Homogenous at Heterogenous, Barayti at Gamit NG Wika

You are on page 1of 5

HOMOGENOUS AT HETEROGENOUS NA SITWASYONG PANGWIKA

Heterogenous
- Ang sitwasyong pangwika sa Pilipinas dahil maraming wikang umiiral dito at may mga diyalekto o varayti ang mga wikang
ito.
- Ito ay wikang iba-iba ayon sa lugar, grupo, at pangangailangan ng paggamit nito, maraming baryasyon na wika
Homogenous
- Ang sitwasyong pangwika sa isang bansa kung iisa ang wikang sinasalita ng mga mamamayan dito. Gayunman, hindi
naiiwasan ang pagkakaroon ng mga diyalekto kahit isang wika lamang ang ginagamit sa isang bansa dahil likas lamang
sa mga tagapagsalita ng isang wika na magkaroon ng ilang pagbabago sa bigkas ng mga Salita, at sa pagbubuo ng mga
salita at mga pangungusap. Nagkakaintindihan pa rin ang mga taong gumagamit ng iba’t ibang diyalekto ng isang wika.

MGA BARAYTI NG WIKA


• IDYOLEK
- Tawag sa kabuuan ng mga katangian sa pagsasalita ng tao
May iba’t ibang salik na napapaloob kung bakit ito nagaganap tulad ng:
*Gulang
*Kasarian
*Hilig o interes
*Istatus sa lipunan
- Ang uring ito ay tangi sa isa o pangkat ng mga tao na may komon na wika. May mga taong may salitang
nakasanayan nang banggitin nang paulit-ulit sa bawat linya ng kanilang pangungusap.
- Kahit iisang dayalek ang sinasalita ng pangkat ng mga tao ay mayroon pa ring pansariling paraan ng pagsasalita ang
bawat isa.
Halimbawa:
Noli de Castro - “Magandang Gabi, Bayan”
Mike Enriquez - “Hindi naming kayo tatantanan!”
Kris Aquino - “Aha, ha, ha! Nakakaloka!Okey!Darla!”
Ruffa Mae Quinto- “To the highest level na talaga itoh!”

• DAYALEK
- Nadebelop mula sa rehiyong kinabibilangan.
- Ito ay barayti ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng
lalawigan, rehiyon, o bayan. Maaaring gumagamit ang mga tao ng isang wikang katulad ng sa iba pang lugar subalit
naiiba ang punto o tono, may magkaibang katawagan para sa iisang kahulugan, iba ang gamit na salita para sa isang
bagay, o magkakaiba ang pagbuo ng mga pangungusap na siyang nagpapaiba sa dayalek ng lugar sa iba pang lugar.
- Ang barayting ito ay inuuri ayon sa lugar, panahon at katayuan sa buhay ng mga taong nagsasalita at kabilang sa isang
heyograpikal na komunidad. Tinatawag din itong panrehiyunal o wikain.

Halimbawa:
Hiligaynon, Kinaray-a, Chavacano, Bikolano, Davaweño

• SOSYOLEK
- Pansamantalang barayti sa pamamagitan nadevelop na malayang interaksyon at sosyalisasyon sa partikular na pangkat
ng tao.
- Tinatawag itong pansamantala dahil nadedevelop ito sa pamamagitan ng malayang interaksyon at sosyalisasyon natin sa
isang partikular na grupo ng mga tao.

Grupo ng ibat-ibang uri o klasipicasyon ng mga mamamayan


*Wika ng mga dukha
*Wika ng mga nasa mataas na antas
ng lipunan
- Kabilang din sa sosyolek ang “wika ng mga beki” o tinatawag ding gay lingo.Ito’y isang halimbawa ng grupong nais
mapanatili ang kanilang pagkakakilanlan kaya naman binabago nila ang tunog o kahulugan ng salita.

Halimbawa:
Churchill – sosyal
Indiana Jones – nang-indyan o hindi sumipot
bigalou – Malaki
Givenchy – pahingi
Juli Andrews – mahuli

- Nabibilang din ang coño, coñotic o conyospeak sa isang barayting sosyolek. Ito ay baryant ng Taglish. Sa Taglish ay
may ilang salitang Ingles na inihahalo sa Filipino kaya’t masasabing may code switching na nangyayari.

Halimbawa:
“Bilisan mo at late na tayo”, ang salitang “tayo” kung saan ang salitang Ingles na late ay naihalo sa iba pang salita sa
Filipino.

