1st Kwarter 15-16

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Department of Education Makato Integrated School

Region VI – Western Visayas (formerly Makato Elementary School)


Division of Aklan Makato, Aklan
_________________ District of Makato________________________________________________________
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 10
Taong Panuruan 2015-2016
I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Piliin at isulat sa sagutang papel ang titik ng
tamang sagot.
1. Ang pinakamatandang epiko sa mundo at kinikilala bilang kauna-unahang dakilang likha ng panitikan
ay ang ________.
a. Ibalon c. Gilgamesh
b. Iliad at Odyssey d. Beowulf
2. May taglay siyang alindog na hindi nababagay sa kasalukuyan niyang kalagayan kaya’t ipinaghihinagpis
niya ang karukhaan ng kaniyang lumang tahanan. Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugang
_________.
a. kakinisan c. kagandahan
b. kayamanan d. pinag-aralan
3. Ito ay isang uri ng kuwento na higit na binibigyang-halaga o diin ay kilos o galaw, at pagsasalita ng
isang tauhan.
a. kuwentong makabanghay c. kuwento ng tauhan
b. kuwento ng katutubong kulay d. kuwento ng kababalaghan
4. Isang akdang pampanitikan na naglalahad ng pananaw at opinyon tungkol sa tiyak na paksa.
a. dula c. sanaysay
b. tula d. maikling kuwento
5. Ang _______ ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na
nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan ay buhat sa lipi ng mga diyos o
diyosa.
a. mitolohiya c. alamat
b. epiko d. korido
6. Naglalaman ng kuwento tungkol sa diyos at diyosa.
a. dagli c. alamat
b. epiko d. mitolohiya
7. Ang _______ ay mga kuwentong madalas na hango sa Banal na Kasulatan at umaakay sa matuwid na
landas ng buhay.
a. dagli c. pabula
b. nobela d. parabula
8. Ito ay tumutukoy sa katutubong panitikan ng Pilipinas na nagsasalaysay ng kabayanihan at
supernatural na mga pangyayari.
a. mito c. alamat
b. epiko d. mitolohiya
9. Ang tulang naglalarawan ng simpleng paraan ng pamumuhay sa bukid ay tinatawag na _______.
a. pastoral c. soneto
b. elehiya d. dalit
10. Lubhang nalibang si Marko sa pakikipagsayaw kaya’t mag-iikaapat na ng madaling araw nang silang
mag-asawa’y umuwi. Tanging isang lumang dokar na lamang ang kanilang nasakyan. Ang dokar ay
isang ______.
a. maliit na bangka c. pampasaherong dyip
b. lumang kotse d. kalesa
11. Mababasa sa kasaysayan na ang ______ epikong naisulat ay ang epiko ni Gilgamesh. Anong pananda
ang angkop sa patlang?
a. una c. bilang karagdagan
b. at saka d. pagkatapos
12. Ang tauhang si Froilan sa nobelang”Ang Kubang Notre Dame” ay isang paring nag-alaga sa kubang si
Quasimondo. Paano siya ipinakilala bilang kontrabida sa akda?
a. stereotypical c. tauhang bilog
b. hindi stereotypical d. tauhang lapad
13. Ang Pangulo ng Pamantasan ng San Antonio ay isang tunay na pilantropo. Maliban sa paaralan at
palaruan, _______ rin ang nagpatayo ng ating simbahan. Kaya naman, ang parangal na Pilantropo ng
Taon ay karapat-dapat lamang para sa kaniya. Anong panghalip panao ang maaaring isulat sa patlang?
a. ito c. ikaw
b. kami d. siya
14. Nakakadena ang mga binti at leeg kaya’t di sila makagalaw. Paano binigyang-kahulugan ang salitang
kadena sa loob ng pangungusap?
a. nagtataglay ng talinhaga c. taglay ang literal na kahulugan
b. maraming taglay na kahulugan d. lahat ng nabanggit
15. ________ nangyari iyon upang matauhan ang mga nagtutulog-tulogan. Ano ang angkop na
ekspresiyon na nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa?
a. Sa kabilang dako c. Sa ganang akin
b. Sa aking palagay d. Sa paniniwala
16. Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon. Ang salitang may salungguhit ay
nangangahulugang _______.
a. amo c. Diyos
b. bathala d. siga
17. Masyadong dinamdam ni Don Mariano ang ginawang pagtatanan ng anak kaya’t nagawa niya itong
itakwil. Palibhasa’y ama, ______ napatawad niya rin ito.
Anong panandang pandiskurso ang angkop sa patlang?
a. sa wakas c. sa dakong huli’y
b. pagkaraa’y d. pagdating ng panaho’y
18. Natuwa si Cupid nang ipagkaloob ni Jupiter ang ambrosia kay Psyche.
a. aksiyon c. pangyayari
b. karanasan d. proseso
19. Sumibol ang panibugho sa puso ni Venus nang makita niya ang labis na paghanga ng tao sa
kagandahan ni Psyche.
a. aksiyon c. pangyayari
b. karanasan d. proseso
20. “Hindi matatalo ang sinuman ang taong iya.” Anong konstruksiyong gramatikal ang gamit sa
pangungusap upang maipahayag ang emosyon?
a. pariralang nominal c. negatibong ekspresiyon
b. tanong retorikal d. ekspresiyong degri ng kasukdulan
21. Aling pangyayari o bahagi sa nobelang “Ang Kuba ng Notre Dame” ang hindi angkop na ilapat ang
teoryang humanismo?
a. Ang kaniyang buhay ay umikot lang sa pagiging asawa at ina.
b. Pagnanais ng pagbabago para sa kalayaan ng bansa.
c. Pagsisikap sa hanapbuhay upang makamtan ang kaginhawaan.
d. Pakikialam ng mamamayan sa katiwalang naganap sa pamahalaan.

