Pananaliksik Kabatana 1 3

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

Salik na Nakakaapekto sa Akademikong Pagganap

ng mga Estudyanteng Nag-oonline Selling

Sa Barangay luttuad, Diffun Quirino

Inilahad nila:

Kathleen Mae Agana

Joshua Cortez

Geraldine N. Esperanzate

Jenny L. Manuel

Vannessa Oreiro

Mae Sabado

Mananaliksik

Jeferlyn Vilbar Agbayani

Guro sa Pananaliksik

June 2021
UNANG KABANATA

SULIRANIN AT SALIGAN NG PAG - AARAL

PANIMULA

Sa panahon ngayon tayo ay nasa modernisadong pamumuhay, marami

sa atin ang gumagawa ng paraan para magkaroon ng pagkakakitaan. Isa sa

pinakapatok na hanap buhay ngayon sa Pilipinas ay ang patitinda gamit ang

makabagong teknolohiya (online selling), isa itong prosesa ng pagtitinda na

ginagamitan ng social media at karamihan nito ay sa facebook. Sa tulong nito

marami ng online seller ang sumubok magnegosyo sa social media maging

ang mga estudyante ay na-eenganyo na mag online selling upang makatulong

sa pangangailangang pinansiyal.

Ang pakikipag-ugnayan online ay nagsimula noong 1990 kasabay ng

pagdating ng internet kung saan ang transakyon ng mga mangangalakal ay

nakatawag pansin. Ang pakikipag-ugnayan online ay nagbukas ng pinto ng

oportunidad para sa marami. Maaaring kumita ng pera sa paggamit lang ng

online business. Ang online business na ito ay kinagigiliwan ng lahat; maging

babae man o lalaki matanda o bata, mahirap o mayaman.

Ayon kay Harris at Dennis (2002), “ Ang negosyo sa online ay isang

pagtitinda ng produkto o serbisyo sa pamamagitan ng internet o ng iba pang

mga electronic channels, para sa personal o pangbahay na gamit ng mga

mamimili.”

Ayon kay Amy R. Remo (2016), ang Pilipinas ay mabilis na nagiging

isa sa apat na hottest e-commerce ,markets sa ASEAN (Association of


Southeast Asian Nation) sapagkat malakiang naitutulong ng ekonomiya sa

online sales.

Ayon kay Matthew Zito (2016), “Ang Pilipinas din ang nangunguna sa

ASEAN dahil sa dami ng bilang ng mga online seller dito sa Pilipinas.”

Sa mabilis na pag - usad ng edukasyon sa panahon ng pandemya, lahat

tayo ay naghahangad ng maayos at dekalidad na pamumuhay kaya naman

talamak ngayon ang sumubok ng iba’t ibang uri ng trabaho o hanap-buhay

katulad ng pagbebenta online na karamihan sa mga sumubok nito ay ang mga

estudyante na siyang pinagkakaabalahan at pinagkukunan nila ng sapat na

gastusin sa araw araw kaakibat ng pagtupad sa kanilang edukasyon.

Edukasyong magbibigay ng oportunidad sa bawat isa na makamtan ang

anumang hangarin sa buhay na magsisilbing tulay sa mga taong nasa sulok ng

lipunan para makaagapay sa mabilis na pagbabago’t pag-unlad ng bayan.

Sadyang malaki ang naitutulong ng online selling sa mga estuduyante,

napupunan nito ang bilang ng mga mag-aaral na may kakulangang pinansyal.

Ngunit lingid sa kaalaman ng mga nakararami na hindi biro ang pagiging

isang online seller maraming iba’t ibang kalugihan ang kanilang nararanasan

na kaakibat ng kanilang edukasyon. Nariyan na ang natatanggap na

negatibong tugon na pwedeng makaapekto sa kanilang kalusugang mentalidad

at marami pang iba na pumukaw sa atensiyon ng mga mananaliksik upang

gawin ang pag aaral na ito. Ang pag aaral na ito ay iikot sa mga salik na

makaaapekto sa akademikong pagganap ng mga estudyanteng nagbebenta

online. Pag-aaralan ng mga mananaliksik ang mga karanasan kung paano nila

nababalanse ang trabaho at pag aaral. Aalamin din ang mga kaparaanan at
estilo nila sa pamamahala ng oras sa pagitan ng paghahanap buhay at

edukasyon.

