Arabs

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Arabs

Ng Kanlurang Asya

Ang mga Arabo ay makikita sa Kanlurang Asya.Arabic ang wika na


ginagamit nila.Sila ay mga lagalag o nomadic na nagmula sa Arabian
Peninsula na mas kilala bilang Bedouins.Ang malaking bahagi ng Arabian
Peninsula ay binubuo ng disyerto kayat salat sa tubig ang lugar na ito. Ito ang
pangunahing dahilan kung bakit pagpapastol ng tupa,kambing, at kamelyo sa
malawak na disyerto ang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga
Arabo sa lugar na ito.Sa kabilang dako , ang mga Arabo na may
permaneneteng tahanan ay nagtatanim ng dates,cereals , atiba pa sa oasis.

Ang oasis ay isang lugar sa disyserto na nagtataglay ng matabang lupa


at tubig namagagamit sa pagtatanim at pag-aalaga ng hayop.Ito rin ang
nagsisilbing sentro ng kalakalan kung saan ang mga caravan ay nagdadala ng
pampalasa,ivory,at mga ginto na mula sa Timog na bahagi ng peninsula.

Islam ang pangunahing relihiyon ng mga Arabo .Dahil sa relihiyon


nagkakaisa ang mga Bedouins at ang mga naninirahan sa may oasis.Ang
kultura at tradisyon ng mga Arabo ay nakabatay sa mag aral ng relihiyong
Islam.
Tajik
Ng Hilagang Asya

Ang mga Tajik ay isa sa mga sinaunang tao sa daigdig.Ayon sa mga


arkeologo,ang mga Tajik ay naninirahan sa Tajikistan simula pa ng huling bahagi
ng panahon ng paleolitiko.Ang Tajikistan ay mabundok na bansa .Ang
matataas na kabundukan ay nababalot ng yelo dahil sa lamig ng
temperatura.Sa matabang lambak malapit sa ilog,naninirahan ang mga Tajik
kung saan ang panahon ng tag-araw ay mahaba at mainit.Ang lugar na ito ay
mainam sa pagsasaka. Kayat ang karaniwang pagtatanim ng bulak,butil
,gulay ,oliba ,igos, at citrus ang pangunahing gawain ng naninirahan sa lugar
na ito.Ang iba naman ay sa mga pagawaan ng tela,bakal,at iba pang
produkto.

Sa matagal na panahon napanatili ng Tajik ang sinaunang kultura at


tradisyon ng kanilang mga ninuno.Matibay Ang samahanng pamilyang Tajiks
na nag-ugat pa mula sa kanilang mga ninuno.Ang lahat na kasapi ng pamilya
mula sa pinakaninuno hanggang sa pinakabata ay nakatira sa iisang bahay.

Dahil sa lamig sa Tajikistan,makapal ang sinusuot nila.


Ngalops
Ng Bhutan

Ang mamamayan ng Bhutan ay pwedeng pangkatin sa tatlong


pangkat --- Ngalops,Sharchops at Lhotsampas.Ang Ngalopsang bumubuo sa
malaking bahagdan ng poulasyon ng Bhutan.Karaniwan silang naninirahan sa
gitna at kanlurang bahagi ng bansa.Ang mga Ngalops ay pinaniniwalaang
nagmula sa Tibet noong ika-walo hanggang ika-siyam na siglo.

Sa ilang babasahin kilala ang mga Ngalops bilang Bhote


(mamamayan ng Bhotia / Bhutia o Tibet). Ang Ngalops ang nagdala ng
kulturang Tibetan at Buddhismo sa Bhutan na hanggang sa kasalukuyang
panahon ay umiiral sa bansa. Ang kanilang wikang Dzongka ang pambansang
wika ng Bhutan.

Iniangkop ng mga Ngalops ang kabuhayan sa kanilang kapaligiran. Sa


kapatagan at lambak karaniwang pag-aalaga ng baka at pagsasaka ang
hanapbuhay. Pangunahing pananim ay pala, patatas, trigo, at barley. Pag-
aalaga at pagpapastol naman ang painagkikitaan sa mga kabundukan.

Sa hilagang bahagi ng bansa matatagpuan ang bundok ng Himalaya na


nababalot ng yelo sa buong taon.

Ang kanilang tahanan ay yari sa table, bato, putik at luwad.Kilala din sila sa
pagtayo ng malalaking templo na tinatawag na dzongs.
Asignatura sa Araling Panlipunan

Mga Pangkat Etnolingwistiko

Ipinasa Ni:Marc Enric A. Eyas

Ipinasa Kay:Maam Rachel Anjao


Balinese
Ng Indonesia

Ang pangkat Balinese ay matatagpuan sa kapuluan ng Bal, Lombok, at


kanlurang bahagi ng Sumbawa sa Indonesia. Hinduismo ang pangunahing
relihiyon nila.

Para sa kanila ang relihiyon ay sining kaya karamihan sa kanila ay ginagamit ang libreng
oras sa paglilok, pagpinta, paghabi at mga dekorasyon.

Para sa mga Balinese ang araw, puno, palayan, at maging mga bato ay may ispiritu kaya maayos
silang nakikipamuhay sa mga ito.

Bukod sa turismo, pinagkukunan din ng kabuhayan ng mga Balinese an gang pagsasaka dahil sa
matabang lupa at mainam na klima nito.

Ang Subak ay samahang pang-irigasyon na pangunahing tungkulin ay pagandahin

You might also like