Download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3
GROUP II
Narrator: Minsan nasasabi natin sa sarili natin. Madali lang
magmahal. Madali lang maghanap ng mamahalin. Kapag nakahanap ka na. Yung tipong seryosohan na. Tapos bigla nalang syang mawawala. Walang pasabi.Walang ano ano. Iiwan mo ba agad? Papalitan mo ba agad? Kakalimutan mo lahat ng mga pinagsamahan nyo ng dahil sa kalagayan nya? SCENE 1 MALL Candice: Jeydon, pumunta tayo sa mga stall dun oh! *tinuro nya yung stall ng cosmetics at iba pa tsaka pumayag naman si Jeydon* Candice: Ano kayang pwedeng bilhin sa mga ito? Ibigay natin kay Tita Mel? Jeydon: Wag na. Maraming pang paganda si Mama. Kaya wag na. Candice: Eh ano bibilhin natin? Jeydon: Kahit ano basta wag yun. Tara dun tayo. *pumunta sila sa kabilang stall* Salesman: Good morning. Good morning mga kapatid, kapuso at kapamilya! Punta po kayo dito dali. At ii-indorse ko sainyo ang latest and upgraded product namin. Jeydon: Oh! Dun tayo! *pumunta sila sa salesman na nagsasalita* Salesman: Hi sa mga magkasintahan dyan! At sainyong lahat. Welcome po kayong makinig sa aming sasabihin. Hello! Hello! Hello! Ito po na hawak ko ay para sa mga magkasintahan, magka-pamilya at kahit ano. Mapabata man o matanda. May ipin man o wala. Pwede nyong i-try ito. Sa mga magkasintahan, pag uminom kayo nito. Lalago ang inyong relasyon. Di kayo maghihiwalay, at maniwala man kayo o hindi, pag-tinry nyo ito. Magasasama kayo in a lifetime. Walang bibitaw at oonti ang inyong mga problema. So ano pa hinihintay nyo? I-try nyo na! Kung gusto nyo ng lifetime relationship! Its just P1,500 per bottle. At paalala, ang babae lang ang iinom. Candice: Bili na tayo! Para hindi tayo maghiwalay pa! Please bae! Bili na tayo! Dali na! Jeydon: Kaya naman nating umabot sa lifetime eh. Wag kang maniwala sa mga yan. Baka niloloko ka lang nyan. Mahirap ang panahon ngayon. Candice: Wala naman mawawala eh. Bilis na! Jeydon: Aisssh! Sige na nga! Candice: Thank you bae! *pumunta si Candice dun sa salesman at binili na yung product habang si Jeydon ay naghihintay sa kanya* Candice: Thank you baeeeeee! Ininom ko na pala. Tara na uwi na tayo! Confident na ako na di na tayo maghihiwalay pa! Iloveyou baeeeeeee! Jeydon: Iloveyoumooooore! :* SCENE 2 SCHOOL Candice: Bes, nahihilo ako. Tiffany: Ano ba nakain mo at nahihilo ka? Baka kulang ka sa dugo bes. Upo ka nalang kaya muna. Ito tubig *binigay ni Tiffany yung tubig* Inumin mo muna. Candice: Salamat bes. Stacey: May period ka ba? Candice: Wala eh. Stacey: Ah! Buntis ka? Candice, Tiffany & Vivian: Tangek! HINDI! Stacey: Ooops Sorry na! Vivian: Alam ba to ni Jeydon? Candice: Hindi eh. Wag na. Wag mo ng ipaalam. Baka magalala pa yun masyado. Tiffany: Bes, kelangan nyang malaman. Kaya nga boyfriend mo eh.