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang mabahagi ang karagdagang

kaalaman sa mga estudyanteng nag oonline selling sa poblacion region ng

Cordon, Isabela patungkol sa mga salik na nakaaapekto sa kanilang

akademikong pagganap kaakibat kanilang trabaho tulad pagbebenta online.

Nais din ng pag-aaral na ito na ibahagi ang mga epekto o salik ng pagkakaroon

ng online business ng mga estudyante.

PAGLALAHAD NG PROBLEMA

Layunin ng pananaliksik na ito na matukoy ang mga salik na

nakakaapekto sa akademikong pagganap ng mga estudyanteng nag oonline

selling sa Poblacion Region ng Cordon at tangka nitong sagutin ang mga

sumusunod na katanungan:

1. Ano ang propayl ng mga taga tugon sa tuntunin ng:

Edad;

Baitang; at

Barangay

2. Ano ang antas ng pagsang-ayon ng mag-aaral na nag-oonline selling

sa mga tuntuning:

Personal na salik;

Sosyal na salik; at
Mental na salik

3. Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba ang mga salik na

makakaapekto sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral na nag-

oonline selling sa Poblacion Region sa Cordon sa pananaliksik na ito

kapag ang mga tagatugon ay nakagrupo base sa kanilang propayl.

KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK

Isinagawa ang pananaliksik na ito upang tukuyin ang mga salik na

nakakaapekto sa akademikong pagganap ng mga estudyanteng nag-oonline

selling. Ang benepisyaryo ng pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod:

Sa mga mag-aaral - makatutulong ang pananaliksik na ito sa mga mag-

aaral ang pananaliksik na nag-oonline selling upang malaman nila kung ano

ang mga salik na nakakaapekto sa kanilang akademikong pagganap at

magsisilbing gabay sa kanila upang malaman nila ang mga dapat nilang

isaalang-alang bilang isang online seller at mag-aaral;

Sa mga guro - magkakaroon sila ng kaalaman sa mga kinakaharap na

hamon ng kanilang mga estudyanteng nag-oonline selling. Ang pananaliksik

na ito ay siyang magbibigay kaalaman sa kanila sa mga dapat nilang gawin sa

kanilang mga estudyanteng nag-oonline serlling nang sa gayon ay magabayan

at matulungan nila ang mga ito sa kanilang pag-aaral;

Sa mga magulang - ang mga magulang ang pangalawang guro ng

kanilang mga anak. Sa pananaliksik na ito makakapag-isip-isip ang magulang


ng mga paraan kung paano magagabayan ang kanilang mga anak at kung

paano nila ito papayuhan at matutulungan sa kanilang pag-aaral.

Sa mga mananaliksik sa hinaharap - ang mga bunga ng pananaliksik na

ito ay maaaring maging sangunian na magbibigay gabay sa kanila gagawing

pananaliksik.

SAKLAW AT HANGGANAN NG PAG-AARAL

Ang pangunahing pokus ng pananliksik ay tukuyin ang mga Salik na

Nakakaapekto sa Akademikong pagganap partikular na sa pamamahala ng

oras, pagpapaliban, mga kaugnayan at tugon ng mamimili ng mga

Estudyanteng nag-oonline Selling. Ang saliksik na ito ay limitado lamang sa

mga online seller ng Poblacion Region ( Barangay ng Quirino, Laurel,

Quezon, Roxas, Osmena) ng Cordon Isabela.

BALANGKAS KONSEPTUWAL

Sanhi (Input)

- propayl ng mga tagatugon

- antas ng pagsang-ayon sa mga salik na nakakaapekto sa akademikong

pagganap ng mga estudyanteng nag-oonline selling.