- Kung ang coño ay sosyolek ng mga “sosyal” o “pasosyal” na mga kabataan, may isa pang barayti ng sosyolek para
naman sa mga kabataang jologs, ang “jejemon” o jejespeak. Sinasabing ang salitang jejemon ay nagmula sa
pinaghalong jejeje na isang paraan ng pagbaybay ng hehehe at ng salitang mula sa Hapon na pokemon.
- Ang jejemon o jejespeak ay nakabatay rin sa mga wikang Ingles at Filipino subalit isinusulat nang may pinaghalo-halong
numero, mga simbolo, at may magkasamang pamilyar sa tinatawag na jejetyping. Noong una’y nagsimula lang ito sa
kagustuhang mapaikli ang salitang itina-type sa cell phone upang mapagkasya ang ipapadalang SMS o text message na
may limitadong 160 titik, numero, at simbolo lang kaya sa halip na “Nandito na ako” pinaikli at nagiging “d2 na me”.
Madalas na ginagamit ang titik H at Z sa mga salita ng jejemon.

Halimbawa:
aQcKuHh iT2h - “Ako ito”
iMiszqcKyuH - “I miss you”
MuZtaH - “Kumusta?”

 JARGON
- Ito ay mga natatanging bukabularyo ng particular na pangkat ay makapagpapakilala sa kanilang trabaho o gawain.
- salitang teknikal na di-madaling maunawaan ng isang hindi nakababatid sa larangang kinabibilngan nito.
- Ang kakaibang lengwahe naman na ginagamit ng mga doktor, syentipiko, at iba pang propesyonal o teknikal na grupo
kaugnay sa kanilang trabaho ay tinatawag na jargon.Ang tonsillectomy ay ang terminolohiya ng mga doktor sa
pagtatanggal ng tonsil.

Halimbawa:
ang mga abogado ay makikilala sa mga jargon na tulad ng exhibit, appeal, complainant, at iba pa.
• ETNOLEK
- Nadevelop mula sa mga salita ng mga etnolinggwistikong pangkat.
- Ang salitang etnolek ay nagmula sa pinagsamang etniko at diyalek. Taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi na ng
pagkakakilanlan ng isang pangkat-etniko.

Halimbawa:
• ang vakkul na tumutukoy sa gamit ng mga Ivatan na pantakip sa ulo sa init man o sa ulan
• ang bulanon na ang ibig sabihin ay full moon
• ang kalipay na ang ibig sanihin ay tuwa o ligaya
• ang palangga na ang ibig sabihin ay mahal o minamahal
• ang paggamit ng mga Ibaloy ng SH sa simula, gitna, at dulo ng salita tulad ng shuwa (dalawa), sadshak
(kaligayahn), peshen (hawak)
 EKOLEK
- Kadalasang nagmumula o sinasalita sa loob ng bahay.
Halimbawa:
Inihaw/Sugba
Tinola/Sinabawan/Sinigang
Nene/Inday, Toto/Nonoy

• PIDGIN
- Walang pormal na istruktura.
- Nadevelop dahil sa pangangailangan na makabuo ng isang pahayag.
- Kadalasan, napaghalu-halo ng nagsasalita ang kanyang unang wika sa wikang sinasalita ng isang komunidad na bagong
kinabibilangan niya.

Halimbawa:
Ang pananagalog ng Intsik sa Binondo.
“Suki, ikaw bili tinda, mura.
• CREOL
- Produkto ng pidgin nadevelop naman sa pormal na istruktura ng wika.Unang naging pidgin na kaulaunay naging pormal
na wika.
- Ang wikang nagmula sa isang pidgin at naging unang wika sa isang lugar.

Halimbawa:
ang sinimulang wika ng mga Espanyol at wikang katutubo sa Zambianga ay pidgin subalit nang maging
unang wika na ito ng mga batang isinilang sa lugar, nagkaroon ng sariling tumtuning panggramatika at tinawag na
Chavacano (kung saan ang wikang katutubo ay nahaluan na ng impluwensiya at bokabularyo ng wikang Espanyol o
Kastila) at ito ngayon ay naging creole.
• REGISTER
- Tumutukoy sa salitang espesyalisadong nagagamit sa isang partikular na domeyn.

Halimbawa sa Edukasyon:
Blackboard, Chalk, Class record
• PALIT KODA
- Isang paraan ng pagsasama ng dalawa o mahigit pa sa dalawang pahayag na nabibilang sa dalawang sistema ng wika.

Halimbawa:
“I believe na hindi lang tayong mga tao ang nakatira sa universe.”
“You’re so funny talaga Boy.”
“I don’t like you kasi ang pangit mo eh!”

• HALONG KODA
- Ang paraan ng pagsasalitang may nasisingit na salita mula sa ibang wika sa isang pahayag tulad ng taglish o engalog.

Halimbawa:
“Germs. Kapag hindi natin naagapan, dadapo ang sakit.”
• LINGUA FRANCA
- Umiiral na wika at malaganap sa buong bansa.

