
dapat libre na niyang ibigay ang tubig sa kaniyang mga kapitbahay?
Ang panlimang pangungusap ay salungat din sa unang pangungusap. Ang
Robin Hood ay isang talinghaga. Si Robin Hood ay isang tauhan sa
panitikan na nagnanakaw mula sa mga mayayaman upang ibigay sa mga
mahihirap. Sa kasong ito, hindi lamang ito labis na impormasyon. Ito rin ay
salungat sa iba pang impormasyong isinaad.

Naintindihan mo ba ang pangalawang sipi. Matutukoy mo na ba ang mga


impormasyong magkasalungat o impormasyong hindi kompleto sa iba pang sipi na
babasahin mo?

11
Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan?

Punan ang mga puwang ng tamang salita mula sa listahan sa ibaba:

hindi kompleto ilohikal mga detalyeng nagtataguyod sa pangunahing idea


makakapagpasiya kalabisan ibat ibang mali walang kaugnayan

1. Naiintindihan ng isang mapanuring mambabasa na maaaring maibigay dahil


ang mga tao ay may _________________ kaalaman.
2. Kailangang maingat sa pagtukoy sa mga _________________ na
impormasyon ang mapanuring mambabasa.
3. Ang hindi tama o hindi sapat na impormasyon ay matutukoy kung kulang ito
sa _________________.
4. Tsinitsek at muling tsinitsek ng isang mapanuring mambabasa ang
impormasyong inilahad at nakalap upang matukoy niya ang anumang
_________________ sa data o impormasyon. Ito ay upang hindi siya
mapahiya.
5. Matutukoy ng isang mapanuring mambabasa ang mga sipi na may
_________________. Alam niya kung ang mga sipi ay may labis na detalye
o mabulaklak na mga salita na makalilito sa kaniya.
6. May kakayahang ayusin ng isang mapanuring mambabasa ang impormasyong
natatanggap niya at pag-ibahin ang mga magkakaugnay at
_________________ na impormasyon.
7. Samakatuwid, _________________ siya kung anong materyales ang
babasahin niya para sa isang tiyak na layunin.
8. Ang isang mapanuring mambabasa ay may kakayahang tukuyin ang
_________________ na ideya o detalye sa isang sipi.

Ihambing ang iyong sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 29.

Tandaan Natin

Ang mga impormasyon ay maituturing na imperpekto kapag:


hindi kompleto o kulang;
hindi tama;
kalabisan; at
ilohikal.

12
ARALIN 2

Mga Estratehiya sa
Mapanuring Pagbabasa

Hindi natin malulutas ang mga suliranin sa pagbabasa sa pamamagitan ng paggamit


ng sentido komun lamang. Kailangan natin ng ilang estratehiya upang malutas natin ang
ganitong suliranin gaya ng doktor na kailangan din ng ilang instrumento upang
makapanggamot nang maayos at epektibo. Totoo rin ito para sa mga mambabasa.
Kailangan nila ng mga estratehiya at kakayahan upang malutas nila ang kanilang mga
suliranin sa pagbabasa.
Pagkatapos pag-aralan ang araling ito, may kakayahan ka nang:
mahinuha ang layunin, punto de bista, mga idea at damdamin ng may akda;
tukuyin ang mga dahilan upang maging makatuwiran ang konklusyon;
sabihin ang kalalabasan ng mga pagakaksunud-sunod ng mga pangyayari; at
gumawa ng generalization mula sa mga espisipikong detalye.

Subukan Natin Ito

Pag-aralan ang sumusunod:

D
A
DAAN
N

Mahuhulaan mo ba kung ano ang ibig sabihin ng mga titik?


Upang magkaroon ka ng palatandaan, pansinin kung paano nakaayos at binaybay
ang mga titik. Tama ka kung napansin mong binaybay nang dalawang beses ang salita,
isang beses pahalang at isang beses pababa. Ngunit napansin mo bang magkakrus ang
mga salita?
Ano ang sinasabi sa iyo ng mga detalyeng ito?
Ipinapahiwatig sa iyo na ang mga titik ay tumutukoy sa salitang crossroad o
krus na daan dahil bumabagtas ang dalawang daan sa isat isa o magkakrus ang
dalawang daan.

