Handouts

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

KAHULUGAN NG TULA

 Ang tula ay isang genre na nakasulat sa teksto. Ito’y nakasulat sa paraang taludturan at saknungan.
Ito ay maaaring may sukat at tugma at maari ring malaya.

 Ang tula ay isang paraan ng pagpapahayag na naglalarawan ng kaisipang nagbibigay hugis sa iba’t
ibang anyo ng damdamin sa buhay.

 Ang mga pananalita ng isang makata, nagtataglay ito ng “aliw-iw at indayog ng tula. Bilang isang anyo
ng panitikan, ang tula ay lubhang nagiging masining at matalinghaga ngunit hindi lumilihis sa
katotohanan ng buhay.

KAHALAGAHAN NG TULA

 Isa sa uri nang panitikan ay ang Tula. Ito ay isang kaisipan na naglalarawan ng damdamin, karanasan,
hangarin. Nangangailangan ng maingat na pagpili ng mga gagamiting salita upang mabuo ang tula,
upang lalo pang maipabatid ang anumang hangarin o damdamin.

 Nailalarawan sa tula ang mga pangyayari sa buhay, nangyayari man o kathang-isip lamang. Kailangan
gamitan ito nang akmang o tumpak na mga salita at larawang diwa upang mailarawan ang tunay na
nadarama.

 Sa kasalukuyan ay tila nawawala na ang sukat at tugma ng tula, Mas marami ang gumagamit ng
malayang taludturan. Tila nakalulungkot isipin na sa kasulukuyan , ay tila kumakaunti na ang mga
mag-aaral na mahilig masulat ng tula. Bagamat may mga nagtatangkang sumulat ng Spoken Poetry –
nakahihiligang isulat ng mga kabataan sa kasulukuyan. Ito ay pormang tula din, na nagsasaad din
nangkanilang “mga hugot” mula sa ibat-ibang kuwento nang kanilang buhay.

 Hindi dapat kalimutan ng mga guro na sa pamamagitan ng pagtuturo ng tula, nasasanay ang mga
bata upang gumamit ng mga malalalim na kaisipan o makabuluhang diwa na nagreresulta sa
pagkakaroon ng mga mag-aaral ng matalinong kaisipan, at sa paggamit ng angkop at marikit na salita
ang mga bata ay nasasanay upang maging malikhain.

 Pagkatapos maituro ang kahalagahan ng tula at ang paggaawa nito ay naiilinang din ang pangkaisipan
(cognitive), pandamdamin (affective) at kilos o (psychomotor).

 Sanggunian: Ortiz,A. Pagtalakay sa tula , (2009 )

SALIG SA LAYUNIN

 MAPALARAWAN (Descriptive) — Naglalayong maglarawan ng pagbabago o pagkamuhi sa isang


kalagayan, lunan, pangyayari o dili kaya’y gumuhit ng mga larawan ng kalikasang nakapaligid sa buhay
ng tao.

 MAPAGPANUTO (Didactic) — Naglalayong magpanuto o mamatnubay, o kaya’y magturo o magpayo


ng isang aral sa pamamagitan ng mga taludtod.

 MAPANG-ALIW (Amusive) — Naglalayong manlibang o umaliw sa mga bumabasa sa pamamagitan


ng mga palaisipan, panunudyo at mga katatawanan.

 MAPANGUTYA (Satiric) — Naglalayong kumutya sa mga bisyo at kahangalan ng tao, dili kaya’y
naglalarawan sa mga iyon sa katawa-tawang kalagayan.
SALIG SA BISA

 MADAMDAMIN (emotional) — Ang tinutukoy ng isang madamdaming tula ay marangal na


damdaming nakabalatay sa pagitan ng mga taludtod at naglalarawan sa paningin ng kaluluwa ng isang
masining na kariktan.

 MABULAYBULAY (reflective) — Ang tulang mabulay-bulay ay nag-aangkin din ng mga bahaging


madamdamin subali’t ang damdaming ito’y matimpi at pigil sapagka’t umaalinsunod sa pagbulay-bulay
ng isang bukas na isipan.

URI NG TULA

 Tulang Liriko o Tulang Damdamin


Tulad ng isang soneto o ng isang oda, na ipinapahayag ang mga saloobin at damdamin ng
makata. Ang kataga ng tulang liriko ay ngayon karaniwang tinutukoy bilang ang mga salita sa isang
kanta.Ang Tulang liriko na uri ng mga tula ay hindi nagpapahayag sa isang kuwento na naglalarawan
sa karakter at aksyon. Ang makata ay direktang sinasabi sa mambabasa, ang kanyang sariling
damdamin, iniisip, at persepsyon.