- mga natatanging pagkakaiba ng mga salik na nakakaapekto sa akademikong

pagganap ng mga mag-aaral na nag-oonline selling kapag ang mga mag-aaral

na tagatugon ay nakagrupo base sa kanilang propayl.


Proseso (Process)

- pagsisiwalat ng mga talatanungan sa mga mag-aaral na tagatugon

- pagsusuri at pagbibigay ng mga interpretasyon sa mga datos na nakalap sa

pamamagitan ng istatistika.

- tukuyin ang antas ng pagsang-ayon sa mga salik na nakakaapekto sa

akademikong pagganap ng mga mag-aaral na nag-oonline selling sa Poblacion

Region.

Resulta (Output)

- impormasyon patungkol sa mga natukoy na mga salik na nakakaapekto sa

akademikong pagganap ng mga estudyanteng nag-oonline selling.

KATUTURAN/DIPINISYON NG MGA KATAWAGAN

Para sa mas mahusay na pag-unawa sa pag-aaral ang mga sumusunod

na term ay tinukoy.

Online business/selling

Ito ay pagtitinda ng mga produkto na ginagamit ang electronics o

internet kaakibat ng mga nauuring social networking sites.


Online seller

Tawag sa taong nagbebenta ng iba’t ibang produkto online.

Makabagong teknolohiya

Midyum na ginagamit upang mapadali ang pakikipag uganayan at

pakikipagkomunikasyon sa kabilang panig.

Social media

Tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan

sila ay lumilikha, nagbabahagi ay nakikipagpalitan ng impormasyon at mga

ideya sa isang virtual na komunidad at mga network.

Poblacion Region

Mga barangay sa Bayan ng Cordon napapadito ang mga barangay ng Quirino

Osmena, Laurel, Quezon, at Roxas na kung saan pagsasagawaan ng pag

aaral/pananaliksik.
KABANATA 2

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Para sa karagdagang pag-unawa sa pag-aaral, ginamit ng mga mananaliksik

ang iba't ibang mga materyales sa pagbasa na may kaugnayan sa online system. Ang

mga materyales tulad ng mga libro, magasin, pahayagan, tesis, at iba pang mga

artikulo sa web ay mahalaga sa pagpapalawak ng kaalaman ng mga mananaliksik.

Gagabayan din nito ang mga mananaliksik upang makamit ang kanilang mga layunin

sa target sa pamamagitan ng pagkuha ng mga ideya sa iba pang mga kaugnay na pag-

aaral at gumawa ng mga pagpapabuti hangga't maaari. Ang impormasyong

makakalap ng mga mananaliksik ay nakatuon sa pagbuo ng E-commerce at mga

pakinabang nito sa ekonomiya, mga mamimili at negosyo .

Pagsusuri ng Kaugnay na Panitikan

Ang pagsusuri na ito ay binubuo ng mga libro, artikulo, dokumento na nakatuon

sa parehong paksa o iba pang mga konsepto ng pag-aaral.

Banyagang Literatura

Ang web ay naging isang pagkakataon para sa mga namimili upang

magdagdag ng halaga sa mga produkto at serbisyo. Ang biglang paglaki at pagtaas ng

katanyagan ng internet at sa buong mundo ay naging susi upang maakit ang mga

mamimili at negosyo na makisali sa mga benepisyo ng elektronikong komersyo (E-

commerce). Ang E-commerce na ito ay nakikita bilang anumang anyo ng transaksyon

sa negosyo kung saan ang mga partido ay nakikipag-ugnay sa elektroniko kaysa sa

pamamagitan ng mga pisikal na pakikipagpalitan o direktang pakikipag-ugnay


(Aldin, Brehmer & Johansson, 2004). Binago nito ang tradisyunal na komersyo at

pinahusay na mga benta at pagpapalitan ng kalakal at impormasyon. Hindi ito

itinuturing na isang solong nilalang ng teknolohiya ngunit isang kombinasyon ng mga

teknolohiya o aplikasyon, mga proseso, mga diskarte sa negosyo, ito ay

kinakailangan upang gawin ang mga elektronikong negosyo. Ang kakayahang

magamit ang mga kalakal at serbisyo na may pag-click sa isang mouse ay nagbabago

sa pandaigdigang setting. Ang pagsasaalang-alang sa mga disenyo at operasyon ng

website ay nakasalalay sa likas na katangian ng mga aktibidad sa negosyo at target na

mga mamimili.

