Mga Suliranin NG Mga Mag - Aaral at

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

MGA

SULIRANIN
NG MGA
MAG-AARAL
AT ANG
SOLUSYON
DITO
PROYEKTONG PANANALIKSIK SA FILIPINO IV
Pangkat Isa

Tagapayo : Gng. Digna Teodoro


Bb. Moneth Macarilay

Ang mga mananaliksik ay malugod na nagpapasalamat sa mga taong


tumulong sa kanilang pananaliksik upang ito ay maisakatuparan.

Kay Gng. Digna Teodoro, ang aming Guro sa asignaturang Filipino. Siya
ang gumabay upang mabigyan kami ng sapat na impormasyon upang
makagawa ng ganitong pananaliksik. Isa siyang maunawain at
mapagbigay na guro. May mga pagkakataon na siya ay Nagagalit at
Nagsusungit, Ngunit kahit ganoon hindi Singtigas ng Bato ang Kanyang
Puso. Magaling Siyang makisama sa kanyang mga estudyante kaya
naman, malapit ang mga puso nito sa kanya. Masaya kami sa Oras ng
kanyang Asignatura. Tila ba Hindi ka makararamdam ng pagkabagot
dahil Siya ay palabirong Guro na talagang mawiwili ang lahat. Magaling
rin siyang magturo. Tila ba Siyay Nangunguna at Reyna ng mga
Talinghaga.
Madali naming nakukuha lahat ang kanyang mga leksyon na tinuturo.
At kay Bb. Moneth Macarilay na siyang nagbigay at walang sawang
nagpatnubay sa amin sa paggawa ng proyektong ito.

Ayon sa kanya, isa itong paghahanda sa kolehiyo. Sapagkat sa


kolehiyo, ay mararanasan natin ito. Siya rin ang nagtiyagang
nagpaliwanag sa amin kung paano isakatuparan ang proyektong ito.
Siya ay isang Masayahin, Palabiro, Mapagbigay, Mahaba ang pasensya
at Maunawain.

Malapit din ang kanyang puso sa aming mga kapwa estudyante


sapagkat siya ay magaling makisama sa bawat isa. At Siya rin ay isang
Magaling na Nagsasanay at nag-aaral maging guro sa asignaturang
Filipino. Walang kwestyon at Pagtataka, Isa Syang Magiging
Napakagaling na Guro na Mapapabilang sa Dibisyon ng Filipino.

Mga Mananaliksik
Casaysay, Maria Elaine April Diavarro, John Michael

David, Kysha Maryse Narag, Ivan Miguel

Intalan, Geneva Reyes, Jhanmarries

Nievares, Nicole

Uy, Micah

Paaralan : Highway Hills Integrated School

Petsa : Ika-9 ng Marso,Taong 2015.


Layunin

Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay matukoy ang sanhi ng hindi


magandang pang-akademikong pagganap at masuri ang mga suliraning
kinakaharap ng mga mag-aaral.

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang makatulong o maging


gabay sa mga estudyante upang maiwasan nila ang ganitong sitwasyon.

Isa pa ay upang makabasa sila ng mga karanasan ng mga estudyanteng


nagkaroon ng incomplete sa kani-kanilang asignatura.

Layunin ng pananaliksik na ito ay makapagbigay-alam sa mga


estudyante na hindi pa gaanong alam ang pasikot-sikot sa mundo ng
pag-aaral.

Nangangalap ng datos at impormasyon hinggil sa mga salik na kaugnay


ng paksa ng pananaliksik. Ang pananaliksik na ito ay nakapokus sa mga
posibleng dahilan ng hindi magandang pang akademikong pagganap ng
mga estudyante.

Nakapagbibigay ng sagot, ideya at impormasyon sa mga problemang


kadalasang hinaharap ng mga estudyante.
Sinasaliksik nito ang mga sumusunod na tanong:

a. Ano ang mga problemang kadalasang hinaharap ng mga


estudyante?
b. Sa anong asignatura nahihirapan ang mga estudyante?
c. Ano ang mga posibleng solusyon sa mga problemang ito?
d. Bakit nararanasan ng mga mag-aaral ang mga suliraning ito?
e. Ano ang epekto nito sa kanilang pag-aaral?