A. Awit (DALITSUYO) - Ang awit ay isang uri ng tulang pasalaysay na binubuo ng tig-aapat na
taludtod bawat saknong, na ang bawat taludtod ay may lalabindalawahing pantig, atang
tradisyonal na dulon tugma ay isahan. Ito ay ang karaniwang awiting ating naririnig.
Karaniwan itong may malungkot na paksa - sad love songs kumbaga. Halimbawa ay ang "Kay Selya” ni
Francisco Baltazar. .

B. Soneto (DALITWARI) - Isang tula na karaniwang may 14 linya. Hinggil sa damdamin at kaisipan,
maymalinawna kabatiran sa likas na pagkatao. Halimbawa ay ang Philippine Panorama, Vol. 10, No.
46 November 29, 1981

C. Oda (DALITSAMBA) - Ang oda ay karaniwang isang liriko o tula na nakasulat bilang papuri o
dedikado sa isang tao o isang bagay na kinukuha interes ang makata o nagsisilbing isang
inspirasyon para sa oda. Halimbawa ay ang Bayan Ko.

D. Elehiya (DALITLUMBAY) - Ito ay tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan Ito ay
tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan. Halimbawa ay ang “Isang Punongkahoy” ni
Jose Corazon de Jesus.

E. Dalit - Isang uri ng tula, karaniwang pang relihiyon, partikular na nakasulat para sa layunin ng
papuri, pagsamba o panalangin, at karaniwan ay ipadala sa isang Diyos o sa isang kilalang pigura o
maliwanag na halimbawa. at may kahalong pilosopiya sa buhay.

 TULANG PASALAYSAY O NARRATIVE POETRY


Isang tula na may balangkas. Ang tula ay maaaring maikli o mahaba, at ang mga kuwento na
may kaugnayan sa maaaring maging simple o kumplikadong pangyayari. Ito ay karaniwang hindi
madrama, nagkukuwentong tula gaya ng mga epiko.
a. Epiko (TULABUNYI)- Isang uri ng tulang pasalaysay na ang mga pangyayari at kawilihan ay
napipisan sa pagbubunyi sa isang bayani sa isang alamat o kasaysayan g nagging mapangtagumpay sa
mga panganib at kagipitan Halimbawa ay ang Ang Buhay ni Lam-ang

b. Awit at kurido -Isang uri ng panitikang Filipino kung saan ito ay may walong sukat. ang tulang
kurido ay kadalasang mga alamat o kuwento na galing sa mga bansa sa Europa tulad ng Pransya,
Espana, Italya at Gresya. Ang tulang kurido ay pasalaysay. Ang tanyag na kurido ay ang Ibong
Adarna.

c. Karaniwang Tulang Pasalaysay - Ang mga paksa nito ay tungkol sa mga pangyayari sa araw-
araw na buhay.

 TULANG PATNIGAN
Kabilang sa uring ito ang karagatan, duplo at balagtasan.

a. Balagtasan

Tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pngangatwiran sa isang paksang pagtatalunan. Ito’y
sa karangalan ni Francisco “Balagtas” Baltazar.

b. Karagatan

Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa pagtula na kabilang sa tinatawag na “libangang
itinatanghal” na ang taglay na pamagat ay nanggaling sa isang alamat ng singsing ng isang dalaga na
nahulog sa dagat.

c. Duplo

Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay sa pagbigkas at pangangatwiran nang patula.
Hango ang pangangatwiran sa Bibliya, mga salawikain at mga kasabihan.

 TULANG PANTANGHALAN o PADULA


Karaniwang itinatanghal sa theatro. Ito ay patulang ibinibigkas na kung minsan ay sinasabayan
ng ritmo o melodiya ng isang awitin. Naglalarawan ito ng mga tagpong lubhang madula na maaaring
makatulad ng, o dili kaya’y naiiba sa nagaganap sa pang-araw-araw na buhay.

Ipinasa ni:
DANICA F. PANGANIBAN
(BSED-FIL III)

Ipinasa kay:

GNG. ROWENALYN PALOS-SAGUN


(Dalubguro)

You might also like