Jeydon: Ano ba ang kailangan kong malaman? *pumasok si
Jedyon ng hindi alam nila Candice* Candice: Ahh.. Wala baeee. Gutom kasi ako tapos si Tiffany ang over over eh. Nevermind it nalang. Jeydon: Wala ka bang baon? Oh ito, dinalhan kita. Kumain ka na. May laro kami eh. Sigeee na alis na ako. Pag may problema tawagan mo nalang ako. Iloveyou baeee. Candice: Iloveyoumore baee. *umalis na si Jeydon* Stacey: Gaga ka ah! Bat di mo sinabi! Pretend ka pang gutom ka lang! Jusko Candice pag may nangyareng masama sayo tapos nalaman ni Jeydon, lagot ka sakin! Candice: Baka gutom lang to. Vivian: Jusko daaaaay! SCENE 3 Jeydon: Panyang! Bat absent si Candice? Almost 3 weeks na eh. May nangyari ba? Tiffany: Di nga rin sumasagot sa tawag ko eh. Pumunta ka ba sa bahay nila? Jeydon: Balik balik nga ako sa bahay nila pero walang tao. Di ko rin ma-contact pati sa fb. Di na rin. I used to call her mother pero cannot be reach pati rin yung papa nya tsaka yung brother nya. Stacey: Baka nagbakasyon Jeydi. Jeydon: Kung magbabakasyon yun dapat sinasabi nya sakin. Vivian: Nag away ba kayo? Jeydon: Hindi naman. Di kami nag aaway. Tiffany: Eh yung mga Tita nya, relatives nya. Na-contact mo na rin? Jeydon: Lahat sila. Wala. Stacey: Jeydon, natanong ko yung Dean kanina, sabi nila nagtransfer na si Candice. Jeydon: HA!? Saan naman!? Bat di nya sinasabi yun lahat sakin! Nagtatampo na ako sa kanya! Nag-transfer sya ng hindi ko alam! *cries* Vivian: Tahana Jeydon. Ill make a move para mahanap natin si Candice. *cries* SCENE 4 Flashback. HOSPITAL Doctor: Candice and also to the family. May Cancer po ang anak ninyo dahil sa pag-intake ng product na not approved by DOH and BFAD. Bumili ka ba ng vitamins na inaalok ng mga salesman either sa Mall or sa School ninyo? Candice: Natatandaan ko po, may nag alok samin ng gamot for a lifetime relationship daw po yun. Kaya uminom po ako. Doctor: That says it all. Im so sorry to tell you this. Yang mga ganyang paalok alok iha, ang tawag sa kanila ay Medical Quackery. Hindi mga lisensyadong mga manggagamot. Maaalis naman ang Cancer mo iha pero kailangan mo ng treatment and it is so expensive. So, babalik nalang ako dito for some review and analysis. Sige. Mother ni Candice: Thank you Doc. *umalis na yung Doctor* Candice: Ma Si Jeydon pooo Mother ni Candice: Wag mo munang isipin si Jeydon. Magpagaling ka muna. *cries* Naak. Wag kang bibigay okay? Nandito pa kami. Nandito pa si Jeydon. Marami pa kaming nagmamahal sayo. Wag muna naak. Nagmamaka awa ako sayo. Father ni Candice: Wag muna naaak. Wag munaa. Walang iwanan di ba? So, please piloting mong gumaling para samin at para kay Jeydon. Brother ni Candice: Bunsoo. Magpagaling ka okay? Candice: Opo Ma, Pa, Kuya. Pipilitin ko pong gumaling. Pero may favor lang ako sainyo. Please wag nyo pong sabihin kay Jeydon ang tungkol dito. Ipa-transfer nyo na po ako at mag out of town na po tayo if ever na maging successful ang treatment
sakin. Ayoko pong ipaalam kay Jeydon alam ko pong
masasaktan yun. Ayoko poo *cries* Mother ni Candice: Oo anak. Kami bahala. Basta magpagaling ka. Mahal na mahal ka namin. At mahal na mahal ka ni Jeydon. Lagi mo lang yang tatandaan. Basta pag naging successful ang treatment mo, ipapakulong naming yung gumawa sayo nito. Father ni Candice: Di namin to palalagpasin! Makakatama yan samin! Ng dahil sa kanya naging ganto ang kalagayan mo! Wag kang mag alala.Ipapakulong namin yun agad. Para di na maka loko ng iba. Brother ni Candice: At sana naman, matuto ka na okay? Wag padalos dalos na maniwala sa mga ganyang tao. Humanto ka tuloy sa ganto. Ayaw ka naming mahirapan. Kaya ikaw rin. Wag magpapaniwala agad. Para iwas ganto. Basta for now. Magpagaling ka na muna. Malalampasan mo yan di ba bunsooo? May tiwala kami sayo. Kaya mo yan. We love you bunsooo! SCENE 5 SCHOOL *pumunta si Jeydon sa Dean ng Principals Office* Jeydon: Sir, please po. Pakisabi sakin kung saan po nagtransfer si Candice. Nagmamaka awa po ako sayo Sir. O yung rason po Sir. Please po. *cries* Dean: Ikaw ba yung boyfriend ni Candice? Jeydon: Opo, ako po. Please po Sir. Dean: Sabi sakin ng parents nya, nagkasakit daw si Candice. Cancer daw. Kaya pina-transer na sya ng parents nya for good. Tsaka baka mag out of town na sila. Yun lang ang sabi sakin ng parents nya. Jeydon: Thank you Sir. Pero Sir, may I know po kung saang ospital si Candice naka-confine? Dean: Narinig ko na sa Panganiban Memorial Hospital daw sya dinala. Yun lang ang pagkakaalam ko. Jeydon: Thank you po Sir. Thank you po talaga. *umalis na si Jeydon sa Deans Office at pumunta kay Tiffany na kaibigan ni Candice* Jeydon: Panyang alam ko na kung saan naka-confine si Candice. Tara puntahan natin. Tiffany: Sige Jeydi. Puntahan mo na. Susunod ako, may ipapass lang ako. Mauna ka na. Jeydon: Sigeee, Sumunod ka nalang. Di na muna ako papasok. Sigee. Tiffany: Ingat ka Jeydi. Jeydon: Sige. SCENE 6 OSPITAL Jeydon: Miss, saan po ang kwarto ni Candice? Boyfriend nya po ako. Nurse: Room 145 po. Jeydon: Thank you po. *tumakbo na si Jeydon na nagmamadali* *binuksan nya ang pintuan na hingal na hingal, bakas sa kanya ang kagalakan* Candice: Jeydon?! Jeydon: Candice! *pumunta agad sya kay Candice at yinakap* Juskooo. Anong nangyari sayo! *cries* Candice: Jeydon?! Pano mo nalaman na andito ako?! Jeydon: Wala kang pake. Basta ang importante nahanap kita. Miss na miss na kita baee. Hindi mo alam kung gaano kahirap para sakin na hanapin ka. Kahit saan na ako pumunta mahanap ka lang. At nagpapasalamat ako na nakita na kita.
