100% found this document useful (1 vote)
895 views

TUWAANG

Ang Tuwaang ay isang epiko ng mga Bagobo tungkol kay Tuwaang, ang puno ng Kuaman na kilala sa kanyang katapangan at lakas. Tinulungan ni Tuwaang ang dalagang may lambong ng kadiliman mula sa Buhong na hinahabol ng Binata ng Pangumanon. Nalaban ni Tuwaang ang Binata at nanalo upang iligtas ang dalaga. Iniuwi ni Tuwaang ang dalaga sa Katu-san, ang lupain walang kamatayan.
Copyright
© © All Rights Reserved
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
100% found this document useful (1 vote)
895 views

TUWAANG

Ang Tuwaang ay isang epiko ng mga Bagobo tungkol kay Tuwaang, ang puno ng Kuaman na kilala sa kanyang katapangan at lakas. Tinulungan ni Tuwaang ang dalagang may lambong ng kadiliman mula sa Buhong na hinahabol ng Binata ng Pangumanon. Nalaban ni Tuwaang ang Binata at nanalo upang iligtas ang dalaga. Iniuwi ni Tuwaang ang dalaga sa Katu-san, ang lupain walang kamatayan.
Copyright
© © All Rights Reserved
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 2

ELANE JOY L.

MONTERO

8=FORGIVENESS

TUWAANG (EPIKO NGBAGOBO)


Ang Tuwaang, epiko ng mga Bagobo, ay isang mahabang tula na
nagsasalaysay ng mga kabayanihan ni Tuwaang. Si Tuwaang ay
siyang puno ng Kuaman. Balita siya sa katapangan, lakas at
kakisigan. Isang araw tumanggap si Tuwaang ng balita na may isang
dilag na nagmula sa kalangitan ng Buhong na nakarating sa
kaharian ni Batooy upang humingi ng tulong. Tinawagan ni Batooy
si Tuwaang. Nagpaalam si Tuwaang sa kapatid niyang babae na
kinagigiliwan iyong tawaging Bai, ibig niyang tulungan ang
nasabing dalaga. Ayaw mang pumayag ni Bai sapagkat ang gagawin
ni Tuwaang ay lubhang mapanganib, hindi rin napigil si Tuwaang sa
gagawin niyang pagsaklolo. Sumakay si Tuwaang sa kidlat. Ang
karaniwan niyang sasakyan ay hangin. Ngunit sa pagkakataong ito'y
humingi siya ng pasintabi sa hangin sa hindi ito ang gamiting
sasakyan sapagkat siya'y nagmamadali.

Dumaan muna si Tuwaang sa lupain ng Binata ng Pangavukad.


Dinulutan si Tuwaang ng itso (ikmo at bunga). Ang pagdudulot ng
itso sa panauhin ay kaugalian ng mga Muslim. Pumunta si Tuwaang
at ang Binata ng Pangavukad sa lupain ni Batooy. Pagdating nila
roon, dahil sa kagandahang lalaki ni Tuwaang ay halos hinimatay
ang mga tao sa laki ng paghanga sa binata ng Kuaman. Pumanhik si
Tuwaang at sa laki ng pagod dahil sa paglalakbay ay nakatulog siya
sa pagkakaupo sa tabi ng dalagang may lambong ng kadiliman, ang
dalaga ng Buhong. Nang magising si Tuwaang, dinulutan ang dalawa
ng itso at sila'y ngumanga. Mula pa ng dumating sa lupain ni Batooy
ay walang nais kausapin ang dalagang may lambong ng kadiliman.
Hinintay niya si Tuwaang upang dito sabihin ang kanyang malaking
suliranin. Nagkagusto ang binata ng Pangumanon sa dalaga. Malaki
naman ang pag-ayaw ng dlaga, subalit nais kunin ng Binata ng
Pangumanon ang dalaga sa dahas. Kaya napilitan siyang humingi ng
saklolo kay Tuwaang at kay Batooy.

Hindi pa gaanong natatagalan ang pag-uusap ni Tuwaang at ng


dalaga ng Buhong ay dumating naman ang Binata ng Pangumanon.
Walang taros na pinagtataga ng Binata ng Pangumanon ang tauhan
ni Batooy. Para lamang tumatabas ng puno sa isang tubuhan at sa
ilang saglit nakabulagta nang lahat ang mga kawal at tauhan ni
Batooy.

Nanaog si Tuwaang at nagharap ang dalawang malakas at


makapangyarihang lalaki. Ginamit ni Tuwaang ang kanyang
kampilan. Sa lakas ng pagtatagaan ay naputol ito. Itinapon ni
Tuwaang ang puluhan nito at kaagad na tumulong ang punong
malivutu. Gayon din ang nangyari sa binata ng Pangumanon.
Ginamit naman ni Tuwaang ang iba pang sandata niyang palihuma,
gayon din ang balaraw hanggang nabali rin sa puluhan ang mga ito.
At sabay na nagtapon ng baling puluhan ang dalawa at ito'y naging
punong maunlapay. Nang magkaubusan na sila ng mga armas,
sinunggaban ng Binata ng Pangumanon si Tuwaang at ibig durugin
sa kanyang binti. Hindi nasaktan si Tuwaang. Sinunggaban naman ni
Tuwaang ang Binata ng Pangumanon at tinangkang ihampas sa
malaking bato. Nang sasayad na ang katawan, ang bato ay naging
alabok. Tinawagan ng Binata ng Pangumanon ang kanyang patung.
Ito'y isang dangkal na bakal na ipinulupot kay Tuwaang. Ang patung
ay bumuga ng apoy. Inunat ni Tuwaang ang kamay at namatay ang
apoy. Tinawagan naman ni Tuwaang ang kanyang patung at
nagliyab ang binata ng Pangumanon at namatay.

Ngumanga si Tuwaang at ibinuga ang tabug ng nganga sa mga


tauhan ni Batooy at sila'y nabuhay na lahat. Iniuwi ni Tuwaang ang
dalaga sa Kuanan. Pagdating nila sa Kuaman ay may ligalig na
nagaganap. Pagkatapos na magapi ni Tuwaang ang kalaban,
minabuti niyang doon na sila sa bayan ng Katu-san manirahang
lahat. Inilulan ni Tuwaang sa sinalimba, isang ginituang sasakyang
lumilipad ang lahat niyang tauhan. Pinasan ni Tuwaang sa
magkabila niyang balikat ang dalagang Buhong at ang kapatid na si
Bai at pumunta rin sila sa Katu-san, ang lupaing walang kamatayan.

You might also like