3rd Periodical Test in AP

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

TABLE OF SPECIFICATION IN AP-4

Third Grading
S.Y. 2015-2016
Layunin Bilang Porsyento Kinalalagyan
ng
Aytem
1.Natatalakay ang kahulugan at kahalagahan ng 3 5 1-2
pambansang pamahalaan
2.Nasususri ang balangkas o istruktura ng pamahalaan
ng Pilipinas
2.1 Natatalakay ang kapangyarihan ng tatlong 3 7.5 3-5
sangay ng pamahalaan (ehekutibo, lehislatura
hudikatura)
2.2 Natatalakay ang antas ng pamahalaan (pambansa 3 7.5 6-8
at lokal)
2.3 Natutukoy ang mga namumuno ng bansa 2 5 9-10
2.4 Natatalakay ang paraan ng pagpili at ang kaakibat 2 5 11-12
Na kapangyarihan ng mga namumuno ng bansa
3. Nasususri ang mga ugnayang kapangyarihan ng
tatlong sangay ng pamahalaan
3.1 Naipaliliwanag ang “separation of powers” ng 2 5 13-14
tatlong sangay ng pamahalaan
3.2 Naipaliliwanag ang “ check and balance ng ka- 2 5 15-16
Pangyarihan sa bawat isang sangay

4.Natatalakay ang epekto ng mabuting pamumuno sa 2 5 17-18


Pagtugon ng pangangailangan ng bansa
5. Natatalakay ang kahulugan ng ilang simbolo at 2 5 19-20
Sagisag ng kapangyarihan ng pamahalaan
6.Nasusuri ang mga paglilingkod ng pamahalaan upang
matugunan ang pangangailangan ng bawat mama-
mayan
6.1 Naiisa isa ang mga programang pangkalusugan 2 5 21-22
6.2 Nasasabi ang mga pamamaraan sa pagpapaunlad 2 5 23-24
ng edukasyon sa bansa
6.3 Nakakapagbigay halimbawa ng mga programang 2 5 25-26
pangkapayapaan
6.4 Nasasabi ang mga paraan ng pagtataguyod ng 3 7.5 27-29
ekonomiya ng bansa
6.5 Nakakapagbigay halimbawa ng mga programang 1 2.5 30
Panginprastraktura atbp ng pamahalaan
7.Nasusuri ang tungkulin ng pamahalaan na itaguyod 4 10 31-34
ang karapatan ng bawat mamamayan
8.Nasusuri ang mga proyekto at iba pang Gawain ng pa- 3 7.5 35-37
pamahalaan sa kabutihan ng lahat o nakararami
9.Nasusuri ang iba’t ibang paraan ng pagtutulungan ng 3 7.5 38-40
Pamahalaang pambayan, pamahalaang panlalawigan
at iba pang tagapaglingkod ng pamayanan
40 100% 40

District 1-Testing Materials


Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV- A (CALABARZON )
Division of Batangas City
DISTRICT - I
Batangas City

IKATATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


ARALING PANLIPUNAN – 4

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot.
1.Ito ay tumutukoy sa samahan o organisasyong pulitikal na itinataguyod ng grupo ng
mga tao na naglalayong magtatag ng kaayusan at magpanatili ng isang
sibilisadong lipunan.
A. mamamayan B. pamahalaan C. bansa D. kapangyarihan
2. Ang sumusunod ay kahalagahan ng pamahalaan maliban sa isa.
A. Ito ay namumuno sa pagpapatupad ng mga proyekto
B. Bumubuo ng mga programa para sa iba ibang larangan na nababatay sa
pangangailangan ng tao
C. Nangangasiwa ng pambansang badyet
D. Nangangalaga sa gawaing iligal sa bansa
Kilalanin kung kaninong gawain ang nakatala sa bilang 3-5
A. Tagapagpaganap B. Tagapagbatas C. Tagapaghukom
3. Pinamumunuan ng pangulo ang sangay na ito at nagpapatupad ng batas.
4. Ito ang sangay na nagbibigay-kahulugan sa mga batas ng bansa.
5. Gawain ng sangay na ito ang gumawa ng batas.
6. Alin sa mga lugar sa buong Metro Manila ang hindi pa Lungsod dahilan sa maliit na
sukat ng lupa nito?
A. Pateros B.Makati C. Mandaluyong D. Quezon City
7. Gaano kalawak ang lupang sakop ng isang lugar upang matawag na lalawigan?
A. 1,000 kilometro kuwadrado o higit pa
B. 2,000 kilometro kuwadrado o higit pa
C. 3,000 kilometro kuwadrado o higit pa
D. 4,000 kilometro kuwadrado o higit pa
8. Ang pamahalaang lokal ayon sa itinadhana ng Batas Republika Blg.7160 ay bumu-
buo ng lalawigan, lungsod, bayan at barangay.
A. tama B. mali C. Maaari D. walang basehan
9. Sino ang pinuno ng estado at pamahalaan?
A. Pangalawang Pangulo B. Ispiker C. Alcalde D. Pangulo
10. Siya ang pinuno ng kapulungan ng mga kinatawan.
A. Pangulo B.Gobernador C. Ispiker D. Alcalde
11. Ang ___________ ang may kapangyarihang alisin sa tungkulin ang sinuman sa
kanyang hinirang.
A. Ispiker B. Pangalawang Pangulo C. Pangulo D. Punong Mahistrado
12. Ang sangay na ito ang may hawak ng kasong kinasasangkutan ng mga embahador,
konsul at iba pang opisyal.
A. Korte Suprema B. Pangulo C. Mambabatas D. Senado
13. Ito ang tawag sa pagsusuri na maaaring gawin kapag nagmalabis sa kanyang

District 1-Testing Materials


kapangyarihan ang isang sangay
A. Separation of Powers C. Supreme Court
B. check and balance D. Impeachment
14. Ang sinumang pinuno ng pamahalaan gaya ng pangulo, pangalawang pangulo,
mahistrado, ombudsman at mga kasapi ng Komisyong Konstitusyunal na nagkaroon
ng kaso ay maaaring maalis sa tungkulin sa pamamagitan ng __________.
A.Separation of Powers C. Supreme Court
B. Check and Balance D. Impeachment
15. Ang bawat sangay ng pamahalaan ay malaya sa panghihimasok ng iba pang
sangay.
A. Tama C. di-tiyak
B. Mali D. walang katotohanan
16. Maiiwasan ang pag-abuso sa kapangyarihan kung ang saklaw lamang ng bawat
sangay ang hahawakang tungkulin o gawain.
A. Tama C. di-tiyak
B. Mali D. walang katotohanan
17. Ang sumusunod ay epekto ng mabuting pamumuno maliban sa isa.
A. Pag-unlad ng mga negosyo at kalakalan
B. Pagbawas sa paglaganap ng katiwalian
C. Mabuting serbisyong pangkalusugan
D. Paglaganap ng krimen at kahirapan
18. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng mabuting pamunuan?
A. maayos na pangangasiwa C. may sabwatan
B. may paggalang sa batas D. walang katiwalian
19. Ang isa sa mga nakatalang simbolo ay nangangahulugan sa hangarin ng bansa
na maging malaya at may kasarinlan.
A. Agila C.araw
B. Leon D. tatlong bituin
20. Ang agila ay sumisimbolo sa kasaysayan ng ating bansa na naimpluwensyahan
ng bansang _________.
A. Amerika C. Hapon
B. Tsina D. Espanya
21. Alin ang pambansang ahensya ng pamahalaan na namamahala sa serbisyong
pangkalusugan ng mamamayan?
A. Department of Health C. Department of Justice
B. DepEd D. Department of Social Welfare
22. Ang isa sa mga sumusunod ay serbisyong pangkalusugan ng pamahalaan na
naglalayong malabanan ang sakit na polio, diarrhea, tigdas at trangkaso.Alin ito?
A. Libreng pagpapaospital C. Pagbabakuna
B. Programa para sa kababaihan D. Free dental chek-up
23. Ito ay programang naglalayong makamit ng mag-aaral ang mga kasanayang
kailangan niya sa pag-aaral, pagpasok sa kolehiyo at pag-eempleyo.
A. Out of School Youth C.DSWD
B. Indigenous People D. K-12 Basic Educ. Program
24. Nahinto sa pag-aaral ang iyong kuya. Natutuhan mo sa paaralan na may programa
sa Edukasyon para sa mga nahinto ng pag-aaral. Ano ang iyong gagawin?
A. Alamin sa guro kung kanino magtatanong dahil alam mong interesado ang
iyong kuya
B. Hindi na sasabihin sa kuya tutal namamasukan na sya
C. Hayaan na lamang ang iyong kuya dahil matanda na siya
District 1-Testing Materials
D. Hindi na lamang papansinin dahil magastos ito.
25. Anong ahensya ng pamahalaan ang may pangunahing tungkuling ipagtanggol ang
bansa laban sa kaaway o mananakop lokal man o dayuhan?
A. Sandatahang Lakas ng Pilipinas C. Phil. National Police
B. Barangay Tanod D. Local Government Unit
26. Alin sa mga sumusunod ang hindi ahensya ng pamahalaan para sa kapayapaan?
A. Armed Forces of the Phil. C. Phil. National Police
B. Department of National Defense D. Department of Health
27. Anong batas ang nabuo sa panahon ni Pangulong Corazon Aquino ang naging
malaking tulong sa mga magsasaka na magkaroon ng sariling lupang sakahan?
A. Batas Republika Blg. 6657 C. Batas Republika Blg. 6659
B. Batas Republika Blg.6658 D. Batas Republika Blg. 6666
28. Ang ___________ ay tugon ng pamahalaan para sa pangangalaga ng kagubatan.
A. Consumer Price Index C. Reforestation
B. Fingerling D. monopoly
29. Paano ka makakatulong sa mga mangangalakal na Pilipino?
A. bumili ng produkto sa ibang bansa
B. magpabili sa kamag-anak na OFW ng mga imported goods
C. ikahiya ang produktong gawa sa Pilipinas
D. tangkilikin ang sariling produkto na gawa sa ating bansa
30. Makikita sila sa mga lansangan at namamahala ng batas-trapiko para sa mga
motorista at mga tumatawid na tao, sino sila?
A. Bumbero C. sundalo
B. Pulis D. guro
Piliin sa dalawang titik ang mga nakatalang karapatan at tungkulin (31-34)
A. Karapatan ng Mamamayan B. Tungkulin ng Pamahalaan