Candice: Sorry di ako nakapag paalam sayo. Ayoko kasing
malaman mo pa to. Ayokong saktan ka. Jeydon: Sssh. Tahan na. Di naman ako galit. Pero sana lang, pinaalam mo sakin. Boyfriend mo ko di ba? Kaya may karapatan akong alagaan ka o malaman ang kalagayan mo. Kaya ngayon, Aitto lang ako. Babantayan kita. Aalagaan. Hanggang gumaling ka. Kasalanan ko naman kaya ka nagkaganyan eh. Di kita pinigilan. Candice: Wala kang kasalanan Jeydon. Wala satin ang may kasalanan. Napaniwala lang ako agad agad kaya eto napala ko. Jeydon: Ssh. Wag na. Magpahinga ka na dyan. Babantayan kita lagi. Candice: Salamat Jeydon. Tiffany, Stacey & Vivian: CANDICEEEEEEEE! HUHUHU! Candice: Sssh tahan na kayo! Para kayong bugok! Di pa ko patay noh! Stacey: Kaloka ka Daaaay! Vivian: Ang hard nito samin. Candice: Di joke lang. Tiffany: Eh pano nyan? Kelan treatment mo? Candice: Naka-set na bukas. Stacey: Kaya mo yan. Parang manganganak ka lang nyan! Tiffany: Baliw! Hindi yun ganon! I-blade kita eh gusto mo? Stacey: Hehe. LG lang. Sorry pows! SCENE 7 OSPITAL Jeydon: Pakatatag baeee ah? Candice: Oo bae. Para sainyo. Jeydon: Kahit ano pang mangyari, mahal na mahal kita tandaan mo lang yan ah? *kisses her forehead* Stacey: Tandaan mo bes, nandito pa kami. Mahal na mahal ka namin. Vivian: Pakatatag lang ah? Tiffany: Sigeee ka, hindi kita ililibre ng paborito mong fries pag di ka nagpakatatag! Pero kung oo, pupunuin namin ng fries yung bahay nyo. Chaaarot! Stacey: Share ako Candice ah? Tiffany: Kay Candice nga lang yun. Ssh. Pagdating talaga sa pagkain, gusto mo sayo. Kaya ka tumataba masyado. YUCK! Nurse: Sir and Mam hanggang dito nalang ho kayo. Maghintay nalang ho kayo hanggang matapos po yung operation. Jeydon: Tita, magiging successful po ba yung operation? Kinakabahan po kasi ako. Mother ni Candice: Matatag ang anak ko iho. Kayang kaya nya yan. Pray nalang tayo. Jeydon: Pag may nangyaring masama kay Candice, hindi ko po papalagpasin yung gumawa nito sa kanya. Father ni Candice: Wag ka na mag-alala dun iho. Nahuli na sya ng pulisya. Mamaya dadaanan ko na rin para siguraduhin na kulong sya. Jeydon: Sasama po ako sainyo Tito. *calling Father of Candice* Father ni Candice: Hello po? Other line. #&%^#@)*$^@&* Father ni Candice: Andyan na? Sige papunta na kami. Father ni Candice: Pupunta na ako sa Police Station, andun na daw yung tao behind all of this. Jeydon: Tara po Tito. SCENE 8 POLICE STATION Father ni Candice: Sya ba yung nag-aalok ng kahit na ano! Pati anak ko nadamay ng dahil sa produkto moo! Quak Doctor: Kasalan ko ba kung naniwala yung anak nyo?