Ayon kay Burleson (2005), ang isang website ay dapat maging simple at

nakatuon na site upang magtagumpay. Ang isa na madaling itayo, libre ang

pagpapanatili, mababang gastos, mapagkakatiwalaan at isang malakas na tagabuo ng

trapiko at converter ng customer. Ang paghabi ng tamang tool at ang tamang

produkto lamang ay hindi matiyak ang tagumpay ng website. Upang maging

epektibo, ang website ay dapat na idinisenyo kasama ang target na madla bilang

epektibo, ang website ay dapat na idinisenyo kasama ang target bilang pangunahin na

pagsasaalang-alang.

Ayon kay Karen Frishman na pangunahing may-akda ng ekspertong

pangunahing antas, sa larangan ng pagbebenta online ay maaaring mukhang walang

hanggan sa saklaw, din, na may milyun-milyong mga potensyal na customer sa buong

mundo. Ngunit, ang tagumpay sa pagbebenta ng mga koleksyon sa Web ay nakukuha

sa parehong paraan tulad ng sa pisikal na mundo, sa pamamagitan ng pag-alam ng

mga pangangailangan ng mga mamimili at matugunan ang mga ito. Ang tagumpay ay

maaaring nakasalalay sa isang mahusay na antas sa kung nag-aalok ka ba ng mga

nakolekta na mga katangian na maaaring matugunan ng hindi bababa sa isa sa tatlong

pangunahing mga elemento ng komersyal na ito: Hindi madaling makukuha sa lokal.

Malawak na apela dahil sa isang kasalukuyang pagsulong sa katanyagan o dahil ang


isang item ay maaaring 'tumawid' sa pagkolekta ng mga hangganan. Competitive na

presyo. Pinagmulan:https://educheer.com/research-papel/related-literarureand-

studies-of-online-sale-website/

Ang mga taga-disenyo ng website ay dapat balansehin ang mga

pagsasaalang-alang sa disenyo at kakayahan sa mga layunin ng kliyente at antas ng

pag-unawa ng consumer sa modernong teknolohiya (Geissier, 2001)

Kritikal para sa mga kumpanya na malaman kung paano nila maakit ang mga

costumer sa kanilang website, makisali sa kanila upang maging bayad sa mga

customer at mapanatili din silang bumalik sa iyong website. Mga diskarte sa online

na komunikasyon na ginamit upang makamit ang mga layunin ng kamalayan ng tatak,

pamilyar at pagiging kanais-nais at maimpluwensyahan ang hangarin sa pagbili sa

pamamagitan ng paghikayat sa mga gumagamit ng digital media na bisitahin ang

isang web upang makisali sa tatak o produkto at sa huli ay bumili sa online o offline

na pamamaraan sa pamamagitan ng tradisyonal na mga channel ng media tulad ng

telepono o sa tindahan(Chaffey, 2009)

Lokal na Literatura

Ang Philippine E-commerce naman ay ipinatutupad ng mga pangunahing

nagtitingi at mga multinasyunal na korporasyon para sa palitan ng bangko. Ang isang

bilang ng negosyo sa consumer sa mga mamimili ay lumitaw sa mga taon tulad ng

mga auction, online shopping, at online banking (Lacson, Pasadilla, 2006).