13
Ang isang mapanuring mambabasa ay naghahanap ng mga pahiwatig o mga
palatandaan upang mahulaan niya kung ano ang ibig sabihin ng kaniyang binabasa.
Upang masanay ang iyong kakayahan sa mapanuring pagbabasa, isa pang
pagsasanay ang nasa ibaba. Sagutin ang sumusunod na palaisipan.
Mayroon akong siyam na titik. Ang unang titik ay P, ang gitnang titik ay B at ang
huling titik ay A. Sa unahan at pagkatapos ng bawat titik, mayroong mga patayong linya.
Mahuhulaan mo ba kung ano ako?
Maaari kang gumawa ng isang mahusay na hula kung isusulat mo ang mga
palatandaan na gaya nito:
P/A/G/B/A/S/A
Ang tamang sagot sa palaisipan ay pagbasa sa pagitan ng mga linya.
Alam mo ba ang ibig sabihin ng pagbasa sa pagitan ng mga linya? Ito ay isang
talinghaga na nangangahulugang pag-intindi sa tunay na mensahe sa likod ng kung ano
ang tahasang nakasulat o nabanggit. Ang sumusunod na pangungusap ay isang
halimbawa:
Sa ngayon, walang anumang pahayag ang pamahalaan hinggil sa kontrobersiya.
Ano ang ibang mensahe na ipinapahiwatig ng pangungusap na ito?
Kung babasahin mo ang pagitan ng mga linya, mahihinuha mo na ang mga
opisyales ng pamahalaan ay hindi pa handang magbigay ng pahayag, marahil dahil:
1. Nag-iingat sila.
2. Hindi pa nila alam kung ano ang sasabihin nila.
3. Ang impormasyong alam nila hinggil sa kontrobersiya ay hindi pa kompleto.
Kung hindi ka pamilyar sa isang salita sa isang teksto, ano ang ginagawa mo upang
maging makabuluhan ang iyong binabasa?
Ang pinakamainam na gawin ay ipagpatuloy ang pagbabasa hanggang magkaroon ka
ng sapat na detalye upang makagawa ka ng tamang konklusiyon o inference.
Ano ang layunin ng manunulat sa pagiging malabo o hindi malinaw?
Marahil nais lamang niyang kilitiin ang iyong isipan at nais niyang maging
sensitibo ka sa mga ibinibigay niyang palatandaan na makatutulong sa iyo na gumawa
ng tamang konklusiyon. Ito ang nagpapahiwatig na ang isang mapanuring mambabasa ay
may kakayahang tumukoy at gumamit ng mga palatandaan upang malaman o
matuklasan ang layunin ng kaniyang binabasa.

14
Basahin Natin Ito

Basahin ang sipi sa ibaba at sagutin ang tanong.

. . . ang maganda at puting balahibo sa aking likod . . . Pumapailanlang sa alapaap . . .


tumataaspunong-puno ng kaligayahan. Binabantayan ko ang mga kaluluwa sa ibaba.
Umaawit ako ng papuri sa kalangitan.
Papailanlang, sasakay ako ng malamig na simoy na hangin at kinukumutan ang aking
katawan ng aking damit na sutlang satin. Dalisay ako . . .Sinubukan ko ang aking mga
pakpak at tiningnan ko kung gaano kabilis ako makipagtakbuhan sa hangin . . . Lumulundag
ako, lumilipad, nagmamahal, hindi ko mapaniwalaan ang kagandahan ng mundo.
Pumupunta ako sa isang talon at winiwisikan ko ng tubig ang aking mukha. Sa tingin ko,
mananatili akong taglay ng hangin at dalisay.

Masasabi mo ba kung tungkol saan ang sipi na ito? Anu-ano ang nagpapahiwatig na
tungkol sa isang anghel ang tinatalakay? Habang binabasa mo ang sipi, nakikita mo ba
ang mga malinaw na hulaway (images)? Nakikita mo ba ang sipi sa iyong isipan?
Isulat ang mga bagay na nagpapahiwatig at alamin kung ano ang ipinapahiwatig ng
sipi.
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

Sino ang nagsasalita sa sipi?


Malinaw na isang anghel ang nagsasalita.
Bakit sa tingin mo anghel nga ang nagsasalita? Ano-anong salita sa sipi ang
nagbigay sa iyo ng ganitong idea?
Ang mga salitang puting balahibo, sutlang satin, pumapailanlang sa alapaap,
nagmamahal, at iba pa ang nagbigay sa akin ng idea.
Sa anong punto de bista isinalaysay ang sipi?
Kapag nagbabasa ng mga tekstong may mga salitang ako at akin, ang punto de
bistang ginamit ay ang first-person na perspektibo. Sa sipi na ito, inilalarawan ng
anghel ang kaniyang sarili at kung ano ang kaniyang ginagawa.
Anu-anong salita ang nagtulak sa iyo na gustong-gusto ng angel ang kaniyang
buhay?
Ang mga pariralang punung-puno ng kaligayahan, lumulundag ako lumilipad,
hindi ko mapaniwalaan ang kagandahan ng mundo, ang makapagbibigay sa iyo ng
ganitong idea.

15
Naranasan mo na bang sumakay ng eroplano? Naranasan mo na ba ang magandang
pakiramdam ng paglipad na tinatamasa ng isang anghel?
Ang isang mapanuring mambabasa ay makararanas ng karanasan ng manunulat o
tauhan sa sipi kung matingkad at malinaw ang paglalarawan sa mga ito.

Pag-aralan at Suriin Natin Ito

Ang pagsisimula ng koleksiyon ng mga selyo ay maaaring maging isang hamon.