Paunang Salita
Ang Layunin ng Pag-aaral at Pananaliksik na ito ay Upang Matanto
ang Ibat Ibang uri ng mga Suliraning kinakaharap at Dinaranas ng
mga Mag-aaral at ang Sagot sa Problemang Ito. Ang Kasagutang
Marapat na Alamin at Ikalap ay sasaliksikin sa Pamamagitan ng
Pag-aaral, Paghahanap, Pakikipagpanayam sa mga May tunay na
Kaalaman at karanasan At Pagbatay sa mga Paniniwala
napatunayan sa pamamagitan ng Pananaliksik ng mga Siyentipiko
kasama na rin ang mga Propesyonal.
Talaan ng Nilalaman
I. Pagsisimula (Introduksyon) 1

II. Katawan ng Sulating Pananaliksik 3

III. Rekomendasyon at Konklusyon 5

IV. Bibliyograpiya (Elektroniks) 8

V. Apendiks 9

VI. Kabuuan 16
1
Pagsisimula
Sa mga nagdaang araw, taon at panahon ay dumarami na ang mga
estudyanteng nag-aaral sa ating komyunidad at may iba pang palaking
mga bata at sa pagdarating ng mga araw ay papasok at mag- aaral din
ang mga ito. Maraming ibat ibang suliranin ang ating kinakaharap lalo
na ang mga estudyante ngayon at bilang mga estudyante itoy hindi
maiwasan at ang mga ito ay mayroong ibat ibang rason.

Sa tahanan simulang nahuhubog ang katauhan ng isang tao. Ang


paaralan, bilang pangalawang tahanan ng mga estudyante ay
ginagampanan rin ang tungkuling ito. Kung Nabanggit ang salitang
Paaralan, kadalasang naiisip ay ang lugar kung saan nag-aaral at
natututo ng mga Lektura ang tao. Ngunit hindi lamang puro
impormasyon tungkol sa matematika, siyensa, o wika ang natututunan
ng mga estudyante sa paaralan.

Mayroong mga organisasyong maaaring salihan ang mga mag-aaral


batay sa kanilang hilig. Ang mga organisasyong ito ay may mga gawaing
maaaring humubog sa iba pang aspetong katauhan, at ito ang
tinatawag na Ekstrakurikular na mga Gawain. Ito ang dahilan kung
kayat hindi lamang pang-intelektwal ang Nahuhubog ng mga mag-aaral
sa pagpasok sa paaralan, nahahasa rin ang kanilang talento at
kakayahan.
2

Ang sulating pananaliksik, ay isinasagawa upang bigyang patunay at


palawakin ang isang napiling paksa. Sa ganitong paraan ay mas
naliliwanagan ang kaisipan ng isang mambabasa at natututo sa
nasabing paksa. Makatutulong din ito upang bigyang linaw at itama ang
ilang paksa, kung saan ang nalalaman lamang ng mga tao tungkol dito
ay mga maling sabi-sabi lamang. Ang sulating pananaliksik na ginawa
namin ay may layuning bigyan ng kaalaman ang mga mag-aaral tungkol
sa mga suliranin ng isang estudyante sa kanyang pag-aaral. Nakasaad sa
loob ng pananaliksik na ito ang mgakaalaman tungkol sa ilang suliranin
ng mga estudyante.
3
Katawan ng Sulating Pananaliksik

Naibabahagi sa pananaliksik na ito ang ibat-ibang suliraning


pang mag-aaral. Kung saan nasasaad ang ibat-ibang uri ng papanaw at
impormasyon maaaring magbigay diin sa mga katanungan nais
malaman ukol sa ibat-ibang uri ng suliranin ng mga mag-aaral.

Bakit nga ba nagkakaroon nang suliranin ang isang mag-aaral?


Bakit may pagkakataong nahaharap sila sa mga ganitong uri ng
sitwasyon?

Batay sa aming mga nakalap na impormasyon maraming


suliranin ang nakapaloob sa isang mg-aaral. Ayon sa ilan naming
nakapanayam isa sa pinakamabigat na suliranin ng mag aaral ay ang
pagkakaroon ng hidwaan ng mga magulang at nahahantong sa
hiwalayan at pagkasira ng pamilya. Kaya madalas sa murang edad pa
lamang ay madami ng mag-aaral ang mulat sa mga ganitong uri ng
sitwasyon. Madalas ang nagiging bunga nito ay pagrerebelde at
nalululong sa masamang bisyo kung kayat hindi nakakapagtapos ng
pag-aaral.
4

Sa kabilang banda marami mag-aaral naman ang naghahanap ng


atensyon dahil madalas ito raw ang nagsisilbi nilang inspirasyon. Ngunit
sa maling pag aakala madalas nauuwi ito sa hindi magandang resulta,
sapagkat karamihan sa mga magulang ay naghahanap-buhay para sa
pamilya kayat ang bunga nito ay madaming mag aaral ang naghahanap
ng kasintahan upang dito ituon ang atensyon na kanilang kailangan at
nagbubunga ito madalas ng pagkakamali. Marami ang napapariwara at
maagang nag aasawa.

