Suring-Basa Format

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Mataas na Paaralang Pambansa ng Francisco Osorio

Brgy. Osorio, Trece Martires City Cavite

Filipino 10

SURING BASA BLG. 1

Mga Uod at Rosas

Ipinasa ni: Ipinasa kay:


(pangalan ng nagpasa) (pangalan ng Guro)

(taon at pangkat)
I. PAGKILALA SA MAY-AKDA

Ito ay nangangahulugan ng pagsusurisa pagkatao ng may akda kund isa


mga bagay na nag-udyok sa kanya na likhain ang isang akda.

II. URI NG PANITIKAN

Pagtukoy sa mga anyo ng panitikan na sinulat sa himig o damdaming


taglay nito

III. LAYUNIN NG AKLAT

Pagsuri sa kahalagahan ng akda kung bakit sinulat. Layunin ba nitong


magpakilos, humikayat, manuligsa, magprotesta at iba pa.

IV. TEMA O PAKSA NG AKDA

Ito ba ay makabuluhan, napapanahon, makatotohanan at mag-aangat


sa tugon, sa sensibilidad ng mambabasa.

V. MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA

Ang mga karakter ba at anyo ng mga taong likha ng lipunang


ginagalawan, mga tauhang hindi pa nililikha sa panahong kinabibilangan o
mga tauhang lumikha, nagwawakas, nabubuhay o namamatay.

VI. TAGPUAN/PANAHON

Binibigyang pansin sa panunuring pampanitikan ang kasaysayang


kapaligiran at panahong saklaw ng isang akda bilang mga saksi at sanhi ng
kalagayan o katayuan ng isang indibidwal ng kayang kaugnayan sa kapwa at
sa lipunan.

VII. NILALAMAN/BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI

Isa bang gasgas na pangyayari ang inilalahad sa akda? May kakaiba ba


sa nilalamang taglay? Dati o luma na bang mga pangyayari, may bagong
bihis, anyo, ang gulo o pananaw? Paano binubuo ng balangkas ng akda? May
kaisahan ba ang pagkakapit ng mga pangyayari mula sa simula hanggang sa
wakas? Ano ang mensahe na ipinahihiwatig ng kabuuan ng akda? May
nagustuhan ka ba sa nilalaman ng akda?
VIII. MGA KAISIPAN/ IDEYA NA TAGLAY NG AKDA

Ang isang akdang pampanitikan ay nagtataglay at nagpapaliwanag sa


mga kaisipang umiiral, tinatanggap at pinatutunayan ng mga tiyak na
sitwasyon o karanasan. Maari ding ang mga kaisipang ito ay salungatin,
pabulaanan, mabago, o palitan. Ito ba ay mga katotohanan, unibersal, likas sa
tao at lipunan ang batas ng kalikasan, Sistema ng mga ideya o paniniwalang
kumokontrol sa buhay? Mahalagang masuri sa akda ang mga kaisipang
ginagamit na batayan sa paglalahad ng mgapangyayari.

IX. ESTILO NG PAGSULAT NG AKDA

Epektibo ba ng paraan ng paggamit ng mga salita?Angkop ba ang


antas ng pang-unawa ng mga mambabasa, ang pagkakabuo ng akda?
Angkop ba ang antas ng pang-unawa ng mga mambabasa, ang pagkakabuo
ng akda? May bias kaya ang estilo ng pagkakasulat sa nilalaman ng akda?
Masining ba ang pagkakagawa ng akda? Ito ba ay may kahalagahang
tutugon sa panlasa ng mga mambabasa at sa katangian ng isang mahusay
na akda?

X. STORY MAP at BUOD

Hindi kailangang ibuod nang mahaba ang istorya ng akda, ang


pagbanggit sa mahalagang detalye ang bigyang tugon

Ang pagsulat ng isang panunuri ay nangangailangan ng sapat na


kaalaman, kahandaan at kakayahan sa panig ng manunuri. Kailangang
makita ang pagiging maingat at lubos na pagkaunawasa akdang sinusuri. Ang
pagiging obhektibo sa pagsususri ay kailangang isaalang-alang.

XI. KAHALAGAHANG PANGKATAUHAN

Ang anumang magandang naikintal upang magbunga ng magandang


katauhan sa mambabasa.

You might also like