Modyul 3 Sa Komuniskayon at Pananaliksik

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

WESTERN LEYTE COLLEGE OF ORMOC CITY INC.

Wisdom Leadership Commitment

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Modyul 3
“Register bilang Varayti ng
Wika”
1
Pangalan: ______________________________ Taon at Seksyon: ______________________________

Guro: G. Roguin P. Suson Markahan: Prelim Modyul: 3

11 “Register bilang Varayti ng Wika”

I. Layunin

* Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan.

* Natutukoy ang iba’t ibang register at barayti ng wika na ginagamit sa iba’t ibang sitwasyon (Halimbawa: Medisina,
Abogasya, Media, Social Media, Enhinyerya, Negosyo, at iba pa) sa pamamagitan ng pagtatala ng mga terminong ginamit sa mga
larangang ito.

II. Pangkalahatang Ideya

Tinatawag na register ang mga espesyalisadong termino gaya ng mga salitang siyentipiko o teknikal na nagtataglay
ng iba't ibang kahulugan sa iba't ibang larangan o disiplina. Bawat propesyon ay may register o mga espesyalisadong
salitang ginagamit. Hindi lamang ginagamit ang register sa isang partikular o tiyak na larangan kundi sa iba't ibang
larangan o disiplina rin.

III. Pormal na Aralin

Basahin ang mga salitang nakatala sa loob ng kahon. Tiyak na pamilyar sa iyo ang mga salitang ito dahil ginagamit mo
ang mga ito kapag nagkokompyuter ka.

1. May mga salita bas a loob ng kahon na ginagamit mo rin kapag wala ka sa harap ng kompyuter o kapag hindi
ka nagkokompyuter? Ano-ano ito? Itala sa ibaba.
2. Saang Gawain mo ginagamit ang mga salitang ito maliban sa pagkokompyuter?
3. Alin-alin naman sa mga salita ang tanging sa pagkokompyuter mo lamang giagamit? Itala sa ibaba ang iyong
sagot.
Monitor Printer Scroll Shift Delete
Bug Window Tab Ink Keypad
Number lock Memory File Bite Drag
Crash Menu Document Save Software
Wi-Fi Gig Paste USB Motherboard
Copy Cut Font Installer Megabyte
Firewall Internet RAM Virus Network
Terminal CPU
2
Mga salitang pangkompyuter lamang Mga salitang hindi lamang pangkompyuter
__________________________________________________ _________________________________________________
__________________________________________________ _________________________________________________
__________________________________________________ _________________________________________________
__________________________________________________ _________________________________________________
__________________________________________________ _________________________________________________
__________________________________________________ _________________________________________________
__________________________________________________ _________________________________________________
__________________________________________________ _________________________________________________
__________________________________________________ _________________________________________________

Register bilang Espesyalisadong Termino


Mapapansin na ang ilang terminong pang-washing machine at pang-cell phone ay ginagamit din sa ibang larangan.
Mapapansin din na kapag ginamit sa ibang larangan ang mga terminong ito, naiba na ang taglay na kahulugan ng mga
ito.

Ang isang salita o termino ay maaaring magkaroon ng iba't ibang kahulugan ayon sa larangan o disiplinang
pinaggamitan nito. Register ang tawag sa ganitong uri ng mga termino.

Bawat propesyon ay may register o mga espesyalisadong salitang ginagamit. Iba ang register ng wika ng guro sa
abogado. Iba rin ang sa inhinyero, computer programmer, game designer, negosyante, at iba pa. Samantala, ang doktor at
nars ay pareho ang register ng wika sapagkat iisa ang kanilang propesyon o larangan-ang medisina.

Espesyal na katangian ng mga register ang pagbabago ng kahulugang taglay kapag ginamit na sa iba't ibang
disiplina o larangan. Dahil iba-iba ang register ng wika ng bawat propesyon at nababago ang kahulugang taglay ng
register kapag naiba ang larangang pinaggagamitan nito, itinuturing ang register bilang isang salik sa varayti ng wika.

Isang tiyak na halimbawa ng register ng wika ang magkakaibang tawag sa binibigyan ng serbisyo ng bawat propesyon o
larangan.
Propesyon o Larangan Tawag sa
binibigyan ng
serbisyo
guro estudyante
doctor at nars pasyente
abogado kliyente
pari parokyano
tindero/tindero suki

3
pasahero
drayber/konduktor

artista tagahanga
politiko Nasasakupan/mam
amayan

Pag-aralan ang iba pang halimbawa ng register para sa iba’t ibang propesyon o larangan:
Ekonomiks Politika Edukasyon Literatura
kita pamahalaan pagsusulit akda
konsumo batas enrollment prosa
kalakal kongreso klase awit
puhunan senado class record mitolohiya
pamilihan korte kurikulum awtor
pananalapi eleksiyon kampus salaysay
produkto korapsyon akademiks Tauhan

Mapapansin na ang ilan sa mga terminong nakatala sa itaas ay ginagamit din sa iba pang larangan. Matutukoy
mob a kung ano-ano ito at kung saan-saang larangan pa sila nabibilang? Matutukoy mo rin ba kung ano ang kahulugan
ng mga terminong ito sa iba pang larangan?

IV. Linangin
Pag-aralan ang sumusunod na halimbawa ng register.

1) Bituin – sa larangan ng astrolohiya → flaming ball of gas na makikita sa kalawakan.


Masasabi mo ba kung ano ang kahulugan ng bituin sa iba pang larangang nakatala sa ibaba? Isulat sa kahon ang iyong
sagot.

Pelikula

Edukasyon

2) Dressing – sa larangan ng medisina → paglilinis ng sugat o pagpapalit ng benda o takip ng sugat upang
maiwasan ang impeksiyon o paglala nito.
Masasabi mo ba kung ano ang kahulugan ng dressing sa iba pang larangang nakatala sa ibaba? Isulat sa kahon ang iyong
sagot.
Agrikultura

Fashion

Pagluluto

3) Beat – sa larangan ng isports → tinalo o pagkatalo.


Masasabi mo ba kung ano ang kahulugan ng beat sa iba pang larangang nakatala sa ibaba? Isulat sa kahon ang iyong
sagot.
Sayaw at awit

4
Pagluluto

Pamamahayag

Batas trapiko

Medisina

V. Pagtataya

Salungguhitan ang register sa bawat pangungusap. Isulat kung saang larangan ito ginagamit. Isulat din ang kahulugan ng
register ayon sa gamit nito sa larangan. Maaaring magbigay ng mahigit sa isang larangan.

Halimbawa: Pinahiram niya ako ng bat para makasali ako sa laro.

Larangan Kahulugan

Isports Kalimitang gawa sa kahoy na ginamit panghampas ng bola sa paglalaro ng baseball at softball.

Agrikultura Paniki

Magsimula rito:

1) Bumili si Sally ng bagong mouse.

Larangan Kahulugan

2) Gawa sa kawayan ang organo na ginagamit ng choir naming sa simbahan.

Larangan Kahulugan

3) Mamulot kayo ng mga bato sa bakuran.

5
Larangan kahulugan

4) Tumawag ng foul ang referee kaya pansamantalang nahinto ang laro.

Larangan Kahulugan

5) Maraming buwaya ang nakita nila.

Larangan Kahulugan

You might also like