Remedial Class Script

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

<slow mo camera sa corridor>

 May nag sisikuhan,


 may tinutukso,
 may tinisod at
 naghaharutan.

(Monologue ni Mich sa corridor habang naglalakad)

Michelle: Sa loob ng isang paaralan na sinasabing ikalawang tahanan – naroon ang iba’t ibang klase ng
estudyante. May matiyagang mag-aral, may happy go lucky at may mga wala lang magawa sa buhay. Sa likod ng
iba’t ibang ugali at katangian ng mga estudyanteng ito ay may natatagong kanya-kanyang karanasan. Iba’t ibang
hamon sa buhay, iba’t ibang istorya.

<tunog ng bell>

<ang mga estudyante ay nagsitakbuhan na, pasalubong sa gurong si Mich>

Michelle: <titigil sa tapat ng pintuan, pupunta sa harap ng klase>

(ang mga estudyante ay magulo)

<ang camera ay popokus sa mga estudyanteng

 Nag mamakeup
 Binubully or naglalaitan
 Maiingay na nag uusap
 Nagyayaan ng inuman at pag cucutting
 Mga walang pakeng students

Michelle: Okay class, attention. Let’s start our REMEDIAL CLASS

<ang screen ay nagbablack out at ipapakita ang title>

<fade in>

(scenario in nag aayos na ng gamit ang mga estudyante )

Mich: CLASS DISMISS!

(nag aayos na ng gamit si Mich)

(napansin ni Mich na dumaan sa pinto si Tin kaya’t hinabol nya ito)

Mich: Christine, bakit naman hindi ka pumasok nak, alam mo namang remedial class natin, di’ba?

Tin: Ma’am kasi po mag dodrop-out na po ako.

Mich: Oh bakit? Huh? Anong problema?

(aakayin si Tin sa classroom at uupo)

Christine: Ma’am, madami po kasi eh

Mich: Oh sige Christine, makikinig ako nak.

(Flashback starts – Wednesday group)

Genzola- nabuntis

Borja- BF ni tin

Petate- Rapist

Patricia -squad/ supplier ng drugs

Lei - squad/ supplier ng drugs

Rea- squad/ supplier ng drugs

Flashback start

Tin: Ako si Cristine Genzola, ito ang storya ko


Scene: (normal na maghaharutan sina tin at Borja)

(Uuwi sila ng gabi galling galaan)

Borja: Hatid na kita babe

Tin: babe wag na baka makita ka pa ni mama. Papagalitan pa ako

Borja: sige ikaw bahala babe

(hindi nila alam na may lalaki palang kanina pang nakasunod sa kanila)

Borja:babe ingat ka ahh (tatango si tin)

(matapos maiwan ni tin ay unti unti rin na lumapit ang lalaking kanina pa sumusunod. Pagdating sa madilim na
kanto ay hinila sya nito at dun nangyari ang kagimbal gimbal na pangyayari)

(rape scene)

Flashback end

(Continution ng pakikipag usap ni tin sa kanyang teacher)

Tin: nirape po ako(sobs) matapos mangyari yun ay nagkanda malas malas na ako. Nahuli ako sa klase at
hiniwalayan ako ni JB. Tas nabunga pa ito (ituturo ang tyan) kasalanan nila ito (more sobs)

(marerealize ang nagyari sa kanyang estudyante)

Teacher: (magpapayo)

Kinabukasan

(papasok sa room yung squad, makikita si tin at lalapitan)

Impe: Oy frend look at you ang losyang mo na. anyare sayo?

Tin: Wala ito(iiling) medyo may problema lang

Rea: Sama ka samin maya. Masaya dun pramis (convincing look)

Tin: Ayoko masama pakiramdam ko

Lei: Mawawala sama ng pakiramdaman mo kung sasama ka sakin. Dadalhin ka naming sa langit (ngingiti)

Tin: Di ako makakasama wala din akong pera

Impe: Magkakapera ka dun. ano sama ka?

(makukumbinsi si tin sumama nang malaman nyang maaring syang magkapera)

(makakareceive si Impe ng text message)

Impe: Girls tara na daw, andyan na sila.

