Kaligirang Pangkasaysayan NG Tula
Kaligirang Pangkasaysayan NG Tula
Kaligirang Pangkasaysayan NG Tula
Maraming paraan kung paano ipahayag ang damdamin, ideya o saloobin. lsa na rito ang pagpapahayag sa pamamagitan ng
tula. Ang masining na pagpapahayag ng dandamin, kaisipan o saloobin tungkol sa pag-ibig, kapaligiran, damdamin, politika
at iba pa ay tinatawag na tula.
“Ang tula ay isang pagbabagong hugis ng buhay. lsang paglalarawan ng buhay na hinango sa guniguni na pinararating sa
ating damdamin at ipinahahayag sa pananalitang nag-aangkin ng tumpak na aliw-iw at lalong mainam sa mga sukat at tugma.
- Alejandro at Pineda
“Ang tula ay isang kaisipang naglalarawan ng kagandahan, ng kariktan, ng Kadakilaan,: tatlong bagay na kailangang
magkatipon-tipon sa isang kaisipan upang mag-angkan ng karapatang matatawag na tula" - Julian C. Balmaceda
Mga panahong Lumaganap ang Tula
l. Matandang Panahon
Ang-panitikang Pilipino sa Matandang Panahon ay hindi raw gaanong maunlad. Ang mga anyo ng panitikan, kabilang ang
tula ay umunlad at lumaganap lamang noon sa pamamagitan ng bibig (pasalin-saling dila). Hindi pa nasusulat ang tula,
binibigkas lamang ito noon at nagpasalin-salin hanggang sa matutuhan ng ating mga ninuno.
Ang tradisyong patula ay nahati sa dalawang kategorya: hindi inaawit at inaawit. Kabilang sa hindi inaawit ang
panugmaang bayan at sa inaawit naman ang kantahing-bayan.
Sinasabing ang mga tugmang walang diwa o tugmang pambata na tinatawag ding kasabihan o Mother Goose rhyme sa
ingles ang pinagmulan ng tula. Maririkit ang pananalitang ginagamit sa kasabihan na ang mga salita ay ginagamit na
pangkasanayan ng mga bata sa pagsasalita. Kulang ito sa kahulugan, walang talinghaga na bukambibig mula noon
hanggang sa ngayon. Maaring layunin nitong ituwid ang dila nang mga bata ay di mautal sa pagsasalita; panudyo sa mga
nagkakapikunang bata sa laro; pang-alo sa nagmamaktol na mga bata at pansabi-sabi sa mga namamasid sa kapaligiran.
Ilan sa mga halimhawa nito ang sumusunod:
Nagsimula ang panulaang Pilipino sa anyo ng bugtong, salawikain, at iba pang awiting bayan. Ang unang layunin ng
bugtong ay magbigay kasiyahan sa mga tagapakinig at ng mga manlalaro. Kahit simple ang estraktura dito nasusukat ang
talino at kaalaman tungkol sa bayan. Ang bugtong ay karaniwang nang daludturan o dadalawahing taludtod, kung minsan
naman ay apalaudturan o aapating taludtod ang bumubuo sa isang saknong. Gayundin ang mga salawikain ay
kapapalooban ng mabubuting payo at paalala batay sa mga naging karanasan ng matatanda. Sina Padre Gregorio Martin at
Mariano Cuadrado na mga Franciscano ang mga unang nagtipon ng mga salawikaing Tagalog at nagbigay paliwanag sa
mga Español. Sa panulaang ito ay nasalamin ang tunay na mga saloobin at kaisipan ng matatalinong ninuno ng mga
Pilipino.
Mga Halimbawa :
Bugtong
Mayroon na ring mga tugmang ganap na tula kung saan nabibilang ang tanaga ng mga Tagalog at Ambahan ng Mindoro.
Ang tanaga ay binubuo ng pitong (7) pantig bawat taludtod, may apat na taludtod sa bawat saknong at matalinghaga.
Ang mga Pilipino noon ay mayroon na ring kantahing bayan, mga katutubong awiting naririnig tuwing may okasyong
idinaraos sa nayon; epiko, isang mahabang salaysay sa anyong patula na maaring awitin na kinapapalooban ng mga
paniniwala, kaugalian, saloobin at mga mithiin sa buhay ng mga Pilipino.
Ang tula at bahagi na ng panitikang Pilipino. Mula noon hanggang ngayon ay tinatangkilik ito ng marami sa atin. Maraming
Pilipino ang nagging bahagi ng kasaysayan nito at nagbigay ng kontribusyon upang lalong umunlad ang panulaang Pilipino.
lsa sa mga Pilipinong nagbigay ng malaking kontribusyon sa ating panulaan ay ang ating pambasang bayani na si Dr. Jose P.
Rizal. Nilikha niya ang tulang ito para sa kabattan, upang mamulat na mahalin at pahalagahan ang sariling wika. Basahin
natin ang tulang kaniyang nilikha.
Pinalaya ng mga Amerikano ang Pilipino sa kamay ng mga Español subalit sa Treaty of Paris noong Disyembre 10, 1898,
binili ng Amerikano sa España ang Pilipinas saka lumabas ang tunay na layunin ng Amerikano sa mga Pilipino.
Nang maging payapang muli ang kalagayan ng mga Pilipino, umasa ang maroromansang ideya. Naging karaniwang paksa
ang kalikasan, ang tao, ang pag-ibig at maging ang kalayaan.
Umusbong ang panitikang Pilipino sa panahong ito sapagkat sariling wika ang ipinagamit ng mga Hapon sa mga Pilipino.