Ilan lamang ito sa mga suliranin ng mag aaral na nakakaapekto sa


kanilang pag-aaral. Kung ating mapapansin madalas ang pamilya ang
nagkukulang kung kayat tinatamad ang mga mag-aaral upang mag aral.
Dahil narin sa pagkawala ng atensyon at halaga sa anak ng mga
magulang natututo ito upang silay suwayin. Bagamat ganito madalas
ang nagiging epekto sa isang mag aaral sanay hindi pa huli ang lahat
upang tayo ang magpaulad sa Bansa. Ika nga ni pambansang bayani Dr.
Jose Rizal Ang Kabataan ang Pag-asa ng Bayan.
5
Rekomendasyon at Konklusyon

Ayon sa pananaliksik, marami ang maaaring suliranin ng isang mag-


aaral. Nailahad sa aming sulating pananaliksik ang mga naging suliranin
ng isang mag-aaral gamit ang pakikipanayam sa ibat ibang miyembro
ng lipunan. Tulad ng magulang, kapwa mag-aaral at guro. Nasabi nila
ang kani-kanilang pananaw ukol sa nasabing paksa gaya ni Gng. Mary
Jane Reyes na nakabatid ng suliraning pang mag-aaral. Ang halimbawa
nito ay ang komunikasyon, kawalan ng impotansya at gastusin. Aming
napagtanto na kung walang komunikasyon ang isang tahanan ay maaari
pagka-ugatan ng di pagkakaunawaan. Mahalaga ang pag-uusap-usap sa
isang tahanan dahil sa pamamagitan nito ay magiging bukas ang lahat
ng bumubuo sa isang pamilya sa kung anong nangyayari sa isat isa
upang di humantong sa mas malalim na hindi pagkakaunawaan.

Ang kawalan ng importansya ay isa rin sa sinasabing suliranin ng mag-


aaral dahil sa panahon na naramdaman nila na wala silang maaaring
gawin o wala na silang halaga ay hahanap siya ng makakasamang iba
dahil akala nila ay iyon ang kailangan nila. Sa labis na pag-aasam na
magkaroon ng halaga ay gumagawa sila ng mga bagay na
makakapagbigay ng atensyon.
6
At ang isa pang suliranin ayon kay Gng. Mary Jane ay ang mga gastusin
bunga ng kahirapan ngayon ay marami ang hindi nakakapag-aral
dahilan kung bakit umuusbong ang suliranin ng isang mag-aaral. Dapat
nilang isipin na hindi hadlang ang kahirapan o mga gastusin upang
makapagtapos sa pag-aaral. At dapat huwag nilang hayaang ito ang
maging bunga ng suliranin bilang mag-aaral.

Sa kabilang banda ang pananaw ng isang nasasakupan ng


lipunan na isang mag-aaral din ay ang dahilan ng mga suliranin ng mag-
aaral ay ang mga pangyayari sa loob ng tahanan. Labis na
naaapektuhan ang mga mag-aaral sa mga kaganapan sa kani-kanilang
pamilya kaya masasabing isa rin ito sa posibleng dahilan ng isang mag-
aaral upang magkaroon siya ng suliranin. Madalas sila ang
pinakanaapektuhan kapag magulo ang pamilyang kanilang
kinabibilangan. Sa ganitong sitwasyon hindi sa pag-iisip bagkus itoy
nakasentro sa kanilang problema sa pamilya. Bunga din nito ay walang
gumagabay sa kanila kaya maaaring maapektuhan ang kanilang pag-
aaral. Kayat batay sa aming mga nakalap na impormasyon, sa aming
pananaw sumasang-ayon kami sa mga nasabing dahilan ng
pagkakaroon ng isang mag-aaral ng suliranin at pagsubok. Marami ang
mga maaaring maging dahilan ng suliranin subalit hindi tayo dapat
magpaapekto sa mga ito sapagkat ito ay dapat nating gawing
inspirasyon upang tayoy maging matatag at upang malampasan natin
ating mga problema.
7

Kahit pa maraming unos ang dumating sa atin, may mga tao pa ring
handing tumulong at manatili sa ating tabi kahit anong mangyari.
Huwag nating hahanapin sa maling bagay ang sagot sa mga suliranin
dahil hindi ito magdudulot ng mabuti sa atin.

