FLA 4 - Spoken Poetry - Types of Chemical Reaction (Script)
FLA 4 - Spoken Poetry - Types of Chemical Reaction (Script)
FLA 4 - Spoken Poetry - Types of Chemical Reaction (Script)
problema minsan init ang nagiging dahilan kaya ,nakakabuo ng ibat ibang reaksyon
para masolusyonan ang problemang ito …sabi nga nila in all problems there are many
solutions..kaya nga may reactant para malaman natin ang produkto o ang
kinalalabasan nito…..
Bago namin simulan muli, may nais kaming ipaalam sa mga manonood,
Tayo ba ay may chemistry?
Tayo ba ay may reaction?
Tulad ng mga posporo na match together?
Gaya ng chemical reaction na may isang bagong nabubuo?
Na pwedeng ikaw ay magbago, paglipas ng panahon.
Mahirap umasa sa bagay na hindi na maibabalik dahil sa bawat asa na aking ginagawa
ay hindi ko namamalayan ako na palay unti-unti nang nagiging manhid at unti unti na
ring namamatay.
Dati ako lang sa buhay mo pero ngayon siya na. Siya, na palagi mong kasama at
ako’y nagiisa. Ang dati nating ginagawa ay ginagawa nyo na. Napakasakit isipin na
tayo’y wala na at meron kanang iba. Ang dating tayo’y parang isang bula, na nawala
na lang bigla bigla.
Sobrang sakit ng aking nadarama kasi iniwan mo ako at ipinagpalit sa kanya.
Ngayon damang-dama ko na ang hapdi at kirot dahil sa pag iwan mo sa akin.
Naisip kong magpakamatay, ngunit sayang lang ang aking buhay. Nais kong
maghiganti sayo!
kaya ako’y humanap ng iba. Nais kong ipakita sayo na hindi lang ikaw ang may
karapatan na humanap ng iba.
Tama,tama nga talaga, nahanap ko na. Ako’y masaya na sa piling niya. Buti nalang at
iniwan mo ako, dahil kung hindi mo ako iniwan hindi ko siya matatagpuan. Ang
dating masaklap na buhay, ngayo’y masaya at maayos na, na hindi katulad sa piling
mo. Lahat talaga ng bagay ay may dahilan. Mga dahilan para malimot ka, at maging
masaya sa kanya.
Yan lamang po at wala ng iba, ngunit huwag padalos dalos, makinig kayong mabuti
sa kabuuan ng aming kwentong ipapabatid sa mga pusong sawi, sa mga pusong bigo,
sa mga pusong masaya na at sa mga pusong kuntento na.
Gusto kong simulan ang lahat ng ito sa simpleng pagsabi ng halika na
Kaibigan halika kana, magusap tayo, magusap tayo kahit nakakasawa na
Alam ko marami tayong paguusapan, sa tagal, sa tagal ng maraming taon, sa paglipas
ng panahon na di tayo nagkita, unti unti ka ng nagbabago
Marami akong sasabihin, ngunit paano, paano ko ilalabas kung wala ka naman na
dito,
Nasan kana ba? Patuloy kitang hinahanap pero Katulad ka rin pala nila, ipinagpalit
moko sa iba
Di pa ba sapat? Sabihin mo kung san ako nagkulang at pupunuan ko, Sana katulad
nalang tayo ng kombinasyon,
Reaksyon na binubuo lamang ng dalwa, dalawa lang katulad ng 1 plus 1 dahil
sigurado ako tayo talaga ang para sa isat isa dahil kahit anong gawin mo, dalawa lang
ang pagtatagpuin ng tadhana
Tayong dalwa lang, tayo lang ang magsasama.
Noong panahon na tayo pa, noong panahon na ako lang talaga, noong panahon na
may pagkakataon pa, pagkakataon at mga pangako, pangakong unti unting napapako,
Pasensya na, pasensya na mahal kung nagsawa kana,
Kayat akoy lalayo at hindi na muling magpapakita pa sayo,
Sana, sana ang landas natin ay huwag ng magtagpo dahil ayoko ng marinig ang mga
tinig mo, ang labi mo na nakangiti kasama siya, masayang naglalakad palayo habang
akoy nahihirapang kalimutan ka
Decomposisyon na nga ba talga, sana mamatay kana, sana mawala kana para wala ng
nalulungkot at hinagpis na dulot ay sakit,
nakakasawang magmahal dahil lahat may ending, lahat!, lahat may katapusan tulad ng
panlalamig mo sa akin. Paalam mahal. Paalam.
Ngunit paalam, paalam sa ating dalawa, paalam sa mga pagkakataon na tayo pa,
Paalam mahal, paalam mahal dahil marami ng pagbabago,
Paalam mahal sa mga ala alang di na kayang balikan pa,
Paalam sa mga pangakong di natupad, sa mga pangakong di nagawa dahil wala na
wala ng oras para sa isat isa, huli na ang lahat, ito na ang wakas
Parehong nagloko at naghanap na ng iba,
Parehong lumisan at may kasama na,
Parehong bumitaw, pareho ring nagmahal at Parehong umasa,
Ngunit kasabay ng hangin, ang bawat nadarama ay unti unting nawala
Wala ng pagasang magkabalikan dahil ang mga puso’y nagiba na
Mahal paalam sa mga masasayang araw na tayoy magkasama,
At salamat mahal sa pagmamahal noong tayo pa.