---corridor---

Squad: (magchihikahan tas biglang lalapitan ng dalawang babae)

Marj at jalilah : nasan na?

(magkakaabutan ng pasimple at aalis ng parang walang nangyare)

<dadaan sa gilid sila Gadiel, Petate, Edgardo akbay-akbay si Justine>

(dadalhin nila si Justine sa likod ng Faculty room at bubugbugin)

(hawak ni Petate at Edgardo si Justine sa magkabilang braso)

Gadiel: ANO?! (suntok) nagmamatigas ka na ha?

Petate: (batok) Bading ka naman eh!

(tawanan ang boys)

Edgardo: Amin na ang baon mo ano!


Justine: Wala nga akong pera eh!

Gadiel: ANO BA YAN! Walang kwenta! (sipa kay Justine)

(mapapaluhod si Justine sa sakit at aalis na sila Justine)

<susundan ng camera si Gadiel at ipapakita ang storya ni Gadiel>

(Flashback story starts- TUESDAY GROUP)

Gadiel- bully

Janine- kapatid ni Gadiel

Mark- tatay

Sheena- nanay

(STORY NI GADIEL)

Gadiel: Nasan na si mama at papa?

Janine: Nasa bingguhan si Mama, tas si papa ayun kasama naman yung mga bestfriend niyang alak.

Gadiel: Eh si Marjorie?

Janine: Nagawa daw ng project. ( habang naglalagay ng make-up)

(Saktong dating ni Mark, lasing at may hawak na bote, diretso ng kusina)

Mark: (sumisigaw) Bakit wala pa tayong pagkain? Punyeta namang buhay to! Mga wala talaga kayong kuwenta
lalo ka na Gadiel! (Sabay suntok sa muka) Napakabulakbol mo. Pumunta ka sa nanay mo at humingi ng pera
pambili ng pagkain hanggat nagtitimpi pa ako, Ikaw Janine sunduin mo na si Marjorie!

Gadiel at Janine: Opo papa! (natatakot na boses)

(SA BINGGUHAN)

Gadiel: Nay penge daw po ng pera si papa pambili ng pagkain ( medyo naiinis ang boses)

Sheena: Aba! Susmaryosep talaga kayo! Manang mana ka talaga sa tatay mong walang itlog! Wala na ngang pera,
inom pa ng inom !

Gadiel: Nagagalit na si papa, ma.

Sheena: (Natriggered, sinampal si Gadiel) Kapal ng muka ninyo, umuwi ka, wala kong panalo bwiset, kaya pala di
ako manalo-nalo at sabihin mo diyan sa tatay mong maliit ang titi, umayos siya! Nak ng putcha!

(aalis si Gadiel)

Razel: (matatawa tawa) Nako mare hayaan mo na sila, tuloy na natin to, bibinggo nako!

Kristal: Ako din isa na lang JACKPOT NA!

BACK TO REALITY

(bumalik si Gadiel at boys sa loob ng classroom)

Gadiel: (Sinipa ang upuan!) Walang kwentang bakla yan!

Precious: (Nagalit) Ano ba yan Gadiel, umayos ka nga!

Therrie: (Papasok) (Hihilahin ang upuan ng malakas)