Para sa bilang 22-23


“May Isang Pangarap”
ni Teodoro Gener
May isang pangarap akong ninanais,
Sana sa buhay ko’y mangyaring sumapit;
Gagawin ang lahat nang ito’y makamit
Ningning ng buhay kong siyang nilalangit
Sa palad na ito huwag ipagkait.
Panaho’y nagdaan at sa aking palad,
Pangarap na ito na aking hinangad;
Wari’y nalalapit dangkal na iyong agwat
Nang dadamputin na umisod napadpad
Lumayo sa kamay, nawaglit ... umalpas.
22. Anong positibong katangian ang ipinahihiwatig sa tula?
a. Hindi pagsuko sa mga pagsubok.
b. Pagiging determinado sa pag-abot ng pangarap.
c. Paggawa nang ano man makamit lamang ang hangarin sa buhay.
d. Lahat nang nabanggit.
23. Ano ang mensaheng ipinahihiwatig sa tula?
a. Mapagbiro ang tadhana.
b. Kung hindi ukol ay hindi bubukol.
c. Ang sumusuko sa buhay ay laging talo.
d. Kung may nais marating, magsumikap.
24. Anong panghalip ang angkop na isulat sa patlang ng pangungusap na kasunod? ______ isa sa
magaganda’t mapanghalinang babae na sa pagkakamali ng tadhana ay isinilang sa angkan ng mga
tagasulat.
a. Siya’y c. Ako’y
b. Ika’y d. Kami’y
25. Malimit na sa pagmamasid ______ sa babaeng katulong na gumaganap ng ilang pangangailangan niya
sa buhay ay nakadarama si Marissa ng panghihinayang at napuputos ng lumbay ang kaniyang puso.
Anong panghalip ang angkop isulat sa patlang ng pangungusap?
a. niya c. nito
b. nila d. sila
Para sa bilang 26-27
Labis ang pagdurusa at paghihinagpis ni Mathilde dahil sa may paniniwala siyang isinilang siya sa
daigdig upang magtamasa ng lubos na kaligayahan sa buhay na maidudulot ng salapi. May taglay siyang
alindog na hindi nababagay sa kasalukuyan niyang kalagayan. Ipinaghihinagpis niya ang karukhaan ng
kaniyang lumang tahanan, ang nakaaawang anyo ng mga dingding, ang mga kurtinang sa paningin niya
ay napakapangit.
26. Kung ikaw si Mathilde, ano ang gagawin mo upang matupad ang iyong mga pangarap sa buhay?
a. Hihiwalayan ko ang aking asawa at maghahanap ng lalaking maaaring makapagbibigay sa akin ng
masaganang buhay.
b. Titiisin ko na lamang ang kahirapang ito at makukuntento na sa kung ano ang kayang ibigay sa akin
ng aking asawa.
c. Maghahanap ako ng trabaho upang matulungan ang aking asawa na gumaan ang aming buhay.
d. Ipamumukha ko sa aking asawa na hindi ako masaya sa uri ng buhay na kaya niyang ibigay upang
lalo siyang magsumikap.