Kailangan ng masusing paghahanda at pagpaplano. Una sa lahat, kailangan mong ihanda ang
mga kailangan mong materyales. Para sa isang koleksiyon ng mga selyo, kailangan mo ng
album na mapaglalagyan mo ng iyong mga selyo.
Pagkatapos, kailangan mong planuhin ang iyong koleksiyon. Itutuon mo lang ba ang
iyong pansin sa isang tiyak na paksa o tema? Ang ilang mangongolekta ng selyo ay
nangongolekta ng mga selong may isang tiyak na paksa, gaya ng mga bulaklak. Ang iba
namay basta na lamang nangongolekta ng selyo nang hindi isinasaalang-alang ang paksa o
tema. Tulad ng ibang libangan o hobby, ang pangongolekta ng selyo ay isang makabuluhang
aktibidad ngunit kailangang mong magplano bago mo simulan ito.

Anong konklusyon hinggil sa pangongolekta ng selyo bilang isang libangan o


hobby ang magagawa mo batay sa sipi?
Ihambing ang iyong sagot sa sagot ko na nasa ibaba.
Ang pangongolekta ng selyo, tulad ng ibang libangan o hobby, ay kailangang
maayos na naiplano ng taong gagawa nito.
Bakit kailangang magkaroon ng konklusyon mula sa iyong mga nabasa?
Kailangang may konklusyon na mahahalaw mula sa mga binasa upang ibuod ang
impormasyon o mensaheng isinasaad ng mga ito. Mahalaga ba para sa iyo na malaman
mo ang mga pangunahing ideya at konklusyon ng manunulat? Ano ang gagawin mo sa
mga ito?
Mahalaga ang mga pangunahing ideya o konklusyon dahil naapektuhan ang pag-
iisip ang pagtugon ng mga mambabasa sa katulad na sitwasyon. Ang mga pangunahin
idea at konklusyon ay kailangang masusing masuri upang malinawan at higit na
maintindihan. Paano mo susuriin o sisiyasatin ang mga ito?
Maaari mong suriin ang mga pangunahin idea at konklusyon sa pamamagitan ng
paghahambing sa mga ito sa sarili mong karanasan. Maaari kang makabuo ng isang
bagong grupong mga ideya at konklusyon.

16
Subukan Natin Ito

Ang sumusunod na pangyayari ang nagsasalaysay sa kuwento ni Kitty Redscape,


ang kaniyang lola, isang prinsipe, at isang oso. Basahin ang mga pangyayari. Pagsunod-
sunurin ang mga ito sa pamamagitan ng paggamit sa mga bilang mula 1 hanggang 14.
Ang unang pangyayari ay tinukoy na para sa iyo.
______ a. Isang araw, nang papunta siya upang dalawain ang kaniyang lola,
nakakita siya ng isang makisig na prinsipe.
______ b. Kaya, umalis ang prinsipe na mas malungkot ngunit hindi mas
matalino.
______ c. Tumahimik ka, ulyaning matanda, ang sabi niya.
______ d. Ang oso, sa panahong ito, na nainis na sa pagsasawalambahala sa
kaniya, ay sumunod sa prinsipe sa kagubatan at inisip niyang kainin
na lamang ang prinsipe ngunit hindi siya nagtagumpay. Ipinagpasiya
niya tuloy na kainin ang lola ni Kitty.
______ e. Sa mga sandaling iyon, dumaan ang prinsipe at humangos upang
iligtas sila.
______ f. Tiyak ko, kaya mo nga, sabi ng prinsipe. Halika, iwan na natin
ang ulyaning matandang iyan at tayo na sa aking palasyo upang
managhalian.
______ g. Narito ako upang iligtas ka, binibini, ani niya, at natabig niya
ang lola sa kaniyang pagmamadaling lumapit kay Kitty.
______ h. Mabilis na tumibok ang kaniyang puso ngunit ni hindi siya napansin
ng prinsipe nang ito ay napadaan.
______ i. Hoy! Tingnan mo ang dinaraanan mo! sabi ng lola ni Kitty.
______ j. Salamat sa iyong pagdating at pagligtas sa amin, sabi ni Kitty sa
prinsipe, ngunit mayroon akong baril at handa akong ipagtanggol
ang aking sarili.
______ k. Sa katunayan, ang ulyaning matandang iyan ay ang aking lola, sabi
ni Kitty, at hindi ko gusto ang pakikipag-usap mo sa kaniya. At
ngayong nakita na kita nang malapitan, hindi ko malaman kung bakit
inisip kong makisig. Bakit hindi mo na lamang ipagpatuloy ang
iyong pangangaso?
______ l. Nang makarating siya sa bahay ng kaniyang lola, nakalimutan na niya
ang prinsipe. Ngunit nasindak siya nang makita niyang inaatake ng
isang oso ang matanda.
______ m. Dinadalaw ni Kitty Rescape ang kaniyang lola sa kagubatan araw-
araw.

Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 30.