Sadyang mapaglaro ang tadhana, ngunit tayo ang may hawak ng ating
kapalaran, kung ikaw ay papaapekto maaari kang matalo. Sanay
maging bukas tayo sa mga desisyon na ating pipiliin upang ang buhay ay
bumuti.
8

ELEKTRONIKS
http://www.scribd.com/doc/128367666/Mga-Problemang-Kadalasang-
Hinaharap-Ng-Mga-Estudyante-Sa-Kolehiyo-questionnaire#scribd

http://jimesther.blogspot.com/2009/03/suliranin-ng-isang-estudyante.html

http://www.scribd.com/doc/45995136/Bakit-Karamihan-sa-mga-
Estudyante-ay-Mayroong-Mababa-at-Bagsak-na-Marka-sa-Eskwelahan-
Pananaliksik#scribd

https://prezi.com/8pztowcfd8et/copy-of-isang-pananaliksik-hinggil-sa-
karaniwang-suliranin-na-narara/

http://www.academia.edu/4217366/baby_thesis
9

Apendiks
Panayam kay Ginang Mary Jane Reyes
10
*Bilang Isang magulang,Ano sa iyong pananaw ang ugat ng pagloloko
ng mga Estudyante sa paaralan?

- Ayon kay MARY JANE REYES na isang Magulang sa dalawa niyang anak
may tatlong dahilan kung bakit nagloloko ang mga estudyante una
kawalan ng Komunikasyon sa anak. Kung baga kapag nangibang bayan
ang magulang nawawalan nang interes ang anak sa pagaaral dahil
walang gumagabay sa kanya. Ikalawa, Ang kawalan rin ng
IMPORTANSYA ng magulang sa pag-aaral ng anak niya. Hindi man
lamang nangingialam at ginagabayan ng magulang ang ginagawa ng
Kaniyang Anak sa paaralan hindi niya ito kinakausap tungkol sa pagaaral
ng anak niya.At huli, ay GASTUSIN (FINANCIAL PROBLEM). Nawawalan
ng pagpapahalaga ang mga Estudyante sa pag aaral dahil sa problema
sa GASTUSIN dahil alam niyang Maari siyang titigal huminto sa Pag-
aaral anumang Oras, at Pagkatapos niya sa Sekondarya, Ay Trabaho ang
bubungad sa kaniya at hindi ang Buhay ng Kolehiyo.

*Ano ang iyong Maitutulong sa paglunas ng mga nasabing problema?

-Ang matutulong ko ay simple lang hikayatin ang anak ko at iba pang


magaaral na pagibayuhin pa ang pagaaral nila. Kung gayun ay patuloy
pa silang magpursigi sa Pag-aaral, at Ipamulat sa kanila kung gaano
kahalaga ang pagaaral sa buhay ng tao at upang hindi sila magsisi
balang araw na hindi sila nag-aral dahil sa kanilang bisyo. Akin ding
ipamumulat kung gaano kahirap ang pag-aasawa sa mga Panahong
ating kinabibilangan.
11
Ang Opinyon ni Carl Justin Reyes batay
sa Nasabing Paksa
12

*Bilang isang mag-aaral, Ano sa tingin mo ang dahilan ng pagloloko ng


mga Estudyante?

- Ayon kay CARL JUSTIN REYES na isang Mag-aaral, ang dahilan ng


pagloloko ng isang Estudyante ay ang pagkakaroon ng suliranin sa
pamilya. Hindi nagkakasundo ang mga Magulang at napapariwara ang
mga Anak. Dahil walang gumagabay sa kanila.

*Paano ito mabibigyang kasagutan/solusyon? Sa tulong nino?

- Sa tingin ko ang maitutulong ng magulang ay ipaalam sa kanila ang


iyong mga hinanakit at ipaliwanag ang mga masasamang dulot sa
inyong magkakapatid. At humanap ng paraan para magkaayos-ayos
kayong lahat nang sa gayon magkakaroon ng pagkakaisa at magandang
samahan ang pamilya.
13
Ang Paghingi ng Kasagutan kay Binibining Tebia
14
Mga Katanungan:

1. Sa anong asignatura nahihirapan ang mga estudyante?


2. Ano ang epekto nito sa kanilang pag-aaral?
3. Ano ang mga problemang kadalasang hinaharap ng mga
estudyante?

Ayon sa aking nakapanayam na si Mrs. Tebia na Siyang aming guro ay sa


asignatura na Ingles,Ang Matematika, at Siyensya ay kadalasang
nahihirapan ang mga Mag-aaral. Mababasa po natin ang kanyang mga
kasagutan sa ibaba..

Mananaliksik: Maam sa tingin niyo po ay sa anong asignatura


nahihirapan ang mga estudyante?