27. “Ang pangit na ‘yan ay aking alipin.” Ano ang katangian ng tauhan?
a. Malupit ang amo sa kaniyang alipin.
b. Mausisa ang amo sa pagkakaroon ng alipin.
c. Masaya ang amo sa pagkakaroon ng alipin.
d. Mapanglait ang amo sa kaniyang alipin dahil sa pangit na anyo.
Para sa bilang 28-29
1.) Nang sumunod na araw, si Quasimodo ay nilitis at pinarusahan sa tapat ng palasyo sa pamamagitan ng
paglatigo sa kaniyang katawan. 2.) Matindi ang sakit ng bawat latay ng latigo na umuukit sa kaniyang katawan. 3.)
Inisip niya ang dahilan ng kaniyang pagdurusa. 4.) Ang lahat ng iyon ay kagustuhan at ayon sa kautusan ni Frollo
na kailanman ay hindi niya nagawang tutulan dahil sa utang na loob. 5.) Kasabay ng sakit na nadarama ng
kaniyang katawan ay ang matinding kirot na nalalasap sa bawat panghahamak sa kaniya ng mga taong naroroon.
28. Aling pangungusap sa teksto ang gumamit ng hudyat sa pagkakasunod- sunod?
a. pangungusap 1 c. pangungusap 3
b. pangungusap 2 d. pangungusap 4

29. Ano ang nabatid mo sa kalagayang panlipunan sa unang pangungusap?


a. Nakatatanggap ng angkop na parusa ang mga nagkasala.
b. Lantad at matindi ang parusang ipinapataw sa mga nagkasala.
c. May prosesong pinagdaraanan upang maipagtanggol ang nagkasala.
d. Katanggap-tanggap ang parusang natatanggap ng mga nagkasala.
30. Alin sa sumusunod ang hindi kaugnay sa pahayag ni Cupid na: “Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung
walang tiwala.”
a. Walang pag-ibig kung walang tiwala.
b. Titibay ang pag-ibig kung may pagtitiwala.
c. Hindi wagas ang pag-ibig na ipinagkakatiwala.
d. Ang pag-ibig at tiwala ay hindi mapaghihiwalay.

31. Mabuti bang taglayin ng Diyos ang katangian ng tao?


a. Oo, upang madaling magkaunawaan ang tao at Diyos.
b. Oo, upang maunawaan ng Diyos ang kahinaan ng tao.
c. Hindi, sapagkat banal ang Diyos at makasalanan ang tao.
d. Hindi, dahil ang Diyos ay nasa langit samantalang ang tao ay nasa lupa.

32. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng tunay na pagmamahal batay sa mitong Psyche at Cupid?
a. Ginawa ni Venus ang lahat para sa pagmamahal niya kay Cupid.
b. Hinarap ni Psyche ang pagsubok ni Venus para sa pagmamahal niya kay Cupid.
c. Nang nagkasala si Psyche kay Cupid binalak niyang magpakamatay sa labis na pagsisisi.
d. Pinayuhan si Psyche ng kaniyang mga kapatid kung paano makaliligtas sa halimaw na asawa.

33. Bakit masasabing higit na pinahahalagahan ng mga taga-Egypt ang buhay kaysa kamatayan?
a. Naniniwala silang ang kamatayan ay karugtong lang ng buhay.
b. Nagpapatayo sila ng mga piramide para sa mga namatay na paraon.
c. Makikita sa mga sinauna nilang tula ang pagpapahalaga nila sa kagandahan ng buhay.
d. Naniniwala silang ang kamatayan ay simula pa lamang nang walang hanggang kaligayahan.
Para sa Bilang 34-35
“Kaibigan, pinarurusahan ako ng mga dakilang diyos at mamamatay akong kahiya-hiya.
Hindi ako mamamatay tulad ng ibang namatay sa labanan; natatakot akong mamatay, ngunit
maligaya ang taong namatay sa pakikipaglaban, kaysa sa katulad kong nakahihiya ang
pagkamatay.”

34. Ano ang damdaming nangingibabaw sa binasang pahayag na ito?


a. nagsisisi c. nalulungkot
b. nahihiya d. natatakot
35. May taglay siyang alindog na hindi nababagay sa kasalukuyan niyang kalagayan kaya’t ipinaghihinagpis
niya ang karukhaan ng kaniyang lumang tahanan. Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugang
______.
a. kakinisan c. kagandahan
b. kayamanan d. pinag-aralan
II. 36-50. Sumulat ng isang suring-basa sa isang akdang tuluyan mula sa bansang Mediterannean. Gamitin
ang kasunod na pormat.(Pangwakas na Gawain).
I. Panimula
II. Pagsusuring Pangnilalaman
A. Paksa/Tema
B. Simbolismong ginamit sa akda
C. Uri ng akda
D. Kulturang masasalamin sa akda
III. Pagsusuring Pangkaisipan
A. Pahiwatig at mga kahulugan nito
B. Katotohanan at implikasyon sa buhay
C. Kasiningan sa pagpapahayag ng kaisipan

Inihanda ni:

MA. CHRISTINE B. TEJADA

You might also like