SUMMATIVE TEST 1 and 2 in ARALING PANLIPUNAN 4 W TOS
SUMMATIVE TEST 1 and 2 in ARALING PANLIPUNAN 4 W TOS
SUMMATIVE TEST 1 and 2 in ARALING PANLIPUNAN 4 W TOS
Ikalawang Markahan
Panuto: Piliin sa kahon ang uri ng hanapbuhay na ipinahihiwatig sa bawat sitwasyon. Isulat ang tamang sagot sa patlang bago ang
bilang.
_________1. Ang Lungsod ng Baguio ay may malamig na klima. Marami ritong sariwang gulay, prutas, at mga bulaklak. Anong uri ng
hanapbuhay ang angkop dito?
_________2. Maraming bagoong at bangus sa lalawigan ng Pangasinan. Marami pang ibang uri ng isda ang nahuhuli sa lugar na ito.
Anong uri ng hanapbuhay ang angkop dito?
_________3. Malawak ang kapatagang taniman ng palay sa Gitnang Luzon. Anong uri ng hanapbuhay ang angkop sa lugar na ito?
_________4. Malawak na bahagi ng Pilipinas ang katubigan. Kung pagyayamanin ito, maraming sariwang isda at mga yamang dagat
ang mapapakinabangan. Anong uri ng hanapbuhay ang angkop dito?
_________5. Ang lalawigan ng Bukidnon, Batangas at Mindoro ay may malawak na pastulan ng hayop tulad ng kambing at baka.
Anong uri ng hanapbuhay ang angkop sa lugar na ito?
Panuto: Piliin ang pinakatamang sagot at isulat sa patlang bago ang bilang.
__6. Saan matatagpuan ang pinakamalawak na taniman ng palay?
a.Gitnang Luzon c.Negros Occidental
b.Quezon d. Kabikulan
__7.Saan makikita ang malawak na niyugan?
a.Gitnang Luzon c.Negros Occidental
b.Quezon d. Mindoro
__8. Sa lugar na ito matatagpuan ang taniman ng abaka. Anong lugar ito?
a.Gitnang Luzon c.Negros Occidental
b.Quezon d. Kabikulan
__9. Dito naman matatagpuan ang malawak na taniman ng tubo, kahel at saging.
a.Gitnang Luzon c.Negros Occidental
b.Quezon d. Kabikulan
__10. Alin sa mga lugar na ito ang kilala sa pagmimina ng ginto?
a.Davao c. Batangas
b. Surigao d. Misamis Oriental
__11. Alin sa mga lugar na ito ang kilala sa pagmimina ng pilak?
a.Davao c. Batangas
b. Surigao d. Misamis Oriental
__12. Alin sa mga lugar na ito ang kilala sa pagmimina ng tanso?
a.Davao c. Batangas
b. Surigao d. Misamis Oriental
__13. Alin sa mga lugar na ito ang kilala sa pagmimina ng chromite?
a.Davao c. Batangas
b. Surigao d. Misamis Oriental
__14. Alin sa mga lugar na ito ang kilala sa nilalang sumbrerong buntal?
a.Davao c. Batangas
b. Marikina d. Lucban Quezon
__15. Alin sa mga lugar na ito ang kilala sa paggawa ng matitibay na bag at sapatos?
a.Davao c. Batangas
b. Marikina d. Lucban Quezon
__16. Ang ____ay malakihang pagpapatayo ng mga industiya, pagtatag ng kalakalan, at iba pang gawaing pang ekonomiya.
a.industriyalisasyon c.pagbaha at pagguho
b.global warming d.polusyon
__17. Ito ay ang pagtaas ng temperatura ng atmospera ng mundo sanhi ng chloroflourocarbons na nanggaling sa mga industriya at
maging sa kabahayan.
