Luis Taruc
Luis Taruc
Luis Taruc
Makalipas ang digmaan ibinuhos ng mga Hukbalahap ang kanilang pansin sa paglaban sa pamahalaan
ng Pangulong Manuel A. Roxas na kung saan siya at pito pang mga kasamahan sa Patido Komunista
ay nahalal bilang kasapi ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ng Pilipinas, ngunit sila ay hindi
pinayagang maupo kaya namundok sila at ipinagpatuloy ang pagkikipaglaban sa gobyerno. Ang grupo
ni Taruc ay tumutol sa kasunduang ‘Parity Rights’na kung saan nais ng Estados Unidos na panatilihin
ang mga karapatan at interes ng mga Amerikano sa bansa bago sumiklab ang digmaang pandaigdig.
Iniwan niya ang kanyang tungkulin sa Kongreso at namundok muli. Sa rurok ng katanyagan ng
Hukbalahap, nagkaroon ito ng lakas na umaabot sa pagitan ng 10,000 at 170,000 miyembro,
karamihan ay mga magsasaka. Sa huli, ang Hukbalahap ay naging HMB o Hukbong Mapagpalaya ng
Bayan. Halos ang buong Gitnang Luzon ay kontrolado ng HMB noong 1950. Dahil sa naging malaking
problema ang HMB, itinalaga ng Pangulong Elpidio Quirino si Ramon Magsaysay na maging minister ng
tanggulang pambansa ng Pilipinas upang labanan ang mga Huk. Dahil sa estratehiya ni Magsaysay na
makuha ang simpatiya ng mga magsasaka, nagkaroon siya ng reporma sa hukbong sandatahan ng
bansa. Noon 1954, sumuko sa Luis Taruc sa pamahalaan na siyang nagpatigil sa panliligalig ng mga
Huk.
Si Taruc na naging lider ng digmaan, una noong panahon ng ‘Hukbong Bayan Laban sa
Hapon’ (Hukbalahap) at ng ‘Hukbong Mapagpalaya ng Bayan’ (HMB) ay patuloy pa rin na
nakikipaglaban, at halata ko na noong kami ay nag-uusap na mamamayapa siya na nakikipaglaban pa
rin sa mga naghaharing-uri sa bansa. Siya ngayon ay 91 taong gulang at ipinaganak sa San Luis,
Pampanga. Sa kasalukuyan nakikipaglaban siya para sa katahimikan.