Ipinapakita lamang nito na ang mga negosyong Pilipino ay tinatanggap ang bagong

pagkakataon sa pagbebenta ng mga kalakal dahil 16% ng populasyon ang gumagamit

ng internet. Ang bagong diskarte sa pagmemerkado ay hindi lamang makikinabang sa

mga malalaking kumpanya kundi pati na rin ang mga maliliit na negosyo na hindi

kayang mag-anunsyo ng kanilang mga produkto, sa pamamagitan lamang ng paglikha


ng website sa isang napaka-abot-kayang gastos ay maaaring lumago ang negosyo sa

mga tuntunin ng pagbebenta at mapahusay din ang imahe ng kumpanya.

Habang pinasok ng mga Pilipino ang ika-21 siglo, ang lokal na transaksyon

sa e-commerce ay umaabot sa Php 1 Billion. Ipinapakita nito na mayroong isang

bilyong transaksyon sa paglago ng benta taun-taon. Kung magpapatuloy ang mga uso

na ito, ang mga numero ay maaaring umabot ng hanggang php 20 bilyon dahil mas

maraming mga negosyo ang nagsasagawa ng mga online na transaksyon. Kung ang

makabuluhang paglago ng ekonomiya ay naganap sa susunod na 10 taon, ang mga

pagtatantya na ito ay maaaring kahit doble o triple.(Toral, 2004).

Ang isang hindi masasabing benepisyo ng e-commerce ay ang kakayahang

mabawasan ang gastos sa transaksyon para sa mga mamimili o , ito ay malamang na

kumuha ng form ng mas mababang gastos sa paghahanap at mas mahusay na

impormasyon sa mga produkto at presyo. Ang kanilang maaaring maging marahas na

pagtitipid sa gastos sa paggawa at paghahatid ng mga elektronikong digital o digital

na kalakal din. (Lee, 2006).

Ang Teknolohiya ng Impormasyon at Komunikasyon (ICT) ay naging at

magpapatuloy na maging isang mahalagang bahagi ng pang-araw-araw na buhay ng

bawat filipino sa lahat ng antas ng ating lipunan. Ang pagkakaroon ng teknolohiya ng

komunikasyon sa buong mundo ay nangangailangan ng pamahalaan sa isang

magkakaugnay at nagsama na diskarte sa kung paano ihanda ang mga mamamayan

nito upang mabuhay, mabuhay at umunlad sa isang digital na mundo (The Philippine

Digitals Strategy Transformation 2.0: Digital Empowered na bansa 2011). Ang

pangunahing layunin ng papel ay ang magkaroon ng isang mapagkumpitensyang

lipunan kung saan ang bawat isa ay may maaasahan, abot-kaya at ligtas na pag-access

sa impormasyon sa Pilipinas.
Ayon kay Steven Solomon sa aklat ng Small Business idinipensiya niya na “

In poor developing countries small project are much better than big project.” Isa ang

Pilipinas sa mga papaunlad na bansa, at napagtanto na marami na ang nagbebeta

gamit ang internet. Gamit ang social networkimg site nakakapag tayo sila ng Online

business na maari magbenta ng mga kakaiba at pangkaraniwang bagay na ginagamit

ng tao. Ito ang paraan nila upang mapaunlad ang kanilang negosyo pati ang

ekonomiya ng bansa. Kahit sino ay pwedeng magnegosyo nito mapalalaki o banae,

mayaman o mahirap, bata o matanda. Isa rin itong magandang gawin pag wala kang

mahanap na trabaho, at maliit lang na puhunan ang kinakailangan..

Ayon kay Harris at Dennis (2002), “Ang negosyo sa online ay isang

pagtitinda ng produkto o serbisyo sa pamamagitan ng internet o ng iba pang mga

electronic channels, para sa personal o pangbahay na gamit ng mga mamimili”.

Pagsusuri ng mga Kaugnay na Pag-aaral

Ang seksyon na ito ay binubuo ng impormasyong nakalap mula sa tesis at

disertasyon na may kaugnayan din sa pananaliksik.