17
Ngayon, isulat muli ang kuwento batay sa pagkakasunud-sunod na inilagay mo sa
itaas. Basahin ito. May saysay na ba ito ngayon? Maisasalaysay mo na ba sa iba ang
kuwento? Ihambing ang iyong bersiyon ng kuwento sa aking bersiyon sa ibaba.
Dinadalaw ni Kitty Rescape ang kaniyang lola sa kagubatan araw-araw. Isang araw,
nang papunta siya upang dalawain ang kaniyang lola, nakakita siya ng isang makisig na
prinsipe. Mabilis na tumibok ang kaniyang puso ngunit ni hindi siya napansin ng
prinsipe nang ito ay napadaan.
Ang oso, sa panahong ito, na nainis na sa pagsasawalambahala sa kaniya, ay
sumunod sa prinsipe sa kagubatan at inisip niyang kainin na lamang ang prinsipe ngunit
hindi siya nagtagumpay. Ipinagpasiya niya tuloy na kainin ang lola ni Kitty.
Nang makarating siya sa bahay ng kaniyang lola, nakalimutan na niya ang prinsipe.
Ngunit nasindak siya nang makita niyang inaatake ng isang oso ang matanda.
Sa sandaling iyon, dumaan ang prinsipe at humangos upang iligtas sila.
Narito ako upang iligtas ka, binibini, ani niya, at natabig niya ang lola sa
kaniyang pagmamadaling lumapit kay Kitty.
Hoy! Tingnan mo ang dinaraanan mo! sabi ng lola ni Kitty.
Tumahimik ka, ulyaning matanda, ang sabi niya.
Salamat sa iyong pagdating at pagligtas sa amin, sabi ni Kitty sa prinsipe, ngunit
mayroon akong baril at handa akong ipagtanggol ang aking sarili.
Tiyak ko, kaya mo nga, sabi ng prinsipe. Halika, iwan na natin ang ulyaning
matandang iyan at tayo na sa aking palasyo upang mananghalian.
Sa katunayan, ang ulyaning matandang iyan ay ang aking lola, sabi ni Kitty, at
hindi ko gusto ang pakikipag-usap mo sa kaniya. At ngayong nakita na kita nang
malapitan, hindi ko malaman kung bakit inisip kong makisig. Bakit hindi mo na lamang
ipagpatuloy ang iyong pangangaso?
Kaya, umalis ang prinsipe na mas malungkot ngunit hindi mas matalino.

Pag-isipan Natin Ito

Nasubukan mo na bang hulaan ang dulo ng kuwento pagkaraang mabasa mo ang


simula nito? O lagi kang nanghuhula batay sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari?

18
Alamin Natin

Ang Edukasyon ang pasaporte sa tagumpay.


Ang edukasyon ang tanging solusyon sa kahirapan ng ating bansa.
Naniniwala ka ba sa mga pangungusap na ito? Baki? Bakit hindi?
Suriin natin ito.
1. Ang pasaporte ay isang dokumento na kailangan ng isang tao kapag may plano
siyang maglakbay sa ibang bansa. Gaya ng pasaporte, ang edukasyon ang
nagbibigay pagkakataon sa isang tao na makamit ang tagumpay, na maabot ang
kaniyang mga layunin. Ngunit ang ilang tao ay nagiging matagumpay nang
kahit hindi natatapos ng kolehiyo. Nagiging mayaman at makapangyarihan sila
sa pamamagitan ng determinasyon at puspusang pagtatrabaho.
2. Makatutulong ang edukasyon upang malutas ang kahirapan dahil tumataas ang
tsansa o posibilidad na makahanap ng magandang trabaho kung mayroon kang
pinag-aralan. Gayumpaman, ang ilang tao ay umiigpaw sa kahirapan at
nagiging mayaman pa nang kahit walang pinag-aralan o edukasyon.

Tila magkatugma ang dalawang pangungusap. Ngunit hindi basta tinatanggap ng


isang mapanuring mambabasa ang impormasyong makakarating sa kaniya. Sinusuri niya
muna ang mga ito pagpapasiyahan kung ano ang silbi nito para sa kaniya.
Bagamat makatutulong ang edukasyon upang maging matagumpay ang isang
indibidwal, mayroon pang ibang paraan upang maging matagumpay.
Hindi basta-basta tumatanggap ng generalization o paglalahat ang isang
mapanuring mambabasa nang hindi sinusuri ang mga detalye o patunay o ebidensiya na
magpapatunay sa kanilang mga halaga.

Pag-isipan Natin Ito

Isa sa mga estratehiya na maaari mong gamitin upang maging isang mapanuring
mambabasa ay ang pagbasa nang malakas. Makatutulong ito sa iyo na higit na
maintindihan ang isinasaad ng manunulat. Sa lpit na ito, magtatanong ka,
magkokomento, at iisip ng sarili mong mga ideya at konklusyon habang nagbabasa ka.
Sa pahina 20 ay isang halimbawa ng tekstong maaari mong gamitin sa lapit na
pagbasa nang malakas. Basahin mo muna nang tahimik. Pagkatapos, basahin nang
malakas ang mga salita sa panaklong at pag-isipan ito.