Halimbawa: Filipino

GAMIT NG WIKA AYON KAY HALLIDAY “Explorations in the Functions of Language (1973)”

 Nabuo niya ang pitong tungkulin ng wika batay sa iba’t ibang yugto ng pagkakagamit ng isang bata. Napansin niya na ang
isang bata ay may hakbang-hakbang na yugto ng kakayahan sa paggamit ng wika samantalang ang nakatatanda ay may
kakayahan nang ilapat ang maraming tungkulin na ito.

 Nagsisimula ang isang bata sa yugto na ginagamit niya ang wika upang magpahayag ng kaniyang pangangailangan, na
tutungo sa pag-uutos at pagkontrol sa mga tao sa kaniyang paligid, hanggang sa may sapat siyang kakayahan para
magtanong-tanong upang tumuklas.
 Naniniwala si Halliday na may gampanin ang wika sa pagbubuo ng panlipunang realidad at mahalaga ang panlipunang gamit
nito sa pagbibigay-interpretasyon sa wika bilang isang sistema.

 Ibig sabihin, ang wika bilang potensiyal sa pagpapakahulugan ay naisasagawa sa pamamagitan ng pagsusuri sa partikular na
panlipunang seting ng komunikasyon.

PANG -INSTRUMENTAL
- tumutulong sa tao para maisagawa ang mga gusto niyang gawin.
- Tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba.
- magagamit ang wika sa pagpapangaral, verbal na pagpapahayag, pagmumungkahi, paghingi, pag-uutos, pakikiusap,
liham pangangalakal
PANREGULATORI
- May gamit ding regulatori ang wika na nangangahulugang nagagamit ito sa pagkontrol sa mga ugali o asal ng ibang tao
- Kabilang dito ang pagbibigay ng mga patakaran o palisi at mga gabay o panuntunan, pag-aaproba at/o di-pagpapatibay,
pagbibigay ng pahintulot at/o pagbabawal, pagpuri at/o pambabatikos, pagsang-ayon at/o di-pagsang-ayon, pagbibigay
paalala, babala at pagbibigay panuto.
- Ang pagbibigay ng direksyon gaya ng pagtuturo ng lokasyon, direksyon sa pagluluto ng isang ulam, direksyon sa
pagsagot ng pagsusulit at direksyon sa paggawa ng anumang bagay ay mga halimbawa ng tungkuling regulatoryo.
PANGHEURISTIKO
- ginagamit ito ng tao upang matuto at magtamo ng mga tiyak na kaalaman tungkol sa mundo, sa mga akademiko o
propesyunal na sitwasyon.
- Ito ay ang pagbibigay o paghahanap ng kaalaman.
- Kabilang dito ang pagtatanong, pakikipagtalo, pagbibigay-depinisyon, panunuri, sarbey at pananaliksik.
- Nakapaloob din dito ang pakikinig sa radyo, panonood ng telebisyon, pagbabasa ng pahayagan, magasin, blog at mga
aklat kung saan nakakukuha tayo ng impormasyon.
PANG –INTERAKSYUNAL
- ginagamit ito sa pagpapanatili ng mga relasyong sosyal, katulad ng pagbati sa iba’t ibang okasyon, panunukso, pagbibiro,
pang-iimbita, pasasalamat,
- paggamit ng mga salitang pang-teen-ager, liham-pangkaibigan, lenggwahe ng mga bakla, propesyunal na jargon,
PAMPERSONAL
- pagpapahayag ng personalidad at damdamin ng isang indibidwal.
- Paglalahad ng sariling opinyon at kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan.
- Pagsulat ng talaarawan at journal at pagpapahayag ng pagpapahalaga sa anumang anyo ng panitikan.
- Nasa anyo ito ng iba’t ibang pangungusap na padamdam, pagmumura, paghingi ng paumanhin, pagpapahayag ng mga
pansariling damdamin (tuwa, galit, gulat, hinanakit, pag-asa, kagustuhan), at iba pang pansariling pahayag.
PANG-IMPORMATIBO
- Ang wika ay instrumento upang ipaalam ang iba’t ibang kaalaman at insight tungkol sa mundo.
- Ang wika ay ginagamit upang magbigay ng impormasyon/datos sa paraang pasulat at pasalita.
- Ang ilang halimbawa nito ay pag-uulat, panayam, pagtuturo, pagpapaliwanag, pagsagot, pagtuturo at pagsusulat ng
pamanahunang papel o tesis.
PANG-IMAHINASYON
- Likas sa mga Pilipino ang pagkamalikhain. Sa pamamagitan ng wika napapagana ang imahinasyon ng tao.
- Nakasusulat ang tao ng:
> tula
> maikling kuwento
> awit atbp.
- Nakaukit sa isipan ng tao ang kanyang mga pangarap na nagsisilbing gabay sa kanyang hinaharap.

You might also like