Kwento NG Ating Pagmamahalan

Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 2

KWENTO NG ATING PAGMAMAHALAN

Sinta, ika'y isa sa aking mga nakilala,


Ang aking karanasan sayo'y sadyang naiiba.
Yaman mong taglay, di mahahanap sa iba,
Ang mabuting pagkakaibigan, ating tinatamasa.

Ang lahat nagsimula, sa simpleng usapan sa social media,


Tanging pinagmulan, ating "Hi" at "Hello" sa isa't-isa.
Inaalala ko muli itong mga munting ala-ala,
Napakasayang isipin, nagsimula tayo sa hiya at tawa.

Lumipas ang panahon saglit tayong natila,


Ang ila'y nabago at unti-unting nawawala.
Rinambol ang buhay ng mapaglarong tadhana,
Oh sinta, sa aking pag-aakala ito'y panaginip lang pala.

Narating ang araw sa wakas tayo ay nagkita,


Oh aking sinisinta, ang sarap mo palang makasama.
Talaga nga naman ang buhay, puso ko'y kanyang pinana,
Ang 'yong mga tinig, sa aking pandinig ay himig ng musika.

Nahihiya mang sabihin, aking nararamdaman sa'yo,


Ako'y natatakot umamin baka ika'y biglang magbago.
Kahit nanginginig pinilit kong makiusap sayo,
"Oh kaibigan, huwag sanang matatawa sa sasabihin ko."

Humahagikhik ako'y sobrang kinikilig,


At aking pakiramdam biglang parang natunaw na tubig.
Hinayaang tumulo ang dugo sa pusong magkabilang panig,
At sa aking pag-amin, ika'y nakangiting nakikinig.

Di nagtagal, naisip kong ligawan kita,


Ang naging tanging hangari'y makasama ka.
Laging tanong "Maaari bang mahalin ka?
Ang aking puso'y ikaw ang gusto niya."

Pagkatapos ng masayang maghapon sa isang araw ng Marso,


Alas-sais ng gabi ako'y tinawagan mo.
Nakinig ako ng buo sa mga sinabi mo,
Oh sinta, sa wakas maipagmamalaki ko na ang samahang ikaw at ako.

Dumating ang mga buwan ng Abril at Mayo,


Umukit sa aking isipan nag-iisang larawan mo.
Sa lahat ng panahong iyon na di tayo nagtagpo,
Ang tanging nararamdama'y sobrang pagkakamiss sa'yo.

Mula noon, masayang-masaya tayo pag magkasama,


Animo'y parang dekada tayong di-nagkita.
Tuwing ika'y nakikitang masaya, puso ko'y tuwang-tuwa,
Ang kaligayahan mo, aking laging inaalala.

Iniisip kita kapag ika'y nagdududa sa akin,


Nag-aalala ako at minsa'y natutulala sa hangin.
Ibinulong ko sayong mga pangako, wag sanang limutin,
Sa bawat isang sinambit, sinisiguro'y aking tutuparin.

Sinta, mapatawad mo sana ako sa aking mga sala,


At sa mga pagkukulang ko'y pacensiya na.
Nais kong makabawi sa mga bagay na hindi ko nagawa,
Aking mahal, umaasa akong ako'y mapatawad mo na.

Maraming salamat sa iyong sobrang pagmamahal,


Walang pagsisisi, sa'yo ay marami akong natutunang aral.
Ako'y lubos-lubos na nagpapasalamat sa maykapal,
Halik sa hangi'y sana makarating sayo oh aking mahal.

Ipinagmamalaki kong nakilala kita,


Ipinagsisigawan ko sa mundong mahal kita.
Sa iyo ko maipapangakong di ka ipagpapalit sa iba,
At pinapangako ko puso ko'y iyong-iyo na.

Ituloy sana nating gawin pundasyon ng ating pagmamahalan,


Patuloy sanan nating pagtibayin, relasyong ating sinimulan.
Oh aking mahal, pangako'y hindi ka iiwan,
Nararapat kong alagaan, ikaw at ang ating mga pinagsamahan.

Maligayang ikalimang buwan ng pagmamahalan sinta,


Umiibig ako sayo ng buong puso, wala ng iba.
Laging tandaang kahit sa panaginip ika'y kasa-kasama,
Isang matamis na halik at mahigpit na yakap aking inaalay, mommy ko, MAHAL NA MAHAL
KITA.

You might also like