Father ni Candice: Aba sumasagot sagot ka pa ah! Bakit kami
ba ang may kasalanan ah? Kung di lang sa pa alok alok mo di magkaka ganto ang anak ko! Police Officer: Tama na po Sir. May tamang proseso po dyan. Jeydon: Ipakulong nyo na ho yan para hindi makabiktima ng iba. Pero kung may masamang mangyari sa girlfriend kooo! Habang buhay kitang ipapakulong! Itatak mo yan sa kokote mo! Police Officer #1: May law po tayo na tinatawag na Republic act no. 3720 and it is all about an act to ensure the safety and purity of foods, drugs, and cosmetics being made available to the public by creating the food and drug administration which shall administer and enforce the laws pertaining thereto. Pwede tong mahantong sa pagkakakulong lalo na kung may nangyari sa tao na masama. Police Officer #2: Sumama ka na samin. Ikaw ay hinahatulan na pang habang buhay na pagkakakulong dahil sa ginawa mong panloloko lalo na menor de edad. Quack Doctor: I have to discuss it with my lawyer! Wala kayong karapatan! Police Officer #1: We have the rights Sir. Approved na kayo lumabag sa mga qualifications. Una, hindi po kayo lisensyado. Pangalawa, wala kayong kompanya na pinagta-trabahuhan at pangatlo, nilagay mo sa kapahamakan ang iba para maka ipo ng pera. Police Officer #2: Maliwanag na maliwanag po ang mga violations nyo. Kaya wag na kayong tumanggi. Halika na po. Father ni Candice: Thank you Sir. Police Officer #1: Walang anuman po. Ginagawa lang po naming ang dapat at tama. Father ni Candice: Aasahan po naming iyan. Alis na po kami maraming salamat po ulit. SCENE 9 OSPITAL Jeydon: Tita successful po ba yung operation ni Candice? Okay na po ba sya? Mother ni Candice: Oo, sa awa rin ng Panginoon, Okay naman yung operation. Wala ng dapat ikabahala. Ang kaso di pa gumigising si Candice. Iho, nagpapasalamat ako kasi kahit nagka ganyan si Candice di mo pa rin sya pinapabayaan at
iniwan lalo na nung di namin pinaalam sayo yung kalagayan
nya. Hinanap mo pa rin kami. Thank you dahil napunta ang anak ko sayo. Sa tamang lalaki. Kampante na kami na magiging masaya ang anak ko sa piling mo. Salamat iho. Salamat dahil ganyan mo kamahal ang anak ko. Jeydon: Sisiguraduhin ko rin naman po Tita na magiging ayos ang lagay nya kapag kasama nya ako. Poprotektahan ko sya lalo at mamahalin. Di ko po pababayaan ang anak nyo. Malaki po ang responsibility ko dahil pinapaubaya nyo ho sakin ang anak nyo kaya di ko po sisirain ang tiwala na binigay nyo sakin. Aalagaan ko at lalong mamahalin ang anak nyo. Mother ni Candice: Salamat iho. Sige na. Baka gumising na si Candice. Gusto ko ikaw ang una nyang makita pag nagising na sya. Jeydon: Salamat po Tita. Jeydon: Bae? Alam ko naririnig mo ko. Bae? Gumising ka na para patanag na kami dito. Pag nagising ka, sine all you want. Basta gumising ka na. Bae? *gumalaw yung kamay ni Candice* Jeydon: Bae? Candice: Jeydi. Jeydon: Buti gumising ka na. Salamat Lord. Mahal na mahal kita bae. Lagi mo yang tatandaan. Kaya natin umabot sa lifetime without ng mga gamot na inaalok. Tandaan mo hanggat mahal natin ang isat isa walang makakapag hiwalay satin we can stand each other. May lifetime tayo. Lagi mo yang tatandaan. Hindi kita iiwan. Andito lang ako para sayo. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal. Narrator: We all make mistakes, have struggles, and even regret things in our past. But you are not your mistakes, you are not your struggles, and you are here NOW with the power to shape your day and your future. You can last your relationship with patience, trust, and valuing your relationship. Kaya kung mahal mo ang isang tao, hindi mo yan iiwan ng basta basta dahil may sakit sya or what. Keep this in your mind na kung mahal mo sya, papahalagahan mo, mamahalin mo, aalagaan mo at higit sa lahat hindi mo iiwan. Mga problema? Darating talaga yan, hindi yan maiiwasan. Kaya sapat na ang tiwala, pagpapahalaga, pagpapasensya at higit sa lahat pagmamahal para lumago at tumatag ang relasyon na ninanais mo.