a.industriyalisasyon c.pagbaha at pagguho
b.global warming d.polusyon
18. Ito ay bunga ng walang habas na pagputol nga mga malalaking puno sa kabundukan at kagubatan.
a.industriyalisasyon c.pagbaha at pagguho
b.global warming d.polusyon
19. Isa rin sa isyung pangkapaligiran na nakaaapekto hindi lamang sa kalusugan kundi gayundin sa likas na yaman.
a.industriyalisasyon c.pagbaha at pagguho
b.global warming d.polusyon
20. Paiba-ibang klima sa mundo na nakaaapekto sa bansa dahil sa dala nitong mga epekto tulad ng pagbaha.
a.climate change c.pagbaha at pagguho
b.global warming d.polusyon
Lagumang Pagsusulit sa Araling Panlipunan Bilang 2
Ikalawang Markahan
Panuto: Lagyan ng tsek ( /) ang patlang bago ang bilang kung tama ang paggamit ng likas
na yaman at ekis (X) naman kung hindi.
__1. Paggamit ng organikong pataba sa pananim.
__2. Pagputol ng malalaking puno upang gamitin sa mga imprastraktura at gusali.
__3.Pagbawas sa paggamit ng plastik.
__4. Pagkakaroon ng fish sanctuary at pangangalaga sa may bahay itlugan ng mga is
__5. Pagpapahintulot sa pagpapatayo ng malalaking kompanya ng minahan.
__6. Pagtitipid sa enerhiya tulad ng elektrisidad , tubig at langis o krudo.
Panuto: Tukuyin kung sino ang gaganap sa sumusunod na pananagutan. Isulat ang sagot
sa patlang.
-pamahalaan -pamilya
-paaralan -pribadong samahan
-simbahan - mamamayan
____7. Hinuhubog ang mga anak sa tamang pangangalaga ng kalikasan.
____8. Gumagawa ng mga batas at programa para sa kalikasan.
____9. Tinuturuan ang mga mag-aaral ng mga paraan sa wastong pangangasiwa ng mga
pinagkukunang yaman.
____10. Magkaroon ng disiplina sa sarili.
____11. Ipabatid sa mga tao ang tunay na kalagayan ng kalikasan.
____12. Kausapin ang mga kaibigan upang makiisa sa mga gawaing pangkalikasan.
____13. Gumawa ng mga awit at palabas na pangkalikasan.
____14.Makibahagi sa mga proyekto ng pamayanan.
____15. Ipinatutupad ng DENR ang tungkulin nito.
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang bilang kung mungkahing paraan ng pangangasiwa ng
likas na yaman ng bansa ay wasto at ekis (X) naman kung mali.
____16. Iwasan ang pagtapon ng basura sa mga yamang tubig.
____17. Magtanim ng mga puno at halaman sa mga bakanteng lote.
____18. Ipagwawalang-bahala ang mga batas pangkalikasan.
____19. Gawin ang programang 3rs (reduce, reuse, recycle)
____20. Hayaang nakabukas ang gripo kahit na umaapaw na ang tubig sa balde.
Panuto: Isulat ang N kung nakatutulong sa pag-unlad ng bansa at NK naman kung hindi
nakatutulong.
____21. Bumili ng pitakang yari sa abaka.
____22. Nagpunta sa Romblon at doon bumili ng marmol na gagamitin sa
pinagagawang bahay.
____23. Nagpadala ng dried mangoes mula sa Cebu sa kamag-anak na nasa London.
____24. Humiling ng pasalubong na imported na pabango na ipagbibili sa mga kaibigan.
____25. Paboritong bilhin sa supermarket at kainan ang imported na dark chocolate.
TABLE OF SPECIFICATION
ARALING PANLIPUNAN IV
(Summative Test # 1) Second Grading
Prepared by:
Mabeth J. Consigna
Teacher I
TABLE OF SPECIFICATION
ARALING PANLIPUNAN IV
(Summative Test # 2) Second Grading
Prepared by:
MABETH J. CONSIGNA
Teacher I