19
Mag-ingat sa kung ano ang iyong inaasahan dahil maaaring maging self-fulfilling
prophecies ang iyong mga inaasahan (Ano ang self-fulfilling prophecy? A, kailangan
kong ipagpatuloy ang pagbabasa upang malaman ko ang kahulugan ng termino
na iyon).

Ang self-fulfilling prophecy ay nangyayari kapag ang inaasahan ng isang tao hinggil sa
isang pangyayari ang nagiging dahilan upang ang kalalabasan ay ang inaasahan. (Okey.
Ngayon naintindihan ko na ang ibig sabihin ng self-fulfilling prophecy. Ngunit
kailangan ko pa ring malaman ang iba pang tungkol dito. Kailangan ko ng
karagdagang halimbawa upang higit ko itong maintindihan).
Halimbawa:
1. Iniisip nilang ang mangyayari ay kakabahan ka at papalpak sa interbyu mo para sa
isang trabaho at totoo ngang nangyari ito. (Ano ang kahulugan ng salitang
palpak? May makikita ba akong palatandaan dito? Ang salitang
kinakabahan ba ay nagpapahiwatig ng kahulugan ng palpak?
Titingnan ko nga sa diksiyonaryo, A, oo, nangangahulugan itong hindi
magtatagumpay. Kapag kinakabahan ako, hindi ako makasasagot nang
maayos, kaya hindi ako magtatagumpay).
2. Inaasahan mong mag-eenjoy ka (o hindi mag-eenjoy) sa isang party at nalaman
mong nagkatotoo nga ang iyong inaasahan. (Ano ang kahulugan ng salitang
inaasahan? A, ginamit ng manunulat ang iniisip nilang ang mangyayari
sa unang halimbawa, marahil, gayundin ang ibig sabihin nito. Titingnan ko
nga sa diksiyonaryo. Oo nga, pareho lang ang ibig sabihin nila).
3. Binigyan ka ng iyong boss ng bagong gawain at sinabi niyang maaaring hindi mo
magawa ng maaayos sa umpisa. Hindi mo nga nagawa nang maayos. (Kung sa
bagay, ang unang pagkakataon ay laging trial and error. Kung mabibigyan
ako ng sapat na panahon at tiyak na instruksiyon kung paano gawin ito
nang tama at nang may lubos na suporta ng aking boss, sa tingin ko
magagawa ko nang tama ito sa susunod na pagkakataon).
4. Inilarawan ng isang kaibigan ang isang taong makikilala mo pa lamang at sinabi
niyang marahil, hindi mo magugustuhan ang tao. Tama nga siya. (Sa
halimbawang ito, sa tingin ko hinusgahan na ng tao ang taong iyon kahit
hindi pa man niya nakikilala. Ang kaniyang perhuwisyo ang dahilan kung
bakit nagkatotoo ang kaniyang inaasahan. Sa tingin ko, hindi ko dapat
hinuhusgahan ang isang tao nang hindi ko man lang nakikitang tao. Hindi
ko huhusgaham ang isang tao batay sa paglalarawan ng iba. Magiging
hindi patas para sa taong inilalarawan).

Kung maganda ang prediksiyon, gawin itong totoo.


Sa bawat halimbawang ibinigay, malaki ang posibilidad na nangyari ito dahil inasahan
itong mangyayari. Hindi ka sana palpak sa interbyu, o hindi sana naging nakakainip ang party
kung tumulong ka na pigilang magkatotoo ang mga prediksiyon. (Sinasabi mo ba na
kailangang maging maingat ako sa aking mga inaasahan? Dahil kung magiging maingat ako,
makatutulong ako upang mangyari ang inaasahan ko? Aba, may bago na akong idea. Kung
ang nais kong maging matagumpay ang aking buhay, kailangang lagi kong asahang
magtatagumpay ako at gagawin ko lagi ang abot ng aking makakaya upang magtagumpay.

20
Pagkatapos mong basahin ang teksto gamit ang lapit na pagbabasa nang malakas o
reading-aloud approach), ano ang sumasagi sa iyong isipan?
Hindi bay mas mainam na magbasa sa ganitong paraan? Bakit sa tingin mo?
Higit na mabuting magbasa nang tila nakikipag-usap ka sa manunulat dahil napag-
iisipan mo ang kung ano ang kaniyang sinabi at magkaroon ka mga sarili mong idea.
Ngunit may mga pagkakataong hindi mo laging magagamit ang lapit o approach na ito.
Maaaring nais mong basahin ang seleksiyon nang malakas o basahin nang tahimik
ang mga salita sa panaklong upang makapag-isip kang mabuti. Ang mahalaga ay
kailangan mong pag-isipan ang mga ideyang inilahad.

Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan

Sagutin ang sumusunod na tanong gamit ang :


a. Magagawa ko ito.
b. Okay, ngunit kailangan ko ng karagdagang pag-eensayo.
c. Hindi ko kayang gawin ito sa kasalukyan.
Isulat ang titik ng iyong sagot sa mga nakalaang puwang.
_______ 1. Matutukoy mo ba ang hindi tama o hindi sapat na impormasyon?
_______ 2. Matutukoy mo ba ang hindi kompletong impormasyon?
_______ 3. Tsinetsek mo ba at muling tsinetsek ang impormasyong
natatanggap mo at ibinabahagi mo sa iba?
_______ 4. Matutukoy mo ba ang mga kalabisan?
_______ 5. Matutukoy mo ba ang ilohikal na impormasyon?
_______ 6. Makahahanap ka ba ng mga palatandaan upang makagawa ng
tamang konklusyon o inference?
_______ 7. Masasabi mo ba ang layunin ng manunulat sa kaniyang
pagsusulat?
_______ 8. Mapapakiramdaman mo ba ang damdamin ng manunulat batay sa
teksto?
_______ 9. Magkakaroon ka ba ng konklusyon mula sa isang grupong mga
detalye?
_______ 10. Maihahambing mo ba ang iyong sariling konklusyon sa
konklusyon ng manunulat?
_______ 11. Makagagawa ka ba ng isang bagong grupong mga ideya na
magpapayaman, magpapalawak, at magpapalalim sa iyong mga
ideya at ideya ng manunulat?

21
_______ 12. Mausisa ka bang nagtatanong tungkol sa mga generalization na
nasa teksto?
_______ 13. Gumagamit ka ba ng mga nagtataguyod na patunay o detalye
upang mapalitaw mo ang generalization?
_______ 14. Inaayos mo ba ang mga teksto na binabasa mo ayon sa iyong
pangangailangan o layunin?

Bigyan ang iyong sarili ng dalawang puntos para sa bawat sagot na a, isang puntos
para sa bawat sagot na b, at zero para sa bawat sagot na c. Alamin ang kabuuan ng iyong
mga puntos para sa kabuuang iskor.
Kung ang iskor mo ay 22 hanggang 28, magiging mapanuring mambabasa ka na.
Kung ang iskor mo ay 15 hanggang 21, kailangan mo pa ng karagdagang ensayo.
Kung ang iskor mo ay 0 hanggang 14, kailangan mong pag-aralang muli ang aralin
at humingi ng tulong mula sa iyong Instructional Manager.

Tandaan Natin

Ang sumusunod na kakayahan ang makatutulong sa iyo upang maging isang


mapanuring mambabasa.
paghinuha sa layunin, punto de bista, idea, at damdamin ng manunulat o ng
mga tauhan;
pagtukoy sa mga detalye upang mapangatwiran ang konklusiyon;
paggawa ng sariling konklusyon bilang isang mambabasa;
paghinuha sa kalalabasan ng mga sunud-sunod na pangyayari; at
paggawa ng konklusyon mula sa isang grupong mga detalye, halimbawa, at
ebidensiya o patunay.

22
ARALIN 3

Ang Kaugnayan at Halaga ng mga Idea

Kailangan nating suriin kung ang mga ideyang nakukuha natin mula sa pagbabasa
upang epektibo nating magamit ang mga ito. Kailangang suriin natin ang mga ito upang
magkaroon ng batayan para sa pagsusuri, paghuhusga, at sa huli, pagpapasiya kung
gagamitin ba natin ang mga ito o hindi. Kailangang magkaroon tayo ng kakayahan sa
pagsusuri ng mga babasahing binabasa natin araw-araw upang maging mapanuri tayong
mambabasa at mapanuri tayong mag-isip.
Sa mga nakaraang aralin, natutuhan mo ang tungkol sa ibat ibang uri ng
impormasyon na nagpapahirap sa iyo upang makuha mo ang lahat ng maaari mong
makuha sa iyong binabasa. Hahayaan mo bang magpatuloy na maapektuhan ng mga
ganitong uri ng impormasyon ang iyong pag-iisip? O ituturing mo bang mga
pagkakataon ang mga ito upang hamunin ang iyong isip na maging kritikal?

Subukan Natin Ito

Nasa ibaba ng listahan ng mga salitang naglalarawan sa mga impormasyon at idea.


Pangkatin ang mga ito sa talahanayang nasa ibaba. Kung hindi mo alam ang kahulugan
ng ilang mga salita, maaari mong tingnan ang mga ito sa diksiyonaryo.
lohikal walang kaugnayan mapapakinabangan
kompleto walang silbi imperpekto
magkakaugnay mahina ilohikal
maisasagawa interesante sapat
angkop hindi maisasagawa depektibo

Positibo Negatibo

Ang mga salitang imperpekto, mahina, ilohikal, hindi maisasagawa, at


depektibo ang naglalarawan sa impormasyon negatibo ang epekto sa pag-iisip ng
isang tao.