Banyagang Pag-aaral

Ang E-commerce ay naging isang pamantayang pamamaraan ng pagbibigay

ng pantay na impormasyon sa maraming iba't ibang mga platform. Ito ay ipinatutupad

ng isang lumalagong bilang ng mga kumpanya upang maging mas kumpleto sa

mundo ng korporasyon. Ang lahat ng mga kumpanya ay kailangang gumawa ng isang

hakbang pasulong patungo sa isang bagong teknolohiya upang makipagkumpetensya

sa pandaigdigang merkado, e-commerce (Lanvin & Manggarqul, 2006).


Ang kumpanya ay tila may makabuluhang impluwensya sa mga benta at

imahe ng korporasyon, at inaasahang mag-ambag sa higit sa lahat ng kasiyahan sa

costumers (Hossin, 2007). Ang pinakamadaling paraan upang maging maaasahan sa

costumer ay upang mapanatili ang isang madali at simpleng imahe sa website ng mga

kumpanya, na lumikha ng positibong karanasan sa web sa costumer. Magagawa ito sa

pamamagitan ng pagkakaroon ng transparent interface, mayaman na nilalaman,

madaling ma-access ang impormasyon at pagkakaroon ng isang disenyo na

nagpapadali sa maraming mga madla. Binibigyang diin lamang nito ang kahalagahan

ng pag-alam sa mga target na bisita dahil mayroon silang iba't ibang panlasa sa mga

tuntunin ng mga kulay ng disenyo sa kabuuan. din ang isang mahusay na disenyo ay

hindi sapat upang makagawa ng mga costumer sa website, dapat itong maging

kaalaman pati na rin sa mga detalye ng produkto.

Tulad ng sinabi nina Efendioglu at Igna na ang mga kumpanya ay walang

mahusay na nilalaman, magkaroon ng kamalayan sa website na iyon dahil sa mali o

hindi sapat na marketing sa online.(nakuha noong ika-14 ng Agosto, 2012 sa

https://pure.ltu.se/ws/files/33033408/LTU-EX-2011-32955905.pdf)

Tinutukoy din ng seguridad ng website ang proteksyon ng kumpidensyal na

impormasyon ng mga mamimili. Ito ay isang paraan ng pagkakaroon ng tiwala ng

mga customer dahil nais ng mga customer na maniwala na ang impormasyong

ibinibigay nila ay protektado at gagamitin lamang sa naaangkop na paraan

(Mansoorian, 2006). Ang ilan sa mga epekto ng mga mahahalagang detalye na

maprotektahan ay tinugunan at numero ng contact na dapat panatilihin sa pribado.

Dapat ding isulat upang maprotektahan ang account ng mga mamimili mula sa mga

hacker.

Bukod sa nilalaman ng website at disenyo ng mga pahina, dapat ding

isaalang-alang ng seguridad ang pinakamahalaga sa mga transaksyon sa pagbabayad.

Ang mga sistema ng pagpapatunay at pagbabayad ay dapat magbigay ng isang mataas


na antas ng seguridad dahil sa mga sensitibong pag-andar na kanilang ginagawa.

Upang makamit ang malakas na pamamaraan ng pagpapatunay, kinakailangan upang

makilala at maunawaan kung ano ang kailangang protektahan, posibleng pag-atake,

kung paano protektahan ang mga mahina na puntos at isang paraan upang makita ang

mga atake. ang mga pamamaraan na ito ay maaari ring gawing mas nababanat sa mga

pag-atake sa pamamagitan ng pagsasama ng maraming mga kadahilanan ng

pagpapatunay at mga channel ng komunikasyon. Pinakamahalaga, ang mga imitasyon

ng paraan ng pagpapatunay na ginamit ay dapat na malinaw na maunawaan.( Nakuha

noong ika- 14 ng Agosto,2012 mula

http://publications.liv.chaimers.se/records/fulltext/146815.pdf).

