Homogeneous Na Kalikasan NG Wika
Homogeneous Na Kalikasan NG Wika
Homogeneous Na Kalikasan NG Wika
Mga Layunin
Pagkatapos ng araling ito, dapat na:
Pag-aralan Natin!
Homogeneous na Kalikasan ng Wika
Ang wika ay midyum ng pakikipagtalastasan. Ginagamit ito upang epektibong makapagpahayag ng
damdamin at kaisipan. Kakambal ng wika ang kulturang pinagmulan nito, kung kaya mahalaga rin
ang papel na ginagampanan ng wika sa pagpapalaganap at pagpapayabong ng kulturang
pinanggalingan.
Mayroong mahigit sa 100 wika ang ginagamit sa 17 rehiyon sa Pilipinas. Bawat wika ay mayroong
kani-kaniyang katangian. Gayunpaman, bilang behikulong ginagamit upang magkaunawaan ang mga
tao, nagtataglay ang mga wikang ito ng mga pagkakatulad. Ito ang tinatawag na homogeneous na
kalikasan ng wika.
Ang kalikasang ito ay tumutukoy sa mga katangiang taglay ng lahat ng wika anuman ang pinagmulan
at kultura ng pamayanang inusbungan.
Pag-aralan Natin!
Wika: Arbitraryo at Dinamiko
Ang wika ay patuloy na nagbabago at umuunlad. Mayroong mga salitang nagbabago ang
kahulugan o nagkakaroon ng dagdag na kahulugan sa paglipas ng panahon.
Pag-aralan Natin!
Wika: Bahagi ng Kultura at May Sariling Kakanyahan
Bukod sa pagiging arbitrary at dinamiko, ang wika ay sumasalamin din sa isang bahag ng kultura at
may sariling kakanyahan.
Halimbawa: Sa wikang Arabe ay mayroong ibat ibang katawagan para sa mga uri ng kamelyo. Ang
mga salitang ito ay wala sa ating wika dahil hindi bahagi ng kulturang Pilipino ang paggamit ng mga
kamelyo. Kung gayon, hindi maisasalin sa Filipino ang mga salitang Arabe para sa salitang kamelyo
dahil walang katumbas ang mga salitang ito sa ating wika.
Halimbawa: Ang wikang Nihonggo ay sumusunod sa estrukturang "paksa-layon ng pandiwapandiwa" samantalang ang Ingles ay "paksa-pandiwa-layon ng pandiwa."
Mga Paalala
May mga katangian ang lahat ng wika na siya ring halos ipinagkakatulad ng mga ito anuman ang
pamayanang pinagmulan.
Mahahalagang Kaalaman
Ang wika ay nagtataglay ng mga pagkakatulad, ito ay tinatawag na homogeneous na kalikasan ng wika.
Ang wika ay may mga homogeneous na kalikasan: isang masistemang balangkas, arbitraryo, dinamiko,
bahagi ng kultura, at may sariling kakanyahan.
Sa kabila ng pagiging arbitraryo at dinamiko ng wika ay mababakas pa rin ang likas na pagkakatulad ng
wika.
QUESTION 1
Ano ang ginagamit upang epektibong makapagpahayag ng damdamin at kaisipan?
MULTIPLE CHOICE
QUESTION 2
Ilan ang wikang ginagamit sa Pilipinas?
MULTIPLE CHOICE
QUESTION 3
Ano ang ibig sabihin ng "homogeneous"?
MULTIPLE CHOICE.
QUESTION 4
Ano ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng makabuluhang tunog?
MULTIPLE CHOICE.
QUESTION 5
Ang wika ay patuloy na umuunlad at nagbabago sa pagdaan ng panahon. Anong katangian ito ng wika?
MULTIPLE CHOICE
QUESTION 6
Alin sa sumusunod ang nagpapatunay na ang wika ay mahigpit na kaugnay ng kultura?
MULTIPLE CHOICE
QUESTION 7
Ang salitang "hugot" ay sikat sa kasalukuyan dahil sa panibagong kahulugan nito sa kabataang Pilipino. Anong
katangian ng wika ang ipinakikita nito?
QUESTION 8
Nahihirapan kang maunawaan ang isang wika dahil sa pagsasaayos ng mga salita na iba sa iyong kinasanayan.
Alin sa mga ito ang kailangan mong pag-aralan?
QUESTION 9
Sa pelikulang Dogtooth, inihiwalay ng mga magulang ang tatlo nilang anak sa lipunan. Hindi sila pinalalabas ng
kanilang bakuran at tinuturuan ng mga salita sa pamamagitan ng isang tape recorder. Dagdag pa rito, iniba ng mga
magulang ang pakahulugan sa mga salitang Ingles. Angexcursion halimbawa ay itinuro nila bilang isang matigas na
bagay na ginagamit sa paggawa ng sahig. Alin sa mga katangian ng wika ang naglalarawan dito?
QUESTION 10
Nais ni Claire na higit na matuto ng wikang Espanyol kayat tinanggap niya ang trabaho sa Madrid at doon
nanirahan. Dahil dito ay madaling natuto si Claire ng wikang Espanyol. Aling katangian ng wika ang may kaugnayan
dito?
MULTIPLE CHOICE
We hide question answers, hints and explanations, to prevent students from cheating. To see this content you must verify your account
by contacting our customer service department.