31. Paglahok sa pulong


32. Pagboto nang may katalinuhan
33. Pumili ng produktong gawa sa Pilipinas
34. Pagbuo ng samahan
35. Ang _______ ay nagbibigay sa mga bata ng natatanging proteksyon laban sa
pag-abuso, pagsamantala at diskriminasyon.
A.Batas Republika Blg.7611 C. Batas Republika Blg. 7610
B.Batas Republika Blg. 7612 D. Batas Republika Blg. 7615
36. Saan pansamantalang inilalagak ang mga batang may suliranin gaya ng pag-abuso,
ulila, inabandona at batang lansangan?
A. DOJ C. Golden Acres
B. DSWD D. GSIS
37. Aling ahensya ng pamahalaan ang sumusubaybay sa presyo at kalidad ng mga
binibiling pagkain at gamot ng mamamayan?
A. National Food Authority C. DSWD
B. DepEd D. DOH
Basahing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang titik A kung tama at B naman
kung ito ay mali.

A. Tama B. Mali
38. Tungkulin ng pamahalaang panlalawigan na kumilos para sa kaunlaran at pamama-
hala ng mga yunit na kanyang nasasakupan.
39. Nag-uugnayan ang mga alkalde ng bayan sa loob ng isang lalawigan sa pamumuno
ng kanilang Gobernador.
40. Ang pamahalaang lokal ay binuo upang direktang magpatupad ng mga batas,
programa at serbisyo sa mga mamamayan.

District 1-Testing Materials


KEY TO CORRECTION: Araling Panlipunan – 4 ( 3rd Periodical Test )
1. B 21. A
2. D 22. C
3. A 23. D
4. C 24. A
5. B 25. A
6. A 26. D
7. B 27. A
8. A 28. C
9. D 29 .D
10. C 30. B
11. C 31. A
12. A 32. A
13. B 33. A
14. D 34. A
15. A 35.C
16. A 36. B
17. D 37. A
18. C 38. A
19. C 39. A
20. A 40. A

Prepared by:

HELEN C. GERON
Bagong Silang Elem. School

District 1-Testing Materials

You might also like