Lokal na Pag-aaral

Ang mga negosyong nakikibahagi sa commerce ng elektron (e-commerce) ay

na-obserbahan upang makakuha ng isang mapagkumpitensya na gilid sa larangan ng

marketing sa mga tuntunin ng pag-access, kaginhawaan at pagkakaroon. Dahil ang

internet ay maa-access ng mga tao sa buong mundo, ang mga customer ay hindi na

limitado sa loob ng paligid ng tindahan. Kahit sino ay maaaring bisitahin ang

tindahan kahit saan, anumang oras nang walang abala. Sa pamamagitan lamang ng

pag-navigate sa tindahan, ang customer ay maaaring pumili ng mga produkto upang

mapahusay ang paraan ng karaniwang mga transaksyon sa negosyo na nangyayari at

tumutulong na mabawasan ang oras at pagsisikap na natupok ng kumpanya at mga

costumer din (Deanna at Fritz, 2006).

Sa mga ito, ang isang mahusay na relasyon sa kanilang mga mamimili ay

maitatag at ang kanilang layunin na madagdagan ang kanilang mga benta ay

makakamit (Kim at Katherine, 2004)


Sa pamamagitan ng internet, nag-aalok ang e-commerce ng isang pinasimple

na diskarte sa mga deal sa negosyo at nagbibigay ng isang bagong pagpipilian para sa

pagbebenta at pagbili ng mga produkto ng kumpanya at sa parehong oras hindi

lamang nagbebenta at pagbili ng mga produkto kundi pati na rin ang pag-anunsyo sa

site (Roso at Navarro, 2006). Dahil magagamit ang mga produkto sa web, mas

maraming pagkakataon na makakuha ng pagkakalantad sa mga target na customer at

sa kalaunan ay hikayatin silang bumili ng isang item. Ito ang pinaka-abot-kayang

paraan ng advertising kumpara sa ilang mga bayad na komersyal na kahit na ang mga

maliliit na negosyo ay madaling maipatupad. Dahil ang karamihan sa mga kumpanya

ay gumagamit ng mga website bilang isa sa kanilang mga diskarte sa pagmemerkado,

kumakalat din ang mga kakumpitensya. Ang kumpanya ay dapat isaalang-alang ang

mga pangunahing kadahilanan upang magkaroon ng isang matagumpay na sistema ng

pagmemerkado sa online na nagsisimula mula sa target na madla, disenyo ng web,

interface, seguridad sa mga tuntunin ng pagbabayad at impormasyon ng customer,

nilalaman ng isang kahit na pinakamaliit na mga detalye ng isang website.

Unang natuklasan ang online shopping ng isang entreprenyur na si Michael

Aldrich noong 1979. Ang Pilipinas ay mabilis nagiging isa sa apat ja "hottest

commerce markets" sa ASEAN sapagkat malaki ang natutulong ng local na

ekonomiya pagdating sa online sales (Amy R. Remo, Philippine Daily Inquirer).

Ang negosyo ng online shopping ay isang pagtitinda ng produkto o serbisyo

sa pamamagitan ng internet o ibang electroni channels, para sa personal o pangbahay

na gamit ng mga mamimili. (Harris and Dennis, 2002)


KABANATA 3
Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Inilalahad ng kabanatang ito ang paraan at mga kaparaanan ng mga


mananaliksik na makatutulong sa pagsasagawa ng pag-aaral.

A. Disenyo ng Pananaliksik/Research Design

Ang isinasagawang pananaliksik ay kwantitatibo at ang planong


ginagamit sa pag-aaral ay disenyong deskriptibo. Ito ay batay sa badya ni
Anastas (2008) na "Ang naglalarawang pagsasaliksik ay ginagamit upang
makakuha ng impormasyon hinggil sa kasalukuyang katayuan ng mga
phenomena at upang ilarawan ang " kung ano ang mayroon " na patungkol sa
mga baryabol o kundisyon sa isang sitwasyon ".