Precious: Oh!! Ang aga-aga putok na putok na naman yang labi mo a. (tatawa)
Mga kaklase: (magtatawanan at paguusapan si Therrie)
Therrie: Ano ba!! Wala kang pake!! Bwisit to, tsismosa!!
Paulette, Zien Therrie: (uupo)
Therrie: So yun na nga diba? Asan na tayo? Uhmm… Ayun! Kay Mark. Alam mo na ang hot-hot ni
Marky.
Paulette: Jusko! Sino na naman yang M-mark na yan?
Zien: Obvious naman. Edi bago niya. HAHHAHA
Paulette: Ano yan gurl! Flavor of the week.
Therrie: Oy! Gaga! Hindi kaya. (pabebe) So si Mark na nga diba? Alam mo ba?
<matatapat ang camera kay Alyssa na katabi lang ni Therrie>
(narration starts here – MONDAY GROUP)
(scene na naglalakad si Therrie ng malandi)
Alyssa: Yan si Therrie. Puyat sa umaga kasi gising na gising sa gabi. Alam ng mga kaklase ko kung anong
trabaho ang meron siya, pero hindi nila alam ang buong istorya niya.
(scene na ipinapakitang dumaan sa bahay ni Alyssa si Therrie na nakarevealing na damit)
Alysssa: Kapitbahay ko sila mula pagkabata, naaalala ko pa noon nung mga panahong kalaro ko pa
siya. Napakabuting anak ni Therrie kay Aling Ange, mahal na mahal niya ang kanyang Ina kaya labis
siyang naghihirap ngayon para lang mabuhay ang mahal niyang nanay
(scene na nasa loob ng bahay ni Therrie)
Therrie: Nay, nandito na ako!
Ange: Nak (ubo ubo) andyan ka na pala! Kamusta ang araw mo? (ubo)
Therrie: (uupo sa tabi ng kama ni Ange, dala ang gamut at baso) Masaya nay! Ang dami nga naming
ginawa eh, heto ho nay at inumin nyo na ito.
Ange: Nak, saan naman galing ang pera na ipinambili mo dyan?
Therrie: (naghahanap ng sagot) ay nay! Dyan kaya aling Tolome, nangutang muna ako.
Allysa: Nagulo ang buhay nila nang iwan sila ng kanyang ama at sumama sa ibang babae, muntik na
magpakamatay ang kanyang ina noon ngunit nagpakatatag na lamang ito dahil nandyan pa siya.
Nagtrabaho bilang janitress sa isang pabrika, makalipas ang ilang taon ay nagkasakit ito matapos
makalanghap ng kemikal sa pagawaan.
(Ipakita na lang na sya ang nagluluto at nag sasaing)
Alyssa: Bilang anak ay napilitan siyang gawin ang isang bagay na di inaasahang gawin ng isang dalagang
katulad niya. Ang magbenta ng laman.
(aalis na si Therrie)

Therrie: Nay, aalis na po ako ha! May pagkain na po riyan at ang gamut nyo ay wag nyo lilimutan.

Ange: Aba’y mag iingat ka nak, pagpalain ka nawa ng Panginoon.

Therrie: (hahalik sa pisngi ng ina at aalis na)

<sunod ay may kausap si therrie sa bintana ng kotse at sasakay na sya>

<sa loob ng kwarto>

(may malalaglag sa sahig na damit, at underwears)

(sa kama ay lumuluha si Therrie)

BACK TO REALITY

(Kinabukasan)

(uupo si Therrie na nanghihina at wala sa mood)

(lalapit ang squad nila Czarinah)

-Poblete, redouble, rolle, petate. Lazo.


Lazo: Uy, hi girlfriends! Okay ba tayo dyan? (walang papansin) Mga chararat na tayo kala mo mga kavoguera
lakas mang echapwera.

Therrie: Pasensya na ha. Napagod lang kagabi.

Ynah: Alam nyo kung anong magpapagana sa mga yan?

SQUAD: ano?

Ynah: ALAK!

Rolle: Oo nga girlfriends, tara inom muna tayo! Nangangati na lalamunan ko.

Lea: My treat! 1 case of beer guys!

SQUAD: Yes, payaman!

Lazo: Ano na girlfriends! Cutting na bilis! Gorabels na us!

SQUAD: lezgo!

Ynah: (inakbayan si Kaila) Ano nerd? Sama ka?

Kaila: Ano kasi eh, hindi pwede.

Ynah: Luh? Bakit naman?

Kaila: ang dami pa nating assignments eh.

(Tumayo na ang lahat at paalis na)

Lea: Kung ayaw mo, edi wag. We don’t need to please you. Bahala ka mag isa dyan. Akala mo ba may tatanggap
sayo?

(tatalikod na ang lahat)

Kaila: A-ah, teka guys!

(lilingon ulit lahat)

Kaila: sasama na ako.

NEXT SCENE

<sa bahay-inuman>

Kaila: teka, hindi ba tayo papagalitan kasi nag cutting tayo?

Lazo: Nakakaloka, nanditey na us oh, iniisip mo pa rin yan? Daming knowings naman nitey.

Rolle: Tama na yan guys! Shot na tayo daliii!