23
Ang mga salitang lohikal, interesante, magkakaugnay, sapat,
mapakikinabangan, angkop, kompleto, at maisasagawa sa kabilang banda naman
ang naglalarawan sa impormasyong makatutulong sa atin upang gumawa ng mga pasiya
at baguhin ang ating kilos.

Alamin Natin Ito

Paano mo masasabi kung ang isang ideyang iyong nabasa ay may halaga o wala?
Basahin ang mga pamantayan sa ibaba.
Pamantayan sa Pagsusuri sa Halaga o Kaugnayan ng mga
Idea sa Isang Babasahing Teksto
1. Ang mga idea ba sa teksto ay lohikal na nakaayos?
2. May mga hindi tama o hindi sapat ba na impormasyon na makikita sa teksto?
3. Mapupukaw ba ng pagkakalahad ng mga idea ang iyong atensiyon upang
ipagpatuloy mo ang pagbabasa?
4. May mga detalye nang walang kaugnayan?
5. Magkakaugnay ba o naiintindihan ba ang mga idea?
6. May sapat bang detalye upang maitaguyod ang mga ibinigay na paglalahat o
generalization?
7. Mapapakinabangan mo ba bilang isang mambabasa ang mga idea?
8. May mga mahihina bang punto na nais mong talakayin sa manunulat?
9. Angkop ba ang mga ginamit na salita?
10. Sapat na ang mga data o detalye upang magkaroon ng saysay ang teksto?
11. May mga idea ka bang nakita na ilohikal kaya nahirapan kang mahinuha ang
kalalabasan o pagtatapos ng mga nabanggit na pangyayari?
12. May mga depektibo o nakakadudang idea sa akda?
13. Ang mga isinaad bang ideya ay magagamit sa mga sitwasyon sa tunay na
buhay?

Kung susuriin natin ang teksto at malalaman natin na may malaking halaga ito
kung ang mga sagot sa mga tanong sa itaas ay oo maliban lamang sa mga bilang 2, 4, 8,
11, at 12 na ang sagot dapat ay hindi.

24
Subukan Natin Ito

Gumupit ng isang editoryal o balita mula sa isang diyaryo at suriin ito. Gamitin
ang mga salitang natutuhan mo sa araling ito. Gamitin ang pamatayan na makikita sa
criteria sheet sa ibaba upang suriin ang iyong babasahin.
Criteria Sheet Para sa Pagsusuri ng mga Babasahin
Pamagat ng babasahin: ___________________________________________
Autor: _______________________________________________________
Paksang Tinalakay: _____________________________________________

Sagutan ang sumusunod na mga tanong pagkatapos basahin ang babasahin.


1. Ang mga idea ba sa teksto ay lohikal na nakaayos?
2. May mga hindi tama o hindi sapat ba na impormasyon na makikita sa teksto?
3. Mapupukaw ba ng pagkakalahad ng mga idea ang iyong atensiyon upang
ipagpatuloy mo ang pagbabasa?
4. May mga detalye nang walang kaugnayan?
5. Magkakaugnay ba o naiintindihan ba ang mga idea?
6. May sapat bang detalye upang maitaguyod ang mga ibinigay na paglalahat o
generalizations?
7. Mapapakinabangan mo ba bilang isang mambabasa ang mga idea?
8. May mga mahihina bang punto na nais mong talakayin sa manunulat?
9. Angkop ba ang mga ginamit na salita?
10. Sapat na ang mga data o detalye upang magkaroon ng saysay ang teksto?
11. May mga idea ka bang nakita na ilohikal kaya nahirapan kang mahinuha ang
kalalabasan o pagtatapos ng mga nabanggit na pangyayari?
12. May mga depektibo o nakakadudang ideya sa akda?
13. Ang mga isinaad bang idea ay magagamit sa mga sitwasyon sa tunay na buhay?

25
Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan

Pumili ng isang babasahin at suriin ang mga nilalaman nito sa pamamagitan ng


paggamit sa ibinigay na pamantayan sa nakaraang pahina. Ipawasto ang iyong ginawa sa
iyong Instructional Manager.

Tandaan Natin

Upang maituturing na may kaugnayan ang isang akda, kailangang:


1. lohikal na nakaayos ang mga idea;
2. wala itong hindi tama o hindi sapat na impormasyon;
3. napapanatiling nakatutok ang iyong pansin at nahihikayat kang ipagpatuloy ang
pagbabasa;
4. hindi nagtataglay ng mga detalyeng walang kaugnayan;
5. magkakaugnay at naiintindihan;
6. may sapat na detalyeng nagtataguyod sa mga paglalahat o generalization;
7. may kapakipakinabang na mga idea para sa mga mambabasa;
8. walang mahinang punto;
9. gumagamit ng angkop na mga salita;
10. may saysay o kabuluhan;
11. may pagtatapos na madaling mahinuha;
12. hindi nagtataglay ng depektibo o kaduda-dudang impormasyon; at
13. maaaring gamitin sa mga sitwasyon sa totong buhay.