Naging paksa ng panitikan ang pag-ibig at pagkamakabayan. Natutuhan na rin sa panahong ito ang haiku ngmga Hapon.
Ito ay maiikling tuia na may lalabimpituhing pantig at binubuo ng tatlong taludtod. Ang unang taludtod ay lima, ang gitna
ay pito, at ang huli ay lima rin.
Tutubi
Hila mo'y tabak . . .
Ang bulaklak: nanginig!
Sa Paglapit mo.
Anyaya
Ulilang damo
Sa tahimik na ilog : . .
Halika, sinta.
Noong dekada 50, muling sumigla ang larangan ng panitikan, nagkaroon ng mga patimpalak sa paglikha ng tula at iba pang
anyo ng panitikan. Tumaas ang uri ng panitikan dahil sa mga mapanuring kritiko kaya naman naging maingat ang
manunulat sa pagsulat. Masining lalo ang mga panitikan sa mga panahong ito. May mga alagad ng wika na patuloy sa
pagtulong sa pagpapaunlad ng wikang Filipino. Kabilang dito ang KADIPAN (Kapisanang Aklat, Diwa at Panitik) at ang
Gawad Palanca na itinatag sa alaala ni Don Carlos Palanca. Ang naging paksa ng tula ay pag-ibig, kalungkutan, pagkapoot,
tao at kalikasan. Sinasabing panahon ng pagkabagabag at pagbibinhi ng aktibismo ang dekada 60.
Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang paglaganap ng tula. Marami pa ring manunulat ang umusbong upang maipakita ang
pagmamahal sa bayan at sa wika.
1. Tradisyunal - Ito ay isang anyo ng tula na may sukat,tugma at mga salitang may malalim
na kahulugan .
2. Berso Blangko - tulang may sakto bagamat walang tugma
3. Malayang taludturan - tulang walang sukat at walang tugma. Ang anyo ng tulang ito ay
siyang nanaluktok na anyong tula sa panahon ng paghingi ng pagbabago ng mga
kabataan
Uri ng Tula
1. Tulang Liriko - Itinatampok dito ng makata ang kanyang sariling damdamin at pagninilay at hindi gaano ang mga
panlabas na pangyayari at tagpo sa buhay o ang kalagayang kinaroroonan.
2. Tulang Pasalaysay - Naglalarawan ito ng mga mahahalagang tagpo o pangyayari sa buhay na natatagpuan sa mga
taludtod na nagsasaaysay ng isang kwento.
a. Epiko o Tulang Bayani – Ito ay nagsasalaysay ng kabayanihang halos hindi
mapaniwalaan sapagkat nauukol sa mga kababalaghan. Halimbawa nito ang
epiko n mga Ilokano na “Biag ni Lam-ang.”
b. Korido – Ito ang tulang nagtataglay ng walong pantig sa bawat taludtod. Karaniwang
mahaba at may mahusay na banghay ng mga pangyayaring isinasalaysay. May himig
mapanglaw at malimit na may paksang kababalaghan at maalamat at karamihan ay
hiram sa paksang Europeo. Ang halimbawa nito ay “Ibong Adarna.”
c. Awit – Ito ay nagtataglay ng labindalawang pantig sa bawat taludtod. Higit na masigla
ito kaysa korido. May malambing at marikit na pangungusap at nangangailangan ng
malalim na kaisipan. Ang halimbawa nito ay ang tulang “Florante at Laura.”
3. Tulang Pandulaan - Sadyang ginawa ito upang itanghal. Naglalarawan ito ng mga tagpong lubhang madula na maaaring
makatulad ng, o dili kaya’y naiiba sa nagaganap sa pang-araw-araw na buhay. Patula ang usapan dito. Saklaw ng uring ito
ang nga komedya, trahedya, melodramang tula, dulang parsa.
4. Tulang Patnigan - Tulang sagutan na itinatanghalng mga nagtutunggaliang makata ngunit hindi sa paraang padula, kundi
sa tagisan ng mga katwiran at tagisan ng mga talino sa paraang patula.
a. Balagtasan – Tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pangangatwiran sa
isang paksang pagtatalunan. Ito’y sa karangalan ni Francisco “Balagtas” Baltazar.
b. Karagatan – Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa pagtula na kabilang sa
tinatawag na “libangang itinatanghal” na ang taglay na pamagat ay nanggaling sa
isang alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa dagat.
c. Duplo – Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay sa pagbigkas at
pangangatwiran nang patula. Hango ang pangangatwiran sa Bibliya, mga salawikain
at mga kasabihan.
Sukat
Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa paraan
ng pagbasa.
Halimbawa:
isda – is da – ito ay may dalawang pantig
is da ko sa Ma ri ve les – 8 pantig
Tugma
Isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda sa tuluyan. Sinasabing may tugma ang tula kapag ang
huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog. Lubha itong nakaga- ganda sa pagbigkas ng
tula. Ito ang nagbi-bigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog.
Para masabing may tugma sa patinig, dapat pare-pareho ang patinig sa loob ng
isang saknong o dalawang magkasunod o salitan.
Halimbawa:
a a a
a a i
a i a
a i i
Kariktan
Kailangang magtaglay ang tula ng maririkit na salita upang masiyahan ang mambabasa gayon din mapukaw ang
damdamin at kawilihan.
Talinghaga
Tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay.
○ Tayutay - paggamit ng pagwawangis, pagtutulad, pagtatao ang ilang paraan
upang ilantad ang talinghaga sa tula
Anyo
Porma ng tula.
Tono/Indayog
Diwa ng tula.
Persona
Tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una, ikalawa o ikatlong panauhan