Bb. Tebia: Tingin ko nahihirapan ang mga estudyante sa Math, Physics,


at English. Ang Math at Physics kasi ay madaming kalkulasyon at
kinakailangan pa nito ng pag-aanalisa lalong lalo na sa problem
solving. Sa ngayon, isa sa mga kahinaan ng mga estudyante ay yung
pag-unawa. Kasi diba ang pag-aanalisa ay kailangan ng pag-uunawa.
Mahirap din ang Math dahil kung titingnan ay iisa lang ang sagot. Pero
kung napag-aralan naman ng maayos ng bata, makukuha din ang sagot.

Ingles rin sapagkat ang Uri ng pagtuturo ay syempre , Ingles . Maaaring


hindi sanay magsalita ng Ingles na ang dahilan kung bakit maraming
mga mag-aaral ay nagkakaroon ng problema sa pagpapahayag ng
kanilang mga ideya . Isa pa , wala silang kumpiyansa sa sarili na
magsalita ng Ingles . Kabilang na rin ang pag-unawa .
15
Mananaliksik: Sa tingin niyo po maam, ano naman ang epekto nito sa
kanilang pag-aaral?

Bb. Tebia: Epekto? Siguro dalawa lang yan: kapag nahihirapan sa paksa
maari itong humantong sa kabiguan. Tapos magiging unmotivated
ang bata . Ngunit kung mahirap ang paksa, maaari rin na yun ang mag-
udyok sa estudyante na pag-igihan ang pag-aaral.

Babalikan ko yung unang epekto. Pag bigo naman ang bata, maaring
humantong sa pagkakaroon ng mababang grades. Pag mahirap, lalago
pa at malaki ang chance na makakuha ng mataas na grado. Ang huli
naman ay ang tungkol sa problema ng mga estudyante na kanilang
hinaharap. Isa na rito ay ang hiwalay ang kanilang mga
magulang/pamilya na naaapektuhan ang pag-uugali at ang kanilang
mga ginagawa dahil nga sa problema sa pamilya. Ang isa pa ay ang
problema sa pang pinansyal/salapi na kung saan ang mga magulang ay
walang sapat na mga mapagkukunan upang pondohan ang pag-aaral ng
kanilang mga anak na nagreresulta sa madalas na pagliban sa klase.
Parang yun lang.

Mananaliksik: Maraming salamat po sa inyong mga sagot ma


16
Pangkabuuang Repleksyon ng mga
Mananaliksik
Naihayag na ang Kapuna-Punang mga Suliraning Pangkabataan at Pang
Mag-aaral. Nariyan ang Komunikasyon, Importansya, Gastusin,
Suliraning Pang pamilya at Napakarami pang Iba. Ngunit Atin bang
Napuna ang ating mga Sarili? Ang ating Pag-aaring Isip at kapalaran?
Hindi natin maiiwasang Maapektuhan ng Ating kapaligiran, Ng ating
Lipunang kinabibilangan at ng Mga Taong Pumapaligid sa Atin.
Datapwat, Kung hindi natin pahihintulutan ay hindi sila Magiging bahagi
ng Ating Mundo at Kahit kailan may hindi makapagtatakda ng
Katagumpayan at hindi sa ating Buhay. Suliranin? Higit sa Lahat ng
Nabanggit at Napuna, Hindi bat dapat tayo ang Boss ng sarili nating
Buhay? Tayo ang makapapansin ng Suliranit hindi, Ng Kasagutat hindi
at lahat ng Sirkulasyon ng Ating Pananatili sa Mundong Ito. Ang ating
Katamaran, Kainggitan, Pagsisikap at lahat, Ang siyang Bubuo sa ating
Buhay. Tayo ang gumagawa ng Sarili nating Pagpapala at hindi. Sa
aming Pananaw, Ang pinakasuliranin ng bawat Mag-aaral ay ang hindi
pagkakaroon ng Prayoridad sa buhay. Prayoridad na Nakapagpasa ng
Proyekto, Na gumawa ng Takdang aralin at Lahat ng Kailangan sa
Paaralan dahil kung tunay mong binibigyang Importansya at Kabuluhan
ang Isang Bagay, Kahit na kailan ay hindi iyon Makaliligt
17

Matuto tayong humingi ng Payo sa Nakatatanda bilang isang gabay


hindi bilang isang utos, Manaliksik at Mag-isip, At ang Higit sa Kabuuan
ng Sulating Ito, ay magtiwala sa Diyos. Mabuhay para sa kaniya. At sa
ganoon, Hindi tayo mangangamba para sa Ating Buhay, Sa Hinaharap at
Sa bawat Pagsubok na daraan. Sa ganitong Uri ng Pamumuhay,
Mapayapa ang ating isip at hindi na natin muli pang mabubuksan ang
Paksang Suliraning Pang Mag-aaral.

You might also like