Ito na ang dulo ng modyul! Binabati kita sa pagtatapos nito. Nagustuhan mo ba?
May natutuhan ka bang kapakipakinabang mula sa modyul na ito? Isang buod ng mga
pangunahing paksa ang nasa ibaba upang matulungan kang matandaang mabuti ang mga
ito.

26
Ibuod Natin

Isinasaad ng modyul na ito na:


Ang mga impormasyon ay maituturing na imperpekto kapag:
hindi kompleto o kulang;
hindi tama;
kalabisan; at
ilohikal.
Ang sumusunod na kakayahan ang makatutulong sa iyo upang maging isang
mapanuring mambabasa.
paghinuha sa layunin, punto de bista, idea, at damdamin ng manunulat o
ng mga tauhan;
pagtukoy sa mga detalye upang mapangatwiran ang konklusiyon;
paggawa ng sariling konklusyon bilang isang mambabasa;
paghinuha sa kalalabasan ng mga sunud-sunod na pangyayari; at
paggawa ng konklusyon mula sa isang grupong mga detalye, halimbawa,
at ebidensiya o patunay.
Upang maituturing na may kaugnayan ang isang akda, kailangang:
1. lohikal na nakaayos ang mga idea;
2. wala itong hindi tama o hindi sapat na impormasyon;
3. napapanatiling nakatutok ang iyong pansin at nahihikayat kang
ipagpatuloy ang pagbabasa;
4. hindi nagtatagalay ng mga detalyeng walang kaugnayan;
5. magkaugnay at naiintindihan;
6. may sapat na detalyeng nagtataguyod sa mga paglalahat o
generalization;
7. may kapakipakinabang na mga idea para sa mga mambabasa;
8. walang mahinang punto;
9. gumagamit ng angkop na mga salita;
10. may saysay o kabuluhan;
11. may pagtatapos na madaling mahinuha;
12. hindi nagtataglay ng depektibo o kaduda-dudang impormasyon; at
13. maaaring gamitin sa mga sitwasyon sa totong buhay.

27
Anu-ano ang mga Natutuhan Mo?

Basahin ang sipi sa ibaba at sagutan ang sumusunod na tanong:


1. Ano ang pangunahing idea ng sipi?
_________________________________________________________
_________________________________________________________

2. Saang pangungusap matatagpuan ang pangunahing idea?


_________________________________________________________
_________________________________________________________

3. Ano ang layunin ng sipi?


_________________________________________________________
_________________________________________________________

Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 30.

28
Batayan sa Pagwawasto

A. Anu-ano na ang mga Alam Mo? (pp. 23)


1. Kung ang sagot mo ay Pangungusap 1 at 9, tama ka.
2. Kung ang sagot mo ay Pangungusap 10, tama ka.
3. Kung ang sagot mo ay Pangungusap 3, 4 at 9, tama ka.
4. Kung ang sagot mo ay oo, tama ka. Ang mga salitang pangkalahatan
larawan, global, at birds eyeview ang gumagabay sa akin.
5. pangkalahatan at birds eyeview
6. importante
7. Kung ang sagot mo ay sa pamamagitan ng paggamit sa mga lohikal o
pangkalahatang teknik o paggamit ng dalawa, tama ka.
8. Kung ang sagot mo ay Pangungusap 10, tama ka.

B. Aralin 1
Subukan Natin Ito (pahina 9)
nag-aalala, kalmado, mabilis na tumitibok

Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan (pahina 12)


1. iba
2. hindi kompleto
3. mga detalyeng nagtataguyod sa pangunahing idea
4. mali
5. mga kalabisan
6. walang kaugnayan
7. magpasiya
8. ilohikal

29
C. Aralin 2
Subukan Natin Ito (pahina 17)
a. 2
b. 13
c. 9
d. 4
e. 6
f. 11
g. 7
h. 3
i. 8
j. 10
k. 12
l. 5
m. 1

D. Anu-ano ang mga Natutuhan Mo? (pahina 28)


1. Karamihan sa mga kabataan ang nagtatamasa ng tagumpay kahit hindi sila
nakatapos ng kolehiyo.
2. ikaapat na pangungusap
3. Upang hikayatin ang mga mambabasa na subukan ang pagsasanay na
bokasyonal bilang alternatibo sa pormal na edukasyon sa kolehiyo bilang
isang paraan upang magtagumpay sila.

Mga Sanggunian

Fulghum, Robert. All I Really Need To Know I Learned in Kindergarten:


Uncommon Thoughts on Common Things. U.S.A.: Ivy Books, 1988.
Maker, Janet. Academic Reading with Active Critical Thinking. New York:
Wadsworth Publishing Company, 1995.
Milan, Deanne K. Developing Reading Skills, 3rd Ed. U.S.A. McGraw-Hill,
1991.
Rubin, Dorothy. The Vital Arts-Reading and Writing. Trenton State College.
MacMillan Publishing Co, Inc., 1979.

30

You might also like