B. Pamamaraang Ginamit sa Pananaliksik at Teknik sa Pagkuha ng


Sampol
Upang makakuha ng mga impormasyon ang mga mananaliksik ukol sa
paksang “Salik na Nakaaapekto sa Akademikong Pagganap ng mga
Estudyanteng Nag-oonline Selling sa Poblacion Region ng Cordon, Isabela.”,
ginamit ang total population sampling ng purposive sampling technique kung
saan pinili ng mga mananaliksik na suriin ang buong populasyon na batay sa
ilang mga pamantayan.

Ang napiling respondante sa pananaliksik na ito ay ang mga Estudyanteng


Nag-oonline Selling sa Baranggay Quirino, Laurel, Quezon, Roxas at Osmena
ng Cordon, Isabela. Ang mga piling respondante ay binubuo ng dalawapung
mag-aaral na kakatawan sa kabuuan ng pag-aaral.

C. Instrumentong Ginamit sa Pananaliksik/Data Gathering Instrument


Ang instrumentong gagamitin sa pananaliksik ay ginawa mismo ng
mananaliksik. Ang mga mananaliksik ay gagamit ng google form sa pagsagot
ng talatanungan o survey questionnaire bilang pangunahing instrumento sa
pagkalap ng mga datos na magagamit sa pag-aaral na
Ang talatanungan ay nahahati sa dalawang pangkat: propayl ng mga
tagatugon at ang katumbas na mga tanong sa pagtukoy ng mga salik na
nakaaapekto sa akademikong pagganap ng mga estudyanteng nag-oonline
selling.

Sa pagpasiya ng mga salik nakaaapekto sa akademikong pagganap ng


mga estudyanteng nag-oonline selling, ang mga sumusunod na iskala at
paglalarawan ay ginamit:

Point Scale Description


4 3.00-4.00 Stongly Agree
3 2.00-2.99 Agree
2 1.00-1.99 Disagree
1 0.99-1.00 Stongly Disagree

D. Paraan sa Pangangalap ng mga Datos


Ang mga mananaliksik ay ibubunsod ang palatanungan sa mga katugon sa
pamamagitan ng google form. Ang mga mananaliksik ang mismong kakalap
ng mga impormasyon upang lubos na maunawaan ang mga saklaw at
posibilidad sa pag-aaral upang matiyak ang kalidad ng ipepresentang datos.
Gagamitin ang google form sa pagsagot ng talatanungan sa pangangalap ng
datos upang mas mapadali sa mga mananaliksik maging sa mga tagasagot lalo
na sa sitwasyong kinalalagyan natin. Matapos ang pagkuha ng talatanungan,
kakalkulahin ng mga mananaliksik ang mga resulta sa pamamagitan ng
paggamit ng pinakaangkop na istatistika upang sagutin ang pahayag ng mga
problema at ang teorya ng pag-aaral, pagkatapos, ang interpretasyon ng mga
resulta ay gagawin upang matukoy ang bisa ng ipinanunukalang pag-aaral.

E. Kompyutasyong Istadistika
Ang mga sumusunod na tool sa istatistika ay ginamit sa pagbibigay
kahulugan sa nakolektang data.

1. Ang Bilang ng dalas ay gagamitin sa pagtukoy ng propayl ng katugon.


2. Ang Weighted mean ay gagamitin sa pagtukoy ng antas ng pagsang-ayon sa
mga Salik na Nakaaapekto sa Akademikong Pagganap ng mga Estudyanteng
Nag-oonline Selling
3. Ang ANOVA gagamitin sa pagtukoy ng makabuluhang pagkakaiba sa antas
ng pagsang-ayon ng mga katugon sa mga salik na nakaaapekto sa kanilang
akademikong pagganap kapag pinangkat ayon sa edad, baitang at baranggay.

Anastas, Jeane W. Research Design for Social Work and the Human Services.
Chapter 5, Flexible Methods: Descriptive Research. 2nd ed. New York:
Columbia University Press, 1999;  McNabb, Connie. Descriptive Research
Methodologies. Powerpoint Presentation; Shuttleworth, Martyn. Descriptive
Research Design, September 26, 2008. Explorable.com website.

You might also like