(cheers pero si Kaila ay hindi pa iinumin ang kanya)

Ynah: Oh nerd, tikman mo yan oh ( alok ng alak)

Lea: Sige subukan mong tanggihan yan, you’ll pay twice.

(ininom ni Kaila ng isang lagukan)

SQUAD: YEEEESSSS! Woooh pawer!

NEXT SCENE

(naglalakad si kaila papasok na ng school)

Rolle: Pst! Hoy nerd, halika dito!

(lalapit si Kaila)

Ynah: Halika, subukan mo to (inabot ang yosi)

Lea: Oh ano? (panlakihan ng mata si Kaila)

Lazo: Sigi na girl, wala namang mawawala sayo eh!


(hihithitin ni Kaila at mauubo)

Rolle: Sa umpiisa lang yan, you’ll get used to it. Sanayan lang yan.

(narration)

Narrator: Di rin kalaunan ay nasangkot na ang mga bata sa droga

NEXT SCENE –sa kanto

Ynah: Oh ano? Naiabot mo ba nang malinis ha?

Kaila: Ah oo, walang nakakita, at eto may tip pa (sabay abot ng pera kay Ynah)

Ynah: Yan ang bata ko! (bilangin pera at iabot 200 kay Kaila) Oh parte mo.

(lalapit na sila sa SQUAD)

Rolle: Oh mag yosi muna kayo (habang nasa bibig nya ang isang yosi at iaabot ang isang kaha sa mga kaibigan)

Lazo: Mamaya ah, sa bahay, inuman session girlfriends ng alas otso ah.

Next scene- sa room

(puyat ang SQUAD)

(papasok ang teacher na si MICH)

Michelle: Good morning class. Gusto ko lang iannounce na malapit na ang exam natin kaya yung mayroong mga
kulang na quizzes or activities at yung may mga absent, kailangan nang magpasa sa akin para mairecord na.

And Mina, please stay after our class.

--AFTER CLASS—

Michelle: Mina, madami kang kulang sa record mo dahil sa lates at absences mo. Kaya kailangan mong magawa
yung mga yun before ng exam para pumasa ka.

Mina: *lutang*

--FLASHBACK—

SA TRABAHO

Mina: Jean Rose, ako na gagawa nyan. Ikaw na muna sa counter.

Ailyn: Mina, pinapatawag ka ni Ma’am sa office.

Mina: Bakit daw?

Ailyn: Hindi ko alam eh, wala namang sinabi.

SA OFFICE

Mina: Ma’am pinapatawag nyo daw po ako?

Maria: Take a sit first. Lately kasi, napapansin ko na ang dami mong absences. Naiintindihan ko naman na
working student ka pero di naman pwedeng ganto lagi. Siguro kailangan mo ng ibang trabaho na mas
mamamanage mo ang iyong oras.

Mina: Ibig sabihin po ba na sinesesante nyo na ako?

Maria: Exactly pero alam kong makakahanap ka pa ng ibang trabahong bagay sayo.

--END OF FLASHBACK—
Michelle: Sana makapagpasa ka na sa susunod. Lumapit ka nalang sa’kin kung may tanong ka pa. Sigi nak,
makakaalis ka na.

Mina: Sige po Ma’am, salamat. (lalabas)

(tatawag si Mich sa Ministry)

Mich: Sister, si Michelle po ito.

Jackie: Magandang umaga sister, kamusta naman po?

Mich: Magandang umaga rin po. Ako po ay kasalukuyang teacher ng isang remedial class. Sister, sa totoo lang ay
napakahirap at napakabigat ng responsibilidad. Ang bawat bata sa aking klase ay may kanya-kanyang problema.
Ang alam ko lamang po sa ngayon ay nalilimutan na nila ang Panginoon kaya po’y napatawag ako sister.

Jackie: Yes sister, ano ho ba yon?

Mich: Ako po sana’y hihingi ng inyong tulong at nais kong muli silang ilapit sa ating Diyos Ama, matutulungan
nyo po ba ako?

Jackie: Aba’y syempre naman, walang problema. Kung maari nga’y bukas natin agad gawin.

Mich: Opo sige po sister, isang malaking tulong po ito para sa kanila. Maraming salamat po.

