Kaligirang Kasaysayan NG Balagtasan

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Basahin at unawain.

Ugnay-Panitikan Kaligirang Pangkasaysayan ng Balagtasan

Ang Balagtasan ay isang pagtatalo sa pamamagitan

ng pagtula. Nakilala ito noong panahon na ang Pilipinas ay

nasa ilalim ng Amerika, batay sa mga lumang tradisyon ng

patulang pagtatalo gaya ng Karagatan, Batutian at Duplo.

Bago pa man masakop ng mga dayuhan ang ating bansa mayaman na sa tradisyong tulang

sagutan sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas. May tinatawag na patulang Balitao ang Aklanon

maging ang Cebuano, isang biglaang debate ng lalake at babae. Sagutan naman ng kinatawan o

sugo ng dalawang pamilyang nakikipagnegosasyon sa pag-iisang dibdib ng dalaga at binata ang

Siday ng mga Ilonggo at Pamalaye ng mga Cebuano. Sa mga Subanen naman ay sa inuman

isinasagawa ang sagutan. Ang unang bahagi ng ganitong gawain ay pagtikim ng alak kung saan

nalalaman ang papel na gagampanan ng bawat isa, ang mga tuntunin at iba pang bagay na dapat

isaalang-alang.

Ang Balagtasan ay isang makabagong duplo. Ang mga kasali sa duplo ay gumaganap na nasa

isang korte na sumisiyasat sa kaso ng isang hari na nawala ang paboritong ibon o singsing. May

gumaganap na piskal o tagausig, isang akusado,at abogado. Ito ay magiging debate o sinasabing

tagisan ng katuwiran sa panig ng taga-usig at tagapagtanggol at maaaring paiba-iba ang paksa.

Bagamat ito ay lumalabas na debate sa pamamaraang patula, layunin rin nito na magbigay-aliw sa

pamamagitan ng paghahalo ng katatawanan, talas ng isip, na may kasamang mga aktor sa isang

dula. Ang Balagtasan ay ginamit ng mga manunulat upang maipahiwatig ang kanilang palagay sa

aspetong politika at napapanahong mga pangyayari at usapan.

Nabuo ang konseptong ito sa isang pagpupulong. Ang nangungunang mga manunulat noong

Marso 28, 1924, sa tanggapan ni Rosa Sevilla sa Instituto de Mujeres (Women's Institute),

Tondo, Maynila. Ito ay naganap bilang paghahanda sa pagdiriwang ng kaarawan ng dakilang makata

na si Francisco Balagtas o Araw ni Balagtas sa darating na Abril 2. Iminungkahi ni G. Jose Sevilla

na tawagin itong Balagtas. Hinunlapiang “an” ang pangalan kaya naging Balagtasan na ang tawag

dito.
Ang unang Balagtasan ay nangyari noong Abril 6, 1924. Tatlong pares ng makata ang

nagtalo na gumamit ng iskrip. Ang pinakamagaling sa mga nagbalagtasan ay sina José Corazón de

Jesús at Florentino Collantes, kaya naisipan ng mga bumuo na magkaroon

ng isa pang Balagtasan para sa dalawang kagalang- galang na makatang

ito, na walang iskrip. Ginawa ito noong Oktubre 18, 1925 sa Olympic

Stadium sa Maynila. Si Jose Corazon De Jesus ang nagwagi bilang unang

Hari ng Balagtasan.Nakilala si Jose Corazon de Jesus bilang si "Huseng Batute" dahilan sa

kaniyang angking kahusayan sa Balagtasan noong 1920.

Mula noon hanggang ilang taong makalipas ang Ika-2 Digmaang Pandaigdig, naging

paboritong aliwan ang Balagtasan. Gumawa pati ang mga makata sa ibang mga wika sa Pilipinas ng

sarili nilang bersyon, gaya ng Bukanegan ng mga Ilokano (mula sa apelyido ng makatang Ilokanong

si Pedro Bukaneg at ng Crisostan ng mga Pampango (mula sa pangalan ng Pampangong makata na si

Juan Crisostomo Soto).

Sa pagdating ng mga Amerikano sa bansa sumulpot ang mga samahang pampanitikang

nakabatay sa paaralan kung hindi magkakaroon ng pagkakatong mapabilang sa mga samahang

pampanitikan.

Ang Balagtasan ay karaniwang may mga paksang pinag-uusapan ng tatlo katao. Ang mga kalahok ay
inaasahang magaling sa pag-alala ng mga tulang mahahaba at pagbigkas nito ng may dating (con
todo forma) sa publiko. Ang takbo ng tula ay magiging labanan ng opinyon ng bawat panig (
Mambabalagtas). May mga hurado na magsisiyasat kung sino sa kanila ang panalo o ang mas may
makabuluhang pangangatuwiran.

You might also like