Jackie: Walang anuman sister, pagpalain ka nawa ng Diyos sa kabusilakan ng iyong puso para sa mga bata iyon.

Mich: Maraming salamat po.

(call ended)

(kinabukasan sa classroom)

Mich: Okay class! Paki pabilog naman ang inyong mga silya, at may bisita tayo.

Mga estudyante: Ano ba yan! ( aayusin pabilog ang silya)

Kirk: Yes walang klase! HAHAHHAHHAHA

(papasok ang mga bisitang sila Jackie, Honey, at Irish)

Jackie: Good morning students, ako nga pala si Jackie Macaraeg, 20 years old na ako at galing kami sa JIL
ministry

Honey: ako naman ay si Honey Lou Peje at..

Mark: Honeeey, my love so sweeeet~ (tawanan ang lahat)

Mich: Classs~

Irish: ako naman po ay si Irish Mondragon.

Jackie: Naririto kami dahil nais naming ipakilala sainyo ang Panginoon, ngunit bago ang lahat, simulant natin sa
munting dasal.

(tatayo ang lahat at magdadasal si Jackkie)

(mag sstart na ng topic about sa pagbabago at pagharap sa problema kasama si God)

Honey: ano ba yung kasalukuyang laman ng prayers nyo?

Benedict: yung pong makapasa dito sa remedial class

Genzola: Ang kapangyarihan po ng kapatawaran, at magandang health para sa baby ko

(magugulat ang lahat ngunit kakalma din)

Gadiel: Maayos na pamilya po, kasi po yung tatay ko eh lagi akong binubugbog at nanay ko po ay sugalera(sobs)

Therrie: Yung po sana matanggap pa ako ng Panginoon pagkatapos ng mga nagawa ko

Irish: Oh iyan, sana ay matandaan namin lahat ng prayers nyo, bibigyan ko muna kayo ng ilang minute upang
magdasal pagkatapos noon ay sama sama tayong mananalangin ha.
(kaunting katahimikan)

Honey or Jackie: (magsisimulang magsimula, at babanggitin lahat ng prayers ng mga bata)

<habang nagdadasal ay umiikot ang camera sa mga bata at pagtumutok sa bawat bida ay magfflashback ang
conflicts nila sa buhay>

(lalong maiiyak ang mga bida)

(after magdasal ay kakanta) <transition>

KINABUKASAN

(maagang dumating si Mina)

Cath: Ang aga mo ngayon ah!

Mina: Oo, at aayusin ko na ang aking pag aaral eh

(Darating ang tropa ni gadiel kasunod sa likod ay si Justine, pagkakaupo)

Petate: ano, lapitan na natin? (lalapit sila kay Justine)

Gadiel: Justine, pre, sorry ah.

Justine; Sige pre, salamat. Pinapatawad ko na kayo basta wag nyo na uulitin ah.

(dadating sila SQUAD, uupo at matatahimik)

Kaila: Tinapon ko na ang lahat.

YNah: Nagsisisi na ako

Lea: after graduation, magpaparehab ako.

SQUAD: kami rin

(katok katok si JB)

JB: Excuse me p okay Christine Genzola

(lalabas ng pinto si Tine, umiiyak na)

JB: babe, patawarin mo ako (hawakan ang kamay ni Tine) Mahal pa rin kita at narealize ko na hindi dapat kita
iniiwan. Pananagutan ko yang dinadala mo at hahanapan natin ng hustisya ang nangyari sayo ha.

Tine: Salamat JB (yakap)

(darating si Therrie at uupo sa tabi nila alyssa pa rin) *ang damit ni Therrie ay hindi na revealing*

Students: wao naman therrie.

Paulette at Zien: Hi girl.

Therrie: Hi girls, sandali ah (maglalabas ng tissue at mag tatanggal ng sobrang lipstick) ayaaan.

(dadating si MIch at aayos ang lahat, maayos ang mga estudyante at makikinig lahat)

Students: Maraming salamat po Teacher Michelle.

(insert verse or quote about change)

(title)

(Credits)

Director: yuki

Scriptwriters: yuki, zien, mich, patricia, razel, ynah, kristel

Cameraman: ________

Editor: rolle, honey, yuki

Special thanks to: ____________

You might also like